Hello po sa mga readers ko. Pagpasensyahan na po ninyo kung ngayon lang po ako nakapag-update....
I hope everything will be okay. Sorry po kung medyo "maria clara" na po yung Kento. Natawa naman po ako dun., hahaha Peo salamat po sa comments po ninyo. At least aware po ako na ganito na pala ang kwento ko.
Pagpasensyahn na ninyo, medyo matagal ko ng naisulat ito. Isang taon na rin nung isinuat ko yung ibang parts kaya di ko na na modify.... naku.... quota na ako sa best friend ko. hahahaha
Heto na po.... Hope magustuhan ninyo yung mga susunod na kabanata... Wag kayong mag-aalala THE END IS NEAR kaya konting antay na lang. hahahah
YUng update ko po ay every week na po... Baka po every SUnday na lang po. Panibagong term kasi kami kaya bagong sched at puro poang gabi ang sched ko.... RThen yung Wi-Fi ng kapit bahay namen may passwrod na... that means.... Tag load na ako ngayon ng broadband. hahahahah
Paalala lang po:
YUng post ko na ito di ko pa po narevise ah... yuing susunod na part yung sinimulan ko kaya bear with me. :).................................
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 41
[RD’s POV]
Di ko na napigilan ang sarili ko na yakapin
si Alex.
Di na kayang labanan ng aking isipan na tiisin pa si Alex.
Ang sakit
sa dibdib na makita siyang masaya sa piling ng ibang tao.
Sa sobrang pagkamiss
ko sa kanya ay nayakap ko siyang ng sobrang higpit.
“Namiss kita…” sabi ko.
“RD…” ang narinig ko na utal niya.
“Kahit ngayon lang… please… I miss you…
sobrang namiss kita... sobrang sakit ang makita ka na kapiling mo si Kieth…
kaya hayaan mo na muna ako… kahit ngayon lang… Hindi kita kayang tiisin... SHit. ANg sakit sa puso ng mga nangyayari sa akin.”
“Tabs… baka makita tayo ni Kieth…”
“Please…” samo ko.
Wala naman siyang magawa kundi ang hayaan
na lang ako.
Naamoy ko ang pabango niya na lagi kong naamoy sa tuwing magkasama
kami.
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harapan niya.
Hindi ko mapigilan ang umiyak ng sobra lalo
na ngayong kasama ko siya.
Kahit panakaw na sandali ay inaaliw ko ang sarili ko
at sinasamantala ang pagkakataon dahil Malabo ng maulit pa ito.
Ilang sandali lang din ay kumalas ako sa
pagkakayakap sa kanya at tumakbo palayo.
Narinig ko pa ang pagtawag niya pero
hindi ko na siya nilingon.
Nahihiya na din naman ako sa mga pinag gagawa ko.
Napadpad
ako sa kung saan man.
Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya hindi ako
masyadong nagpakalayo.
Medyo maraming tao akong nakita sa paligid.
Hinyaan ko na lang ang sarili kong paa na padparin ako sa kung saan man.
Hanggang sa madayo ako sa isang batuhan.
Agad akong naghanap ng batong maaring
maupuan.
Pinagmasdan ko ang kalawakan ng karagatan.
Kay payapa nito at para
bang walang kung anong darating.
“Buti pa ang dagat… walang prinoproblema.”
Sabi ko sa sarili ko.
Malayo ang tingin ko at nag-iisip ng
malalim.
Kailan kaya ako makakasabay sa agos muli ng buhay mo?
Kailan ko kaya
ulit masasabayan ang paglalakbay mo?
Lalo na ngayon at nagkapatong-patong na ang mga nangyayari sa buhay ko.
Wala na si Alex sa akin...
Pati ba naman ang aking sarili mawawala na rin sa akin... HAist.
Ano nga ba ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito?
Mananatili na lamang ba akong bato na tuod
kakahintay sayo?
Magagawa ko bang hintayin na tangayin ako ng agos ng pag-ibig
mo?
Aasa pa ba ako na magiging akin ka sa bandang huli?
“Oh… sumagot na ba ang dagat sa lahat ng
katanungan mo?”
Bigla akong nagulat nang may isang tao ang
nagsalita sa aking likuran.
Nagulat naman ako nang masaksihan ko kung sino yung
taong nagsalita.
Di ko inaasahan na sa lahat ng tao ay siya ang makakakita sa
akin.
“Di ko expected na ikaw ang makakakita sa
akin.” Sabi ko.
“Who do you expect? Si Alex?”
“Maybe.”
“Ang arte mong lalaki ka.” Sabi niya
“Anong mahiwagang kapangyarihan ang nagtulak
sayo dito?” tanong ko.
“May nakita kasi ako.” Sabi niya
“Ano naman yun?”
“Naminamanyak mo ang best friend ko.” Sabi
niya
Tumabi naman siya sa akin at inakbayan ako.
“Sorry.” Sabi ko.
“Bakit ka nagsosorry sa akin?”
“Eh kasi minamanyak ko nga best friend mo.”
“Loko… sineryoso masyado.”
“Hay.” Buntong hininga ko.
“Mahal mo talaga ang best friend ko ano?”
“Mahal na mahal. Sobrang mahal.”
“Masaya ako na makitang masaya ang best
friend ko. Di naman siguro lingid sa kaalaman mo ang nangyari sa kanila ni
Blake ano? Ngayon ko lang nakita si Alex na masaya ng ganito. Matagal ko ng
minimithi na makita muli ang mga ngitingnagpapangiti sa akin noon. Masaya ako
na walang prinoproblema si Alx ngayon.”
“Bakit mo sinasabi sa akin ito?”
“Para makita mo yung diperensya sa kung
anuman ang nararamdaman mo.”
“Panggulo ba ako?”
“Hindi ko sinasabing panggulo ka. Ang sa
akin lang, maari maging problema kay Alex kung itutuloy mo yang nararamdaman
mo.”
“Pinipigilan ko, promise yan. Pero
tarantado tong puso ko, pilit na nilalabanan ang lahat. Taena naman eh,
nakakainis. Alam mo yun? Sobrang pinipigilan ko na mahulog lalo sa kanya pero
habang hinahayaan ko na pigilan ang sarili ko ay patuloy na nangungilila ang
puso ko. Sana maintindihan mo.”
“Alam mo may sasabihin ako sayo.” Sabi niya
“Ano yun?”
“Minsan, may punto na kung saan marerealize
mo na maaring manatili ang isang tao sa puso mo…. Pero hindi sa buhay mo.” Sabi
niya
Para naman akong binaril sa puso nito.
Tama
naman siya, natamaan ako doon.
Ang sakit sobra.
Di ako nakaimik sa sinabi niya
kaya tinapik niya ako.
“Minsan kung sino pa ang rason para maging
masaya ka… siya rin ang rason para masaktan ka ng sobra.”
“Charlene bakit ang sakit?” tanong ko.
“Nagmahal ka eh.”
“Mahal ko siya… sobrang mahal ko siya…
magkababata naman kami eh… pero bakit napunta siya kay Kieth?”
“Hinintay ka ni Alex alam mo ba?” sabi niya
“Hinintay? Ako hinintay ni Alex? Mahal niya
rin ako?”
“Matagal ka niyang ikinuwneto sa akin. Laging
ikaw ang bukang bibig sa akin. Umpisa pa lang na naging best friend niya ako eh
ikaw ang laman ng usapan naming dalawa.”
“Pero bakit? Bakit niya ako kinalimutan?”
“Hindi ka niya kinalimutan… tinanggap lang
niya na hindi ka na babalik sa kanya. Napagod din naman siya na maging malungkot.”
“Pero… pero bakit?”
“Ilang beses ka niyang sinubuklang tawagan
pero hindi ka niya makausap. Nakailang sulat siya pero bumalik rin ito sa
kanya.”
“Pero… Wala naman akong natatanggap na
kahit ano…”
“Nabalitaan niya na umalis na kayo sa lugar
na iyon. Wala na siyang communication sa inyo. Ilang beses niyang binalikan
yung lugar na madalas ninyong pagkitaan pero walang RD na dumating. Walang Tabs
na dumating sa harapan niya. Kaya nang naglaon ay pinili na niyang kalimutan
ang nakaraan at mamuhay sa kasalukuyan. Yun ang kauna-unahang heart breaking
scene sa buhay ng best friend ko.” Sabi niya
“Wala naman siyang nabanggit na kahit ano…
wala naman siyang sinabi sa akin.”
“Kasi ayaw na niyang balikan ang sakit na
naramdaman niya.”
“Kaya ba hindi niya ako nakilala dati?”
“Siguro.”
“Sana maibabalik ko lang ang kahapon. Damn
it!”
“Cheer up. Naging okay din naman kasi sumaya siya sa piling ni Blake. Noong panahong wala ka, nanjan si Blake para sumalo sa kanya. Noon ko lang nakitang ngumiti si Alex ng ganung katindi. Hanggang sa nawala na naman si Blake sa buhay niya.”
"SObrang lungkot na pala ni Alex ano?"
"Oo sobra... Pero dumating ulit si Kieth sa buhay niya... And everything change..."
“Minsan, masarap titigan ang mahal mo at
isiping masaya kayo na magsasama. Pero mahirap ang umasa at makita na nakatitig
naman siya sa iba.”
“Alam kong mahirap pero you should move on.
Sinasabi ko ang mga bagay na ito para hindi na magkagulo pa lahat. Para mawala lahat
ng posibleng gulo na mangyayari.”
“Anong gagawin ko ha?! Anong gagawin ko?
Paano ako lalayo sa kanya kung gayong bawat hakbang ko papalayo sa kanya ay
dalawang hakbang naman papalapit sa mundo niya! Hindi ko siya kayang kalimutan…
hindi ko siya kayang mawala sa akin…” ang nasabi ko.
“Nasasabi mo yan kasi umaasa ka na
mamahalin ka niya!”
Boom! Nasampal ako sa sinabi niya. Pero
totoo naman eh umaasa ako na mamahalin niya ako.
Ramdam ko naman na may puwang
ako sa puso niya eh.
Di ko nga lang magawang palabasin dahil may Kieth siya sa
buhay niya.
“feelings may change… but memories won’t.”
ang nasabi ko.
“Think of the possibilities sa kung ano ang
mangyayari. Wag magpadalos-dalos.”
“I’m confuse…”
“Because you’re hurt…”
“and assuming…” dagdag ko.
“Tara?” yaya niya
“Saan?”
“Balik na tayo. Lalo ka lang magmumukmok
kapag iniwan kita dito.”
“Salamat.” Sabi ko.
“Ginawa ko lang to para sa best friend ko.
Ayoko lang na mapurnada ang kasiyahan sa mukha ni Alex.”
“Pag-iisipan ko.”
“Salamat.” Sabi niya
“Ako ang dapat magpasalamat.” Tugon ko.
“Leggo.”
At bumalik na kami sa bahay.
Naabutan namin
sila na naguusap sa may sala.
Agad naman silang napatingin sa aming direksyon
na para bang kanina pa nila kami hinahanap.
“Ansabe?” biglang sabi ni Charlene.
“Saan ba kayo galing? Kanina pa naming kayo
hinahanap?” tanong ni Jake.
“Wala naman.. oh anong meron? Meeting de
abanse?” biro ni Charlene.
“Nag-uusap kami para bukas.” Sabi ni Arjay.
Bigla naman akong napatingin sa direksyon
ni Alex.
Nakatingin din siya sa akin.
Pinili ko ang magbawi ng tingin at ituon
na lang ang atensyon sa pinag-uusapan.
“Ano palang gagawin natin bukas?” tanong
ko.
“Nagyaya s Kieth na pumunta dun sa kabilang
isla.” Sabi ni Jake.
“Ah ganun ba… good idea.” Sabi ko.
“Yeah… excited ako.” Sabi ni Charlene.
“Nasaan pala si kieth?” tanong ko.
“Wow… bakit mo hinahanap si Kieth?” tanong
ni Jake.
“Wala naman.”
“Uhm… somethings fishy.” Sabi nito.
“Ulol.” Sabi ko.
“Hahaha. Biro lang.”
“Natutulog siya.” sabi ni Alex.
Lahat naman ay natahimik.
Anong meron?
Tsss.
Agad naman akong umakyat sa kwarto at nagpahinga.
Masyado nang
nagoverload ang mga nangyayari sa buhay ko.
[Alex’s POV]
Palaisipan pa rin sa akin ang mga kilos ni
RD.
Nalilito na ako sa mga kilos na ginagawa niya.
Kahapon okay naman pero
ngayon iniiwasan niya ako.
Narito na kami sa kabilang isla para mag picnik.
Babalik din kami bukas ng umaga.
Halos lahat ay busy sa pag gagawa ng kung
anu-ano.
Nakita ko si Charlene na kumakain ng mangga
kaya lumapit ako sa kanya.
Agad naman niya akong pinatabi at inalok nang
kinakain niya.
“Best oh.” Alok niya
“Salamat sa alok ah… nahiya naman ako sa
buto…”
“May laman pa yan… ang arte ha.” Sabi niya
“Aso lang ako?”
“Hindi unggoy.” Sabi niya
“Ewan sayo.” Ang nasabi ko na lang.
“Oh bakit ganyan ang tumbok ng nguso mo? Di
ka ba napagbigyan ng asawa mo?” tanong niya
“Dami mong alam.” Sagot ko.
“Leche… ang ayos ng tanong ko parang tanga
sagot mo.”
“Ihhh naiinis ako eh.”
“Bakit nga?”
“Si RD kasi.” Sabi ko
“Anong meron sa kanya?”
“Eh parang may kakaiba sa kanya. Alam mo
yun? Ang weird ng mga ikinikilos niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan.
Hindi ako komportable na ganyan siya.”
“Hindi ko alam eh.”
“Leche… hindi yun… ewan.. basta parang
kakaiba kinikilos niya.”
“Oh bakit ka worried masyado? Gusto mo ba
siya at kailangan 24/7 eh pinapansin ka niya?”
“Di lang ako sanay.”
“Hoy lalaki… para sabihin ko sayo, dapat
inaalala mo ang boyfriend mo at hindi yung kung sinu-sino lang. ang dami mong
alam.”
“Ewan sayo.”
“Mahal mo ba si RD?” nagulat ako sa tanong
niya
“Ano ba namang tanong yan?” sabi ko.
“Ano ba namang sagot yan?”
“Para kang ewan. Makaalis na nga.”
“Bakit ka umiiwas sa tanong ko?
Napaghahalataan ka best eh.”
“Hindi ako umiiwas sa tanong mo.
Nakakairita lang yang mga sinasabi mo.”
“Best meron ka ba? Ang init ng ulo mo ah.”
“Paulit-ulit lang tayo?”
“Sagutin mo na lang tanong ko.”
Bakit ba walang sagot akong mahagilap sa
tinatanong niya? Bakit nablangko ako bigla? Nakakainis? Ano nga ba si RD sa
akin? Ano nga ba yung lagay niya sa akin?
“Best…. May napansin ako… nagbago ka…” sabi
niya
“Anong nagbago sa akin? Sabihin mo nga sa
akin.”
“Mukhang nalilito ka na sa nararamdaman mo…
simula nang umalis si Kieth ay nalito ka na… ano ba ang nangyayari? May changes
of plan ba?” tanong niya
“Di ko alam…”
“Pero mahal mo si Kieth?”
“Oo naman. Adik mo lang.”
“Edi okay… Umiwas ka muna kay RD.” sabi
niya
“Pero…”
“Hay naku… ayan na naman si Pero…”
“Oo na…”
“Don’t fall… gulo yan. Please. Kung anuman
yang nararamdaman mo kay RD ay tanggalin mo. Remember na si Kieth ang mahal mo.”
“I know.”
“I trust you…”
“Thank you…”
Bigla siyang tumayo at naiwan akong
mag-isa.
Agad kong nahagilap ang duyan at saka sumakay doon.
Agad naman akong
humiga sa malapad na duyan at hinayaan na saluhin ako ng hangin.
Kaibigan ko si RD, pero siya ang unang
minahal ko. Pero mga bata pa naman kami noon. Habang lumilipas ang panahon ay
nagawa kong kalimutan ang sumpaan namin.
Ang mga oras na lumipas ay hindi na
maibabalik pa. I chose to move on and make up with Blake kaya naman nawala na
sa isip ko si RD pero hindi ko naman sinasadya.
Promise? It is made to be broken naman
diba? pero I swear to God na tutuparin ko ang lahat ng promise ko. Yun nga
lang, mukhang may exception.
Hindi kami pwedeng magpakasal ni RD dahil may
Kieth ako.
Mahal ko si Kieth, yun ang sinasabi ng puso
ko. Hay naku. Ayoko nang isipin pa ang lahat ng ito. Maguguluhan lang ako sa
maaring mangyari.
“Psst.” Nagulat naman ako nang makita ko si
Kieth sa aking harapan. “Mukhang malalim ang iniisip ng boyfriend ko ah. May
gumugulo bas a isipan mo?” Sabi niya
Ngumiti lang ako at itinaas ko ang isa kong
kamay. “Join me. Nababagot lang ako, medyo marami ka aksing ginagawa kaya naman
wala akong makakwentuhan dito.” Yaya ko.
Tumabi siya sa duyan na hinihigaan ko. Agad
ko naman siyang niyakap ng mahigpit.
Nakasando lang siya ngayon at nakashort.
Naramdaman ko agad ang mga pandesal niya sa tiyan nung niyakap ko siya.
“Bakit ang hot mo?” tanong ko.
“Hahahah.” At tumawa lang siya
“Bakit mo ako tinatawanan?”
“Ang weird mo kasi. May sakit ka ba babe?
Sabihin mo lang.” Sabi niya
Iniunan ko yung ulo ko sa mga bisig niya.
Agad naman niya akong kinulong sa pagkakayakap niya. Napangiti ako sa ginawa niya.
Kinilig ako nung maramdaman ko ang mga labi niya sa aking ulo.
“Babe… I’m looking forward sa future
natin.” Sabi niya
“Salamat…” then I kissed him to his lips.
“Babe… I love you…” sabi niya
“I love you too… thanks for being patient
to me… salamat sa lahat.” Sabi ko.
“Thanks for coming to my life… please… let
me ask you one thing.” Sabi niya
“Ano yun?” tanong ko.
“When can we have our honeymoon?” sabi niya
Napangiti naman agad ako. Lokoloko talaga
tong mokong na ito. Isiningit pa talaga yung mga bagay na iyon. Agad ko anmang
kinagat yung kamay niya.
“Babe…” awat niya
“Adik mo.”
“Ang sakit nun ah.”
“Eh kasi ikaw eh.”
“Gaganti ako.”
Agad naman niyang naipaling ang mukha niya
sa leeg ko at agad hinalikan yun. Nagulat nalang ako nung maramdaman ko na kung
anong pwersa ang ginagawa ng bibig iya dito at nakaramdam na lang ako ng sakit
dahil sa kagat nito.
“Aray!” saway ko.
“Ayan… patas na tayo.”
“At sa leeg pa talaga ah.”
“Oo… para naman malaman nila na akin ka.”
Sa sinabi niyang iyon ay napahawak ako sa
leeg ko at nanlaki ang mata ko. Napaisip ako sa maaring ginawa niya. Agad ko
namang kinurot yung tagiliran niya.
“Aray ko!” sigaw niya.
“TAkte ka… ano bang pinag gagawa mo?!”
“Hahaha… emblem yan… para malaman nila na
akin ka…”
“Argsssh.”
“Di agad matatanggal yan… one month.”
“Ewan sayo… nakakahiya!” sigaw ko.
“Hahaha. I love you…”
“I hate you…”
“The more you hate… the more you love.”
“Ihhh. Nakakainis ka!” sabi ko.
“Siya ganti ka sa akin.”
“Di ako marunong nun.”
“Yaan mo tuturuan kita.”
“Ewan sayo.”
Bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Agad
naman niya akong niyakap. Ramdam niya na nainis at nagtatampo ako. “Sorry na.”
sabi niya.
“Oo na.”
“Eh bakit labas sa ilong?”
“Eh nakakainis ka eh.”
“Sorry na babe… joke lang naman yun.”
“Okay na nga.”
“Eh galit ka eh.”
“Di na nga ang kulit eh.”
“Galit ka eh.”
“Hindi nga.”
“Ayst.”
“Oh bakit?”
“Wala.”
“Tapos ikaw pa ang galit jan?”
“Di ako galit.”
“Eh bakit ka ganyan?”
“Wala.”
“Ako ang nagdra-drama dito tapos ngayon
ikaw na?”
“Ewan.”
“Argsssh.” Sabi ko
“Balik lang ako dun.” Sabi niya
“Kieth naman eh…”
“Diba galit ka sa akin?”
“Wow ah… ako na ngayon ang naglalambing.”
“Sorry na diba sabi ko?”
“Oo na…”
“Let’s go…” bigla niyang sinabi.
“Okay…” tanging nasagot ko.
“Sorry nadala ako.”
“Ayos lang…”
“Okay na tayo ha.”
“Opo. Naku nakuha mo na naman ang kahinaan
ko.”
“Vn_n”
Were back to our room and started to fixed
our things. Ako na ang nag-ayos ng damit namin samantalang siya naman ang
nag-ayos ng ilang gamit sa kwarto.
Habang nangyayari yun ay biglang nag ring
ang phone ni Kieth. Agad naman niya pinasagot ito sa akin. “Babe… pasagot
naman.” Sabi nito.
“Okay… wait lang.” sabi ko naman.
Agad kong hinagilap yung phone niya at
sinagot yung tawag. “hello.” Sabi ko.
“Hello… nasaan si Kieth?” tanong nung sa
kabilang linya.
“Ah wait lang po…” sabi ko. “Kieth tawag
ka.” Sabi ko.
“Tanong mo kung bakit?”
“Bakit daw po?”
“Coach niya to. Need ko siyang makausap.”
Sab nito.
“Ah okay po.” Agad ko namang ibinigay kay
Kieth. “Si Coach…” sabi ko.
“Hello coach…” sabi nito.
Hinayaan ko na lang siya at itinuloy yung
pagsasaayos ng mga damit. Ilang minuto din ay natapos akong mag-ayos ng mga
damit at natapos na rin siyang makipag usap sa coach niya sa basketball.
“Babe..” tawag ko.
“Uhmmm.”
“Tungkol saan daw?”
“Ah… may laban daw kami.”
“Kelan?”
“Next month. Daw eh.”
“Ah ganun ba… umpft… baka matama sa
birthday mo ah.”
“No… hindi naman… before my birthday naman
yun.”
“Ah… good kung ganun.”
“Thanks…” sabi niya
“For what?” tanong ko.
“Naalala mo birthday ko.”
“Ikaw pa.”
“I love you..”
“I love you too.” Sagot ko.
“Let’s go…” sabi niya
“Saan?”
“Prepare na tayo ng makakain.”
“Ah sige…”
He hold my hand and we start to walk. Isang
ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko
napigilan ang mapangiti sa ginawa niya.
Nang pumasok kaming dalawa sa bahay ay agad
namang napukaw ng atensyon nila ang ka-sweetan naming ni kieth. Inggit lang
sila kaya parang nasa hot seat kami at nakabantay sila sa bawat kilos naming.
“Para kayong mga tanga.” Sabi bigla ni
Kieth.
“Hahahaha.. Ang sweet kasi… akalain mo… ang
sweet mo pare…” Biro ni Jake.
“Talbog na talbog mo ako best.” Sabi ni
Charlene.
“Wew” sagot ko.
“Selos ako…” sabi naman ni Arjay.
“Oy grabe…” sagot ko naman.
“Joke lang... ano ba… move on na no?”
“Talaga lang ha.”
“Ayaw mo?”
“Siyempre gusto…”
“Siya wag nang humrit… bawiin ko pa yang
boyfriend mo eh. HAhahaha”
“Papayag ka bang bawiin niya ako babe?”
pacute naman ni Kieth.
“Siyempre hindi…”
“Ayiiieh.” At lahat nag hiyawan.
“Tigilan na nga natin to… nagugutom na
ako.” Sabi ko.
“Aysus…”
“Nagluto ka na ba?” tanong k okay Charlene.
“May pagkain na… nagluto si RD.” then
suddenly natigilan ako.
“Okay na…” bigla niyang sigaw sabay labas
ng kusina.
“Oh ayan na pala eh. Tara na.” sabi ni
Arjay.
“Tara?” sabi k okay Kieth.
“Leggo.” Sabi niya sabay ngiti.
Magkatabi kami sa hapag kainan. Hinintay
naming maka-settle ang lahat bago kami nagsimulang kumain. Nagdasal naman ako
bago kumain gaya nang nakagawian. Sumunod naman din sila after ko.
Habang nakain kami ay nag-usap-usap kami sa
kung ano ang gusto naming gawin pagkatapos naming kumain. Maraming suggestion
sila na gustong gawin.
“Scuba diving tayo.” Sabi ni Charlene.
“Oo… bagay naman sayo… dun ka na sa
kailaliman ng dagat.” Sabi ko.
“Ilubog kita jan sa lupa eh.” Sagot niya
“Hiking tayo.” Sabi naman ni Arjay.
“Jhay… tanghali na oh…” sabi ni Jake
“Sabagay… ano ba maganda?”
“Edi maglaro tayo ng baraha… simple.” Sagot
ko.
“Ang korny naman babe.” Sabi ni Kieth.
“Ilan ba tayo?” tanong ko.
“Isa… dalawa… tatlo … Anim… Anim tayo…”
“Wow… sobrang galing mo magbilang best…”
sabi ko.
“Naman ako pa…”
“Volleyball tayo.” Suggest ko.
“Game!” sabay na sabi ni Kieth at RD.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment