Thursday, June 13, 2013

N O E L


Nagkita tayo sa isang hindi inaasahang pagkakataon. I was nursing a broken heart then. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganoon, pero hindi pala. Nagkakilala tayo sa isang mall at doon nagsimula ang lahat. Nagkita tayo ng madalas. We ate lunches. We had dinner. Maging pag-inom ay naging bonding natin.

Everything was perfect, except you not asking me for a relationship. Hindi ko rin naman alam dahil siguro nga ay masaya ako at ninanamnam ko kung ano man ang maluluto sa apoy na pinaglalaruan natin.

Ramdam ko ang sincerity sa bawat salitang binibitiwan mo, maging sa mga halik na ginagawad mo sa akin. Ramdam ko ang security. Kaya rin siguro na payag ako kahit hindi tayo. You had your way of making me feel secured. You really do.

Natatandaan ko yung panahon na unang beses kang nagsabi ng “I love you”, I was half-asleep then, narinig ko ang mga katagang iyon at pinili kong hindi magreact, nagpanggap na natutulog. Kasunod nang mga salitang yon ang pagyakap mo sa akin at ang pagbitaw ng mga salitang “Thanks for coming to my life.”

Mula noon ay pinasya kong muling magtiwala. Napuna mong medyo nagloosen up ako at mas naging comfortable ako sa bagay-bagay. Naging mas madalas ang pagassure mo sa akin na ako lang sa buhay mo, kahit na hindi ako nagtatanong at hindi ako nanghihingi ng assurance.

Bumaba ako noon, para tumingin ng pelikula sa malapit na mall sa aking opisina. Napangiti ako nang makita kita, papalapit na ako ng may lumapit sa iyong isa pang lalaki at laking gulat ko nang makita ko ang pagakbay mo sa kanya. Nanatili akong nakatitig at hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang aking maramdaman. And yes, I decided to play it cool. Marahan akong lumapit sayo at nang mapuna mong nandun ako ay madali mong inalis ang pagkakaankla nyo sa isa't-isa. Ngumiti ako sayo, maging sa kasama mo at tinalikuran ko kayo at ako'y naglakad nang mabilis.

I felt my body shaking that time. Galit ako pero hindi ko dapat ipahalata. Wala tayong relasyon kaya hindi ako dapat maginarte. Pero sino ba naman ako para hindi masaktan? Ngayon pa't nararamdaman ko na mahal na kita?

Nagulat ako ng maramdamang may humatak sa akin. Natigilan ako nang makitang ikaw yun.

It's not what you think,” humihingal mong sabi.

I actually ain't thinking of anything,” mahina kong sagot.

I know you. Let me clear this.He's just a friend,” natataranta mong sagot.

Bakit ka pa nagpapaliwanag? I'm just a friend, too,” blanko kong sagot.

No, I love you. You're not a friend. You're my partner,”

No, we're not together.”

Bago ka pa man magsalita ay inunahan na kita.

Go back. He's waiting. I need to get back to the office, take care.”

Before you could say any word, I was gone.

Nakabalik na ako sa office. Gustong tumulo ng luha ko pero hindi ko hinayaan. Ayaw kong magpaapekto. Tama nga ako, wala akong karapatan. Hindi mo ako boyfriend. So bakit ako magseselos? At bakit nga ako nagseselos?

You kept calling and I kept rejecting your calls. Your text messages remained unread.

Oras na para umuwi pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho. I saw you waiting outside the building and your face has become a nuisance on my system. You were nervously smiling. I threw a gaze at you. Mabilis kang lumapit at kinuha ang kamay ko. Wala pa rin akong reaksyon. Naramdaman ko nalang na hinahatak mo ako pasakay sa kotse.

I want to go home,” mahina kong sabi.

Yup. We're going home.”

Mabilis mong pinaandar ang sasakyan. Patungo tayo sa iyong condo. Nakabisado ko na rin ang daan.

This is not where I live,”

This is our home, you and me. Our home,” sagot mo.

Muli akong binalot ng warm feeling na iyon. Pero hindi ko rin malaman kung ano ba talaga ang aking nararamdaman dahil alam kong galit pa ako sayo. Nanatili nalang akong tahimik.

I want to go to my house. This is not my house.”

“You'll go home tomorrow. Ihahatid kita. For tonight, we need to talk.”

There's nothing to talk about.”

There is.”

What?”

Us.”

Narating natin ang unit mo sa 21st floor ng building. Mabilis mo akong hinatak sa loob at nakita ang magarbong pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Gusto nang mawala ng tampo ko.

What is this about?”

Don't ask questions. Just sit. And let us enjoy the food.”

I'm not hungry.”

Galit ka pa ba?”

No.”

“Then why are you so cold?”

I'm tired.”

Of me?”

Natigilan ako sa tanong na yon. Was I tired of you? No.

Maybe,” mahina kong sagot.

You held my hand. I knew you were staring at me but I decided not to even look at you. Alam kong mabubulag ulit ako ng mga matang iyon.

“Can you give me a second chance?”

I smiled.

“Why are you even asking for a second chance? According to you, he's just a friend. Guilty ka ba? Wala rin namang dahilan para maguilty ka. Hindi naman tayo.”

You were smiling nervously, again.

“Eto na ba to? Inaantok na ako. I will go home now.”

“Stay.”

Before I could say any word, you quickly placed a ring on my finger. I was shaking. And I feel euphoric.

“Now, i'm asking if you want to be mine?”

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking mga luha. I nodded in response.

“I know you were jealous. I made a mistake. And i'm not going to do it again, now that we're already together. We are already committed.”

“I hope so.”

Niyakap mo ako at marahan mong giniya patungo sa iyong kwarto. We made love that night. Our very first night as a couple.

Three months passed and we were perfectly fine. Naging masaya tayo at alam natin na mas lumalim ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Naging mas romantiko ka at naging mas thoughtful sa mga bagay-bagay. Mas napadalas nga lang ang iyong mga overtime work dahil na rin sa demands ng iyong posisyon sa trabaho.

I went to your condo unannounced at dahil mayroon akong sariling susi ay agad akong nakapasok. Alam kong tulog ka pa at naisipan kong dalhan ka ng pagkain para may makain ka paggising. It was a surprise treat, actually. But then again, ako ang nasorpresa. As I tiptoe to your room, may nakita akong babae. She was 30 something, beautiful and a bit chubby. Nakatingin na rin sya sakin ng may labas na pagtataka.

Bago pa man ako makapagtanong ay nauna na sya sakin.

“Sino ka? And how did you get in?”

I was sweating. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Magnanakaw ka!”

“No!” I cried.

Nakita nya ang bitbit kong paperbag at nang mapagtanto nyang pagkain ang laman nito, ay mabilis itong humingi ng paumanhin.

“Ahh shit. I'm sorry. Are you a friend of my husband or what?”

“Your husband?”

“Yes.”

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

“Ahh. Ahh. I'm actually one of his people, nagbilin po kasi sya sakin na dalhan ko sya ng food, kaya eto naisipan kong dalhin ko na ngayon,” pagsisinungaling ko.

“Ahh. How sweet of you. Wait I will wake him up.”

“Ahh wag na po, Ma'am. Aalis din po ako agad. I'm sorry if I have caused alarm. I should have knocked at the very least.”

“It's okay. I know that he has a hobby of trusting people his keys. It's not the first time.”

Napatango nalang ako.

“It's nice meeting you po.”

“What's your name again?”

“Constantin po. Just tell Sir Noel, I dropped by to give him his food. Ingat po kayo.”

I headed to the door and gently closed it.

Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha habang ako ay naglalakad patungo sa elevator. I was sobbing like a kid. Nang bumukas ang pinto nito ay agad akong pumasok. Bumuhos na ang aking pinakatatagong emosyon. Patuloy akong tumangis. Luckily, walang sumakay na iba kaya't naging grabe ang aking pagiyak.

Pumunta ako ng opisina at ako ay wala sa sarili. I was quiet and officemates were actually really worried.

Oras na ng uwian, at wala pa rin ako sa sarili. Nagulat nalang ako ng makita kita sa labas. I avoided you but you're quick at nakuha mo agad ako pasakay sa iyong kotse.

Galit na galit ako nang mga panahon na yon. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Niloko mo ako. Ginago. Tinarantado. Pero di kita kayang murahin. Hindi ko alam. Walang nagsasalita sa ating dalawa. Hinawakan mo ang kamay ko at ako ay nagpaubaya. Alam kong ito ang magiging huling pagkakataon.

Hindi ko na mapigilan kundi ang magsalita.

“Kahit kailan naman hindi mo ako minahal.”

“That's a lie.”

“You never loved me, Noel. Harapin nalang natin yon. Mas magaan sa pakiramdam nang matanggap ko na hindi mo naman talaga ako mahal.”

“It's not that I didn't love you. I loved you, just in a wrong way.”

Tahimik. Bigla nalang tayong binalot ng katahimikan. You held my hand and squeezed it. I was too numb to feel it.

“Can you give me one more chance? Maari mo bang mahalin ako ulit?”

“No, not anymore,” mahina kong sagot.

“Why?” Rinig ko ang daing sa iyong mga salita.

“Because I can no longer love you. Hindi ko na kaya.”

“You still can. Please, tell me you still can.”

“How many lies more, Noel? How many?”

“One more chance, Con. Isa pa. I'd make everything right.”

Umiling ako.

“You won't make things right for you never did the right thing. You were married from the very beginning and you have been fucking guys like it's the most moral thing to do. You're not going to do the right thing Noel. Never.”

Narinig ko ang iyong pagiyak.

“I wish you happiness.”


Mabilis akong bumaba ng sasakyan at akmang tatawid ng kalsada nang makita ang nakakasilaw na liwanag mula sa paparating na van. Pinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtama nito sa aking katawan. Naramdaman ko rin ang pagtama ng katawan ko sa malamig na kalsada. Naramdaman ko ang hilo. Hindi ko makahinga. Umiikot ang paningin ko. Umiikot. Nahihilo.. Nah I hi il o . . Nah. . . Na. . .

10 comments:

citybuoy said...

wow. :)

unbroken said...

Nanliit naman ako bigla, Kuya Nyl! Hahahahahaha

Anonymous said...

Wow..galing..

Sullivan Eduardo

Anonymous said...

Mganda ung story kya lng nmtay agd c Noel. Kung d kya nmatay c Noel ano kyang hakbang ang ggwin nya? Tlikuran at klimutan n lng ang cnapit nyang pgkbigo s pg-ibig at mghintay n lmang ng krpat-dpat n iibgin s hinhharap o patuloy nyang ipglaban ang pg-ibig nya kht alam nyang d nya ito msosolo. PHILIP ZAMORA

Anonymous said...

Assusual bitin ^_^ hehehe

-emem

Anonymous said...

What a great story! Although tragic... :)




Emonnee

Anonymous said...

ito lang ulit yung time na nqgbqsa ulit ako ng story. and worth it Siya. super. this is really good.

unbroken said...

Salamat sa comment guys!

It has been a while since nagsulat ako. Siguro onti muna bago ako magsulat ulit ng bongga. :)

Lawfer said...

d pa man natutuyo ung luha q hetot nabasa na nman ang pisngi ko... grabe, galing m tlaga

thanks ulit sa pag share ng obra mo :)

unbroken said...

Lawfer. Ang tagal na nito ha? Hahahaha Salamat.