Tuesday, December 21, 2010

"MRT 3"

Enjoy reading!

--------------------------------------------------------------------------------------------------


3:The Game Plan
“Lubdub. Lubdub. Lubdub.”
-unbroken-



Natulala ako for a moment. Tumulo ang laway. Nagdedaydream. Lumipad ang kilay sa kisame.

“So ano na Rob? Papayag ka bang maging Fake Bf ko?”

“Ha? Choi ano ba? Wala namang ganyanan oh” pagtanggi ko.

“Sige na please. Eto naman oh.”

“Akala mo naman madali yun. Hindi madali yun.” sagot ko.

“Bakit naman naging mahirap? I mean paano?” pangungulit pa nito.

“Ano ka ba? Kala mo naman ganun kadali lahat. Di ko nga maimagine na hinahawakan ko ang kamay mo. Yucckkyy ha? Hahaha.” sabi kong nangiinis.


“Ayyy arte much Rob? Pasalamat ka pa nga at Mr.United Nation ang nagpopropose sayo eh. Ayaw mo pa?” nagyayabang nitong sagot.

“Anong bansa naman nirerepresent mo? Africa?”

“May African bang singkit,maputi,matangkad,matangos ilong,mabango,manipis labi,in short “PERFECT” na kagaya ko?” mahaba at nagyayabang na sabi nito.

“Ayy ayos. Spell CONFIDENCE. Yan ang masama pag nasosobrahan ang pasok ng lamig ang ulo Choi,kumakapal ang mukha. Hahaha.” pangaasar ko pa.

Nasa ganoon kaming pagaasaran ng tumayo ang isa naming kasama sa area.

“Mga Tol,tapos ko na yung report ko. Mauuna na ako sa inyo. Di pa ba kayo tapos?” inaantok na tanong nito.

“Di pa eh,sige mauna ka na. We have to finish our files pa.” nakangiting sabi ni Choi.

“Actually ako tapos na kanina pa Choi,ikaw nalang ang hindi. Kuya Bert tara na sabay na tayo umuwi.”

“Tara.” maiksi at nakangiting sagot ni Kuya Bert sa amin.

Dali dali kong ipinasok ang mga papel sa loob ng aking folder,ipinasok ang folder sa plastic envelope,ipinasok ang plastic envelope sa attache case. Sinara ko ang aking bag at binitbit ito.
Tumayo ako at ipinagpag ang aking damit. Tumingin kay Choi at ngumiti.

“Ready na ako Kuya Bert.” sabi ko sabay ngiti.

“Tara na. Inaantok na ako Rob. Oh paano Choi mauuna na kami ha? Ikaw na ang magsara ng opisina.”

“Huh? Hindi pwede. Wag mo ko iwan dito Rob.” naiinis na sabi ni Choi.

“Choi para ka na namang ewan.” sabi ko sabay lakad.

Lumakad kami ni Kuya Bert papunta ng pinto nang biglang..

“Uuwi ka ba Rob?” pasigaw na sabi ni Choi.

“Oo. Bakit?”

“Sabay tayong uuwi.” Sigaw ni Choi.

Bakas sa mukha ni Kuya Bert ang malaking pagtataka. Mababanaag mo naman sa mukha ni Choi ang malaking inis at disappointment sa kanyang tono. Nakapako ang kanyang mga mata sa akin. Ibinato ko ang aking mga titig sa kanya at kitang-kita ang frustrations rito. Nakatayo kaming papalabas na ng pinto,napahinto kami na tila bang nagaantay ng mga susunod na linya.

“Wag kang uuwi Rob.” gigil na sabi ni Choi.

“Rob,ano bang problema ni Choi?” pabulong na sabi sa akin ng nagtatakang si Kuya Bert.

“Hindi ko alam kuya. Ano ba to. Pasensya na sa abala kuya. Tara na po.”

Akmang palabas na kami ni Kuya Bert nang muli na namang binaltik an tinotoyong si Choi.

“Subukan mong umuwi Rob,ipagkakalat ko ang sikreto mo.” matigas at pasigaw na sabi nito.

WTF. Ano daw?

Nagulat ako sa narinig. Maging si Kuya Bert ay napahinto. Tumitig ako kay Choi at kita ko ang ngiting demonyon nagtatago sa kanyang galit na mukha.

Fine.

“Sige Kuya Bert,mauna na po kayo.” sabi kong mahina.

“Sigurado ka ba?” sabi nito sa akin.

“Opo Kuya. Mauna na kayo.” sabi kong nahihiya.

“Oh sige. Ingat kayo.” sabi nito sa akin.

Tumalikod na si Kuya Bert at tuluyan ng nawala sa aking paningin. Nanatili akong nakatitig sa nakabukas na pintuan at tila nabigla sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay desperado talaga si Choi sa balak nya. Bakit nga naman nya ako pagbabantaan kung di sya seryoso?

Pasensya naman,ganito talaga pag 52mb ang utak.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Napapikit ako dala na marahil ng pagod at inis na nararamdaman sa inasal ni Choi. Nagulat nalang ako ng makaramdam ako ng init na nagmumula sa isang tao. Naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang dibdib sa aking likod. Naramdaman ko ang paglock ng kanyang mga bisig sa aking mga dibdib. Naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang mukha sa aking kanang balikat. Naamoy ko ang init ng kanyang hininga. na. Dama ko ang init. Dama ko ang pagyakap ni Choi mula sa aking likod.

Choi? Wag. Tukso layuan mo ako.

Nanatili kaming walang kibo. Sinara ni Choi ang pinto ng office ng hindi kumakalas sa pagkakayakap sa akin mula sa likod. Mas nagiging mahigpit ang yakap ni Choi. Ramdam ko ang pangungulila sa mga yapos nito.

At syempre ramdam ko din ang notang kanina pa tumutusok sa bubble butt ko. Tukso layuan mo ako.

“Sorry.” mahina at maamong sabi ni Choi.

“Naiinis ako sayo Choi.” sabi kong parang bata.

“Sorry na Rob. Please po?” sabi nitong malambing ang tono.

“Sorry naman saan?” sabi ko sa kanya na nagpapavirgin ang effect.

“Wala. Kasi parang tinakot kita. Eh hindi naman dapat,sorry kung parang desperate ako.” sabi nito.

“Yes. Ang desperate mo nga.” sabi kong pabiro.

“Sorry talaga. Sorry Rob.” sabi nito na parang nanunukso ang boses.

“Oo na nga. Umuwi na tayo. Tayong dalawa nalang dito oh? Baka may mawala at tayo pa ang madali ng management.” sabi ko.

Tahimik.

Nanatili akong tahimik. Nagaantay ng susunod na mga mangyayari habang patuloy parang magkadikit ang aming mga katawan na parang bato-balani. Makalipas ang ilan pang hinga, nagulat nalang ako nang pinihit ni Choi ang aking katawan paharap sa kanya. Hindi ako makapalag dahil hamak na mas malaki ang frame ng kanyang katawan sa akin. Sinandal nya ako sa pinto at hinawakan ng mahigpit ang aking mga balikat. Wala na akong kawala.

Sisigaw na ba ako ng Rape?

“Choi? Anong ginagawa mo?” nangangatal kong tanong.

Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Choi. Isang seryoso at sabik na ngiti.

Bitawan mo ako. Pero parang nagugustuhan ko ang ginagawa mo. More. More. More.

Hawak ako ni Choi. Di ako makagalaw. Kung makatitig sya ay parang bwitreng dadagit ng patay na hayop. Wala akong magawa kundi tumitig din pabalik. Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata,di ko maiwasang magtaka kung bakit. Iniisip ko kung ano ba ang nasa isip ni Choi, kung ano tong ginagawa nyang kagaguhan sa akin. Iniisip ko kung bakit ako ang napili nya na magpanggap na BF nya. Nakakalito.

Ha? Ha? Shit. Eto na. Shit. Wag Choi. Wag.

At naramdaman ko nalang ang pagsibasib ng labi ni Choi sa aking mga labi. Tila isa itong batis na pumukaw sa uhaw na aking nararamdaman. Ang mga labi ni Choi ay parang tsokolate. Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili kong lumalaban sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Tila ba may gyerang kinasangkutan ang aming mga dila. Tila sila'y nageeskrima sa saliw ng isang mapanuksong musika. Sa bawat lapat ng aming mga labi ay nasusunog ako sa apoy ng kamunduhan.

Choi is such a great kisser. He turns me on. He makes me fucking hard.

Ilang segundo pa ay kumalas sya sa mainit na pagtutuos ng aming mga labi. Kita namin sa mukha ng isa't isa ang paghabol sa mga tumatakbong hininga. Mababanaag mo sa aming mga mukha ang kakaibang pakiramdam. Kita ko sa mukha ni Choi ang saya na lalong nagpagulo ng aking nararamdaman.

“Rob.” mahinang sabi ni Choi habang nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga.

Pwede na ba kong kiligin?

“Uh-huh?” tangi kong nausal.

“Ang sarap.” sabi nito.

“Masarap alin?” nagtatanga tangahan kong sabi.

“Alam mo na yun.” nahihiya nitong sabi.

“Ano nga?” nagiinarte kong sabi.

Tumitig sya sa akin. Mata sa mata. Dahan dahan nyang kinuha ang aking mga kamay. Para kaming magsyotang nawalay sa isa't isa ng napakatagal. Ramdam ko ang kung ano mang ewang pinaparamdam nya sakin.

Ako lang ba ang nagassume? Or flirt lang talaga sya?

Sa pangalawang pagkakataon,muling nagtama ang aming mga labi. Nalasahan ko ang labi ni Choi. Matamis ito. Malambot. Napakalikot din ng kanyang dila. Lasap ko ang kanyang mabangong hininga. Hindi ko maipaliwanag.

Pwede bang maglaplapan nalang tayo lagi? Please?

Bumitaw muli si Choi at ngumiti.

“Masarap ba?” nakangiting sabi nito.

Jesus Christ. Nanlalambot akong naninigas.

“Oo.” maiksi at pakikay kong sagot.

“Nadadala ako sa halikan natin Rob. I might look for this everyday.” seryosong tono nito.

“Ha?” nagulat kong tanong.

“Sabi ko hahalikan kita ng ganito everyday.” sabi nitong nakatitig sa akin.

“At bakit?” bumalik ang katauhan ni Celia Rodriguez sa akin.

“Ayaw mo ba?”nangaakit na sabi nito.

Susmiyo.

“Ewan.” sabi ko sabay kalas sa paghawak nya sa aking kamay.

“Sorry Rob. Nadala lang ako.” sabi ni Choi. Apologetically.

“I don't know what you're after Choi. I really don't know.” sabi ko.

“Rob. Please? Pumayag ka na?” sabi nito.

“Pumayag ba saan Choi?”

“Na magpanggap tayo? Please?” sabi nito.

“Bakit mo ko hinalikan?” bigla kong nasabi.

“Wala. Basta. Ewan.” sagot nito sabay kamot ng ulo.

Ano yun? Trip lang nya kong laplapin?

“Impossibleng walang dahilan.” giit ko.

“Rob. Sorry. Wag ka na magalit. Gusto ko lang naman na ano eh.”

“Ano?”

“Gusto ko lang naman na pumayag ka. Kaya kita hinalikan.” mahinang sabi nito.

“So makukuha ako sa kiss lang ganun?” nagtataray kong sabi.

“Hindi naman sa ganun yun Rob. I mean I want to kiss you din naman.”

Ay! Kinilig naman ako.

“At bakit nga?” nagiinarte kong sagot.

“Kasi I want you to be comfortable sa akin. Para pag nagpanggap na tayo parang wala lang. I mean makakapagkiss tayo ng walang hirap.” paliwanag nito sa akin.

“Ay? At sigurado ka talagang mapapaOO mo ako no? Kapal.” sabi ko.

“Please Rob?Kahit ano gagawin ko pumayag ka lang?” desperado nitong sabi.

“Kahit ano?” tanong ko.

“Oo. Sabihin mo at gagawin ko. Kahit ano. Please?” desperado nitong tugon.

Ramdam ako ang despair sa kanyang tono.

“Okay. Fine.” sagot kong malamig.

“So pumapayag ka na?” nangingiti nitong tanong.

“Just make sure na gagawin mo lahat mg iuutos ko.” ngiting demonyo.

“Oo Rob. Promise.” seryosong sabi nito.

“Sige. May ipapagawa ako sayo. Pero hindi pa ngayon. Let's save it pag tapos na ang palabas natin.”

Kung may game plan ka,meron din ako. Akala mo ha.

“Deal?” sabi nya.

“Deal.”

At kami'y nashake hands. Ngumiti sa isa't isa. Simula na ng palabas. Simula na ng laban.

“So paanong set up natin?” tanong ko.

“Ha? May set up pa ba?” tanong nito sa akin.

“Kailan tayo magpapanggap? Paano?” tanong ko.

“Ahh. Oo. Sige. Sasabihin ko sayo kung kailan. Pero alam ko may gathering kaming magkakabarkada at pupunta si Ex. Dun kita isasama.” sabi nito.

“Sure. Basta sagot mong lahat ha?” pabiro kong sabi.

“Oo naman. Sagot ko lahat,wala kang poproblemahin.” nakangiti nitong sabi.

Bigla kaming natahimik pareho. Ngumiti sya,ganun din ako. Lumapit na sya sa table nya at inayos ang mga gamit. Ilang segundo pa ay bitbit na nya ang kanyang bag at lumabas na kami ng opisina. Walang kibuan. Nagantay ng elevator. Pumasok. Kaming dalawa lang ang tao.

Nagitla ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero dahil sa hindi ako maramot.ako ay nagpaubaya.

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

Hawak nya ang aking kamay at wala kaming kibuan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kung ano man ito? Alam kong nagugustuhan ko. Alam kong hindi tama,alam kong may posibilidad na.. Ewan. Basta.

“Ang sweet mo. Baka mamihasa ako.” sabi ko

“Wag kang magalala. Bibigyan kita lagi ng tubig para di ka masuya.” pabiro nitong sabi.

Ilang segundo pa ay narating na namin ang ground floor. Bumaba na kami. Kinuha ako ang aking cellphone at tinext ang address ng office namin. Mali ang diskarte ko. I should have texted Rex earlier para di ako magantay ng matagal. Napatingin ako sa relo ko unconsciosuly.

“May inaantay ka ba?” putol ni Choi sa katahimikan.

“Ha? Oo eh. Sige na mauna ka na Choi.” sabi ko.

“Saan ba manggagaling yung inaantay mo?” tanong nito.

“Sa work din. Di ko alam kung saang place ba eh.” sagot ko.

“Sige. Samahan kita antayin na natin po.” malambing na sabi ni Choi.

“Sure ka?” sagot ko.

“Oo. Sure. Sure na sure po.” masayang sabi ni Choi.

Nagtext si Rex na on the way na daw sya. I can't help but to giggle. Nahalata ata ito ni Choi at nagreact.

“Sino bang imemeet mo? Bakit parang ang saya saya mo ha?” sabi nitong parang ewan.

“Secret.” nangaasar kong sabi.

“Ano ba?Sino nga eh?” naiiritang sabi ni Choi.

Ayyy? Bakit ka nagmamaasim?

“Bakit ba Choi? Iwanan mo na nga ako. Kaya ko na. Naiirita ka na eh.” sabi ko kay Choi.

“Sorry Babe.” sabi nito.

Did I hear it right? Babe? Babe daw oh? Biik ako?

“Choi? Did you just say Babe?” tanong ko.

Namula si Choi. Bulls eye.

“Ha? Hindi. Nevermind.”

“Sus. Okay.”

Ilang segundo pa ay nagtext na si Rex. Nasa may entrance na daw sya ng building namin. Agad agad kaming pumunta ni Choi at nakita ko si Rex. Suot pa rin nya ang suot nya kanina sa MRT. Agad ko syang nilapitan at isang akbay ang ibinati nya sa akin.

“Uy,sorry kanina ha? Ang tanga tanga kasi talaga nung secretary ko eh.” pagpapaliwanag nito.

“Wala yun. So saan tayo?” sabi ko.

Nasaan na si Choi? Wait.

“Choi. Tara rito.” sigaw ko kay Choi na parang di maipinta ang mukha.

Dahan dahang lumapit si Choi sa amin ni Rex at parang pareho silang nagulat nang makita ang isa't isa. Hindi ako makaimik sa labis na pagtataka.

“Ikaw?” sabi ni Choi kay Rex.

“Magkakilala kayo?” sabat kong nalilito.

I T U T U L O Y . . .