Author's Note:
Waaaah... malapit na... haixt...
Hope magustuhan ninyo yung ending.. naiiyak nga ako eh.. haixt... umpft....
Comments ninyo ah wag ninyong kalimutan... hahaha
Di ko na sasabihin kung hanggang what.. basta abangan ninyo na lang... hahaha
Surprise!!!!!!!!!!!!!!!!
-------------------------------------------------------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.
Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)
Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 53
"Restart"
Always here,
Dylan Kyle Santos
Kailan - Mymp
************************************************************
[James’
POV]
Ilang
araw matapos ang bakasyon na yun, narito ako sa aking kwarto at nagkukulong.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang mangyari ang ganito.
Wala na
akong mukhang maihaharap kay AJ.
Tapos yung kuya ko, susot pa. Haixt.
Si
Khail na kay Arwin na.
Kinuha na siya at yun siguro alam na noong bata.
Ayaw
kong sisihin si Chad sa nangyayari. Pero nakakainis lang, nararamdaman ko na
hinding hindi siya magpapagamot hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Konting
tiis lang.
Pero para saan pa yung pagtitiis ko?
Kung wala ni si AJ, si Khail at
ang lahat-lahat sa akin.
Ilang
saglit lang ay pumasok si kuya sa kwarto ko.
Wala akong panahon para makipag
argumento sa kanya.
Kukulitin na naman ako ng lalaking ito.
“Hoy,.,...”
sabi niya
“Oh?”
“Di
mo ba sasamahan si Chad ngayon?”
“Nagpaalam
na ako sa kanya....”
“Eh
si AJ ba?”
“Nang
aasar ka ba?”
“Di
ko alam na ganyan ka katanga.... ang alam ko kasi na wala akong kapatid na
tanga.” Sabi niya
“Wew..
umalis ka na nga.”
“Sus...
tinutulungan lang kita.”
“Paanong
tulong ang ginagawa mo? Yung agawin sa akin si AJ?”
“Bakit?
Wala na naman kayo diba? At isa pa, ikaw ang kumalas sa kanya, nangiwan. Kung
alam mo lang ang pinagdaanang hirap na naranasan niya. Halos ilagay niya ang
sarili niya sa apoy para lang makuha ka. Nagpakatanga siya, nagpaka baba. Kung
anu-anong pag huhusga ang natanggap niya sayo tapos eto lang? Magmumukmok
ka sa isang tabi? Aba hindi ata ganyan ang mga Ramos.” Sabi niya
“Nahihirapan
din naman ako eh. Mas pinili ko ang mamatay na lang sa puso niya para hindi
siya masaktan ng sobra. Mas pinili ko ang mag suicide para tulungan si agad
kahit na puso ko ang kapalit.”
“dapat
kasi ipinaliwanag mo kay AJ ang lahat.”
“Ayokong
pag hintayin siya.”
“Naghihintay
siya... matagal na.. simula noong iwan mo siya, hindi siya nagsawang mag
hintay.”
“Pero...”
“Yan
ang ginawa mo.. napagod na siya....kasalanan mo rin yan.”
“Kamusta
siya?” tanong ko.
“Ayon..
hindi maganda.... feeling ko sa ngayon pinapasaya niya ang sarili niya...”
“Galit
ba siya sa akin.”
“Siguro..
pero mahal ka niya.. yun ang alam ko...”
“Mahal
ko din naman siya eh...”
“Haixt..
ewan ko sayo.. gusto kitang suntukin sa ginawa mo sa kanya...”
“Mahal
mo siya no?”
“Ewan...
hahaha... gusto oo. Pero mahal.. ewan...”
“You
are a jerk....”
“And
you are stupid...” sabi niya sa akin.
“I
hate my life!”
“That’s
why your life hates you.... wala ka kasing matinong dessiyong ginagawa...”
“Nakakinis
lang kuya... nasasaktan ako.. sobra...”
“Yan
pinili mo eh.... kaya mag isip isip ka bago mahuli ang lahat.”
Doon
ako napaisip ng todo.
Ano ba ang dapat gawin ko?
Sundin ang puso o ang aking
isipan?
[AJ’s
POV]
Nakita
ko si Khail na nakatulala sa may tapat ng bintana.
Para bang may hinihintay na
dumating.
Iisa lang naman ang nasa isipan ko na hinihintay niya, si James.
Alam
ko na malabo na magkaroon si Khail ng isang buong pamilya.
Ako na ngayon ang
nagpaparaya, mabait na tao si Chad, kahit na masakit kailngan tanggapin.
Alam
ko naman na maalagaan niya si Khail ng mabuti.
At isa pa, daddy pa rin ako ni
Khail, kahit na wala na kami ni James, kaya pa yan.
“Anak....
anong ginagawa mo diyan?”
“Daddy....
di po ba ako dadalawin dito ni Daddy?”
“Anak...
mukhang malabo yan eh.. bakit ayaw mo na ba sa akin?”
“Namimiss
ko na siya daddy eh... nag away ba kayo daddy?”
“Hindi
anak. Ayos lang kami.” Ang sakit, hindi ko ata kayang mag sinungaling.
“Daddy...
bakit ganun? Bakit iba ang kasama niya?”
“Anak?
Anong ibig mong sabihin.”
“nagsisinungaling
ka daddy... alam kong may problema kayo.”
“Anak
naman... ano bang pinagsasabi mo?”
“Daddy...
ano ba talaga kayo ngayon ni daddy?”
“Anak....
may sasabihin ako sayo.. sana maintindihan mo...”
Nakita
ko ang mga mata niya. Lalo akong nasasaktan.
“Anak... patawarin mo ako ah...
naging mahina ako... naging mapurol... pabaya.....” di ko mapigilan ang
mapaiyak.
“Daddy
wag kang mag cry.. please...”
“Anak...
mahal na mahal ka namin ng daddy mo.. kaso.... wala na eh...”
“Ano
pong wala na?”
“Anak...
hiwalay na kami ng daddy mo....”
“Pero
daddy bakit? Ayaw ko? Kayo ulit daddy. Ayoko.” Sabi niya.
Unti-unti
nakita ko siyang umiiyak.
Lalong nadudurog ang puso ko kapag nakikita siya.
“Anak...
wag na wag kang magtatanim ng galit sa amin ng daddy mo ah... kahit wala na
kami.. mahal ka pa rin namin... daddy mo pa rin ako....”
“Pero
daddy bakit?”
“Kasi
may iba ng mahal ang daddy mo.... mabait naman yun. Best friend ko yon at alam
kong maalagaan ka niya.”
“Kaya
ba iba na ang kasama ni daddy? I hate daddy I hate daddy!” nagtatakbo siya
pataas ng kwarto niya.
Sinundan
ko siya. Nag lock siya ng pinto kaya kinabahan ako.
“Baby buksan mo to...
baby...”
“Ayaw
ko... hanggat hindi kayo nag babalikan ni daddy di ako lalabas dito...”
“Baby...
alam kong mahirap.... buksan mo to... please...”
“I
hate daddy... ayaw ko sa kanya!”
“Ma!
Ma yung susi nga po ng kwarto ni Khail.” Sigaw ko.
“Oh
anak anong nangyari?”
“Si
Khail po nag kulong sa kwarto po niya eh.”
“Sige
anak... eto ang susi.. ano ba ang nangyari?”
Eto
na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang masakatan ang baby ko dahil sa
nangyayari sa amin ni James.
Naawa
ako sa kalagayan ng anak ko.
Hindi ko man lang magawang pawin ang sakit na
nararamdaman niya.
Masakit din naman sa part ko eh, sobrang sakit.
Isang
linggo matapos ang pangyayaring ito ay nag iba na ang pakikitungo ni Khail kay
James.
Hindi ko na din nakikita si James mula nang nangyari noong bakasyon.
Sa
akin na tumutuloy si Khail at ayaw na niyang umuwi kay James.
Maski ako
nalulungkot sa pinagdaraananan ni Khail.
Si mommy naman ay naiintindihan.
Bumibisita na lang sila sa bahay.
Matapos
ang dalawang buwan, nagbago ang lahat.
Sa buhay ko, buhay ng anak ko... at ang
buhay ng puso ko.
Panibagong
taon sa pag aaral.
Bagong ako, bagong pagsubok na haharapin.
halos
mag tatalong buwan na rin na hindi ko nakikita si James at masasabi ko na
hanggang ngayon, hinahanap hanap ko pa rin siya.
Ganito talaga pag nagmahal ka.
Pero
masakit pa rin, hanggang ngayon ramdam ko pa rin.
Ilang buwan na lang din ang
palugit sa akin para mag paopera.
Natatakot
pa rin naman ako hanggang ngayon.
Sa tingin ko naman na hindi ko na rin naman
kailangan, pakiramdam ko kasi nagaling na rin naman ako.
Yung
look ko, ganun pa din, may nagbago na bukod sa palagiang pagsusuot ko ng
salamin.
Medyo lumalabo na kasi ang mata ko, nagpapakadalubhasa kasi sa pag
aaral.
Inialay
ko na lang ang buhay ko sa anak ko, kila mama at papa, at sa pag aaral.
Maraming offers na rin ang natatanggap ko.
Ilang taon pa bago ako mag graduate
pero marami ng seminars at formation akong pinapaattend.
Marami
na kasi akong orgs na sinalihan.
For a change.
Dumaldal na rin ako kahit
papaano.
Marami raming kaibigan akong nahanap.
Dahil
jan, sumali din ako sa kung anu-anong laro
lalo na at College week namin sa makalawa. Nagalit nga sa akin si mama
nung malaman yun eh.
“Baby...
kain ka na.. mamaya pumayat ka niyan eh.” Sabi ko kay Khail.
“Daddy
busog na ako...”
“Last
5... dali subo na...”
“Sige
po 5 na lang ah...”
Eksena
namin ni Khail habang pinapakain ko siya.
Samantalang si mama ay nagbubunganga.
“Hoy
Arwin Jake.... sinabihan na kitang wag ka nang sumali jan ah!” sabi ni mama.
“Ma...
maka Arwin Jake wagas.... di na nga po ako sumali sa cheering eh... pati ma,
exercise din yun....”
“Paano
kung bigla kang himatayin... atakihin?”
“Ma...
masyado kang nega.. pag di na maganda pakiramdam ko magpapasub na naman ako
eh...”
“Anak..
concern lang ako.. mamaya mawala ka na lang sa am....”
“Ma
naman.. malakas ako.. dami ko ng pinag daanan oh...”
“Anak
hindi mo maiaalis sa akin yun...”
“Ma..
trust me ha...”
“Ewan..
jan ka sa papa mo mag paalam.” Sabi ni mama saka umalis.
“baby..
kain ka lang jan ah... pupuntahan ko lang yung OA mong lola.” At tumango ito.
“Pa...
si mama oh...”
“Ma...
hayaan mo na yang anak mo...” sabi ni papa.
“Kaya
naspoil yang anak mo eh...”
“May
tiwala naman ako sa kanya eh...”
“Hay
nako...”
“Ma...
I’m big na...”
“Kung
nagpapa opera ka na kasi eh magiging okay na ang lahat...” at saka umakyat si
mama.
“Anak...
may punto naman ang mama mo eh.. pero hindi kita pipigilan...”
‘Salamat
po pa...”
“Anak
mahal kita... mahal ka namin... kaya wag na wag mong babaliwalain pag aalala
namin.”
“Opo
pa.... promise yan...”
“Kapag
may nangyari sa iyong masama, papaluin kita.. ma grounded ka sige ka...”
“Opo
promise... gusto ko pang mabuhay pa... kaya wag po kayong mag alala...
mabubuhay ako... para sayo... para kay mama... para kay Khail.. at para sa
sarili ko.” Sagot ko.
“Anak...
pinapasaya mo ako....”
“Pa...
para sa inyo to ni mama... konting hintay lang po...”
“O
sige.. galingan mo sa game mo.... kapag hindi kayo nanalo... pwersahan kitang
ipapadala sa America...”
“Hay
naku pa... no choice pa ba ako? Pati dun din naman mapupunta yun.... hahaha.”
“Kaw
talaga... sige na... ako na ang bahala sa mama mo...”
“Pa
I love you..”
“I
Love You to anak...”
Niyakap
niya ako tulad ng dati noong bata pa ako.
Maswerte ako na nagkaroon ako ng
magulang na tulad nila.
Naging
okay naman ako sa mga practice namin.
Isa lang naman ang di okay eh, ang makita
kong magkasama si Chad at si James.
Magka
schoolmate na rin naman kami ni James.
Lumipat na siya at mula pa noong
dumating siya dito sa school ay halos di na sila mapag layo.
Kapag
nasa cafeteria kami, lagi na lang nasasaktan ang puso ko dahil halos pagselosin
na ako ni Chad.
Sa isang subject namin, daig ko pa ang nasa impyerno dahil sa
aksyon ni Chad sa harapan ko.
Kaklase ko sila sa tatlong subjects, great diba?
Binabalewala
ko na lang lahat ng napupuna ko kaya todo ayos na ako sa sarili ko.
Ipinapakita
ko na anuman ang gawin niya ay hindi ako matitibag.
Gabi
na ng magpasya akong umuwi.
Nakakapagod din pala at nakakastress. Haixt buhay
nga naman.
Buti
na lang at isang sakay na lang.
Nang makita ko na iisang tricycle nalang ang
avilable, nagmadali akong tumakbo.
Mahirap na at isa pa gusto ko ng makauwi.
Charity
na naman ako, okay na to, hintayin ko na lang na may bumaba mamaya. Pero sa
kamalasan nga naman, nakasabay ko pa sila.
Upo
sana sa charity si James pero pinigilan siya ni Chad.
“Hayaan
mo nga siya... lalaki yah at hindi babae.” Sabi nito.
‘Pero...”
“Isa...”
at bumalik si James sa kinauupuan niya.
Parang
sunud-sunuran na si James kay Chad.
Di ko na alam ang nangyayari.
Ang awkward
ng position ko kasi naman ginigitgit ako ni Chad.
“Chad...
stop it...” sabi ni James.
‘Wala
naman akong ginagawa ah...”
Tinignan
ko ng masama si Chad. “How scary..” sabi niya.
“Mas
scary mukha mo..” pabulong kong sabi.
“Hon...
ang galing mo kanina... the best ka...” ramdam ko ang pagkakayakap ni Chad kay
James. Daig mo pa ang linta kung makakapit eh.
Nakikita
ko sa may bintana sa tabihan ko yung mga nangyayari.
Nagulat na lang ako ng
sapilitang halikan ni Chad si James.
Kusa
namang bumitaw si james. “Alam mo ba na nag fe-feeling magaling yung isa jan...
akala mo kung sinong matalino...” sabi ni Chad.
Di
ako umimik... ayaw ko na lang patulan. “Akala mo kung sinong Valedictorian....
kow...”
“Chad...
sabi ko tama na.. please...”
“Bakit
ba? It’s my freedom para sabihin ang gusto ko....”
“So
shut up.. please...” ang sabi ni James.
“Ayoko
nga eh.. bakit mo ba pinag tatanggol pa yang lalaking yan ha?” nakuha na anmin
yung atensyon ng driver at ng mga dinadaanan namin.
“Please...
lower your voice...”
“Bakit
nahihiya ka ha?”
“Pwede
ba tumigil ka na?” di ko napigilan ang sarili ko.
“Bakit
ba kahiya hiya ba?”
“Alam
mo wala ka talagang kahihiyan.. napaka walang hiya mo...”
“Ang
kapal naman ng mukha mo...”
“Makapal
na kung makapal.. kesa naman mang aagaw.”
‘Anong
sabi mo?”
“Mang
aagaw.”
“Ang
kapal ng mukha mo!”
Tatangkain
niya akong sugurin sa loob pero napigilan siya ni James.
“PARA
PO!”nagulat ao sa tono ni James.
“Baba
na!” sabi ni James.
“Tara
na...”
“Ikaw
lang!”
“Pero...”
“Gusto
ko ng magpahinga kaya cut it out pwede? I am tired of these..... pagod na ako
sa mga pinag gagawa mo kaya please.... pahinga ka na...”
Bumaba
ito at direderetsong pumasok sa loob ng gate.
Umandar ang tricycle. Magkatabi
naman kami ngayon ni James.
Daig
ko pa ang nabilaukan dahil walang salita ang mamutawi sa aking lalamunan.
Parang natuyo ito at walang boses na mailabas.
Ang
awkward kasi ng posisyon eh. Haixt.
Malapit na sa amin at papara na ako.
At
least nakatabi ko siya.
Pero
kailngan ko bang kausapin siya?
Kamustahin? Haixt. Bigla akong nakarinig ng nag
para.
Si James, teka, wala pa siya sa bahay nya ah, nasa park pa lang.
Bayad
po, tatlo po yan.
Akala ko tapos na pero hinigit niya ang kamay ko at dinala
ako sa park.
Natulala na lang ako sa nangyari.
Nang
makarating kami sa may swing, agad niya akong niyakap.
Nagulat ako sa action
niya.
Napatulala ako sa nangyari at tila tutulo ang mga luha ko.
“I
miss you so much....” sabi niya
Di
ko alam kung ano ang isasagot ko. “Sorry sa inasal ni Chad...”
Bumitaw
siya ng pagkakayakap at humarap siya sa akin. “Kamusta ka na?” tanong niya.
Nakatingin
lang ako sa kanya. “Ano nagwapuhan ka na naman sa akin?” pagbibiro niya.
Umupo
ako sa swing at nag duyan ng padahan dahan. “Anong eksena to?” tanong ko.
Di
siya nagsalita. “Lalo mong pinapahirapan ang sitwasyon ko...” ang nasabi ko pa.
“Sorry....”
“Taena
mo! Gago ka! Bakit?” ang nasabi ko.
Hinawakan
niya ang kamay ko. Di ko inalis ito, di ko mapigilan ang mapaluha. Ang sakit,
sobrang sakit.
“Patawarin
mo ako kasi nasaktan ka.”
“Anong
mapapala ko sa sorry mo? Wala naman diba?”
“Alam
ko...”
“Gusto
kong patayin ka... saksakin.. bugbugin... pero ayoko... masasaktan lang ako.”
Lumapit
siya at lumuhod sa harapan ko. “Mahal kita... hanggang ngayon.. pero ang
sakit... pilit kong pinipigilan ang sarili ko kasi sobra akong nasasaktan!”
tumutulo na ang uha ko hanggang yakapin ako ni James.
“Sorry...
ang laki na ng kasalanan ko sayo.. sobrang laki na....”
“Iwasan
mo na ako please... please lang...”
“Pero...”
“Please
naman... ayoko na... nasasaktan na ako eh... Isipin mong patay na ako. Isipin
mo na yung Arwin na kilala mo ay wala na, nalibing na sa lupa.”
“Sorry.....”
“Puro
sorry ka na lang lagi.. sana man lang makarinig ako ng isa man lang na... hello...
eto ako.. babalik sayo... pero ano ang aasahan ko? Wala.” tumayo na ako at nag
simulang lumayo.
Ang
sakit ng nararamdaman ko.
Sobrang sakit.
Daig ko pa ang nasabugan ng bomba.
Paulit ulit na lang.
Nakarating ako ng bahay ng ayos.inayos ko muna ang sarili
ko bago ako pumasok ng bahay.
Arwin
Jake Montederamos, kailngan mo ng bumangon.
Wag kang maging tanga sa
pagkakataon. Iniwanan ka niya!
Maayos
na natapos yung college week namin. Halos di ko na rin namalayan.
Ilang games
din ako muntikan ng atakihin, hindi ko nga maintindihan kung bakit.
Mag
papacheck up ako bukas para sure ako.
Magpapasama na rin ako kay Martin.
Ayoko
kasing malaman nila mama na nagiging haggard na naman ako.
Closing
ng games, hindi ko nakita si Chad.
Siya ang huli naming nakalaban.
Magaling
siya, pero nagulat ako na hindi siya umattend ng awarding.
Wala
naman akong balita, nagtanong tanong ako pero walang nakakaalam. Di ko na lang
masyading inisip.
Pati
si James, wala rin, ano pa ba ang aasahan ko? Magkasama sila.
Kinabukasan,
sinundo ako ni Martin.
Agad naman kaming dumeretso sa may ospital.
Masama ang
pakiramdam ko, feeling ko unti-unti nahihirapan na akong huminga.
“Konting
tiis lang.” Sabi ni Martin.
“Kaya
ko pa naman.. chill lang...” sabi ko sabay ngiti.
“Ang
tigas kasi ng ulo mo eh. Pinagsabihan ka na na wag nang magpakapagod.”
“Gusto
ko naman kasing lumakas. Kapag hihiga lang ako lalo akong magpapakasakit.”
“Pero
nagpapaka suicide ka eh.”
“Okay
lang ako...”
“Ewan
ko sayo.”
Agad
naman akong dinala sa emergency room at dumating ang doctor.
Nakita ko ang pag
aalala sa mukha ni Martin.
May
tinurok sa akin yung mga nurse, pampatulog ata.
Next thing to know, nasa isang
puting kwarto na ako. Na confine na naman ako.
Nagising
ako at nakita ko agad si mama.
Agad niya akong niyakap at tinanong ng kung
anu-ano.
“Kamusta
ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong masakit?” tanong ni mama.
“Ma...
easy lang po... okay na naman po ako...” sagot ko.
“Ikaw
bata ka napaka tigas kasi ng ulo mo...” nakita ko ang pagpatak ng luha ni mama.
Agad
ko naman siyang niyakap ng mahigpit. “Sorry ma... sorry talaga....”
“Wag
mo ng uulitin yun.. ipangako mo...”
“Ma....
mahal ko kayo...”
Hinawakan
ni mama ang kamay ko. “Ma... sorry ulit.... pero.... nahihirapan na ako...”
Nang
sabihin ko iyon, ramdam ko na tumulo na ang luha ko.
Sa tingin ko wala nang
lakas ng loob ang natitira sa puso ko.
Puno na ito ng pait at hinagpis.
(Itutuloy)
1 comment:
important site high end replica bags you can try these out aaa replica bags this contact form replica ysl handbags
Post a Comment