Tuesday, June 25, 2013

Take A Chance 1

“Welcome home,” mahina nitong pagbati sa kanya.

Hindi agad ito nakapagsalita. Parang nasemento ang kanyang mga paa sa bigat ng mga ito. Ni hindi rin sya makalakad ng maayos. Naramdaman ng kanyang ina ang kanyang pigil na mga hikbi. Napailing nalang ito.

“I said, welcome home, Coco,” malambing nitong sabi.

Tahimik syang pumasok sa loob ng bahay na iyon. Iginala nya ang kanyang mga mata rito. Nakita nya ang naibang kulay ng pader, nakita nya ang iba't-ibang frame ng cross-stitch na ginawa ng kanyang ina, nakita rin nito ang kanyang mga gawang paintings noong sya ay nag-aaral pa lang ng Fine Arts sa isang sikat na unibersidad.

Hindi sya makahinga. Totoo nga na nakabalik na sya sa kanilang tahanan. Napaluha siya nang makita ang kanilang family picture.

“Dad,” sabi nito nang makita ang larawan ng kanyang ama.

Naramdaman nya ang pag-akbay ng kanyang ina sa kanyang balikat.

“It's okay anak. You're dad understood.”

“I'm sorry, Mom.”

At hindi na napigil ni Coco ang pagtulo ng kanyang mga luha.

“It was my fault, mom. It was my fault.”

“It's not, Coco. Your dad wanted you to go to that university. It was our responsibility to send you to a good school. It was never your fault, Coco,” mahinahong paliwanag nito.

Unti-unting lumalakas ang pagiyak ni Coco.

“It was my fault mom. If it weren't for my high fees in school. Dad would have had the money for his operation. Sana nandito pa sya ngayon,” at patuloy na nitong hindi naitago ang galit na nararamdaman sa sarili.

Wala ng ibang nagawa ang kanyang ina kundi ang yakapin ang kanyang anak. Coco kept sobbing like a kid. He kept on ranting and blaming himself for his dad's death. His mom kept on comforting him but she knew that she can't stop him.

“Anak, walang magagawang maganda yan. Life has to go on. Ngayong wala na ang daddy mo, magsisimula na tayo ng bago. Tayo. Ikaw, ako, ang kapatid mong si Leonard at ang Lolo Eduardo mo. Dapat ay tulungan mo ako. Hindi ko to kakayanin ng ako lang, kailangan kita at ikaw ang panganay,” naiiyak na sabi nito.

Napahinto si Coco. Ngayon lang nya narinig na magsalita ang kanyang ina nang ganito. Buong buhay nito ay lagi nalang itong nakasang-ayon sa kung ano mang sasabihin ng kanyang ama. Hindi nya inakala na kakayanin nitong maging malakas.

“Anak. We need to help each other.”

“I will, Mom. Now that I have finished school, I will.”

Nagyakap ang mag-ina. Muli silang nakaramdam ng kapanatagan.

“I love you, Mom.”

“I love you too, Juan Miguel.”

Napangiti si Coco.

“Stop calling me my name, mom.”

Napangiti ang kanyang ina. Magkahawak kamay silang lumakad sa loob ng bahay.



* * *


Naramdaman na ng kamay ni Morris ang diamanteng iyon. May ngiti sa kanyang mga labi.

Tandaan mo, kapag naalis ang diamond ay tutunog ang alarm na konektado sa security ng buong village. Maging maingat ka, Morris. Tandaan mo rin na kapag nahuli ka ng mga pulis ay hindi kita tutulungan. Subukan mong pumiyok at papatayin ko ang pamilya mo.

“I told you. Makukuha ko to. Wala ka lang bilib eh.”

Ang code ay tulad ng nasa tower. Maging maingat ka at wag maglagay ng fingerprint. Sa oras na bumukas ang vault ay bibigyan ka lamang nito ng 60 seconds para makuha ang diamante at maisara ang vault. Kapag natapos ang oras ay magaalarm ang buong bahay. Bubukas lahat ng ilaw at for sure, patay kang bata ka.

Dahan-dahan nya itong inangat. Maingat na maingat. Nakaantabay ang kanyang kaliwang kamay para ilagay ang replika ng diamanteng kanyang ninanakaw. Tumutulo ang kanyang pawis at ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam ni Morris sa kanyang sarili na kung hindi nya ito makukuha ay katapusan na ng kaniyang buhay.

He gently lifted the diamond and quickly placed the replica in its holder. Lumipas ang limang segundo ay walang alarm na tumunog. Nakaramadam si Morris ng ginhawa.

I made it.

Mabilis syang tumayo at kinuha ang bubble wrap at nilagay dito ang diamante. Tinignan nya ang paligid at nang mapuna na walang tayo ay marahan nyang tinahak ang pinto. Alam nyang walang tao sa bahay na kanyang pinasok at malayo ang iba pang bahay na katabi nito pero mas mabuti pa rin na magingat.

He sneaked to the back door and held the knob. Muli syang nagtapos ng tingin sa bahay at nang akmang papalabas na ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Tumulo ang malamig na pawis sa kanyang mga noo at naramdaman nya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo pa ay tumunog ang napakalas na alarm.

Putang ina. What went wrong. Putangina! Putangina!


Morris ran to the vault and figured what went wrong. Hindi nya masabi kung ano. Ilang segundo pa ay narinig nya ang sirena ng mga pulis na paparating. He ran to the back door and stopped. His mind totally went blank. Hindi na sya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Naalarma ang head ng security ng marinig ang alarm mula sa mansyon ng mga Ancheta. Alam nyang tumungo sa ibang bansa ang mga ito at ito marahil ang dahilan kung bakit ito pinagtangkaan ng mga magnanakaw.

Mark Kymn Flores was one of the security personnels on duty that night. Mabilis nilang pinasok ang bahay, kasama ang kanyang kabuddy na si RJ Luckyone. They went inside and saw nothing in the living room. Inikot din ni RJ ang mga kwarto sa taas at wala silang nakita. Magkasama nilang tinungo ang kusina at nakita ang bukas na pintuan.

“Nakalabas na ang magnanakaw!” bulalas ni Mark

Bago pa man sila makalabas upang habulin ang magnanakaw ay nakita ni RJ ang isang lalaking puno ng pasa ang mukha na nakahandusay sa sahig.

“Pare, may tao!”

Muling bumaling ang paningin ni Mark Kymn dito.

Sinuri nila ang nakadilat na lalaki at napuna nila na bumubula ang bibig nito.

“Pare, pare! Nalasan tong isang to. Bumubula ang bibig nya! Tumawag tayo ng ambulansya,” natataranta nilang turan.

Sa sobrang pagkataranta ay mabilis na lumabas ang dalawang pulis. Tumawag si Mark Kymn sa ospital habang si RJ naman ay tumawag sa mga Ancheta.

“Sir, magandang gabi po. Ikinalulungkot ko pong sabihin pero napasok po ang bahay nyo.”

“Ha? Ano? Paano? Anong nangyari? Ano?”

Patuloy na naghisterikal ang lalaking kanyang kausap.

“Sir. Yung kasambahay nyo po na lalaki ay nalason din. Binugbog po sya ng mga magnanakaw at nilason.”

“Ha? Sinong kasambahay?”

“Yung nasa loob po ng bahay nyo.”

“Wala akong kasambahay!”

Mabilis na tumakbo pabalik ng bahay si RJ at wala na ang lalaking nakahandusay sa sahig.

“Mark Kymn! Naisahan tayo!”




Morris was feeling giddy with excitement. Sino ba naman kasi ang makakaisip nun?

Well, i'm a bright guy. Ano pa ba?

The feeling was euphoric. Hindi nya mapaniwalaan kung paano nya naoutwit ang mga pulis. Was he such a great actor then? Siguro syang matutuwa ang boss sa kanyang nagawa. At malamang ay bigyan sya ng malaking bayad nito.

What did I just do? Did I just do con? Wow! Pwede pala ako maging con-artist.

Nakangiti syang sumakay sa taxi sa harap ng isang malaking mansyon sa village. Kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang amo.

“Paano yan? Nakuha ko?”

“Edi maganda.”

“Maganda? Ibenta ko kaya to sa pawnshop?”

“Gago. Dalhin mo dito. Name your price.”

“Sure Boss Jhacko. Sure,” nakangisi nyang sagot.

The line went dead.



* * *



Itinupi nya ang papel sa apat at itinali ito sa lobo. Inangat nya ang bintana at pumasok ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang kulob na kwarto. Iba ang moist na dala nito sa kanyang balat. Naramdaman ni Patrice ang ginhawa. Ngumiti sya at pinalipad ang lobo sa langit kasama ang kanyang sketch para sa namayapang minamahal.

Alam kong aabot yan sayo dyan. Sana kapag nakuha mo ang sketch ko ay maibigan mo ito.


Strikto at seryoso. Yan ang pagkakakilanlan ni Patrice Marco Valmer sa lahat ng kanyang mga Pranses na estudyante sa Sining. Siya lang ang bukod tanging Pinoy na guro sa departamentong iyon. Mahigit anim na taon na rin syang naninirahan sa Pransya. Hindi na rin nya nagagawang umuwi dahil na rin sa sobrang busy ng trabaho at sa halip na ipamasahe ang pera ay pinapadala nalang ito sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

“Kailan ka ba uuwi Pat? Ang tagal ka ng hinahanap ng mga kapatid mo,” isa sa walang hanggang litanya ng kanyang ama.

“Pa, saka na. Kapag ayos na ang lahat.”

“Patrice, ayos naman ang lahat. Ikaw lang ang hindi. Hindi habangbuhay ay magtatago ka sa Pilipinas anak. Dito ka pinanganak at dito ka dapat mamatay.”

“Pa, alam ko. Hindi pa ako handa.”

Napabuntong-hininga ang kanyang ama sa telepono.

“Anak, kung iniisip mo pa rin ang nangyari sa inyo ni Aronn noon,”

“Pa, tama na..”

“Anak, magmove-on ka na. Wala na si Aronn. Wala na. Kaya tama na. Humanap ka ng babae dyan at magpamilya. Bigyan mo na ako ng apo.”

Pasok sa kanan, labas sa kaliwa.

“Pa, okay na ako. Marami lang akong inaayos kaya di ako makauwi. At isa pa, wala pa muna sa isip ko ang magpamilya. Masaya ako na natutulungan ko kayo. Yun nalang muna.”

“Ang gusto lang namin ng mga kapatid ay maging masaya ka. Anak, hindi lang si Aronn ang babae sa mundo...”

Bago pa man makapagpatuloy ang kanyang ama sa anu pa mang sasabihin nito ay binaba na nya ang telepono.

Tinungo nya ang salamin at tinignan ang sarili. He hasn't had his haircut for a while. Ang kanyang malago at wavy na buhok ay tumatakip sa kanyang kakisigan. Mayroon na ring 5o'clock shadow ang  kanyang mukha kaya naman minarapat na nyang magahit.

Habang nagaahit ay nakita nya ang larawan ng nagiisang babae nyang minahal. Iniisip nya kung kamusta na ba ito ngayon. Marahil nga ay tama ang kanyang ama, ito ay may asawa't anak na. Pero hindi nya maipaliwanag kung bakit ito pa rin ang hinahanap ng kanyang puso.

Siguro kailangan ko pa ng konting panahon. Panahon para makalimutan ka, mahal pa rin kasi kita, kahit na hindi na tayo magkakasama pang muli, parati kang nasa puso ko. At hindi ko kakalimutan na minahal natin ang isa't-isa noon.


Tumingin sya sa salamin at nakita ang sariling lumuluha. Ilang taon na mula nang mawala si Aronn dahil sa isang aksidente, ngunit hindi pa rin makarecover si Patrice dito. Ang pagkawala ng isa ay ang naging dahilan upang tanggapin ni Patrice ang pagkakataong makapagturo sa Pransya. Umaasa sya na kapag naroon na sya ay makakalimutan nya ito, ngunit sya ay nagkakamali.

Bumalik sya sa katinuan nang marinig ang malakas na katok sa kanyang pinto.

“Mr.Valmer, the school service is waiting for you outside, what would you want me to tell him?”

Oo nga pala, may trabaho nga pala ako.

“Tell him to wait for me. I'd be just fixing myself. Give me a minute.”

“Roger,”

Mabilis nyang inayos ang kanyang sarili, nagpalit ng damit at bumaba patungo sa pinto kung saan nagaantay ang driver ng service.

“Good Morning, Senior Valmer”

“Good Morning, I apologize for being late.”

He saw the man bowing his head.  He smiled. The guy then led him to the car. They are now driving to the university.

It's a new day. Maybe, I can take a chance to make it better.







12 comments:

Unknown said...

wow! nice start! Go GO GO! saya

unbroken said...

Ayyy salamat naman mars at dumalaw ka. Hahahaha

Unknown said...

Pra lng akong nanonood ng movie. Flasback muna.

unbroken said...

Kuya Philip! Salamat sa comment na yan hehehe

Anonymous said...

Wow nice ! Hehehe :)
tnx tita rovi !

-LEONARD

Anonymous said...

..wow! Mukhang bad image talaga ako dito...nice rovi!

Jhacko

Anonymous said...

Hayyy.kasama nga ako sa kwento..Lolo nman,tama ba yun...EH REVISED..DI PWEDE YAN.LAGI NLNG GANYAN.

MUDRA EDU.

Anonymous said...

Haha nice rov. .salamat at napasama ako xa kwento mo. .

Rj

COCO said...

yun oh!

uhm.. medyo magulo pa siya siguro dahil nag- uumpisa pa lang siya.. pero over all.. it was a nice start.. keep it up bebe gurl!

rascal said...

Ayos ahh galing nmm

Unknown said...

hmm..now ko lang nabasa maigi..Yah tama c Coco...medyo magulo pa pero xciting!..dami characters kuya rovi...Salamat npa sali name ko..mwaaahh.. next na..Chapter 2!

yanmaneee said...

goyard bags
supreme clothing
jordan shoes
golden goose sale
christian louboutin
off white hoodie
nike epic react flyknit
curry 5
adidas yeezy
nike air max