A/N: Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook
Final requirements 04
“booooooosgh!”
“AW!” < --- ako
tamaan ka ba naman ng tabong lumilipad
“Bakit ngayon ka lang?” < --- Kuya Kian
Hindi nga pala ako nakapagpaalam hai tanga mo talaga Andrei
“Kuya kasi, ayun niyaya ako ng kaibigan ko eh, biglaan kaya hindi ako nakapagpaalam” < --- Ako
“Walang cellphone?” < --- Kuya Kian
“Wala akong Load” < --- Ako (Di ako papatalo aba! Masakit yung tabo)
“Wala bang cellphone yung kasama mo”
Oo nga naman =___=
“Hai di talaga ako mananalo sayo, ok sorry nakalimutan ko, di na mauulit kuya” < --- Ako
“Dapat lang, kung hindi itatali kita ng patiwarik”
“Kaya mo kuya?”
“Gusto mo try natin?”
“Wag! Hahaha eto naman highblood….. sige akyat muna ako kuya”
“sige sige”
Pagka-akyat ko ayun nakita ko yung kama ko higa ulet pero hindi ako matutulog. Gusto ko lang alalahanin ang nangyari . . .
“Toooot!” < ---- Cellphone (Message)
Abala naman to oh!
Richard: Nakauwi na ako babe, kamusta?
Andrei: Eto sinalubong na lumilipad na tabo, hindi kasi ako nakapagpaalam
Richard: Sorry babe :(
Andrei: Ok lang babe, ikaw ba?
Richard: Ayun sabi ko may Boyfriend na ako :) at hindi ako binato ng tabo
nakapagpaalam ako eh :P
Andrei: Hoy di pa naman ako pumapayag na maging tayo ah
Richard: Hahahaha akin ka lang naman di ba?
Andrei: Naman :) pero di pa tayo, eh teka buti di sila nagalit?
Richard: Alam nila ang tungkol sa akin :D
Andrei: Buti ka pa sa amin hindi pa eh pero sasabihin ko din naghahanap lang ako ng tyempo, oh siya babe kakain lang kami ah… sige sige
Richard: Lab u babe <3
Andrei: Laab din kita <3
Bumaba ako kasi kakain na kami ng hapunan at dumating na sin kasi si Nanay
“masaya ka ngayon ah” < --- Kuya Kian
“Ha? eh kasi tapos ng yung manuscript namin” < --- Ako
“Aba mabuti naman kung ganoon anak” < --- Nanay
“Pero may proposal kami this week kaya ayun hindi pa sin tapos kalbaryo naming” < --- Ako
“Naku anak kaya mo yan, alam ko mahirap ang college pero alam kong matalino ka anak kaya mo yan” < --- Nanay
“Parang hinde naman nanay hahaha!” < --- Ako
“Magaling lang yan kapag gagala tapos hindi magpapaalam” < --- Kuya Kian
“Grabe naman ngayon lang ako hindi nakapagpaalaam oh” <--- Ako
“Sino yung kasama mo kanina bunso? Ayun ba yung kasama mo sa Tagaytay?” < --- Kuya Kian
“Ah oo kuya, si Richard yun, kaibigan ko” < --- Ako
“Ah ok” < --- Kuya Kian
Pero parang may mali . . . yung mga titig ni kuya may laman . . . parang may gusto siyang malaman. May mali ba akong nagawa? Ginawa?
Nung naghuhugas ako ng plato
“Nakita ko kayo kanina” < --- Kuya Kian
“Ah oo hinatid niya ako kuya”
“So kapag hinahatid may kiss?”
. . .
“Bakit di ka makasagot?”“ku—kuya” < --- Ako
“Usap tayo sa kwarto mamaya” < --- Kuya
Sheeeet of paper! Nakita pala ni kuya, iba pa yung tono ng boses niya, END OF THE WORLD NA!!!! anu sasabihin ko? Wala eh. . . . huhuhu Lord tulungan niyo po ako!!! Baka itakwil na nila ako saan ako pupunta? Hala hindi pa ako tapos s pag-aaral.
Pagkapasok ko sa kwarto ni kuya >>>
Tahimik ayokong maunang magsalita kasi hindi ko alam ang sasabihin ko
“Ano?” < -- Kuya
“Sorry” < --- Ako
“Bakit? Ano ba kayo na lalaking yon?” < --- Kuya
“Ah eh, magkaibigan kami kuya pero nanliligaw siya sa akin”
“kailan mo balak sabihin sa amin to?”
“kanina sana kuya eh, kaso parang di ko pa kaya, kailan ko lang natuklasan na ganito ako” < --- Ako
“kailan lang?”
“Kahapon”
“mahirap nga”
“sorry kuya” < --- Ako naiyak na
“sssshhhhh… ok na, at ok lang pasok ka na nanay” < --- Kuya
“Nanay?”
“Ok lang anak, nakwento na sa akin kanina ng kapatid mo. wala naman problema sa amin ng kapatid mo basta maging masaya ka lang at wag mo pababayaan ang pag-aaral mo ha” < ---- nanay
“Opo, makakaasa po kayo” < --- ako
“Bunso, may mga kaibigan ako na tulad mo, kaya mag-ingat ka ha, mahirap ang ganyang relasyon, madaming mang huhusga, di lahat tanggap ang tulad niyo” < --- Kuya Kian
“opo kuya, inay, maramin salamat po” < --- Ako
Lumabas na si inay ng kwarto ni kuya pero ako hindi pa, nakahiga ako sa hita ni kuya sa kasalukuyan
“Ayan may kapatid na akong Girl, gusto mo ng Barbie?” < --- Kuya Kian
“Gago ka kuya! Hahaha lintek” < --- Ako
“Sa kilos mo naman at pananalita parang hindi naman kasi kaya nabigla ako” < --- Kuya Kian
“Ako din naman kuya eh… pero wala eh . . . .” < --- Ako
“Baka pinagnanasaan mo na ako ah” < --- Kuya
“Ungas! Ewan ko sayo kuya”
“Haahaha joke lang bunso pero ok lang talaga sa akin”
“Salamat, kanina lang problema ko ito, pero ngayon hinde na” < --- Ako
“kalian mo ipapakilala sa amin?”
“Di ko pa alam kuya, di pa naman kami eh” < --- Ako
“Wow ah pakipot ka bunso” < --- Kuya Kian
“Gagew, sige tulog na ako kuya antok na ako eh…” < --- Ako
“Sige bunso good night” < --- Kuya Kian
Bago ako matulog
Andrei: Babe ok na din dito sa amin, gusto ka nila makilala
Aw …. Nalowbat ang Cellphone ko pero nag-send
Kaya natulog na lang ako dahil kailangan namin mag-handa sa Proposal defense. Dito ay maari din kami bumagsak kapag hindi naming napretektehan ang ginawa naming thesis.
Kinabukasan inayos ko na yung powerpoint presentation namin at naicharge ko na din ang Cellphone ko
Pagkabukas ko (3 messages recieved)
Richard: Talaga?! Wow naman ang swerte natin :)
Richard: Good morning Drei ko maraming salamat sa chance na binigay sa akin :) I love you I love you e love you!!!
Jet: Par punta ka na Dito
Aw… oo nga pala may usapan kami ngayon, pupunta kami sa Bahay ni Jet para ayusin at hatiin ang presentation. Kaya ayun agad agad naligo ako at pumunta kila Jet.
Ang ganda talaga ng bahay sa Gilid ng Bahay nila Jet siguro lalo na sa loob.
. . .
“Papa Drei parang masaya ka ngayon?” < --- Alexa
“Di naman, kayo talaga, oh ako na sa Chapter 1, ikaw par sa 2, at 3 ang kay Alexa ” < --- Ako
“Tooot tooooot” (Calling Richard)
“Hello Chard bakit?”
“Nasaan ka?”
“Ummm sa bahay ng classmate ko, nag-aayos ng presentation”
“Ah ok, saan ka ba ngayon?”
“Sa HQ Subdivision” < --- Ako
“Ha?! nandito din ako, dito kami nakatira eh saan ka ba?” < ---- Chard
“Kila Jet? Kilala mo?” < --- Ako
“Jet hmmm bigay mo nga sa kanya” < --- Chard
“Par kakausapin ka daw” < --- Ako
“Hello?” < --- Jet
“Jet pinsan?” < --- Chard
“Oh pinsan? Bakit?” < ---- Jet
. . .
“Yep” < --- Jet
Ding dong!
“Ayan na siya” < --- Jet
“huh?! Ang bilis naman” < --- Ako
“Sila yung nakatira jan sa tabi ng bahay namin” < --- Jet
“insan!” < --- Chard
“Uy! Hahaha bakit kayo magkakilala ni Andrei? Eto pala si Alexa isa pa naming group mate” < --- Jet
“Hi Alexa” < --- Chard
“Hi papa ang gwapo din may gad!” < -- Alexa
“Ikaw babe hindi mo sinabing dito ka pupunta ah” < --- Chard
“Nagtanong ka ba? At malay ko ba mag-pinsan kayo” < --- Ako
“Ha? Babe?” < --- Jet
“Ah eh . . . kas..”< --- Ako
“Insan siya pala yung Boyfriend ko na sinasabi ko sayo si Drei” < --- Chard
“Ha?!” (Alexa at Jet)
“Kailan pa?” < --- Jet
“Naku par wag ka maniwala dyan di ko pa yan sinasagot” < --- Ako
“I mean, akala ko straight ka” < -- Jet
“Well Insan sa gwapo ko ba namang to lahat nababading sa akin hahaha!” < --- Chard
“Kapal ng muka sarap ihampas sa dingding eh tsk” < --- Ako
“Baka masarap halikan” < --- Chard
“Hindi rin . . .” < --- Ako
“Hahaha, oh siya good luck sa inyo dalawa ha sana magtagal kayo ni insan, Drei medyo makulet yan kaya pagtyagaan mo na lang” < --- Jet
“Oo nga par eh ubod ng kulet nan grabe” < --- Ako
“Mahal mo naman” < --- Chard
“Aysus . . . ewan” < --- Ako
“Pa kiss nga sa babe ko” < --- Chard
“Nakikita mo tong kamao ko?” < --- Ako
“Damot mo Babe” < --- Chard
“Hahaha kakatuwa, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito Goodluck sa inyo ah, sayang crush pa naman kita papa Drei” < --- Alexa
“Haha salamat at tanggap niyo ako” < --- Ako
“Naman par, walang issue sa akin yan” < --- Jet
“Sa akin din Drei, ang cute niyong dalawa eh hahaha” < --- Alexa
Masaya ako na tanggap ako ng mga kaibigan ko kahit bakas sa kanila ang pagkagulat lalo na kay Jet. Dahil sa mabilis naming natapos ang presentation pumunta kami sa Bahay nila Chard, ay grabe kung maganda na sa labas mas maganda sa loob, ito yung Ideal house ko kapag magpapagawa ako eh asawahin ko na lang si Chard para may Instant House ako hahaha joke!
Doon kami pinaupo sa kanilang living room, wow talaga yung 80 inch flat screen ang sarap mag-movie marathon dito. Sarap mag-inom ng Alak lahat! Hahaha
. . .
May
dumating na babaeng nasa late 30’s, maganda at sigurado ako na ito ang nanay ni
Chard.“Mom si Alexa kagrupo ni Insan Jet at si Andrei po” < --- Chard
“So your Andrei” < --- Tita Lydia
“Ah eh hi po maa’m” < --- Ako
“Tita na lang iho” < --- Tita Lydia
“Ah ok po tita” < --- Ako
“You are so Handsome Andrei, no Wonder nainlove sayo anak ko” < --- Tita Lydia
“Ah eh hahaha salamat po” < --- Ako
Anu ba ito, nakakahiya hai . . . Alam ko na Legal kami ni Chard pero hindi ko
maiwasan na mailang kaya lumabas muna ako sa may Terrace nila, nagpahangin aba naman ikaw ba ipakilala ng hindi ka manlang naiform?!
“Babe ok ka lang” < --- Chard
“Ok lang, medyo kinabahan lang ng konti” < --- Ako
“Anu ka ba wag ka kabahan” < --- Chard
“Eh masisisi mo ba ako?” < --- Ako
“Pero babe mukang pasado ka na kay Mommy” < --- Chard
“Ha? paano mo naman nasabi?” < --- Ako
“Kasi nagwapuhan sayo” < --- Chard
“Eh mas gwapo naman ako sayo eh” < --- Ako
“Ha Ikaw babe? Saang banda?” < --- Chard
“Dyan sa Puso mo alam ko ako ang pinaka gwapo dyan” < --- Ako
“Aba, bumabanat hahaha pero Oo ikaw ang pinakagwapo dito sa puso ko” < --- Chard
“Andrei Iho, Chard kakain na tayo” < --- Tita Lydia
Tinawag kami upang kumain ng hapunan ni tita, di pa din palagay ang loob ko ewan ko ba kung bakit, kasi siguro bago sa akin ang lahat.
Nag-paalam si Jet at Alexa nauuwi na daw sila kaya ang ending ako na lang tss. Itong dalawang to kahit kalian.
“Iho kamusta naman kayo nitong anak ko” < --- Tita Lydia
“Ah, ayun po ubod ng kulit, tapos maligalig po ng sobra” < --- Ako
“Tama ka jan iho napaka kulet nga nan” < --- Tita Lydia
“Hahaha your right iho, katuwa, pareho kayong lalaki mag-salita at kumilos” < ---- Tito Sam
“Grabe kayo bakit kayo ganyan sa akin anak niyo kaya ako” < --- Chard
“Hahaha Anak si Andrei na ang nagsabi” < --- Tita Lydia
“At Anak maligalig ka naman talaga” < --- Tito Sam
“Hahaha” < --- Ako
Naging masaya naman ang kwentuhan naming sa hapag kainan nila Chard, at nagsisimula na akong maging komportable sa kanila.
May dumating
“Were home!”
“Kuya Adam! Hello there Baby Simon!” < --- Chard
“Eyow Tito Chad!”
“Sino siya dad?” < --- Si kuya Adam sabay turo sa akin
“Siya si Andrei Boyfriend ng kapatid mo” < --- Tito Sam
“What Richard bakla ka?!”
Itutuloy >>>
No comments:
Post a Comment