Saturday, November 30, 2013

Less Than Three- Part 40

AUTHOR'S NOTE:


Guys salamat po sa mga comments ninyo.. kahit anong comments po ay welcome... sorry kung talagang hindi ko naasiakaso.. hinihintay ko lang po matapos yung term na to. sorry po talaga... hope you'll undertsand....


Sorry for the flaws.... sorry po.. pasensya na po...


.................................



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 40

(On the fire...)



[RD’s POV]

“The number you have dial is unattended, please try yur call later. The number you have dial is unattended please try your call later… toot toot toot.”

Shit! Kanina ko pa tinatawagan si Alex pero patay ang cellphone. Kasalanan ko naman to eh, kung di ko siya sinungitan at dinedma, di mangyayari to. Ano na kayang nangyari sa kanila? Ano na kaya ang pinag gagawa nila?

Arhgsh. Itinapon ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at bumaba sa sala naming para magpatanggal ng bugnot. Nakakainis. Badtrip. Oo taena, miss ko na yung lalaking makulit na yun at sobrang nagseselos ako.

Nagseselos ako ng sobra, paano ba naman, kasama niya yung taong “mahal niya” at mahal siya. nasususot ako sobra. Argsh. Di ako mapakali, paano na lang kung ginagawa nila yun. Tsss.

“Okay ka lang?”

Nagulat naman ako nang makita ko si Arjay sa likuran ko. Agad naman akong tumayo at umupo sa may sala. Agad naman siyang sumunod at kinurot ako sa may binit.

“Aray!” sigaw ko.

“Ano bang nangyayari sayo?”

“Okay lang ako.” Sagot ko.

“Ang tanong ko ay anong nangyayari sayo hindi yung kung okay ka lang? You are very distracted ngayon.” Sabi niya

“Nah… I’m just tired, stress and irritated.”

“Why?”

“Mahabang kwento.”

“Dahil kay Alex?”

“Ha? Kay Alex? Tsss. Imposible. Bakit mo naman naisip yan?”

“Wag ka na ngang magdeny. Di bagay eh.”

“Hindi siya ang iniisip ko dahil wala akong pakialam sa kanya. Magsama sila nung boyfriend niya. Taena yan.”

“Hahaha… kapatid ko lang pala makakapagpabago sayo eh.”

“Argssssh. Nakakainis.”

“Edi siya nga.”

“Oo. Paano ba naman ayaw niyang sagutin ang tawag ko.”

“Baka naman kasi naghahappy happy sila.”

“Shit that life.”

“Hahahah. Natatawa akong makita kang ganyan.”

“Wag mo nga akong pagtawanan, kita mo namang nasasaktan na ako dito. Hindi ako natatawa sa mga sinasabi mo. Argsh… Makakasira talaga ako ng gamit dito sa bahay!”

“Wow nasasaktan. What that word. Bago yan sa pandinig ko sayo ah.”

“Tsss.”

“By the way, pupunta kami nila Charlene sa kanila bukas… wanna join?”

“Bakit kayo pupunta doon?”

“Wala lang. kung gusto mo lang sumama join ka.”

“Hindi nila ako gustong makita doon.”

“Lagi mo na lang pinangungunahan eh.”

“Hay. Kayo na lang.”

“Kaw bahala. Pero kung magbago ang isip mo, tawag ka lang or punta ka sa bahay ko. Doon ang tagpuan namin eh.”

“Tss. Di ako darating.”

“Don’t be sure… andun ang mahal mo… ayaw mo bang makita?”

“Makakagulo lang ako sa kanila.”

“Uhm… ikaw ang magdedesisyon nan.”

“Enjoy na lang kayo. Pasalubong ko ha.”

“Sige. Alis na ako, mamimili pa ako ng mga gamit na pwedeng makain. Baon namin.”

“Gusto mong samahan kita?”

“Pwede ba?”

“Ikaw bahala.”

“Tara.” Sabi niya.

Sinamahan ko siya na mamili. Tinitignan ko lang siya habang namimili ng mga babaunin nila bukas. Ang dami naman nitong binibili, parang isang buwan silang manantili doon ah.

“Yung totoo isang buwan kayo titira doon?”

“Maybe…”

“Tss.”

“Hahaha. Ang cute mo.”

“Gwapo ako.”

“Potassium.”

“Wew. Tara na nga. Kulangin ka pa sa pera magabono pa ako.”

“Sige na. Kahit kailan kuripot, naku.”

Habang naglalakad kami palabas ng supermarket ay nagtanong siya bigla sa akin. “Psst.” tawag niya

“Di ako aso.” Sabi ko.

“Ang suplado. May tanong ako.”

“Ano yun?”

“Paano kung maghiwalay ang kapatid ko at si Kieth, ano ang gagawin ko.”

“Una sa lahat, kapag sinaktan ni Kieth yang si Alex, bubugbugin ko siya.”

“Pangalawa?”

“Kukunin ko siya at wala na akong balak ibalik siya sa kanya.”

“Napaka pocessive mo pala.”

“Nah. Tama lang.”

“Pero malaki na rin pinagbago mo.”

“Sabihin mo sa akin, masama ba ang umasa.”

“Now you know the feeling.”

“Bakit kasi sa lahat pa, kapatid mo pa.”

“Di naman pwedeng mamili ang puso natin kung sino ang mamahalin kaya stay put ka lang.”

“Pero alam kong makakagulo lang ako sa kanila.”

“Then wag kang makialam. Sabi ko nga just stay put.”

“Paanong stay put.”

“Don’t care about them wag kang makialam. Maging normal ka lang.”

“Normal? Shete paanong normal ang gagawin ko kung sa tuwing makikita ko si Alex ay tumatalon ang puso ko at yakap agad ang gusto kong gawin.”

“Baka naman minamanyak mo na kapatid ko.”

“Ilakad mo ako sa kapatid mo please.”

“Abay ikaw ga ay luko?”

“Tsss.”

“Sumama ka na kasi.”

“Masasktan lang ako.”

“Eh tanga ka ba?”

“Tanga agad?”

“Alam mo… part ng pagmamahal yang masaktan. Sabi nga nila, may ilang bilang man ng pagkakataon tayo na masaktan, darating din yung mas maraming panahon para tayo ay makaramdam ng pagmamahal.”

“Sayo na si Kieth… akin na si Alex…” sabi ko.

“I’m over with Kieth.”

“Bakit may bago ka?”

“Wala.”

“Paano?”

“I just accept it. Kaya ikaw… nasa saiyo ag desisyon… kung magmamahal ka at masasaktan, o masasaktan ka at magmamahal.”

“Edi ba pareho lang yun.”

“Hindi… there’s an irony about that statement.”

“Okay sabi mo eh.”

Matapos naming mamili ay inihatid ko na siya sa bahay nila habang ako ay nagmumuni muni habang nagdrive pabalik ng bahay. Sasama ba talaga ako? Haixt.

Binuksan ko ang cellphone ko at sinilip ang picture ni Alex na natutulog. I miss him, his body, his kiss, lahat about sa kanya. Maluluha ka nalang sa sakit kapag naramdaman mo na nagungulila ka sa isang taong iyon.

Back then, sobrang close kami. Pero paano ko nga ba siya nakalimutan? Dahil ba bata pa kami? Hindi eh, siguro natanggap na ng sistema ko na sumusuko na ako at hindi ko na siya muling makikita.

I was still child back then. Wala naman akong magagawa eh. Kung di sana kami magkalayo, posibleng habag buhay na kami. Pero there’s a reason for everything and I hate that reason kung bakit ako nasasaktan.

Ayokong tanggapin sa sarili ko na iiwanan ako ni Alex. Ayokong tanggapin na darating ang panahon ay magsasama sila ni Kieth habang buhay.

[Arjay’s POV]

Kanina pa ako naghihintay sa tawag ni RD pero mukhang wala siyang balak sumama. Sayang pa naman ang mga pinamili ko. Tsss. Kaya nga dinamihan ko ang bili ko dahil sa kanya. Ang lakas kaya kumain nun.

“Arjay… ano tayo na at umalis? Mukhang din a dadating yun eh.” tanong ni Jake.

“Ah… sige… mukhang di na naman hahabol si RD.” sabi ko.

“Ano ba sabi niya?” tanong ni Charlene.

“Ayaw daw niya eh. Pero I’m sure gusto niya.”

“Pakipot talaga yun kahit kailan.” Sabi ni Charlene.

“Hala… hayaan natin… pati mukhang masasaktan lang sya eh.”

“Tama.”

“Tara na?” tanong ni jake.

“Sige…”

Ilang beses kong tinawagan siya pero patay talaga ang cellphone niya. Tsss. Wala naman akong magagawa. Umalis na kami at hinayaan na lang si RD.

Nasa backride ako habang nakikinig ng music. Maiinggit na naman kasi ako kapag narinig ko ang ka-sweetan ng dalawang ito. Nakita ko na lang a humarap si Charlene sa akin at ngumiti. Napatanggal ako ng headphones ko.

“Bakit?” tanong ko.

“hello.” Sabi niya

“Hi…”

“I’m Charlene.”

“Yeah I know. Best friend ka ni Alex right? I’m Arjay.” Sabi ko.

“Friends?”

“Sure… why?”

“Eh kasi yung mga encounter natin kadalasan confrontation ninyo ni Alex eh.”

“Hahah. Oo nga eh.”

“Well… hope to bond with you.”

“Same here.”

Nagulat na lang kami anng biglang tumigil si Jake. Napasubsob tuloy ako sa may front seat. “Ano ba naman yan?” Sigaw ni Charlene.

“Eh kasi si RD eh.”

“SI RD?” tanong ko.

“Hayan oh.”

At nakita namin si RD na humarang sa may harapan. Napangiti naman ako sa nakita ko. Agad namang sumakay si RD sa may kotse at nagpatuloy na kami sa pag-andar.

“Oh akala ko ba wala ka.” Tanong ni Charlene.

“Bakit ba? Para maexcite kayo.”

“eksena mo kahit kalian oo.”

“Ayaw mo ba ako dito?”

“Ayaw.”

“Ang arte ah.”

“Pahuli-huli kasi.”

“Sorry na.” at nagtawanan sila.

“Oh anong nagpabago sa isip mo?”

“Wala naman… medyo nababagot lang din ako sa bahay.”

“Sus… aminin mo na kasi na namimiss mo lang si Alex.” Sabat ko.

“Hindi ah. Bakit ko mamimiss yung loko na yon.”

“Aysus.” Sabi ni Charlene.

“Utot ninyo.”

“Mabango.” Sabi ni Jake.

“Loko.”

Puro laugh trip kami sa loob ng sasakyan. We found RD as a comedian right now. Bumalik na yung dating sigla niya. Mukhang nagkaroon siya ng reason to live again.

Live again talaga? Hahaha. Pero at least nabuhayan siya pero ang ikinakatakot ko ay yung mangyayari mamaya. Alam ko naman at lingid sa aming pagkakaalam ay may alitan si Kieth at si RD. Nagsimula naman to noong naging kami ni RD pero sa di maiwasang dahilan ay nagpatuloy ang alitan nila.

Imba talaga sila pag love. Hay naku. Pero kawawa si kapatid dahil alam kong trap siya between two boys. Haba ng hair. Ayt. Pero andito naman kami para awatin kung may mabuong tension sa kanila.

Isang oras at kalahait din ang naging byahe namen. Habang papalapit kami sa lugar nila Kieth ay nakakaramdam ako ng tension kay RD. hindi siya mapakali at tila ba gutsong-gusto na niyang bumaba.

Nang makarating kami ay agad naming natanaw ang bahay bakasyunan nila Kieth. Maganda pa rin ito tulad ng dati. Agad naman naming bintibit ang mga gamit namin. Habang nag-aayos ako ng gamit na bibitbitin ay nakita ko si RD na parang nakatulala.

“Hoy.” Tawag ko.

“Oh?”

“Ano na ang nangyari sayo? Daig mo pa kakainin ng buhay.”

“Ah eh wala.”

‘Excited ka?”

“Saan?”

“Makita si Alex.”

“Hindi ah.”

“Aysus.”

“Beeeest!” narinig naming na sigaw ni Charlene.

Kitang-kita ko ang pagkatuliro ni RD. Natawa na naman ako bigla at hinawakan siya sa makabilang balikat. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Relax… daig mo pa ang hindi nakita si Alex ng 10 taon eh.”

“Hindi mo naman ako masisisisi. Noon nga mas sabik ka pa sa akin dahil gusting-gusto mong makita si Kieth.”

“And I feel you kaya nga sabi ko relax lang. Keep calm.”

“I know.”

Narinig ko ang mga halakhakan nila kaya naman agad na kaming sumunod sa kanila. Hinanap ko ang kinaroroonan nila at napansin ko agad ang pagtingin ni Kieth. Napadako ang mga mata nila sa amin at nakita ko ang reaksiyon nilang dalawa.

Nagulat siymepre sila at di nila inaasahan na makikita nila kami especially si RD. Nakita ko naman ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Kieth kaya naman binasag ko ang namumuong tension.

“Kapatid!” sigaw ko.

“Arjay…” sabi niya.

Agad siyang lumapit at niyakap ako. Nakita ko na sumunod silang lahat sa kinaroroonan namin at tinulungan ako sa mga bagaheng aking bitibi.

“Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka? Sana nakapaghanda kami ng marami.” Tanong ni Alex

“Hahahah. Okay lang yun para surprise.”

“Na-surprise nga kami sobra.” Biglang singit ni Kieth.

“Sorry di na kami nag sabi.”

“Ayos lang.” Sagot ni Kieth.

“Ay tara na sa loob at kumain na tayo.” Sabi ni Alex.

“Anong nangyari jan sa mukha mo?” tanong ko.

“Ah eh si Kieth kasi kung anu-ano ang nilalagay sa mukha ko. Gumanti lang ako hanggang ayun.” Sagot niya

“Ang sweet.” Nagulat ako nung nagsalita si RD.

“Sobrang sweet.” Singit ni Kieth.

“Tara na.” biglang putol ni Jake.

Sinamahan ko si Alex na maghugas ng mukha. Nakikipag kwentuhan din ako sa kanya habang naghuhugas siya ng mukha para naman mabawasan ang dala niya.

“Kamusta kayo dito?” tanong ko.

“Okay naman. Kayo ba doon? Si papa?”

“Okay na siya. may good news pala ako, he is recovering.”

“Bakit anong nangyari?”

“Nagfaint kasi si papa, over fatigue daw.”

“Kailan pa?”

“Kahapon lang. he’s fine though. Sabi nang doctor wag daw masyadong magpagod. Pero wala naman daw masamang nangyari.” Dagdag ko.

“Bakit daw ba kasi nagpapakapagod si papa? Dami-dami nang pera eh.”

“Hay naku. Alam mo ba naman ang sagot?”

“Ano?”

“Dalawa na daw ang anak niya kaya kailangan daw niyang maghapit.”

“Medyo iba din pala si papa.” At nagtawanan kami.

“Anong score na?”

“Saan?” tanong niya

“Naka home base na ba siya sayo?”

“Ewan sayo.” Biglang iwas niya

“Don’t tell me hindi pa siya nakakascore sayo. Ang hina na pala ngayon ni Kieth.”

“May tanong ako.”

“Ano yun?”

“Diba ginawa na ninyo yun ni Kieth?”

“Oo. Bakit?”

“Anong… Kasi… gaano… paano ko ba itatanong.” Utal niya

“Kung malaki ba?”

“Hindi… adik mo.”

“Oh ano?”

“ANong feeling? Masakit ba? Nagdudugo ba?”

“Ay ewan… basta gawin mo para maramdaman mo. Si Kieth yan kaya mage enjoy ka. Carefull lang kasi medyo… ay hindi pala medyo, malaki lang talaga.”

“Eh…” at nakita ko siyang nagblush.

“Tara na nga at naghihintay na sila. Gutom na rin ako.” Asbi ko.

Kumai na kaming lahat. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan pa rin kaming lahat. Tawanan at ung anu-ano pa pero napansin ko lang na hindi masyadong nakikihalubilo si RD at si Kieth. Itong dalawang ito problema kahit kailan.

[Alex’s POV]

Inihatid naming isa-isa sila sa kwarto nila. Medyo mailap pa rin si Kieth at si RD at kanina ko pang nakikitang mailap silang dalawa sa isa’t-isa.

“Best ang taray ha… ang bigat ng atmosphere… Ilan bang Pascal meron dito sa bahay nila Kieth?” Sabi ni Charlene.

“Bakit kasi hindi mo sinabi sa amin. Edi sana nagprepared kami.”

“Eh di kasi namin alam na sasama si RD biglaan.”

“Aysus.”

“Saan ba yung room ko? Katabi ko ba si Papa Jake?”

“Nope… hindi pwede mamaya mabuntis ka ng di oras.”

“Oy… kahit kalian hindi ako magpapaganun. Balak ko kayang maikasal na virgin.”

“Aysus talaga lang?”

“Oo.”

“Siya maghiwalay kayo.”

“Edi maghiwalay.”

Matapos na naming mailagay sila sa kwarto nila ay hinanap ko si Kieth. Agad ko naman siyang nahagilap at nakita na malayo ang tingin sa kalayuan. Agad ko naman siyang niyakap.

“Tapos mo na bang masabi yung kwarto nila?” tanong niya

“Yup.”

“Ah okay… okay naman daw ba sila soon?”

“Yeah… si Charlene nga enjoy dun sa kama niya.”

“Okay kung ganun.” Matabang na sabi niya

“Okay ka lang ba?” tanong ko.

“Yeah.”

“Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?”

“Bakit nalulunod ka na ba?”

“Wehhh… banat na naman.”

“Wala to. Ikaw talaga. Pahingi nga ng kiss.” Sabi niya.

“Uhmwah.”

“I love you.” Sabi niya

“I love you too.”

“wag kang magsasawa sa akin ha.”

“Opo.”

“Sa akin ka lang ha.”

“Na-intimedate ka ba?” tanong ko.

“Saan?”

“Kay RD?”

“Ako? Hindi ah.”

“Eh bakit parang ang ilap mo sa kanya? Bakit hindi kayo nag-iimikan? Mayroon ba akong hindi alam? Diba okay na tayo. Nagkausap na tayo.”

“Medyo mabigat lang loob ko sa kanya. Medyo malayo. Di mo naman maiiwasan yun sa akin. Siya yung taong pinagseselosan ko sayo. Siya yung taong malapit sayo at maaring mahulog ka sa kanya kaya natatakot ako.”

“Wag kang matakot. Hindi naman ako manloloko eh.”

“Kahit na… hindi natin alam ang mangyayari.”

“Mahal kita.”

“Mahal din kita pero mahirap pag nakakaramdam ako ng selos.”

“Trust me…”

“Yeah.”

“Cheer up… nahahalata namin eh.”

“Opo… I will try to cope up.”

“Thank you.”

“Hay.”

“Yaan mo may gift ako kapag napanatili mo na nakacheer up ka.”

“Is that a motivation?”

“Sort of.”

“And you must be ready.”

“Hahahah. Kahit kalian napaka naughty mo.”

“Just kidding. Nga pala I’m planning na gumala bukas. Maraming magagandang place dito. I’m just wondering kung gusto nila magstay sa kabilang isla. May isa pa kaming rest house doon.”

“Ah sige sabihin ko sa kanila.”

“Sge dito lang ako. Tulog muna ako.” Paalam niya

“Kakakain mo lang ah.”

“it’s 30 minutes after na.”

“Hindi. Wag kang matutulog kukutusan kita eh.”

“Sige na po. Pagbalik mo tulog tayo.”

“Kaya ka nananaba eh.”

“Mataba na ba ako? Seriously?”

“Hindi… joke lang, ikaw ang pinakamacho sa paningin ko.”

“Malamang ako lang ang nasa harapan mo ngayon.”

“Pilosopo.”

“Babe… abs ka ba?” tanong niya

“Oh bakit?”

“Kasi kahit matagal bago kita makuha… hindi naman ako susuko hanggang sa makamit ka.”

“Ang cheesy.” Sabi ko.

“Sasakyan ka ba?”

“Bakit?”

“Coz you drive me crazy.”

“Aysus. Sige na bago mo pa ako mabola.”

Agad ko naman silang hinanap. Wala sila sa kwarto nila. Ang mga loko, excited mag swimming? Naku sigurado ako at nakalublob na yun mga yun sa tubig. Si Charlene pa eh pinagnanasaan na niya yung tubig dagat. Hay naku.

Nagpasya akong punatahan sila. Maaga pa naman kaya hindi nakakasunog ang araw. Nagulat naman ako nung paglabas ko ay nakita ko si RD na nakatingin sa di kalayuan.

“RD…” tawag ko.

Agad naman siyang lumingon as kinarotoonan ko. Ngumiti siya ng bahagya at lumapit sa akin. “Nasaan sila?” tanong ko

“Nag gagala lang.”

“Ah… bakit hindi ka sumama?”

“Wala lang… tinatamad ako.”

“Ah okay… Buti sumama ka.”

“Yeah… baka kasi namimiss mo na ako kaya nagpakita na ako.”

“Kapal mo… ewan sayo.”

“Namiss mo ako?”

“Bakit naman kita mamimiss? Wag kang assuming.”

“Aysus. Lumalabas sa butas ng ilong mo yang sagot mo eh.”

“Ewan sayo. Basata galit ako sayo tandaan mo yan. Isnabero. Uhmmps.”

“Halikan kita jan eh.”

“Eksena mo. Sige na aalis na ako. Pupuntahan ko sila.” Pamamaalam ko.

“Samahan na kita.”

“Hindi… jan ka lang… tinatamad ka diba? Ewan sayo.”

Pababa na ako nang hagdan nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking braso. Napatingin ako sa kanya at humarap sa kinaroroonan niya. Nakita ko naman ang mga sinsero niyang mata.

“Namiss kita…” at nakita ko ang namumuong luha sa kanya mga mata.

“RD…” ang nautal ko.

Agad naman niya akong niyakap nang mahigpit. Di ako nakagalaw sa pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Naging isang tuod ako sa pagkakataon yun. Naramdaman ko ang sobrang higpit na yakap ni RD sa akin.

(Itutuloy)

No comments: