Tuesday, November 22, 2011

Shufflin' 1.19



Sumunod rin naman agad sa loob ng bahay nina ni Gap si Symon. Naabutan niya itong nagbe-bless kay Nancy bago bumeso sa kanyang ina.

‘Oh, kanina ka pa hinihintay niyan ni Symon.’, ang sabi ni Nancy nang nakita niya si Symon.

‘Yeah. Nagkita na kami sa labas.’, ang sabi ni Gap.

Pumunta si Gap sa kusina para uminom ng tubig. Agad namang sumunod si Symon sa kanya. Malakas ang kutob niya na alam na ni Gap ang nangyari sa kanila ni Darrel.

‘Hey, what do you know?’, ang tanong ni Symon kay Gap habang umiinom ito.

‘Everything.’, ang sagot ni Gap sa pagitan ng pag-inom.

‘Can you specify a little?’, ang medyo naiinis nang tanong ni Symon.

Ibinaba ni Gap ang baso at sinabing sa garden na sila mag-usap ni Symon. Dinaanan nila ang kanilang mga ina pero dumiretso na sila sa garden.

‘Sinabi ni Kuya Darrel sa akin ang lahat. Simula kay James hanggang sa’yo.’, ang sabi ni Gap.

‘Nakwento rin sa akin ni James ang nangyari sa kanila ni Kuya Darrel.’, ang sabi ni Symon.

‘Yeah, I figured that out already.’, ang sabi ni Gap.

‘So, kamusta na siya? Galit pa rin ba siya sa akin?’, ang worried na tanong ni Symon.

‘I can’t say he’s okay. At hindi ko rin pwedeng sabihin sa’yo ang mga napag-usapan namin. Pero eto na lang, siguro, to a certain degree, kayo ni James ang may problema pero mas na kay Kuya Darrel ang problema. He’s going through a rough patch. For years. So, be patient. When he finally found himself, he’ll talk to you.’, ang sabi ni Gap.

‘Thanks, Gap.’, ang nakangiting sabi ni Symon sa kanya.

‘But don’t keep your hopes up. Straight talaga siya.’, ang bulong ni Gap.

‘Oh. Alright.’, ang awkward na reaction ni Symon sa sinabi ni Gap.

‘Tara, samahan mo ako kay James.’, ang yaya ni Gap sa kanya.




***
***
***

Nagpatuloy ang pagkanta ni Symon sa PJ’s bar. Tuwing performance night niya ay puno ito. Walang palya naman ang barkada sa pagsuporta sa kanya. Ang nakakatuwa pa dito ay madalas kasama na nila si Gap habang nanonood. Kaya naman kahit sa gimik nila after ng gig ni Symon, kasama na rin ito.

‘Ang bilis no? May pasok na agad sa Lunes.’, ang sabi ni Lexie.

Nasa isang restaurant sila sa may Jupiter Street sa Makati dahil nilibre sila ni Symon. Sa ilang lingo niyang pagkanta ay nakapag-ipon na siya ng sariling pera kaya heto, nilibre niya ang barkada bilang pasasalamat sa suporta ng mga ito.

‘Oo nga e. Start na agad ng second sem. Tapos Christmas vacation agad.’, ang sagot ni Shane dito.

Pero hindi na muling sumipot si Darrel sa PJ’s simula nung unang pagkanta ni Symon dito. Si Matt ay tinigilan na rin siyang guluhin. Kahit papaano ay naging okay naman siya. Mas naging close na sila ni Gap. Habang lumalalim naman ang relasyon nina Coleen at Jeric. Gayon din ang sisterhood nina Lexie at Shane. Pero as a group ay masaya sila.

‘Kamusta na si James?’, ang tanong ni Symon kay Gap.

‘Okay naman. Pasukan na rin nila sa Monday.’, ang sagot ni Gap.

‘Oy, Gap! Paano nga ulit ‘yung mukha ni Sy kanina nung kumakanta siya ng Bleeding Love?’, ang natatawang tanong ni Coleen kay Gap.

‘Uy, ano yan?!’, ang gulat na tanong ni Symon sa mga kasama.

Magkaharap sila ni Gap sa table. Katabi ni Symon si Coleen at katabi naman nito si Jeric. Si Gap naman ay katabi si Lexie na katabi ni Shane.

‘Dun sa part na mataas? Ganito.’, ang natatawang sabi ni Gap.

Umubo-ubo pa muna si Gap bilang paghahanda sa kanyang paggaya kay Symon. Bago siya magsimula ay natawa siya kaya naman natawa rin ang apat bukod kay Symon. Hindi nito alam ang gagawin ni Gap.

‘I keeeeeeep bleeding love.’, ang sintunadong pagkanta ni Gap.

Ginaya niya ang tumitirik na mata ni Symon habang inaabot ang mataas na nota sa kanta. Walang tigil naman ang tawanan sa table nila. Kahit si Symon ay natawa sa ginawa ni Gap na panggagaya sa kanya.

‘Was I that awful?!’, ang tanong nito sa grupo.

‘Hindi naman. OA ‘tong si Gap. Pero kasi bakit kelangan tumitirik pa?’, ang sagot ni Shane.

‘Hindi ko naman alam. Masyado ko lang sigurong na-feel ang kanta.’, ang sabi ni Symon.

Muli na namang inulit ni Gap ang panggagaya kaya natawa na naman sila. Binato siya ni Symon ng tissue para itigil ang ginagawa. Nakangiti siya dito pero sandaling sumimangot.

‘Eto naman. Nagkakatuwaan lang.’, ang sabi ni Gap.

‘Yeah, at my expense.’, ang medyo pikon na sabi ni Symon.

‘Hindi na.’, ang sabi ni Gap.

Nabaling na sa iba ang atensyon ng lahat ng dumating ang giant pizza na kanina pa nila in-order. Good for 10 yata iyon pero malamang, ubos iyon lahat. Masaya si Symon sa gabing ito dahil sobrang kwela ng mga kasama. Hindi yata natigil ang mga ito sa kakatawa kahit na kumakain sila.

‘Sy, thanks sa pagkain!! Para kaming bibitayin nito sa dami.’, ang sabi ni Jeric.

Naging chorus naman ang pagpapasalamat ng mga kaibigan sa kanya.

‘Minsan lang ‘yan.’, ang sabi ni Symon.

Nagulat siya nang may biglang umapak sa kanyang paa. Napatingin siya kay Gap at nginitian siya nito na puno ng pizza ang bibig.

‘Ew. Kadiri.’, ang sabi ni Symon bago ito simangutan ulit.

Naulit na naman ang pag-apak sa paa niya na sinabayan ng isang malakas na halakhak galing sa apat dahil sa isang nakakatawang joke na sinabi ni Jeric.

‘What?’, ang pasimpleng sabi ni Symon.

‘Galit ka?’, ang walang boses na tanong ni Gap.

Umiling si Symon bilang pagsagot ng hindi. Nakisama na siya sa pagtatawanan ng mga kaibigan. Ganon din ang ginawa ni Gap.

‘Guys, I wanna invite you over to our house. You wanna come? Just the six of us. House parteeeeey!! Before mag-start ang second sem.’, ang yaya ni Coleen sa kanila.

‘Wow!! I’m in!’, ang sagot agad ni Shane.

‘Me, too!’, ang pagsama ng BFF niyang si Lexie.

‘And!!! Ipapakilala ko na si Jeric sa parents ko.’, ang big announcement ni Coleen.

Kahit si Jeric ay nagulat sa sinabing ito ni Coleen. Parang namutla ito marahil sa kaba at takot. Panay ang tanong nito kay Coleen kung ano ang gagawin. Nagpa-panic si Jeric.

‘Relax! They won’t eat you.’, ang sabi ni Coleen.

‘Okay, I’m going.’, ang sabi ni Symon.

‘Gap?’, ang paghihintay ni Coleen ng sagot nito.

‘Count me in.’, ang sabi ni Gap.

‘Yey!! I’m excited! Saturday, around 6PM, alrighty?’, ang masayang sabi ni Coleen.

***

Habang nagsasaya sina Symon ay magkasama naman sina Dana at Darrel sa bahay nina Dana. Magaling na ang sugat ni Darrel sa kamay pero hindi pa rin siya ganon ka-okay kahit na nakapag-open up na it okay Gap. Magulo pa rin ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung dapat niya bang i-keep ang nabubuong relasyon nila ni Dana.

‘Uuwi na ako. Gabi na. Pahinga ka na.’, ang sabi ni Darrel kay Dana.

Hinatid na ni Dana si Darrel sa gate ng kanilang bahay. Humalik si Darrel sa pisngi nito bago umalis. Simula nung insidente sa labas ng PJ’s weeks ago ay ngayon pa lang silang nagkita. Hindi lumalabas si Darrel ng bahay, hindi rin siya nagtetext kay Dana. Ilang oras din siyang nag-stay kina Dana dahil gusto niya nang i-open up dito ang problema pero hindi niya magawa. Natatakot siyang baka hindi siya maintindihan nito.

‘Darrel.’, ang pagtawag sa kanya ni Dana.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa babaeng tumawag sa kanya. Nakita niyang patakbo itong lumapit sa kanya.

‘Halos hindi ka nagsalita simula kanina. Nakinig ka lang sa mga kwento. I was just trying to distract you. And I was trying to distract myself. Nakikita kong hindi ka okay. At ang pagpunta mo dito, tingin ko gusto mo nang humingi ng tulong. I am here. Alright? You can always talk to me.’, ang sabi ni Dana.

Hindi na nagsalita pa si Darrel at bigla na lang niyang niyakap ng mahigpit si Dana. Hindi na rin niya pinigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya.
‘I’m so lost, Dana.’, ang iyak ni Darrel sa kanya.

Pumasok silang muli sa loob pero this time, sa garahe na lang sila nag-stay para hindi na sila maabala pa ng mga magulang ni Dana na nanonood ng TV sa sala.

‘Tell me everything.’, ang sabi ni Dana matapos niyang kumuha ng tubig sa kusina para ipainom kay Darrel.

Nagsimula na si Darrel sa pagkekwento ng lahat-lahat sa buhay niya. Mas naging madali na ito kesa sa pagsasalita niya noon kay Gap. Hindi naman napigilan ni Dana na maiyak lalo na nang binanggit nito na nagdadalawang isip na siya sa pagpapatuloy ng relasyon nila.

‘Darrel.’, ang tanging nasabi niya nang tumigil ito sa pagsasalita.

‘I don’t know, Dana. Ayokong gawin ‘to pero ‘pag pinatagal pa natin ‘to, baka mas lalo ka lang masaktan. Let me find myself first.’, ang sabi ni Darrel.

‘Hindi mo ba mahahanap ang sarili mo kapag kasama mo ako?’, ang umiiyak na tanong ni Dana.

‘Mahirap. I will be back as soon as I’m okay. Sa ngayon, masyado pang magulo ang buhay ko. Gusto ko makasama kita kapag naayos ko na ‘to.’, ang sabi ni Darrel.

‘I’ll help you. I’ll do anything. Please, wag ka lang mawala sa akin.’, ang sabi ni Dana.

‘Let’s hit pause first. Yun lang ang hihingin ko sa’yo. Maybe in weeks or a month, okay na ako. Saka natin palalalimin ang relasyon natin. Kasi sa ngayon talaga, wala. Hindi ko magagawa.’, ang malungkot na sabi ni Darrel.

Hindi nasunod ni Darrel ang naisip na plano na huwag makipaghiwalay kay Dana. Pero alam niyang tama ang kanyang ginagawa dahil kelangan niya muna ng time sa sarili bago ibahagi ito sa iba.

Para kay Dana naman, kahit masakit ay tinanggap niya. Alam niyang kailangan din ni Darrel ng oras para hilumin ang kung ano mang sugat meron siya dahil sa pagkukulang ng pamilya sa kanya.

Nagyakap muna ang dalawa ng mahigpit bago tuluyang umalis si Darrel. Masakit para kay Dana na makita itong naglalakad palayo sa kanya pero kelangan niyang pagbigyan ang hiling nito.

‘I love you, Darrel.’, ang bulong niya sa sarili.

***

Medyo na-late ng dating si Symon sa bahay nina Coleen dahil sa kinailangan niya pang hintayin ang pagdating ni Grace para maihatid siya nito.

'At last!!', ang sigaw ni Coleen nang dumating si Symon.

'Sorry naman.', ang sabi niya rito pati sa mga kasama.

Ipinakilala na siya ni Coleen sa daddy niya. Wala ang mommy niya doon dahil nasa Hong Kong ito para sa isang business venture. Nagpunta na sila sa tabi ng swimming pool para kumain ng dinner.

'Oy, hindi ka naman masyadong kabado niyan?', ang pang-aasar ni Symon kay Jeric.

Tahimik lang ito at parang namumutla. Naipakilala na siya ni Coleen sa ama. Malugod naman siyang tinanggap nito pero hindi pa rin naialis kay Jeric ang takot dahil sa laking mama ng ama ni Coleen.

'Parang kayang-kaya akong wrestling-in ng daddy ni Coleen.', ang sabi ni Jeric.

'Chillax, dude. Wala ka naming ginagawang masama sa anak niya.', ang sabi ni Symon.

Naging masaya naman ang gabing iyon para sa lahat. Matapos makapag-dinner ay nagsitalunan na ang lahat sa pool. Unti-unti ring nawala ang uneasiness ni Jeric. May nakahanda na ring light drinks para sa kanila. Kampante naman kasi ang ama ni Coleen na uminom sila ng konti dahil sa bahay din namang iyon sila matutulog.

'Cheers for a happy sem ahead!', ang sigaw ni Shane habang nakataas ang isang bote ng Tanduay Ice.

'Cheeeeeers!!!', ang sabay-sabay na sabi ng lima.


Walang humpay ang tawanan at ang hagikgikan ng masayang barkada. Nang magsawa sa paglangoy ay umupo na lang sila sa gilid ng pool at hinayaan na ang mga paa na lang ang mabasa.

'Bakit wala ka pang girlfriend?', ang tanong ni Lexie kay Symon.

'Ha?', ang tanong ni Symon dahil hindi nito alam ang isasagot.

'Sabi ko, bakit wala ka pang girlfriend?', ang pag-uulit ni Lexie sa tanong niya.

'E kasi…', ang pagsisimula ni Symon.

Tumingin naman si Lexie sa kanya sa paghihintay nito ng sagot. Nakita ni Symon sa mga mata nito na mukhang may tama na siya. Bago pa man siya makasagot ay humilig na ito sa kanyang balikat at yumakap sa kanyang braso. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ito sa kanya ni Lexie kaya parang wala lang.

'Hawakan mo kamay ko.', ang bulong nito sa kanya.

Para naman siyang na-hypnotize at sumunod sa sinabi nito. Nagdaop ang mga palad nila at lalong lumapit si Lexie sa pagkakahilig niya dito. Nang nakita ni Shane ang hitsura ng dalawa ay kinikilig nitong tinapik ang ibang mga kasama.

'OH, MY GOD!!' ang masayang sabi ni Shane na walang tunog.

Abot tenga naman ang ngiti ni Jeric at ni Coleen habang si Gap naman ay patuloy lang ang paglagok sa boteng hawak.

Matapos ang ilang minuto ay nagyaya na si Symon na magbanlaw. Medyo hilo na ito kaya naman gusto na niyang matulog. Ang mga babae ay sa kwarto ni Coleen matutulog habang sila nina Jeric at Gap ay sa guest room. Una nang nag-shower si Symon. Matapos siya ay sumunod naman si Gap at panghuli si Jeric.

'Ang sweet niyo ha.', ang sabi ni Jeric habang nakahiga na sila at matutulog na.

'Ha?', ang reaksyon ni Symon.

'Kayo ni Lexie. Sabi na nga ba't magkaka-develop-an din kayo.', ang nakangising sabi ni Jeric.

'Nako, Jeric. Wag kang ganyan. Wala 'yun. Naglalambing lang 'yung tao. Ikaw talaga.', ang sabi ni Symon.

'She clearly has something for you.', ang sabat naman ni Gap.

'Do you feel anything for her?', ang korner ni Jeric dito.

'No! She's my friend! Matulog na nga kayong dalawa.', ang sabi ni Symon.

Kahit tinigilan siya ng dalawa matapos ang ilang pagsasabi niya sa mga ito ay bumagabag din sa isip niya ang pang-aasar nila.

'Hindi pwede. Masasaktan ko lang si Lexie, pag nagkataon.', ang naisip ni Symon habang humihilik na ang dalawang katabi.

Nakatulugan na din niya ang pag-iisip at naalimpungatan na lang siya kinabukasan dahil sa mga giggles at tilian ng mga babaeng kaibigan.

'Picture-an mo!! Dali!', ang narinig niyang tili ni Coleen.

Tuluyang nagising ang diwa ni Symon dahil sa flash mula sa digicam na hawak ni Lexie. Naramdaman niya ang bigat na sumesentro sa kanyang dibdib at hita. Kasabay nito ay ang pagsikip din ng kanyang hinihigaan.

'Awwww!! Ang sweet!! Threesome! Pero mas cute sina Sy at Gap. Look.', ang sabi ni Coleen.

Hindi ito tumigil sa pagsasalita at gumawa pa ng simpleng skit base sa pagkakahiga nila. Nakayakap si Gap kay Symon. Iyon ang dahilan ng bigat na nararamdaman sa bandang dibdib.

'Akin ka lang. Walang makakaagaw sa'yo.', ang sabi ni Coleen gamit ang malaking boses.

Nagtawanan naman ang tatlong babae sa ginawang ito ni Coleen. Si Symon naman ay nagpabaling-baling sa dalawang katabi.

'Guys. Mabigat.', ang mahina niyang sabi.

Wala namang tigil sina Coleen sa pagkuha ng pictures sa mga ito. Muling inulit ni Symon ang sinabi gamit ang mas malakas na boses. Pero wala pa ring kumibo sa dalawa.

Buong pwersa siyang tumayo kaya naman ang legs ni Jeric na nakadantay sa binti ni Symon ay bumagsak sa mga unan. Si Gap naman ay nagulat sa pagkilos ni Symon kaya bumalikwas ito ng wala sa oras at nahulog sa kama.

'OW!', ang daing nito.

Nagulat naman ang lahat sa malakas na pagbagsak ni Gap sa sahig. Kahit si Jeric ay biglang nagising dahil dito. Ang lahat ay nagkumpulan sa side kung saan nahulog si Gap at tinulungan nila itong makabangon.

'I'm so sorry!!! Ayaw niyo kasing gumalaw e.', ang sabi ni Symon.

'Okay lang.', ang paos na sabi ni Gap.

'Are you alright?', ang tanong ni Coleen.

'Yeah. Don't worry.', ang sabi nito.

Inumpisahan ni Gap ang pagtawa dahil sa nangyari sa sarili kaya naman sumunod din ang lahat. Umagang-umaga ay tungkol sa pagkakahulog ang naging topic nila hanggang sa kumakain sila ng breakfast.

Hanggang lunch nag-stay ang barkada kina Coleen at isa-isa na silang hinatid ng driver matapos makakain ng lunch. Hindi na sumama si Coleen dahil babawi ito ng tulog. Halos hindi sila nakatulog nina Lexie at Shane dahil sa pagkekwentuhan.

Ang huling dalawang ihahatid ay sina Symon at Gap. Nang makababa si Jeric ay silang dalawa na lang ang naiwan.

'Uy, sobrang sorry talaga kanina. Sure ka walang masakit?', ang sabi ni Symon.

'Yeah.', ang maikling sagot ni Gap.

'Uy, galit 'yan.', ang pagpansin ni Symon sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Gap.

'Hindi ah. Wag ka ngang ganyan.', ang walang emosyong sagot naman ni Gap.

'Okay. Sorry.', ang tanging sinabi na lang ni Symon.

Hindi na sila nag-usap hanggang sa bumaba si Symon sa tapat ng subdivision. Tanging 'ingat' lang ang sinabi nit okay Gap at 'Thank you.' sa driver ni Coleen.

***

First day of class para sa second sem. Panibagong classroom. Panibagong schedule. Panibagong subjects. Panibagong professors. Agad ring nagpatawag si Darrel ng meeting sa mga volunteers para sa upcoming sportsfest.

Maagang dumating ang mga magkakaibigan na sina Lexie, Gap, Jeric at Symons a Meeting Room. As much as possible, ayaw na gumawa ni Symon ng bagay na mapapansin siya ni Darrel. Mas pinili na lang niyang manahimik at hindi na ito abalahin kesa sa kulitin ito bilang pagsunod na rin sa sinabi ni Gap sa kanya.

Pero, ang lakas ng kabog ng kanyang puso habang papalapit ang oras at paparami ang mga estudyanteng pumapasok. Matapos ang ilang lingo ay ngayon lang ulit niya makikita si Darrel. Hindi niya alam kung ano ie-expect.

Bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Darrel. Walang pinagbago ang kanyang hitsura sa unang tingin. Pero kapag tinitigan mo ay mapapansin ang mas lumalim na mga mata at ang pagkawala ng sigla sa mukha nito. Halos hindi ito ngumiti sa duration ng meeting. At ang aura niya na dati ay sobrang gaan at saya, ngayon ay wala na.

'Are you okay?', ang bulong ni Jeric sa kanya nang mapansin siya nito na nakayuko lang at nagsusulat ng kung ano-ano.

'Yup.', ang pagsisinungaling niya.

Matapos ang meeting ay agad na lumabas si Darrel ng room. Hindi niya ito gawain dati. Si Symon naman ay sinabayan ang mga kaibigan sa paglabas ng room. Pupuntahan nila sina Coleen at Shane na naghihintay sa cafeteria.

'Symon.', ang authoritative na pagtawag ni Darrel sa kanya.

Automatiko naman ang paglingon na ginawa ni Symon sa kinatatayuan ni Darrel. Parang naging blurry ang lahat at tanging si Darrel lang ang kanyang nakikita. Marahan siyang lumapit dito.

'Meet me in the SC office.', ang sabi ni Darrel bago ito tumalikod at lumayo sa kanya.

3 comments:

slushe.love said...

can't wait for the next chapter na talaga. :) ano kaya ang sasabihin ni darryl kay symon? :) YAY

iRead said...

parang ang tagal bago iupdate nito? hmmm still waiting po salamat astig talga ung kwentonabitin ako..

Anonymous said...

Nasa blog ni lui ang lahat ng chap.