Monday, September 23, 2013

Less Than Three- Part 28





This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 28

(Confuse)





[Kieth’s POV]


Bakit ba ganito kahirap ang pinagdaraanan ko ngayon? 


Ano pa ba ang kailangan iparamdam sa akin at sa pamilya ko. 


Lalo daw lumala ang kalagayan ni papa. 


Sobrang busy na ako ngayon at walang oras sa ibang bagay.


Nangangamba ako dahil baka namimiss na ako ng mahal ko. 


Pero still, naisip ko na baka need din namin ng distance at baka kako magsawa kami pareho sa isa’t-isa.


Nasa ospital kami ngayon at nakaready na para sa panibagong operasyon kay papa.


 Last operation na to kung sakali ngayong buwan.


Kamusta na kaya si Alex? 


Ano na kaya ang ginagawa niya doon? 


Sino kaya ang kasama niya? 


May pinagbilinan naman ako sa kanya at may tiwala ako kay Alex na may babalikan pa ako.


“Anak, okay ka lang ba? Baka naman napapagod ka na, magpahinga ka na muna.” tanong ni mama.


“Yeah. Medyo pagod lang ma.”


“Pahinga ka na muna kaya. Mukha ka ng haggard na haggard eh.” Sabi ni mama.


“Okay lang ako ma. Kayo po ang may kailnagan mag pahinga. Stressed na stressed kayo oh.”


“Nag-aalala kasi ako sa kalagayan ng papa mo.”


“I know gagaling siya mama. Tiwala lang po kay God. Ako na muna po ang mag-aasikaso kay papa. Matulog na muna po kayo.”


“Yeah. Tiwala kay God. He’s there for us. By the way anak, mukhang napapdalas ka dito. Di na kayo nagkakausap ni Alex ah.”


“Oo nga po eh. Mas importante naman to ma at naiintindihan iyon ni Alex.”


“Pero I think that you should check him.”


“Mas okay na rin siguro to ma. Set our distances.”


“May problema ba kayong dalawa?”


“Wala naman po.”


“Okay sabi mo eh.”


“Ma… don’t worry.”


“Sure ka ba jan sa gagawin mo?”


“Opo.”


“Anak… sa January pwede ka ng umuwi. Baka makaabala kami sa pag-aaral mo.”


“Hindi ma.. kailangan po ninyo ng makakasama dito.”


“Pero anak.”


“Ma trust me.”


“Pero anak.


“Ma… kailangan ninyo ako.. kailangan ko din ito.”


“Sigurado ka ba?”


“Opo.”


“Paano si Alex?”


“Ako na po ang bahala ma.”


“Baka makasira lang to sa pagsasama ninyo.”


“Ma… kailangan ninyo ako. Put Family first at isa pa. alam kong maiintindihan ako ni Alex.”


“Sige. Salamat anak.”


“Gusto ko din namang bumawi.”


Niyakap ako ni mama ng mahigpit. 


Haixt. 


Kaya to. 


Kakayanin ko ito. 


Ilang araw na lang at magpapasko na. 


haixt.


 I miss him pero kailangan tiisin. 


Kailangan kong masanay.


Dumaan ang isa, dalawa, tatlo at maraming araw at still wala kaming communication sa isa’t-isa.


 Nag decide ako na sa 24 ng gabi ko na lang siya kakamustahin. 


Malapit na rin ang monthsary naming dalawa. 


Haixt.


Gusto kong punatahan siya pero wala naman akong magagawa. 


Tiis-tiis lang din. Kaya to. Kakayanin ko… kakayanin namin. 


Namimiss ko siya at alam kong nag-aalala siya sa akin.


“Malapit na ang pasko anak ha… mag gala ka muna kaya. Ako muna dito.”


“Dito na lang ako ma.”


“Need mo to anak. Mukha ka ng dugyot dito. Take your time na maglibang.”


“Sige po. Kayo po bahala.” Mapilit si mama eh.


“Bilhan mo ng pasalubong boyfriend mo.”


“Yup. Sigurado ako na yun ang best na magagawa ko para makabawi.” Sabi ko.


“Damihan mo. Tandaan mo, kapag di mo nakatuluyan yang si Alex eh magtatampo ako sayo.”


“Ikaw talaga ma oh.”


“Siya lakad na.”


“Sige ma pero mamaya na lang. Promise talaga mamaya mamasyal ako.” Sabi ko.


“Anak… may problema ba?” tanong agad sa akin ni mama.


“Wala naman po bakit po?”


“Naninibago ako sayo.”


“Masyado lang po kayong nag-iisip ma.” Sagot ko.


“kilala kita Kieth Jerickson Lee. Alam ko ang bawat hininga na inilalabas ng yang ilong at bibig mo.”


“Ma naman.”


“Binibiro ka lang. Miss ko na si Alex. Yung kasweetan niya. Haixt. Sana makita ko na siya ulit.”


“Im sure miss ka na ninyon ma.”


“Mas miss ka niya.”


“Nagkakadramahan tayo eh.”


“Siya siya. mag ready ka na. bibigyan kita ng pera, mamaya maligaw ka.”


“I’m grown up na ma.”


“Yeah. Halata nga, pwede ka ng mag-asawa.”


“Oh talaga ma? Pwede? Pagbalik ko sa Pilipinas yayain ko na si Alex mag pakasal.”


“Abay siguraduhin mong may ipapakain ka sa kanya.”


“Madami ma… napaka dami. Katawan ko pa lang…”


“Hoy anak, ang dami mong alam.”


“Biro lang ma.”


“Anak… anuman ang mangyari sa inyo ni Alex… boto ako sa kanya ha. Siya na ah. Wag ka ng mag loloko pa ha. Siya gusto kong makatuluyan mo.”


“Ma ano ang nakita mo kay Alex para bomoto ka sa kanya? Yun bang tipong sa kanya ko lang nakita na pumayag ka. I remember dati ikaw ang unang tumutol sa amin ni Arjay. Dati ikaw pa yung nagsusulsol kay papa na paghiwalayin kami. Anong nangyari ma?” tanong ko.


“Mahabang istorya anak.”


“Handa akong making ma.”


“Hay naku ikaw bata ka.”


“Nakakpanibago lang. ganun na ba ninyo ako katanggap ma? Okay na ba sa inyo itong kinahinatnanan ko?”


“Sa totoo lang anak, minsan nanghihinanayang ako, ang ganda pa sanang  magkaroon ng iba pang generasyon yang lahi mo. Ganda ng lahi na maipro-produce mo, ang gwapo mo anak. Mana ka sa papa mo. Pero habang naiisip ko na masaya ka sa ginagawa mo, nakukuntento ako. Nanjan pa naman ang ate mo eh at isa pa, maraming paraan para magkaroon ka ng anak.”


“Sa totoo lang ma, di ko alam na ganito ang kahihinatnan ko. Akala ko magbabago pa ako ng preference but I guess, this is me.”


“Kaya nga nagalit ako kay Arjay ng sobra noon, kasi nang dahil sa kanya ay binago ka niya. Nawala ang anak ko. Pero narealize ko na mali pala ako.”


“Kaya ba noong dumating si Alex ay natanggap mo siya agad?”


“Hindi anak…”


“Eh ano po yon ma?”


“I observed you. Napansin ko na naging masigla ka… naging buhay ka… kahit na hindi mo alam na si Alex ay si Kian… Naramdaman ko yung salitang love… yung sparks nakita ko rin.. at bagay naman talaga kayong dalawa. Naalala ko naman ang sabi ng papa mo.”


“Ano yun ma?”


“Love is a never ending space.”


“Anong ibig sabihin nun ma?”


“Na ang pagmamahal sa tao ay hindi lang basta-basta. Isa siyang space o espasyo na pupunan mo.”


“Ma paano kung mag-asawa ako.”


“Anak… wag mo ngang sabihin yan.”


“Ma paano lang naman.”


“Anak wag kang gagawa ng desisyon na basta-basta. Hindi porket sinabi ko na gusto kong magkaapo sayo eh magpapakasal ka na agad. Ayokong manakit ka ng damdamin ng iba ng dahil doon. Masya na ako sa kung ano ka ngayon.”


“Masyado naman kayong look forward ma.”


“Ikaw kasing bata ka kung anu-ano ang pinagsasabi.”


“I love you ma..” nasabi ko.


Kita ko ang pagtulo ng luha ni mama. “Ma?” tanong ko.


“Sorry… Masaya lang ako.”


“Bakit ka umiiyak ma kung Masaya ka? Tears of joy?”


“Oo anak… ngayon na lang ulit kita narinig na nagsabi ng ganyan.”


“Ay si mama.” Niyakap ko siya ng mahigpit.


“Alis ka na anak. Baka magkadramahan pa tayo dito.” Sabi niya


“Pinapaalis mo naman ako agad.”


“Para makauwi ka ng maaga.”


“Sige na nga.”


“Ingat ka ha.”


“Oo na ma.”


“Pasalubong namin ah.”


“Opo.”


Umuwi muna ako ng bahay, naligo at nagbihis. 


Amoy pawis na din kasi ako eh kaya mas okay kung refreshing ang pakiramdam ko. 


Napansin ko lang, di masyadong ramdam ang Christmas dito, di naman sa kulang yung mga palamuti pero yung essence talaga ng Christmas kulang.


Christmas is not about having those decoration or what, it is about love, family, God and special ones. 


Mas magiging Masaya ka kapag hindi pera ang nasa isip mo.


Nagmadali akong magbihis at saka lumabas ako ng bahay. 


Agad naman akong naglakad-lakad at tumingin sa mga boutiques. 


Mura ang mga tinda sa unang napasukan ko.


Ang gaganda ng mga figures, sigurado akong magugustuhan yun ni Alex. 


Naghanap pa ako sa ibang boutiques hanggang sa may makita ako.


 Agad ko naman binili ito.


“Excuse me. Miss, I would like to ask if how much this necklace cost?” tanong ko.


“$6.25 only.”


“Ah. I will get it.”


Lumipat pa ako sa iabng stores at marami akong nahanap.


 Sa aking paglalakd, marami akong mga Filipino na nakakasalubong. 


Ngiti naman ang sinasagot ko.


Napansin ko lang na medyo nawawala yung pagiging masungit ko at isnabero. 


Nawala na pagkasuplado ko. 


He change me in his own way. 


Nagbago ako hindi dahil kailangan niya kundi dahil kailangan ko.


“Psst.”


Sa pagmumuni-muni ko, nagulat ako ng may sumitsit sa likuran ko.


 Agad naman akong napalingon at nagulat sa nakita ko.


 Anong ginagawa niya sa lugar na ito? 


Hindi siya yung tipo ng tao na inaakala ko na pupunta dito, at nag-iisa.


“Arjay?” sabi ko.


“Yeah. Surprise?”


“Well yeah surprise talaga. Hindi ko akalain na nandito ka.”


“Oh ano ginagawa mo dito?” tanong niya


“Dapat ako ang nagtatanong sayo kung ano ginagawa mo dito.”


“Nagbakasyon ako dito. Para makaiwas sa problema… pero di pala.”


“So ako ang problema?”


“Joke lang. Eh ikaw ba?”


“Nagbabalasyon I guess? Hahah. Just Kidding. Dito magpapaopera si papa.”


“Anong nangyari kay pa… kay Tito?”


“Mahabang istorya.”


“Coffee?”


“Sure.”


We took some time, kwentuhan at bonding na rin. 


Medyo ibang-iba ang Arjay na nakita ko, libirated, open at straight to the point. 


At some point, ang daming nagbago sa kanya. Nakikinig lang muna ako sa kanya.


“Kamusta kayo ng kapatid mo?”


“Well yung jowa mong hilaw, ayon di kami okay. Mang-aagaw sya. Ano pa bang nabago dun? Yun pa rin ang tingin ko sa kanya.”


“Stop it.”


“Sorry. I forgot, boyfriend ka niya. Akala ko akin ka pa eh. But I guess, mali yung sabihin kong inagaw ka niya sa akin kasi from the start, wala ka na sa akin nung naging kayo.”


“Just stop it. Di ako sanay.”


“Welcome to the new me. Eto na ako eh so be on it.”


“Naaah.”


“By the way, di ko inaakala na mapupunta ka dito… na makikita kita dito.. I guess… pinagtadhana talaga tayo dito.”


“just for a reason.”


“Na maging tayo ulit.”


“Past is past.”


“I know.. past is past.. never been back.. but there’s a future to call back.”


“Di rin.”


“Just kidding. Haixt.”


“Masyado kang transparent.”


“What do you mean?”


“Halatang-halata na pinipilit mo lang ang sarili mong maging ganyan.”


“Di ah.”


“Wake up.”


“Hay naku. Nag-aaksaya ka lang ng panahon. Need to go na. sige.”


“Hey your number.” Sabi ko.


Bigla na lang siyang umalis at nagdire-diretso.


 Hindi na niya ako hinintay at hinayaan na mag-isa. 


Hindi ko na siya hinabol pa at hinayaan ko na lang siya.


Narinig ko na lang na nag ring ang phone ko. 

Tinignan ko kung sino at nakita ko na natawag ang pinsan ko dito sa US.


“Hello insan.” Sagot ko.


“Oi insan… bro pwede ka mamayang gabi? Labas naman tayo?”


“Oh? Uhm.. Christmas eve eh.”


“Sabagay. Uhm sa 26 na lang para walang sabit.” Sabi nito.


“Sige sige.”


“Club tayo ah. Gimik gimik.”


“Makapag club wagas ah. Mamaya ibubugaw ninyo ako bro.”


“Hahahah. Sabi ng mama mo eh. Hahah joke.”


“Sabi na at tinawagan ka ni mama.”


“She’s concern lang sayo. Sige. Got to go. See you then.”


“Text text na lang. keep in touch ah baka makalimutan ko.”


“Sure.” The he ended the call.


I decided to continue checking out different stores. 


After 2 hours, nag desisyon na akong umuwi at binuksan ang laptop ko.


[Alex’s POV]


“Kayo po ba ang mama niya?” tanong ko.


“Oo ako nga. Anong nangyari sa anak ko?!”


“Nakita ko na lang po na umiiyak siya. Napansin na lang po naming ang panghihina niya at lumuhod sa may parfk at unti-unting nahihirapang huminga.”


“Salamat sa pagtulong mo iho. Salamat at tinulungan mo ang anak ko. Kung wala kayo eh baka wala na ang anak ko.”


“Ano po ba ang mayroon siya?”


“May asthma siya. May sakit din siya sa puso.”


“May problema po ba siya?”


“Sa puso… baka hindi sila nagkaintindihan ng boyfriend niya.”


So bisexual din siya.


 what a coincidence.


 “What’s your name iho?” tanong ni tita.


“Alex po. Alex Rosales. Siya po pala si RD.” pakilala ko.


“Salamat Alex. Tatanawin kong utang na loob ito.”


“Walang anuman po. Ginawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama po.”


“Heto oh…” may inabot siya sa aking pera.


“Tita.. hindi na po kailangan.”


“I insist iho.”


“Mas kailangan po ninyo iyan.”


“Maraming salamat po. Maraming-maraming salamat.”


“Alam ko po na magiging okay siya tita. Trust HIM.”


“Oo iho. Alam ko. Kakayanin niya yan dahil sa tulong ng Maykapal.”


“Kung may maitutulong pa po ako, tawagan lang po ninyo ako.” Ibinigay ko ang number ko.


“Yaan mo iho, makakabawi din kami sayo.”


“Wala po yun. I’m sure gagawin din yun ng iba.”


“Basta salamat.”


“Aalis na po kami.”


“Sige salamat ulit iho.”


Umalis na rin kami ni RD. 


Masyado akong ninerbyos sa mga nangyari. 


Tahimik lang namin na binabaybay ang daan papunta sa bahay naming.


“Ayos ka lang ba?” tanong ni RD.



“Yeah.”


“Mukha kang nawalan ng dugo sa mukha ah. Ang putla mo. Dapat nagpatingin ka.”


“Di na kailangan.”


“Ay nako. Sigurado ka ba?”


“Oo kailangan ko lang magpahinga.”


“Sige sabi mo.”


“Salamat.” Sabi ko.


“Walang anuman. Ikaw pa. malakas ka sa akin eh.”


Ngumiti na lang ako at inihilig ang sarili ko sa upuan. 


Nahihilo lang ako sa mga nangyari. Haixt. 


Sobra talaga akong kinabahan haixt.


 His face was so sorrowful. 


Masyadong nagdadalamhati.


Di rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay namin. 


Agad naman akong pumasok at naghilata sa sofa.


 Pinaupo ko rin siya.


“Mukhang pagod ka ah. Kaagang-aga.” Bati ni mama


“Mahabang kwento ma. Papahinga na ako.”


“Sige. Akyat ka na.”


“RD… tulog na ako.. pagod lang…”


“Sige yats. Pahinga ka na.”


“Dito ka na kumain RD.” sabi ni mama.


“Kumain na po ako.”


“Gusto mo bang mag stay muna dito?”


“Uhm… pwede rin po. Kwentuhan tayo tita.”


“Sige iwanan ko muna kayo jan.” sabi ko.


Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog agad. 


Ang sakit kasi ng ulo ko. Haixt. 


Need ko ng pahinga. 


Ang dami kong iniiisp sa utak ko. 


Na-stressed talaga ako.


Nagising na lang ako at maitim na ang ulap sa labas ng bahay.


 Mukhang gabi na ah. Suot ko pa rin ang damit ko kanina. 


Di na ko nakapag palit pa. 


Ang haba pala ng tulog ko at nagugutom na ako.


Agad naman akong bumaba at nagulat ako ng makarinig ako ng mga tawanan. 


Si RD pala ay nasa bahay pa namin. 


Agad naman akong bumaba at nakita nga sila mama na nagkwentuhan.


“Oh anak good morning.” Bati ni mama.


“Good morning talaga ah.”


“Hahaha.” Tawa nila.


“Gutom na ako.”


“Tamang-tama kakatapos ko lang iluto yung favorite mo.”


“eh? Di nga?” at nag spark yung mata ko.


“Sige na at ipaghain mo na yang best friend mo.” Sabi ni mama at busy sa panonood.


“Tara.”


Hinila niya ang kamay ko at dinala sa may kusisna. 


At nung nakita ko ang carbonara sa lamesa ay talagang nagspark ng million times ang mga mata ko.


“Wow.” Yan ang nasabi ko.


“Ano bilib ka na?”



“Masarap ba yan?”


“Well taste it.”


Agad akong kumuha ng plato, nagsandok ng noodles at naglagay ng sauce. 


Agad kong tinikman ito at nagulat ako sa sarap.


“I don’t know na ganito ka pala talaga kasarap magluto.”


“Masyado mo akong minamaliit eh.”


“Paano mong nalaman na favorite ko to?”



“Sabi ni tita.”


“Well thanks… I love it.”


“I love you too.”


“Huh?”


“Joke lang.”



“Ewan sayo. Penge pa nga.”


“Kiss muna.”


“Kiss mo yung pwet ko.”



“Akin na.”


“Che!”


“Alam mo… sana baso ka na lang.” sabi niya


“Oh nagdrama ka naman jan. bakit naman?”


“Para may chance akong mahalikan ka…”


“Eeew. Ano ba naman yan.”



Pero bakit kinilig ako? 


Natural lang naman yun diba? 


Alex, easy lang, wala lang yan. 


Masyado na ata akong naglalagay ng malisya sa mga bagay-bagay. 


Masasanay din ako nit okay RD.


“Hahahah. Ayieh kinilig siya oh… ayie ayie.”


“Kapal mo kahit kelan. Penge nga ng carbonara pa. dali.”


“Di ka naman gutom ano?”


“Ibigay mo na lang tabs... dali na gutom na ako eh.”


“Here’s my body oh.”


“Ang laswa.”


“Hahaha. Itsura mo. Oh ayan.” 


Pero bigla niya akong pinisil yung ilong ko.


“Aray ang sakit ha.”


“Nga pala. Dito ako matutulog.”


“At bakit?”


“Wala lang, masama ba?”


“Hindi naman.”



“Tabi tayo matulog ah.”


“Ayoko nga. Baka mamaya gapangin mo ako. Tapos kung anu-ano pa ang gawin mo sa akin. Nakakatakot ka tabs ano.”


“Feeling mo naman papatusin kita.”



“Excuse me!”


“Dadaan ka?”


“Chura mo.”


“Peram ng damit. Si tita nagsabi sakin na sabay-sabay na daw natin i-celebrate ang Christmas eve.”


“Okay. Sige. Sa baba ka matutulog ha.”


“Ang harsh mo talaga sa akin ha.”


“Di naman.”


“Siya bilisan mo na yung pagkain jan.”


“Luto pa tayo ha.” Sabi ko.


“Ang takaw mo talaga.”


“Well ganyan ang mga pogi, di takot manaba. Hahahah.”


“Wew.” Sagot niya.


“Bunsoooo…” sigaw ni kuya.


“Problema mo?” tanong ko.


“Ang taray mo naman.” Sabi ni kuya.


“Wew. Kain ka. Luto ni tabs.”


“Aba.. dumadamoves ka na bayawak ah.”


“Adik ka kuya.”


“Dito ka ba mag Christmas eve?”


“Oo kuya.”


“Naks naman. Talagang take advantage ka na wala si Kieth ah. Naku kapatid, sagutin mo na nga yang tabs mo.”


“Loko ka kuya. Daming alam. Tumigil ka nga. Babatukan na kita eh. Kanina ka pa.”


“Joke lang. siya-siya, got to go.” Sabi ni kuya.


“Saan ka puypunta?” tanong ko.


“Pick up ko yung order ko.”


“AH okay. Ingat.”


“Sama na ako sayo anak.” Sabi ni mama.


“Saan ba talaga kayo pupunta?”


“Sa may M square.”


“Ang dayaaaaaa! Bili ninyo ako ng egg pie!”


“Sige anak.” Sabi ni mama.


“RD, nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?”


“Magpapaalam pa lang po.”


“Magpaalam ka na ngayon, sayang naman kung hindi ka makakasama sa amin.”


“Si bunso isama na ninyo.” Sigaw ko.


“Wala sa bahay yung asungot na yun.”


“Baka nag lalagala.”


“Siya iwanan na namin kayo. Magluto kayo jan ah.” Sabi ni kuya.


Umalis na nga sila at naiwan kaming dalawa. 


Agad kong inubos ang kinakain ko at nagmadaling ubusin ito. 


Nasaan na kaya yung princessa namin.


“Hinay-hinay lang.”


“Eh magluluto pa tayo eh.” Sagot ko.


Agad ko namang niligpitan ang kinainan ko at nagsimulang maghanap ng mga mailuluto. 


Nakita ko yung mga baby potatoes sa may ref at inilabas ito.


“Alam ko na iluluto ko.”


“Sarapan mo ah.”


“Para sayo.” Then nag wink ako sa kanya.


Pinapanood lang niya ako habang ako naman ay hirap na hirap na. 


Well ginusto ko naman to at isa pa nakakahiya sa kanya, bisita siya ano.


Umupo ako saglit habang pinapakuluan ang mga patatas at saka umupo kaharap siya. 


“Medyo matagal pa to.”


“Pawisan ka oh.” Lumapit siya at pinahiran ang pawis ko.


“Naks naman.. ang gentleman ng bestfriend ko.”


“Mukha ka kasing pinakuluang itlog sa itsura mo.”


“Ang sama mo.”


“Yats…”


“Ano yun?”



Lumapit ulit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 


Takte, bakit bigla na lang akong kinabahan. 


Lumakas ang tibok ng dibdib ko sa kanya.


 Ano ba ang nangyayari sa akin?


(Itutuloy)

No comments: