Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 27
[Arjay’s
POV]
Bakit
ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ganito?
Ano nga ba ang nagawa ko para
mangyari ang lahat ng ito.
Sa kwentong ito, ako ang dakilang kontrabida.
Pero
bakit ganun?
Ako ang bida sa sarili kong kwento pero nagmumukha akong
kontrabida sa harap ng ibang tao.
Nakakasawa na din.
Marahil
ang ilan ay galit sa akin.
Wala naman akong magagawa dahil ganyan ang mga
kontrabida, kinaayawan ng mga tao.
Pero,
bakit nga ba ganito ang buhay?
Lahat na lang ata ng sa akin ay inagaw ni Alex?
Ano pa ba ang itinira niya sa buhay ko?
Kinuha na niya si Kieth sa akin at
ngayon naman ay inaagaw niya ang papa ko.
Shit siya! panira ng buhay ko.
Di
ko alam kung dapat ko ba pairalin ang pagiging maintindihin ko pero nangyayari
na ang mga bagay na ganito.
Ano pa ba ang dapat kong i-give up para maging
Masaya ako?
Inagaw na rin niya sa akin si RD.
Nag-iisa
na lang ako ngayon dito.
Naglalakad ako ngayon sa mall at walang kasama.
Pinagmamasdan ko na lang ang mga tao na naroroon.
Sa
aking paglalakad ay may nakita kong mag-ama.
Nalungkot ako bigla at nakaramdam
ng pagkainggit.
Dati rati naman ay okay kami ni papa.
Dati rati ganyan din kami
ka-close, pero ano na ang nangyari?
Iniba
ko ang direksyon ng aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita.
Si papa at
si Alex.
Ang saya nila, tila ba kay tagal na nilang mag-ama.
Labis
akong nasaktan at para bang natibag ang aking lakas.
Di ako makapaniwala sa
nakikita ko.
Ang saya nila, nagtatawanan, isang perfect father and son.
Naramdaman
ko na lamang ang pagtulo ng aking luha.
Agad ko itong pinahid at sinundan
silang dalawa.
Ayokong mag gawa ng eskandalo kaya patahimik ko na lang sila
sinundan.
“Pili
ka na kahit ano jan.” sabi ni papa kay Alex.
“Wag
na po. nakakahiya naman po. At isa pa hindi ko naman po yan kailangan.”
“itong
I-pad oh.”
“Ay
mahal po yan diba?”
“Ako
naman ang magbabayad iho.”
“Wag
na po…. saka na lang po…”
“Miss
kukuha ako ng isa nito.” Pagpupumilit ni papa.
“Wag
na po…. di naman po talaga kailangan.”
“Please…”
pagpupumilit ni papa
Walang
nagawa si Alex kundi ang tanggapin ito.
Sa loob ko, ano ba naman ito,
nagpapakipot pa.
pineperahan lang si papa. Tsss.
Marami
silang napamili at ang masakit dito ay hindi namin nagawa ito ni papa ni
minsan.
Itinigil ko ang pagsunod sa kanila at umuwi ng bahay.
Buo
na ang desisyon sa gagawin ko ngayon.
Gusto kong mag-isip, gusto kong
magmuni-muni.
Gusto kong makalayo sa lahat ng problema.
Aalis ako.
Magbabakasyon ako, malayong-malayo sa kanila.
Nag-impake
agad ako ng gamit at nagpasyang umalis.
Mabilis lang naman ang kumuha ng ticket
papuntang America.
Agad naman akong bumaba pagkababa ng sala.
“Anak…
bakit may dala kang gamit? Saan ka pupunta?”
“Ma…
need ko pong umalis…”
“Anak..
di ako papayag!”
“Ma…
kailangan ko ito. Para sa ikakatahimik ng buhay ko.”
“Anak…”
“Ma..
please…”
“Hindi…
hindi ako papayag.”
Nagulat
na lang ako ng biglang lumitaw si papa sa aming harapan. Agad niyang kinuha ang
bag ako pero hinalbot ko naman ito agad.
“Pa..
please…”
“Ano
bang meron jan sa utak mo at nagkakaganyan ka! Basta-basta ka na lang
nagdedesisyon ng hindi nag-iisip.”
“Nag-iisp
ako pa! Nasasaktan din ako pa sa mga nangyayari. Pabyaan na ninyo ako. Kahit
ngayon lang. gusto kong matahimik!”
“Anak
naman…”
“Pa..
kailangan ko to. Pa… kailangan kong mag-isip. Kailangan kong magsolo pa.
pagbigyan ninyo na ako.. kahit ngayon lang.”
Napatigil
silang dalawa sa sinabi ko.
Nabitawan ni papa ang bag ko at hinayaan ako.
Niyakap ko silang dalawa.
“Babalik
ako pa, ma. Pangako, magiging okay ako pagbalik ko.”
“Aantayin
ka namin anak.” Sabi ni papa.
“Sorry
pa… sorry…”
“Wag
kang mag sorry anak.”
“Aalis
na po ako.”
“Maglalagay
ako ng pera sa bank account mo. O kaya magdala ka ng pera na gagamitin mo.”
“Okay
na ako pa. tatawag na lang po ako kapag may problema ako.”
Tumalikod
ako sa kanila habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.
Mabilis
lang ang byahe ko papuntang airport.
Lahat ng bagay na maaring makadistract sa
akin ay iniwan ko.
Naging
okay lahat ng transaction ko papuntang ibang bansa.
Kinuha ko ang cellphone ko
para i-turn off ito pero bigla kong naalala si RD.
agad ko muna siyang
tinawagan.
“Hey…”
sabi ko.
Buti
at gising pa siya.
“Oh napatawag ka?”
“See
you then…” sabi ko.
“Ha?”
“Sa
pagbabalik ko gala tayo.”
“Pagbabalik?
I don’t understand you.”
“Aalis
ako…”
“san
ka pupunta? Pasalubong ah.”
“Sa
States. Hahah.” Sabi ko.
“Oh?
Bakit biglaan ata?”
“Basta
mahabang kwento.”
“Di
ka man lang nagsasabi nakakatampo na.”
“Ikwento
ko pagbalik ko. Got to go.”
“Ingat
ka ah. Tawag ka lang kapag may kailangan ka.”
“yup.”
Pintay
ko na ang phone at tinanggal ang sim card.
Di ko naman yun magagamit doon.
Tumayo na ako para umalis.
Sana pagbalik ko dito ay maging okay na ako.
[Alex’s
POV]
“Hoy
kanina ka pa tulala jan.” sabi ni Charlene.
“Ah
eh…” ang tanging nasagot ko.
“Para
akong timang dito ano. Parang walang kasama, ayaw mo kasing magsalita.”
“May
iniisip lang.”
3
araw na ang nakakalipas nang malaman ko na lumipad papuntang America si Arjay.
Sinundan ba niya doon si Kieth?
Hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon ay
hindi pa kami nagkakausap ni Kieth.
“Ano
ba kasi yang problema mo?”
“Diba
nga sabi ni RD na pumuntang America si Arjay?”
“Ah.
Edi sumunod ka.”
“Wow
ah nakakatulong yang advise mo.”
“Best
naman. Magtiwala ka kasi kay Kieth. Akala mo naman lolokohin ka niya. Mahal ka
nun at hindi yung gagawa ng hindi dapat. Trust him.”
“Kay
Kieth may tiawala ako, kay Arjay wala.”
“Hay
naku. Best mapaparanoid ka kakaisip jan eh.”
“Di
mo naman maaalis sa akin yun eh.”
“Kung
sinabi mong yan lang pala ang gagawin natin eh dapat sa bahay ninyo lang tayo
naglagi.”
“Haixt.”
“Cheer
up. Kaya tayo lumabas ay para ma clear yang utak mo.”
“Di
ko kais maiwasang isaip-isipin ang mga maaring mangyari.”
“Lalo
mo lang pinapatunayan na wala kang tiwala kay Kieth.”
“Meron…”
“Wala…”
“Haixt…
nag-aalala lang ako. Nagseselos. Kasi siya malapit na siya kay Kieth
samantalang ako.. napakalayo.”
“Best…
imagine ang America, napakalaking bansa yun. Malay mo naman napunta si Kieth sa
isang dulo at si Arjay sa isang dulo.”
“Waaaaaaah!
Nababaliw na ako.”
“Kaya
tigil na kasi ang pag-iisip.”
“Oo
na. mag enjoy na lang tayo!”
“Sure!”
at hinila na niya ako paalis.
As
usual, ginamit na naman akong display ng napakaganda kong best friend.
Pinagtitinginan kami dahil nakikilala nila ako.
Ang lakas ng trip ng babaeng
ito na pumasok sa boutique store ng company na pinagtra-trabahuhan ko bilang
model.
“Hi
sir.” Sabi ng mga staff.
“Hello.”
Ngiti ko.
“Oi
best… akalain mo may picture ka dito.”
“May
sayad ka ba?”
“Wala
matino ako.”
“Ewan
sayo.”
“Hahahah.
Tara na nga.”
“Luka
ka talaga.”
“Tara
na nga.”
Dumaan
ang ilang araw at wala pa ring paramdam si Kieth.
Nag-aalala na nga ako sa mga
nangyayari sa kanya.
Haixt.
Sana naman maging okay ang lahat doon.
2
araw na lang at pasko na.
ang lungkot ng pasko ko kasi kulang ako, but still,
nariyan pa naman ang family at friends ko para sumuporta sa akin.
Kausap
ko ngayon si RD.
Binisita niya ako sa bahay.
Ilang araw na kasi akong
nagmumukmok.
Pinapagaan lang niya yung pakiramdam ko.
“Ano
nagmumukomok ka na naman jan?”
“Eh
kasi…”
“Nangyari
na ang nangyari…”
“Haixt.
Nag-aalala pa rin ako sa pagpunta ni Arjay sa ibang bansa.”
“Move
on na nga… ano ka ba. Kilala ko si Kieth.”
“Okay…”
“Walang
magagawa yang pagmumukmok mo… kung magmumukmok ka lang eh walang mangyayari jan
sa buhay mo.”
“Oo
na po.”
“Ngumiti
ka nga. Ang panget tignan eh.”
“Di
ko lang maiwasan.”
“Ano
ba naman yan.”
“Oo
na. ako na.”
“Haixt.”
“Napapadalas
ang dalaw mo dito ah? Nililigawan mo ba si mama? Sabihin mo lang at nang magisa
ka na agad-agad.” Pagbibiro ko.
“Tangek
ka talaga yats. Ikaw nililigawan ko.”
“Alam
mo ang galing mo mag joke sobra.”
“Seryoso
ako.”
“Pile…..
Korny ng Joke.”
“Anak
sinali mo pa ako…” sabat ni mama.
“Anjan
pala kayo ma. Di ko ramdam.”
“Kadarating
ko lang. saktong narinig ko ang sinabi nitong manliligaw mo. Kow lagot ka jan
sa asawa mo.”
“Loyal
to ma.” Sagot ko.
“Tsura
mo. Akala mo naman eh liligawan talaga kita.”
“Wag
ka nga. Umamin ka na sa akin dati eh.”
“Dati
yun.”
“Bakit
hindi na ba ngayon?”
Natigilan
siya ng bahagya.
Naging seryoso ang mukha niya kaya napatigil ako.
Tinitigan ko
siya pero parang galit siya.
naoffend ko ba siya sa mga pinagsasabi ko? Haixt.
“Ui…
sorry na.” sabi ko.
“Ha?”
“Mukhang
nagalit ka eh. Or nainis ka.”
“Wala
yun.”
“Eh
bakit ka nanahimik?”
“May
naisip lang ako bigla…”
“Ano
yun?”
“Nevermind.
Wala yun.”
“Ano
nga yun?”
“Wala
nga. Kaw talaga. Nga pala may gagawin ka bukas?”
“Ewan
sayo.” Tumayo ako at umupo sa kabilang upuan.
Lumapit
siya sa akin at nagulat ako nung niyakap niya ako.
Medyo nagulumihanan ako sa
nangyari.
May iba kasi akong naramdaman na hindi dapat.
“Nagtampo
agad to.”
Nailang
ako bigla.
Kakaibang ilang ang naramdaman ko.
Parang may malisya?
Ano ba Alex
ang pinag gagawa mo sa sarili mo?
Kung anu-ano ang pinag-iisip mo.
“May
gagawin ka bukas?” tanong ko bigla at tumayo.
“Ako
nagtatanong niyan kanina eh.”
“Ah
eh…”
“Sabay
tayong magsimbang gabi bukas? Ayos lang ba?” tanong niya.
“Sure…
ikaw pa. hahaha.”
“Nood
tayo movie ngayon.” Sabi niya
“Anong
gusto mo bang movie?” tanong ko.
“Patingin
nga ng list.”
Kinuha
ko yung laptop at ipinakita ko ang mga downloaded movies ko. Hahahah.
Sorry po
sa mga hindi namimirata sa torrentz, need magtipid kaya padownload download
lang.
“May
porn ka ba dito?” seryoso niyang tanong.
“Loko
ka. Kung anu-ano pinaghahanap mo.”
“Eh
yun gusto ko.”
“Di
ko akalin na malibog ka pala. Taglibog ka ngayon ano? Tsk tsk. Yan kasi. Pahinga din pag may time.”
“Di
na virgin eh.”
“Yuck.
Di ka na virgin? Tsss. Ganun ba yun?”
“Ewan.
Hinahanap hanap ko na kasi after that incident.”
“Mahiya
ka nga. Kausap mo ako.”
“Normal
lang yan.pareho naman tayong lalaki at 18+ na tayo.”
“Ewan
ko sayo.”
“Ang
childish mo naman.”
“Naiilang
lang ako.”
“Kow
kawawa ka naman. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.”
“Joke
lang. Ewan. Wag nga natin pag-usapan yan.”
“Bakit
tinitigasan ka ba?”
“Oy
mokong ka. Straight forward ka ba talaga magsalita?”
“Oo.
Di na virgin eh.”
“Laging
yan ang dahilan eh. Kasusot ah.”
“Joke
lang. oh eto may nahanap na ako.”
“Oh
ano yan?”
“Skyfall.”
“Ah
okay sige. I-set mo na dun sa TV.”
“Bahay
ko to yats?”
“Feel
at home. Total lagi ka naman nandito.”
“Sus.
Mamaya niya masyado kong ma feel at pakasalan na kita.”
“Shut
up.” Sinabi ko na lang.
Buong
maghapon movie marathon kami.
Wala rin akong natanggap na anumang message or
tawag mula kay Kieth.
Isa sa mga pinag-aalala ko ay baka nga nagkakasiyahan na
sila ni Arjay doon.
Ayokong mag-isip ng kung anu-ano dahil nasasaktan lang ako.
Nagbukas
ako ng facebook at nag message sa kanya.
“Hi
babe. Miss you so much. Sobrang busy mo na ata at nakalimutan mo na ako. Hope
you are doing okay jan. How’s tito pala? Kamusta na siya? miss na miss na miss
na pala kita kung alam mo lang. Natatakot ako baka may kung sino ka ng
karelasyon jan ha. Pero joke lang. may tiwala ako sayo babe. Nga pala, malapit
na magpasko. Dumaan na ang mga araw at malapit na rin ang panibagong monthsary
natin. Ingat lagi.:) I love you <3 data-blogger-escaped-ang="" data-blogger-escaped-ko.="" data-blogger-escaped-nasabi="" data-blogger-escaped-o:p="">
Kailangan
kong matulog ng maaga para bukas pero hindi ako makatulog. Haixt.
Nakita ko ang
camera recorder namin at naisipan kong magrecord ng kanta.
Uhmm.
Ma try nga.
“Hi!
Dahil namiss kita, naisip ko tong kantang ito. Bakit kamo? Basta may meaning
ito. Kasi You Found me sa mga panahong nahihirapan ako. I love you babe.
Magparamdam ka na ah.”
Inayos
ko ang sarili ko saka ako kumanta.
“Lost
and insecure, You found me, you found me. Lyin' on the floor, Surrounded,
surrounded. Why'd you have to wait? Where were you? Where were you? Just a
little late You found me, you found me. In the end. Everyone ends up alone.
Losing him. The only one who's ever known. Who I am, Who I'm not, who I wanna
be. No way to know, How long she will be next to me. Lost and insecure. You
found me, you found me. Lyin' on the floor, Surrounded, surrounded. Why'd you
have to wait? Where were you? Where were you? Just a little late. You found me,
you found me”
Matulog
ako na nangungulila.
Kinakabahan ako sa maaring mangyari.
May masama kayang
nangyari kaya hindi siya nakakapag online?
Haixt.
Hope things will be okay.
I-upload ko na lang yung bukas.
Tutulog na ako para naman bukas may sapat akong
lakas.
Nagpagising
na ako kay mama.
Medyo minsan kasi tulog mantika ako kaya ayon.
Maaga akong
umalis ng bahay, nakakahiya naman sa kanya kung mahuhuli ako.
“Hey.”
Bati niya sa akin paglabas ko ng bahay.
“Oh..
bakit andito ka? Akala ko sa simbahan tayo magkikita?”
“Sabay
na tayo.”
“Excited
lang?”
“Hahaha.
Eh nakakatamad kapag wala kang kausap doon.”
“Sus
magsisimba tayo ah hindi magdadaldalan.”
“I
know Fr. Alex.”
“Sapakin
kita jan eh.”
“Brutal
eh.”
“Di
ah. Mabait ako.”
“Tara
na.” yaya niya
Maraming
tao.
Ganun naman talaga eh.
Maraming mga tao ang nagsisimba.
Pinagmasdan ko
yung ibang tao at nakita ko na pamilya sila kung magsimba. Haixt.
Sana mabuo
din ang pamilya ko.
Sana makasama ko sila sa pagsimba.
Napansin ata ni RD na
kung saan-saan ako tumitingin.
“Ano
naghahanap ka ng gwapo? Katabi mo na oh.”
“What
the eff.” Sabi ko.
“Ano
ba tinitignan mo? May hinahanap ka ba?”
“Wala
naman. Hahaha.”
“Sus.”
Natapos
ang misa na tahimik lang ako.
Napansin yun ni RD dahil kadalasan madaldal ako.
Dinala niya ako sa masarap na kainan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkain.
Kay tagal kong tinitigan ang mga pagkain dahil nasasabik ako sa kanila.
“Wow.”
Ang nasabi ko.
“Alam
kong favorite mo yan.”
“Nag
research ka talaga ah.”
“Naman.
Para sayo.”
“Sus
eksena mo.”
“anong
nangyari ba sayo? medyo naninibago ako ah.”
“Wala
marami lang iniisip.”
“Masyado
mo na atang namimiss si Kieth ah?”
“Di
naman. Sobra lang.”
“Sus
kumain ka na lang.”
“Oo
ikakain ko na lang to.”
“Gwapo
mo.” Sabi niya
“Ako
pa. wag ka nga. Mainlove ka pa sa akin.”
“Ayaw
mo nun?”
“Ewan
sayo.” Nagulat ako nang pagharap ko sa kanya eh sinubuan niya ako.
“Ang
sweet.” Dagdag ko.
“Saan
mo gusto pumunta pagkatapos natin dito?”
“Sa
plaza. Para makarating naman ako doon.”
“Sure.”
Sabi niya
“Ikaw
magbabayad neto ha. Ikaw nagyaya sa akin eh. Kung anu-ano pina-order mo sa
akin.”
“Oo
alam kong barat ka sa pera kaya ako na ang magbabayad. Nahiya naman ako sayo.
Mapera ka nga sa akin.”
“Kapal
mo din.”
Habang
nakain ako, di ko maiwasan ang mailang, hindi dahil kasama ko si RD kundi pinag
u-usapan ako ng mga tao.
Mukhang may nakakakilala sa akin.
Kaya bawat titingin
sila ay nakangiti lang ako.
“Diba
yan yung model dun sa isang brand ng damit?” sabi ung babae.
“Oo
nga eh. Ang gwapo talaga pero balita ko bakla daw eh.”
“Ayos
lang yun gwapo naman. Mareremedyuhan pa yan.”
“Baka
boyfriend niya yung kasama niya.”
“Gwapo
din. Sayang talaga. Pero ang simple nila oh, di sila maarte. Kumakain din sila
dito sa mga turo-turo.”
“Kaya
nga nakakaturn on eh.” Bulungan ng mga babe.
Akala
naman nila ay hindi ko sila naririnig.
Mga luka talaga.
Nararamdaman kong
ngumingiti lang si RD dahil naririnig namain yung mga pinagsasabi nila.
Di
ko na lang sila pinapansin, sanay na naman ako sa mga ganun.
After namin kumain
ay naglakad-lakad na kami papuntang plaza.
Walking distance din yun.
Malapit
din doon yung isang park.
Magkalapit lang as in magkadugsong lang.
nilibot ko
ang aking paningin sa aking paligid.
Namangha lang ako sa mga nakikita ko.
Di
siya ganun kalaki pero mapapansin mo pa rin ang konting kalinisan.
Kakaunti
lamang ang tao dahil sa masyado pang maaga ngayon.
“hoy.” Biglang sabi ni RD.
“oh?”
sagot ko.
“Masyado
ka atang namangha.”
“Wag
ka nga.”
Kinuha ko yung salamin ko at isinuot ko.
“O
bakit ka nagsalamin? Nanlalabo ba paningin mo?”
“Wala
lang. Para konti ang taong titingin.”
“Ah.
Okay.” Sagot niya.
“Kamusta
kayo ni Arjay?” tanong ko.
“Were
okay naman.”
“Ah.
Kamusta siya doon?”
“Wala
kaming communications. Ni hindi siya nagbubukas ng facebook at skype eh. Bakit
mo naman natanong?”
“Ah
eh wala naman.”
“Hindi
pa rin ba kayo okay?”
“Nope.
Hanggang ngayon wala pa ring pagbabago. Ewan ba. Mukhang matagal pa bago
mangyari yun.”
“Eh
sa nag-aagawan kayo sa iisang lalaki eh.”
“Tss.
Pero somehow naisip ko na baka hindi kami magkakabati hanggang kami ni KIeth.”
“Bakit
mo naman naisip yan?”
“Remember?
Nagsimula ang lahat nung nalaman niya na kami ni KIeth.”
“Pero
alam mo ang katotohanan na wala sila at iniwan siya ni Arjay.”
“Kahit
na.”
“Cheer
up. Masyado kang nag-iisip. Siguro iniisip mo na may namamagitan na sa kanilang
dalawa doon ano?”
“May
tiwala ako sa kanya.”
“Pero
may part ng utak mo ang nagsasabing hindi ka komportable.”
“Anong
magagawa ko ba?”
“Trust
enough. Kilala ko si Kieth, hindi naman yun ganun na iniisip mo.”
“Magbati
nga kayong dalawa.” Sabi ko.
“Saka
na.”
“Ang
daming alam.”
Umupo
ako sa isang tabi. “CR lang ako.” Sabi niya
“Sige
dito lang ako.”
“Okay
sige hintayin mo ako dito.”
Habang
hinihintay siya, kinuha ko yung phone ko at nagpicture sa sarili.
Medyo vain
din ako sa pictures hahaha.
Pang
instagram din yun.
Hinarap ko ang cell phone ko sa iba’t-ibang lugar hanggang
sa may mapansin ako.
Isang lalalaki na umiiyak.
Agad
akong napatayo at tinitigan ang lalaki.
Kakaiba ang kinikilos niya.
Parang may
mali sa kinikilos niya.
Agad naman akong lumapit at naririnig ko ang mga hikbi
niyang malalakas.
Hanggang
sa makita ko na nanghihina siya at parang gulay na unti-unting nalalanta.
Nawawalan siya ng hininga.
Napatakbo naman ako agad sa kinaroroonan niya nang
makita ko na humandusay siya.
“Pre
okay ka lang ba… sumagot ka..” taranta na sabi ko.
Mahina
ang tibok ng pulso niya.
Mukhang inatake siya ng asthma.
Nataranta ako ng sobra
kaya nagsisigaw ako.
Agad namang lumapit ang mga tao at sa wakas nakita ko rin
si RD.
“RD
dalhin natin siya sa ospital.” Sigaw ko.
“Anong
nangyare?”
“Mukhang
inatake siya ng asthma.”
“Sige
sige. Tara na.”
Binuhat
namin yung lalaki at agad na tumakbo sa ospital.
Agad ko namang hinanap sa
contacts niya yung maaring makausap.
Nakita
ko na may denial siyang number kaya nakailang call ako pero walang nasagot.
Nasa ospital na kami noon ni RD at takot na takot na ako.
“Anong
nangyari sa kanya?”
“Nakita
na lang po naming na nakahandusay po eh.”
“Kakilala
po ba ninyo siya?”
“Hindi
po eh.”
“Siguro
dapat hanapin na ninyo ang kamag-anak niya. Mukhang may sakit siya sa puso.”
Sabi ni doc
Agad
ko namang sinipat pa yung mga contacts niya at tinawagan ko ang mama niya.
“Hello…”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment