Saturday, November 23, 2013

Less Than Three- Part 39

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 39

(When love comes...)





[Alex’s POV]


Dapit’t hapon na nung magising ako. 


Nakita ko na papalubog na ang araw kaya naghanda na akong bumangon nang maramdaman ko ang mga kamay ni Kieth sa aking katawan.


Bumaling ako sa kanya at nakita ko na mahimbing ang tulog niya. 


Napangiti naman ako nang makita ko siya.


 Hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang kagwapuhan niya. 


Iningat ko ang aking mukha at dinampian siya ng halik.


Naramdaman ko na gumalaw siya, mukhang nagising siya nang dahil sa aking halik.  


Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.


“Uhmmm.” Utal niya


“Babe, gising na. Mag gagabi na oh.” sabi ko.


“I love you.” Sabi niya


“Ang sweet… I love you too.”


“Dito na lang tayo.” Yumakap siya ng mahigpit.


Isiniksik ko naman ang sarili ko sa kanya at dinama ang kanyang katawan. 


Naamoy ko pa rin ang kanyang pabango. 


Nakakaakit talaga yung pabango niya kaya napapayakap na lang ako ng mahigpit.


“Babe…” sabi niya.


“Uhmm.” Sagot ko.


“Tara swimming?” yaya niya.


“tara… sorry pala nakatulog ako.” Sabi ko.


“Okay lang nagawa ko naman yung gusto kong gawin. Habang himbing na himbing ka sa pagtulog eh naisatuparan ko yung gusto ko.”


Bigla akong tumayo at lumayo sa kanya. 


“Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa mo sa akin? Umamin ka!” sabi ko.


“Na mayakap ka at mahalikan. Yun lang.”


“Ah… akala ko naman ano eh…”


“Mamaya na yun. Marami pa naman tayong oras para gawin yun, lets enjoy this moment para makapag chill-hill, kaya tara na.”


“Ang dami mong dakdak, tara maglangoy na tayo. Baka kung anon a naman ang maisipan mo eh.” Sabi ko na lang.


Nagpalit na kami ng damit. 


Pang-ibaba na lang yung sinuot naming dalawa para maiwasan ang pagdami ng tubal na damit. 


Medyo maraming tao sa dagat na naglalangoy din dahil hapon. 


Palubog na ang araw at nakita ko na ang ganda ng tanawin.


“Babe… ang ganda ng sunset, tara picture tayo.” Sabi ko.


Tinignan niya lang ako saka ngumiti. 


“Huy, para kang nakakia ng kung ano. Problema mo?” tanong ko.


“Wala lang. Masaya lang ako.”


“Masaya daw, eh bakit parang ang weird nung itsura mo? Ang corny eh.”


“Basta…”


“Wushu. Tara na nga.” Sabi ko.


Nakailang shots din kami ng picture saka namin napagdesisyunan na magswimming. 


Maalat ang tubig dagat, malamang sa alamang. 


Alam kong pinagtitigan kami ng mga tao dahil sa pagiging malambing namin sa isa’t-isa pero wala na silang pakialam doon. 


We have our own world.


“Babe… alam mo ba, para kang asin.” Sabi niya


Naku ang banat king bumabanat na naman. 


“Bakit naman?”


“Kasi… I love you ALAT.” Then he smile.


“Aysus… kung ako asin, ikaw naman tubig…”


“Bakit?”


“Kasi I need you… more than anyone else.”


Niyakap niya ako ng mahigpit. Hahahah.


 Ganyan yan kapag kinikilig, pinanggigigilan ako. 


“Ano kilig ka? Yun oh! Naka-strike one ako!”


“Hindi ah. Ang korny nga ng banat mo eh.”


“Aysus. Alam mo para kang dagat.” Sabi ko.


“O bakit?”


“Kasi kahit malawak at malalim yang pagkatao mo…. Handa akong magrisk ng buhay at sumisid sa ilalim mahanap lang yang puso mo.”


Nakita ko siyang ngumiti. Hahaha. 


Ang gwapo niya sobra! 


Thanks God sa magandang lalaking nilalang na nasa harapan ko ngayon. 


Ilang sandali lang din, nagulat na lang kami nung makita ko na may lumapit sa aming mga kababaihan.



“Kian… pwedeng magpapicture? Sa inyong dalawa ng boyfriend mo?” tanong nya


Tinignan ko muna si Kieth at nagtanong. 


Ngumiti siya at tumango. 


“Sure po.” Sabi ko.


Padami ng padami ang lumapit kaya naging busy kami sa picture taking. 


Nakakatuwa kasi di an nagsusuplado si Kieth. 


Pansin ko lang panay ang ngiti niya sa picture, naku sigurado ako pangiti-ngiti to dahil sa mga babae.


Matapos ang ilang minuto ay natpos na rin ang nagpa-picture at inenjoy namin yung paglalangoy. 


Marami din kaming nakilala na mga tao. 


Marami ang nakipagkaibigan at marami ang humanga sa aming dalawa.


Mga 6:30 na ata nang mapagpasyahan na naming umahon ni Kieth. 


Una na akong nagbanlaw para presko na, sumunod naman si Kieth.


Agad kong hinanap ang cellphone ko at binuhay ito. 


Ilang sandali lang ay nagsulputan ang mga text galing kay Arjay, RD at kay Charlene.


 Di ko binasa ang mga ito kundi tinawagan ko agad si Charlene.


“Hello best…” bati ko.


“OY!!!” sigaw nito.


“Makasigaw wagas. Abot hanggang ngalangala mo eh. Ano bang problema mo? Adik lang to.”


“Talandi ka.” Sabi niya.


“Problema mo?”


“Bakit nakapatay phone mo? Akala ko kung anong nangyari eh. Im so worried you know? Balak ko na ngang tumawag ng pulis dahil akala ko na murder na kayo jan.”


“Sorry ha, nakakahiya naman sayo. Lowbat ako eh eh.”


“Low bat? 5 oras na patay tapos lowbat lang? Kapani-paniwala yang alibi mo ha. Yung totoo?”


“Eh yaan mo na. oh bakit ka nanadtad ng text?”


“Di mo ba nabasa?”


“Malamang, kaya nga nagtatanong ako eh. Ano ba naman yan. Make sense.”


“Kahit kailan talaga oo, magbasa muna kasi ng text bago tumawag. Kow, ka-tamad talaga eh. Hoy! Pupunta kami jan bukas!

“Ha?!!!!” sigaw ko.


“Ay baket? Ayaw mo? Yung totoo? Selfish lang ang peg, ayaw magshare ng vacation?”


“Hindi naman… pero nakakabigla. Alam mo naman ako pagnabibigla ako diba? Hahahah”


“Echusero. May ginagawa siguro kayong milagro jan kaya ayaw mong magpapunta. Naku, sabihin mo lang kung makakaabala kami sa inyog dalawa ha.”


“Luka. Ewan sayo. Edi mag punta kayo dito. Magbitbit kayo ng pagkain ninyo ha, bawal manghinge.”


“Chararat. Kadamutan mong lalaki ka. Teka nga, umamin ka sa akin. Oh anong score na?’


“Chaka mo. Ewan sayo. Hala.”


“Aysus, nahiya ka pa. Sige kita-kits bukas ah.”


“Sinu-sin…” biglang namatay yung tawag. 



Napakabait niya talaga kahit kailan, walang humpay na kabaitan. 


Nakakailang baba na ata to ng tawag sa akin. Naku-naku.

Agad ko namang tinawag si Kieth. 


“Babe…” sigaw ko.


“Oh?” rinig ko pa rin ang lagaslas ng tubig.


“Sila Charlene daw pupunta dito bukas.”


“Ha?!”


“Ayun sabi eh. Kasama siguro si Jacob, mag vacation din daw sila.”


“Sila lang?”


“Di ko alam eh. Biglang binaba yung tawag.”


“Istorbo talaga sila kahit kalian. Panira sila ng diskarte ko oo. Humanda sa akin si Jake.”


“OO nga eh. Yaan mo na. at least di na tayo nag-iisa.”


“Kaya nga kita dinala dito para masolo kita at makapag honeymoon tayo. Eksena nila. Mga asungot. Paano ako makakascore ng madami sa iyo kung hahadlang sila sa plinaplano ko. Kakainis kahit kailan, mga panira ng momement tss.”


“Chura mo. Hoy lalaki, naririnig ko lahat ng sinasabi mo. Dami mong alam.”


“Ay siya siya… kailangan makapaghoney moon na tayo ngayong gabi. Kailangan masulit ko na to para di sila maingayan sa ating dalawa.”


“Tapakan ko baga mo eh.”


“Bakit gusto mong maghoney moon tayo ng nanonood sila? Okay lang din naman sa akin if gusto mo.”


“Kasal na ba tayo?”


“Oo…”


“In your dreams… siya papaayos ko na yung kwarto…”


“Wait ako na.”


“Ihhh ako na.”


“Siya tulungan na lang kita pagkatapos ko.”


“Bilisan mo. Ang tagal mo. Babae lang?”


“May ginagawa pa ako.”


“Ano ba naman yan? Dami mong kalibugang taglay.”


“Natae ako… mga iniisip mo.”


“Kadiri ka. Di ka man lang ba nahihiyang sabihin yan? Nakakinis! Makaalis na nga lang.”


“Pag natae nakakahiya? Yaan mo minsan uutot ako.”


“Batukan kita eh.”


“Biro lang… teka nagshampoo pa ako…”


“Nagshampoo habang natae, bago yun ah. Sige lang… teka, bilisan mo gutom na ako.”


“Kaya nataba ka eh.”


“Ewan sayo. Bilisan mo na, baka kung anu-ano pa gawin mo jan.”


“Hindi ako nagjajakol kasi nag save ako ng mga binhi ko para mamaya. Inagtiis ako ng tatlong linggo para lang sayo.”


“Ewan ko sayo, bastos talaga ng iniisip mo. Tirahin kita jan eh.”


“Hahaha. Babe, nalilibugan ako jan sa sinasabi mo.”


“Langhiya naman yan, ewan sayo! Aalis na ako!”


Nauna na akong bumaba at naalibafbaran ako sa mga sinasabi sa akin ni Kieth. 


Agad ko namang naamoy ang niluluto ni manang kaya pumunta agad ako para silipin kung ano yung niluluto niya.


 Nakita ko naman na seryosong seryoso siya sa pagluluto.


“Hello nanay.” Sabi ko.


“Oh iho… nasaan si Kieth?”


“Naliligo pa po. Sabi ko nga po bilisan para makakain na tayo eh.”


“Gutom ka na ba? teka lang ha. Tatapusin ko lang to.”


“Sige po… hintayin ko na rin naman po si Kieth… nga po pala.. may sasabihin po ako.”


“Ano yun iho?”


“May darating po bukas… mga kaibigan po namin… papatulong po sana ako mamaya sa pag-aayos po ng kwarto.”


“Ah. Maganda yun at nang marami akong makakasama. Matagal-tagal na rin nung may makasama ako dito. Hindi na ako malulumbay dito.”


“Malungkot po sigurong mag-isa ano? Dapat po may kasama kayo dito.”


“Oo… pero di naman sa lahat ng oras ay nag-iisa ako. Dito umuuwi ang anak ko tuwing biyernes tapos aalis ng lunes.”


“Ah. Mas okay po kung ganun. At least di kayo nalulumbay ng sobra.”


“Oo nga iho. May mga kaibigan din naman ako sa mga kalapit bahay dito. Sila ang nagiging kakwentuhan ko. Masaya naman ako kapag kasama ko sila kaya wag kang mag-alala.”


“Nasaan ho pala ang asawa ninyo?” tanong ko.


“Naku iho, 10 taon nang patay ang asawa ko.”


“Ay… sorry po.”


“Wala yun iho. At isa pa, alam ko namang nasa mabuting kalagayan na siya.”


“Magkasama na siguro sila ni Blake.” Sabi ko.


“Sino si Blake?”


“Ex boyfriend ko po.”


“Oh? Anong nangyari?”


“Mahabang kwento po eh pero nasa langit na rin po siya. Sigurado po akong Masaya na sila sa piling ni papa Jesus.”


“Oo nga, alam ko masaya na sila doon dahil nakikita nila na masaya na tayo. Lalo na si Blake… alam kong masaya siya para sayo dahil masaya ka sa piling ni Kieth.”


“Nanay tanong lang po, nagulat ho ba kayo?”


“Naku hindi na. matagal ko ng alam ang pagkatao ni Kieth. Siya ang nagsabi sa akin nun nung ikinukwento niya ang tungkol kay Arjay.”


“Ano ho naramdaman ninyo?”


“Masaya… masaya kasi nakikita ko siyang masaya. Di man karaniwan sa paningin ng iba, alam ko naman talaga na ganyan ang mga pananaw ng mga taong hindi nakakaintindi sa mga tulad ninyo. Tao din naman kayo at dapat din sumaya.”


“Salamat po nanay.” Sabi ko.


“Oh siya ihanda mo na ang lamesa at tapos na tong niluluto ko. Kakain na tayo pagbaab ni Kieth.”


“Sige ho.”


Patapos na akong maghanda ng lamesa nang bumaba si Kieth. 


Nakangiti itong humarap sa akin at agad namang niyakap ako. 


Hinalikan ako sa pisngi at muling niyakap ako.


“Ambango naman.” Sabay halik ulit sa akin.


“Naku… dumidiskarte ka na naman sa akin eh. MGa taktika mo, sobrang tinik talaga oo.”


“Hahaha. Ganyan talaga.”


“Oh kain na tayo.” Sabi ni nanay.


“Ang sarap naman ng niluto ninyo. Amoy palang nakakabusog na. Lalo akong ginaganahang kumain eh. Namiss ko yung mga ganito!”


“Naku… mukhang natututo kang maging bolero ah.”


“Manang naman.”


“Oo nga nanay, bolero na yan.” Sabi ko.


“Babe… masyado mo akong pinapahiya kay manang.”


“Aysus nagdrama pa. Yaan mo may kiss ka sa akin mamaya.”


“Puro salita naman.”


“Hahahah. Natawa ako dun ah.”


“Ewan. Totoo naman kasi yung sinasabi ko. Di man lang tinototohanan. Naku!”


“Aysus. Siya siya kain na tayo.” Sabi ko.


Habang nakain kami ay napagusapan namin sila Charlene. “Marami ba ang bisita ninyo bukas?” tanong ni manang.


“Dalawa lang po sila.” Sabi ni Kieth.



“Ah sige. Anong oras ba sila darating?”


“Siguro ho mga before lunch… di pa po definite eh. Tawagan ko na lang po si Jake mamaya.”


“Sige mag hahanda na lang ako ng masarap na pananghalian.”


“Mamamalengke ako bukas ng maaga kaya iiwanan ko muna kayo dito.” Sabi nito.


“Sama ho ako. Gusto ko pong makalibot dito eh.”


“Babe malayo yun… mapapagod ka lang.”


“kaya ko naman eh. Pati gusto kong gumala. Ako lang naman ang sasama at hindi ikaw. Kung makapagreklamo ka naman wagas.”


“Babe…”


“Tulog ka pa naman ng mga oras na yun kaya no worries.”


“Dipende pa yun kung makakailang round tayo ngayong gabi.”


“Shut up. Mahiya ka kay manang.”


“Hahahah. Peace.” Sabi nito.


“Basta sasama ako kay manang.”


“Ano pa ba ang magagawa ko?”


“Hahah. Salamat. I love you.” Sabi ko.


“May gusto ka bang ipabili?” tanong ni manang.


“Gusto ko ho ng ampalaya.”


“Ah… naku, akala ko di ka na kumakain ng ampalaya.”


“Hahahah. I’ve change.” Sabi nito.


“Wushu… bilisan mo nang kumain…” sabi ko na lang.


“Babe…” biglang singit niya


“Ano yun?” tanong ko.


“I love you.”


Bigla akong namula. 


I looked at his eyes at nakita ko yung sincerity. 


Waaah. 


Kinikilig ako. 


I love this man so much. 


Nagkatitigan kami at napangiti na lang ako. 


He always melt my heart sa sobrang pagkakilig. 


A Tear run through my face.


“Hey babe… what’s wrong?” tanong niya


Agad niyang pinunasan ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit. 


Napangiti naman agad ako sa sinabi niya. He is so sweet kahit kalian kaya nga lalong tumatalbog ang puso ko sa tuwa kapag naririnig ko ang sincerirty niya. I love him so much, really.


“Wala to… napasaya mo lang ako.”


“Kinilig lang ng overload?”


“Oo. Sobra. Wag ka kasing sabigla minsan. Kinakabahan ako sayo eh.”


“Hahahha. You’re so cute.”


“Gwapo ako correction.”


“Edi ikaw na gwapo… ako na mas gwapo.”


“Wew.”


“Ay naku. Mga kabataan nga naman. Kumain na tayo. Ako ay naiinggit pa sa kasweetan ninyong dalawa eh.”


“Opo. Hahaha”


Matapos naming kumain ay nagbonding kami ng kaunti sa may sala. 


Nanood kami ng movies. 


Buti na lang at may dalang movie si Kieth.


“Babe… ibili mo ako ng mga kakanin bukas.” Sabi niya sa akin.


“Ano ba gusto mo?”


“Kaw na bahala.


“Sumama ka na kaya.”


“Nah… it’s too early for me.”


“Ah ganun ba. Uhm. Makapag boys watching nga bukas.” Sabi ko.


“ANONG sabi mo?”


“Wala. Sabi ko matulog ka na lang ng mahimbing bukas. Mas okay yun. At isa pa, mapapagod ka lang at ayaw kong napapagod ka.”


“Hindi may sinabi ka eh.”


“Wala nga…”


“Ano nga… Isa.”


“Dalawa… tatlo.. apat.. lima…


“Prince Alex Rosales-Lee…” banta niya


“Hep hep hep.. Lee?”


“You are my future wife…”


“Wife?”


“Ano ba gusto mo? Maid? Mother? P.A?”


“Wew. Ewan sayo. Humanap ka ng kausap mo.” And here is my walk out effect.


Lumabas ako sa may terrace ng vacation house. 


Napansin ko naman na sumunod siya sa akin kaya naman nagpasya akong tuluyan ng lumabas.


Agad naman niyang hinablot ang mga braso ako at niyakap ng mahigpit. 


Naramdaman ko agad ang mga matitigas ng muscles sa kanyang katawan. 


Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko na maramdaman ko ang hangin sa aking katawan.


“Napakapasaway mo kahit kalian.” Sabi niya


“Babe… I love you too.” Ang sinagot ko.


“Akala ko di ka na magrereply dun sa sinabi ko kanina eh.”


“Babe… Ayokong mawala ka sa akin… I want you here with me… please… promise me… please promise me na di ka mawawala sa tabi ko… na kahit anong mangyari tayo pa ring dalawa.” Kadramahan ko na naman.


“Shhh… Oo… di ako papayag na mawala ka sa akin. Lahat gagawin ko para lang di tayo magkalayo.”


“I really love you… sinanay mo na akong nanjan ka sa tabi ko kaya ngayon natatakot na ako.”


“Shhh… Im here… at di ako mawawala sa tabi mo.”


Humanap kami ng upuan at umupo kami doon. 


Tinitigan namin ang malawak na karagatan at pinagmasdan ang mga alon na nagagawa nito.


“Babe… may itatanong sana ako.” Sabi niya


“Ano yun?”


“Paano kung may dumating sayong isang tao… tapos yung taong yun naging malapit sayo. May possibilities ban a mahulog ka sa kanya?”


“What is with this question?” tanong ko.


“Wala naman. Naisip ko lang.”


“Masyado ka na atang na-preoccupied sa mga bagay-bagay.”


“Hindi naman. Just answer it.”


“Hay naku. Ewan sayo.” Ang nasabi ko na lang.


All of the sudden naging weird na siya. haixt. 


Pero bakit parang iba ang nasa isip ko? 


Bakit naisip ko bigla si RD? tsss. 


Wag naman sana.


“Nevermind na nga lang.” sabi niya


“Bakit pinagdududahan mo ba ako?”


“Hindi ah. Alam kong ako lang para sayo.”


“Tama. Yan ang lagi mong iisipin. Wag kung anu-ano.”


“I love you.”


“I love you too.” But why do I feel so guilty of something?


“I’m planning for our future.”


“Oh? Nice naman. Ako din, napapisip na rin jan.”


“Anong naiisip mo?”


“Kung ano ba ang bubuo sa pamilya natin.”


“What do you mean?”


“Gusto mo bang magkaanak?” tanong ko.


“Oo naman.”


“Ah ganun ba.”


“At bakit mo natanong yun?”


“Kasi di naman tayo magkakaanak, pero gusto mong magkaanak, paano ngayon yan? Malamang sa alamang eh gusto mo kadugo mo.”


“Madali lang yan. Mag hahanap tayo ng babymaker. Then we will make baby.”


“Charaart ka. Batukan kita.”


“Just kidding… alam mo babe, gusto kong magkaanak oo, pero di ko naman ipipilit kung hindi eh. Ikaw lang Masaya na ako. Ang makasama kang tumanda ayos na ako. Basta ikaw lang talaga okay na. labis pa nga eh. Sabi nga nila, accept things na meron ka at wag nang maghanap pa ng iba.”


“Woah. Dinadaan mo na naman ako sa bola mo.”


“Totoo yun.”


“Lumalabas sa ilong mo.”


“Hindi naman.”


“Oo kaya.”


“Wew. Hay naku. Wag kang mag-isip masyado, nakakapanget yun.”


“Babe…”


“Ano yun?”


“Sa tingin mo? Isa tayo sa mga maswerteng bisexual couple dito sa mundo?”


“Bakit mo naman naitanong?”


“Wala lang.”


“Swerte at malas, maraming tao ang dumidipende jan. Tadhana naman talaga ang lahat. Alam mo, si God may purpose kung bakit ginawa niya ang mga bagay-bagay. We are still together because it’s God’s will, hindi dahil swerte tayo. At isa pa, we both shared love to each other. Di natin hinahayaan na matibag tayo.”


“Yang mga matatalinong sagot mo ang dahilan kung bakit kinikilig ako sayo.”


“But you are the brightest from all.”


“Aysus.”


“Babe… can you wait for me?”


“Wait saan?” tanong ko.


“What if bigla akong mawala all of the sudden… will you wait for me?”


“Ha? Aalis ka ba?”


“No… pero paano kung biglaan.. di natin alam.”


“Babe.. as along as you are here inside my heart, maghihintay ako. If meron man akong makitang ilang milyong dahilan para iwan ka…. Hahanap pa rin ako ng isang paraan para mahalin ka.”


“Kaya ba sobrang lungkot mo nung nawala ako.”


“Sobra.”


“Malapit na ang birthday ko.”


“I know.”


“Can I get my gift right now?” tanong niya sabay hawak sa aking balikat.


“Babe… dito?” tanong ko.


“Willing ka na ba?”


“No.”


“Babe yung totoo, di ka ba naakit sa akin? Ilang beses mo na akong tinatanggihan ah. Alam mo ba ang nararamdaman ko? Feeling ko ang panget ko.” Pagtatampo niya


“I want you… I really want you, pero this is not the time… this will not be the perfect time pero di natin masasabi kung kailan.”


“Baka naman patay na ako nun. Mamaya katulad na ako ni Blake nun.”


“Shhh. Adik mo.”



“Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.”


“Let see… malay mo bukas… malay mo sa birthday mo… o kaya… malay mo.. naghihintay lang ako ng konting oras…”


“Di lang nga oras ang hinihintay ko… taon na.”


“Makataon ka wagas. Di pa nga tayo nakakisang taon.”


“Pero babe…”


Lumapit ako sa kanya at kinagat ang tenga niya. 


Kinindatan ko naman agd siya at nakita ko naman ang pamumula niya. 


Agad kong siniil siya ng halik at  tumugon din naman ito.


Agad niyang hinatak ako kaya naman nakaharap na ako sa kanya. 


Unti-unti naramdaman ko na ang sensasyong kay tagal ko nang nararamdaman. Naging marupok ako at nadala sa nangyayari sa amin.


Bumababa ang kanyang mga halik at napapapikit na alng ako sa aking nararamdaman. Agad naman siyang bumalik sa aking mga labi at siniil ito ng halik.


Ilang minuto din ang itinagal nito hanggang sa magkusa na siyang tumigil. Napatitig naman ako sa kanya at nagtatanong kung ano ang problema.


“Maghihintay ako babe…”


“Thank you. Sabi ko.


“Tulog na tayo.” Sabi niya


“I really love you. Thanks for respecting me.”


Natulog kami matapos ang pangyayaring iyon. Kinabukasan naman ay sumama kaming dalawa ni Kieth sa pamamalengke ni manang. Nakumbinsi ko rin siya na sumama para naman may masasakyan kami.


Marami-rami na kaming pinamili para naman hindi na kami babalik sa bayan. Bumili rin kami ng cake dahil sa request ni Kieth. Hahah. Parang bata lang.


Agad naman naming inihanda ang bahay bago pa sila dumating. Ako at si kieth ang siyang bahalang maglinis samantalang si Manang naman ang sa pagkain.


Habang naglilinis ako ay biglang lumapit sa akin si Kieth at tumayos sa aking harapan. Agad naman akong tumindig at hinarap siya. seryoso pa ang kanyang mukha kaya medyo nagtanong ang aking mga mata.


“Anong problema mo?” tanong ko.


“Eto.” At agad iya akong pinahiran ng icing sa mukha.


Agad naman siyang tumakbo at hinabol ko siya. Nakita ko naman yung nestle cream sa may lamesa. Bukas na iyon kaya klumuha ako ng konti at nagbabadyang gantihan siya.


Mabilis siyang tumakbo kaya di ko agad siya naabutan. Umabot kami sa may labas ng bahay upang maiwasan ang pagdumi ulit ng bahay.


“Hoy Kieth Jerickson Lee humanda ka sa akin.” Sabi ko.


“Ano bata lang? naganti?”


“Sinong bata sa ating dalawa. Akala mo ha.”


“Ang cute mo nga pag may icing ka eh.”


“Ewan sayo. Naku.”


Agad ko siyang hinabol at tumakbo ako ng mabilis. Natipilok naman ako at nagkunwari na nasaktan. Agad nama siyang tumakbo papalapit sa akin. At isang plano ang nabuo sa akin.


“Aray…” sabi ko.


“Babe okay ka lang ba? Sorry.” Sabi niya


At pinahid ko sa mukha niya yung cream. Agad naman kaming nagpunasan ng icing at cream sa mukha namin.


“Ayan nakaganti na ako.”


“Ang daya mo kahit kailan.”


Nagulat na lang kami nang may marinig kaming tawag mula sa di kalayuan.


“Best!” boses ni Charlene.


“Anajan na ata sila.” Sabi ko.


“Ang sweet naman ninyo.” Sabi niya


Agad ko namang nakita siya at lumapit. “Best!” sigaw ko.


“Hey! Madumi ka.”


“Ang arte mo ah batukan kita.”


“And I’m finally here. Grabe ang ganda dito. Amazing!”


“Asungot nga eh.” Sabi ko.


“Kamusta pre.” Bati naman ni Jake kay Kieth.


“Nagpunta pa kayo dito. Loko-loko ka kahit kailan. Hindi ko na nasolo si Alex eh.” Sagot ni Kieth.


“Suplado eh. Makiki-share lang naman ako ng blessings/”


“Di ko na masosolo asawa ko.”


“So naka score ka na ba?”


“Marami na. MVP na nga ako eh.”


“Wooah sinungaling ka.”


“Ewan sayo.”


“Nga pala.” Biglang singit ni Charlene.


“Ano yun?” tanong ko.


“Ah eh…”


“Hi…” napatingin kami sa dakong pinanggagaglingan ng boses na iyon.


“Sorry.” Sabi ni Charlene.



Tinignan ko naman agad si Kieth at nakita ko ang pagbabago ng muka ni Kieth. Nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam kung magiging okay ba ang ahat kapag magkakasama kami dito.

(Itutuloy)

No comments: