“Ano na? Sagutin nyo ako! Magkakilala ba kayo?” nalilito kong sabi.
Tila natameme ang dalawa. Nagulat sa mga nangyayari. Halata sa mukha nila ang matinding emosyon hindi ko mawari kung ano. Galit ba sila sa isa't-isa? Ano ba?
“Rob,tara na. Umalis na tayo.” sabi ni Rex.
“Huh? Okay.” sabi kong natataranta na rin.
“Tara na. Baka ano pa magawa ko sa lalaking yan.” gigil na sabi ni Rex.
Ay Ante,afraid ako.
Hinatak ni Rex ang braso ko. Madiin. Dominante. Nakakatakot. Nakatitig si Choi na parang natulala na ewan. Ano ba talaga to? Bakit ganito? Sino sila? Ano ang koneksyon nila sa isa't isa. Bakit parang nagiging sandwich na ako sa kanilang dalawa?
I never wanted to be a filling to this sandwich. I am my own jam. I am my own spread.
Ilang hakbang pa lamang nang kami'y makalayo ni Rex ay nakita kong nagmamadaling lumapit si Choi suot ang kanyang gusot at nagngangalit na mukha. Biglaang hinatak ni Choi ang aking kaliwang braso na naging daan para ako'y makabitawan ni Rex. Sa lakas ng impact nito ay bigla akong napasubsob kay Choi.
“Aray naman!” sigaw ko.
“Saan ka pupunta Rob? May lakad tayong dalawa!” sigaw ni Choi sa akin.
“Anong san pupunta Choi? Ano bang nangyayari sayo? Bitiwan mo ako masakit!” angal ko.
“Ano ba Pare? Bitawan mo nga si Rob! Babasagin ko mukha mo!” pagaangas ni Rex.
Ayy bongga! Pinagaagawan ako ang haba ng hair ko. Wooohooo!
“Hangang ngayon pa ba di ka pa rin nakakamove on sa mga nangyari Mr.San Diego? Get a life.” sagot ni Choi kay Rex.
Napataas ang kilay ko sa mga narinig. Ano ba talaga to?
“I am sorry. Pero I think you're being too clingy on my property.” sabi ni Rex habang nakatitig kay Choi.
“Property?” tanong ni Choi.
“Yes. Kung hindi mo alam. Yang lalaking hinahawakan mo ngayon ay akin. Kaya kung ako sayo bibitiwan mo na sya.” matigas at malakas na sa Rex kay Choi.
Nanatili akong tameme. Hindi ko alam,wala akong masabi.
“He's not yours. Akin si Rob.” sabat ni Choi.
Lumipad ang kilay ko sa starry starry sky.
“Ano Choi? Bitawan mo nga ako.” sabi ko sabay kalas sa kapit ni Choi sa akin.
“Akala ko ba tayo na?” pasigaw na sabi ni Choi.
“Tayo? Kailan ko sinabi sayo ha?” singhal ko sa kanya.
“Kanina. Sabi mo sakin Rob mahal mo ko. Sabi mo sakin mahal mo na ako. Tapos nakita mo lang tong gagong to eh iiwan mo na ko? Grabe ka.” seryosong sabi nito.
Putangama. Ang galing umarte ng kupal. Eh kung maniwala si Rex? Wala na akong booking. Hindi pwede!
“Rob? Totoo ba?” mahina at malungkot na sabi ni Rex.
“Ha? Hindi totoo yan Rex. Wag ka maniwala kay Choi. Hindi totoo.” sabi kong natataranta.
“Rob please? Mahal na mahal kita. Tara na wag ka na magalit sa akin. Alam ko naman kaya ka gumaganyan sa akin kasi nagtatampo ka. Sorry na please.” umaarteng sabi ni Choi.
“Choi shut up! I never thought that you're a good liar. Pag may hindi magandang nangyari sa lovelife ko sa gabing ito,tandaan mong hindi na kita kilala.” galit kong sabi.
“Rob,bakit? Akala ko ba single ka?” mukhang naniniwala-kay-Choi mode na sabi ni Rex.
“Single ako. Wag ka maniwala dyan kay Choi. Tara na Rex. Iwan na natin tong gagong to.” sabi ko sabay tingin kay Choi.
“Ako gago?” tanong ni Choi,halatang pikon na pikon na.
“Choi please. Tigilan mo na nga kami. Umuwi ka nalang. Inaabala mo kami.” sabi ni Rex.
Ulol ka Choi. Kala mo naman maiisahan mo ko.
Sumilip ako sa paligid at wala naman masyadong tao. Wala naman nakapuna ng eksenang nangyari. Hinatak ako ni Rex ng marahan at inakbayan. Amoy na amoy ko ang pabango nito. Soothing. Bruskong brusko. Macho. Mabigat ang mga braso ni Rex. The way I love it. Dahan dahan kaming lumakad papalayo ni Rex sa nanggigil na si Choi. Nilingon ko syang muli at kita ko ang apoy na lumalagablab mula sa kanyang mga mata. Kita ko ang galit. Parang gago lang.
Bakit ka ba nagkakaganyan Choi? Kala ko ba acting lang? Bakit ayaw mo ko maging masaya?
Malamig ang hangin pero pinapainit ako ng body temperature ni Rex. Winner!
“Saan tayo pupunta Rex?” tanong ko habang ninanamnam ang kanyang akbay.
“I know a place Rob. Coffee?” tanong nito.
Ayy! Why not? Ang wholesome. Coffee muna bago jerjer. Pwede!
“Coffee? Sure. Saan?” tanong ko.
“Teka. Sure ka na there's nothing going on between you and Choi?” tanong nito.
“Yep. Sure yun. Wala po talaga.” sabi ko.
“Eh bakit ganun sya umarte?”
“Ewan ko din. Hayaan na natin.” sabi ko.
“Sure ka ha?”
“Oo nga po.”
“Seloso kasi ako.” sabi nito sa akin.
“Awww. Seloso ka dyan? Eh di ka pa nga nagtatapat ng pagibig mo.”
Ang kiri kiri ko. In all fairness.
“Di ba obvious?” tanong nito.
“Obvious na ano po?” tanga-tangahan kong tanong.
“Di ba obvious na gusto kita?” tanong nito.
“Ang bilis ha?” pabiro kong sabi.
“Kailangan ba matagal? Di naman kita babakuran ng husto eh. Masaya na ako sa kung ano man ang pwede mong ioffer.” sabi nito.
“Aww. Yung ganyang setup? Magulo yan. MU?” tanong ko.
“May kaguluhan nga,pero yan ang set up ng karamihan ngayon.” paliwanag ni Rex.
“I don't want to be one of them.” maiksi at pranka kong sabi.
Totoo naman no? Bakit papasok ka sa MU-MUhan na yan. Sakit lang sa ulo. Dalawa lang ang relationship status, Single at In a Relationship. Hindi pa napaprocess ng 52mb kong utak ang M.U effect na yan.
Ngiti ang sinagot nito sa akin. In fairness,pantay naman ang mga ngipin nya. Why not?
“Wag kang magalala,sa edad nating to,eto na yung settling down age diba? So asahan mong hindi tayo magagaguhan.” sabi ni Rex sa akin.
Nakaramdam ako ng security sa mga salitang rumehistro sa aking tainga. Ako'y napabuntong-hininga. Napaisip ako na probably,tama nga si Rex. Sa edad ko na to,alam kong kalinga ng isang mapagmahal na kabiyak ang aking kailangan. Kailangan ko ng magmamahal sa akin. Sana nga. Oo,sana nga.
Lumingon ako sa likod kung saan namin iniwan ang nagngangalit na si Choi. Wala na ito,nawalang parang bula,tinangay ng hangin? Siguro. Pumara si Rex ng taxi,nagulat ako ng binukas pa nya ang pinto para sa akin. Napakagentleman nya. I feel like a real woman na inaalalayan ng kanyang eskorte. Iba ang pakiramdam kapag tinatrato ka ng mabuti ng isang gwapo,stable,mabait at masarap na lalaki. Perfect!
“Saan po tayo boss?” tanong ng driver.
“Katipunan Manong. Kopi Roti.” maiksing sabi ni Rex sabay tabi sa akin.
Nagulat ako sa narinig. Kopi Roti? Ilang taon na akong di nakapunta don ah? Naalala ko na naman sya. Bakit alam ni Rex ang lugar na yun? Ako'y napabuntong-hininga.
“Oh bakit ka nagsasigh?” tanong ni Rex sabay pout ng kanyang lips na nakapagpangiti sa akin.
“Wala naman. Matagal akong di nakapunta ng Kopi Roti. It's a bit nostalgic.” sabi ko sabay patong na kamay ko sa hita nya.
“At bakit naman nostalgic? Why won't you tell me?” sabi ni Rex.
“Wala naman. Sabihin nalang natin “memories of the past.” sabi ko sabay ngiti ng plastik.
Ouch!
“Do you still miss him?” tanong ni Rex.
“Sometimes.” maiksi kong sagot.
“Thanks for the honesty.” sabi nito sabay halik sa aking noo.
Kinikilig ako.
“We all deserve honesty. So asahan mong hindi ako magsisinungaling sa kung ano mang nangyayari sa atin.”sabi ko sa kanya.
“Wag ka magalala. I know na gusto kita. We just need time to strengthen this. Pero If you were to ask me, I really do like you.” sabi nito.
Nakaramdam ako ng pamumula. Nanlalaki ang ulo ko. Maybe kinikilig ako? Siguro nga.
“Salamat ha?” maiksi kong sagot.
“No worries. Wag ka magalala. Give me a chance. I'll prove my worth.” sabi nitong nakatitig sa akin.
Walang salisalita,nakita ko na lamang ang sarili ko sa front mirror ng taxi na nakasandal sa kaliwang balikat ni Rex. Ilang segundo pa,naramdaman ko ang paglock ng kamay nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaiba. Nagiinit ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko na parang tumatalon ung puso ko mula sa dibdib ko. After ng maraming taon,nakaramdam muli ako ng ganito.
If this isn't love then what it is? It's like i've been dreaming or just plain crazy. L O V E. la la la la.
Nasa ganoong posisyon pa rin kami nang biglang magsalita si Rex.
“Alam mo,ang bango mo.” sabi nya.
“Ako mabango? Mas mabango ka.” sabi ko.
“Rob,this is serious. May sasabihin akong importante.” seryosong tono ni Rex.
“Ano yun?” kinakabahan kong sabi.
“I like you.”
Kinikilig ako.
“Wow thanks.” sabi ko.
At isang mainit at mamasamasang halik ang dumampi sa aking noo.
Ilang segundo pa ay dumating na kami sa Kopi Roti sa may Katipunan. Nakakatuwa at nagexpand na sila. Dati ay maliit lang,ngayon ay puno na ng tables at chairs sa labas kung saan nakatambay ang mga students ng Ateneo at UPD. Mangilan-ngilan lang ang tao ngayon sa labas. Napakaconducive ng lugar na ito sa pagaaral. Tahimik,maganda ang bossang tugtog,pangmayaman.
Nostalgic ang lugar na ito. Dito kami tumatambay ni Oel kapag may mga exams kami,minsan nagpapaumaga kami dito lalo na kapag gusto lang naming maglambingan or magaguhan. Nandun pa rin ang mga taong nagtatrabaho. Sa dalas namin dito ay malamang kilala na nila ako sa mukha,si Oel din. Pero mas sikat si Oel sa Kopi Roti, Mr.Congeniality kaya yun.
“Tara na?” tanong ni Rex.
“San?” wala sa wisyo kong sabi.
“Sa loob?” nakangiti nitong sabi.
“Ahh. Ahh. Oo,sige.” natataranta kong sagot.
Bumaba kami n taxi. Inalalayan ako ni Rex na bumaba. Pagkababa ay inayos ko ang aking damit maging ang aking bag. Humanap na si Rex ng pwesto sa loob ng shop at sumunod na ako. Inilapag namin ang aming mga gamit sa mesang nasa dulo ng kapehan. Magkasabay kaming pumunta doon sa cashier para umorder,inakbayan ako ni Rex.
Nakita ko ang paboritong barista ni Oel sa counter. Ngumiti ito sa akin na aking kinagulat. Ang tagal na nyang nagtatrabaho sa Kopi Roti bilang barista. Ganun pa rin sya,payat at pangahan pa rin. Wala masyadong pagbabago.
“Uy Sir!” sabi nito sabay ngiti sa akin.
“Hi!” nagaalangan kong sagot.
“Musta po? Ilang taon kayong di nagawi dito ah.”
“Okay naman. Ikaw?” tanong ko.
Mababanaag mo sa mukha ni Rex ang pagtataka.
“Ayos naman po.” sabi ng barista.
“Kilala mo sya?”tanong ni Rex.
“Sa mukha oo. Lagi kasi kami dito dati ng kaibigan ko eh.” sabi nito.
“Ah okay.” maiksing sabi nito.
“Sir ano pong order nila?” sabi ng nakangiting barista kay Rex.
“Hmmm. Coffee Bun 2 siguro.” sabi nito.
Coffee bun? Ano ba to? Pag kinakantot ka talaga ng memories.
“Sige coffee bun.” dagdag ko pa.
“Anong kape natin?” tanong ni Rex.
“Kaw na bahala. Basta may coffee bun ako.” sagot ko.
“Ayy sir nga pala. Sayang di kayo nagabot nung lagi nyong kasama dati dito?” parang batang sabi ng barista.
“Ha?” nagulat kong tanong.
“Yung lalaki pong kasama nyo dito dati lagi? Nung nagaaral pa kayo?”
Si Oel ang tinutukoy nya.
“Ahh. Sya ba? Ahh. Oo nga sayang. Ang sharp ng memory mo ha?” sabi ko sa kanya.
“Oo Sir. Makakalimutan ko ba kayo nun? Hindi ah. Kasama nga nya yung asawa nya kanina Sir.” sabi ng barista.
“Asawa? Kasama nya dito yung asawa nya?” tanong ko.
“Oo sir. Kasama nya yung ang asawa nya. Ang cute nila tignan.” masayang sabi nito.
“Ahh ganun ba. Good for them.” sabi kong hindi nagpapahalata ng pait.
So sinama na pala ni Oel ang asawa nya dito sa Kopi Roti?
“Sige Rex. Mauna na ako sa upuan natin baka mawala ang mga gamit natin.” sabi kong nagpapalusot.
“Sure sure. Susunod ako.”sabi nito sabay ngiti ng pagkatamistamis.
Hindi ako alam pero nakaramdam ako ng lungkot nang marinig na kasama ni Oel ang asawa nya sa kapehan. Espesyal na lugar namin ang Kopi Roti,bakit kailangan pa nyang isama ang asawa nya? Bakit naman ganun? Bakit ako nagkakaganito? Ang hirap. Bakit ko pa rin ba kasi sya iniisip? Sana madaling makalimot. Sana nga.
“Uy Rob.” pagputol ni Rex sa kung anumang iniisip ko.
“Ah. You're here na pala.” kikay kong sabi.
He sat beside me. Gave me my Coffee Bun then Cold Coffee. Why not? Ang tagal kong nagtiis na di pumunta dito. I guess it's time for me to move on. As if naman madaling magmove on? As if naman di ko na mahal si Oel? Eto ang problema ko,kinakausap ko ang sarili ko,nagdedebate ang mga characters ng sarili kong mundo. Ang tanga ko minsan.
Lumipas ang ilang oras ng pagkekwentuhan ay gumaan ang loob ko kay Rex. Isa pala syang lawyer. In fairness sa kanya halatang halata na matalino sya. Prangka din sya at ang bilis kumilos. I mean mabilis pumorma. Sa ilang oras na paguusap namin ay inaakbayan nya ako,paminsan minsan ay nagnanakaw sya ng halik pag walang nakatingin na tao,minsan naman ay kinakagat nya ako sabi kiss sa parteng kinagat nya.
Masaya lang ang pakiramdam na naging komportable ako sa kakulitan ni Rex. Ang cute naming dalawa ngayon ko lang narealize. Para lang kaming magjowang hindi na mapapaghiwalay. Why not? Ang kiri ko talaga.
Inakbayan ako ni Rex at hinilig ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Katahimikan.
“I can stay this way with you forever.” maiksi at tumatagos na sabi ni Rex sa akin.
“Wow. Kinikilig ako.” nagbablush kong sinabi.
Nasa ganung posisyon kami ng may lumapit na isang pamilyar na lalaki. May hawak itong isang cup ng cold coffee. Tinatahak nito ang aming lugar suot ang kanyang nagngangalit na mga mata. Nakaramdam ako ng kaba sa kung ano mang gulong dala nito. Nakakatakot.
“Ang sweet nyo namang dalawa.” sarkastiko nitong sabi.
“Choi pati ba naman dito susundan mo kami?” nanggigil kong sabi.
“Sabi ko kasi sayo,akin ka lang!” sigaw na sabi ni Choi sa akin.
Nagitla ako sa narinig. Maging si Rex ay nabigla.
“Choi. Tigilan mo na nga kami!” sigaw ni Rex dito.
Walang kaabog abog,sinaboy ni Choi ang malamig na kape sa mukha ni Rex.
Shotanginamels.
I T U T U L O Y. . .
No comments:
Post a Comment