Thursday, September 26, 2013

Less Than Three- Part 29

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 29

(This time...)




[Alex’s POV]


Ang awkward talaga ng posisyon ko kanina pero hinayaan ko lang na gawin niya yun. 


Hindi ko alam sa sarili ko pero bakit ako nakaramdam na para bang nag-eenjoy ako?  


Ang bango ng scent niya, ang sarap ng pagkakayakap niya at ang lakas ng tibok ng puso ko. 


Shit, hindi pwede to at alam kong mali na ito.


Nasa harapan kami ngayon ng hapag kainan at nagsa-salu-salo sa gabi bago magpasko. 


Marami ang handa namin ngayon at Masaya kaming magkakasalo ngayon. 


24 ngayon at bukas birthday na ni papa Jesus. 


Pasko bukas pero wala pa rin sa tabi ko si Kieth. 


God, sorry kung medyo malungkot ako sa birthday mo bukas, pero susubukan ko pong mag cheer up, promise.


Nagvideoke kami, nagkantahan, nagkatuwaan at kung anu-ano pa ang pinag gagawa. 


Sa kalagitnaan ng aming pagsasaya ay nagyaya si mama na lumabas daw kami bukas at mag gala. 


Di ko feel sumama pero wala eh, napilit nila ako. 


No choice na rin.


“Bukas dapat happy ka na anak.” Sabi ni mama.


“Opo.” Sagot ko naman.


“Huwag na kasing mag-isip ng kung anu-ano. Hayaan mo tatawag rin si Kieth mamaya.”


“Namimiss ko lang po siya, pero kaya ko po ito, kakayanin ko po ito.”


“Cheer up anak, alam kong hindi gugustuhin ni Kieth na nakikita kang nagkakaganyan. Kain pa anak.”


“Sige lang po ma.”


Ilang sandali ang lumipas, nagset kami ng skype para sa bahay nila RD. 


Si mama naman ay tuwang-tuwa dahil first time lang niya gawin yun. 


Well pagbigyan na, hahaha.


“Hello mare.” Sabi ni mama.


“Long time no see kumare. Kamusta na kayo jan? Sa wakas at nakita na ulit namin kayo.” Sabi ng mama ni RD.


“Mare pasensya ka na at inagaw naming ang anak mo ah. Pahiram muna sa anak mo ngayong gabi, namiss ko lamang itong batang ito.”


“Naku… yang batang yan. Mas pipiliin pa niya ang makasama si Alex kaysa sa amin. Nakakapagtampo nga eh pero sige, alam ko namang matagal-tagal nang hindi nakakasama ni RD si Alex.”


“Ma naman.” Tutol ni RD.


“Hello tita.” Sabi ko.


“Alex! Naku iho, kamusta ka na?”


“Ayos naman po ako. Namiss ko po kayo.”


“Namiss din kita iho, kung alam mo lang. Naku Alex bisita ka dito sa bahay naming. Aaabangan kita.”


“Sige po tita saa susunod.”


“Ipaghahanda kita ng menudo at imbutido.”


“Wow naman. Namiss ko po ang luto ninyo.”


“Pero mas namiss ka ng anak ko. Alagaan mo anak ko ha. Naku, pagpasensyahn na ninyo sa kakulitan. Talagang ganyan lang yan.”


“Naku tita napaka kulit at madaladal.” Sabi ko.


“Di naman. Sinisiraan mo ako sa harap ni mama eh.” Sagot ni RD.


“Well let it be.” At nagkatawanan kami.


Nag-usap lang sila doon habang ako naman ay nagsimula ng magligpit. 


Nakakahiya kay mama na siya pa yung magliligpit ng pinagkainan namin. 


Lumulutang pa rin ang isip ko kakaisip kay Kieth kaya hindi ko na napansin na nakalapit nap ala si RD sa aking likuran.


“Ako na ang magliligpit, umupo ka na doon. Mukhang napaod ka kaya magpahinga ka na.” sabi ni RD.


“Ako na po master, nakakahiya at bisita ka namin. Ang panget namang tignan na ikaw pa pagligpitin ko. Sa susunod ka na lang magligpit, kapag feel na feel mo ng bahay mo to.”


“Sus nahiya ka pa talaga. Baka nga deep inside mo eh gusto mo ng ibigay sa akin yang mga plato.”


“Hahaha. Aysus. Mabait to at masipag. At isa pa, minsan lang to kaya sulitin mo na.”


“Sus. Oo na, sige na pagbibigyan na kita.”


“Namiss ko na si tita.” Sabi ko.


“Naku, bukambibig ka na niya simula noong nalaman niya na nagkita na tayo.”


“Well mahal talaga ako ng mama mo.”


“Mas mahal ka pa kaysa sa akin.”


“Sus. Nagtamapo ang anak.”


“nah… at the end of the day, ako pa rin ang anak kaya no worries.”


“Ang adik mo lang.”


“Nga pala, nacontact mo na ba ulit si Kieth?”


“Sa kasamaang palad eh wala pa rin. Haixt.”


“Anak!” nagulat ako sa sigaw ni mama.


“Nakakagulat anman si mama.” Sabi ko.


“Puntahan mo muna.” Sabi ni RD.


“Po?” sagot k okay mama.


“Yung ninang mo nag call sa skype.”


“Tabs.. pa-assist naman si mama.”


“Sige po.” At umalis siya.


Natitigan ko siya habang papalayo siya. 


Bakit ba sa paningin ko ang cute niya? 


Ang gwapo niya? 


Di ko alam kung nagpapacute ba siya o feeler lang talaga ako. 


Grabe, unti-unting bumababa ang brief ko. Hahaha.


Haixt KIeth, dahil sa pagkamiss ko sayo, unti-unting nababaling ko sa iba ang pagkawala mo. 


Hinahap ko ang pagkawala mo. 


Alam kong mali to kaya nga humahanap ako ng paraan para naman maiwasan pa ito. 


Paramdam ka na please. 


Miss na kita.


Dumaan ang oras at walang Kieth na nagparamdam sa akin. 


Tapos na ang party at patulog na kami pero wala pa rin. 


Siguro panahon na rin para hindi ako laging umasa kay Kieth. 


Yung space kumbaga, para naman mamiss naming ang isa’t-isa, kahit konti. 


Haixt.


“Yats… ako na bahala sa susuutin ko ah.” Biglang sabi ni RD.


“Sige kuha ka na jan sa cabinet ko.”


“Sige sige.”


Nakabukas ang laptop ko at naghihintay na magpop si Kieth sa chat. 


“Hoy!” bigla akong ginulat ni RD.


“Problema mo?”


“Taray.”


“Ewan sayo.”


“Talagang hihintayin mo siya?”


“Oo… desperado na ako. Tulog ka na, hayaan mo na ako.”


“Ang swerte ni Kieth.”


“Magbihis ka na nga lang jan. Ang dami mo pang sinasabi.”


“Alam mo ang sungit mo. Mayroon ka ba? Nakakainis eh. Oo nga pala nakakita ako nito. Hahahah. Anong size ba ni junjun mo ha? Mukhang ang laki eh.”


“Hoy lalaki!”


“Oh bakit?”


“Ang laswa mo kahit kailan. Kahit kailan talaga oo. Para kang si Kieth, lagi akong pinag iisipan ng kung anu-ano. Ibalik mo nga yan doon, kay Kieth yan. Iniwanan niya. Doon ka sa kabilang cabinet. Sa may kanan. Lahat ng kaliwa eh gamit ni Kieth.”


“Naks… daig ninyo pa nagli-live in ah. Kulang na lang eh bumukod kayong dalawa.”


“Well that’s love. Pati isa pa, there's nothing wrong na magkasama kami sa iisang bubong. Wala naman kaming ginagawang masama.”


“Nakakainggit lang.” sabi niya.


“Maghanap ka na kasi ng love life.”


“Mahirap eh. Torpe ako.”


“WAG MO NA AKONG PILITIN! AKO AY WALANG LAKAS NG LOOB, PARA TUMANGGI!” Bigla kong kanta.


“Adik lang. sige shabu pa.”


“Ang torpe mo kasi. Hay naku. Ang modern na ng panahon ngayon at kailangan mo ng mag-adjust. Bago-bago din pag may time.”


“Mas mabuti ng maging torpe, kaysa naman makasira pa ako ng buhay ng mga buhay. Yaan mo na lang ako yats, kaya ko ang sarili ko. Don’t worry.”


“Wow ang deep mo naman. Heavy sa bigat ah.”


“Kailan kaya gumaan ang heavy?”


Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. 


Bakit? 


Wala lang. 


Naramdaman ko na nabigla siya dahil sa pagkakatigil niya.


“Salamat.” Sabi ko.


“Para saan naman yats?” tanong niya


“Kasi nanjan ka. Hindi mo ako iniwanan. Di tulad ni Charlene na ayon pabakasyon-bakasyon na lang.”


“Wushu, nagtampo ka naman agad dun kay Charlene. Alam mo, gusto ko lang naman na bumawi sa lahat.”


“Ang drama mo.” Sabi ko


“Wow ah, ako pa ngayon ang madrama? Ikaw kaya ang nauna. Halikan kita jan.”


“Subok lang at dila lang ang walang latay sayo.”


“Pa-virgin pa eh.”


“Virgin pa ako tabs. Di naman ako tulad ng iba jan.”


“Bakit ba? Boyfriend mo din naman di na rin virgin ah.”


“Alam ko.”


“So alam mo yung nangyari sa amin?”


“What?! Totoo? May nangyari na sa inyong dalawa?” histerical na sabi ko.


“Just kidding.”


At binato ko siya ng unan. 



“Grabe ka.”


“Mukhang yung mahal mo online na.”


“Whatever!”


“Seryoso ako.”


“Niloloko mo lang ako.”


“Bahala ka.” At umalis siya.


Agad kong nilingon yung laptop at sakto, tama siya. “Waaaaah!” sigaw ko.


“Takte yan. Daig mo pa babae ah.”


“Wag kang mangialam. Sssh.” Sabi ko.


Agad akong nagstart ng video call at agad naman niyang inaaccept yun. 


Takte, what is this feeling? 


Bakit naluluha ako? 



Parang ialng taon kaming di nagkausap ah.





“Babe.” Bungad niya.


“Mahal ko!!!” sigaw ko.


Di ko napigilan ang mapaluha nang mga panahon na yon. 



Kitang kita ko ang pagkagulat ni Kieth dahil sa pagiyak ko. 


Agad ko namang pinahid ang mga luha ko dahil nagmumukha na akong musmos.


“Babe… tahan na.. sorry na po…” sabi niya


“Di mo kailangan mag sorry babe… Masaya lang ako kasi sa wakas kaharap na kita. Alam mo naman na namiss kita ng sobra.”


“Ay siya tahan na… kapag di ka tumahan malulungkot ako. Malungkot na nga dito malungkot ka pa rin. Smile ka na please.”


“Opo… ikaw kasi eh. Masyado kaya akong nag-alala sayo. Ano ba ang nangyari sayo at wala kang paramdam?”


“Oo na po sorry na. Medyo busy lang kay papa at maraming inaasikaso. Kaya heto ako at alam kong need kong bumawi sa babe ko.”


“I love you.”


“Mas mahal kita. Namiss ko ang babe ko. Gusto na kitang yakapin at halikan.”


“May definite na ba na date ang pag-uwi mo dito sa Pilipinas? Alam mo kasi nalulungkot ako kapag wala ka. Pero nagpapakastrong ako. Dapat kasi hindi tayo lagging magkasama, yung space baga para di nagkakasawaan kaya sinasanay ko na ang sarili ko.”


“Ikaw talaga oo. Pero babe, feeling ko tatagal pa kami dito eh. Gusto ko ma umuwi pero hindi pwede. Alam mo babe, tiis tiis lang. Dadating din ang panahon na uuwi ako. Yung space naman na sinasabi mo, natural lang yun sa magkarelasyon. Tandaan mo na hinding-hindi ako magsasawa sayo.”


“Opo. Hindi ko kakalimutan yun. By the way babe, kamusta pala si papa? Any improvement?” pagiiba ko.


“He’s not doing well. Yung operation na ginagawa ngayon eh magdedetermine kung gaano pa kami katagal dito.”


“Hope he will recover fast. Tiwala lang. Hindi siya pababayaan ni God. Dasal ka lang ng dasal. Trust Him.”


“Oo nga eh. Namimiss na din kita. Gusto ko nang umuwi jan para naman may makasama ka na jan sa kwarto mo.”


“Aysus. Sumesegway ka pa ha.”


“Kamusta na si mama?”


“Ayon okay naman.”


“Anong handa ninyo jan?”


“Ayon. May binili sila mama at kuya. Tapos nagluto ako ng potato salad at nagluto si RD ng carbonara.” Sabi ko.


“Ah. Jan nag Christmas eve si RD?”


“Oo… Si mama inimbitahan siya kaya dito siya nagcelebrate. Ang sarap nga ng luto niya eh. Nga pala dito rin siya matutulog…” sabi ko. “RD.” pagtawag ko.


“Hello.” Bati ni RD.


“Hey bro.” sabi ni Kieth.


“Wazzup.”


“Im fine. How bout you?”


“It’s just … Im fine. Very fine.”


“Really?”


“Yeah.”


“So mag-eenglishan na lang ba kayo?” I feel the awkwardness.


“Babe… ano gagawin mo bukas?” tanong ni Kieth.


“Mag gagala kami nila mama bukas. Nagyaya kasi sila na umalis na lang kami ng bahay.”


“Good for you para malibang ka. Baka naman kasi nagpapaka manong ka na jan sa kwarto mo.”


“Aysus.”


“Wala atang nag-aalaga sayo eh.”


“Meron naman. Narito si RD lagi para sa akin. Si Charlene naman nanjan kapag may kailangan ako akya wag kang mag-alala. Lagi nila akong nililibang.”


“Ah ganun ba. Buti naman at naalagaan ka nila.”


“Hay naku. Dapat kasi umuuwi ka na dito. Advance merry Christmas pala.” Sabi ko.


“Advance merry Christmas din mahal ko. Pero mas nauna kayo eh.” Sabi niya sabay halik sa screen.


“Oo nga eh.”


Ang tagal naming magkausap at mag kakwentuhan. 


Sinabihan ko na lang si RD na mauna na siyang matulog at mamaya pa ako matutulog. 


Agad naman siyang nahiga sa kama ko at sa tingin ko ay matutulog na.


“Babe, tabi talaga kayo matutulog ni RD?” tanong ni Kieth


“Oo babe, bakit?”


“HAixt. Wala naman.”


“Mabait naman yang si RD. behave yan.”


“Okay.”


“O bakit ganyan naman ang itsura mo?”


“Wala naman. Nevermind.”


“Sus. Gusto mo wag na lang ako matulog para di ka na mag-isip ng kung anu-ano?”


“Hindi wag na. okay lang ako. Alam mo namang ayaw kong napapagod at napupuyat ang mahal ko ng sobra. Wala kang tulog kanianng umaga kaya dapat nagpapahinga ka.”


“ Oh siya, Smile ka muna.”


“Oh. Ganito ba?” Then nag smile siya.


“Konti lang. Hahaha. Ang gwapo mo pa rin kahit nagsisinungaling ka ano. Ikaw talaga. Bago-bago din pag may time.”


“Well since birth yan.”


“Ewan sayo.”


“So babe.. I love you. Merry Christamas. Got to go.”


“Tawag ka ulit bukas ah. Antayin kita dito.”


“Yup. I love you.” Sabi niya


“I love you too.”


“Good night. Tulog ka ng mahimbing ah.”


“Opo. Ikaw din.”


“Magprepare pa ako para mamaya.”


“Sige po. Wag pakapagod ah. I love you.” Sabi ko.


“Opo.” 



Then we end our conversation.






Inayos ko muna ang laptop ko at saka pinatay ang ilaw ng kwarto. 


Agad naman akong tumabi kay RD na himbing na himbing ata sa pagkakatulog. 


Iningatan ko na hindi siya magising kasi nakakahiya naman.


Di nagtagal ay naramdaman ko na yumakap si RD sa akin at nakaramdam na naman ako ng dugdugs. 


Shete, eto na naman kami. 


This awkward feeling, yung may malisya. 


Why do I feel this way?


“Ang tagal naman ninyong mag-usap. Ang tagal ko tuloy naghintay.” 


Nagulat ako nung nagsalita siya


“Oh bakit gising ka pa? Ang tismoso mo ah. Nakinig ka sa usapan naming ano?”


“Nagsiing lang ako. Ang lakas kasi ng boses mo. Nakakabulahaw kaya din a ako natulog.”


“Wushu. Palusot mo lang. Makayakap ka naman sa akin wagas eh. Masmaya mapisat ako nan. Alis nga...”


“Ang lamig kasi eh. Minsan lang naman ko maglambing kaya pagbigyan mo na.”


“Patayin ko yung fan gusto mo? Baka mamaya niyang sipunin ka eh.”


“Wag na. Okay na tong yakap mo.”


“Aysus. Bolero ka kahit kailan.”


“Hindi ah, ikaw talaga, mas comfortable ako kapag kayakap kita.”


“Eh ako ba?”


“Masanay ka na yats ha at wag na wag ka ng magrereklamo.”


“Matulog ka na nga. Ang daming alam.”


“Pagbigyan mo na ako… please.. pasko naman.”


“Ay ewan. May magagawa pa ba ako?”


“Yats, bakit ba namimiss kita?”


“Parang tagal nating di nagkita ah. Ang drama mo na naman ha.”


“Ewan ba. Haixt. Hahayaan mo lang akong yumakap sayo diba?”


“May magagawa pa ba ako? Ang kulit mo, paulit-ulit ka naman eh.”


“I love you…” natigilan ako at nabigla ako sa sinabi niya


Ano banag nangyayari sa lalaking ito? 


Baka naman nanaginip to. 


Hindi na lang akong kumibo pero nagsalita pa rin siya.


“Wala ba akong sagot na makukuha jan?”


“Ha? Ah eh… akala ko nanaginip ka.”


“Sabi ko I love you… anong sagot mo.”


“Alam mo nasisiraan ka na talaga. Itulog mo na yan. Kabahan ka nga jan sa sinasabi mo.”


“Tsss. Wala man lang sagot. Nakakapagtampo naman oh.”


“Para kang bata. Di bagay sayo. Matulog na tayo. Inaantok na ako. Mukhang maaga pa tayo bukas. Kung anu-ano pumapasok sa utak mo eh.”


Nagulat naman ako nang biglag kumalas siya ng pagkakayakap sa akin. 


Naninibagao na ako sa mga nangyayari. 


Kailangan ko ng gumawa ng mga hakbang. 


Kailangan kong dumistansya ng konti sa kanya. 


Mahirap na at baka magkaroon pa ng problema sa amin ni Kieth.




[Kieth’s POV]



Nagseselos ako sa totoo lang, pero wala akong magagawa dahil narito ako at nasa Pilipinas siya. 



Kailangan ko na lang siguro magtiwala na hindi mahuhulog si Alex sa kanya.



 Nanalig naman ako na sa akin pa rin siya at may babalikan ako sa Pilipinas.


Ngunit di ko maiwasan ang magmukmok at umiyak dahil sa pagkalungkot ko. Taenang buhay ito, di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit nga ba kailangan pag daanan ko pa ang mga ito?

“Anak…” katok ni mama sa pinto ko

Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata. 


Mahirap na at baka makita ako ni mama, iba pa naman yung kung mag-alala. S


hete, naninibago na ako sa sarili ko. 


Inayos ko naman ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.


“Po?”


“Samahan mo naman ako, mamimili lang ako.”


“Sige po.” Sabi ko at nagbihis ako.


Nalipad ang utak ko habang sinasamahan ko si mama. 


Hinayaan ko lang na mamili si mama pero ako, hindi ako mapakali. 


Paano ako mapapakali kung alam ko na magkatabi sila ngayon sa higaan. 


Silang dalawa lang.


Paano kung bumigay si Alex at magkaroon ng pangyayari sa kanilang dalawa. 


Argsh. 


Ang tanga mo kasi Kieth. 


Bakit mo kasi hinabilin pa siya sa RD nay un?



 Grr.


Alam kong may gusto si RD sa kanya, baka nga mahal niya si Alex eh. 


Ahhhh. 


Damn it. 


RD, agawin mo lang si Alex sa akin ay uubusin ko ang lahi mo. 


Ahhh. 


Pero tiwala lang, di gagawin yun ni Alex sa akin.


“Oh.” 


Nagulat na lang ako nung abutan ako ni mama ng ice cream.


“Salamat po.” Sagot ko sabay kain sa ice cream.


“Kung nakamamatay ang pag-iisip, malamang patay na si Alex.” Sabi ni mama.


“Ma naman.” Sagot ko sabay ngumiti.


“Anong problema?”


“Wala po.”


“Ay naku. Wala daw eh. Tignan mo nga yang itsura mo. Mukha kang nalugi eh.”


“Namimiss ko lang po si Alex. Don’t worry ma, I’m okay.”


“Sabi ko kasi sayo anak na…”


“Ma… buo na ang desisyon ko. Okay lang ako promise. Masasanay din naman ako.”


“Namroblema ka dahil baka may iba na si Alex doon ano?” sabi ni mama.


“Opo.”


“Kanino ka ba nagseselos? May alam ka ba na maaring maging third party?”


“Si RD.”


“Si RD? oh bakit? Akala ko ba sila ni Arjay?”


“Wala na sila ma. Magkababata din si RD at Alex kaya medyo dehado ako ngayon”


“Ah ganun ba. Alam mo anak, tiwala lang kay Alex.” Sagot ni mama.


“Ayokong isipin ang mga posibilidad ma, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala si Alex sa akin. Natatakot ako na baka pagbalik ko doon, iba na ang gusto ni Alex.”


“Yang isip mo masyado kang pinapahirapan, yang puso mo, pakinggan mo. Minsan,kailangan nating pakinggan ang sinasabi ng puso kesa sa iniisip ng ating utak.”


“Ma ang hirap kasi eh. Yung sitwasyon naming, dehadong dehado ako sa puntong ito.”


“Lahat ng bagay ay mahirap. Wala namang madaling gawin eh. Pero anak, kung nahihirapan ka talaga, naiintindihan ko kung babalik ka sa Pilipinas.”


“No ma… Im okay here. Alam kong gagaling din si papa.”


“Kaya tiwala lang.”


“Ma… may gusto sana akong itanong.”


“Ano yun anak?”


“Nag cheat na ba si papa sa inyo? May nahuli na ba kayong ibang babae? Alam kong unconditional tong tanong ko pero gusto kong malaman ma.”


Napangiti si mama. 


Di ko alam kung bakit ganun na lamang ang reaksyon niya. Umupo kami sa may park at saka tinuloy ang pagkwetuhan. 


“Some way… masasabi ko na naging loyal ang papa mo sa akin.”


“Some way? Ma, hindi kita maintindihan.”


“Hindi ako ang first love ng papa mo.”


Nagulat ako sa mga rebelasyon. 


“Pero paanong…” tuloy ko.


“They broke up at ako naman ang dakilang best friend na tumulong sa kanya. I know he loves her so much pero hindi sila nagkatuluyan. Ako naman ang sumambot sa puso ng papa mo.”


“Ganun mo ba kamahal si papa?”


“Yup…”


“So he cheat?”


“No.”


“Kilala ko ba yung first love ni papa?”


“Yung mama ni …”


Parang natigil ang mundo ko sa sinabi ni mama. 


Parang ewan lang na ano. 


Hindi ko alam kung paano ko iisipin yung mga sinasabi ni mama sa aking ngayon.


And in some point, nacoconnect ko na ang mga pangyayari. 


Na baka yun nga ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. 


Na baka ito ang tunay na rason, kung bakit nagtagpo ang mga pangyayaring ito.


“Okay lang ba kayo ma?” tanong ko.


“Yup. Okay lang ako. The fact na minahal ako ng papa mo ng higit sa dati ay okay  na ako doon. Alam ko naman na nawala na yung nakaraan at narito na kami sa kasalukuyan.”


“I’m proud of dad.”


“Kaya ikaw, never doubt someone ha. Lalo na si Alex… ayokong eto ang makasira sa inyo.”


“Naiintindihan ko po.”


“Mahalin mo si Alex… tanggalin mo ang naaraan. Kalimutan mo na ang nakaraan at pag isipan ang kasulukuyan.”


“Gagawin ko yun ma. Thanks a lot ma.”


“I’m proud na nagkaroon kami ng anak na tulad mo. Kaya pakabait ka lagi ha.”


“Masaya po ako na may ina ako na tulad po ninyo. I Love you ma.”


“I love you too anak. Oh siya uwi na tayo ng bahay.”


“Dadaan pa tayo kay papa eh.”


“Nga pala, miss ka na nga pala ng ate mo. Tumawag siya kanina.”


“Miss ko na rin yung babaeng yun.”


Dumaan kami ni mama sa ospital para naman kamustahin si papa. 


Nagpuyat naman ako para lang makausap si Alex. 


Gusto ko lang bumawi para naman hindi niya maramdaman na nawawlaa na ako sa kanya. 


Kailangan pakiligin ko siya at kailangan mahalin pa niya ako.


“Oy wag ka ah. Kinikilig ako…” sabi niya


“Hahaha. Naman. Dapat lang kiligin ka.”


“Bakit parang may nag-iba sayo ha? Bakit sobrang sweet mo sa akin? Baka mamaya may ka-affair ka na ha? Yung mga napapanood ko kasi sa TV ganyan ang mga ginagawa. Somethings fishy ha.”


“Loyal ako sayo babe. Nag-iisa ka lag dito sa puso ko. Trust me. Ako magloko pa, sa gwapo ng mahal ko, naku, wala nang hihigit pa sayo.”


“Aysus. Pero I love you.”


“I love you too. Hala. Ayaw maniwala. Siya, mag-impake ka na nga.” Sabi ko.


“Oh bakit saan ako pupunta?”


“Dito ka na tumira sa puso ko.”


“Hahahah.” 


Nakita ko na naman ang kilig tawa niya. 


Namumula siya.


“Nga pala… maiba lang ako.. botante na ang mama diba? Pati kuya mo?”


“Yup… nagparehistro na kami. Bakit naman? May ipapaboto ka ba sa amin ngayong election?” tanong ko.


“Oo weh. Sabihin mo naman sa mama at kuya mo na iboto nila ako… para sayo…”


“Oy sobra na ah. Tama na. kinikilig na ako dito.”


“Kulang pa yan mahal.”


“IIIh.” 


At naglupagi siya sa kama at kitang-kita ang pagkakilig.


“Oi… tama na… baka mamaya mahimatay ka pa jan… kabahan pa ako kasi kasalanan ko yang pagpapakilig ko sayo… Alam mo naman na yung puso ko ay tumitibok lang para sayo…” sabi ko.


“Hay naku Kieth Jerickson lee… Sumalangit nawa ang puso kong patay na patay sayo.”


“Aba bumabawi ah. Mahal mo talaga ako.”


“Hahaha. Ganun talaga. Aba. Wag mo akong tatanungin kung mahal kita… baka kiligin ka sa sagot ko.”


“Hahah. Sige nga. Gaano mo ba ako kamahal?”


“Parang orasan… walang katapusan. Eh ako?”


“Ayieh. Ikaw? Uhm.. parang pagkatapos ng Princess and I?”


“Huh?”


“Walang hanggan.”


“Hay naku. Salamat God sa blessings. Hahaha.” Sabi niya


“Naman. Sobrang blessing ako sa iyo.”


“Oo nga eh. Ikaw yung blessing na ayaw kong i-share sa iba.”


“Woooh.” 


At takte, nakaramdam na ako ng kilig. 


Ako ba to?


Shete bakit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko? 


Mahal ko talaga ang taong ito.


 Di ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. 


God I’m so inlove.


“Hay naku mahal ko… mahal talaga kita. Naku, God, kahit magpabagyo ka pa ng maraming gwapo o magaganda, pagpantasyahn ko man sila.. ang babe ko pa rin ang aking mahal..”


“Oy wag ka.. malandi man tong mga mata ko… STICK TO ONE naman tong puso ko..”


“Hay naku. Alam mo kung ano ang magandang Cutting?”


“Ano?”


“Ang magCUTTING-inan tayo.”


“Woooh. Hahaha. Hay naku. Aanhin ko pa nga ang Iphone… kung I-have-YOU naman.”


“Nalulunod na ako mahal.”


“Overloaded na ba?”


“Oo sobra. Di ko na kaya. Shete, kiniilig ako.”


“Ngayon lang kitang nakitang ganyan. And I’m proud of myself.” Sabi niya


“Hahaha. Ingat ka po ah. Usap na lang tayo bukas. Nga pala, aalis ako mamaya, nagyaya si insan mag bar.”


“Ingat din ah. Behave.”


“Opo.”


“I love you.”


“I love you too.”


“Teka… anong nangyari pala sayo?”


“Ha?”


“Mukha ka ng tatay eh.”


“Oh talaga? Waah di nga? Ganun na  a talaga ako ka-haggard?”


“Tatay ng magiging anak ko.”


“Nye. Ewan sayo. May pahabol pa talaga. Sige see you then.”


“Mwah.”



Then our conversation ends.


“Ang anak ko nagdadalaga.” 



Nagulat ako nang makita ko si mama sa may pintuan ng kwarto ko.


“Narinig ninyo lahat yun ma?”


“Hay naku. Ang korny pala ng anak ko.”


“Ma naman eh.”


“Keep it up.”


“Yeah ma. Alam ko po.”


Umalis na rin si mama ilang sandali lang din.



 Ilang oras din ang lumipas at sinundo na ako ng pinsan ko sa bahay namin. 


Party-party din pag may time.


“Hey…” sabi ko.


“Ready?”


“Yeah…”


“Ayos sa porma ang gwapo kong pinsan ah.”


“Ang simple nga nito eh.”


“But you look amazing with your white t-shirt.”


“Hahahah. Really?”


“Mukha kang espasol. Hahaha de joke lang. tara?”


“Yeah.”


Medyo malayo yung bar na pinuntahan namin. 


It’s nearly midnight at alam kong medyo iba na ang klase ng mga tao ngayon. 


Halo-halo ang mga andito pero karamihan ay mga Pilipino.


“Ayos ah.” Sabi ko.


‘Yeah. Ito ang isa sa mga sikat na bar na pinupuntahan ng mga kababayan natin dito.”


“Ang galing. Well, at least nagakakasama kayo.”


“Yeah. At least di kami nalulungkot.”


“Pare…” bati nung lalaki kay insan.


“Mga dude, pinsan ko nga pala, si Kieth… Kieth… mga katropa ko, Jexer, Allen, Mhar at Aljon.” Sabi nito.


Kinamayan ko sila at nginitian.


 “Nice to meet you bro.” sabi ko.


“Hanep… gwapo pala ng mga lahi ninyo pre… mukang malalantakan yan ng chicks dito.”


“Hahah. Mga dude, wag ka, in a relationship yan. Pero great kisser yan.”


“Loko… di yan uso dito. Alam mo, yung mga karelasyon walang magagawa yan.”


“Loyal to..” sabi ko.


“Hahah. Seryoso mo naman. Biro lang pare… pero good luck…”


“Mukhang may kakain sa akin dito ng buo ah? Maka good luck ka pre ah.”’


“Lapitin kasi ang mga gwapo dito di lang ng babae, kundi mga lalaki. Kaya payo ko sayo, enjoy. Hahahah”


“Sanay na ako.”


“Wow ang yabang.” At nagkatawanan kami.


“Tara at umupo na tayo.” Sabi ni Mhar.


Nag-order sila ng mga iinuman namin. 


Sinipat ko ang buong paligid at tingnan mabuti ang mga pasilidad. 


Maganda, maayos at masarap tignan.


“Pre… buti at pinayagan ka ng jowa mo.”


“Nagpaalam naman ako ng maayos.” Sagot ko.


“Pre… di naman lingid sayo kung ano ang meron dito ano?”


“Oo… alam kong nasa third sex din kayo.” Sabi ko.


“Hahaha. Ayos ah. At least di na mahihirapan makisama. Mukhang ikaw din naman eh alam na. Kaya kapag trip ka namin, alam mo na ang gagawin mo, ang magparaya.”


“Banta ba yan o pamamaalam?”


“ano bas a tingin mo?”


“Hey dude, wag mong ganyanin ang pinsan ko. Napaghahalataan na naglalaway ka jan eh.


“Wooah. Naglalaway daw oh.”


"Hahahah. Easy lang bro... You want me?" tanong ko.


"Bakit papalag ka ba?"


"Hahahah. loko... My Alex na ako sa Pilipinas... hahaha"


"Nice loyal... isang inumin para jan...." at nagtawanan kami.


Nagtawanan kami at dumating na yung inorder nilang inumin. 


Wooh. 


It’s been many month mula noong huli kong inom. 


Well. Need refreshments para naman mawala ang stress.


Umikot ang aking paningin sa mga nagsasayaw sa dance floor. 


Pero kakaiba ang nakita ko na di ko naman inaasahan na makikita siya dito. 


Si Arjay, and he’s doing that crazy moves. 


Shit!


(Itutuloy)

No comments: