Tuesday, December 21, 2010

"MRT"

“Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”

Lagi na namang nageecho sa aking mga tainga ang mga salitang yan. Sa tuwing naalala ko yan,hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Nakita ng parkeng iyon kung paano ako lumuha, nasaksihan ng swing ang matitinding emosyon na pinakawalan namin, piping tagamasid ang mga puno sa paligid nito. Makalipas ang ilang taon ay nandun pa rin ang sakit,iniinda ko pa rin ang tila kutsilyong nakatarak sa puso ko ang mga salitang sumira at bumago ng buhay ko.

“I can’t be with you anymore.”

“Sorry.”

“If fate permits, we’ll meet again. That’s the time we’ll have to realize we’re meant.”


Tangina. Sorry? Yun nalang yun? Lahat ng pinagdaanan mawawala para sa isang di malaman na dahilan. After all of the trainwreck? After all of the tears? After all of the years? Ganito nalang mawawala lahat? Bakit may mga taong mahilig magpahula ng dahilan? Hindi ba nila alam na nakakapraning magisip ng dahilan why relationships didn’t work out? Hindi ba nila alam na unfair yun? Hindi ba nila alam na masakit?

Sa pagmumuni-muni ko na yun narealize ko na pumatak na pala ang aking luha. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga na nakaagaw pansin sa mga kasabay kong pasahero ng MRT.

“Are you okay?” sabi ng isang lalaking katabi ko.

“Ahh. Yeah. I’m okay. Thanks.” Sabi ko sa estrangherong pakialamero.

“It’s just weird for me to see a cute guy cry.” Sabi nito sabay kindat.


Nakaramdam ako ng kakaiba sa lalaking ito. Pero dahil sa overwhelmed ako ng sadness na nararamdaman ko ay nginitian ko lang sya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at sumandal sa may pinto ng operator ng train sa last coaster. Mayugyog ang pagpapaandar ng MRT,medyo may karamihan ang tao sa dito pero hindi pa naman gaano kasiksikan. Nakakaramdam ako na ito’y magiging blockbuster na naman pagdating naming ng Quezon Avenue or even sa Cubao Station. Sinalpak ko nalang ang headset ko sa tenga para kahit papaano madivert ang dapat madivert.

“Quezon Avenue Station. Quezon Avenue Station.” Bruskong sabi ng operator.

Alright. Here we go. Natanaw ko na na may karamihan ang sasakay ng Quezon Avenue Station kaya hinanda ko na ang sarili kong mapipi sa kung ano mang sitwasyon. Nilagay ko na rin ang aking cellphone sa may bulsa sa harap ng aking polo ganun din ang aking coin purse. Pagbukas na pagbukas palang ng train ay excited ng nagtutulakan ang mga atat at walang disiplinang pasahero. Akala mo ay mauubos ang train ng MRT. Ilang Segundo lang ay pipi na ako,maging ang plantsado kong itim na polo ay gusot na rin.

Dikit na dikit na rin ako sa lalaking pumuna sa aking pagiyak. Ngayon ko lang napansin ang itsura nya,nothing much,pero pwede na sa “lonely nights”. Mas mataas sya sa akin,siguro mga 5’8 or 5’9,may hubog naman ang katawaan,malapad yung likod nya,maganda yung balikat,pointed naman ang ilong,bilugan at brown ang mga mata at higit sa lahat may facial hair at ang ganda ng side burns. Hindi ko napansin na nakatitig pala sya sa akin habang sinusuri ko sya. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong ngumiti sya,nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“Enjoying the view?” malanding sabi nito habang nakalapit ang kanyang bibig sa aking tenga.

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Hindi agad ako nakaimik,tila naparalisa ang aking 52mb na utak. Binigyan ko sya ng isang nagmamagandang tingin pero wala akong salitang sinabi. Nang masilayan nya ang tingin ko ay napangiti sya. Nakakaloko. Patuloy ang pakikipagbuno ko sa twists and sways ng MRT,yugyog dito,yugyog doon,I love it. Bawat station ay mas nagiging sardinas. Siksik na siksik. Jam-packed. Mas naging magkadikit kami ng mayabang kong katabi.

“Cubao Station. Cubao Station.” Umeepal na sabi ng operator.

Tulad ng inaasahan excited na naman makasakay ang mga bwisit na tao. Todo tulak. Naiirita na ako sa sikip. Sa loob ng 10 segundo sobrang dami nang nangyari. Ang alam ko nalang ay nasa gilid na gilid na ako at napunta sa harap ko ang mayabang na nasa gilid ko lang kanina. Side by side kami kanina,ngayon,face to face na. Naramdaman kong nakatitig sya sa akin,tila ba sinusuri ako ng husto habang sobrang magkadikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan,maging ang kanyang paghinga,take note,ramdam ko din ang bulge na di ko alam kung kinikiskis ba nya intentionally. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sya sa akin.

“Enjoying the view?”pabalik kong tanong sa kanya. Pabiro kong sabing may halong sarkasmo.

Ngumiti ito.

“Yeah. Enjoying it a lot. You really remind me of someone.” Mahinang sabi nito.

Nagulat ako sa narinig. Nahuli ko nalang ang aking sariling nakatitig sa kanya. At ganoon din sya sa akin. Nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa tabi ng aking mga tenga. Sobrang dikit ang aming mga katawan ganoon din ang aking mukha. Abala ang mga tao sa MRT,malamang hindi kami halata dahil sa sobrang siksikan. Tinginan at ngitian ang aming usapan,habang nadidikit ang kanyang katawan sa akin ay may naalala akong isang kakaibang pabango. Naging mabagal ang aking paghinga. Nangingilid ang aking mga luha.

“Jovan black?” naiiyak kong tanong sa kanya.

“My perfume?” nagtataka nyang tanong.

“Yep. Jovan black?” mahina at naiiyak kong sabi.

“Marunong ka pala magsalita eh,yep. Jovan Black,mabaho ba? Papalitan ko if you want.”nagpapacute nitong sabi.

“Ha? Nope. May naalala lang ako. Sorry.” Sabi ko sabay bagsak ng isang mainit na butyl ng luha.

Nakita nya akong lumuha at nahalata sa kanyang mukha ang gulat at pagkabagabag. Nanatili syang nakatitig sa akin habang parang bata akong humihikbi. Nakita ko ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga.

“Remembering an ex?” tanong nito.

Malungkot na ngiti lang ang sinagot ko. Naramdaman ko ang pagkataranta sa kanya.

“Ahhh I’m sorry. Sorry talaga. Can I wipe your tears?”

Hindi ko alam kung bakit pero tumango ako.

Dahan dahan nyang pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang kamay. Nakaramdam ako ng sinseridad sa kanyang ginawa pero ayoko magexpect. Maybe this is just a fling. He’s just a flirt and I’m just a hopeless romantic.

“Ortigas Station. Ortigas Station.”

“Pababa na ako ng Boni. I want to get in touch with you.” Sabi nito habang nakatitig pa rin sa akin.

“Seryoso ka?” nalilito at kinikilig kong tanong.

“Mukha ba kong nagbibiro?” sabi nito sabay ngiti.

“Ha? Hindi naman.” Natataranta kong sabi.

“Shaw Station. Shaw station.”

“Bilisan mo na. Malapit na ko bumaba.” Sabi nito.

“Kukunin mo ba number ko?” sabi ko.

“Oo. Sulat mo na bilis. Susunduin kita mamaya sa work. Dinner tayo.” Sabi nito sabay ngiti.

“Ha?”

“Di ka ba nakakaintindi ng tagalog? English ba gusto mo o Spanish?” pabiro nitong sabi.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko sabay ngiti.

“Quiero besar tus labios.” Sabi nito sabay ngiti.

“Why do you want to kiss my lips?” sabi ko sa kanya.

Halatang nagulat sya na naintindihan ko ang sinabi nya.

“Entiendo Espanol Senor. Lo Siento. Puedo hablar Espanol tambien.” Sabi ko sabay tawa.

“Fine. You’re interesting.” Sabi nito sabay tawa.

“Boni Station. Boni Station.”

“Hey. Hey. Hala bababa na ako. How can I call you later? Let’s have dinner.”

Bumukas na ang pinto ng train at nagtutulakan na palabas ang mga tao. Halata sa mukha naming ang pagkataranta dahil we haven’t established a connection yet. Tinutulak na sya palabas ng isang lalaki,agad syang dumukot sa bulsa nya. Mabilis nyang inabot sa akin ang papel at nilagay ko agad sa bulsa at inayos ang sarili. Wow. I think okay ang araw ko. May lalaking nagpakita ng interes sa akin. Sana tulungan nya akong makamove on.

Bago sya tuluyang makaalis ay ngumiti sya muna sa akin.

“See you later.” Pahabol na sigaw nito.

Whew. That was a bummer. Mayabang pero may ibubuga naman. Sana makasama ko sya later. Kahit papaano ay nawala sa isip ko si Oel. Ako’y muling napabuntong-hininga. Tinignan ko ang calling card ng mokong. Mukhang sa isang law firm nagtatrabaho,Rex San Diego ang name. Let's see kung paano ba matatapos ang story namin ni Rex.

Nakababa na ng Boni Station ang mga tao at kahit papaano ay lumuwag ang place. Hindi naman karamihan ang sumakay kaya hindi rin kami nasiksik. Nasa isip ko pa ang moment namin ni Rex,ang angas nya,yung manly scent nya,yung init ng katawan nya,shit.

“Guadalupe Station,Guadalupe Station.”

Guadalupe? Shit!!! Lumagpas akooo. Ortigas lang ako. Wahhh. Lumabas agad ako ng train na parang naghahabol ng flight sa eroplano. Hindi ako pwedeng malate ngayon,yari ako. Kung kailan cut-off na saka pa ko malelate. Hindi ako pwedeng malate. Malaki mawawala sa sahod ko. Agad agad akong lumabas ng train at nagmadali para makalabas ng train station. Para akong tangang nagmamadali sa paglabas sa pila. Singit dito,singit doon. Ilang segundo pa ay nagbunga na din ang paghihintay. Makakahabol ako sa trabaho nito. Magtetrain ako ulit. I just have to transfer papunta sa north bound.

Ako na ang susunod na magpapasok ng ticket para makalabas. Excitement,kaba at malamang adrenaline rush na ang bumabalot sa aking pagkatao. Okay. Here I go. Tinapat ko na ang ticket ng train nang biglang may isang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan.

“Rob!”

Nanginig ako sa boses na ito. Pamilyar. Nandun pa din ang gaspang nito. Bruskong brusko,ilang taon na din nang huli kong marinig ang boses na ito. Nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko mawari,saya?lungkot?galit? Ano ba? Hindi ko na alam. Natagpuan ko nalang ang sarili kong lumuluha.

“Kuya,bababa ka na ba? Kung hindi,pwede kami muna? Nakaharang ka eh? Nagmamadali kami.” masungit na turan ng babae sa likod ko.

Hindi ko sya pinansin, gumilid nalang ako at nagbigay daan sa mga kasabayan kong pasahero. Nanatili akong nakatalikod sa kung sino mang tumawag sa aking pangalan. Naninigas ang aking mga kalamnan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga labi. Nakikinita ko ang aking sariling humihikbi na parang bata. Ilang segundo pa,naramdaman kong muli ang bigat ng kanyang mga palad sa aking kanang balikat. Ang akbay na hindi ko naramdaman sa loob ng ilang taon.

“Rob?” sabi nito.

Humarap ako at naiyak sa aking nakita. Si Oel. Walang pinagbago. Mas pumuti pa. Ganoon pa rin sya,matangkad,bilog na bilog pa din ang mga mapupungay na mga mata. Bakas sa kanyang mga mata ang excitement at kita din sa kanyang nangungusap na mga mata na masaya sya at nakita nya ako. Pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Yayakapin ko ba sya?

Hindi ako makapagisip ng maayos. Naparalisa ako sa kinatatayuan ko. Napuna ko nalang na para kaming mga artistang umaarte sa isang soap opera. Nakatingin ang mga tao sa station na parang mga fans,rumorolyo ang tape,walang script,pakiramdaman sa eksena. Ilang segundo pa ay nararamdaman kong bubuhos na ang emosyong matagal ng naipon. Humikbi ako na parang bata kasabay nito ang kanyang malalaking brasong inangkla nya sa aking leeg para maisubsob nya ako sa kanyang matipunong dibdib.

Iyak Rob. Iyak. Umiyak ka na parang walang bukas. Umiyak ka.

Nandoon pa rin yung init ng kanyang mga yakap. Kuryente pa rin ang dulot ng init ng kanyang katawan. Pagmamahal pa rin ang pahiwatig ng kanyang mga haplos. Walang nagbago. Mahal pa ba nya ko o nagiilusyon lang ako? Ano ba?

Nagyakap kami na parang walang bukas. Ilang segundo pa ay kumalas sya mula sa pagkakatagpi ng aming mga katawan. Tumingin ito sa aking mga mata at ngumiti.

“It was nice seeing you again. Ang tagal nating di nagkita.” sabi nito.

“6 na taon?” naiiyak kong tanong.

“Oo. 6 na mahabang taon.” sagot nito.

Tahimik.

“Ano nang balita? Kamusta ka na? Bihis na bihis ka ah? San ka pupunta?” sunod sunod na tanong nito.

“Sa trabaho.”

“Late ka na ba? Sandali lang may papakilala ako sayo.” sabi nito.

“Ha?” tila wala sa sarili kong sagot.

“Ah eh sino?” nangangatal kong tanong.

“Asawa ko.” nagaalangang sagot nito.

Tumingin sya sa akin. Guilty. Nagulat ako sa narinig. Iniwan ako dahil nagasawa sya? Ano ba? Hindi ko alam. Parang tinarakan ng kinakalawang na kutsilyo ang dibdib ko. Ang sakit. Ang tagal kong hinantay ang pagkakataong ito para lang malaman na may asawa na sya. I tried to manage a fake,cold smile. I did. Kasabay nito ang pagtulo ng kanina pang umeepal na mga luha. Di ko pa rin pala kaya. Masakit pa rin. Hindi pa rin ako nakakamove on sa loob ng 6 na taon.

Then there's an awkward silence.

“Padating na sila in a few minutes. Kasama yung anak ko.”

Ouch. May anak na rin pala.

“I don't think makikita ko sila ngayon. I really have to go to work. Malelate na ako.” naiiyak kong sagot.

“Please? Kahit 5 more minutes.” pakikiusap nito.

“Oel I can't. Can't you see? Tanga ka ba? I'm hurt. After 6 years? You left me like a trash tapos now you're expecting that nothing has changed? Na parang isang araw lang tayong di nagkita tapos okay na? Fuck you Oel. Shame on you.” parang rmachine gun kong banat sa kanya.

Natahimik ang gago. Nagitla sa nangyari. Bull's eye. Bigla kong nabulaslas ang matagal ko ng kinikimkim na sakit. Tumalikod ako sa kanya at lumakad papalayo.

“Rob! Sorry.”

Humarap akong muli sa kanya. Tumitig sa kanyang mga mata at ngumiti ng mapait.

“You're sorry. I know. That's all you can say. After all these years Oel. Shame on you.” galit at naiiyak kong sabi.

Agad akong lumabas ng station ng train. Nagtakang humabol si Oel pero nakalabas na ako. Wala syang nagawa kundi sumigaw.

“ROB!“Bukas! Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing!Please!”

Umiyak ako pagkarinig nito. Same time. Same park. Same spot. At tumakbo ako pababa ng Guadalupe Station ng MRT. Nagtaxi papunta ng office. Bongga. I was 20 minutes late. Pag kinantot ka talaga ng malas.

ITUTULOY...

1 comment:

Unknown said...

Oi may bagong akong ako babasahin..