Friday, November 18, 2011

YOSI


Banayad ang pagtama ng araw sa ating mga balat habang tahimik tayong nagsiswing sa ating paboritong parke. Tandang-tanda ko, dito tayo unang nagkita at dito unang naging tayo.

Kasabay ng marahan kong pagulong-surong ay ang mahinang ihip ng hangin. Tumingin ako sa'yo pero ikaw ay nakatulala, tila ba malalim ang iyong iniisip, tila ba wala ako sa paligid. Ininda ko ito, patuloy akong nagswing at pinilit na i-divert ang aking mga sapantaha ukol sa pagtatagpong ito.

Lumipas ang minuto, dalawa o tatlo, nakaramdam ng pangangalay ang aking mga binti, hininto ko ang pagduyan.

Mahal, ano ba yung sasabihin mo?” painosente kong tanong.

Marahan mo ibinaling ang iyong lumulutang na atensyon sa akin.

Gusto mong kumain muna? Baka kasi nagugutom ka.” wala sa sarili mong sabi.

Nakita ko ang iyong mga mata. They were lost. You beamed a smile, it was not hypnotic, infact, it was a cracked one.

I'm not hungry at all. Sabihin mo na.”

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon, nakaramdam ako ng kakaiba. Parang kinabahan ako na di ko maipaliwanag.

Tinignan mo ako, alam kong sinusuri mo ako mula ulo hanggang paa. Lagi mong ginagawa yan, napakapartikular mo sa bawat detalye, sa'yo ko natutunan na mahalaga sa appearance ng isang tao ang mga maliliit na detalye dahil kapag pumalpak ka rito, sira ang imahe mo.

My body tensed.

Nagsimula mong iugoy ang sarili mo sa duyang kanina pa sinasalo ang iyong likuran.

Dumukot ako ng yosi sa aking bulsa. Maya-maya pa ay nagtagpo na ang labi nito at ang sabik na apoy mula sa sabik na Zippo Lighter. Nakita ko nalang ang aking sariling naghihithit-buga.

Yosi na naman.” pagsaway mo sakin.

I smiled.

Isa lang to. Sabihin mo na.”

Hininto mo ang duyan.

You're just perfect for me.”

That opening line got my attention. I looked at you with the white cigar smoke slowly puffing out of my mouth.

Honestly, ikaw yung taong hihilingin na makasama habangbuhay ng kahit na sino.”

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, alam kong dapat maging masaya ako dahil sa compliments na sinasabi nya sakin pero di ko malaman kung bakit kinakabahan ako.

You met my eyes.

Salamat sa lahat-lahat.”

Tumagos sa aking kaibuturan ang sinabi mong iyon. I smiled.

Walang anuman. Mahal kita eh.” maiksi kong sagot

Muling dumarang ang aking labi sa yosing kanina pa inaabo.

Dati, lagi akong nagagago. Lagi nalang ako yung niloloko at umiiyak. Nung nakilala kita, kabaligtaran lahat. Ikaw lang ang nagiisang nagparamdam sa akin na may kaya palang magmahal sa akin.”

I looked at you. You were sobbing.

You're very young and very sweet. I must admit na napakarefreshing mo para sa isang workaholic na katulad ko. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang nagparamdam sakin na may nagmamahal at nagpapahalaga sa akin and for that, I thank you.”

Okay. I know. Salamat. Pero don't worry, di naman ako magbabago eh, bakit ba nagkakaganyan ka? Ano ba talaga ang problema? Nalilito na ako sayo.” mahina kong tanong

You took a deep breath.

Okay, listen.”

Tumulo ang iyong luha.

I threw the cigarette butt. Nagsindi ako ng panibagong stick. I am tensed.

I loved you.” mahina nitong sabi

I knew it. Mabilis na nalanghap ng aking katawan ang nikotina.

Let's clarify. I love you o I loved you?” usal ko.

Tumingin ka sakin, umiiyak.

I loved you.”

Parang bombang sumabog sa aking harapan ang mga salitang iyong binitawan. Nagunahan ang aking mga luha sa pagtulo.

Why?”

Nagsimulang gumaralgal ang aking boses. Hithit-buga.

Why? May iba ka ba? May nagawa ba ako?”

You looked even more confused.

Wala.”

Eh ano?” tanong kong umiiyak, pinipilit maging kalmado.

I fell out of love.”

Natahimik nalang ako. Kahit gaano ko kagusto sumigaw at magwala dahil sa narinig, walang boses na lumalabas. Tingin ko ay sapat na ang mga luha kong walang tigil sa pagtulo. Di ko maramdaman ang sakit. I kept on thinking kung saan ba talaga ako nagkulang? Kung bakit ba nawala nalang bigla? At kung bakit ganun kabilis?

Dahil ba to sa mga maliit na bagay o maliliit na detalyeng nakakalimutan ko? Dahil ba to sa mga maliliit na detalye ng ating relasyong akala ko di makakaapekto? Bakit ka ba nagbago? Ano bang pagkukulang ko?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na tumigil ang aking mga mata sa pagluha.

Tumingala ako sa langit. Maganda ang sabog ng kulay sa dapit-hapon.

Gantihan mo ako. Saktan mo ako kung gusto mo. Para makaganti ka. Please? Alam kong nasaktan kita. Saktan mo din ako.” mahinang pakiusap mo.

Tumayo tayo sa swing. Hinithit ko ang wala ng 2-pulgadang yosi. Kita ko ang pamumula ng baga nito. Nilabas ko ang putting usok nito. Mahigpit kong hinawakan ang cigarette butt.

Ganti ba?” tanong ko

Kahit ano.” sagot mo.

Hindi na ako nagaksya ng panahon. Mabilis kong idinampi ang natitirang baga ng yosi sa iyong braso.

“Ahhhhhh!” napaaray ka sa gulat.

Masakit ba? Hindi yan masakit. Kulang pa yan sa sakit na ginawa mo sakit. Kung kaya lang kitang pasuin lagi, gagawin ko, susunugin pa kita. Kulang pa yang sakit na yan. Kulang na kulang pa.”

Mabilis akong tumalikod. Muling bumaha ng mga luha.

Kung sakaling magmarka ang pasong ginawa ko sa kanya, maalala nya ako. Sa t'wing iiyak at malulungkot ako, maaalala ko sya. Patas na yun.

Natapos ang aming istorya sa lugar na yon. Natapos kung saan kami unang nagkita. Natapos kung saan una naging kami. Natapos ang lahat sa parke, sa may swing. Magkaparehong tao, magkaparehong lugar, magkaibang damdamin.

W A K A S




6 comments:

White_Pal said...

Ano ba yan INAAAAAAAYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!
T_T

Lawfer said...

ouch! u.u nakarelate aq, subra :((

vash said...

nakarelate ako! 1st story na binasa ko d2 sa blog ni titser rovi! :'c

patryckjr said...

sobra naman ang siang to...di ko kinaya.. di ko kayang manakit ng kapuwa lalot pasuin pa lalot minahal mo din yung tao.... lalot.... hayyyyy....

Anonymous said...

na experience ko to, i fell out of love sa taong mahal na mahal ako, sayang napakabait p nmn nya!

Anonymous said...

This happened to me and my ex. Ang kaibahan nga lng. Natanggap na niya ito and were still friends ngayon.

kahit ayaw mong saktan ang taong nagmamahal sayo, di mo naman mapipilit ang puso mo. I chose to be honest than to make her suffer even more by pretending that were ok.

Jerk na kung jerk but mas mabuti na yung masaktan ka sa katotohanan keysa masaktan sa kasinungalingan.


~frostking
(frostking7@y.c)