Monday, December 16, 2013

Unbroken 2.3


Parang biglang nawala sa sarili si FR sa nangyari. Hindi nya maalis sa isip yung tagpong iyon. Iba yung dating sa kanya ng ginawa ni Daniel.

Bakit nya hinawakan yung kamay ko? Bakit ganoon? Bakit parang ewan? Bakit?

Binukas ni Daniel ang pinto sa likod at sumakay si FR. Wala pang ilang segundo, mabilis ng pinaharurot ni Daniel ang sasakyan. Tahimik sila. Parang walang gustong magsalita.

Daniel felt different after having FR's hands locked in his. Hindi nya alam kung bakit nya ginawa yun at hindi din nya alam kung bakit nagawa nya ang mga nagawa nya. Hindi nya alam kung naiilang ba sya or what. Hindi nya masabi kung ano ba talaga yung meaning nung ginawa nyang iyon.

Bakit naging ganun? Sino ba sya? Bakit parang iba ang trato ko sa kanya? Daniel thought

Tahimik. No one wants to speak. They felt na mas kailangan muna nilang manahimik. Both of them are confused. Both of them do not know what happened.

Daniel sighed.

FR. I'm sorry.”

Daniel sounded so sincere. FR felt guilty dahil sa pagiinarte nya kanina. He must admit that he was touched with the gesture and the deed, pero hindi nya alam kung bakit nga nya nagawa iyon.

So-sorry din.” FR said

FR, sorry for shouting.”

Sorry din sa pagkuha ng ID mo.”

Daniel looked at the front mirror and saw FR's face. Napabuntong-hininga sya nang makitang malungkot si FR. Hindi nya alam kung bakit, but he felt a stab in his heart.

Oh. Sorry na FR. Wag ka ng malungkot oh.”

I'm okay Daniel. Sorry din.”

Will you please smile for me FR?” malambing na sabi ni Daniel

Hindi alam ni FR pero napangiti nalang sya after hearing that from Daniel. Nakita ni Daniel ang ngipin ni FR. Malaki ang 2 front teeth nya pero pantay-pantay pa rin ito, walang nakausli, walang sungki. Napuna rin nya ang magandang linyang gumuhit when FR smiled.

May nakapagsabi sayo na maganda ka ngumiti FR?”

FR just looked at front mirror. Their eyes met.

Tigilan mo nga ako Daniel. Kung anu-anong pambobola na yan.”

Nagsasabi lang ako ng totoo.”

FR felt himself blushing but he tried to hide it from Daniel.

So ano FR? Bati na tayo? Please?”

Oo na po.”

Daniel felt very happy. Sobrang iba ng feeling na bati na sila ni FR. Hindi nya alam pero masayang-masaya sya after hearing na okay na sila at pareho na silang nakangiti.

FR,where do you want to go?”

Napatingin si FR sa kanyang relo.

Da-daniel. Sorry. Anong oras na, baka hinahanap na ako nung amo ng nanay ko.”

Huh?” Eh wala pa nga tayong isang oras magkasama eh.” angal ni Daniel

Wala pang isang oras pero nalilito na ako sayo. FR thought

Next time nalang siguro.” sagot ni FR

Ganito nalang. Kakausapin ko nalang tapos ako ang maghahatid sayo pauwi?”

Sana naman pumayag, gusto pa kitang makasama ng matagal. Daniel thought

Ha? Naku. Hindi pwede. May trabaho din ako mamayang gabi sa Lounge eh.”

Ha? Trabaho? Akala ko nagaaral ka?”

Working student po.”

Natahimik si Daniel. He started having an idea on what kind of person FR is.

I see. Mind me asking, saan ka nagaaral?” tanong nito

Sa Manila ako nagaaral. Sa isang State University. Di ko kasi afford magprivate.”

There's nothing wrong with that. PUP?”

Napaangat ng ulo si FR.

How did you know?” nagtatakang tanong nito

A wild guess.” sabi ni Daniel sabay tawa

Napatawa nalang din si FR.

Yep. PUP student ako. I wonder how did you know. Wala naman akong ID.”

Nothing. I've got friends from that University too. Mukha ka namang matalino, tapos state university pa. Mahirap makapasok sa ganon. So PUP nga.” paliwanag ni Daniel

Hmmm. Yep.”

And yung sa lounge? Anong work mo don? Mind me asking.”

Ahh don ba? Kumakanta ako don. Commonly American Standards.”

I see. Impressive. Mapuntahan ka nga minsan.”

Wag na. Cheap yung lugar. Di mo din magugustuhan.”

Anong akala mo sakin sobrang yaman? Di no. Simple lang ako.”

FR was amazed on how Daniel carries himself. Mukha itong mayaman pero napakasimple. Walang kaere-ere sa katawan. Pero kahit ganun pa man, nahihiya syang pumunta ito sa lounge. Hindi naman dahil sa ayaw nya, pero nahihiya syang makita sya nitong kumakanta.”

Uyyy. Basta ha? Puntahan kita sa Lounge minsan. Saang lugar yun?”

Ha? Wag na. Parang ewan to.”

Saan nga FR?”

“Basta. Sasabihin ko sayo soon.”

Hmmm. Okay.”

Daniel turned left at mabilis na pinaandar ang sasakyan pabalik sa hotel na kanilang pinanggalingan. Wala pang 10 minutes ay nandun na silang dalawa. Nakita ni FR ang dala nilang sasakyan sa parking. Wala pa din ang amo ng kanyang nanay.

Bumaba si FR sa kotse. Sumunod si Daniel.

Ayan oh. Wala pang tao eh. Dapat pala kumain muna tayo FR.”

Hayaan mo na. Kesa naman hanapin pa ako nun paglabas nila ng hotel.”

Tahimik. They both don't know what to say. Sumusulyap-sulyap lang sila sa isa't-isa na parang mga gago. May mga gusto silang sabihin pero di nila alam kung ano yun.

FR.”

Po?”

Wala lang.” nahihiyang sabi ni Daniel

Ano nga yun?”

Ka-kasi, ano. Uhmmm.”

Natutuwa si FR sa gestures ni Daniel. Hawak ito ng hawak sa ilong, naisip ni FR na ganun sya magrelease kapag kinakabahan. Cute na cute pa rin kahit nangangatal magsalita.

Kasi po ano?”

Yung number mo.”

Pagkasabi nito ay biglang namula si Daniel. Nanlaki ang mata ni FR.

Anong yung number ko Daniel?” nagtatakang tanong ni FR

Daniel blushed. He wants to get FR's number. For some unexplainable reason, he wants to keep him and know him better.

Pu-pwede ko bang makuha yung number mo?” nangangatal na sabi ni Daniel

Ahhh yun ba? Sure sure.” FR exclaimed.

Kinuha ni Daniel ang number ni FR. Kahit na nalilito si FR sa mga pinaggagawa ni Daniel, masaya pa rin syang nakita nya ito dito accidentally. They gave warm smiles to each other.

Salamat FR.”

You're welcome.”

Nakita na ni FR na papalabas ang amo ng kanyang nanay. Marahil ay tapos na ang convention. Nagkukulay orange na rin ang langit, malapit ng sumapit ang gabi. Napatingin sila ni Daniel sa napakagandang paglubog ng araw. Ito ang unang takipsilim na pinagsaluhan nila. Bakas ang ngiti sa kanilang mga labi. Ito ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

FR tara na! Pasensya na at ginabi tayo. Aabot ka pa ba sa lounge?” sigaw ng amo ng kanyang nanay mula sa malayo

Nabigla si FR at agad na dumistansya kay Daniel.

Naku oo nga po tito. Sana po umabot pa po ako. Mabilis ka namang magmaneho.”

Oo. Sige hijo. Sakay na.”

Naunang sumakay ang amo ng kanyang nanay sa kotse. Umupo ito sa driver's seat. Pinaandar na nito ang makina. Nakatitig lang si Daniel sa galaw nila FR. Tumingin si FR dito.

Ingat ka.”

Salamat FR. Kayo din. Ingat kayo.” pabulong na sabi nito.

Sumakay na si FR sa loob ng kotse. Umandar ito. Nakita nyang parang batang kumakaway si Daniel mula sa malayo. Sya ay napangiti.

I T U T U L O Y . . .

No comments: