Saturday, December 15, 2012

Bullets for my Valentines- Part 45



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 45
"Stranger"

Always here,

Dylan Kyle Santos


<img style="visibility:hidden;width:0px;height:0px;" border=0 width=0 height=0 src="http://c.gigcount.com/wildfire/IMP/CXNID=2000002.0NXC/bT*xJmx*PTEzNTUwMDIwMjg4NDQmcHQ9MTM1NTAwMjI5MzY3MyZwPTEzNzkyMSZkPSZnPTEmbz1jZTVmM2JhN2JhNGE*ZGJlOTU4/NTUzMGMyY2E2NGNhNiZvZj*w.gif" />  <center><embed src="http://www.musicdumper.com/soundlister/player/player.swf?file=http://api.ning.com/files/cyIHTruSIAI-MRz8OdUXKSB1Zv1LT0cg*Z5P84AWjC5A62RXPzRxrQ-Et*jRIuQBIuXr-a30mj0bT-SjK1o3I6F-uH-fNLJZ/gotyesomebodythatiusedtoknowfeatkimbra.mp3&image=http://www.musicdumper.com/lg.jpg&repeat=always&autostart=true&frontcolor=cccccc&lightcolor=428cdb&backcolor=111111" width="300" height="68" allowscriptaccess="always"></embed>
  <br /><small><a href="http://www.musicdumper.com/" target="_blank">Somebody That Used To Know Feat. Kimbra - Gotye</a></small></center>  


************************************************************************


[Chad’s POV]

Nag unwind na muna ako. Super kaka-stress ang nangyari. Di ko lubos maisip hanggang ngayon na ang sarili kong best friend ang magiging karibal ko kay Arkin. Sa lahat ng tao siya pa.

Hindi ako magpaparaya tulad ng ginawa ko kay Jaysen. Si Jaysen, crush ko lang nun, gusto, pero si Arkin, mahal ko siya.

Kakatapos ko lang mamili ng mga gamit at kalalabas ko lang ng mall. Paakyat na sana ako ng over pass ng bigla kong nakasalubong si AJ. What a coinsidence?

Nagkatitigan lang kami. Pero nagungusap ang mga mata namin. Agad akong tumalikod at sinenyasan siya na sumunod sa akin. Kung di ko siya mapapayag ngayon, mag kakagulo na kaming dalawa.

“Kamusta?” tanong ko.

“Ayos lang.” Matabang na sagot niya.

“Ayos ah.”

“Ano bang kailngan mo?”

“May kailangan tayong pag usapan.”

“Oh ano?”

“Nung isang araw atat na ata kang humingi ng tawad sa akin pero ngayon.... anong nangyari?” sabi ko na may sarkastong pananalita.

“Noon kasi akala ko totoo ka.... hindi pala.”

“Eh gago ka pala eh...”

“Mas gago ka... wag mong ubusin ang panahon ko sa pakikipag usap sa isang taong walang ka-kwenta kwenta.”

“Eh anong tingin mo sa sarili mo ha? Isang taong matatawag na totoo?”

“At least ako, kailan man hindi kailangang mag makaawa sa pag-ibig.”

“May gusto ka bang sabihin?! Ang yabang mo ah!”

“Sabihin  mo na ang gusto mong sabihin. Ayokong sayangin ang oras ko na nakikipag usap sa walang kwentang tulad mo!”

“Nahiya ako bigla sayo.”

“Mahiya ka talaga.” Sabi niya

“Mang aagaw ka!” sigaw ko.

“Kahit kailan wala akong inaagaw sayo.” Sabi ko.

“Ahas ka.”

“Ang gwapo kong ahas.”

“Nahiya naman ako sa balat mo.”

“Tigilan mo ako. Ano pa ba ang kailangan mo?”

“Ibalik mo sa akin ang mahal ko!”

“Bakit ko ibabalik, bakit na sakin ba?”

“Hindi ako bulag.. kayo na nga diba?”

“Oo nasa akin siya. Pero hindi kami. Hindi kailangang maging kami para lang masabing mahal namin ang isa’t-isa.”

“Tatanga-tanga ka kahit kailan.”

“Mas tanga ka...”

“Kahit kailan talaga mga linta kayong best friends.”

“Hindi ako linta. Loser ka lang.”

“Ibalik mo siya sa akin dahil akin siya.”

“hindi siya sa iyo!”

“At hindi rin siya sa iyo!”

“Akin siya dati!”

“Dati yun at hindi ngayon.”

“Ano pa ba ang gusto mong palabasin? Wag mong lokohin ang sarili mo dahil alam mo na mahal niya ako.”

“Mamahalin niya rin ako.. nandiyan ka lang kaya hindi niya ako magawang mahalin!”

“Hindi ka niya mahal at ako ang mahal niya!”

“Kapal ng mukha mo. Dukha.”

“Angkinin mo na yang yaman mo. Nahiya naman ako sa yaman mo.”

“Akala ko kaibigan kita.”

“Akala ko din kaibigan kita pero pati bf ko ikinama mo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin alam niya. Sa totoo lang dapat mahiya ako sa ginawa ko. Ganito na ba talaga ako kadesperado.

“Ginusto niya rin yun.”

“Wala akong pakialam.”

“Malandi ka.”

Hindi ko mapigilang sampalin siya.

“Kung mahal mo siya piliin mo kung saan siya liligaya. Wag kang selfish.”

“Mamatay ka na sana... para nasa sa akin na si Arkin.... lahat naman ibinigay ko sayo... lahat-lahat... eto lang ang hinihingi ko.. hindi mo pa ba ako mapag bigayan.” Umiiyak na ako sa harapan niya.

Alam kong nakatawag na kami ng pansin sa mga tao rito. Nakakahiya man pero di ko na akilngang itanggi pa.

“Hindi isang bagay si James na maaring pag agawan! Ako ang mahal niya at hindi ikaw! Wag kang magpakababa Chad, alam kong alam mo kung ano ang tama at mali...”

“Mahal ko siya AJ... mahal!”

“Mas mahal ko siya.... baka infatuation lang yang nararamdaman mo.”

“nagmamakaawa ako.. ibigay mo na siya sa akin... please... please...”  lumuhod na ako sa harapan niya.

“Chad bestfriend kita pero sa bagay na to, dapat matauhan ka kung ano ang tama at mali!”

“Mali na kung mali, pero mahal ko siya. AJ mahal ko siya! Naiintindihan mo ba yun? Bestfriend naman kita diba? Sabi mo lahat gagawin mo... lahat ibibigay mo! Eto na yun oh. Akin na si Arkin. Akin na siya. Akin lang siya!”

“Hindi ko maibibigay ang gusto mo..”

“Kung hindi ka makuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan!” Tumayo na ako at inayos ang sarili.

“Tandaan mo AJ... itong panahon na ito.... kontrabida na kung kontrabida.... pero gagawa ako ng paraan..... paraan para mapunta sa akin si Arkin... kung kailngang makipag agawan ako sayo gagawin ko.... hindi ako susuko...”

At umalis na ako. Nakakahiya sa maraming tao. Naawa na ako sa sarili ko. Hindi ako papayag na mag patalao.

Napahiya ko na ang sarili ko sa harap ng maraming tao kaya hindi ako papayag na mapunta lang sa walang kwentang tao si Arkin.

[Jaysen’s POV]

Pamilyar sa akin ang gamot na iniinom ni AJ. Parang nakita ko na to dati. Dati pa lang may kutob na ako sa gamot na ito. Lagi pa ngang iniiwas sa akin ni AJ yung gamot na yun.

Nahulog niya ito noong lumabas kami noong isang araw. Ano ba talaga ang sakit ni AJ?

Nakakapag taka lang kasi na asthma lang yung sakit niya gayong halos mamatay na siya kapag ipinapasok sa ospital.

Papunta na sana ako sa ospital ng madatann ko si Bianca na nasa baba ng bahay. Ang kulit nito sobra.

Pero atleast bumabawi siya. Tama naman si AJ eh. Dapat bigyan ko ng chance si Bianca. Lahat naman ng tao nagkakamali.

“Kailngan mo?” pagsusungit ko.

“Yayayain sana kitang mag gala.”

“May pupuntahan ako.”

“Sama ako.”

“Wag na..”

“Sasama ako.”

“Makulit ka eh...”

“Ganun talaga.”

“Sige na.. tara na.”

“yehey.”

‘Para kang bata.”

“Di ah.”

“Oo kaya.”

“Che.”

“Tara na”

“Saan ka ba pupunta?”

“ospital?”

“Oh bakit? Anong meron?”

Kinuwento ko sa aknaya ang lahat-lahat. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mukha.

“Wag naman sana an malala yan.”

“Think positive lang.”

“Tara na nga...”

Pumunta na kami sa ospital at pinatingin namin yung gamot. 30 minutes kaming naghintay bago pa kami makasalang sa doctor.

“Good aftrenoon po doc.” Sang bati ko.

“Good aternoon din.. ano ang sa atin?”

“Doc... I want to know if saan po ginagamit yung gamot na to?”

Nakita ko ang pagkaseryoso ng mukha ni Doc.

“Anong problema doc?”

“Saan mo to nakuha?”

“Sa ex ko po.. yan po ang gamot niya eh...”

“Di ko alam kung ano ang magiging reaction niyo.. pero yung gamot nato... isa lang ang pinag gagamitan eh..”

“Ano po yun doc?” tanong ni Bianca.

“Sa puso.... kapag may sakit sa puso... eto ang gamot...”

Halos hindi ako makapag salita sa narinig ko? Paanong? Paanong anngyari to? Sakit? Sakit sa puso? Ngunit bakit ni hindi man lang itong sinabi sa akin ni AJ? Bakit niya inilihim ito.

“Doc.... baka naman po nagkakamali kayo?”

“Hindi... sigurado ako.... sa tingin ko malla na ang sakit ng ex mo iho....”

“Pero... pero... ang alam ko sa asthma lang to..”

“Hindi iho...”

Halos tumulo ang luha ko sa nangyari. Hindi ko lubos maisip namay sakit siya ng ganon. Nakagawa ako ng kasalanan sa kanya gayong nanganganib pala ang buhay niya.

[James’ POV]

Humiga agad ako sa kama ko nang makarating ako ng bahay. Kagagaling ko lang ulit sa bahay nila Arwin. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi siya makita.

Maya maya pumasok si Khail at sinakyan ang tyan ko.

“Amp.” Ang nasabi ko.

“Daddy... daddy.... uuwi daw dito si tito...” sabi nito.

“Ano?” tanong ko.

“Si Tito Martin uuwi dito.... sabi ni lola... yehey... si tito tangkad uuwi na dito...” masayang sabi nito.

Agad akong bumangon at tinawag si mama.

“Ma.... ma!!!”

“Oh bakit?”

“Uuwi daw dito si kuya?”

“Oo anak... magbabakasyon daw muna siya dito.. at isa pa... may aasikasuhin siya dito... may bagong partner ang kuya mo sa business natin kaya siya pupunta dito.. dual purpose...”

“Pero ma... bakit ngayon ninyo lang sinabi?”

“Bukas pa naman siya uuwi dito...”

“Pag hotelin nalang ninyo siya...”

“Anak... dapat mag kaayos na kayo ng kuya mo...”

“Okay naman kami ma.. di lang kami magkasundo...”

“Naku anak.. wag ka ng pasaway....”

“Ma naman eh.. please...”

“paano kayo magkakaayos kung hindi kayo magsasama sa i-isang bubong...”

“Ma naman.... ayoko lang makita yung lokong yon... napakayabang...”

“Sus.. pareho naman ata kayo...”

“Ma naman.. hindi ah.... mayabang yun.. pero mas gwapo ako....”

“Sus.. nagbuhat ng sariling bangko...”

“Hay naku ma.. oo na. Sige na.. payag na ako...”

“Papuntahin mo si Arwin dito bukas.... mag hahanda ako....”

“Okay... po..”

“Oh cheer up na...”

“Sige po...”

Umakyat na ako sa kwarto at humiga ulit. Tumawag ako kay AJ. Haixt.

“Oh napatawag ka....”

“Wala lang...”

“Weh...”

“May gagawin ka ba bukas?”

“Meron..”

“Ano?”

“basta...

“Baka makipag date ka na naman...”

“Ewan.... sige good night...”

“Joke lang naman...”

“Problema mo?”

“Wala nga... pinapapunta ka pala ni mama dito.”

“Bakit?”

“Maghahanda siya.. dadating si...”

“Si?”

“Si kuya...”

“Ah.. kaya pala ganyan ka.. dadating ang kuya mo....”

“Hindi ah..”

“Okay.. what time?”

“Mga tanghali siguro....”

“After lunch?”

“Yeah...”

“Baka naman mga dinner pa...”

“Basta itext na lang kita bukas...”

“Okay....”

“San ka ba talaga pupunta?”

“Basta nga...”

“Okay.. good night.. antok na ako...”

“Okay.. I love you.. mwah...”

“I love you too...”

At binaba ko na yung phone. Natulog na ako. Haixt. Good luck bukas.

[AJ’s POV]

Nakakahiya talaga, sobrang nakakahiya talaga yung nangyari. Haixt. Pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa SM.

Bibili sana muna ako ng brownies bago ako pumunta sa bahay nila James. Darating daw kasi yung kuya niya kaya nagpasya akong dumaan dito.

Kakatapos lang din lang naman ng check up ko kaya okay na ako.

Bawat lugar na lang aat na puntahan ko sa lob ng SM eh pinagtitinginan ako ng mga tao. Nakakhiya sobra. Haixt.

Nakita ko yung stand ng Bibingkinitan kaya bumili na rin ako ng 2 box. Favorite kasi yun ni mommy.

Ang brownies naman ay para kay Khail at para kay James, siyempre ako ang pasalubong niya.

Naglakad-lakad ako sa loob ng mall. Haixt. Nakatingin lang ako sa baba at nakatulala. Wala ako sa sarili dahil sa nangyari.

Nakakahiya talaga. Daig ko pa ang may dumi sa mukha at pinagtatawanan ng tao. Nakakahiya talaga sobra. Hanggang sa may mabangga akong tao at muntikan ng magtaob.

Naagapan niya agad ako at nahawakan sa braso. Nakaalalay siya sa akin habang ako naman eh awkward ng itsura. Agad naman akong bumawi sa sarili at iniangat ang sarili.

“Kuya... sorry po..... sorry talaga.. di ko kayo nakita....” sabi ko.

“Ingat ka kasi...” sabi niya. Ramdam ko na medyo masungit to.

“Sorry na talaga.....” napansin ko yung natapon niyang inumin.

“hala ka... sorry... palitan ko na lang yung iniinom mo...”

“Nah.. wag na.. saka na lang...”

“Ha?”

“Ingat ka na lang.... wag masyadong kabado....” sabi niya.

“Kilala ba kita?”

“Ewan ko sayo... I’ll go now.... tapang mo din...” at saka siya umalis.

“Grabe... kakaloko yung lalaking yun... gwapo sana.. kaso.... mukhang may tama.” Sabi ko na lang sa sarili ko.

Pumunta na ako sa may bilihan ng brownies tapos makakaalis na ako. Buti na lang at di ko naapakan yung bibingka, sayang pa anamn. Wala na akong pera. Hahaha.

Paalis na rin ako ng biglang tumawag si James. Hindi talaga makahintay tong lalaking ito.

“Oh bebe ko..” sabi ko. Andami naming tawagan grabe hahah.

“San ka na?”

“papunta na po jan..”

“Sunduin na kita?”

“Wag na... Papunta na rin ako jan...”

“Miss na kita eh...” sabi niya.

“Parang kahapon lang nagkita lang tayo.. hapit masyado...”

“Haixt. Bilisan mo ah... I love you...”

“I love you too...”

Nagmadali na akong pumunta sa bahay nila. Mahigit 20 minutes ng makarating  ako sa bahay nila. Pagkabukas ko pa lang ng gate eh sinalubong na ako ni Khail. Tong batang ito talaga oo.

“Kamusta ang baby ko?”

Kiniss niya ako at saka kinuha yung pasalubong ko. “masaya ako daddy kasi nandito ka na ulit... hehehe.. akin na po tong pasalubong ah...”

“Kaw talaga.. kaya ka lumulobo... mag diet ka ah...”

Tumawa lang siya. Kasunod na lumabas si James na malapad ang ngiti. Agad siyang lumapit at niyakap ako.

Grabe kinikilig ata ako kasi napangiti ako. “Hey...” sabi ko nung hinalikan niya ako sa batok.

“I miss you...”

“Me too. I miss you. Kahit kahapon lang tayo nagkita.... hahahah.. grabe ka talaga....”

“Hinding hindi ako magsasawang makita ka...”

‘Talaga lang ha.. baka after ilang araw magsawa ka lang...”

“Tsss.... shut up...” sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

“Pasok na tayo.”

“Haixt.. dito na lang tayo.. or alis na lang tayo...”

“Ano ka ba? Adik ka lang? Teka andiyan na kuya mo no?”

“Yeah...” sabi niya sabay buntong hininga.

“Tara na nga... alam mo ikaw... haixt...”

“San ka ba galing kanina?”

“May pinuntahan lang. Bumili ng vitamins ko... heheh.”

“Yun lang pala.. dapat sinamahan na kita.”

“Kaya ko naman sarili ko at isa pa dapat tinutulungan mo si mommy dito... saan na kuya mo?” tanong ko.

First time ko pa lang siya makikita. Wala kasi akong pagkakataon na makita ang kuya niya. Napakailap kasi nitong lalaking ito.

Ewan ko kung bakit, lagi na lang busy. Hindi naman ako mausisat sa mga bagay bagay.

“So it’s you.. sabi na nga at ikaw yun... ang matapang.. palaban and.... madiskarte.. ang boyfriend ng kapatid ko....”

Narinig ko na sabi nung isang lalaki mula sa hagdanan ng bahay nila James. Tumingin ako sa kinaroroonan nung boses at tinitigan ang isang bulto ng lalaki na nakatayo doon.

Wow. Ang gwapo naman nito. Hehehe. Maputi, ayos ang porma, mukhang 21 lang sa katunayan 24 na siya. Pero isa lang nagpalaki ng mata ko, tila nakita ko na siya. May amnesia na ba ako? Saan ko ba siya nakita?

(Itutuloy)