Nagkita tayo sa isang hindi inaasahang
pagkakataon. I was nursing a broken heart then. Akala ko sa pelikula
lang nangyayari ang ganoon, pero hindi pala. Nagkakilala tayo sa
isang mall at doon nagsimula ang lahat. Nagkita tayo ng madalas. We
ate lunches. We had dinner. Maging pag-inom ay naging bonding natin.
Everything was perfect, except you
not asking me for a relationship.
Hindi ko rin naman alam dahil siguro nga ay masaya ako at ninanamnam
ko kung ano man ang maluluto sa apoy na pinaglalaruan natin.
Ramdam ko ang
sincerity sa bawat salitang binibitiwan mo, maging sa mga halik na
ginagawad mo sa akin. Ramdam ko ang security. Kaya rin siguro na
payag ako kahit hindi tayo. You had your way of making me feel
secured. You really do.
Natatandaan ko yung
panahon na unang beses kang nagsabi ng “I love you”, I was
half-asleep then, narinig ko ang mga katagang iyon at pinili kong
hindi magreact, nagpanggap na natutulog. Kasunod nang mga salitang
yon ang pagyakap mo sa akin at ang pagbitaw ng mga salitang “Thanks
for coming to my life.”
Mula noon ay
pinasya kong muling magtiwala. Napuna mong medyo nagloosen up ako at
mas naging comfortable ako sa bagay-bagay. Naging mas madalas ang
pagassure mo sa akin na ako lang sa buhay mo, kahit na hindi ako
nagtatanong at hindi ako nanghihingi ng assurance.
Bumaba ako noon,
para tumingin ng pelikula sa malapit na mall sa aking opisina.
Napangiti ako nang makita kita, papalapit na ako ng may lumapit sa
iyong isa pang lalaki at laking gulat ko nang makita ko ang pagakbay
mo sa kanya. Nanatili akong nakatitig at hindi ko alam kung ano ba
talaga dapat ang aking maramdaman. And yes, I decided to play it
cool. Marahan akong lumapit sayo at nang mapuna mong nandun ako ay
madali mong inalis ang pagkakaankla nyo sa isa't-isa. Ngumiti ako
sayo, maging sa kasama mo at tinalikuran ko kayo at ako'y naglakad
nang mabilis.
I felt my body
shaking that time. Galit ako pero hindi ko dapat ipahalata. Wala
tayong relasyon kaya hindi ako dapat maginarte. Pero sino ba naman
ako para hindi masaktan? Ngayon pa't nararamdaman ko na mahal na
kita?
Nagulat ako ng
maramdamang may humatak sa akin. Natigilan ako nang makitang ikaw
yun.
“It's
not what you think,” humihingal mong sabi.
“I
actually ain't thinking of anything,” mahina kong sagot.
“I
know you. Let me clear this.He's just a friend,” natataranta mong
sagot.
“Bakit
ka pa nagpapaliwanag? I'm just a friend, too,” blanko kong sagot.
“No,
I love you. You're not a friend. You're my partner,”
“No,
we're not together.”
Bago ka pa man
magsalita ay inunahan na kita.
“Go
back. He's waiting. I need to get back to the office, take care.”
Before you could
say any word, I was gone.
Nakabalik na ako sa
office. Gustong tumulo ng luha ko pero hindi ko hinayaan. Ayaw kong
magpaapekto. Tama nga ako, wala akong karapatan. Hindi mo ako
boyfriend. So bakit ako magseselos? At bakit nga ako nagseselos?
You kept calling
and I kept rejecting your calls. Your text messages remained unread.
Oras na para umuwi
pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho. I saw you waiting outside the
building and your face has become a nuisance on my system. You were
nervously smiling. I threw a gaze at you. Mabilis kang lumapit at
kinuha ang kamay ko. Wala pa rin akong reaksyon. Naramdaman ko nalang
na hinahatak mo ako pasakay sa kotse.
“I
want to go home,” mahina kong sabi.
“Yup.
We're going home.”
Mabilis mong
pinaandar ang sasakyan. Patungo tayo sa iyong condo. Nakabisado ko na
rin ang daan.
“This
is not where I live,”
“This
is our home, you and me. Our home,” sagot mo.
Muli akong binalot
ng warm feeling na iyon. Pero hindi ko rin malaman kung ano ba talaga
ang aking nararamdaman dahil alam kong galit pa ako sayo. Nanatili
nalang akong tahimik.
“I
want to go to my house. This is not my house.”
“You'll go home tomorrow. Ihahatid kita. For tonight, we need to talk.”
“You'll go home tomorrow. Ihahatid kita. For tonight, we need to talk.”
“There's
nothing to talk about.”
“There
is.”
“What?”
“Us.”
Narating
natin ang unit mo sa 21st
floor ng building. Mabilis mo akong hinatak sa loob at nakita ang
magarbong pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang
nararamdaman ko. Gusto nang mawala ng tampo ko.
“What
is this about?”
“Don't
ask questions. Just sit. And let us enjoy the food.”
“I'm
not hungry.”
“Galit
ka pa ba?”
“No.”
“Then why are you so cold?”
“Then why are you so cold?”
“I'm
tired.”
“Of
me?”
Natigilan ako sa
tanong na yon. Was I tired of you? No.
“Maybe,”
mahina kong sagot.
You held my hand. I knew you were
staring at me but I decided not to even look at you. Alam kong
mabubulag ulit ako ng mga matang iyon.
“Can you give me a second chance?”
I smiled.
“Why are you even asking for a second
chance? According to you, he's just a friend. Guilty ka ba? Wala rin
namang dahilan para maguilty ka. Hindi naman tayo.”
You were smiling nervously, again.
“Eto na ba to? Inaantok na ako. I
will go home now.”
“Stay.”
Before I could say any word, you
quickly placed a ring on my finger. I was shaking. And I feel
euphoric.
“Now, i'm asking if you want to be
mine?”
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng
aking mga luha. I nodded in response.
“I know you were jealous. I made a
mistake. And i'm not going to do it again, now that we're already
together. We are already committed.”
“I hope so.”
Niyakap mo ako at marahan mong giniya
patungo sa iyong kwarto. We made love that night. Our very first
night as a couple.
Three months passed and we were
perfectly fine. Naging masaya tayo at alam natin na mas lumalim ang
nararamdaman natin sa isa't-isa. Naging mas romantiko ka at naging
mas thoughtful sa mga bagay-bagay. Mas napadalas nga lang ang iyong
mga overtime work dahil na rin sa demands ng iyong posisyon sa
trabaho.
I went to your condo unannounced at
dahil mayroon akong sariling susi ay agad akong nakapasok. Alam kong
tulog ka pa at naisipan kong dalhan ka ng pagkain para may makain ka
paggising. It was a surprise treat, actually. But then again, ako ang
nasorpresa. As I tiptoe to your room, may nakita akong babae. She was
30 something, beautiful and a bit chubby. Nakatingin na rin sya sakin
ng may labas na pagtataka.
Bago pa man ako makapagtanong ay nauna
na sya sakin.
“Sino ka? And how did you get in?”
I was sweating. Hindi ko alam kung
anong isasagot ko.
“Magnanakaw ka!”
“No!” I cried.
Nakita nya ang bitbit kong paperbag at
nang mapagtanto nyang pagkain ang laman nito, ay mabilis itong
humingi ng paumanhin.
“Ahh shit. I'm sorry. Are you a
friend of my husband or what?”
“Your husband?”
“Yes.”
Para akong nabuhusan ng malamig na
tubig sa narinig.
“Ahh. Ahh. I'm actually one of his
people, nagbilin po kasi sya sakin na dalhan ko sya ng food, kaya eto
naisipan kong dalhin ko na ngayon,” pagsisinungaling ko.
“Ahh. How sweet of you. Wait I will
wake him up.”
“Ahh wag na po, Ma'am. Aalis din po
ako agad. I'm sorry if I have caused alarm. I should have knocked at
the very least.”
“It's okay. I know that he has a
hobby of trusting people his keys. It's not the first time.”
Napatango nalang ako.
“It's nice meeting you po.”
“What's your name again?”
“Constantin po. Just tell Sir Noel, I
dropped by to give him his food. Ingat po kayo.”
I headed to the door and gently closed
it.
Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha
habang ako ay naglalakad patungo sa elevator. I was sobbing like a
kid. Nang bumukas ang pinto nito ay agad akong pumasok. Bumuhos na
ang aking pinakatatagong emosyon. Patuloy akong tumangis. Luckily,
walang sumakay na iba kaya't naging grabe ang aking pagiyak.
Pumunta ako ng opisina at ako ay wala
sa sarili. I was quiet and officemates were actually really worried.
Oras na ng uwian, at wala pa rin ako sa
sarili. Nagulat nalang ako ng makita kita sa labas. I avoided you but
you're quick at nakuha mo agad ako pasakay sa iyong kotse.
Galit na galit ako nang mga panahon na
yon. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Niloko mo ako.
Ginago. Tinarantado. Pero di kita kayang murahin. Hindi ko alam.
Walang nagsasalita sa ating dalawa. Hinawakan mo ang kamay ko at ako
ay nagpaubaya. Alam kong ito ang magiging huling pagkakataon.
Hindi ko na mapigilan kundi ang
magsalita.
“Kahit kailan naman hindi mo ako
minahal.”
“That's a lie.”
“You never loved me, Noel. Harapin
nalang natin yon. Mas magaan sa pakiramdam nang matanggap ko na hindi
mo naman talaga ako mahal.”
“It's not that I didn't love you. I
loved you, just in a wrong way.”
Tahimik. Bigla nalang tayong binalot ng
katahimikan. You held my hand and squeezed it. I was too numb to feel
it.
“Can you give me one more chance?
Maari mo bang mahalin ako ulit?”
“No, not anymore,” mahina kong
sagot.
“Why?” Rinig ko ang daing sa iyong
mga salita.
“Because I can no longer love you.
Hindi ko na kaya.”
“You still can. Please, tell me you
still can.”
“How many lies more, Noel? How
many?”
“One more chance, Con. Isa pa. I'd make everything right.”
“One more chance, Con. Isa pa. I'd make everything right.”
Umiling ako.
“You won't make things right for you
never did the right thing. You were married from the very beginning
and you have been fucking guys like it's the most moral thing to do.
You're not going to do the right thing Noel. Never.”
Narinig ko ang iyong pagiyak.
“I wish you happiness.”
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at
akmang tatawid ng kalsada nang makita ang nakakasilaw na liwanag mula
sa paparating na van. Pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko
ang pagtama nito sa aking katawan. Naramdaman ko rin ang pagtama ng
katawan ko sa malamig na kalsada. Naramdaman ko ang hilo. Hindi ko
makahinga. Umiikot ang paningin ko. Umiikot. Nahihilo.. Nah I hi il o
. . Nah. . . Na. . .
10 comments:
wow. :)
Nanliit naman ako bigla, Kuya Nyl! Hahahahahaha
Wow..galing..
Sullivan Eduardo
Mganda ung story kya lng nmtay agd c Noel. Kung d kya nmatay c Noel ano kyang hakbang ang ggwin nya? Tlikuran at klimutan n lng ang cnapit nyang pgkbigo s pg-ibig at mghintay n lmang ng krpat-dpat n iibgin s hinhharap o patuloy nyang ipglaban ang pg-ibig nya kht alam nyang d nya ito msosolo. PHILIP ZAMORA
Assusual bitin ^_^ hehehe
-emem
What a great story! Although tragic... :)
Emonnee
ito lang ulit yung time na nqgbqsa ulit ako ng story. and worth it Siya. super. this is really good.
Salamat sa comment guys!
It has been a while since nagsulat ako. Siguro onti muna bago ako magsulat ulit ng bongga. :)
d pa man natutuyo ung luha q hetot nabasa na nman ang pisngi ko... grabe, galing m tlaga
thanks ulit sa pag share ng obra mo :)
Lawfer. Ang tagal na nito ha? Hahahaha Salamat.
Post a Comment