Author's Note:
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.
Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)
Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 42
"Tayong dalawa"
Always here,
Dylan Kyle Santos
******************************************************************
[AJ’s
POV]
“Salamat
at dumating ka... si Chad ang mismong nagsabi na tawagan ka eh.” Sabi ni tita.
“Ano
po bang nangyari. Matagal na kasing nagkakaganyan si chad. Dati rati naman
konting pahinga lang pero ngayon hindi ko na maintindihan. Natatakot na nga ako
para sa kanya eh. Sabi ko dati na magpatingin na sya eh.”
“Edi
ba po nasugod na siya dati? Ano daw po ang tingin sa kanya.”
“Ang
sabi ng doctor may nakita daw silang irregularities. Pero binigyan nila kami ng
gamot at alam ko tinake naman yu lahat ni Chad pero ngayon, hindi ko
maintindihan kung bakit.”
“Ganun
po ba. Hope maging okay na siya.”
Ng
harapin ko si James, di ko maiwasan ang
malungkot din. Nakatulala kasi siya eh at para bang sinisisi niya ang sarili
niya sa nangyari.
“Psst...
cheer up...” sabi ko.
“Yeah.”
Sagot naman niya
“Oh
ano yang sinisimangot mo?”
“wala.”
“Ei
naman.”
“halika
nga....” niyakap ko siya.
“Wala
kang kasalanan okay.... cheer up.. chin up....”
“I
love you...”
“I
love you too...”
Ilang
saglit dumating yung doctor.
“Doc
kamusta ang anak ko?”
“Well
Mrs. Mendoza, may nakita kaming bukol sa may
ulo niya. I-observe pa amin kung ano ito. Pero he’s fine. He need rest
at tamang medications.”
“ganun
po ba. Sige po. Take care of my son.” Sabi ni tito.
Agad
naman kaming pumasok ng madala na si Chad sa loob ng private room. Payapang
payapa yung pagpapahinga niya.
“Tita,
una na po kami.. dalaw na lang po kami mamaya po after ng class. Pasabi na lang
po kay Chad na dumalaw kami.”
“Sige
anak, salamat sa pagbisita”
“Sige
po.” Pamamaalam namin.
Hinatid
ako ni James sa bahay namin. Pero ganun pa rin siya tulala.
“Hey,
sabi ko ngumiti ka na...”
“Sorry...
di ko lang maiwasan.”
“May
class ka ba?” tanong ko.
“Yep..
maya pang 1pm. Ikaw ba?”
“Meron.
10 am pa.”
“Tulog
ka na...”
“Yeah..
ikaw din matulog na ah. Diretso bahay ah.”
“Opo....”
“I
love you..”
“I
love you too.”
At
umalis siya. Inihiga ko naman ang sarili ko sa kama at hindi mapigilan ang mag
isip. Haixt.
Paano kaya mababago ng sitwasyong ito ang kalagayan namin ni Chad?
Ano
kaya ang magiging reaction ni Chad kung sakaling mangyari na malaman niya ang
lahat?
Hay ang gulo.
Itutulog ko muna ito kasi hindi ako makakapag isip ng
ayos.
After
ng class namin dumeretso na ako sa ospital at bumili ako ng favorite ni Chad.
Pag kadating ko doon, nandun yung kuya niya. Well, unang beses ko pa lang
makikita yung kuya niya sa personal.
Tangkad
grabe. Gwapo at maputi. Pero mas maputi ako. Hahaha. Pagdating ko pinaalis niya
yung kuya niya.
“bakit
mo naman pinaalis ang kuya mo?” sabi ko.
“Wala
lang. Pati para may privacy tayo. Bakit type mo?”
“Hindi
ah. Ganda sanang background.” Ang nasabi ko.
“Landi.”
“Oh
kamusta ka na?”
“Okay
lang naman.”
“Parang
di naman.”
“Ewan..
masakit eh...”
“Alin
jan?”
“Eto”
sabay hawak sa ulo niya. “At tsaka eto.” Sabay hawak sa puso niya
“Wag
mo na nga munang intindihin yung puso mo.. intindihin mo muna yung sarili mo.”
Ang nasabi ko.
Napansin
ko na umiiyak siya. Naawa ako, ano bang gagawin ko? Paano na to ngayong
kumplikado na ang lahat.
“Masakit
eh.. sobra.... aaminin ko.. mahal ko si Arkin... masakit yung ginawa niyang pag
tanggi sa akin... pero kahit ganun, hindi ako nawawalan ng pagasa.”
“Ano
ba yung sinabi niya?”
“Dahil
sa lintik na ex yan.. sino ba yung lalaking yun ha AJ? Sino ba yun? Gusto ko
siyang makita at makaharap... gusto kong ipakita sa kanya na mas okay ako kaysa
sa kanya..na mas karapat dapat ako... dahil wala siyang kwenta.”
Gusto
kong magalit pero hindi ko magawa.
Mantakin
mo natatagalan ko lahat ng panlalait sa akin ni Chad, pero dapat kong
intindihin siya.
Alam
ko, hindi ko pa maaaring aminin sa kanya ang lahat. Lalo pang magkakagulo pag
nagkataon.
“Kumalma
ka lang walang mangyayari kung gagawin mo lang eh magalit ng magalit.. magpahinga
ka na...”
“Ganun
ba talaga ako ka-walang kwenta?”
“Wag
ka ngang magsalita ng ganyan.”
“Bakit
ganun? Wala ba talagang magkakagusto sa akin?”
“Sabi
ng itigil mo yan eh!” Nag taas na ako ng boses.
“Bakit?
May magagawa ka ba? Nung una akong nagmahal ginago ako, pinagpustahan ako.
Nagmahal ulit ako pero pinagtaksilan ako. Ngayon naman.. nagmahal na naman ako
sa maling tao.. dun pa sa taong baliw na baliw hanggang ngayon sa gagong ex
niya na wala namang kwenta... sabihin mo sa akin AJ.... ano bang kasalanan ko
at nagkakaganito ako? May karapatan ka bang pagtaasan ako ng boses at
pagsabihan ako na tumigil?!”
“Ang
sa akin lang magpahinga ka... hindi mo ba naiisip na bata ka pa at marami ka
pang magagawa... maraming tao jan... hindi lang si Arkin.... wag mong paikutin
ang sarili mo kay Arkin.”
“Madaling
sabihin yan sa iyo kasi maraming nagkakagusto sayo.. marami akong kakilala na
nagsasabing gusto ka nila... gusto ka nilang makilala... gusto ka nilang
ligawan..... naiinggit ako.. sobra.. sabi ko sa sarili ko.. bakit ikaw marami
nag kakagusto.. sa akin wala... panget ba ako? Masama ba akong tao?”
Di
ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Natigilan siya at hindi makapag
salita.
“Ganyan
na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ko ineexpect na yang
pagkaiinggit mo ang gagawin mong dahilan para pagtakpan ang sarili mo... Hindi
sa itsura makikita yan.. sa ugali... at isa pa, ano bang dapat ikaninggit mo sa
akin? Yung mga gustong manligaw sa akin? Yung mga gustong magpakilala sa akin?
Aanhin ko ang bilang Chad? Ha Chad? Aanhin ko?! Gumising ka nga. Wag kang
hunghang!”
“Nahihirapan
lang ako...” patuloy siyang umiiyak.
Niyakap
ko siya ng mahigpit. “Nandito lang ako para sayo... nandito lang ako...”
“Salamat...
wag kang mawawala.. please... nagmamakaawa ako... ikaw na lang ang meron ako..”
“oo..
pagaling ka.. at kapag magaling ka na... tutulungan kitang bumangon...”
“Ang
korny pero salamat... I owe you one..”
“May
sasabihin sana ako sayo pero hindi pa pwede.. saka na kapag okay ka na.. aalis
na ako ha...”
“Okay
sige.... sure... ingat ka...”
“Yeah....
pagaling ka... dapat bukas wala ka na dito sa ospital...”
“Yan
ang di ko alam.”
Tumingin
lang ako sa kanya at ngumiti siya. Pansin ko na parang may bumabagabag sa kanya.
Yun
lang ang hindi ko alam. Pagkatapos ng ilang sandali, umalis na ako at
nagpaalam.
Dumeretso
ako sa bahay nila James. Siguro pauwi palang yun ngayon. Dumaan muna ako sa SM
para bumili ng brownies, pasalubong para kay baby ko. Pagkatapos noon ay dumeretso
na ako kila James.
Nakita
ko agad si Khail na nagsasagot ng assignments niya. Agad naman niya akong
sinalubong.
“How’s
your school baby?”
“Okay
lang po. Akin po ba to daddy?” tanong niya sa hawak kong brownies.
“Yes
baby... hahaha.. ikaw talaga... sa iyo yang pasalubong”
“Yehey...”
“Asan
daddy mo?”
“Padating
na po yun ngayon...”
“Ah
okay.. sige jan ka muna ah.. punta lang ako kay mommy...”
Dumeretso
ako sa kusina. Naghahanda kasi si mommy ng dinner nila. Nagtext na naman ako na
pupunta ako doon at doon na daw ako mag dinner.
“Oh
ma tulungan ko na kayo jan..”
“Anjan
ka na pala...”
“Opo,
tulungan ko na po kayo.”
Tinulungan
ko si mommy na mag ayos. Maya maya din naman dadating na si James kaya sabay
sabay na kaming kakain.
Matapos
kong tulungan si mommy, bumalik ako sa pwesto ni Khail at sabay namin hinintay
si James. Maya maya dumating na din naman ito.
“I’m
home.” Sabi ni James.
“Hello.”
Bati ko.
Niyakap
niya ako saka hinalikan. “Yey. Dito ka matutulog?” tanong niya.
“Bahala
na... bakit?”
“Wala
naman... natanong lang po... tara kain na tayo... gutom na ako...” sabi niya
“kiss
ng daddy?” sabi kay Khail. Agad naman itong lumapit kay James at humalik.
Mukha
talaga silang magtatay. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. I missed
those times, at ngayon, susubukan kong ibalik yung times na nawala noon.
Pero
labis kong ikinababahala yung kay Chad. Paano na lang pag nalaman niya na okay
na kami ni James, at malaman niya na ako yung ex ni James?
Matapos
naminh kumain, kaming dalawa ni James yung naghugas ng plato. Ako ang taga
sabon at siya ang taga banlaw.
Nag
decide na ako na mag stay ako for tonight. We need to talk seriously.
Nauna
akong umakyat at nagpalit ng damit. Humiram muna ako ng mga damit kay James.
Maya-maya
sumunod na siya. Pinatulog na muna niya si Khail bago siya pumunta ng kwarto.
“Mag
shower ka na.” Sabi ko.
“Uhmmm..
ang bango ng asawa ko ah.”
“Asawa
ka jan.. sige na lakad na.. amoy pawis ka...” pagbiro ko.
“Mabango
pawis ko.”
“Parang
di naman.”
“Sige...
wait for me.. wag kang matutulog... I’ll be right back...”
Nagshower
siya habang ako naman eh naiwan na nag-iisip. After 5 minutes natapos siya at
nagbihis, saka humiga sa tabi ko.
“May
problema ba?” tanong niya sa akin sabay yakap.
“Ewan
ko... nangangamba ako kay Chad.”
Pansin
ko na nahimik siya at hindi nagsalita. Kinilig ako noong hawakan niya yung
kamay ko. Ewan ba? O//_//O
“Di
ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.”
“Malala
ba kalagayan niya?”
“Hindi
ko alam eh.. pero ang pinapangamba ko eh yung sarili niya. Nung nagkausap kami
masyado siyang down na down.”
“ano
bang gagawin ko?”
“Wala
naman tayong magagawa....”
“Pero...”
“Alam
ko... pero wag kang mag alala... magiging maayos din ang lahat...”
“Sana
nga. Wag mo akong iiwan.”
“Bakit
mo naman sinasabi yan?”
“Baka
kasi bigla mo na lang akong iwasan...”
“Hindi
ko gagawin yan.. mahal kita eh.”
“Mahal
din kita...”
“Halika
nga dito... hay naku.. di pa natin pwedeng sabihin kay Chad na tayo.”
“Alam
ko.. haixt.... mahal na mahal kita.”
“Oo
at tandaan mo na mahal na mahal kita... hangga’t hindi ko sinasabi na hindi ma
kita mahal, paniwalaan mo na na mahal kita... tandaan mo yan ha... maniwala ka
sa akin.. wag sa nakikita mo, naririnig mo.. sundin mo ang puso mo.”
“Opo....I
love you...”
“I
love you too.”
“Bakit
kasi ang daming nagkakagusto sayo?” tanong ko.
“Ang
gwapo ng asawa mo eh.”
“Ang
yabang. Pero taob ka naman sa akin.”
“Oo
na. Wala na naman akong magagawa kasi ang isang James Arkin Ramos ay nahulog sa
patibong ni Arwin Jake Montederamos.”
“Kinikilig
ako.” Sabi ko.
“Hahaha.
Natawa naman ako doon. Kinikilig ka pa rin pala sa akin.”
“OO
naman. Kaw talaga. Lalo na nung hinawakan mo yung kamay ko. Grabe. Heavy.”
“Hahaha.
Kiss ko nga.”
“Tse
tigil nga. Mga palusot mo.”
“Hahaha.
Sige hug na lang... pero mamaya more than that na.”
“Tumigil
ka nga. Batukan kita eh.”
[Chad’s
POV]
Mabuti
at okay na ako. Nakalabas na ako ng ospital. Pasalamat na lang ako.
Mukhang
makakasama ko pa ang ospital sa mga darating na panahon. Di ko man inaasahan
pero kailngan kong intindihin.
Lahat
naman kami nagulat sa resulta ng sakit ko. Di ko inaasahan na ganun na kalala
yung lagay ko.
Kung
iisipin ko eh yung sakit ng ulo na nararamdaman ko, yun na pala ang hudyat na
may malala akong sakit.
Tanging
pamilya ko lang ang nakakaalam nito.
Nung dumating si AJ noon sa ospital,
sobrang depressed na ako.
Bago pa siya dumating alam ko na yung resulta.
Natauhan
naman ako sa sampal niya, pero di naman yun yung magse-set aside na makuha ko
si James.
Obsessed na kung obsessed, mahal ko siya eh.
Kailangan
kong magpatulong kay AJ.
Siya ang nakakakilala kay Arkin ng husto.
Ang tanging
gagawin ko na lang ay ang ipakita na karapat-dapat ako sa kanya.
After
namin malaman ang resulta, naging okay na ang pamilya ko.
Kinakausap na ulit
ako ni papa at okay na kami nila mama.
Blessing
na rin siguro to.
Pinatawad na nila ako sa lahat ng nagawa ko.
Ganito naman
talaga eh, maging sa teleserye, kapag mamatay yung anak nila, wala silang
choice kundi ang mahalin at tanggapin ako.
Nagpapahinga
na ako ngayon.
Malapit na rin lang din ang finals namin.
Wala akong update kay
Arkin. Di siya nagpaparamdam sa akin. Iniiwasn niya siguro ako.
Nasa
kwarto ako noon ng biglang bumisita si Aldred sa akin.
Himala ata at binisita niya
ako.
Nakakapagtaka, ano ang ginagawa niya dito? Nakalimutan ba niyang galit ako
sa kanya. Haixt.
“Gawa
mo dito?”
“Binibisita
ka.”
“di
ko kailangan bisita mo.”
“Wag
kang magtaray... nag aalala lang ako sayo...”
“Salamat...”
“Don’t
be so cold like that.. mag best friend tayo
kaya di mo maalis sa akin to.”
“We
used to be... yun yung term.. at tsaka matagal na yun.. bago mo pa lokohin
sarili mong best friend.”
“Ikaw
din naman ah.”
“Anong
gusto mong ipamukha sa akin?”
“Parehas
lang tayo. Inahas ang jowa ng best friend niya.”
“Hindi
ako katulad mo.”
“Maybe.
Pero if you know yung nangyari...”
“Bakit
meron pa ba akong hindi alam?”
“Don’t
mind it. I just want to visit you, hoping that you are alright...”
Nakonsiyensya
ako. Ang harsh ko masyado.
“Don’t
go.. sorry.” Sabi ko. Napatigil siya at umupo ulit.
“Siguro...
it’s time to have reconcilation.”
Nakita
ko na napatulo ang luha niya sa sa sinabi ko.
“Hey
don’t cry..” sabi ko.
“Natutuwa
lang ako...”
“Sorry
sa lahat ng mga nagawa ko.. sorry kung harsh akong magsalita sayo...”
“It’s
okay.. kasalanan ko naman ang lahat.”
“Bakit
naman kasi sa lahat ikaw pa? Alam mo gustong-gusto kitang patayin... grabe.”
Nanhimik
siya.
“oh
nanahimik ka.”
“May
dapat kang malaman...”
“Ano?”
“Yung
nangyari talaga.”
“You
don’t need to explain.. at saka isa pa.. sa lagay kong ito dapat nagpapatawad
na ako ng mga may kasalanan sa akin.”
“Pero
iba to.. dapat mo lang malaman to.”
“Sige
makikinig ako.”
“Di
ko naman gusto yung nangyari... wala akong intensiyon na gawin sa iyo yun, pero
para sayo ginawa ko. Nagawa ko na ipagamit ang sarili ko para di ka iwan nung
ex mo.”
“Di
kita maintindihan.”
“Kung
natatandaan mo noon, sinasabi ko sayo noon na may ibang lalaki yang hayop mong
ex, pero sabi mo na ayaw mong maniwala.”
“Yeah
I remember, di ako naniwala kasi mahal ko siya.”
“Yun
ang malaki mong pagkakamali. Di mo ako pinaniwalaan.”
“Yeah..
siguro nga.. pero anong connect...”
“Nung
time na yun, desperado ako na patunayan sayo na may iba siya. Pero nabigo ako.
Para hindi ka masaktan, kinausap ko
siya. Ako na mismo ang nagmalasakit na kausapin siya tungkol sa mga nakita ko.”
“Kaya
ba nagawa mo yun.. sinet up mo ang lahat?”
“Hindi...”
“Pero
ano?”
(Flashback)
“Bakit ako makikinig sayo?”
sabi nung boyfriend ni Chad.
“Best friend ko yung pinag
uusapan natin. Ayokong masaktan siya. Gago ka.”
“Pakiaalam ko ba sayo?”
“Nagmamakaawa na ako, lahat
gagawin ko itigil mo lang panlolokong ginagawa mo. Ayokong masaktan si Chad,
ayokong nagpapakatanga siya sa isang gagong lalaki.”
“Napakayabang mo naman
magsalita.”
“Bakit? Totoo naman sinasabi ko
ah. Isa kang lalaking walang ginawa kundi ang makipag harot sa kung
kani-kanino. Malandi ka! Sobrang landi mo!”
“Mag ingat ka sa sinasabi mo.”
“Mag ingat ka din sa ginagawa mo! Baka akala
mo, kaya kitang ipapatay...” ang nasabi ko na lang.
“Wew takot ako sobra....”
“Gago ka talaga. Ano? Ano na?!”
“Sabi mo gagawin mo lahat
diba?”
“Oo.”
“Papayag ako.. sa isang
kundisyon..”
“Ano?”
“Ikaw, gagawin kitang
pampalipas oras. Gwapo ka naman, malakas ang dating, hiwalayan mo boy friend mo
at ikaw ang magiging kapalit sa mga kalandian ko.”
“Hindi ako papayag! Hayop ka!”
“Well, tapos na pag uusap
natin..”
“Napaka sama mo! gago ka! Ang
baboy mo!”
“Sabihin mo na lahat ng gusto
mo. Kung payag ka na, itext mo ako. Saya pa naman paglaruan ng best friend mo.”
“Walang hiya ka!”
Tumayo ako at sinuntok ko siya.
“Ganyan ang gusto ko..
palaban.”
(End
of Flashback)
Kinuwento
sa akin lahat ni Aldred ang lahat.
Halos mapatulala na lang ako sa sinabi niya.
Totoo
ba to?
Pero, paanong?
Ibig sabihin sinisi ko siya sa kasalanang hindi naman
niya ginawa?
“Pumayag
ka sa sinabi niya?”
“Oo.
Pumayag ako, matapos niyang guluhin kami ni Rommy, sinakyan ko na yung gusto
niya.”
“Pero
di mo na dapat hinayaan na gawin yun.”
“Ganyan
ka kaimportante sa akin...”
“Pero..”
“Tapos
na yun. Don’t worry.. I won’t blame you...”
Niyakap
ko siya ng mahigpit. Napakasama ko palang best friend. Sobra.
Di
ko man lang naisip lahat ng mga pinag gagawa ko. Sinisi ko siya sa lahat ng
kasalanang ginawa ng hayop kong ex.
“May
ipagtatapat din ako sayo..” sabi ko.
“Ano
yun?”
“Tungkol
sa kalagayan ko.”
“Bakit?
Ano bang problema mo? Ano ba tingin sayo?”
“Kasi....
pero ipangako mo na muna na wala kang pagsasabihan.”
“Oo,
teka kinakabahan ako..”
“Kasi...”
“Ano?”
“Di
ko alam kung magtatagal pa ako...”
“Huh?”
“May
sakit ako..”
“Malala
ba?”
“Oo...”
“Teka..
ano bang sakit mo? Hindi ba maagapan yan?”
“May
tumor ako sa utak.”
At
tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
(Itutuloy)
3 comments:
sama q, d aq nkakaramdam ng awa ky chad :/
navigate here i1e03a1e39 luxury replica bags replica bags vancouver a3x77y6d31 replica bags and shoes you could look here m5l63f4j33 replica evening bags replica bags reddit replica gucci bags h0g75e3c00 replica bags sydney
her latest blog dolabuy replica useful source replica louis vuitton bags webpage Dolabuy Loewe
Post a Comment