Wednesday, January 23, 2013

PANYO




JULY 27, 2011


Sabi nila, masama daw ang magregalo ng panyo. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dun. Sa palagay kasi eh wala namang masama kung magbigay ng panyo ang isang tao sa kapwa. Dahil sa pagbibigay nito, sigurado namang maganda ang intensyon ng taong nagbibigay sa taong bibigyan.

Apat na taon na kaming magkakilala. 


Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong naalalang naging bonding namin. Walang usapang tumatak. Pero ngayon, heto at mag-aanim na buwan na kaming nagsasama. Isang relasyong ipinagbabawal ng aming mga magulang. Isang relasyong mali sa mata ng maraming tao.

Totoo pala yung sinasabi nila ano?


Yun bang sa umpisa lang pala ayos ang lahat. Sa simula lang madali. Sa simula lang masaya.


Kaya nga raw naimbento ang "monthsary", kasi karamihan ng relasyon sa panahon ngayon, hindi na umaabot ng taon.


Masaya naman kami. Yun ang pagkakaalam ko. Pwedeng hindi buong araw masaya. Pero may moment naman sa isang buong araw na masaya kami. Kaya araw-araw, masaya kami.


But that's what I thought. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang iniisip nya eh. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.


Pero ako, walang duda, masayang-masaya. Hamakin mo ba namang makarelasyon mo ang taong apat na taon mong minahal ng palihim 'di ba? Sinong hindi matutuwa nun?


Pero nitong mga nakaraang araw, parang umabot na sa puntong puro away-bati ang naging drama namin. Hindi ko nga rin talaga alam kung bakit eh, pero napakaseloso ko. Kahit sa mga maliliit na bagay-bagay. Siguro, praning lang talaga ako.


Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Daddy Rovi. "Kung saka-sakaling maghiwalay kayo, ikaw ang sisisihin. Sinasabi ko sa'yo", sabi niya. "Given the fact na hindi ka niya lokohin ha. Kasi JJ, iniisip mong madali kang palitan. Ilang beses ko nang sinabi sayo at sasabihin ko ulit, na walang magandang maidudulot yang insecurity mo."


At sinermonan pa ako ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Alam mo kasi, sayang. Matalino ka pa man din. You have many good qualities. Pero babagsak ka dahil sa insecurities mo.", sabi ni Kent.


Minsan nga napaisip ako eh. Kung paano ba akong nakilala agad ni Daddy Rovi. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Pero and punto ko lang naman, hindi mahirap mainsecure kung ang mukha mo eh, konti nalang, papasa ng p'wet ng kaldero, butas butas pa.


With all that's been going on, bumili ako ng tatlong pirasong panyo. Isang pink, isang blue, at isang puti. Ugali ko na kasing pinupunasan ang ilong at noo nya pag namamawis eh. Sa tatlong panyong yun, puti nalang yung natira. Pano naman kasi, yung blue, naiwan sa kanal. Yung pink, naiwan sa sasakyan.


Dumaan ang mga araw na medyo napapadalas ang mga away-bati namin hanggang humantong na sa huling linggo ng klase sa buwan ng Disyembre kung kailan naka-schedule ang field trip namin sa Maynila.


Alas tres ng umaga ang alis namin. Nang araw na iyon ay ginising niya ako. Naligo, nagtooth-brush, nagbihis at kumain ako bago mag-alas tres. Nang pumatak ng alas tres sa suot kong relo ay nagpaalam na ako sa kanya. Isang halik sa labi ang pabaon niya sa akin nun.


"Maghanap ka ng iba dun ha.", sabi niya.


"Bakit?", tanong ko.


"Ahh, so may balak ka talagang maghanap ng iba? Subukan mo lang, basag 'yang mukha mo sa 'kin.", sabi nito.


Tumawa ako. 


At least alam kong ayaw niya akong mapunta sa iba. Mahal niya ako. At yun ang pinanghahawakan ko.


Nang matapos ang field trip ay bumalik na kami sa probinsya namin. Sinorpresa niya ako. Talagang bumalik siya sa boarding house para makita at makasama ako. Isang buong magdamag na naman kaming nagkwentuhan. Nakakatuwa nga eh. Paano ba naman, sinasampal, sampal niya ako. Pero yung tipo ng sampal na kontrolado, at siguradong hindi ako masasaktan. Ganun kasi siya kapag namimiss niya ako eh.


Matapos ang araw na iyon ay medyo natagalan ulit bago kami nagkita. Magpapasko na pero hindi ko pa siya nakakasama.


Noong bisperas ng gabi ay nagpadala ang ng text message sa kanya. Isang hiling. Na sana ay magkasama kami sa araw ng Pasko.


Kinaumagahan, nagsimba ako. At pagkatapos na pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa bahay nila Tita upang makigamit ng laptop. 


Habang nag-la-log out ako sa Facebook, pag-angat ko ng tingin, nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko. I smiled. Scratch that, I almost cried. Syempre, namiss ko siya. He made my day complete. Lalo na at Pasko.


Dumating ang buwan ng Enero. Magbibirthday siya. His debut. Tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang kulay.


"Pink", sabi niya. "Ano na naman yan?"


"Wala. Secret", sabi ko.


Bumili ako ulit ng panyo. Pink. Na tumagal lang naman ng isang araw at nawala rin ulit. Syempre, na-disappoint ako.


"Ayus lang yun. Sa dami ng inaasikaso niya para sa birthday niya, sigurado  naman akong hindi niya sinasadyang mawala yun eh.", naisip ko nalang.


Dahilan kung bakit bumili ako ulit ng panyo. Pero nang binigay ko sa kanya ay tinaggihan nito.


"Bakit?", tanong ko.


"Eh kasi nga, lagi nalang nawawala. Sayang naman. At isa pa Jay, hindi mo ba alam na masamang magregalo ng panyo?", sabi niya.


"Sige nga, bakit bawal magregalo ng panyo?"


"Basta lang. Mas okay nang ako nalang ang bumili ng panyo para sa sarili ko kesa naman sa bigyan mo pa ako."


Tahimik lang ako.


Palihim kong inilagay ang panyo sa bulsa ng bag niya. Palibhasa kasi, hindi niya alam kung bakit ko siya binibigyan ng panyo.


Bakit nga ba?


Kasi, paano nalang kung wala na kami? Sinong magpupunas ng luha niya sa t'wing iiyak siya ng dahil sa pamilya, sa skwela at sa mga problema niya. Sino na magpupunas sa kanya pag namamawis siya?


Binibigyan ko siya ng panyo para sa t'wing may mangyayari na magpapaiyak sa kanya, nandyan ang panyo ko para damayan siya.


"Wag mong wawalain ang panyo ko ha. Dahil yan ang patunay na nandito lang ako lagi para sa'yo. Yan ang patunay na nadito lang ako at patuloy na magmamahal sa'yo."


JANUARY 8, 2011 ---- Naghiwalay kami.



WAKAS

1 comment:

Unknown said...

Special mention ako ha? Hahaha. Salamat!