Wednesday, November 27, 2013

Unbroken 2.0 Prologue

This is a Re-Run of Unbroken 2.0. Please feel free to still read as we finish to story of Daniel and FR. Nakapagsulat na ako ng next chapters so tuloy-tuloy na to. :)


* * *


P R O L O G U E

Nanatiling nakahiga si Daniel sa mga bisig ni FR. Patuloy ang pagtangis ng huli dahil sa pagkawala ng minamahal. Naging saksi ang mga langay-langayan na malayang bumabagtas sa payapa at umaawit na langit sa mga hiyaw at panaghoy ni FR. He then remembered that it was Christmas day. Tumingala sya sa langit, pumasok sa isip nya na sisihin ang Diyos sa nangyari, sya ay lumuha.

Salamat sa binigay nyong pagkakataon na makasama ko pa si Daniel kahit sa mga huling araw nya dito sa lupa. Maraming salamat sa pagkakataon na binigay nyo sa amin para maiyos ang lahat. Salamat sa lahat lahat. Ngayong kasama nyo na sya sa langit,ako naman po ang gabayan nyo. Nabuhay ako dati, hindi ko sya kilala. Pinagtagpo nyo kami at pinaramdam nyo samin kung paano ba talaga magmahal ng walang hinihinging kapalit.Ngayon hindi ko po alam kung paano ako magsisimula ulit. Masakit,pero alam kong gagabayan nyo ako. Tulungan nyo po ako, Tulungan nyo po ako.

He felt the morning wind hugging him. Even the ripples were there to kiss his feet. He felt nostalgia. At muling lumuha si FR.

Parang mga asong nakakita ng buto,agad na nagtakbuhan ang mga personnel ng beach resort nang marinig ang iyak ni FR. Tumawag ng ambulansya,agad na sinakay ang dalawa,pinaharurot. Umaasang marerevive pa ang wala na.

Agad tinawagan ni FR ang mga tao sa kanilang bahay.

“Ma,wala na po si Daniel.”

Narinig nalang nya ang pagluha ng ina sa kabilang linya.

“Best,nasaan ka? Wala na si Daniel.”

“Puki mong may granules. Oh my Jesus! Nasaan kayo? Lilipad ako.” si Pixel.

“Sa pinakamalapit na ospital sa Subic. Hindi ko alam.”

She heard Pixel sigh. A sigh that has no exasperation,a sigh that has a lot of sympathy.

“Antayin mo ako. Pagdating ko pwede ka ng umiyak. Hold it.”

He wiped the tears with his checkered hanky. Nagmamadali pa din ang driver ng ambulansya.

“Ivy. Wala na ang kuya mo.”

Di na sumagot si Ivy. Panay iyak nalang ang narinig sa kabilang linya.

The number you dialled is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Nasaan si Carlos? Ngayon sya kailangan ni FR. FR put his phone inside his pocket. He then saw mists all over the ambulance. He felt his eyes were being cloudy again. For the nth time,umiyak na naman sya.




Madaling narating ang hospital. Agad na sinugod sa E.R si Daniel. Nanatiling nakaupo si FR sa isa sa mga bench doon sa ospital. Isang oras ang nakalipas dumating si Pixel na nakacocktail dress. Kahit ospital dapat nakagayak pa ang talipandas. Tumakbo itong parang trumpong kangkarot papalapit kay FR. Inangat ni FR ang kanyang ulo,banaag ang luha sa mga mata,Pixel gave her a tight hug. That was what he needed that time.

Lumabas si Carlos sa E.R. Rumehistro ang gulat sa mukha ni FR at Pixel. Kita ang malaking disappointment sa mukha ni Carlos. Dahan-dahan itong lumapit sa dalawa. Nanatiling tahimik ang magbestfriend. Tumitig si Carlos kay FR,mata sa mata,pinahid ni Carlos ang mga luha dito.

Ilang segundo pa ay umiling si Carlos. Di na nakapagpigil si Pixel,umiyak na parang walang bukas. Niyakap ni Carlos ng mahigpit si FR. Slowly,kinain na ng dilim ang lalaking nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal.



Huling gabi na ng lamay ni Daniel. Nanatili pa ring tahimik si FR. Di masyadong makausap at ngingiti lang ng malungkot sa bawat makikiramay. Dumating ang mga kaibigan,kaklase,colleagues at kung sino pang related sa pamilya at sa kanilang dalawa. Nagmistulang malaking reunion, nagkaroon muli ng communication ang mga dating wala na. Masaya ang lahat sa mini-reunion na naganap pero batid sa lahat ang panghihinayang at kalungkutan sa pagkawala ni John Daniel Madrid.

Kumatok si Pixel sa kwartong tinutuluyan ni FR sa mansion ng mga Madrid. Walang sagot,naisipan na nyang pumasok sa loob. Madilim ang kwarto,liwanag lang ng laptop ang makikita. Parang humihikbing bata si FR sa isang blog na binabasa. Lumapit si Pixel.

“Ano yang binabasa mo?”

“Online Diary ni Daniel.”

“Bongga.”

“Nakadetalye dito lahat ng nangyayari samin. Naiiyak ako twing binabasa ko. Nararamdaman ko kung gaano nya ako minahal.”

“Alam naman ng lahat na mahal ka ni Daniel.”

“Oo nga.”

“Iiwan na muna kita para asikasuhin yung mga batchmates nating ginawang restaurant ang lamay. Magprepare ka na. In an hour,start na ng sharing at ng final mass.”

“Okay.”

Pixel hugged FR.



Nakalipas ang isang oras at dumating na ang paring magbibigay ng huling basbas sa labi ni Daniel. The mass went on at umabot na sa punto ng sharing. Ang mga magulang ni Daniel ang nauna,sinundan ng mga kapatid nitong lalaki. Sumunod si Ivy.

“Si Kuya Daniel ang isa sa mga taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.”

“Nung kinakailangan ko ng karamay sa lahat-lahat,nandyan sya. Kahit na nung mga panahong hirap na hirap na sya sa chemotherapy eh inuuna pa nya ako dahil buntis nga ako. Naaalala ko yung pagtitimpla nya ng gatas para sa akin everynight. Naalala ko yung mga panahon na sasamahan nya ako sa OB ko tapos pagkakamalan kaming magasawa ng mga tao. Naalala ko kung paano sya tumawa sa t'wing pinapahawak ko ang tyan ko sa kanya pag sumisipa ang baby ko. The simplest thoughts count. Kung nasaan ka man ngayon Kuya Daniel.tandaan mo na naging napakasaya ko para makasama ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamabuting kapatid na meron ako. Mahal na mahal kita Kuya.”

Tumingin si Ivy sa crowd at nakita nya ang mga namumugtong mga mata nito. Nagpakawala sya ng isang buntong-hininga,pinahid ang mga luha,ngumiti. Bumaba ng platform at nakatanggap ng yakap mula kay Pixel.

Oras na ng babaeng bakla para magsalita. Tinantya nito ang crowd at nagbuntong-hininga.

“Akala ko nga nung una straight yang bwisit na yan.” banat nito.

Nangingiti ang mga tao sa mga pinagsasabi ng babaeng bakla.

“Pero kiki mong may granules. Lalaki pala ang gusto. Naloka ako. Akala ko talaga nung una, ako ang type nya. Pero malalaman laman ko nalang na kaya pala nya ko kinoclose dahil kay FR. Imagine? Inisip ko talaga nung High School pa ako na magkakaroon kami ng mga cute na anak ni Daniel, ang ganda ko ba naman eh.” kitang kita dito ang pagpipigil ng luha,dinadaan sa joke ang gustong iparating.

Kita ang ngiti sa mga labi ng mga tao.

“Daniel is really a sweetheart.” naging seryoso ang tono nito.

“Lagi syang may something new to offer. Di ka mabobore. Si Daniel yung taong akala mo ampao,pero pag nakausap mo buchi pala. May laman ang utak,di puro hangin. Si Daniel yung taong akala mo sa una maldito,oo nga may pagkamaldito pero napakabuting tao nya sa lahat ng mga kaibigan nya.”

Lumuha ang babaeng bakla.

“Sorry kung umiiyak ako. Di ko lang talaga matake na makita sya dyan sa kabaong na yan. Pero infairness nga palong-palo ang kabaong ha? Gold in fairness. Tae naman oh. Naiiyak ako. Wala na akong masabing matino. Daniel,kung naririnig mo ako,muntik na kitang minahal okay? Mamimiss kita. Mamimiss kita ng sobra.”

Bumaba si Pixel sa platform. Si FR na ang susunod. Nagyakap ang dalawa.

“Best.”

Tumingin lang si FR bilang sagot.

“Big girls don't cry.”

Ngiti ang sinagot nito.

Tinantya ni FR ang tao sa mansion. Madami din. Inadjust nya ang mic ng naayon sa pwesto nya. Bago sya magsalita,nagpakawal sya ng isang buntong-hininga. Tilang may anghel na dumaan, natahimik lahat ng tao. Tumingin lahat kay FR at napalunok ito.

“Una sa lahat,gusto kong magpasalamat sa inyo sa pagpunta at pakikiramay sa akin maging sa pamilya ni Daniel. Ang laking suporta nyan para sa amin na iniwan. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Nagpakawala ito ng isang buntong-hininga.

“Daniel,mamimiss kita.”

Paunang statement palang ay nakaramdam na ng kakaiba ang mga nakikinig. Nakaramdam sila ng kilabot,ramdam na ramdam ang sinseridad. Isang malaking katahimikan.

“Mamimiss ko yung mga bagay na walang kwentang lagi nating ginagawa at pinagaawayan. Mamimiss ko kung paano natin pinagtatalunan kung paano kunin ang sagot sa mga Math problems about quadratic equations. Mamimiss ko yung mga tawag mo twing alanganing oras ng gabi. Mamimiss ko yung mga surprise visits mo sa bahay. Mamimiss ko yung pagbuhos mo sakin ng juice as a wake up call. Mamimiss ko lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa natin. Mahal na mahal kita.”

May mangilan-ngilan ng napapahikbi.

“Daniel,alam kong kasama ka na ng Diyos ngayon sa langit. Alam kong masaya ka na dyan. Favor naman oh? Pwede bang tulungan mo din kaming tanggapin na wala ka na? Pwede ba yun? I have more favors to ask actually, Would you mind? Daniel,pwede bang wag mo kong kalimutan? Wag mo kong kakalimutan kasi di ko alam kung makakalimutan kita. Pwede ba minsan pag payagan ka dalawin mo naman ako? Para lang makita kita? The thought of thinking you're gone is killing me. Please. Wag mo kong kakalimutan. Mahal na mahal kita.”

Rinig ang crack sa boses ni FR. Umiiyak na ang ilang sa mga malalapit nilang kaibigan.

“Daniel. Mahal kita at di ako magsasawang sabihin yan sa kanila. Mula sa dulong strand ng buhok ko hanggang sa dulong kuko ko sa paa,ramdam ko sa puso ko na ikaw lang ang laman nito. Mula pa noon,noong una kitang nakita,hanggang ngayon,ikaw pa rin ang nagiisa dito.Mahirap,masakit at nakakapanibago,pero asahan mong kakayanin ko para sayo.Makakaasa ka na magiging okay ako kahit parang pakiramdam ko ayaw ko ng maging okay. Makakaasa ka na patuloy akong magdadasal para magkita tayo ulit. Makakaasa kang di kita kakalimutan. Makakaasa kang mamahalin kita kahit wala ka na. At kung mabibigyan ng pangalawang pagkakataon, kahit sa ating ikalawang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.”

Kitang-kita ng mga tao sa lamay kung paano humugot ng isang malalim na buntong hininga si FR. They saw how FR wiped the tears coming from his left eye. They all symphatized with him. Muli, he sighed.


“Pero siguro di pa talaga tayo magkikita ulit. Alam ng Diyos na marami pa akong dapat ayusin. Sana pag napadpad ako sa langit,kung sa langit nga ako mapunta makita kita. At sana tanda mo pa ako noon,sana pwede nating ituloy ang kabaklaan natin sa langit, Sana pwede tayong magmahalan dun gaya ng pagmamahalan natin dito sa lupa. Aasahan kong hihintayin mo ako dyan,kung nasaan ka man. Ayokong maging malungkot lalo kaya di ako nagsasabi ng kung anu-ano. Daniel ayoko na baka umiyak ako. Daniel please? Daniel? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Tumahimik ang mga mata. Waring may dumaang anghel sa kanilang mga harapan.

Ngumiti si FR. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Bumaba sya ng platform at agad na dumeretso sa kwarto. Sinara nya ang pinto at agad na umiyak na parang bata. Nakaramdam ng yakap si FR mula sa dilim. Pamilyar ang amoy na yon,ang init ng kanyang katawan . Ramdam nya ang yakap ni Carlos mula sa kadiliman ng kwarto.

Then there's a deafening silence.

Nilamon na ng dilim si FR. Pahigpit ng pahigpit ang mga yakap ni Carlos.




No comments: