Tuesday, December 21, 2010

"MRT 2"

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Late for work. For the first time sa aking 2 taong pagtatrabaho dito sa lintik na opisinang ito. Agad agad kong nilapag ang aking bag sa table at umupo sa office chair na doble pa sa akin ang size. Haggard na kung haggard. Halata sa aking mga officemate ang malaking pagkagulat nang makita nila ako sa kung ano mang estado ko. Pawisan. Lukot ang damit. Mukhang stressed. Pero dedma lang.

“Shit. I'm late.” sabi ko.

“First time.” sabi ni Choi na katapat ko ng station.

“Yun nga tol. Kinantot ng malas eh.” sabi ko sabay ngiti.

“Bakit bro?” sabi nito habang abala sa pagtatype ng kung ano ano sa kanyang computer.

“May nakitang di kaaya-aya. Ayun,nalate.” sabi ko habang nagpupunas ng pawis gamit ang aking Armando Carusong panyo.

“Sino bro? Ex mo ba?” sabi nito.

“Ha?” nabigla kong sagot.


Napatingin sa akin si Choi na halatang nagaantay ng sagot. Para akong gagong napako sa pagtitig sa kanya. Si Choi ay FilChi. May kagwapuhan,maputi at pantay ang mga ngipin. Matangos naman ang ilong at matangkad. Award na award sya pag nakaformal attire,makikita mo talaga ang hubog ng kanayang katawan. Lalo na sa slacks,umbok na umbok ang dakota harrison plaza nyang nutribun. Alaga nya ang kanyang built sa pagygym kaya asahan mo na maganda at walang fats ang kanyang tiyan.

“Uy? Rob? Ano na?” pagputol nito sa aking namumuong daydream.

“Ah? Sorry. Ano ulit yon?” tanong kong wala sa sarili.

“Ngek. Sabi ko kung sino yung nakita mo? Ex mo ba?” sabi nito sabay kamot sa ulo. Halatang naguluhan.

“Ahh,Sorry Choi. Medyo preoccupied.” sabi ko sabay buntong hininga.

“Rob,not enough vitamins ka na naman. Lagi kang ganyan. Nagdadrugs ka ba?” sabi nito sabay ngiti.

“Gago. Lutang lang talaga. Yeah. I saw an ex na hindi ko nakita for 6 years.” sabi ko.

“Wow. Tapos ano? Yung feeling na gusto syang habulin at yakapin ulit? Like what you did sa Luneta? Hehe.” pabiro nitong sabi.

“Kinda.” maiksi kong tugon.

“Awwww. Ayy nagreminisce ka naman bigla. Kaya nga “X” diba? Problema ang dala. Parang sa Math lang,laging problema ang X. Move on tol.” nangiinis na sabi nito.

“Okay na naman ako no.” defensive kong sabi.

“Okay eh bakit haggard na haggard ka? Tapos mukha ka pang upset.” sabi nito.

“Hayaan mo na. Magiging okay naman din ako Choi.” sabi ko.

“Hay. Ganito gawin mo,Text M-O-V-E Space ON send mo sa 4627.” sabi nito.

“Gago.”

“Fine. Get back to work. I mean,magumpisa ka na.” sabi nito sabay kurot sa aking pisngi.

Hindi ko malaman kung ano ba si Choi,straight ba o hindi? Minsan ay malambing,minsan naman ay halos hindi ka kibuin,kahit ano pa sya kebs ko ba. Kung magout sya eh iwewelcome ko sya with matching “I'm coming out” na tugtog ni Ate Diana Ross. Pero paano? Di din pala ako out. Shit.
Napakamot ako sa ulo dahil sa napakamisteryosong si Choi. Paano kung bakla din to? Sadyang paminta lang? Ano ba?

I owe Choi one. He made me forget Oel for a moment.

Back to business. Work.

Mabilis na lumipad ang mga oras. Nasubsob ako sa pagtatrabaho. Natapos ng walang kaeffort effort ang mga deadlines. Malaya ng makalipad mula sa sandamakmak na papel,files,at kung ano ano pa. Sumapit ang 6 ng gabi at oras na para magbreak.

“Rob,dinner tayo?” tanong ni Choi.

“Ha?” nagulat kong sabi.

“Dinner. Dinner? Do you need a dictionary pa ba para maintindihan mo?”

“Ang sungit mo.” sagot ko. Iritado.

“Ano ka ba? I'm asking you to go with me. I'm asking you to eat dinner with me.” napataas ang boses nitong turan.

“Ayy? Kailangan sumisigaw? Wag mo ko sigawan babangasan ko mukha mo.” nainis kong sabi.

“Sorry Rob,gutom lang ako. Ano na? Sasama ka ba sa akin?”

“Di na. May baon ako.” pagpapalusot ko.

“Di ka nagbabaon Rob. I've been watching you ever since.”mahina at nakangisi nitong sabi.

Nagulat ako sa narinig. Mukhang alam ko na ang dugo ng mokong na to.

“Really? At bakit mo ko iniistalk kupal ka.” sabi kong may halo ng pagtataray ang boses.

“Wala lang. I just want to be close to you. I mean parang kapatid or kaibigan.” sabi nito mahina at malungkot ang boses.

“Hmmm. Okay. Fine.”

“Sama ka na please?” pakiusap nito.

Tumitig ako sa kanyang mga mata at nakakita ng sinseridad sa kanyang sinasabi. Weird,kung gaano kasungit ang mukha ni Choi pag nagagalit ay ganoong amo naman nito kapag nakikusap. Nakaramdam ako ng pagbablush. Pero hindi dapat ako kumiri ng ganito dahil di ko pa nga confirmed kung berde ba itong mokong na ito.

“Rob please?” pagputol nya sa moment ko.

“Please?” dagdag pa nito.

“Saan ba tayo kakain? 50 lang budget ko.” sabi ko.

“No worries,my treat.” sabi nito sabay ngiti.

“Ay,yun naman pala eh,sana sinabi mo kaagad para di na tayo nagtalo pa ng matagal.” sabi ko sabay
lapit sa kanya na parang batang aabutan ng pasalubong.

“Sus,libre lang pala katapat.” sabay tawa.

“Naman.”

Tawanan.

Mabilis na kaming nagkapalagayan ng loob ni Choi. Dati ay sakto lang. Hindi ko alam kung anong nakain nito kaya nakipagclose sa akin at nilibre pa ako ng dinner. Umorder sya ng pagkain sa KFC. Okay naman at nabusog kami,parang magkakilala na kami ng pagkatagal tagal. Habang kumakain kami ng mashed potato ay bigla syang nagsalita.

“Rob,can I ask you a question?”

“Sure Choi. Ano yun?”

“Pangit ba ako?” sabi nito sabay wink

“Ha? Hindi ah. Sino may sabi?” sagot ko.

“Wala naman.” sabi nito sabay buntong-hininga.

“Weh? Di nga?” sabi ko.

“Oo nga adik ka.”

“Choi,sino mas magaling? Si Mariah o si Regine?” tanong ko.

Napatingin sya sa akin. Halatang nagulat sa tanong ko. Nakita ko rin ang pamumula ng kanyang mukha.

“Mariah.kasi nagwhiwhistle eh. Ang taas ng boses.” sabi nito habang ngumingisi.

“Ayy ako kasi Regine. Pag bumirit boses pekpek.” sabi ko.

Tumitig ito sa akin at ngumiti.

“Okay. Alam ko na kung bakit mo tinatanong si Mariah at Regine. You are trying to tell if I'm gay.”

Shoot sa banga ang sinabi ni Choi. Tumpak. Naalala ko ang sinabi ng aking Psychology professor na pag gusto ng isang lalaki si Mariah o si Regine malamang sa alamang ay baklita yan. Lalo na pag ang dahilan ang whistle ni Mariah o ang tili ni Regine? Confirmed.

Natawa ako dahil natumbok nya. Ngumiti ako sa kanya at nakipageye to eye contact.

“Yes. I want to know if you're gay.” pranka kong sabi.

“If I am?” tanong nito alangan.

“Walang problema,yayakapin kita at sasabihan ng “Welcome to the pink world.” sabi ko sabay bungisngis.

“So that means you're gay too?” tanong nito.

“With your question,alam ko ng kadugo kita. Welcome home sis.” sabi ko sabay apir sa kanya.

Tawanan. Ngayon nakahinga na ako ng maluwag nang malaman kong hindi sya straight. Crush ko pa naman sya,medyo lang. Nagkwentuhan pa kami na parang walang bukas. Lumipas ang oras at kailangan naming bumalik ulit sa office para magtrabaho. Nanlaki ang mata ng mga kaopisina ko nang marinig nilang nagtatawanan kami ni Choi. Sa tagal tagal kasing namalagi ni Choi sa office ay hindi pa yan narinig tumawa,ngayon lang.

Bumalik kami sa aming mga station na parang wala lang. Ngayon alam ko na ang kanyang dirty little secret. Pero nagtataka pa rin ako all of a sudden ay nakipagclose sya with matching “I'm coming out” drama pa. Nakakalito. Nasa ganong effect ako ng bigla kong naisip si Rex. OMG? I have to call him. Nice catch yung mokong na yun. Kailangan kong hanapin ang calling card.
Ilang segundo pa ay nakapa ko ang kapirasong parihabang papel sa bulsa ng aking pantalon. Dali dali ko itong nilabas.

Excited kong pinindot ang buradong number ng landline. Nagring. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

“Hello.” sabi ng boses sa kabilang linya.

“Ahh,Hi.” nanginginig kong sabi.

“Hello Good Evening,this is San Diego Law Associates,how may I help you?”

“Yeah.Hi! Good Evening,pwede bang makausap si Rex?”

Lubdub. Lubdub. Lubdub. Tunog ng aking pumuputok na puso.

“Sir may appointment po ba kayo kay Mr.San Diego?”

“Ahh,wala naman, Kaibigan nya ako.”

“Ganoon po ba Sir,pwede ko po bang malaman ang pangalan nila?”

“Pakisabi si Rob to.” nauutal kong sabi.

“Sir Rex,Rob daw po.” Pasigaw na usal ng babae sa mga tao sa kanilang opisina.

Ilang segundo pa ay may lalaking nagsalita.

“Hello? Rex here,speaking.”

“Ahhh hi,do you still remember me?” patweetums kong sabi.

“I'm afraid not.” masungit na sabi nito. “If you don't mind,I have a lot of paperworks to do. I am damn pressured and I don't need a phone pal now.” dagdag pa nito.

“Ayy ang sungit.” sabi ko,halata ang lungkot sa boses.

“Wait. Rob Rob Rob.Yung sa MRT ba?” nabigla nitong sabi.

“Oo. Oh Sige na. Mukhang busy ka na at susungitan mo lang ako.” nagiinarte kong sabi.

“Hey Hey wait.” natataranta nitong sabi.

“Sige na. Do your fucking paperworks na.” arte mode on.

“Sorry Rob. I didn't recognize you. Sorry ha? Medyo stressed lang dito sa office.” sabi nito.

“Okay.” inarte kong sagot.

“Hey,hala. Tampo na ang baby ah. Hmmm wait,I'll pick you up later? Dinner?” naglalambing na sabi nito.

“Ewan.” paeffect kong sabi.

“Sorry please? Hmmm. Babawi ako later okay? Text mo ko including your office address. Sunduin kita? I know a place.” sabi nito.

“Sige na nga. Bye na.” sabi ko.

“Bati na tayo? Please? Sorry ulit ha? Aantayin ko message mo ha?”

“Opo. Bati na tayo.”

“Okay. I have to go now ha? Nasa card naman yung number ko. SMS me.”

The line got disconnected.

After the phone call parang iba na naman ang nararamdam ko. Para na namang akong 15 years old na nakita ang campus heartthrob. Para na naman akong dalaginding na kumikire at gusto ibuyangyang ang flower sa mga bubuyog. Naexcite ako sa pwedeng mangyari mamaya,will he ask me out? Ano gagawin nya? I mean may flowers ba syang dala? May chocolates ba? OMG. I am so excited. Para akong matatae sa excitement.

“Rob,nagdedaydream ka na naman?” pagpigil ni Choi sa ngisi ko.

“Taena naman Choi nagmomoment na ako no? Kaasar to.”

“Rob,I need your help?” seryosong sabi nito.

“Anong tulong Choi? Pag pera wala ha.” pabiro kong sabi.

“Dyahe. Pero I need your help.” sabi nito sabay kamot ng ulo.

“Okay,ano ba yan? Kinakabahan ako sa'yo.” sabi kong nalilito.

“Eh I want my ex back.”

“What do you mean?”

“Gusto kong magustuhan nya ako ulit.” sabi nito sa akin.

“Mahirap yun Choi. Kung talagang wala na eh bakit mo pa ipipilit?” sabi ko.

“Please Rob? Tulungan mo ako?”

“Hindi ko sure. Ano ba gagawin?” nalilito kong sabi

“Can we pretend that we're a couple?”

“What?” napataas kilay kong tanong.

“Please?” nakikiusap na sabi nito.

“Bro,text M O V E space ON sa 4627. Bakit ako pa?”

“Please Rob? You're the best I've got.

Muli,Choi brought me to a state of confusion.

ITUTULOY...