Friday, January 18, 2013

Bullets for my Valentines- Part 56



Author's Note:

urprise!!!!!!!


sa tingin ninyo ending na ba??? let's see... hahaha


Malapit na mag 60... hahahah tignan natin... hahah

comments kayo guys ha....

hope magustuhan ninyo yung ending...:))



-------------------------------------------------------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 56
"Back to me"

Always here,

Dylan Kyle Santos




 

 
Backtome - Cueshe



*************************************************************


[AJ’s POV]


Kinagabihan, nagpuntahan sila Jaysen, Bianca at marami pang iba. Ewan ko ba sa kanila.


“Hey happy trip...” niloloko nila ako sa nalalpit kong operation.


“Grabe kayo.. pag talaga natuloy ang trip ko dadalwin ko kayo.. may mga pasalubong akong ibibigay sa inyo.” Sabi ko.


“Basta sa akin best friend gwapong lalaki.” Sabi ni Rizza


“Sure... gwapong pugot ang ulo.”


“Grabe ka ang harsh mo...” sagot niya


“Well.. hindi naman.”


Nagkakasayahan kami. Maya maya nagulat na lang ako sa dumating, si Martin.


“Ui kamusta na?” tanong niya


“Okay naman. May pasalubong kami sayo ni Khail.”


“Talaga?”


“Oo naman.”


“Ako din may pasalubong...” sabay ngiti.


“Parang ayoko ng pasalubong mo.” Medyo kinutuban ako.


“Sorry.. nag pumlit siya eh...”


“Parang ayoko ata niyan...” sabi ko.


“AJ....” narinig kong boses galing kay James.


“Pagod ako.... gusto ko ng magpahinga....” sabi ko.


“Please... let me explain.”


“Hindi mo kailangan....”


“Gusto kitang kausapin.. gusto kong humingi ng tawad.”


“Wala kang kasalanan sa akin...”


“Please mag usap tayo...”


“James saka na kayo mag usap.. pagod si AJ sa byahe eh.” Sabi ni Rizza


“Umalis ka na please.” Paki-usap ko.


“Bukas... bukas ng gabi.. hihintayin kita. Sa may Park.... dun sa may burol doon.. hihintayin kita... sana dumating ka.... mag aantay ako... mahal na mahal kita AJ.”


“Wala kang aantayin.”


“Di ako aalis hanggang mag umaga doon.. hihintayin kita....”


“Wag kang MAKULIT! UMALIS KA NA!”


Nanikip ang dibdib ko pero di ko pinahalata. 

“Alam mo ba na... namiss kita...” nakarinig ako ng garalgal sa boses niya. Napatulo ang luha ko.


“Alam mo ba hinintay kita....”


“Tumigil ka na...”


“Mahal na mahal kita kaya hindi ako mag sasawang mag hintay sayo.”


Yun ang narinig ko saka ako nagtuloy pataas. 

Ang boses niya. 

How I wish mariig ko pa ulit iyon? 

Nakita ko yung mukha niya, bakitganun na kalala?


Ang dami niyang pasa sa mukha. 

Gusto ko siyang lapitan, yakapin at halikan. 

Pero di pwede, masasaktan lang ako. Ayoko.


[James’ POV]


Ang saya ko kasi nakita kong okay si AJ. 

Nag pre-prepare ako para mamaya. 

Nararamdaman ko na pupunta si AJ kaya todo ayos ako.

Nagpatulong akokay Jaysen, kay Kuya at sa marami pang iba. 

Special part to sa akin.

Nag ayos ako ng sarili. 

Tinakpan ko mga pasa ko sa mukha. 

Dahil to sa mga away na napasukan ko. 

Pero good boy naman ako.


Tinext ko si AJ. “Mahal ko.... 8 pm mamaya ha.. hihintayin kita.. Mahal na mahal kita Arwin Jake Montederamos-Ramos”


Hinintay ko ang reply niya pero wala. 

Ayos lang yun, alam ong mahal niya rin ako. 

Gusto kong maging special ang lahat kaya nirentahan ko yun. 

Fireworks at marami pang iba.

Alas sais na ng gabi ng mag ayos ako ng sarili ko. Haixt. 

Dapat maging gwapo ako sa harap ng asawa ko.


Alas siete na ng matapos ako at bumaba. “Ang gwapo ng anak ko.” Sabi ni mama.


“Siyempre inspired eh.”


“Sigurado ka ba jan sa gagawin mo?” tanong ni kuya.


‘Wag ka ng kumontra kuya.. okay na ang lahat eh.”


“Paano kung hindi siya sumipot....”


“Sisipot yun.. ako pa ba?”


“Pero be ready...”


Nagtatalo pa rin sa isip ko yun. 

Pero think positive. 

Alam kong pupunta siya. 

Di ako mawawalan ng lakas ng loob.

7:30 ng dumating ako doon sa place na pupuntahan namin.

 Todo text ako kay AJ.

 Siya lang ang tinext ko.

Naka set up na ang lahat. 

Plinano ko talag na amging ayos ang lahat ng ito. 

Gusto ko talagang mapatawad niya ako. 

Kung kailngan lumuhod ako gagawin ko. 

Kung kailngan maligo ako sa putik gagawin ko.


“Sir... mukhang uulan pa ata.”


“Hindi yan...” sabi ko.


Pero nakaramdam ako ng konting ambon. 

God, pagbigyan mo naman po ako please.

 Tinawagan ko yung phone ni AJ pero patay. Siguro low bat lang.


8pm na pero bakit wala pa rin siya? 


Ganun naman si AJ eh, pasuspense.


Nagtext na si kuya. “Di na ata dadating si AJ.”


“Kuya walang basagan ng trip? 8:30 pa lang...”


“Masasaktan ka lang...”


“Wala akong pakiaalam.”


9 pm na pero wala pa siya. 

Medyo lumakas yung ambon. Shit. 

Bakit ba lagi na lang akong palpak. 

Ang sakit! 

Sobrang sakit.

Tinext ko si Rizza, pero walang sagot. 

Tinawagan ko pero di nasagot. 

Nahihiya naman akong itext sila mama at papa, baka magalit sila sa akin.

Basta maghihintay ako at wala akong pakialam. 

Nag text ako kay AJ. Baka naman late reciever siya.

Lalo pang luamkas ang ambon. 

Pero wala akong pakialam. 

AJ, please dumating ka. 


“Sir.... di na po ata dadating eh. 11 pm na po.”


“Dadating din yun.. baka na traffic lang.” Sabi ko.


“Sir nalakas na po yung ambon....”


“Shit naman.. wala akong pakialam.”


“Pero sir...”


“Taena naman oh.. kung aalis kayo umalis na kayo.. wala akong pakialam.. bastaa mag hihintay ako dito.. bayad na naman ko dito kaya kung aalis kayo umalis na kayo ngayon baka di ko pa mapigilan ang sarili ko sa inyo!” nakakinis kasi eh.


Umalis na sila at natira na ako doon. 

Hindi na ambon ang meron, umuulan na.

12 am na pero wala pa rin siya. 

Napaluhod na ako sa putikan. 

Taena ang sakit, ganito pala kasakit yun. 

Siguro ganito rin kasakit ang naramdaman ni AJ noon.

I deserved this. 

Mukha na akong tanga, basang basa na ako. 

Wala akong pakialam, mag hihintay pa rin ako dito.


1 am


1:30


2 am


2:30


3 am


3:30

 Hanggang mag 4 am. Wala na... 

hindi na talaga siya darating. 

Ang sakit sobra. 

Sobrang sakit. Arrrg...

“AAAAAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrggggggggggggsssssssssssshhhh AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJJ!!!!”


Hindi ko na inintindi ang putik at dumi, nahiga na ako sa lupa. 

Kasabay ng ulan, pumatak din ang aking mga luha. 

Parang pinipilipit ang puso ko sa nangyari.


“AJJJJJJJJJJJJJJJJ.....” sigaw ko...


“Mahal na mahal kita.... mahal na mahal kita!!!!!!!!!!!!!!”


[AJ’s POV]


Napapaisip pa rin ako kung pupunta ba ako o hindi. 


4 pm, nasa bahay ako at nakatulala.


“Ano pupunta ka ba?” tanong sa akin ni Rizza.


“Hindi ko alam.”


“Kung mahal mo si James edi siputin mo.”


“Naguguluhan ako.”


“Kawawa naman si James.”


“Yaan mo siya.. nang maramdaman niya kung gaano kasakit ang naramdaman ko.”


“Gantihan ba to?”


“Masama ba ako?”


“Bakit mo naman naitanong yan?”


“Parang ang sama ko kasi...”


"Alam mo best... nararamdaman ko na mahal na mahal mo si James.. kung gusto mo siyang siputin, edi siputin mo. Mag usap kayo. It;s time para mag kaayos kayo.”



“Pero masakit pa eh.. di ko pa kaya.”



“Edi sabihan mo siya.. para di naman siya mag mukhang tanga.”



“Sinabihan ko na siya...”


“Pero di naman ganun lang yun.. mag hihintay pa rin siya....”


“Di ko na alam.”


“Sundin mo kung ano ang nasa puso mo.” Niyakap niya ako saka naman tumaas siya ng bahay.


Nagtext bigla si James.


“Mahal ko.... 8 pm mamaya ha.. hihintayin kita.. Mahal na mahal kita Arwin Jake Montederamos-Ramos”


Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.


Alas 7 na ng gabi. Haixt. Pupunta ba ako? Biglang nagtext si Martin.


“Oi ano musta? Pupunta ka ba?”


Di ko alam ang sagot. Nakahiga lang ako sa may kwarto ko. Maya maya nagtext si James.


“San ka na? Paka pogi ka ha. Alam mo nag ayos ako para sayo.. I love you....”


Di ko mapigilang maguilty. 

Mag 8 pm na yun nang hindi ko namalayan na nakatulog ako. 

Palowbat na rin ako noon kaya di ko na naramdaman kung may tumatawag ba o wala.


Nagising ako sa kulbit ni Rizza. “Oi.” Sabi niya


“Oh bakit?”


“Di mo talaga siya sinipot no?”


Napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko ang oras at mag aalas diyes na. Hala ka.


“Anong plano mo? Matutulog na lang? Kanina pa text ng text si James.”


“Samahan mo ako...” ang nasabi ko na lang.


Wala sa sarili kong nasabi yun. 

Tumakas kami kila mama. 

Alam ko ayaw ni papa na makipag kita ako kay james, pero gusto ko siyang silipin.

Tumakas kaming dalawa. oo pasaway ako. Dumating ako sa usapan namin. sobrang saklap ng naabutan ko.


“Best.. sigurado ka ba? Tignan mo siya o kawawa.”


“Hanggang dito na lang tayo.” Malakas na yung ambon.


“Nakakaawa siya.” Pati ako naawa sa kalagayan niya.


“James.... bakit? Bakit pa?”


“mahal ka niya eh.”


“Pero sabi ko wag na... masasaktan lang siya....”


“Ganyan kapag nagmahal... bakit ikaw? Hinintay mo din naman siya eh.”


“Nasasaktan ako....”


“Sino bang hindi?”


Lumipas ang isang oras at nakita kong lumapit yung lalaki sa kanya.


“Sir.... di na po ata dadating eh. 11 pm na po.” Sabi nung lalaki.


“Dadating din yun.. baka na traffic lang.” Sabi ni James.


“Sir nalakas na po yung ambon....”


“Shit naman.. wala akong pakialam.”


“Pero sir...”


“Taena naman oh.. kung aalis kayo umalis na kayo.. wala akong pakialam.. bastaa mag hihintay ako dito.. bayad na anmana ko dito kaya kung aalis kayo umalis na kayo ngayon baka di ko pa mapigilan ang sarili ko sa inyo!”


Sa puntong yun, nanikip ang dibdib ko. 

Di ko na kayang makita si James na nagkakaganun. 

Nawawalan ako ng hininga. 

Shit bakit ngayon pa.


“Tara uwi na tayo.” Sabi ni Rizza.


“Iuwi mo na ako.. ang sakit...”


“tara na....”


Di ko mapigilan ang mapaiyak. 

Malapit na kami sa bahay ng biglang bumuhos ang ulan. 

Siguro naman ay umalis na si James doon.

Nakita ko na nakabantay si papa sa amy labas ng bahay. 

Nakakunot ang noo at halatang galit.


“Napaka tigas ng ulo mo kahit kailan.”


“Sorry pa.”


“Sorry tito...”


“Paano na lang pag napahamak ka... nakipag kita ka ba sa gagong yun? Hindi ka na nadala! Kung sinabi mo lang na gusto mong magpakamatay ako na ang pumatay sayo!”


“Hindi po. Sorry po.”


“Hala sige pumasok na kayo...!!!”


Nang makarating na ako sa kwarto, hindi ko mapigilan ang mag-alala nag charge ako ng phone at tinawagan ko si Martin.


“Nanjan na si James?” tanong ko


“Wala pa... pumunta ka ba?”


“Ah eh.. oo.. pero di ako nag pakita...”


“Sabi na... haixt...”


“Please... nag aalala ako.. sunduin mo na siya.. ang lakas na ng ulan oh...”


“Sige sige.... pahinga ka na.. masama sayo yang nagpapagod eh...”


“Sige sige...”


Di ko pa rin mapigilan ang isipin yung nangyari. 

Sobrang naawa ako sa kanya. 

Ang tanga ko.

Feeling ko ang sama sama ko dahil sa ginawa ko. 

Hindi ako karapat dapat para sa kanya.

Kinabukasan, maaga ang pasok ko. 

Maaga akong nag pahatid kay papa. 

Pero sa gate pa lang namin, una ko nang nasilayan si James.

Basang-basa ito. 

Iyon pa rin ang suot niya kagabi. 

Nakangiti siya sa akin kahit na pugtong-pugto na yung mata niya. 

Iniwasan ko ang titigan siya pero di ko mapigilan.


“Good Morning mahal ko.. tara ihahatid na kita... may dala akong motor... hahatid na kita sa school...”


“Umuwi ka na.. please...” sabi ko.


Nagsalita siya ng tuloy tuloy...


“Kamusta ang tulog mo? Alam mo ba naghintay ako? Siguro masama ang pakiramdam mo kaya di ka nakapunta....” di ko siya pinansin.


"Sayang nabasa lahat ng pinag hirapan ko.. pero ayos lang... alam ko namang nagpapahinga ka nun eh..."


"AJ... kausapin mo naman ako oh... kahit isang bunting hininga lang.... na miss ko kasi boses mo eh..."

"Kagabi tinatawagan kita. low bat ka ata... sayang naman..."


"AJ.... mahal ko... yung fireworks.. sayang.. yaan mo uulitin ko para sayo..."


“Mahal na mahal kita AJ... hihintayin kita.... di ako magsasawang maghintay. Mahal na mahal kita. Kahit ipagtabuyan mo ako... hindi ako susuko...”


Sumakay na ako sa kotse ni papa at doon ko ibinuhos ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak. Di ko mapigilan taena.


“Wag kang umiyak. Wag mong iyakan ang gagong yan... tumahan ka.” Sabi ni papa.


Habang nilalampasan ko siya, nakita ko ang nakakaawang side ni James. 

Agad kong tinext si Martin.


“Nasa bahay si James.. iuwi mo na siya.. mukhang nilalamig siya.”


“Nagpupumilit siya.. ayaw niyang makinig.”


“Please... naawa ako sa kanya.”


“Bakit kasi ayaw mong makipag usap?”


“di pa ako ready.”


“Kailan ka pa ready? Kapag sumuko na ang kapatid ko?”


“Sorry.”


“Naiintindihan kita pero sana intindihan mo rin ang kapatid ko.... mag usap kayo.. alam kong mahal mo pa rin siya.... alam kong pwede pang magkabalikan kayo...”


Di na ako nag reply. Half day lang ang klase ko. Haixt. 

Pero di ko pa rin mapigilan ang mapaisip. 

Buong period ata siya lang ang nasa isip ko.

Last class ko na to at kating kati na akong umuwi. 

Gusto ko na talagang umuwi. Haixt. Ano ba to. Tsk.

After ng class agad naman akong nag madaling umuwi. 

Hindi kasi ako mapakali eh. 

Ilang miss calls na ang narerecieve ko galing kay Rizza. 

Nag text na rin siya.


“Best umuwi ka na dito...”


“Best kailngan mo ng umuwi.”


“AJ anak.. please... umuwi ka na.”


“Anak si James.. umuwi ka na.”


Doon ako lalong kinabahan. 

Ano ba ang nangyayari? 

Kalahating oras din ang byahe ko bago ako makauwi. 

Kabog ng kabog ang dibdib ko dahil sa nangyayari. 

Kinakabahan ako sa maaring mangyari.

Pag ka bukas ko pa lang ng pinto ng bahay, lahat sila bumungad sa akin. 

Nanikip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

Nakita ko agad si James na nakaupo sa may sala. 

Agad siyang tumayo ng makita ako.

 Lumapit siya at niyakap ako.

Ang init niya. Ang taas ng lagnat niya. 


“Sabi ko na at di mo ako matitiis eh.”


“Bakit ka kasi nag kaganyan?”


“Bakit di ka dumating? Ang sakit... ang sakit sakit.” Umiiyak siya


“Eh malaki ka kasing tanga.. tignan mo ang sarili mo...”


“Wala akong pakialam.”


“Yan o ang pangit mo na.. paano pa kita tatanggapin?”


“Gwapo pa naman ako ah?”


“Panget mo na kaya.” Napapaiyak na ako sa kalagayan niya


“Sorry na.. napaaway kasi ako kaya nabugbog ako ng ganito. Nakaharang kasi ako sa daan, eh ayon di ko na lang pinansin. Sinundan kasi kita kaso di na kita naabutan.”


Napatakip na lang ako ng bibig sa narinig ko. Lumapit sa akin si Martin. 


“Pakinggan mo lahat ng sasabihin niya.”


“AJ.. mahal na mahal kita.. alam mo ba yun?”


“Mag pahinga ka na muna....”


“Teka lang.... pakinggan mo ako.. please...” lumuhod siya.


“Tumayo ka nga jan.. nakakahiya na oh.


“Wala akong pakialam kung pagtawanan nila ako. Wala akong pakialam kung mapahiya ako.. basta makinig ka sa sasabihin ko.”


“Lasing ka eh..”


“Ako lasing? Malabo yun.... hindi ako lasing.. makinig ka nga!”


“Oo na.. sige na...”


“Alam mo... ngayong kasama na kita.. hindi ko alam kung saan ako magsisimula... alam mo ba na sobra akong natutuwa na kasama kita... marami akong gustong sabihin pero di ko masabi...taena.... ngayon pa ako naspeechless”


“Malabo ka kasi....”


“Sorry... sorry sa lahat.. sorry kung minura kita.. sorry kung may nasabi man akong masama... sorry kung nasaktan kita.... pero mahal na mahal kita....”


Nakinig lang ako sa sinasabi niya.


“Bakit mo tinago sa akin? bakit mo tinago na may sakit ka sa puso?”


“Wala rin namang mangyayari diba?”


“Meron... tatabihan kita, sasamahan, magiging katuwang mo ako sa paglaban mo... nahihiya ako sa sarili ko kasi sa oras na kailangan mo ako nasa tabi ako ng ibang may sakit gayong may sakit ka. Hiyang hiya ako sayo.. naiinis ako sa sarili ko... tinatanong ko ang sarili ko.... bakit ikaw pa? Sana ako na lang.. wala kasi akong kwenta.., walang kwentang tao at boy friend... sana ako na lang... AJ... gusto kong mabuhay ka... AJ mahal na mahal kita... gusto kong bumawi. Gust...”

Yun ang huling narinig ko mula sa kanya at lumagapak siya sa may sahig. 

Inalalayan siya ng iba at dinala sa kwarto ko.

Pinunasan siya at pinainom ng gamot. 

Habang hawak ko ang kamay niya, hindi ko mapigilan ang mapaiyak. 

Mahal na mahal ko si James. 

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, lalaban ako kasama siya.

Isang oras matapos ang lahat, naiwan kaming dalawa sa kwarto ko. 

After 30 minutes, nagising siya. 

Niyakap niya ako.


“Okay ka na ba?” tanong ko.


“Mas okay pa sa okay...” sabi niya


“Bolero..”


“Akala ko nag hahallucinate lang ako.” Sabi niya


“Wag mo na ulit gagawin yun...”


“Bakit kasi di mo ako sinipot?”


“Pumunta ako doon.... di lang ako nag pakita...”


“Sabi na at pupunta ka...”


‘Pasaway ka...”


“Mahal kita.” Sabi niya


Hinalikan ko siya sa noo. “Tabi ka dito...” sabi niya


“Katabi mo na ako ah?”


“Higa ka din...”


“Mahal din kita....” sabi ko


“Masaya ako na kasama kita...”


“Ako din... masaya din ako... pwede na akong mamatay.”


“Wag kang mag salita ng ganyan...”


“Darating din naman ako sa point na ganyan diba?”


“Mabubuhay ka!


“Paano kung isang taon na lang ako mabubuhay?”


“Ewan sayo.”


“Seryoso ako.. naghihintay ako ng sagot...”


“Gagawin ko ang lahat para sulitin yun... edi may 12 months akong bubunuin para mapasaya ka.”


“Paano kung may isang buwan na lang?”


“May 31 days ako para makasama ka.”


“Paano kung isang araw?”


“May 24 na oras pa ako para makasama ka. Sabi nga ni Toni sa My Only U... kahit na isang linggo, isang oras, isang minuto, isang segundo... pagkakasyahin ko para makasama ka.... ganun kita kamahal.” Sabi niya


“I love you... mahal na mahal kita....” niyakap ko siya ng mahigpit. 

Our lips met and we have our kiss.

 Kiss na masasabi kong maaring mag dulot ng huling yugto sa kwentong ito.


-Wakas- hahahah Joke lang... malapit na ang ending.. abangan.....

(Itutuloy)



No comments: