Saturday, September 14, 2013

Less Than Three- Part 26

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 26

(Differences)




[Alex’s POV]


“Ma… sigurado po ba kayo na okay lang po kayo sa gagawin ko po? Pwede pa naman akong umurong dito.” tanong ko kay mama.


“Kung yan ang magpapasaya sayo ay hindi kita pipigilan. Hindi ako magiging hadlang sa pagbuo ng pagkatao mo. Ipangako mo lang sa akin na sa akin ka pa rin babalik, na ako pa rin ang bahay na iyong uuwian.” Sagot naman ni mama.


“Oo naman ma.. ikaw pa… mahal na mahal kita eh.”


“Ang korny na ninyo eh.” Sabat ni kuya.


“Shut up kuya. Nahihili ka na naman sa akin.”


“Pasalubong ko ah.”


“Wala akong pera…”


“Ikaw na sapat na.” at doon ako natouch sa sinabi niya


Niyakap ko si kuya ng napakahigpit at hinalikan sa pisngi. 


“Yuck ano ba yan?”


“Magtigil ka nga. Marami nagpapakamatay sa kiss ng isang artista.”


“Kow. Ikaw artista? Model ka lang.”


“Ganun din yun.”


“Ay siya alis na at baka umalis na yung katagpo mo.”


“Sige ma alis na po ako.”


“Pahatid ka na sa kuya mo.”


“Sige kuya ihatid mo ako para iwas bayad ng pamasahe.”


“Kow nagtipid ka pa eh galing naman yan kay mama.”


Umalis na kami ni kuya, pero habang nasa byahe kami ay tinanong niya ako. 


“Di ka na ba magmomodel ng kung anong brands ng damit?”


“Di ko alam. Pero siguro. Tinawagan ako ni tita noong isang araw kung gusto ko daw ba. Sabi ko susubukan ko or titignan ko.”


“Bakit ayaw mo? At least may ipon ka.”


“oo nga eh. Tatawagan ko na lang si tita.”


“Anong balak mo pala sa birthday mo?”


“Di ko alam eh. Haixt.”


“Medyo malapit na yun.”


“Excited lang kuya? Tagal pa ah.”


“Eh yung gastos sa akin burden.”


“Kaya mo pala ako pinababalik sa pagta-trabaho?”


“Somehow. De joke lang. oh andito na tayo. Magtext ka kung magpapasundo ka. Ingat ka ah.”


“Naman ako pa.”


“Text ka kapag may problema ka. Sige bunso alis na ako.”


“Salamat kuya.”


Bumaba na agad ako ng sasakyan at pumunta sa lugar na pagkikitaan namin ni Tito Ralph. 


Gusto ko siyang makausap at makasama kahit ngayon lang.


Handa na naman akong gawin ang lahat para makilala siya at tanggapin siya kahit papaano? 


Pero bakit kinakabahan ako?


 Hindi ko alam kung bakit.


“anjan ka na pala.” Nagulat ako nung may nagsalita sa likuran ko.


“Anjan na po pala kayo.” Tugon ko naman.


“Salamat anak.” Ang nasabi niya lang.


“walang anuman. Gusto ko lang po na maging normal ang lahat. Mag pakataon po kayo. Gusto ko maging maayos ang lahat, walang pagpapanggap.”


“Sige anak.”


“Tara po upo po tayo doon.”


“Sige.”


Pagkaupo naming, tinitigan ko siya. 


nahiya naman siya sa akin kaya tumingin siya saiba. 


“Di ko po alam kung saan ako mag-uumpisa.” Sabi ko.


“Kamusta ka anak?” tanong niya


“Maayos naman po.”


“Masaya ako na maayos kang napalaki ng mama mo. Isang malaking bagay na iyon para sa akin.”


“Masaya po ako na napunta ako sa isang pamilyang may pagmamahal sa isa’t-isa.”


“Sana lang talaga pinangatawanan ko kayo noon. Ipinaglaban kahit may pamilya na ako.”


“Minahal ninyo po ba si mama?” agad-agad kong tanong.


Napangiti siya at naghanap ng sagot na pwedeng maisagot. 


“Ayos lang po kung ayaw ninyong sagutin.” Dagdag ko.


“Hindi naman. Yang mama mo ay mabait, maganda, mapagmahal, maalagain at marami pang iba. Hindi naman yan yung batayan ko para mahalin ang tao. Hindi ko alam kung paano pero minahal ko siya ng walang dahilan. Minahal ko siya sapagkat ito yung tinibok ng puso ko. Anak, sa totoo lang nagdalawang isip ako noon na bumalik sa mama ni Arjay.” Sagot nito.


“Pero good decision na sila ang pinili ninyo.”


“Bakit naman?”


“Magiging magulo lang siguro ang buhay ko.” Sagot ko.


“Siguro nga. Kasalanan ko naman lahat eh. Masyado lang akong naghangad ng anak. Di ko man lang naantay ang kagustuhan ng Diyos para sa akin.”


“Pinagsisishan po ba ninyo?”


“Hindi.. hindi ako nagsisisi.”


“Anong naisip ninyo noon tungkol sa amin ni mama?”


“Gusto kong kunin kayong dalawa. Yung tipong pareho kayong pamilya ko.”


“Di po ba masyadong ganid ang ganun?”


“Kaya nga hindi ko ginawa eh. Pati hinayaan ko na lang.”


“Ah ganun po ba.”


“Kamusta ang papa mo?” tanong nito.


“Okay naman po. Di ko na po masyadong matandaan pero ang sabi ni mama ay papa’s boy daw ako. Namiss ko tuloy si papa. Bata pa lang ako noong nawala si papa. Mga 10 years old ata ako. Di ko matandaan.”


“Maswerte ka na nagkaroon ka ng papa na ganun.”


“Oo nga po eh. Tito may itatanong sana ako…”


“Anak may pabor sana ako…”


“Ano po yon?”


“Pwede ba na tawagin mo akong papa? Daddy? O ano pa?”


“Titignan ko po…pag-aaralan ko po…”


“Salamat anak.hihintayin ko ang araw na iyon.”


“Yung tanong ko po pala.”


“Ano iyon?”


“Bakit ba kayo nag-away ng papa ni Kieth?”


Natahimik siya at pansin ko na nag-isip ng malalim.


 “Again… kung ayaw po ninyong sagutin ayos lang po. Ibahin ko na lang po ang tanong ko.”


“Mabigat kasi iyon anak.. pati alam ko baka magiba ang tingin mo sa akin…”


“Ayoko po na may itinatago po kayo sa akin.”


“Sa business iyon anak. Nag-away kami nang dahil sa posisyon.”


“Kaya po pala.”


“Masyado na akong gahaman anak.”


“Hanggang ngayon ba?”


“Oo.”


“Kaya ba pina-engage mo si Arjay at RD.”


“Oo.”


“May balak ka rin po ba na gawin din iyon sa akin?”


“Patawarin mo anak pero oo.”


Nabigla ako sa sagot niya. 


“Sorry po pero di ko gagawin iyon.”


“Alam ko na kahit anong pilit ko hindi ka bibitaw kay Kieth.”


“Mahal na mahal ko po si Kieth.”


“Nang dahil sa akin ay nag-aaway kayo ng kapatid mo. Nang dahil sa akin ay nagkakaganyan kayong dalawa.”


“tadhana lang po siguro ito.”


“Siguro parusa sa akin ito. Dalawang anak ko nag-aaway nang dahil sa iisang lalaki. Ang dalawang anak ko rin ay mga bisexual…” sabi nito.


“galit po ba kayo sa amin? Na kapwa mga lalaki din ang hanap?”


“Hindi… tanggap ko na naman.. pero kahit papaano ay umaasa ako na magkakaroon ako ng apo…”


“Yun lang ang di ko aam.” Ang sabi ko.


“Kailan mo nalaman na bisexual ka?”


“Highschool pa lang ata ako. Natanggap naman ako agad ni mama. Halata naman daw niya sa mga kilos ko.”


“Ah ganun ba…” plain ang sagot niya


“Nagalit po ba kayo noong nalaman ninyo na bi si Arjay?”


“Oo… isang taon kong hindi inimikan iyon.. pero habang nagtatagal, naiintindihan ko na na sa panahon ngayon ay kakaunti na lang ang masasabi mong matigas. Pumayag na din ako nang malaman ko na si Kieth pala ang boyfriend niya. Okay din naman sa magulang ng Kieth yun kaya pumayag na din ako. Wala rin naman akong magagawa pa eh.” Sabi nito.


“Wala na ba kayong balak mag-anak ulit?” tanong ko.


“Hindi na namin sinubukan pang ulit.”


“Pero ginagawa ninyo pa rin yun?”


“Oo naman anak.” At nagkatawanan kami.


“Din ko alam na pilyo ka pala anak.”  Dagdag nito.


“Di naman po.”


“Aware ka ba na may nangyari kay Arjay at Kieth?”


“Opo.. sinabi na niya sa akin.”


“Eh may nangyari na ba sa inyo?” tanong niya


“Wala pa po.”


“Dapat lang.”


“Paghihiwalayin ninyo po rin ba kami na tulad ng dati?”


“Oo…” sagot niya


“Hindi po ako papayag ulit.”


“Alam ko… alam kong hindi ka papayag kaya hindi ko rin gagawin. Wala na naman akong magagawa. Kailangan kong matanggap ang lahat. Pero kapag sinaktan ka niya, kahit anong dahilan pa iyan ay ititigil ninyo ang relasyon ninyo.” Sabi nito.


“Protective father ka pala sa anak mo po.” Sabi ko.


“Oo.”


“Magbati na rin po kayo ng papa ni Kieth. Yun lang po ang kahilingan ko…”


“Mahabang proseso iyon anak pero susubukan ko.”


“Wag po ninyong subukan.. gawin ninyo po.”


“Sigurista ka talaga ano?”


“Oo naman po.”


“Kayo ba ni Arajay?”


“Okay na naman kami dati, di ko lang alam kung ano na ang nangyari ngayon.”


“Kaya ako tutol kay Kieth sa inyong dalawa… dahil hindi kayo magkakabati hangga’t nanjan siya.”


“Alam ko po, pero marami pong paraan. Gagawa ako ng mga paraan at sisiguraduhin ko na magiging ayos ang lahat.”


“Nagugutom ka ba?” tanong nito.


“Medyo po…” sagot ko.


“Tara kain tayo…”


Umalis kami sa lugar na iyon at dinala ako sa isang mamahalin na lugar. 


Agad naman akong nanibago sa mga nakita ko.


“Di po ako sanay.” Sabi ko.


“Masanay ka na. dahil gagawin natin to ng madalas.” Sabi niya


“Ganun po ba?” ngumiti na lang din ako.


“Pinagtitinginan ka ng mga kababaihan dito ah. Lakas ng appeal ng anak ko ah.”


“Di naman po.”


“Balita ko’y nagmomodel ka daw sa isang brand ng damit.”


“Opo.”


“Ang kagwapuhan mo kasi ay namana mo sa akin.”


“Parang di naman po.” Pabiro ko at nagtawanan kami.


“Matinik ka rin ba sa chicks anak? O puro chickboy ang hinunting mo?”


“Naku papa wala ka sa akin. Madaming babae ang humabol sa akin. Konti lang ang naging gf ko pero maraming naglalaway sa akin.” Sagot ko.


Natigilan siya. di ko alam kung bakit. 


Nakikinita ko ang papaluha niyang mga mata. 


“Ano pong nangyari…”


“Wala ito… Masaya lang ako…”


“Pa naman… bakit nga?”


“Salamat… tinawag mo na akong pa…”


“Ah eh…”


“Wag kang mahiya.. feel free na tawagin akong papa…. Daddy o ano pa man…”


“Opo..” at ngumiti ako.


Buong araw na nagbonding kami. 


Pinamili niya ako ng kung anu-ano. 


Di ko naman alam na ganun pala siya kasabik sa akin.


Damit, gadgets, supplies at marami pang iba. 


“Pa… tama na po ito..” sabi ko.


“Hindi.. kulang pa yan.. bukas mamimili pa tayo ah.”


“Di ko naman po kailangan yan…”


“Tanggapin mo na.. magtatampo ako sige ka…”


“Ay nanakot ang magaling kong erpat…”


“Ganun lang talaga anak.”


“Salamat po dito.” Sabi ko.


“Kulang pa yan. Gusto kong bumawi sayo. Gagawa ako ng paraan na makabawi.”


“Kayo po ay sapat na para sa akin. Naramdaman ko na po yung pagmamahal ninyo.”


“Salamat anak.” Sabi nito at ngumiti siya.


Panatag na yung kalooban ko. 


Pero di pa rin ako makapaniwala sa mga pinagbibili niya sa akin. 


Nakakahiya kasi baka isipin ng iba na materyales akong tao.


“Wag kang mag-alala sa sasabihin nila. Karapatan mo na magkaroon niyan.”


“Okay po.” Ang nasagot ko lang.


Nalaman ko na si papa pala ay maraming kalokohan. 


Matinik sa chicks at malokon din. 


Madami pa akong nalaman sa isang buong araw na pag kikita namin.


“Anak… gusto mo ba ng bola?”


“Para saan po?”


“Laro tayo minsan… ano bang sports mo anak?”


“Basketball at volleyball.”


“Talaga anak marunong ka magbasketball?”


“Parang nangiinsulto po kayo ah.”pabiro ko.


“Di naman. Anak laro tayo minsan ah.”


“Opo. Kayo pa, malakas kayo sa akin eh.”


“Hahah.”


Kumain muna kami bago kami umalis doon. Hinatid niya ako sa bahay. 


“Pa salamat po.”


“Salamat din anak.” Agad niya akong niyakap.


Naramdaman ko ang kasabikan niya sa kanyang anak. 


Ramdam ko din na umiiyak siya dahil na lindol ang mga balikat niya. 


“Pa wag kang umiyak.”


“Sorry di ko lang mapigilan…”


“Salamat po sa lahat.” Ang nasabi ko.


“Sige uwi na ako.”


“Ingat po kayo ah.” Ang nasabi ko.


Sinalubong ako ni mama sa may tarrace. 


Kita ko ang mga ngiti sa kanyang mga labi. 


Agad ko siyang niyakap at hinalikan.


“Masaya ako sa kung anuman ang desisyon mo.”


“Hindi kita iiwan. Magkasama lang tayo mama.”


“Salamat anak.”


“Akyat na ako ma.” Sabi ko.


“Sige magpahinga ka na. mukhang nakakain ka na naman ng hapunan.”


“Opo ma. Sorry di na ako nakapagsabi.”


“Ayos lang. Usap kayo ni Kieth ah.” Sabi ni mama.


“Opo…”


Inihiga ko ang aking sarili sa aking kama. 


Di ko rin namalayan na nakatulog ako dahil na rin siguro sa maghapon na pag gagala. 


Napahimbing ako ng tulog at nagising ako ng ala-una na ng madaling araw.


Agad ko namang binuksan ang laptop, nagconnect sa internet at binuksan ang skype application ko. 


Sana di pa siya nagoofline. 


Napahimbing ang aking tulog at sana nahintay niya ako. Haixt.


Offline siya. haixt. 


Hinayaan ko lang na nakabukas yung skype ko, baka sakaling mag online siya. abang-abang din lang.


Kinuha ko yung phone ko at nakareceive ako ng mga text. 


Punong-puno ang inbox ko. 


Luka talaga tong si Charlene, tadtarin ba naman ako ng text.


Nag try akong tawagan siya, baka kako gising pa siya. luckily, sinagot niya. “Hello.” Sabi niya sa kabilang linya


“Hoy ganda…”


“Speaking…”


“Anyare sayo? Daig mo pa may text brigade sa pagtetext sa akin ah. Excited lang?”


“Walang magawa eh. O kamusta ang lakad ninyo ng papa mo?”


“Okay naman. Mahabang kwento. Saka ko na itatalak sayo.”


“Sure… may sasabihin ako… hahaha.”


“An yun?”


“Okay na kami ni Jake.”


“What do you mean okay?”


“Kami na?”


“Wooooh.. Talaga? Akalain mo may nabulag sa kagandahan mo?”


“Ewan sayo!”


“What with the question mark?”


“Eh kasi ang labo niya.”


“Baka nagdadalwang-isip siya na maging kayo?”


“Inggit ka lang talaga.”


“Ako mainggit? Well.. may Kieth ako remember?”


“Sus. Naku.”


“Speaking of him… natulugan ko siya.. kakagising ko lang.. nakalimutan kong magbukas kanina pagdating.”


“Ay siya matulog ka na. mag leave ka na lang ng message sa kanya.”


“Hihintayin ko siya.”


“Well…”


“Oh wait…” biglang nag call si Kieth.


“Got to go… online na ang mahal ko.” Sabi ko.


“Okay. See you soon. Miss yah.”


“Miss you too.” At ibinaba ko na yung phone.


“Hey babe…” bati ko kay Kieth.


Pawisan siya at mukhang pagod na pagod. 


Ano kaya ag pinag gagawa nito? 



“Salamat naman at nagonline ka. Akala ko kinalimutan mo na ako eh.” Sabi nito.


“Ikaw pa makalimutan ko? Naku. Teka saan ka ba galing?” tanong ko.


“Nag punta kami ni papa sa gym. Alam mo na. konting pa macho. Baka kasi mamaya pagbalik ko eh hindi mo na ako pansinin dahil may mga bilbil na ako.”


“Tsura mo. Daming arte. Kahit magkabilbil ka pa ng limang layers…. Tatanggapin kita. Teka, okay lang ba kay papa na mag gagalaw?”


"Mapilit kasi.. Bale di naman siya ganun nagpagod. Konting jogging lang."


"Ah okay."


“Aysus.. hahahah. Kamusta pala ang lakad ninyo ni tito Ralph?” tanong niya


“May sasabihin sana ako.” 


Biglang naging seryoso yung mood naming.


“Eto na nga ba ang kinakatakuhan ko. Babe I will hold on. hindi ako papayag kung makikipaghiwalay ka. Kung pinagbawalan ka ng papa mo na makipag relasyon sa akin, hinding-hindi ako papayag na makipag break ka sa akin… sabihin mo sa akin na hindi ka bibitaw. Please.” Sabi nito.


“Tapos ka na ba sa litanya mo? Grabe ha. Ang daming alam. Over lang?”


“Oh bakit?”


“Exagerated ka masyado mahal ko. Wala namang sinabi si papa na ganyan.”


“Oh? Papa?”


“Medyo okay na kami. Sa tingin ko wala na naman siyang balak na humadlang pa at hindi naman ako papayag kung tumutol man siya.”


“Wew.” Nnapabuntong hininga na lang siya.


“Alam mo ang OA mo din pala ano?”


“Di mo naman maiaalis sa akin yun.”


“Kamusta na si tito?” tanong ko.


“He’s doing fine… mag undergo siya ng surgery this December 24.” Sabi nito.


“Ibig sabihin di ka talaga makakauwi dito. Haixt.”


“Cheer up ano ka ba?”


“Miss na kita!” sabi ko.


“Mas okay na mamiss mo ako. Para pag-uwi ko diyan eh di mo na ako papakawalan pa.”


“Tsura mo. Oh baka naman nambabae o nanlalalake ka na jan ha?”


“Seloso lang. teka, nagkikita ba kayo ni RD?”


“Minsan lang.”


“Pasaway ka lang talaga.” Pagtatampo niya.


“Wala naman kaming ginagawang masama babe. Mag tiwala ka sa akin.”


“Sayo may tiwala ako pero sa kanya, walang-wala eh.”


“OA ka talaga. Ganyan na ba ang epekto ng ibang bansa babe?” panloloko ko.


“Ewan.”


“Ay nagdrama pa oi.”


“Di ah. Aalis pala kami ngayon kaya di ako magtatagal ah. Ingat ka lagi. Kumain lagi sa tamang oras at wag magpapabaya sa sarili.”


“Yes tatay.” Sabi ko.


“tatay ka jan. mas mukha kang matanda sa akin.”


“ga-youth ka na nga eh.”


“Maka ga-youth ka wagas ah.”


“Sus. Ikaw wag kang magpabaya. Gusto ko pag-uwi mo dito sa akin eh masigla ka at walang sakit. Gusto ko healthy ka at walang sakit na iniintindi.”


“Yes boss.”


“I love you. Mahal na mahal kita!”


“I love you too. Got to go. Sorry for a small talk today ah. Ingat ka po lagi.”


Nag offline na siya at alo naman ay naiwang gising. 


Natulog na rin ako matapos ang ilang sandali. 


Nakaramdam naman ako ng antok matapos ang 30 minutes na pagkakamulat.


Kinabuksan, nadatnan ko sa sala namin si RD. 


nagulat na lang ako ng pagbaba ko ng bahay ay nakaupo na siya at hinihintay ako.


“Good morning yats.” Sabi niya


“Good morning din. Ang aga mo ata? Anong sadya mo ginoo?”


“Wala naman. Gusto lang sana kitang yayaing lumabas kung hindi ka busy ngayong araw.”


“Dapat nag text ka na lang.”


“Gusto kitang pormal na ipaalam kay tita.”


“Sus. Babae lang ay?”


“Hindi ba?”


“Sapak gusto mo?”


“So ano? Payag ka ba?”


“Hay naku. Sige na no choice naman ako eh.”


“Sus.”


“30 minutes and I will be ready.” Sabi ko.


“Kahit 1 hour pa yan.”


“Talaga lang ha.”


“Yeah. Dali na.”


Agad naman akong naligo at nagbihis. 


Agad kong binuksan ang laptop ko at skype. 


Offline si kieth kaya nag iwan na lang ako ng message sa kanya.


“Babe.. lalabas kami ni RD. mamasyal lang. pampatanggal sa pagkabugnot. I love you. Sorry ah biglaan ang lakad. Behave ako promise. Mwah.” At bumaba na ako.


Nadatanan ko si mama at si RD na nagtatawanan. 


Agad naman kaming umalis pagkababa ko ng sala. 


May dalang sasakyan si RD at doon kami sumakay.


Nag mall lang kami. 


Nag-ikot-ikot hanggang sa magyaya siyang manood ng sine. 


Maganda rin naman ang mga palabas ngayon.


“Salamat sa libre. Sabi ko.


“Lagi naman eh. Minsan ikaw naman ang manlibre.”


“Kapag ako na ang nagyayang mag gala. Saka.”


“Sus. Ewan lang din.”


“Kapag kasi nagyaya ang isang tao, dapat ililibre niya yung niyaya niya. Ganun yon.”


“Kelan ka pa kaya magyaya. Baka tirik na ang mga mata ko eh hindi ka pa nagyaya.”


“Yun lang. hahaha.”


“Ang kuripot mo.”


“Di ako kuripot no.”


“Nga pala.. alam mo na ba?”


“Ang alin?”


“Si Arjay.”


“Anong nangyari kay Arjay?”


“Umalis siya ng bahay nila.”


“Naglayas siya?”


“Parang ganun na nga. Nag ibang bansa.” Sabi nito.


“Kelan pa?”


“Kagabi lang siya umalis.”


“Saan daw siya pupunta?”


“Sa Amerika.”



Natigilan ako sa narinig ko. 


Amerika? 


Nandoon si Kieth ngayon. 


Paano kung sinundan niya si Kieth doon?


 Paano kung magkita sila doon? 


Anong gagawin ko?


(Itutuloy)

No comments: