Author's Note:
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.
Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)
Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 47
"Nagmamakaawa"
Always here,
Dylan Kyle Santos
<img style="visibility:hidden;width:0px;height:0px;" border=0 width=0 height=0 src="http://c.gigcount.com/wildfire/IMP/CXNID=2000002.0NXC/bT*xJmx*PTEzNTUwMDI1NTk4NTgmcHQ9MTM1NTAwMjU2ODgxMCZwPTEzNzkyMSZkPSZnPTEmbz1jZTVmM2JhN2JhNGE*ZGJlOTU4/NTUzMGMyY2E2NGNhNiZvZj*w.gif" /> <center><embed src="http://www.musicdumper.com/soundlister/player/player.swf?file=http://api.ning.com/files/2*CDKL68ymTz4-NQHPIAum8TV2UWsoJeh8arkFMscA20z7*n3e5vYj6sDZw0YOyr*bryB6FkfBsyY4hWjUm6L8fMpODD5OMZ/LaraFabianBrokenVow.mp3&image=http://www.musicdumper.com/lg.jpg&repeat=always&autostart=true&frontcolor=cccccc&lightcolor=428cdb&backcolor=111111" width="300" height="68" allowscriptaccess="always"></embed>
<br /><small><a href="http://www.musicdumper.com/" target="_blank">Broken Vow - Lara Fabian</a></small></center>
************************************************************************
[AJ’s
POV]
“What’s
going on?” tanong sa akin ni Rizza ng makarating kami sa bahay.
“I
don’t know...”
“Sabi
na at hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking yun. Bakit ba kasi hindi natin
sinugod?”
“Stop
it.” Sabi ko.
“Wag
kang tanga Arwin...”
“Please...”
“AJ
naman..”
“Please!
Ayokong pag usapan...masakit...sobrang sakit...”
Napaluhod
na ako at saka umiyak. Daig ko pa ang sinaksak ng ilang ulit sa aking likuran.
Naiiyak na lang ako sa nakita ko.
Ano
bang meron? Bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sarili kong mata? Ayokong
maniwala. Hindi, sabi ko sa sarili ko. Sa kanya lang ako maniniwala.. sa
explanation niya.
“Hey..
stop crying... he’s not worth for it.”
“Ang
sakit.... ang sakit sakit...”
“Dapat
kasi pinapatay na ganung mga lalaki...”
“Hindi
ako maniniwala sa nakita ko.... sa kanya lang ako maniniwala...”
“Wag
ka ngang mag pakatanga...”
“Mahal
ko siya at sabi niya kapag sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal doon
lang daw ako maniniwala...”
“Pero
ano ang nakita natin?”
“Hindi
natin alam kung ano ang nangyari sa likod nun.. we should not jump to any
conclusions...”
“Pero...”
“Ayoko
ng pag usapan.. please...”
Pinahid
ko ang luha ko. Tumayo at inayos ang sarili.
“Iakyat
na natin ang gamit mo...”
Tinulungan
ko siyang iakyat yung mga gamit niya doon sa taas. Mga alas singko ng hapon ng
dumating sila mama. Inexplain ko kung ano ang gagawin ni Rizza sa pamamahay
namin.
Pumayag
sila at masaya sila na magbabkasyon ito sa amin. Alas sais na ng gabi ng
biglang dumating si James. Si Rizza, nagtikom agad ng kamao.
“Hey...
cut it out... It’s okay.” sabi ko.
“Nandito
ka pala Rizza..”
“Hindi...picture
lang ako...”
“Yeah..
jokes mo...”
“Oo,
Joke nga. Baka makamatay ako. Ay joke lang. Sige akyat muna ako....” sabi ni
Rizza.
Agad
kong niyakap si James at pilit pinipigilan ang umiyak. Ayokong magtanong, gusto
ko sa kanya mismo manggagaling ang mga sasabihin niya.
“Kamusta
ka?” tanong niya.
“Eto
miss na miss ka...” sagot ko. Sabay pahid ng luha. Di ko na kasi mapigilan.
“Hey..
don’t cry...”
“Ma-masaya
lang ako....”
“Wag
na iyak... hey... pwede ka ba ngayong gabi? Labas tayo? Miss na kita eh...”
“Wait....”
tumalikod ako at tinawag sila mama.
“Ma...
lalabas daw kami ni James...” paalam ko.
“Good
evening mama...” sabi ni James.
“Good
evening din.. naku gabi na....” sabi ni mama.
“Mama...
overnight naman po.. miss ko lang po itong anak ninyo...”
“Ay
siya ingat kayo ah.. hoy lalaki.... wag mong kalimutang dalhin yung gamot
mo...”
“Bakit
po mama may nangyari ba kay AJ?”
“Wala
naman.. eh incase.... para di kayo mag panic...”
“Thank
you mama...” sabi ko. Tumaas na ako para mag bihis.
Sa
kwarto ko, nandun si Rizza at nagcomputer.
“Ei..
aalis kami...” sabi ko.
“Saan
kayo pupunta?”
“lalabas
daw kami.”
“Nag
usap na kayo?”
“Di
pa...”
“Hoy.
Wag ka masyadong tanga ha....”
Ngumiti
lang ako sakanya. “Wag mo akong ngitian...” sabi niya.
“Ipag
pray mo na kayanin ko kung anuman ang mangyari sa pag uusap namin..”
“Basta
tawag ka lang sa akin kapag may nangyaring masama...”
“Yup...
overnight daw eh kaya di nakita masasabayan matulog...”
“Okay
sige... ingat kayo... behave”
“Salamat ng marami....”
Pagkabihis
ko umalis na agad kami. Pareho lang kaming tahimik. Di kumikibo at diretso ang
tingin. Nakakapanibago si James talaga. Haixt.
Ilang
minuto lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Candle light dinner pala.
Haixt. Si James talaga. Buti at di pa ako kumakain.
Habang
nakain kami tahimik pa rin ang paligid. Kaya ako na ang nagsimulang makipag
usap.
“Bakit
di ka nagparamdam ng isang linggo?” tanong ko.
“Busy
lang...”
“Saan?”
“Marami...”
“Tulad
ng?”
“Basta...”
“Ano
nga?”
“Sa
requirements...”
“Ah
okay...”
“Sorry.”
“Okay
lang...”
“Kamusta
ka?” anong niya.
“Okay
naman ako.. eto buhay pa... miss ka ng sobra... haixt.. kung alam mo lang.. ilang
araw kitang tinatawagan pero di mo sinasagot... pinupuntahan kita sa bahay
ninyo, kaso wala ka naman lagi... nakakapagtampo lang talaga...”
“Sorry..
busy lang talaga... miss din naman kita eh.... sobra,... kung alam mo lang...”
“Akala
ko nga na nang chi-chicks ka lang eh...hahah..” pagbibiro ko, pero mukhang
sineryoso niya.
“Yan
ba tingin mo sa akin?”
“Just
kidding... sorry...”
“It’s
a bad joke.”
“Salamat
pala...” sabi ko. What a night, nag dinner pa kami eh di naman kami nag-uusap.
Daig pa namin ang strangers eh. Haixt.
“Saan?”
“Dito...
salamat.. napasaya mo ako..”
“I
love you....”
“I
Love you too...” at tinuloy na namin ang pagkain.
After
namin kumain, nag stroll kami sa may park. Ganda doon, maraming magagandang
tanawin. HHWWMPSSP pa nga kami eh, Holding hands while walking may pa sway-sway
pa. Oh diba.
“Don’t
do this again..”
“Ang
alin?”
“Make
me worry... make me miss you.. ang sakit kasi eh... sobrang sakit...”
“Sorry...”
“Kwento
ka naman mga nangyari sayo buong linggo?” magsalita ka naman.. please. Ang
sakit kasi na parang may iba ka na... na parang pinagsawaan mo na ako.
“Ayon..
okay naman...”
“Si
Khail kamusta?”
“Ayon
naman.. okay siya... tumataba...”
“Wag
mo kasi masyadong pakainin...”
“Di
mapigilan eh.. hahaha.” Sabay tawa.
Sa
wakas tumawa siya. My heart makes smile. “Salamat at tumawa ka na...”
“bakit
ba parang kalkulado mo galaw ko?” taong niya.
“Wala
naman... I miss you lang..”
Humarap
siya sa akin at hinalikan ako sa labi. In public pa talaga. Pilyong pilyo pa
nga siya eh.
“Sa
harapan ng maraming tao.?” Tanong ko.
“Bakit
ba?”
“I
love you...”
“I
love you too.”
“Gaano
mo ako kamahal?”
“Nasusukat
ba yun?”
“Hindi...
pero sabihin mo sa akin kung gaano mo ako kamahal...”
Binitawan
niya yung kamay ko at tumungtong sa may upuan. Humarap sa may tao at
nagsisigaw.
“Mahal
na mahal ko si Arwin Jake Montederamos.... siya lang ang nag-iisang mahal ko..
siya lang at wala ng iba.... sana ako lang ang paniwalaan ni AJ... sana ako
lang ang mahal niya... umalis man ako sa tabi niya.. sana maisip niya na mahal
na mahal ko siya.. kahit anong mangyari.. mahal na mahal ko siya... yung puso
ko nasa kanya na.. at sa kanya lang yun.. wala ng iba pa...” sabi nito.
Napaluha
ako sa sinabi niya. Halos di ko mapigilan ang mapaiyak. Nakita ko rin na
umiiyak siya. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Feeling ko iiwan na niya
ako. Feeling ko mawawala na siya sa akin. Feeling ko, argsh.... wag sana.. Lord
please.
10
pm na ng gabi ng umuwi kami sa bahay nila. Diretso kwarto at inaantok na ako.
Nagbihis ako at pinahiram niya ako ng boxer at t-shirt. Ako ang unang humiga at
sumunod naman siya.
Pagkahiga
niya niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa batok.
“I
miss you..” sabi niya.
“Me
too.” Humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya. Gumanti siya.
Unti-unti
nakaramdam ako ng sensitibong pakiramdam. Isang feeling na kung saan
nagsasabing kaaya aya ito. Unti-unting gumala ang mga kamay niya sa katawan ko,
maging ang halik niya gumagalaw na rin.
“I
will make this night memorable..” sabi niya.
Ang
sakit. Sobra. Feeling ko tama ang hula ko na nagapaalam na siya sa akin.
Sobrang nasasaktan ako kaya hindi ko na lang pinahalata na umiiyak ako.
Hinubaran
niya ako ng damit, maging ako hinubaran ko na din siya. Malalapad na
pagyayakapan at mainit na halik ang namuo sa aming dalawa sa loob ng kanyang
kwarto.
Nag
alab ang mga pagnanasa namin sa isa’t isa. Yung feeling na bumalik ka sa unang
pagkakataon na nangyari sayo ito.
Ng
naramdaman kong malapit na kaming mag isa, niyakap ko siya nag mahigpit at
unti-unti naramdaman ko na nagsanib ang aming katawan. Masakit, pero hinayaan
ko lang. Basta alam kong masaya ako na naibigay ko muli ang sarili ko sa kanya.
Tumagal
ang pagnanasang ito ng ilang minuto. Ewan ko pero sinusulit ko na rin itong
pagkakataong ito. Madami na ata ako masydaong iniisip.
Ilang
sandali lang din ay natapos ang pagnanasa naming iyon. Ilang oras din matapos
niyon ay nagkaroon pa ng pag uulit. Masaya ako sa nararanasan ko pero ang sakit
ng nararamdaman ko. Sa kaloob looban ko, feeling ko mamatay ako sa sakit.
Nahihirapan ako sa nangyayayari. I hate this damn feelings.
[Chad’s
POV]
Nandito
kami ngayon sa mall ni James. Nag gagala kami. Niyaya niya akong lumabas.
Masaya ako, bakit? Kasi siya ang kasama ko. Kasi nasa akin siya at alam ko na
nag aalala siya sa akin.
Bawat
lakad namin, para akong heaven. Daig pa namin ang mag on. kung ano man ang
nangyari sa kanila ni AJ, wala akong pakialam ang mahalaga eh nasa akin si
James. Nung isang gabi di siya umuwi sa bahay namin, may pupuntahan daw siya
eh.
“Anong
ginawa mo nung isang gabi...” tanong ko habang nakain ako ng ice cream
“May
ginawa lang..”
“Ano
nga?”
“Kinausap
dati kong kaibigan...”
“Sino?”
“Si
Mark...”
“Baka
naman si AJ...” pagmamaktol ko. Di siya sumagot. Hindi naman ako tanga na
sabihing hindi na niya mahal si AJ. Ramdam ko yun. Baka nga napipilitan lang
siya sa akin ngayon eh, pero wala, hindi naman ako nag beg sa kanya. Basta na
lang siya lumapit sa akin at eto na.
“Mahal
mo pa ba siya?” stupid question.
“Wag
na natin pag usapan...”
“Okay...
tara nood tayo movie...”
“Ano
gusto mo?”
“Kimmy
Dora 2... hahahha....”
“yeah..
wait bili lang ako ng ticket.”
While
he was buying tickets, ako naman eh bumili ng pagkain namin. Then afterwards
nanood kami ng movie.
Feeling
ko panandaliang nawala yung sakit ko, bakit kamo? Kasi naman sobrang hagalpak
ako sa kakatawa. Well, for your information, nag set na ng formality yung
doctor ko.
Sabi
niya I need to go surgery, pero ayoko, why? Natatakot ako, natatakot ako na
baka habang nasa loob ako ng operationg room, mawala sa akin si James. Oo alam
kong naawa lang siya sa akin.
Hindi
lang yun yung dahilan, nahihirapan na din naman kasi ako. My operation is
schedule after 5 months. di na daw dapat mag exced ng 8 months yung sergery ko.
Stage 2 na kasi yung sakit ko at kailangan ng matanggal yung mga tumors sa
katawan ko.
After
ng movie, bumaba kami papuntang food court. Doon kami kumain. Madami na naman
akong kumain. Nabusog ako lalao kaso sobrang sweet sa akin ni james.
Sinususbuan na niya ako.
“Salamat..”
sabi ko.
“For
what?”
“Dito..
alam ko napipilitan ka lang...”
Di
siya sumagot. “I love you...” at ngumiti lang siya.
Shit,
ang sakit, ang sakit na ipamukha pa sa sarili ko na wala akong puwang sa puso niJames.
Bakit kasi si AJ pa? Si AJ pa yung lalaking minahal niya.
After
namin kumain, pumunta kami sa Quantum. Naglaro kami ng basketball at as usual,
talo ako. Player kasi tong mokong na to.
“Ang
daya mo talaga eh..” sabi ko.
“Diskarte
lang yan...”
Hinawakan
ko ang kamay niya at naghanap pa kami ng malalaruan, hanggang sa makarating
kami sa isang videoke stand. Yung tipong live ung kantahan.
Nagulat
na nga lang ako ng makita ko si AJ na nakatayo doon kasama ang isang babae.
Nakanta siya.
“Ano
ba ang nakita mo at pinagpalit mo ako? Nakakasiguro ka ba ngayon sa bago mo?”
“Sana
ay mahalin ka niya at wag kang sasaktan.... kahit di tayo.. problema mo’y
sabihin lang...”
His
voice is soft as an angel. Nakakdala talaga. Haixt. Naramdaman ko na hinihigit
ni James ang kamay ko paalis. Ayoko pa sanang umalis pero wala akong magawa.
Nakita kong napatingin sa amin ni AJ.
Agad
naman kaming lumayo doon. Hinigit niya ako.
“Hey...
nasasaktan ako..” sabi ko. Napatigil siya
“Sorry.”
“Tara
starbcuks tayo...” hinila ko ang kamay niya at doon na nga kami nag punta.
“sarap
talaga dito... kahit amoy kape..” sabi ko.
“Malamang
kepehan to eh..”
“Seryoso
ka masyado...”
“Hahahah.”
Mayamaya,
may napansin kaming nakatayo sa likuran namin. At yun na nga, si AJ at yung
kasama niyang babae. Tumayo ako at tinitigan si AJ.
“hey...”
ang nasabi ko.
Hindi
makatingin si James kay AJ. Nagsalita yung babe, “Wow, huling huli talaga
kayo..”
“Sino
ka ba?”
“Shut
up you boblax brain...”
“Kapal
mo ah...”
“Please
Rizza... let’s go.. ayoko na dito.. biglang sumama pakiramdam ko.. ayoko ng
gulo....” sabi ni AJ.
“James...
kapal ng mukha mo.. nakakinis ka...”
Kinaladkad
naman ni AJ yung babaeng kasama niya. Boblax brain talaga, how dare she.
“Tara
uwi na tayo...”
“Malasin
ka sana... masktan ka sana... masagasaan ka sana. Walang hiya ka... sinaktan mo
na naman yung best friend ko. Hinding-hindi kita mapapatawad!”
“RIZZA!!!”
sabi ko.
“Okay..
wala na akong nagawa...”
[AJ’s
POV]
Para
na akong timang dito sa kwarto ko kasama si Rizza. Iyak lang ako ng iyak.
“Bakit
ba kasi nagpapakatanga ka doon sa walang kwentang lalaking yun?” sabi sa akin
ni Rizza
“Mahal
ko siya Rizza....”
“Pero
sinasaktan ka niya...”
“Mahal
ko talaga siya...”
“Wag
ka ngang magpakababa... madami pa jang iba...”
“Madaling
sabihin yan pero masakit lang talagang tanggapin....”
“hay
naku.. sa lahat ng taong aambunan ng katangahan, ikaw pa.... ikaw pa ang sumalo
ng lahat...”
Ang
sakit. Takte. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Sabi niya mahal niya ako,
pero bakit? Bakit kasama niya si Chad? Sila na ba? Takte yan ang sakit. Daig ko
pa ang tinapakan. Ahas talaga si Chad. Walang hiya siya.
Niyakap
ako ng mahigpit ni Rizza. “Ang sakit best.. ang sakit...”
“Sige
iiyak mo lang yan... nandito lang ako para sayo...”
“Hindi
ko maintindihan kung bakit?”
“Bakit
kasi hindi mo tinanong?”
“Natakot
ako.. ayaw kong alamin.. kinakabahan.. hindi ko alam kung kakayanin ko bang
marinig na hindi na niya ako mahal.. na nakikipag hiwalay siya sa akin..
feeling ko mamatay ako pag nangyari yun.. feeling ko hindi ako mag susurvive...
kaya ayon.... kaya hindi ko tinanong...” tuloy pa din ako sa pag iyak.
“Weh
ikaw din naman pala may kasalanan eh.. haixt... yaan mo na.. makakarma din yung
lalaking yun...”
“Pero
mahal ko siya.. mahal na mahal...”
“Dapat
kasi hindi mo na lang siya minahal eh...”
“Walang
magagawa ang puso ko... mahal ko talaga siya...”
“Wag
mo ng paulit-ulitin...”
“Salamat..
salamat at nandito ka... hindi ko alam kung saan ako tatakbo kung sakaling wala
ka dito....”
“Siya
tahan na.. wag mong sayangin ang luha mo sa walang kakwenta-kwentang tao.”
Nag
simula na akong may ayos ng sarili. Ayokong malaman pa nila mama tong nangyari.
Gabi
na ng pumunta sa amin si James. Di ko inaasahan na pupunta pa siya dito sa
amin. Di ko alam kung kaya ko ba na kausapin siya. Feeling ko bibigay ang puso
ko sa mangyayaring pag uusap namin eh.
“Good
evening po mama.” Bati niya kay mama.
“Oh
iho.. gandang gabi din.. kumain ka na ba?” tanong ni mama.
“Opo...”
sagot ni James.
“Sa
tingin ko nga tita busog yan.. busog na busog sa ibang kandungan...” pahabol ni
Rizza.
“Shhh...
stop...” sabi ko.
“Usap
tayo..” sabi ni James sa akin.
“Mag
uusap pa? Eh kitang kita na kanina eh...”
“Best..”
“Oo
na tatahimik na...”
“Doon
tayo sa labas.”
Agad
akong nagtungo sa garden namin. Para incase na umiyak ako sa pag uusap namin,
madali akong makakaakyat ng kwarto ko. May daan kasi dito, may shorcut.
Niyakap
ko siya. Ewan ko, nagpapakamartir na ata ako sa sarili ko. Nagpapakatanga sa
taong mukhang hindi naman ako magagawang ipag laban.
“Kamusta?”
tanong ko.
“Ikaw
dapat ang tinatanong ko niyan...”
“Alam
mo na naman kung okay ako o hindi eh...”
“Sorry...”
“un
na lang ba lagi mong sasabihin?”
“Nangako
ako na hindi ka sasaktan pero heto.... heto ako at sinasaktan kita...”
“Eh
kagustuhan mo yan eh...”
Umupo
siya sa bench at tumabi naman ako sa kanya.
“Tungkol
sa kanina?” sabi niya.
Takte
ayokong umiyak.. ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.
“Ah..
yun ba.. kamusta pala ang lakad ninyo? Dapat sinabi mo na lalabas kayo para
nasamahan ko kayo...”
“Pero...”
“Kamusta
na ba si Chad? Galit pa ba siya sa akin? Kasi ako... galit sa kanya eh.. galit
na galit.. alam mo ba kung ba....”
“Stop...
please.... stop...”
“Bakit?”
“Sorry...”
“Utang
na loob. Sorry na naman? Papakainin mo na lang ba ako sa sorry mong yan?
Bubuhayin mo na lang ba ako sa mga pangako mo?”
“Mali
ako...”
“Oo
maling-mali ka... dapat kasi sinabi mo.”
“Hindi
ko alam kung paano.”
“Tanga
kasi ako kaya ginaganyan mo ako... napakatanga ko... at isa pa... oo nga naman,
kailngan makuha mo muna ulit yung katawan ko bago ka lumipat sa iba...”
“Kung
yan ang gusto mong isipin...”
“Oo
yan talaga. Gago ka!”
Di
siya umimik.
“Bakit
mo ginagawa sa akin ito? Sabi mo mahal mo ako pero nasa piling ka ng iba?
Bakit?”
“Hindi
ko na kaya?”
“Paanong
hindi mo na kaya?”
“Makikipag
hiwalay na ako sayo....”
That
was the most painful moment ever. Ang makipag hiwalay siya sa akin. Hindi ko na
napigilang umiyak noon. Bumagsak na ang luha ko sa mga mata at ang sarili ko ay
hindi ko na nakayanan kaya napaluhod na lang ako mula sa pagkakaupo.
(Itutuloy)
2 comments:
h3w23x2t44 a5z50p6c97 f5w24k3x96 z2f51x2m66 w3h50w4k02 q3a93k7d03
golden goose outlet
hermes birkin
cheap jordan shoes
Jordan Travis Scott
air jordan
Travis Scott Jordan
kd 15
kd 12
bape hoodie
fear of god essentials
Post a Comment