FR kept on smiling sa t'wing naiisip
nya ang mga nangyari kanina. Para syang timang na ngumingiti sa
t'wing naaalala nya yung amoy ng pabango ni Daniel. Tila ba nageemote
sya sa saliw ng isang longing na kanta sa t'wing naaalala nya kung
gaano kabigat ang braso ni Daniel noong inakbayan sya nito. Patuloy
din ang himas ng kanyang mukha, he was trying to imagine how soft
Daniel's hand was. He beamed a smile.
“Franco, anong nangyari? Parang
kinikilig ka na ewan.” wika ni Mr.Mercado na amo ng kanyang ina
“Ha? Kuya,wala lang po.”
“Batang to. Unahin muna ang pagaaral.
Pagkagraduate ka na mangbabae.”
Babae?
FR thought
“Opo
naman Kuya. Kayo talaga.”
Si Mr.Mercado ay
isang mautak na businessman. Kilala nya na ito ng ilang taon dahil
doon nga namamasukan ang nanay nya bilang isang mayordoma. Mabait si
Mr.Mercado sa kanilang mag-ina. May mga panahong ito ang nagbibigay
ng kanyang allowance at pangtuition. Lagi din silang sinasama nito sa
t'wing sila ay magsisimba sa Manaoag.
“Franco.
Bakit di ka pa tumigil sa pagtatrabaho? Magfocus ka nalang muna sa
pagaaral mo. Tutal kaya naman ng nanay mo ang tuition mo at di din
naman umaabot ito ng libo.”
“Kuya
ayoko. Paano nalang kung may mga projects ako? Syempre di agad
makakapagbigay si Mama. At syempre alam mo naman ang kabataan ngayon,
maluho. Syempre dapat may nightlife ako.”
Napatawa si
Mr.Mercado.
“Ikaw
talagang bata ka. So dapat talaga laging may gimik? Eh gimikan na nga
yung pinagtatrabahuan mo. Gusto mo pa laging gumimik.”
“Kuya,
you've been there, you've done that.”
Napangiti ito sa
kanyang tinuran.
“I
know. Fine, I understand.”
Ngumiti si FR.
Ilang oras na din
silang nagbabyahe. Nakaramdam na ng pagkangawit si FR. Patuloy ang
kwentuhan nila ni Mr.Mercado tungkol sa mga bagay-bagay. Tinuturuan
sya ni Mr.Mercado kung paano dumiskarte sa mga businesses. Marami
syang natututunan dito. Marami rin itong kalokohang taglay.
Mr.Mercado, at 50, ay malupit pa rin sa pangbababae. May mga
pagkakataon na tatawagan nito si FR at magpapasama sa mga clubs.
Pumatak ang 11:00
ng gabi. Malapit na rin sila sa kanilang nayon. Magpapalit lang si FR
ng damit at agad na luluwas para naman sa kanyang trabaho sa lounge.
Kahit nakakaramdam na ng matinding pagod dahil sa byahe, kailangan pa
rin nyang kumayod sa ngalan ng pera.
Matatapos din ito. Makakagraduate
din ako at magiging okay din ang lahat.
Nakarating sila ng
matiwasay sa kanilang mga bahay. Binaba sya ni Mr.Mercado sa kanto at
nagmadali na syang tumakbo papasok sa kanilang bahay. Dinukot nya ang
cellphone sa kanyang bulsa at nakita nyang wala na itong battery. He
charged his phone and ate a light snack. Nagmadali na syang
naghilamos at nagbihis. Nagpaalam sya sa kanyang inang nanunuod ng TV
at sya ay umalis na sa kanilang bahay.
Daniel felt sad
nang makitang papalayo ang sasakyang kinalululanan ni FR. Sa loob ng
kulang isang oras nilang pagsasama ay pakiramdam nya ay masyado na
syang naattach dito. Alam nya sa sarili nya na napakachallenging na
tao ni FR. He had an insight that FR is a difficult guy. Naramdaman
nya na dapat nya yong mapatunayan.
Sa sandaling
panahong kanilang pinagsamahan, naging masaya sya at nakalimutan nya
ang tampong nararamdaman nya sa kanyang nobya.
Sumakay sya ng
kotse at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na bar.
Wala pa masyadong
tao dahil naguumpisa palang ang gabi. He took a bottle of beer at yun
na. Ayaw nyang umuwing lasing dahil magmamaneho pa sya. Mahirap ng
madisgrasya.
The bar was just
fine. Daniel found it a bit okay. Sakto lang ang mga ilaw, okay naman
ang mga upuan at medyo mabilis naman ang service. Mabilis na naabot
sa kanya ng lalaking nakapula ang beer na inorder nya at ang
chicharong bulaklak na paborito nya.
Nasaan na kaya si FR? Sana makauwi
sila ng maayos.
He grabbed his
phone and dialled FR's number. Nagriring ito pero di ito sumasagot.
Daniel sighed. Ayaw nyang magisip ng kung anu-ano kaya pinilit nya
nalang na siniksik sa kanyang isip na baka tulog si FR sa byahe.
He took the first
sip of his beer. It was bitter. He felt a bit different. He then
realized na hindi pa pala sya kumakain kaya parang humahapdi ang
sikmura nya. He waved at the waiter, asked for his bill, paid, then
went out.
Fuck.
He went to his car
and drove his way home.
Natapos ang gabi ni
FR. He received a big round of applause after delivering a good
rendition of “Someone to watch over me”. He felt euphoria hearing
the roars and cheers of the crowd. Alam nya sa sarili nya na ito
talaga ang hilig nya. Gusto nyang sumikat pero alam nyang mailap ang
kasikatan sa mga baguhan. Masaya na syang may nakakaappreciate ng
ginagawa nya. As long as he did his best, okay na sya nun. No
regrets.
FR hurriedly picked
his things up and decided to go home. Tapos na rin naman ang trabaho
nya at gusto nya ng magpahinga sa bahay. Papalabas na sya ng lounge
nang tapikin sya ng isa sa kanyang mga katrabaho.
“Franco!”
“Uyy!
Kuya!”
Isa sya sa mga
pinakabata kaya Kuya at Ate ang tawag nya sa mga ito.
“Nice
performace!”
“Salamat
po.” Nahihiyang sabi nito
“Uuwi
ka na ba? Sumabay ka na sa akin. Dala ko yung auto ko.”
Napaisip si FR.
Game na to. Libre eh.
“Sige
kuya. Saan mo ako ibababa?”
“Paano
bang way mo? EDSA kami eh.”
“EDSA?
Tapos saan kayo papunta?”
“Hmmmm.
Letre ako.”
“Ahh
sige. Mag-Rizal Avenue nalang tayo Kuya, para di ka na iikot ng
malayo.”
“Ahh
Oo! Pwede!”
“Baba
mo nalang ako ng Monumento.”
Mabilis ang naging
usapan. Wala pang limang minuto ay nakasakay na si FR sa pulang Altis
ng kanyang katrabaho. Napagkwentuhan nila ang ilang mga bagay na di
nila napaguusapan. Masaya at matured ang kanyang kasabay. Nagmistula
syang sponge na sumisipsip sa lahat ng ideolohiyang pwede nyang
marinig on how to live life.
Naging masaya ang
kanilang diskusyon. Yan ang gusto ng tao kay FR, despite his very
young age, he knows how to listen and he speaks with sense. Marami
syang napepeke sa edad nya. Napakamatured nyang magsalita.
Mabilis ang
pagpapatakbo nito ng kotse. Wala pang 45 minutes ay nautas na nila
ang kahabaan ng Rizal Avenue. Naibaba na si FR sa Monumento at doon
sya nagabang ng bus pauwi ng kanilang lugar.
Lumipas ang limang
minuto ngunit wala pa ding bus na dumadaan. Nababato na sya. He took
his cellphone at nagulat sya nang makita ang isang unregistered
number na maraming missed call. He texted the number at ilang segundo
pa, tumawag ito.
“Hello?”
“Hello?”
FR was trying to recognize the voice.
“FR!
Nasaan ka?”
“Sino
to?” nagtatakang tanong nito
“Daniel.”
Namula si FR.
“Ahh
D-Daniel. Pauwi palang ako galing ng lounge. Bakit?”
“Ahhh.
Malapit na akong lumabas ng expressway. Saan ka na banda?”
“Ahh
nasa MCU Monumento ako.”
“Ha?
Sige. Antayin mo ako sa McDo, FR. Andyan na ako.”
“Ha?
Wa-wag----”
Naputol ang tawag.
Pumasok si FR sa loob ng McDonals. Nagantay. Nagabang. Naexcite.
Naramdaman ni FR
ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi sya mapakali. Pumasok
sya sa comfort room ng McDonald's at agad na inayos ang sarili.
Naging conscious sya sa amoy nya. Ilang ulit syang naghilamos. Hindi
talaga sya mapakali.
Whew. Ano ba to. Bakit ba ganito?
He sighed one last
time and got out of the comfort room.
Pabalik na sa
inuupuan nya nang makita si Daniel na papasok. Nagtama agad ang
kanilang mata at muli nyang nasilayan ang magandang ngiti ni Daniel.
Upon seeing FR
again, Daniel felt very happy. He saw how simple FR was. He was
stunned on how he carries himself kahit na White T-shirt at shorts
lang ang suot nito. Kahit bakas sa mukha ni FR ang pagod, he was
still amazed dahil nakita nya pa rin ang ngiting iyon.
Daniel drew himself
closer to FR. Inches away, he extended his hands and pinched both
cheeks of FR.
“Ang
cute cute mo!” he exclaimed
Nagtinginan sa
kanila ang tao sa McDonald's.
Pinanlakihan sya ng mata ni FR.
I T U T U L O Y . .
.
No comments:
Post a Comment