"Had it all"
by:Unbroken
by:Unbroken
Time Check:
1:12 a.m
Para kong gagong nakatanga sa may Mcdo dito sa may building ng Teleperformance. Binibilang kung ilang bus ang dumadaan habang hinahalo ang Caramel Sundae. Mainit init pa ang twister fries na inorder ko kasama na ang Burger Mcdo. Para akong tanga,mula nang mawala ang mga di dapat mawala eh parang plastik labo na ang utak ko,madali ng tangayin ng hangin,madali nang malamigan,madali ng mawala sa katinuan.
Patuloy ako sa pagnamnam ng malayemang tamis ng Caramel Sundae. Masarap naman sa umpisa, pero marerealize mo nalang na nakakaumay na pala kaya bigla mo nalang di kakainin,pag hinanap mo ang tamis nito,magugulat ka na wala na pala dahil nakuha na ng iba dahil sa kapabayaan mo. Parang pagibig lang,andyan na,okay na,sweet na,perfect na,binalewala mo pa. Akala mo may makikita kang iba kaya hinayaan mo lang mawala. Biruin mo? Pati ba naman Caramel Sundae ginawan ko ng analogy sa pagibig? Ampota. Nababano na naman ako.
Naisipan kong lumabas na ng Mcdo pagkatapos maubos ang kinakain ko. Dala ko pa rin ang bigat na nararamdaman ko. Mabigat pa rin ang lahat ng nangyari. Di ko inaasahan na magiging ganito pala kahirap pero wala na kong magagawa. Nagdesisyon na siya at di ko na mababawi yun. Ilang hakbang pa ay malaya ko ng natatanaw ang kahabaan ng EDSA. Nagaabang kung anong bus na ligtas ang masasakyan ko pauwi. Mahirap na rin,dapat maging mapili na ako sa bus kasi naholdap na yun bus na sinasakyan ko dati. Mabuti ng nagiingat.
Time Check:
1:45 a.m
Napatingin ako sa relos ko. Para lang gago,nakatitig ako sa relo na regalo nya sa akin dati. Eto pa rin yung suot ko hanggang ngayon. Naalala ko yung mukha nya nung binigay nya sa akin to,pinagbibida pa na inipon daw nya to sa sahod nya. Natouch naman ako syempre. Bakit ba na naman kita naaalala?
Nakakita ako ng bus na pula. I think Malanday Gold Express ata? Sakay na ako tutal maayos naman ang konduktor ng bus na to at fastlane sila sa Cubao kaya di ako matatrapik. Isa pa,dito kami lagi sumasakay dati. Sa bus na to.
Time Check:
2:10 a.m
Mabilis na nakarating ang bus sa Cubao. Hindi naman puno ang bus dahil anong oras na rin naman. Kahit paano ay alerto ako at nagmamasid sa mga makakasabay. Nakakatakot kayang maholdap. Palagpas na ng dulong parte ng fast lane ng ibukas ng driver ang pinto ng bus para magtawag ng pasahero. Nakaramdam ako ng tensyon dahil ganitong oras nga sya umuuwi galing ata sa training ng kanyang bagong trabaho. May isang grupo ng kababaihan ang sumakay sa bus,mga 6 ata sila? Pero di ko naman pinansin. Ang iingay nila at ang lalakas tumawa. Di ko nalang din papansinin para matahimik ako. Sana di ko sya kasabay sa bus.
Time Check:
2:18 A.M
Nagbabaan na ang ilan sa mga babae sa Quezon Ave. may ilang natira. Mukhang di naman sya part ng grupo na yon. Sana nga. Sinalpak ko nalang sa tenga ko ang headset ng aking mp3 at nanahimik sa isang sulok.
Time Check:
2:25 A.M
Ang tagal ng bus. Nakakapeste yung ganitong bus,papasada ng papasada tapos di naman chinecheck kung okay ba yung makina etc. Yan ang hirap sakin,ang dami ko masyadong reklamo. Nakatambay pa rin sa SM North ang bus. Hindi ko alam kung nagpupuno ba o talagang nasiraan kami. Hindi ko alam kung napapano na ako. Sabog ako. Wala sa sarili.
Iidlip ba ako o wag na? Shit.
“Boss,baba muna kayo lipat po tayo sa kabilang bus. Nasira po kasi ang gulong ng bus natin eh.” malakas na sabi ng konduktor
Walang sali-salita ay agad akong tumayo kasabay ng ibang pasahero. Nakita namin ang lilipatan na bus at agad kaming nagmadali para makasakay.
Wala masyadong laman ang bus. Maluwag ito at maliwanag. Halatang bago dahil malinis ito at may plastik pa ang upuan. Oras na para pumili ng mauupuan. Ayoko na umupo sa dulo muna,baka palipatin na naman kami,ayoko na maglakad ng malayo. Sa may bandang bungad na ako uupo.
Umupo agad ako sa pangatlong upuan sa kaliwa ng driver. Umupo agad ako at pumikit. Di ko na inalintana kung sino man ang katabi kong nakaupo. Patuloy ako sa pakikinig ng mga kanta ng Snow Patrol sa aking mp3.
“Light up,light up! As if you have a choice,even if you cannot hear my voice. I'll be right beside you dear.”
“Louder! Louder! And we'll run for our lives,I can hardly speak I understand!
Why you can't raise your voice to say?”
“Uy,kamusta?” tinig ng katabi ko. Pamilyar.
Hindi ko pinansin kung sino ang nagsalita. I just assumed na may kausap sya sa phone. Ayoko magexpect baka mapahiya lang ako.
“Ayy,ang snob naman nito. Sige ganyanan na Joms.” sabi pa nito na halatang naglalambing.
Joms? How did she know my name?
Nagulat ako sa narinig. Akala ko kung sino na,dahan dahan kong minulat ang mga mata at tinahak ang pinagmumulan ng boses. Nagulat ako sa nakita,sya nga. Si Sandy. Ang aking pinabayaan,ang aking binalewala. Ang babaeng aking sinaktan.
Hindi ako makapaniwala. Nakita ko ulit ang kanyang mukha,wala pa ring pagbabago. Maganda pa rin sya,I mean mas maganda sya ngayon kesa noon. Mas kuminis ang kanyang mukha,mahaba na ang kanyang layered na buhok noon. Naenhance lalo ang kanyang mukha ng gamit nyang bronzer. Wala din syang eyeliner ngayon,naaalala ko kung paano namin pinagtataluan ang paglalagay nya ng eyeliner noon. Nabighani ako sa kanya,again and again.
“Oh? Bakit speechless?” tanong nito sakin.
“Ha? Wala naman.” nauutal kong sabi.
“Ahh akala ko kung ano na eh.” sabi nito.
Katahimikan.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Natetense ako. Nararamdaman kong tumutulo ang pawis sa aking noo kahit na sobrang lamig ng aircon dito sa bus. Ganito ba talaga yun? Nararamdaman ko ang malakas na pagpintig ng aking puso,tila ba nagpapalpitate ng husto. Nanginginig din ang aking panga tanda ng nerbyos alinsabay na din ang aking tuhod.
“Bakit namumutla ka Joms?” nagtatakang tanong nito.
“Ha?” nauutal kong sagot.
“Hmmm. Sabi ko bakit ka nauutal?” tanong ni Sandy sa akin sabay hawi ng buhok nyang hanggang likod.
“Ha? Hi..Hiindii namaan ahh?” depensa ko.
“Adik. Kilala kita. So kamusta? Anong bago?” tanong nitong parang walang nangyari.
“Ahh,okay naman ako. Ikaw ba? Sinong bago?”
Shit. Di ko dapat natanong yun,handa ba ako sasagot nya? Shit.
“Bago? Hmmm.” sabi nitong nangingiti.
“Hmmm?” dagdag ko pa.
“Alam mo namang naniniwala ako sa 3-month rule diba?” sagot nito.
“3-month rule? Ahh oo nga pala. 3-month rule fanatic ka.” pabiro kong sabi.
Ngiti lang ang sinagot nito.
Oo nga pala,naniniwala sya sa 3-month rule. Yung tipo na di ka muna makikipagcommit kahit kanino sa loob ng tatlong buwan after ng isang break up. Eto yung wala kang idedate o tatanggapin na date offerings hanggang 3rd month ng singlehood mo. Ewan ko ba kung sino nagpasimuno nun, sa One More Chance ata yun na movie eh. Eto yung span of time na kung saan pinaniniwalaan na nakapagmove on ka na, tingin ko pag lumagpas na ng 3 months eh nagiinarte ka na non,pero depende pa rin sa level ng emotions na naincorporate sa past relationship mo.
“Ikaw Joms? Kamusta?”
Nagitla ako sa tanong.
“Wala pang tatlong buwan ha? Don't tell me pinagpalit mo na ako?” parang flirty na sabi nito.
“Ha?” namutla kong sabi.
“May bago ka na ba Joms?”
Nakapagtataka,hindi sya ganito kastraight forward dati.
“Ako? Wala pa.” mahina at parang nahihiya kong sabi.
“Ay? Bakit naman?” nangungulit nitong tanong.
“I don't know Sandy.” sagot ko.
“Siguro dahil wala pang 3 months?” sabi nito.
“Siguro.” mahina kong sagot.
“Or siguro nanghihinayang ka at pinabayaan mo ako dati no?” ngumingisi nitong sabi.
Nagulat ako at nakaramdam ng panliliit sa narinig. Nakakahiya mang aminin pero oo,nanghihinayang ako sa kanya. Kung tutuusin good catch na sya,maganda naman at matalino, di ko lang alam kung bakit nakaramdam ako na may higit pa akong dapat makuha kesa sa kanya. Akala ko makakahanap pa ako ng mas okay sa kanya,pero to be honest she's the best I've had. Marunong sya sa buhay at madiskarte,sanay gamitin ang charm at ganda,palaban pero napakalambing. Nanghihinayang ako sa amin.
Nakita ko ang sarili kong humuhugot ng isang malalim na buntong hininga.
“Oh bakit ka nagsasigh?” tanong nito sa akin.
“Paano kung umamin akong namimiss kita?” nasabi ko all of a sudden.
“Eh di umamin ka,may isasagot na ako.” sabi nito sabay ngiti.
Hindi ko matukoy pero may mali sa paraan ng pagngiti nya sa akin ngayon. Parang may galit na ewan. Di ko alam.
“Sandy,miss na miss kita.” sabi ko.
“Miss din naman kita Joms. Ikaw lang ang tumapos sa lahat eh.” sabi nito sabay check ng cellphone nya sa bag.
“Sorry. I don't know kung anong mali.” sagot ko.
“Ano bang kulang sa akin?” tanong ni Sandy.
“Di ko alam. Ako ang may problema Sandy. Wala kang kasalanan.” sagot ko.
“Siguro nga.” maiksi nitong tugon.
Time Check:
2:40 A.M
Mabilis na narating ng bus ang Monumento. Karamihan sa mga pasahero ay nagbabaan na. Iilan nalang kaming natira. Makikita pa rin sa aking noo ang butil-butil na pawis kahit malamig ang loob ng bus. Parang roller coaster na naglalabolabo ang kaba sa dibdib ko samantalang sya ay pangiti-ngiti lang na parang natutuwa pa sa nangyayari. Ganito ba talaga pag may guilt kang nararamdaman? Ganito ba talaga pag nanakit ka ng iba? Nakakahiya pala ang ginawa ko.
“Sandy. Sorry.” maiksi kong sabi.
Nakakapagtaka. After kong magsabi ng sorry ay gumaan ang pakiramdam ko.
“Sorry saan?”
“Sa lahat ng ginawa ko. Sa pananakit,sa pagpapaasa,sa lahat lahat.” mahina at sinsero kong sabi.
Natahimik sya at tumitig sa akin,maya maya ay nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mata. Nagulat ako dahil affected pa rin pala sya sa nangyayari.
“Pinapatawad na kita.” mahina at gumagaralgal nitong sabi.
“Sure?” naiiyak ko na ding sabi.
“Oo. Sure.” sabi nito habang umiiyak.
“Sandy? Pwede magtanong?”
“Ano yun Joms?” balik nito sa akin.
“Do you still love me?” tanong ko sa kanya.
Halatang nagulat sya sa tanong. Ngumiti ito at tumitig sa aking mga mata.
“Oh! Karuhatan dyan baka may mga natutulog. Madukutan pa kayo!” sigaw ng konduktor.
“Yes. I'm still in love with you.” sagot nito at ngumiti.
“Can we be cool again Sandy? Please?” tanong kong nanunuyo.
Dahan dahang tumayo si Sandy mula sa kanyang kinauupuan. Pababa na pala sya. Nagbigay daan ako dahil ako ay nakaharang sa aisle. Ngumiti sya sa akin at biglang nagsabi.
“No. You had it all. Why did you let it go to waste?” maytapang sa tono nito.
Nagitla ako sa narinig. Tama nga sya. Huminto ang bus at sinusundan ng mata kong lumuluha ang pagbaba ni Sandy sa Karuhatan. Pinahid ko ang aking mga luha. Nagbuntong-hininga.
“I had it all. Why did I let it go to waste?”
Muli,pumatak ang aking mainit na luha.
W A K A S
3 comments:
Wow, I felt it. I felt it was real. Regret was the word for Joms... Ahahah... Thumbs up Rovi... :DD
wow! gs2 q dn ng sundae! ^w^
ung sundae na d q bbtawan kht imba ang tamis, pramis!
Exactly.
He had it all.
He wasted it.
Post a Comment