Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 24
[Alex’s
POV]
“Kumain
na ba ang mahal ko?” tanong ni Kieth sa akin.
“Yup.
Medyo madami na kinain ko para naman makakapagtelebabad tayo.”
“aysus. Mamaya niyang tumaba ka na ng sobra ha. Teka, Eh mapupuyat ka niyan eh. Hindi ba abala yan sayo?” Sabi niya
“Okay
lang ako at isa pa wag kang mag-alala sa akin, diba nga nocturnal na ako. Kung diyan ay umaga, sa akin umaga ang gabi dito.
Sa umaga ako natutulog at sa gabi gising naman ako.”
“Di
mo naman kailangang gawin yan eh. Ako ang mag-aadjust kaya dapat natutulog ka
kapag gabi at gising ka kapag umaga.”
“Babe, listen up. Gusto
kong gawin to at wag ka na ngang kumontra. Kala mo ah. Mamaya may
pinagkakaabalahan ka jan kaya ayaw mo akong gising. Kaya siguro gusto mo na
akong tulog.”
“Aysus
ayan ka na naman sa selos mo. Nako
nako.” Sabi niya
“Pero
kung aalis ka man, sabihin mo lang, saka ako tutulog. You should enjoy your
stay jan at hindi laging ako ang iniisip at inaalala mo. Habang nanjan ka, mag gala-gala
ka, let yourself enjoy for a while.”
“Mas
gusto kong mag gala kapag kasama ka. Pero somehow, maybe sometime mag gagala ako. Babe, alam mo ba, ang lungkot dito, wala ang mahal ko. Nag-aalala
pa man din ako kasi baka nanlalalaki ka na jan.”
“Teka lang lalaki ha, at ako pa talaga? Di
ako tulad ng iba Kieth Jerickson Lee. Nakow mag tigil ka nga. Oo nga pala maiba tayo, Kamusta pala si
papa?” tanong ko.
“Ayon,
3 days before Christmas, saka daw mag undergo ng operation si papa.”
“I
will pray for him.”
Pero nakita ko sa monitor ang pagkalungkot sa kanyang
mukha.
“Oh bakit ka malungkot?” tanong ko.
“Eh
di kita makakasama sa pasko. Baka nga di pa ako makauwi jan agad eh. Baka sa
new year di rin kita makakasama.”
“Wala
naman tayong magagawa eh. Pero I will spend my Christmas with you. Mag skype
tayo sa pasko at dapat gising tayo pareho.”
“Oo
naman. Para sa mahal ko mumulat talaga ako.”
“Haixt.
Pero sa bagong taon… di kita makakasama.”
“Edi
ganun lang din. Oh diba parang magkasama lang din tayo?”
“Di
ako makakapagpaputok…”
“Bawal
ba jan mga paputok? Bumili ka na lang jan. sabihin mo kila mama.”
“I
mean di ako makakapagpaputok kasama ka.”
“Edi
nakaskype pa rin tayo. Doon ako sa terrace namin at ipapakita ko yung putukan
dito sa Pilipinas.”
“Iba
ang ibig sabihin ko. Bakit ang slow mo?”
"Ha?"
"Nevermind..."
At bigla ko namang na gets ang sinasabi niya. Napaka green talaga ng lalaking ito.
“Hoy
ha. Mga iniiisp mo. Di ka pa rin nagbabago. Shabu pa?”
“Haixt.
Kapag talaga nagkita tayo, I will make the moves.”
“Ang
dami mong alam.”
“Babe..
c2c tayo.”
“Ano
yun?”
“Cam
to cam…”
“Eto
na ginagawa natin ah.”
“I
mean ganito…”
At sa kalokohan niya ay bigla siyang naghubad ng t-shirt niya sa mismong harapan ko.
Mga
kalokohan talaga nitong lalaking ito kahit kailan oo.
Ang dami rin nitong baong kamunduhan.
Nakow, kawawa talaga ako dito pagnagkataon.
“Ewan
sayo. Magooffline ako pag ginawa mo yan.”
“Pa
conservative ka pa eh…”
“Ewan
sayo…”
Nakakamiss
siya.
Yung mga kalokohan niya.
Kasungitan niya.
Yung pagiging maintindihin niya.
Lahat-lahat.
kung alam ninyo lang yung feeling na ang layo ng taong mahal mo.
Now I
know what it feels to have a long distance relationship.
Pero alam ko naman na panandalian lang ito.
Tinitigan ko lang yung
mukha niya then he smile.
“How
are you jan mahal ko?”
“Okay
naman ako.” Sagot ko.
“Nakakamiss
yung mga halik mo. Namiss ko an rin mga yakap mo.”
Bigla siyang kumuha ng unan
at niyakap ito.
Ang cute niya sa posisyon na yun.
“Bakit
ang gwapo mo?” tanong ko.
“Wag
ka… lalo kang naiinlove sa akin niyan.”
“Ang
sarap mong titigan mahal.”
“Wag
na wag kang magsasawa sa itsura ko ah. Itong gwapo kong mukha ay makakasama mo
ng panghabang buhay.” sabi niya
“Oo
naman. Naku. Kaya siguro tayo pinaghiwalay eh para mamiss natin ang isa’t-isa.”
“Araw-araw
naman kitang namimiss eh. Ikaw lang talaga ang hindi nakakamiss sa akin.”
“Aysus
nagdrama ang gwapo. Uhm. Ikaw kamusta jan?”
“Okay
din. Naalala ko nga pala, bukas pala mamasyal kami nila papa. Gusto daw nila akong igala dito eh.”
“Wag
na wag mo akong kakalimutang pasalubungan ha.”
“Oo
naman po. Ikaw pa.”
“Chocolates
ah.”
“Oo
naman. Ano pa ba?”
“Ikaw…”
“Di
ako pasalubong mahal ko… gift ako…” then I smile.
Narinig
kong nag ring ang cellphone ko.
Agad ko naman itong sinagot.
“Babe wait lang
ah.”
“Sige
po.”
“Hello.”
Bati ko sa kabilang linya.
“Yats…”
si RD.
“Oh
bakit?”
“Gala
tayo bukas…”
“Bukas?
Umpft. Wait lang ha.” Agad kong tinawag
ang pansin ni Kieth.
“Babe.”
“Po?”
“Gagala
daw kami ni RD bukas.”
“tapos?”
“Adik
to. Nagpapaalam ako sayo.”
“Nasa
akin ba paa mo?”
“Ewan
sayo. Umayos ka nga.”
“Oo
na. sige na. kow. Magdate lang kayo eh.”
“Sus
selos ka naman.” Binalikan ko si RD. “Okay sige sige.”
“Sino
kausap mo?”
“Si
Kieth. Magka-skype kaming dalawa.”
“Ah.
How sweet? Siguro nagpaalam ka no?”
“Yup.
Pwede ko bang isama si Charlene?”
“Sige
sige.”
“Okay
sige. Salamat.” At binaba na niya yung tawag.
“Saan
daw kayo pupunta?” bungad na tanong ni Kieth.
“Di
ko alam eh. Wag ka mag-alala, isinama ko na si Charlene para di na magtampo ang
isa jan.”
“Sus
ewan.”
“Uhm.
Kumain ka na ba?” tanong ko.
“Di
pa.”
“Kain
ka muna kaya.”
“Mamaya
na. kausap pa kita.”
“Edi
habang magkausap tayo kumain ka.”
“Uhm.
5 minutes.”
“Sige
sige.”
“Okay
ka na ba jan?” tanong niya
“Yup
okay nga lang ako dito.”
“I
mean yung problema mo?”
“Uhm…
di pa eh. Di pa kami nag-uusap ulit ni mama.”
“Oh
bakit naman?”
“Hindi
ko pa kaya. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tatay ko si
tito Ralph.”
“You
better explore things.”
“Haixt.
Ewan.”
“Kinikilig
ako…”
“ha?
Ano bakit? Saan? Sa akin? Wala naman akong ginagawa eh.”
“Be
right back. CR lang ako.”
“Ay
ewan. Adik mo talaga.”
Biglang
kumatok si mama sa may pintuan.
Agad ko namang binuksan ito at pinapasok si
mama.
Nag diretso lang ako sa kama at hinarap muli ang aking laptop.
“Anak…”
“Bakit
po?”
“Gusto
ko lang sana mag-usap tayo…”
“Tungkol
po saan?”
“Doon
sa papa mo.”
“Ma…
wag po muna ngayon… saka na lang po. Hindi pa ako handa.”
“Pero
anak, dapat magkaayos na tayo.”
“Ma…
wag muna po ngayon…”
“Im
back…” biglang sigaw ni Kieth.
“Hi tita…”
“Hello
anak…” bati ni mama.
Nanahimik bigla si Kieth nang makita akong hindi umiimik.
Di naglaon lumabas si mama ng kwarto at isinara ang pinto.
Naiwan
naman na tahimik ang paligid ko.
“Hey…”
pagbasag niya ng katahimikan.
“Bakit?”
“Alam
mo nahihirapan din si mama.”
“alam
ko… pero mas nahihirapan ako.”
“Yung
totoo ba… anong nararamdaman mo sa mama mo?”
“Wala
akong galit na nararamdaman sa kanya. Tanging tampo lang ang nararamdaman ko.
Mahal ko si mama at ayaw ko namang nahihirapan si mama ng ganito.”
“Kaya
nga dapat kinakausap mo na siya…”
“Pero
gusto ko buo na muna ako bago ko harapin si mama. Pati, di ko alam kung paano
ko tatanggapin ang katotohanan na magkapatid nga kami ni Arjay.”
“Paano
kung pagbawalan ka ni tito Ralph na makipagrelasyon sa akin.”
“Hindi
naman ako papayag na gawin niya iyon sa akin. Ipaglalaban kita at di ako papayag
na paghiwalayin niya tayo.”
“Sana
nga…”
“Bakit
parang ayaw mong maniwala?”
“Natatakot
lang ako sa mga possibilities.”
“Magtiwala
ka lang sa akin. Hindi naman ako gagawa ng hindi makabubuti sa atin. I will be
always with you. Remember papakasalan pa kita.”
“Okay
then. I will hold on to your promise.”
“Trust
me.”
Magdamag
kaming nag-usap at walang humpay ang mga pinag gaagwa namin.
Di ko namalayan ang oras dahil sinusulit ko ang panahon na
kasama siya.
Di ko nga namalayan na lumipas na pala ang walong oras at
nakakakita na ako ng mumunting liwanag.
“Babe…
umaga na jan…” sabi niya sa akin.
“Oo
nga eh…”
“Haixt.”
“Oh
bakit?”
“Di
na kita makakusap.”
“Sige
di na muna ako matutulog.”
“No... you need to take your rest. Tignan mo nga yang mga mata mo, namumula na.”
“Eh
ikaw eh.”
“Pati
kailangan ko ding maligo. Di pa nga ako naliligo eh. Medyo nababawasan na ang taglay kong kabanguhan kaya need to freshin up.”
“Ni
kumain nga kinalimutan mo eh. Teka, magpahinga ka muna bago ka maligo, baka mapasma yang mga mata mo ha.”
“Makita
ko lang yung mukha ng mahal ko eh busog na ako.”
“Sus
korny eh.”
“Gwapo
naman.”
“Lagi
na lang.”
“Siya
good morning babe.”
“Good
night babe.” Sagot ko.
“Tulog
ng mahimbing.”
“Ikaw
din. Matutulog ka na din maya maya ano?”
“Oo.”
“Ikamusta
mo ako kila mama at papa ha.”
“Sure
why not.”
“I
love you…”
“I
love you too…”
At
nagpaalam na kami sa isa’t-isa.
Unti-unti ko namang naramdaman na bumabagsak
ang talukap ng aking mata.
Pinatay ko ang ilaw sa aking kwarto saka ako nahiga
sa aking kama.
Agad
kong niyakap ang aking unan na para bang ang kayakap ko ay si Kieth.
Nakatulog
din naman ako kaagad.
Daig ko pa ang pagod dahil sa sobrang pagmamadali na
makatulog.
“oi!”
nakarinig ako ng isang malakas na sigaw.
Agad
naman akong nagising sa kakaibang ingay na nagmula sa tabihan ng aking kama.
Agad nagmulat ang aking mata at kumunot ang aking noo.
“Ano
ba yan?!” irita kong tanong.
“gising
na aba. Tanghali na oh. Ala una na kaya ng tanghali.”
Kinuha
ko ang cellphone ko at tinignan ang oras.
Ang exage talaga ng lalaking ito.
“Alas diyes lang oh.”
“May
lakad tayo ah.”
“Ngayon
na ba agad? Inaantok pa ako.”
“Bakit
ka ba napuyat?”
“Magkausap
kasi kami ni Kieth kagabi.”
“Ah
kaya pala. Pinupuyat ka na niya ah.”
“Di
naman. 1 hour pa.” hirit ko.
“Sige
na sige na.”
At
natulog na agad ako.
Tinotohanan nga niya na 1 hour kaya napilitan na akong
bumangon. Hahahaha.
Nakabihis
na ako nang malaman ko na nasa baba na pala si Charlene, at ang babae todo
ayos.
Akala mo siya ang inimbita mag gala eh.
“Hay
grabe ang tagal kumilos ng lalakeng ito oo.”
“Bakit
ba?”
“Bilisan
mo at naco-consume yung oras.”
“Saan
ang punta ng babae?”
“Ewan
ko sayo. Ay nako. Ang tagal-tagal. Limang oras akong pinagantay.”
“Dapat
lang kasi sabit ka sa lakad namin. Haha.”
“Loko.
Oh bakit ba kailangan ninyo ng Chaperon?”
“Hindi
chaperon, alalay kailangan namin kaya ikaw ang naisip ko.”
“Jusmiyo.
Ano ba naman yan? Itong kagandahan ko gagawin mo lang alalay?”
“Buti
nga pumayag si RD na kasama ka.”
“Well
iba na talaga ang maganda.”
“Saang
banda?”
“sa
mukha. Alangang sa paa.”
“Akala
ko sa bilbil eh.”
“Oi
ang kapal mo ah. Sexy ako at walang flaws ang katawan ko. Eksena mo naman jan.”
“Sus.
Tara na nga.”
Habang
nasa byahe ay di ko maiwasang magutom.
Paano ba naman eh pinagmadali ako kaya
walang kain kain. Haixt.
Hanggang ngayon di ko pa ring maiwasan na maging
dependent.
“Babe
gutom na ako…” nasambit ko na lang.
Naalala
ko nga pala na wala si Kieth sa tabi ko. Haixt.
“May pagkain jan sa likod.
Charlene paabot nga.”
“Yes
master. Dakilang alalay nga ako dito…”
“Salamat…”
“Wala
ang babe mo dito.” Pagkokontribida ni Charlene.
“Nasanay
lang.”
“Kamusta
na ba kayong dalawa?”
“Doing
good. Pero nakakamiss.”
“Naku
Im sure makakahanap yun ng mas gwapo sayo. O kaya sexy at magandang babae.
Nakow best friend talo ka na. kabog na kabog ka. Pag uwi niya dito eh makikipag
break yun sayo.”
“Hoy
eksena mo. Hindi yan gagawin ni Kieth ano.”
“Wushu
paano ka makakasiguro.”
“May
promise siya sa akin.”
“And
promise are meant to be broken…” biglang sabat ni RD.
“Kayong
dalawa talaga… porket walang lovelife eh bitter na bitter. Kainis.”
“Sus
di naman.. pero mukhang yung isa may pinaghuhugutan.” Sagot ni Charlene.
“Wala
oi.”
“Kow
umamin… nagseselos.”
“Ako?
Magseselos?”
“Sus.
Umamin ka na nung bata dedeny ka pa.”
“Matagal
na yun ano.”
“Yung
totoo wala na nga ba?”
“Hay
naku Charlene daming alam.”
“Saan
ba tayo pupunta?” Tanong ko bigla.
“Basta
ako bahala.”
“Mamaya
gahasain mo lang ako ha.”
“Mahiya
ka nga best…” Sabi ko kay Charlene.
“Malay
mo lang naman. Sabihin lang niya eh ibibigay ko yung katawan ko.”
“Ang
landi. Sumbong kita kay Jake eh.”
“Pakialam
ko sa kanya.”
“So
you and Jake are dating?” tanong ni RD.
“More
than dating.” Sagot ko.
“Umeksena
na naman kayong dalawa.”
“Ang
swerte mo Charlene. Alam mo ba na sobrang hirap pumili ng babae yan? Napaka
mitikoloso nan.”
“Maganda
kasi ako kaya wala siyang kawala.”
“How
are the two of you exactly?”
“Nothing.”
“Sus
ang arte. Nothing nothing daw eh.”
“Shut
up Alex.”
“Okay.”
At nagtawanan kami.
Di
rin nagtagal ay nakarating kami sa isang park.
Lagi na lang sa park ako
dinadala pero ibang park to, isang biological park.
I love nature, lalo pa
noong bata ako.
“Remember?”
tanong ni RD.
Doon
ko lang ulit naalala.
Tama, eto yung park na kung saan dinadala kami nila mama
at papa pati ni tito at tita.
Napangiti ako sa sobrang saya.
“Thank
you… namiss ko yung lugar na ito.”
“Namiss
ka din nito. Noong bata ako, lagi akong pumupunta dito… baka sakaling pupunta
ka rin.. naghintay ako dito…. Araw, tanghali. Noong nag high school ako… umasa
pa rin ako… ganun kita namiss… ganun kita kama…” napatigil siya.
“Kamahal?”
singit ni Charlene.
“Kamahal
bilang kaibigan.”
“Sumegway
pa.” singit ulit ni Charlene.
“Shhh.”
Saway ko.
“It’s
okay… umasa pa rin ako hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa.”
“Kaya
sumuko ka na at ibinaling ang atensiyon sa iba?”
“Siguro…”
nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Cheer
up. Okay lang yan.”
“Haixt.
Sorry.”
“You
don’t have to say sorry.”
“Tara
na nga…” at dinala niya kami sa may tabi ng sapa.
Ang
ganda ng tanawing iyon.
Ang liwanag ng tubig.
Minsan na lang ako makakita ng
sapa na malinis at kay linaw.
Naglatag si RD ng blanket at doon niya inilabas
lahat ng dala niya.
“Di
ka naman masyadong prepared ano?”
“Slightly
lang.”
“Sus.”
“Ang
daming pagkain.. yum yum.” Si Charlene.
“Para
sa akin yan hindi sayo.”
“So
anong balak mo ha? Yung tira-tira yung sa akin.
“Ang
talino mo talaga best ano. Paano mo nahulaan?”
“Kilala
kita Alexandro.”
“What
with that name?”
“Wala
lang. tara chibog na. tomguts na ako.”
“Okay.”
At kumain na kami.
Nagkatuwaan
klami habang nakain.
Nagkwentuhan at maraming pinag-usapan.
Saglit kong
nakalimutan ang pagkamiss ko kay Kieth at ang problema ko kay tito Ralph at
mama.
“Bakit
mo pala naisipang mag gala?” tanong ko.
“Para
naman malibang ka.”
“Salamat.”
“Kaya
cheer up na.”
“Roger
that…”
“Best…
bakit ang panget mo?” biglang sabat ni Charlene.
“May
best friend ka ba dito?”
“Oo.
Ikaw.”
“Ah... ako pala… panget daw sabi mo kamo? Eh gwapo ako.”
“Kow.”
“Charlene… Kayo na ba ni Jake?”
“Hindi
pa ano.”
“Well…
halata naman eh... di ka niya taste. Kaya wag na umasa.”
“Ang
sama mo.”
“Ang
sama mo din sa akin eh. Bawian lang. fair tayo. Kwits lang.”
“Daming
alam. Sows.”
“Hot
sauce?”
“Kow.”
“Kukow.”
“Last
na yan ha.”
“Kumain
ka na lang jan at nang mabusog-busog ka na.”
“Im
on diet.”
“Ay
siya uwi na.”
“Bakit
ba?”
“Nakakatuwa
kayong dalawa.” Singit ni RD.
“Bakit
naman?”
“Ang
sweet ninyo eh.”
“Natikmam
mo ko dre?” biglang sabi ni Charlene.
“Loka
ka talaga.” Sagot ko.
“Joke
lang yun ha. Mamaya di mo na ako pasamahin eh.”
“Hahaha.
Di naman. Kaw talaga.”
“Pero
may tanong lang ako…”
“Ano
yun?”
Pinakinggan
ko na lang ang pag-uusap ng dalawa.
Nahiga ako sa may blanket at tinitigan ang sapa
na nasa harapan ko lamang.
Laman ng isip ko si Kieth.
Kamusta na kaya siya?
siguro tulog na siya.
“Paano
kung si Alex at si Kieth ay hindi sila… anong gagawin mo?”
“Paanong
anong gagawin ko?”
Nakikinig
ang mga tenga ko.
Bigla akong napatigil sa pagmumuni ng itanong iyon ni
Charlene kay RD.
ang babaeng ito talaga oo, daming alam.
“Liligawan
mo ba si Alex? Itutuloy mo pa ba yung plano mo na yayain siyang pakasalan?”
“Ewan…”
“Ewan
means yes…”
“Somehow..
siguro… di ko alam.. mahirap sumagot ngayon lalo na at komplikado.”
“Ah….
Ang haba ng hair ng best friend ko… hahaha.”
“Hahaha.
Kaw talaga.”
“Pero
paano nga kaya ano? Ang swerte niyang lalaking yan. Akalain mo nakabingwit ng
mga nag gwa-gwapuhang lalaki. Ang landi eh.”
Kung
makapagsalita tong babaeng ito eh akala mo wala ako dito.
Grabe ha.
Ayan ang best friend, makapag salita sayo ng harapan eh garapalan.
Harap-harapan
niya akong pinagsasalitaan ah.
Sasabunutan ko to eh. Hahaha.
“Marinig
ka niya oh.”
“Okay
lang yan sa kanya.”
“Alex…”
tawag ni RD.
Ipinikit
ko ang aking mata.
Nagpanggap ako na nakatulog ako.
Di rin nagtagal ay
nagtuloy-tuloy ang aking pagtulog.
Doon, panibagong mundo ang aking hinarap.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment