Wednesday, January 5, 2011

"MRT 6"

"MRT 6"
by:Unbroken


“You gave up,what am I supposed to do?” nasabi ko habang umiiyak.

“Hindi ako sumuko sa atin. Alam mo yan,alam mong mahal kita.” paliwanag nito sa akin

“Mahal mo nga ako pero bakit mo ko iniwan?” tanong ko.

“Kasi I have to. Kasi dapat. Kasi kailangan ko.”

“Bakit di ka pa man lang nakipagusap ng matino? Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin na maiwan ng magisa sa ere? Alam mo ba yun? Wala man lang tayong closure? Wala man lang ganon?
May pinagsamahan tayo Oel, sana kahit dapat kang umalis alam ko ang dahilan,konting respeto lang naman yon. Di mo pa binigay.” sabi kong patuloy na umiiyak.

“Biglaan lahat. Sorry Rob. Sorry. Inunahan din ako ng takot kaya di ako nagpasabi. Natatakot akong masaktan kita. Kaya umalis na ako.” paliwanag nito

“Natatakot kang masaktan ako? Eh putangina ka pala eh? Ano tingin mo sakin? Robot? Di nasasaktan? Walang pakiramdam? Tingin mo ba di ako nasaktan nung iniwan mo ako ng walang dahilan? Durog na durog ako! Naging dependent ako sa atin! Akala ko di matatapos,pero mali pala ako. Maling-mali ako.”

Katahimikan. Yun ang kailangan namin ngayon,patuloy kaming nagpapakiramdam habang tumutulo ang gripo ng aming mga luha. Napaupo ako sa sofa,agad na sinapo ng aking mga palad ang mga matang namamaga sa kakaluha. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero rinig ng aking mga malisyosong tenga ang kanyang mga hikbi at pagtangis. Pareho kaming luhaan,ako na binabalikan na nasaktan ng sobra at sya na bumabalik na pinipilit punuan ang kanyang mga pagkukulang.

Hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko,nakita ko nalang ang reflection ng sarili ko sa salamin na lamesa sa harap ng sofa. Mukha akong gago,mukha akong wasted,mukha akong tutang umiiyak ng nawalay sa inang aso,mukha akong adik,mukha akong walang breeding. Ako ba talaga to?

“Rob,makinig ka sakin. Please?” madadama mo ang pagmamakaawa sa kanyang boses.

Masyado na ata akong pagod para makinig pa,masyado ng mabigat ang dibdib ko para makita pa sya. Hindi ko alam kung mapaprocess pa ng 512mb kong utak ang mga sasabihin nya. Hindi ko na talaga alam. The logical side of me says no pero kumokontra naman ang puso ko. I want to hold him tight, I want to kiss him, I want to hug him, I want to touch him, I want to suck him, I want him back pero kung gagawin ko yun ano pang matitira sakin? Pride na nga lang meron ako wawalain ko pa ba? Shit!

“Rob please. Makinig ka. It won't take much of your time. Pero please,pakinggan mo lang naman ang paliwanag ko. Pakinggan mo ako!” demand nito sa akin.

Nanatili akong tulala. Hindi ko namalayan na patuloy pa rin pala ang pagtulo ng mga luha ko sa bawat salitang binibitawan nya. Sa tuwing binabanggit nya ang pangalan ko ay bumabalik lahat,gusto ko pero tama na,gusto ko pero mali,gusto ko pero di na pwede.

“Rob. Di mo na ba ako mahal?” humihikbi na tanong nito.

Nagitla ako sa narinig. Napalunok ako at di ko alam kung bakit. Tila ba nanunuyo ang lalamunan ko at di ko man lang mabukas ang bibig ko para magsalita. Nagtama ang aming mga matang lumuluha. Kita ko ang matinding kalungkutang iniexhibit ng kanyang mga mata. Mapanglaw ang kanyang mga titig,balot na balot ng kalungkutan at pagsisisi.

“Sabihin mo kung di mo na ako mahal.” sabi nito sa akin.

“Umalis ka na Oel.” giit ko.

“Aalis ako pag narinig ko mismo sa bibig mo na di mo na ako mahal at di na kita gustong makita.” malungkot na sabi nito.

“Mabigat na ang gabi ko. Please Oel,patahimikin mo na ako.” pakikiusap ko sa kanya.

“Hindi mo na ba ako talaga mahal?” pagbabalik tanong nito sa akin.

“Umalis ka na Oel. Or else I'll the security guard ng subdivision at sasabihin ko na may magnanakaw sa bahay.” pananakot ko sa kanya.

“Hindi ako natatakot.” matapang nitong tanong.

“You should be.” sagot ko.

“Kilala ako ng mga guard dito. Tanda mo ba na lagi kitang hinahatid ng hating gabi dito? Tanda pa rin nila ako hanggang ngayon. Kilala ako ng head ng mga guards kaya madali akong nakapasok. I'm sure di ka nila papaniwalaan.” sagot nito.

“Ikaw na Mr.Congenital.” naiinis kong sabi.

“Congenital?” nagtatakang tanong nito.

“Congeniality sabi ko.” naiinis kong sagot.

“Congenital nga kupal ka.” sabat nito.

“Tangna mo. Ikaw mukhang kupal. Supot!” sigaw ko sa kanya.

“Ako supot? As if di mo ko kilala. As if di mo pa ko natitikman.”

Nagulat ako sa naging takbo ng usapan. Parang kami na naman na nagaasaran. Ganyan kasi kami maggaguhan ni Oel. Nagaasaran na parang walang mga breeding. Napatitig ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Nagpakawala sya ng isang ngiting I-remember-this-moment ang effect. Napako din ako sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ulit ang kilig na nadama ko noong mga panahon na yon. Di ito tama. May pride ako.

“May sasabihin ka pa ba Oel? Kung wala na you're free to leave. I don't know kung kaya ko pa makipagusap sayo. I feel like exploding.” nagmamatigas kong sagot.

“Sagutin mo nalang ang tanong ko Rob. Parang awa mo na.” biglang lumungkot ang tono sa boses nito.

“Tingin mo ba after ilang taon mahal pa rin kita​?” tanong ko sa kanya.

“Oo Rob. Alam kong mahal mo pa rin ako.” seryosong tanong nito.

“Uminom ka ng kape para tablan ka kahit papaano ng kaba. Masyado ka na atang kumpyansa sa sarili mo.” naiinis kong sabi.

“Sabihin mong hindi mo na ko mahal.” sagot nito sa akin.

“You may go now Oel. You may go.” mahina at naiiyak kong sabi.

“Nabuntis ko ang isang babae nung tayo pang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinausap ko ang magulang ko na hindi ko kayang pakasalan ang babae,sabi ko kahit suportahan ko nalang ang bata maging ang babae sa pagbubuntis at panganganak gagawin ko,pumayag sila. Kinausap namin ang magulang nung babae pero di pumayag. Galit na galit at nadisgrasya ko daw yung anak nila,sinubukan kong magtago pero naalarma ako dahil sila mama naman ang binalikan nung pamilya.” paliwanag nito.

Hindi ko man gustong pakinggan ang mga paliwanag nya,wala na din akong magagawa. Nararamdaman ko ang pagpasok ng mga salitang binibitiwan nya sa aking mapupuno ng utak.

“Nakakatanggap sila Mama ng death threats mula doon sa pamilya nung babae. Kaya wala akong nagawa kung hindi makisama sa babae at umalis ng bansa.” dugtong pa nito.

“Tapos na?” nagmamatigas kong sabi.

“Kaya wag mong isipin na iniwan kita ng wala lang. Kung alam mo lang kung gaano ako nagantay na makita kang muli. Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na di ka makasama ng matagal.” umiiyak nitong sabi.

Naramdaman ko na naman ang paghalik ng aking mga luha sa aking kakadiamond peel palang na pisngi. Di ko napigilan ang di umiyak matapos marinig ang kanyang mga paliwanag. There's a part of me na naaawa,pero di ko alam kung humigit ba ang galit. Hindi na to tama. Dapat matapos na dahil pamilyado na syang tao kahit ano pang kalechehan ang paliwanag nya.

“Masaya na ko Oel. Tigilan mo na ako.” pagsisinungaling ko.

“Hindi ako naniniwala sa'yo.” umiiyak na sagot ni Oel.

“Hindi ko naman sinasabi na maniwala ka. Kaya ko namang patunayan. May mga boyfriends ako ngayon.” sabi ko sabay ngiti ng mapait.

“Boyfriends?” tanong nito.

“Boyfriends.” sagot ko.

“Madami?” mahina at garalgal nyang tanong.

“Meron akong 2 boyfriends ngayon. Dati nga 5 ang pinagsabay sabay ko. Ganoon ako kasaya Oel.” pagsisinungaling ko.

Makikita mo ang pagkatalo sa kanyang mukha. Maya-maya,nagpakawala sya ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo ito at tumitig sa akin.

“2 sila? Gusto ko sila makita pareho.” sabi nitong seryoso ang tono.

“Para saan pa?” tanong ko.

“Para malaman ko kung aagawin pa ba kita o papabayaan na kita sa kanila.” sabi nito.

“Pabayaan mo na ako.” sagot ko.

“Ipakilala mo sila sa akin. Pagkatapos nun,kung tingin ko sa kanila ka na sasaya,ako na mismo ang magpapalaya sa'yo. Tatapusin ko na ang lahat sa atin.”

“Matagal na tayong tapos.” sagot ko.

“Sayo Oo. Sa akin hindi.”

“Fine. Let's set a date.”

“Sige. Kelan?”

“Next month.”

Sabay kaming nagbuntong-hininga. Tumingin sya sa akin at tumayo mula sa kinauupuang sofa. Agad nyang tinungo ang pinto at binukas ito. Bago sya tuluyang lumabas ay tumingin muna sya sa akin at nagsalita.

“Mahal pa rin kita. Tandaan mo yan. Alam kong mahal mo pa ako. Kaya kong iwan lahat para sayo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”

“Get out.”

“Next month,babalik ako sa parke,one month from now. Same time,dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”

At sumara na ang pintuan.


Humiga na ako sa kama. Ang bigat ng araw na ito para sa akin. Ang daming nangyari. Pagod na pagod na ako pero wala pa ring kapaguran ang mga tanong na kanina pa sumisirko sa utak ko. Hindi ito maganda.

Bakit pa ba bumalik si Oel? Ano pa bang gusto nya? Di pa din ba sya kontento sa asawa at anak nya? Bakit kailangan pa nya kong guluhin? Masaya ba ako na ginugulo nya ako? Handa ko ba syang patawarin in case? Paano magiging buhay namin kung sakaling maging kami ulit? Mahal ko pa ba sya?

Bakit ganun ang reaction ni Choi? Ano ba talaga ang connection nila ni Rex. Sino ang ex ni Choi at Rob? Bakit nung hinalikan ako ni Choi parang ang sarap. Unexplainable. Totoong totoo. Di kaya gusto rin ako ni Choi? Bakit nagseselos sya kay Rex? Selos ba yun o part lang ng game plan nya?

Bakit ganun kabilis si Rob? Bakit Jovan Black ang pabango nya? Bakit sa Kopi Roti kami? Bakit ang bilis bilis nya? Bakit sigurado sya na ako nga ang gusto nya? Bakit ako kinikilig pag kasama ko sya? Bakit nakakaramdam ako ng security at kung ano ano pa. Bakit ako naguguluhan?

Bakit ang dami kong iniisip? Bakit ko ba sinabi kay Oel na dalawa ang boyfriend ko ngayon? So sino ang gagawin kong mga boyfriend ko? Ang sakit na ng ulo ko. Bakit ba nagkakaganito ang buhay ko?

Eh paano kaya kung si Rex at si Choi ang gawin kong mga fake boyfriends?

Papayag kaya sila?

FUCK. Ang hirap magpabottom sa malas. Sagad kung tumira. PAK!


Di pa din ako makatulog. Tawagan ko kaya si Rex para sa plano ko?

Kinapa ako ang phone na hinagis ko kung saan man sa kama. Ilang segundo pa ay nakuha ko na ang phone ko. Agad kong tinignan at nakita kong may missed call si Rex at Choi. Bongga.

Agad kong dinial ang number ni Rex. Mozart ang ringback tune ni pogi,parang gago lang.

“Hello?” tanong ni Rex sa kabilang linya.

“Rex,Salamat sa paghatid.” sagot ko.

“Sus wala yun. Ikaw pa. Basta ikaw nanginginig pa.” pabiro nitong sabi.

“Ikaw talaga. Kinikilig ako umayos ka nga.” sagot ko.

“Maayos naman ako ha?” sagot nito.

“Rex,I need help.” biglang seryoso kong tanong.

“Anong tulong? Sure.” masiglang sagot nito.

“May nanggugulo kasi sa akin eh.”

“Sino?” tanong nito.

“Yung ex ko,honestly.” sagot ko.

“Ano bang ginawa nung kupal na yun Rob?” nagaangas na tanong nito.

“Ayaw ako patahimikin,I mean ginugulo ako,sabi ko di na pwede at may mga BF na ako.” nahihiya kong sagot.

“Mga?” batid ang gulat sa tono ng pananalita nya.

“Nainis kasi ako kanina Rex,kaya sabi ko madami akong lalaki,kaya ayun. Sorry po.”

“Okay. Nagegets ko na,so magpapanggap ako na bf mo?” tanong nito sa akin.

“Ahmmmm...”

“Ano?”

“Parang ganun na nga po.”

“Hmmm. Okay. Alam ko naman na magiging BF na kita in the future so parang praktis muna.” pabiro nitong sabi.

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko syang magbiro.

“Salamat Rex. Salamat. Salamat.” tuwang tuwa kong sabi.

“So sino pa yung iba? Kala ko ba marami kami?” interesado nitong tanong.

“Ewan ko. Baka si Choi?” sagot kong wala sa katinuan.

“Ha? Bakit yong lalaki na yon?” pagalit nyang sabi.

“Errr.”


I T U T U L O Y

2 comments:

Darkboy13 said...

ganda talaga nang MRT sa na my chapter 7 na tnx...

Anonymous said...

Samsung has unveiled its new handset, the Galaxy S3 in Europe
ahead of other markets. Both support tethering and have a GPS transceiver with A-GPS.
Fastest mobile data connections (mobile Internet) are supported:.



My page galaxy s4