Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo at natumba sa sahig.
Isang pares ng paa ang nakita ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
BYRON
"Tito Byron!", masayang salubong sakin ni Jake.
"Hey. Kamusta? Asan ang Daddy mo?", tanong ko rito sabay karga.
"Tulog pa po eh."
"Ahh ganun ba, sige puntahan ko muna sa kwarto niya sandali ha."
Tumango naman ang bata. Ibinaba ko ito at madali itong bumalik sa panonood ng TV.
Sa totoo lang, kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ni Al sa nangyari kagabi. Mas ikinatakot ko kung sakaling mag-iba ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko kakayanin yun.
Mula nang naging malapit ako dito ay naramdaman ko nalang na unti-unti na akong nahuhulog dito. Wala kang hindi magugustuhan kay Al. Mabait, maalagang ama, maalalahanin, laging inuuna ang kapakanan ng iba.
Nung una ay sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi dapat. Lagi kong sinasabi sa sarili kong pareho kaming lalake kaya hindi pwede. Pero nung gabi ng party, hindi ko naiwasang tuluyang bumigay sa nararamdaman ko at hinalikan ko siya.
Akala ko magagalit siya, sasapakin niya ako, pero hindi. Instead, he told me to go home instead. Ni walang bahid ng galit.
Umuwi ako nung gabing iyon na siya ang nasa isip. His kiss was sweet. That's when I decided to confess my feelings. Wala na akong pakialam kung magalit man siya. Basta gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya rin ako.
Kinatok ko ang kwarto niya. Doon ko narinig ang pagbagsak ng isang mabigat na bagay. Agad akong kinabahan kung kaya binuksan ko ang pinto at nakita ko ang bagsak na katawan ni Al sa sahig.
Agad ko itong tinakbo at binuhat. Inihiga sa kama. Agad ko ring kinuha ang cellphone ko para tumawag ng doktor. Nang ibalik ko ang tingin ko rito ay nakita kong may dugo ang kanang noo nito.
"Oh God.", alalang sambit ko.
Agad akong nagpakuha ng first aid kit sa katulong. Nilinis ko ang sugat nito.
"Please let him be okay. Please.", wala sa sarili kong nasabi.
**********
"Kamusta ho siya Dok?", narinig kong tanong ng isang pamilyar na tinig.
I tried opening my eyes pero hindi ko magawa. I tried to speak pero hindi ko rin magawa and then I felt myself losing consciousness again. Nang muli akong magising ay nakita kong tulog si Byron sa upuan na nasa tabi ng kama ko.
Sinubukan kong umupo.
Nagising ito.
Dali itong tumayo.
"Okay ka lang ba? How are you feeling?", agad nitong tanong.
"O-okay lang. Ba't ka andito?", tanong ko.
Ngunit imbes na sumagot ay bigla ako nitong niyakap.
"Thank God.", nasabi nito. "Please don't make me worry like that again."
"Teka teka, ano ba nangyari?", takang tanong ko, nakayakap pa rin ito sa kin.
Kumalas ito sa pagkakayakap.
"You really don't remember?"
"Magtatanong ba ako kung naaalala ko?", sagot ko rito.
"Natumba ka kanina. Anemic ka raw sabi ng doktor. He advised that you rest for a week.", sabi nito.
Naalala ko ang nangyari kanina. Nasapo ko ang noo ko and I felt it throbbing. May sugat.
"Naalala mo na?", tanong nito.
Tumango ako.
"Si Jake?", tanong ko rito nang maalala ang anak ko.
"He's asleep. He was quite worried."
Hindi ako sumagot.
Bigla namang tumunog ang tyan ko.
Natawa naman si Byron.
"Sandali, ikukuha kita ng makakain.", sabi nito.
"S-sige.", sagot ko nalang.
Pagbalik ni Byron ay may dala na itong pagkain.
Champorado.
"Para naman akong maysakit sa ipapakain mo sa 'kin.", sabi ko.
"Bakit? Wala nga ba?"
"Anemia lang naman. Madali namang bawiin yan", sagot ko.
"Lang? Eh natutumba ka na at lahat tapos anemia LANG? Alam mo ba kung gaano ako nag-
alala sa'yo?"
Natahimik ako.
Marahil ay narealize din nito ang mga nasabi ay natahimik rin si Byron.
"Sorry. I was just worried.", basag nito sa katahimikang namagitan sa amin.
"I-it's alright."
"Kain ka na. Susubuan nalang kita.", sabi nito.
"Kaya ko naman siguro kumain Byron. Kung gusto mo saluhan mo nalang ako. Tutal mukhang buong kaserola 'tong nilagay mo rito sa bowl."
Napangiti ito.
"Sige.", sagot nito.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. We talked about the week long vacation na mangyayari dahil sa advise ng doktor.
"So whay do you plan to do?", tanong nito.
"I don't know. I guess, magba-bonding nalang kami ni Jake. It's been too long mula nang makapagbakasyon kami."
"Okay. Uhm, hindi mo ako isasama?"
"You have your scheduled press conference three days from now. May mga guestings ka pa."
"I got them all cancelled.", agad nitong sagot.
Napatigil ako.
"Don't flip out okay. Ako mismo ang kumausap sa lahat ng taong in-charge sa mga schedules na yun. They were okay about it."
I sighed.
"Ano pa bang magagawa ko eh cancelled na yun.", nasabi ko nalang.
"So, am I in?", nakangiti nitong tanong.
"KKB."
"Ang kuripot nito!"
"Dapat lang yan. Dahil kinasel mo nang walang authorization from your manager lahat ng sched mo."
Tumawa ito.
"Fine. Where do you plan to go?"
"South Korea."
"South Korea it is. Want me to book those tickets for tomorrow?"
"Sure."
We talked about many things. Hindi na namin napansing mag-uumaga na pala. We decided to call it a night at natulog na. Sinabihan ko si Byron na sa guest room nalang matulog.
"So, goodnight?", sabi nito.
"Good morning.", sagot ko naman.
Ngumiti ito saka tumalikod at naglakad palabas. He turned off the lights at isinarado ang pinto.
I turned on the lampshade sa side table. Umayos na rin ako ng higa at pumikit. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ulit anv pintuan. Pumasok si Byron.
"Bakit?", tanong ko.
"Last night, you said it was because we were both drunk. But I'm gonna prove you wrong."
"What do you mean?", takang tanong ko.
Imbes na sumagot ay lumapit ito sa akin at hinalikan ako.
It was gentle. He was a good kisser. That's for sure.
Maya-maya pa ay natagpuan ko ang sariling gumaganti sa halik nito.
The kiss got deeper. Naging mapusok. Then, he stopped.
"So I guess that means, you like me too.", sabi nito nang maghiwalay ang mga labi namin.
Ramdam kong bigla akong namula. Hindi ako nakasagot.
Tumawa ito.
"I guess that's a 'Yes'.", sabi nito. Then he kissed me again. This time, it was just a peck on my lips.
"Goodnight.", he said smiling. Tumayo ito at lumabas ng kwarto.
"Good grief! What the hell did I just do?!? Tama ba 'tong ginagawa ko?", tanong ko sa sarili.
Somehow I feel like I've betrayed Eric. But a part of me says that I didn't do anything wrong.
I decided to sleep it off. Pero alam kong haharapin ko pa rin ang nangyari kinabukasan.
For now. I wanted the taste of Byron's lips to remain.
For now.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment