Thursday, June 20, 2013

Dancing On My Own

Nakita ko yung bf mo ah? Nasa mall, may kasamang iba.

Ayyy, sino yung kasama ng bf mo? Cute din.

Oh? Akala ko ba magkikita kayo ngayon? Bakit hindi natuloy? Akala ko anniversary nyo? Bakit tayo naglalasing ngayon?

Nanatili akong nakatulala habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan ang mga salita ng aking mga kaibigan. Siguro nga ay nilalabanan ko pa rin ang katotohanan na nagloko ka. At hindi ko pa natatanggap na kamakailan lang ay tuluyan mo na akong iniwan.

Ahh hindi. Kaibigan lang nya siguro yun.

Cute ba? Yun ata yung kasama nya sa trabaho na broken-hearted, kaya nya dinadamayan.

Ahhh. Kasi nagkaroon ng emergency sa kanila. It's okay, nangako naman sya na babawi sya and I totally understand.

Napabuntong-hininga nalang ako nang maalala ang mga bagay na sinabi ko para lang mapagtakpan ang ating gumuguhong pagsasama. Gusto ka nila para sa akin at ayaw ko rin namang sirain ang imahe mo sa kanila. Pinilit kong maging kalmante.

Why don't you just face it? Wala na kayo. He cheated and it's over. Bakit umaasa ka pang babalikan ka?

Friend, it happens all the time. Babalik sa kanya yang ginawa nya. For now, try your best not to lose yourself in the process. It's going to be tough, but you can do it, in time.

Nandito lang naman kami para sayo. Basta isang sayaw lang yan at maraming alak. Tignan mo, makakamagnet ka rin agad ng lalaki. Ikaw pa ba.

Sabado ng gabi. Isang linggo matapos ang ating paghihiwalay. Pinaulan ako ng text messages ng mga barkada.

Why don't we go out? Our treat. Let's go?”

Oh ano? Galaw-galaw din. Let's meet with the gang. We kinda miss you eh.”

Iinom mo lang yan atih. Go lang yan. Sunduin ka namin.”

Napangiti nalang ako. Siguro nga ay dapat pa rin akong lumabas kahit hindi maganda ang pakiramdam ko. Kahit alam kong i'm still in pain, the world doesn't stop there. Tama nga sila, siguro alcohol will do the trick.

Though, not feeling well, I still tried to drag myself out of my bed. Amoy laway na ako gawa ng kakatulog. Tinignan ko ang sarili sa salamin, this is not me, unshaved, puffy eyes, wasted. Napangiti nalang ako, this is not what I want them to see tonight. Mabilis kong kinuha ang shaving cream, at nagahit. Naligo ako at nagayos ng sarili. I almost drowned myself. I tried my best to divert the hurt and the pain. I want my friends to see that i'm okay. And they need not to worry.

Nagbihis ng maganda, nagpabango at naglagay ng concealer. I checked myself again, medyo natuwa na ako sa nakita ko. Siguro kahit makita mo rin ako ngayon ay magugulat ka. Ayaw kong isipin mo na magpapakawasted ako para sayo, kahit na gustong-gusto ko.

After a week of not getting in touch with them, I finally sent them a message.

Actually, nakaligo na ako. So anong oras nyo ako susunduin? I missed you guys, let's drink! :)”

Makalipas ang kalahating oras ay nandyan na ang aking sundo. Itago natin sya sa codename na A. He was grinning when I got to his car.

Finally, nagpakita ka na rin.”

Ofcourse, so where are the others?”

Dinner muna, bago bar.”

I nodded. Mabilis nyang pinaharurot ang sasakyan.

Nagkita kami ng aking mga barkada at mabilis kong naramdaman ang belongingness. Siguro nga totoo ang linyang “You'd get by with a little help from your friends.” Ang mga malulutong na tawanan ang nangibabaw. Alam kong pinipilit nilang patawanin ako at sobrang naappreciate ko yun. Though may mga panahon talagang bigla nalang natatahimik ang grupo at alam mong gusto ka nilang tanungin kung ano talaga ang nararamdaman ko.

So, Kamusta ka naman ba?” , ani B.

Nagtinginan si C at A.

I'm not that okay, but i'm trying,” nakangiti kong sagot.

Oh, let's not talk about it na. Let's just have fun tonight. Sige, paramihan ng boys na mahahalikan,bet?” said C, trying to lighten the mood up.

Ayy go ako dyan. Sure!” paggatong pa ni A.

B gave me a pat on my shoulders. And I know that he feels for me, all of them do.

I'm okay. Yes, let's have fun. Sige, hahalik ako ng 3 lalaki ngayon!” sagot ko.

All of us grinned. We settled the bill then headed directly to the bar.

It was packed on a Saturday night. We paid the entrance and got in. Sa sobrang sikip ay kailangan mo talagang sumiksik para lang makapasok. May mga ibang nananamantala, I was touched but I couldn't complain. Ang hipuan sa isang bar na puno ng mga bakla ay sobrang normal lang. Nang makahanap na kami ng magandang pwesto ay mabilis kaming umorder. Hard agad.

Cheers for the single guy here,” pangaasar ni B.

“Cheers!” We said in unison.

Mas lumalim ang gabi at mas dumami ang tao. Naging mas malikot ang mga ilaw at naging visible na ang mga baklang nagaawrahan. B was eyeing a stocky chinito guy that wears braces. Kita sa mga mata ni B na maging mas malikot ang kanyang mga galaw habang gumagawa sya ng paraan para makalapit dito. Nanatili kaming nakatingin kay B. ilang segundo pa ay kasayaw na nya ang kanyang natipuhan, at napangiti nalang ako nang makita kong magtama ang kanilang mga labi. Nanatili akong nakaupo sa mataas na upuan ng bar habang umiinom ng matapang na lason.

Oh. He's quick. That's 1-0 for us, guys,” ani C.

Puta naman talaga kasi yang si B. Oh sya, dapat makatapat tayo sa score. We need to meet the quota boys,” nakangising sabi ni A.

I raised my glass full of whisky, C and A had their glasses meet mine.

Cheers.”

Muli kong nilagok ito. Ramdam ko ang pagguhit nito na parang cutter sa aking lalamunan. Nakaramdam ako ng init. Umalis ako sa pagkakaupo at tumingin sa mga tao sa loob ng bar. Patuloy pa ring nakikipaglandian si B sa lalaking kanyang nabingwit.

Naging mas malakas ang tugtog. Naging mas malikot ang ilaw. The bright green laser lights added more beauty to the explosion of colors i'm seeing. It made me reach a state of euphoria. Ang usok na nagmumula sa yosi ng mga tao roon ay nagdagdag ng ilusyon sa aking paningin.

Nararamdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa lalaki sa aking likuran. Hindi ko ito pinansin.

Cheers!” I heard A and C.

I refilled my glass then raised it.

For my broken heart.”

Yes, for your broken heart and that bastard who broke it.”

I laughed.

He ain't a bastard. He just fell out of love. It happens all the time.”

Ngumiti lang ang dalawa.

I keep dancing on where I am. Pagtingin ko sa mga kasama ko ay si A nalang ang natira.

Where's C?”

There,” sabay turo rito.

C was dancing with a slim nerdy guy. They looked hot together. Wait? Dahil ba sa alak to?

So tayo nalang dalawa ang walang nalalandi ngayong gabi,” mahina kong sabi.

Yes.”

A and I kept on talking about stuff. May mga panahon din na sasayaw kami sa isa't-isa. Nagopen-up ako sa aking nararamdaman and he listened. Sa grupo ay si A ang pinakabata pero pinakamature magisip.

A, hey.”

Why?”

That guy is staring at you oh?”

Tinignan nya ito at nakita ko silang nagngitian.

Lapitan mo na,” pangdedemonyo ko.

I can't leave you here alone,” sabi nito sakin.

Go, i'd be fine.”

Sure?”

Sure.”

And I was left alone. I danced like nobody was watching. Kapag alam ko ang kanta ay sumasabay ako rito, tulad na rin ng iba. Patuloy kong iniinom ang whisky na parang tubig lang. Ganito ata talaga kapag broken hearted?

Ramdam ko ang pagsayaw ng lalaki sa aking likuran. Mainit ang kanyang katawan. Malapad ang likod. At mabango. Hindi ko maktia ang kanyang mukha dahil siya ay nakatalikod. I stopped dancing. Humarap ako sa kanya kahit na nakatalikod sya sakin. I saw the guy dancing with a good-looking man. Perfect set of teeth, chinito eyes, corporate looking guy. They looked so perfect. Bigla akong nangulila.

I kept on drinking. I danced while my eyes are kept closed. Konting body movements, yosi, inom. I opened my eyes and saw the other guy smiling at me, wala na ang lalaki na katalikuran ko kanina.

“Hey, it's not okay to drink alone. Would you want to drink with us? Mabait partner ko, bro,”

Hey, sure, name's Darryl,” sabi ko sabay abot ng kamay.

He took it and we shook hands.

Nasaan na pala yung partner mo?”

Ahh nagcr lang.”

We made a little Chitchat. He's a nice and warm guy after all. He told me stuff about his guy. Na bago palang sila at unang buwan palang nila ngayon kaya naisip nilang i-celebrate ito. Nakaramdam ako ng inggit at natuwa naman ako dahil may mga bago akong nakilala.

He'll be back in a minute, ipapakilala kita sa kanya. I'm sure magugustuhan mo rin sya.”

We kept drinking and I feel a bit tipsy already.

Hey hon!” napaangat ako ng marinig ang boses na yon.

Napahinto ako nang makita kung saan nanggaling ang boses.

Hey, Darryl, this is my partner, Leo. Leo, he's a new found friend, Darryl.”

Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ako makapagsalita. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko nang makita ang lalaking iniiyakan ko ay ang nobyo pala ng lalaking naging kaibigan ko ng gabing ito.

Darryl.”

Leo,”

It-s it's nice meeting you,” sabi nito.

Same.”

Ahh excuse, balik lang ako sa pwesto ko, nice meeting you guys, again.”

Tumulo ang aking mga luha. Akala kong makakalimot ako ngayong gabing ito. Yun pala ay ipapakita lang sakin ng gabing ito kung kanino ako pinagpalit ng aking nobyo.

Kinuha ko ang bote ng whisky, nagsalin sa baso at nilagok ito. Wala nang mas papait pa rito.

I closed my eyes and danced the night away.

No one danced with me. I found my own world in that corner. On my own, with my broken heart. I keep dancing on my own.



4 comments:

Anonymous said...

. . . wannd dance with me. . .°)
. .ang galing ng pagkasulat. . .


#ramirrodriguez.

unbroken said...

thanks Ramir! Salamat sa pagbisita.
Balik ka ulit :)

Lawfer said...

binabasa ko last quarter ng kwentong ito may nakaplaster na ngiti sakin at the same time lumalabo mata q...

thank you for sharing this

unbroken said...

Salamat Lawfer. :)