Kamusta po sa inyong lahat? ^_^
Natutuwa po ako sa mga taong sumusupport sa akin sa story na ito. Kaya muli, maraming maraming salamat po. :)
Hays, medyo sad lang ako recently.. Kaya pagpasensyahan nyo na din si ako, ha.. T_T
Pangalawa po ay, gusto ko humingi ng pabor. Hahaha! Pa follow naman po ng blog.. Heheheh. Sige na :P Hahaha!! And nga pala guys, you can add me up on fb pa din. We have a growing community sa fb and I hope ay i-add nyo ko ng mai-add ko din kayo sa ating group. We will be having events soon so sana sumali po kayo. :) Ito po ang link ng aking fb acct. :) http://www.facebook.com/kenji.bem.oya PAKIUSAP lang po na magpakilala lang kayo upon adding para ma add ko na kayo agad sa group :) Thanks!! So.. ito na!!
Pangatlo, ay gusto ko pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Matapos nga ang 15 mins na sinasabi ni Mimi ay nakita ko na itong palapit muli sa kwartong kinalalagyan naming.
Ngunit doon. Biglang tumigil ang oras.
Parang biglang hindi ako makahinga.
Everything just stopped.
“Huy, Cedric! Okay ka lang?!”, pagpuna ni Rovi. Ngunit hindi ako sumagot at tinuro lang si Mimi na naglalakad palapit. Pakaway kaway pa ito.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ang paglalakad ng lalakeng palapit sa amin ay parang naging slow motion. Napansin ko ang ganda ng katawan nito dahil sa hapit na hapit na suot nito. Kapansin pansin din ang napaka gwapo nitong mukha. Parang biglang ibang tao ang nasa harap naming ni Rovi na naglalakad palapit.
Alam ko napansin din yun ni Rovi. Tiningan ko ang reaksyon nito at parang manghang mangha din sa nakita. Well, ano pa ba ang nakapagtataka. He is the owner ng club na ito.
“Guys, im back!! At for good na ito!! Pagpasensyahan niyo na kung natagalan! Ang dami kasi ngang tao talaga ngayon!!”, pagwewelcome ni Mimi sa sarili. Kami naman ni Rovi ay napatanga lang sakanya. Nakatitig.
“Uy…”, tanging nasambit ni Rovi.
“Ay! Ito na nga pala yung sinasabi ko kanina. Ang proxy ng amo namin.”
There I saw him.
Pagtapos ng mahabang panahon.
Ito na.
Ito na sya.
“Cyrus?”, sigaw ng utak ko.
Napansin kong napatingin sakin si Rovi sabay tingin muli sa kasama ni Mimi. Hindi ako pwedeng magkamali. It was Cyrus.
“Guys, I want you to meet Felix.”, malugod na pagpapakilala ni Mimi kay Cyrus, este Felix daw.
Felix
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin o kahit pa ang mararamdaman. Halo halong tuwa, saya, gulat, at hiya ang sabay sabay kong nararamdaman.
Pagkatapos ng mahigit isang taon na paghahanap. There he was, standing infront of me.
He looked at me with his cold eyes. Parang ang mga tingin na hindi ako nito kilala. He just stared at me na parang wala lang ako sakanya.
Something about him definitely changed. Ang pananamit nito, ibang iba na. Pwedeng pwede mo nang ikumpara sa mga ala modelong mga tao sa labas. No, nagsstand out ang ichura nya dahil sa sobrang pagkagwapo na nito.
Kahit pa ang katawan nito ay nagbago na rin. Ang dating patpatin ay ngayon ay ang ganda na ng tikas ng katawan. Napaka toned na ng katawan nito.
At ang kaniyang mukha. Mas makinis ngunit sadyang mas maamo. Halatang alaga na ang balat nito. Kutis artista ika nga. Naging napaka flawless nya.
Sinubukan kong magsalita pero para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko nga napansin na nakatayo ako. Ang alam ko ng pumasok sila ay nakaupo pa ko.
“Oh, sIya nga pala. This is Felix. Felix, ito naman si Rovi at ang kaibigan nitong si Cedric.”
Agad nakipagkamay si Cyrus na Felix na ngayon kay Rovi. Para namang natulala lang inabot ni Rovi ang kamay nya.
“Pare…”, mahinang usal nito. Halata ang pagkagulat nito dahil sa tono ng boses niya.
Sunod na tumingin si Felix sa akin. He looked at me as if first time ako nito nakita. Agad nitong inabot ang kamay nya.
“Pare, Felix…”, pagtitig nito sa mga mata nito. Hindi ko alam pero tumaas ang mga balahibo ko. Siyang siya ito pero ibang iba ang nakikita ko.
“Pare?”, ulit na sambit ni Felix. Dahan dahan kong inabot ang kamay nito. And the moment our skin touched, I just knew it was him. Ramdam na ramdam ko.
“So, okay lang ba na dito na lang muna tayo, Felix? Kaibigan ko kasi ito si Rovi back from college.”, tanong ni Mimi kay Felix.
“Of course.”, straight na sagot nito sabay bigay ng tipid na ngiti.
Agad na nagring ang cellphone ni Mimi. Napatingin ito sa amin.
“Guys, 10 mins. Promise. Last na to!”, nahihiyang bugsaw samin ni Mimi.
Napatango lang kami ni Rovi.
“Oh, Felix, ikaw muna bahala dyan, ha.”, pakiusap nit okay Felix. Tumango lang ito.
Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Mas lalo akong hindi makahinga. Gustong gusto kong yakapin si Cyrus/Felix pero hindi ko magawa. May kung anong hiya at ilang akong naramdaman. At ramdam ko din sa aura ni Felix na paiwas ito.
Katahimikan sa aming tatlo.
“Ano nga inumin nyo?”, pagbasag ni Felix sa katahimikan.
“Pare… Ikaw na ba yan talaga…?”, hindi nakatiis na tanong ni Rovi.
Tumingin lang si Felix. Nakipagtitigan, sabay ngiti.
Mas lalong tumitig si Rovi. Yung titig na para bang kinikilala talaga yung mukha.
“Shet, ikaw nga..!”, gulat na sabi ni Rovi. Manghang mangha rin ito at alam kong hindi ito makapaniwala.
Napaisip ako bigla. Paano siya napunta dito?
“Cyrus…?”, awtimatikong nasabi ng bibig ko.
Tumingin din sa akin si Felix. Tinitigan niya ako na para bang nagtatanog kung bakit ko siya tinawag.
“Felix…”, sambit nito.
“Huh?”, tanging nasagot ko.
“I’m Felix.”, matigas na sabi nito sabay inom ng alak.
“Oh, pare. Natulala sayo yung dalawa, oh!”, biglang singit ni George. Naptingin ako dito sabay kay Felix ulit.
“Pare, paano ka napunta dito? Sabi ni Mimi, ikaw daw ang proxy ng amo dito?”, mangha pa ding tanong ni Rovi. Natahimik ako. Naghihintay. Gusto kong marinig ang isasagot ni Felix.
“Sus. Si Mimi talaga. No, I’m just like everybody else.”, sagot ni Felix.
“What do you mean?”
“Pokpok. Callboy.”, direchong sagot nito.
Nagulat at nabigla ako sa narinig.
“Ano?!”, gulat na tanong ni Rovi.
“Sinasabing proxy yan ng amo namin dahil pagmamay ari siya ng amo namin. Siya lang ang kaisa isang escort dito na hindi pwede itake home. Pang display lang kung baga.”, sagot ni Keeshia.
“Ano daw?”, sagot ni Rovi.
“You heard her. Pagamit, paserbis, laruan at pakantot sa amo ko.”, malamig na sagot ni Felix.
“Eww, What a word! Walang kaclass class. Ang lakas maka minus sa pagkagwapo mo, Felix..”, malanding sabi ni Keeshia.
“But it’s true. Ano mang ichura natin. Yun ang trabaho natin.”, direchong sagot nito.
“Well.. Point taken.”, malanding sagot pa din ni Keeshia.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Sinusuka ng utak ko ang lahat ng narinig. Alam ko madiskarte si Cyrus, pero hindi ko alam na sa ganitong trabaho sya babagsak.
Lumabas ako ng kwarto at direchong nagtungo sa cr. Pagpasok ko ay agad tumulo ang mga luha ko sa di ko malamang kadahilanan na. Halo halong rason nanaman kung bakit ako umiiyak. Pero I must say na dahil sa gulat at shock ang pinaka malaking rason ngayon.
Naghilamos ako para kahit may pumasok ay walang makakita. Paulit uli kong binasa ang mukha ko. Kung pwede ko lang lunurin ang mukha ko sa ay gagawin ko na.
Pumasok ako sa isa sa mga stall at umupo. Hindi ko na nakayanan at nababasa na rin ako kakasaboy ng tubig sa mukha ko. Hindi ko na talaga nakayanan kaya nagiiyak na ko. Mga ipit na hikbi lang ang nagawa ko dahil hindi ko mailabas ng todo ang nararamdaman ko.
“Cyrus…”, paulit ulit na sabi ng utak ko.
Hindi ako makapaniwala pa din sa mga nangyayari. Hindi matanggap ng utak ko.
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay bumalik akong muli sa kwarto kung nasaan kami. Sa malayo palang ay nakita ko ng nakaupo patalikod si Cyrus at kausap nito si Rovi.
Sinubukan ko naman kaladkarin ng madalian ang mga paa ko pabalik.
Pagpasok na pagpasok ko ay nagtinginan ang lahat sa akin maliban kay Felix.
“Oh, san ka galing?”, sulpot ng boses mula sa likuran ko. Si Mimi.
“Cr.”, sagot ko.
“Aah. Oh, eh pasok!”
Nakaupo ako at kausap ni Mimi si George, si Rovi kay Keeshia, at ako naman at si Felix ay halos hindi naguusap. Minsan din ay sumasali sa usapan nila George at Mimi si Felix.
Kung kanina ay at home na at home ang pakiramdam ko, ngayon ay parang bigla akong na op. Kaya kinuha ko na lang ang inumin ko at umupo sa bandang sulok ng room at nakatingin sa labas. Nagulat na lang ako ng may umupo sa tabi ko.
“Di ka ba nageenjoy?”, warm na tanong nito.
Napatulala lang ako kay Cyrus. Nakaupo ito sa tabi ko at nakita kong umakbay pa ito sa akin. Nag iba din ang aura nito. Kung kanina ay napakalamig nito, ngayon naman ay parang naging napaka accommodating nito.
“Cyrus…”, pagtawag ko sakanya.
“Felix.”, pabulong na sabi nito.
“Cyrus, what happened? Anong nangyari sayo?”, pagtatanong ko.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko ngunit pinigilan ko ito.
“Who is this Cyrus that you keep on talking about?”, tanong ni Felix.
“Cyrus, ako to. Ganyan ba kalaki ang galit mo para hindi mo na ko matandaan?”, halos magmakaawa ako. But hininaan ko lang ang boses ko.
“What are you talking about?”, takang tanong ni Cyrus.
Tiningnan ko muli ang lalakeng nagpakilalang Felix. Tinititigan niya ko na para talagang clueless siya sa mga sinasabi ko. Mahahalata mo naman kasi kung nagkukunwari. Pero kita sa mukha nito na talagang hindi nito alam ang sinasabi ko.
“Ikaw si Cyrus… diba…?”, gulong tanong ko.
“Nope. And I don’t know this Cyrus that you keep on calling me. Kamukha ko ba siya?”, pagtataka ni Felix.
“Oo.”, tanging nasagot ko. Nakatulala pa din ako sa mukha nito. Talagang si Cyrus ang nakikita ko kahit saan ko tingnan.
“That’s interesting. Baka may long lost twin pala ako na hindi ko alam.”, pagbibiro nito. Ngunit hindi ako tumawa. Nakatingin lang ako dito. Nahalata naman yun ni Felix.
“This Cyrus that you’re talking about, talaga bang magkamukha kami?”, curious nanaman nitong tanong.
“Very…”, gulantang kong sagot habang tumatango.
“Really? Saan mo siya nakilala?”
“Kapitbahay ko siya.”
“Aah. Eh kung kapitbahay mo siya, edi dapat nandun siya sakanila.”
“Lumayas sya.”
“Huh? Tanod ka ba na tiga hanap ng nawawalang kapitbahay?”, pagtawa bigla ni Felix.
“We live in the same house.”, nakatulala pa rin ako sa mukha nito. Tintingnan kung nagkukunwari lang ba sya o ibang tao na sadyang kamukha lang ni Cyrus.
“Ano?! Kanina, sabi mo, kapitbahay mo. Ngayon naman, nakatira kau sa isang bahay? Gulo, ah!”
Wala akong makitang bakas na nagkukunwari lang si Felix. He was telling the truth. Ramdam ko.
“You’re not really Cyrus, aren’t you?”, tanong ko nanaman.
“For the last time. I’m Felix. Not Cyrus.”, pagbitiw nito ng ngiti.
Nakatitig lang ako habang nagkukwento ito. Sinabi niyang dito na daw siya sa Manila lumaki. Aside sa pagiging escort daw niya ay sumasideline ito bilang isang photographer. Nakikinig lang ako habang naka tanga siya naman ay kwento ng kwento.
“It seems na hindi ka interested sa kwento ko.”, biglang sabi nito.
“Hindi.. Hindi ko lang kasi maiwasan di maalala..”
“Si Cyrus?”, sabat nito.
“Huh?”
“Si Cyrus kako. Yung di mo maiwasang hindi makita habang nakatingin sakin?”, curious na sabi nito.
“Ah.. Oo. I’m sorry.”
“Well, I guess hindi ordinaryong kapitbahay-slash-roommate itong Cyrus na ito?”
“Yeah…”
“What was he like?”
Napaisip ako.
“You?”, tanging naisagot ko.
“Oo nga pala! Silly me. Pero aside from that?”
“He was the most dishonest person. Yet, he did it not because he wanted to. He did it for me.”
“What do you mean?”
“I.. I was inlove with him.”
“Oh, sabi na eh…”
“Oo..”
“So what happened? Bat hindi mo sinabi?”
“I had a boyfriend.”, nahihiya kong sagot.
“Ahhh… Kaya!”
“Pero all this time, alam ko siya ang gusto ko at mahal ko.”, sagot ko.
“How are you sure na siya? Eh iba naman ang boyfriend mo?”
“Because my boyfriend liked him, too.”
“What?! Wow! Now masasabi ko ngang kamukha ko siya. Likeable, eh!”, mayabang na sagot nito.
“He was more than likeable. He was the very description of happiness to me.”
“That’s silly.”, blunt na sagot nito.
“Excuse me?”, gulat kong sagot.
“If he meant that much to you, bat hindi mo siya kasama? Kung mahal mo siya, bat wala sya sa tabi mo? Bat ngayon, wala siya at pinaghahanap mo?, medyo galit na sabi ni Felix.
“is probably what you’ll hear if this was a drama movie..”, sabay tawa nito ng malakas.
“Hey! Loosen up! You’re too serious my friend!”, dagdag pa nya uli.
Damang dama ko ang sinabi ni Felix. And the way he looked at me habang sinasabi niya yun. It sounded pretty much like Cyrus. Or dahil sa konsensya ko?
“Are you sure you’re not Cyrus?”, naisagot ko.
“Ask me one more time and I might have to kiss you.”, biro lang ni Felix.
“I’m serious. Ikaw ba si Cyrus?”, nagccrack kong tanong. I can feel tears building up.
Ngunit nagulat ako.
Tinotoo niya ang sinabi niya.
I just felt Felix’ lips in mine. Ramdam ko ang malalambot na labi nito. Hindi ako nakagalaw o nakahalik din. Masyado akong nagulat na tipong naparalisa ako.
“I told you I’ll kiss you.”, kaakit akit na sabi nito.
Nang kumalas ito ay tumingin ito sakin. Napalunok ako. He stared at me na para bang unti unti ako nitong hinuhubaran. It was too sexy. Ang mga mapupungay na mata nito ay taagang mapang akit. It was daring yet so sophisticated.
I tried to look away ngunit pagtingin ko ay nakatitig pa din ito sa akin. He wasn’t saying a word pero kung mababasa mo lang ang mga tingin nito ay para bang imbitasyon ito para halikan siyang muli.
“You still think I’m Cyrus?”, he said in his bedroom voice.
Napalunok ako.
“No.”
It couldn’t be Cyrus. Hindi siya ganito ka aggressive. Cyrus is the kind of guy na sweet, demure at maamo parang tupa. But this guy infront of me is like a beast ready to eat me up.
“Good.”, sabay ngisi nito at inom ng kaniyang alak.
Pilit kong winawaksi sa isipan ko na si Cyrus ang nasa harap ko. Kahit pa tinatanggi nito na siya si Cyrus ay sa di malang kadahilanan ay hindi ko ito mapaniwalaan. Ang dami nitong pinapakita na signs na hindi nga ito si Cyrus, pero hindi ko na lang maipaliwanag kapag nakatingin ako sa mga mata nito.
“Where were you from? I mean tigasan ka? San ka lumaki?”. Bigla kong tanong.
“Somewhere.”, simpleng sagot nito.
“And that somewhere is?”
“Just somewhere.”
Hindi nito sinagot ang tanong ko. Nagtanong pa ako ng kung ano ano ngunit hindi nito sinasagot. Mas lalo tuloy akong nagduda.
“Oh, so sinusubukan mo talagang malaman kung ako si Cyrus pa rin..”, matalinong sagot nito.
“No, I’m not.”, depensa ko.
“It’s either nagdududa ka pa din or gusto mo lang ako mahalikan ulit.”, mapang akit na sabi nito.
“You have some guts.”, sagot ko.
“Yes. And those guts has a price.”
“I’m not buying.”
“Im not selling either.”, agad na sagot ni Felix.
His face drew closer to mine.
Ramdam at amoy ko ang mainit at mabangong hininga nito.
Napalunok ako at kinabahan.
“I am Felix.”, pabulong na sabi nito.
Napatanga lang ako. Ramdam ko na nagtaasan ang balahibo ko.
“Hey Felix! Mr. A wants you now.”, biglang singit ni Mimi.
“Where?”, tanong ni Felix.
“The usual.”, sagot lang ni Mimi.
“Got it.”
Tumingin ulit sakin si Felix. This time mas lalong mapang akit.
“It was nice talking with you, pero I have to go now.”, sambit nito.
“You’re leaving?”
“Oo. Work time. Alam mo na. “Sleeping Time””, sagot nito.
Tumayo na ito at nagpaalam sa labas. Sabay tuluyang lumabas ng kwarto. Ngunit hindi ako nakatiis at sinundan ito.
“Cy-Felix!”, pagtawag ko. Lumingon naman ito at huminto sa paglalakad. Agad akong lumapit sakanya.
“Yes?”, ngiti nito.
“Am I gonna see you again?”, kaba kaba kong tanong.
Bigla niya kong hinalikan sa pisngi at sabay bulong.
“Maybe.”
Nagpatuloy na ito sa paglalakad palayo. Pinagmasdan ko lang ito habang naglalakad palayo.
Natapos ang gabi ng di ko na masyadong maalala ang ibang detalye. Para bang biglang nagstop ang oras after that. Napansin ko na lang na nagpapaalam na kami kay Mimi at nagpasalamat.
Nasa loob na kami ng taxi ni Rovi at wala pa rin ako sa sarili. Ang tanging laman ng isip ko ay si Felix.
“Rovi…”
“I know what you’re thinking… Ako din hindi makapaniwala.”, sagot nito agad.
“Could it be?”
“Malay. It looks like him. Pero ang mga kilos at galaw nito. Imposible.”
“Oo. Kahit saan ko siya tignan ay si Cyrus ang nakikita ko.”
“Hindi kaya twin?”, tanong ni Rovi.
“Kung twins sila, bat di nabanggit ni Cyrus?”
“Bakit sakin mo tinatanong? Eh diba kayo ang childhood bestfriends?”
Nagulat ako sa sagot ni Rovi.
“Huh?”
“Para namang gulat na gulat ka sa sagot ko. Eh sabi ni Cyrus sakin childhood bestfriends kayo. Hindi niya ba naikwento kung may kambal ba sya?”
Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot.
“Look, baka naman nung inampon siya, eh hindi nasama yung kambal nya.”, suhestiyon ni Rovi.
“Siguro. Baka nga.”
“Pero hindi pare, eh!”, kontra sa sarili ni Rovi.
Nanatiling pala isipan ang nakita naming ni Rovi. Hindi naming maiwasang magisip na si Cyrus talaga ang nakita namin. It’s either nagsisinungaling si Felix or talagang hindi nga ito si Cyrus. Maaring isang kambal ito na nawala noon. Too cliché.
Nakauwi na ako ng bahay at hindi nga ako nakatulog agad. Paulit ulit pa rin ako ginigimbal ng mga pangyayaring naganap.
Kinabukasan ay kamuntikan na akong malate ng gising dahil hindi ako nakatulog masyado ng maayos. Buti na lang ay malapit lang ang pinapasukan ko sa bahay na tinutuluyan ko.
Nang magkita kami ni Rovi ay medyo iwas din ito sa akin. Halata din na wala itong tulog masyado. Malamang nagulat din ito at hindi rin nakatulog ng maayos.
Nagsimula na ang set ng banda ngunit kapansin pansin na mas maiksi ito kaso ng mga nauna. Or mas maiksi pa nga kaso sa usual nila. Napansin ko naman agad si Geoff.
Actually, that night ko lang ulit napagmasdan si Geoff. Napakahagard na ng dating nito. Halata ang pagbagsak ng katawan at paglaki ng tyan. Malamang dahil ito sa kaiinom niya ng alak.
Nagpatuloy na parang wala nanamang gana si Geoff sa banda. Madalas ay aloof na rin ito kahit pa sa mga customer namin. Ilang beses na din ito nakagalitan ng amo naming dahil minsan ay grabe ito kung malasing kaya naman hindi na makapag trabaho ng maayos.
Lumala ng lumala ang sitwasyon ni Geoff. May mga araw ito na biglaang hindi na lang papasok ng walang pasabi. Kaya naman halos mataranta kaming lahat sa kung anong gagawin. Buti na lang at kahit papano ay kumakanta din silang lahat sa banda. Kaso iba pa din kumanta si Geoff dahil mas may pondo nga ito.
Nagbalik ako sa club kung san nagtratrabaho si Felix. Ngunit sabi ni Mimi na out of town daw ito with a client. Pero hindi ko ito pinaniwalaan. Ramdam na ramdam ko na andyan lang siya. But he was avoiding me. Mas lalo lang tuloy ako naghinala.
Sabi nila na kapag mas hinahanap mo daw ang isang bagay ay mas lalo mo daw itong hindi makikita. Ngunit pag hindi mo na naman hinahanap ay kusa itong magpapakita sa harap mo.
It was one day. Halos dalawang bwan na din ako sa Manila ng minsang off ako. Hindi ako sumama kay Rovi sa club dahil hindi ko na naman naabutan si Felix doon. Sinabihan ko na lang ito na kapag nakita niya ito doon ay itext o tawagan ako para makasunod.
I was getting depressed dahil I was convinced that Felix was Cyrus yet ayaw ako nitong harapin. Kaya naman naisipan ko lumabas ngayong off ko.
Sinubukan ko maghanap ng mga pwedeng puntahan. Nagpunta ako sa mga bar at mga usual hang out na sinasabi nila. Pero wala naman akong matipuhan. Kaya naman naisipan kong puntahan ang isang lugar kung saan may malaking alaala sa akin.
Nagpunta ako sa tinatawag nilang baywalk. Namimiss ko na kasi ang pier sa amin kaya naman pinuntahan ko ito. Hindi ito kasing ganda ng pier sa amin ngunit ayos na rin dahil ang importante ay may dagat.
Madaling araw na kaya wala halos tao sa gawing ito. May mga restaurant sa di kalayuan pero pumunta ko sa part kung saan mas maraming tao para na rin makapagrelax.
Naglalakad ako at ineenjoy ang amoy ng dagat at tunog ng paghampas ng alon ng matigilan ako.
Nakita ko na.
Ngayong hindi ko hinahanap ay nakita ko na.
“Felix?”
No comments:
Post a Comment