“Unbroken 5”
2.2:”If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson
2.2:”If no one will listen”
“I will be here,if no one will listen.”
-Kelly Clarkson
Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali.
Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.
Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.
Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.
Whew. This is it for me. Ayan na. Nangangatal na naman ang mga labi ko sa nerbiyos. Maybe I should take some pills para makatulog ako? Whew. Wala akong Sleepasil dito. Grrr. Ano gagawin ko? Teka? Bakit parang wala akong katabi? Solo ko tong dalawahang upuan dito. Nakakapagtaka naman. Mula sa nerbiyos ay napalitan ito ng pagtataka. Usually kasi pag ganitong hindi masyado classy ang plane puno ang mga tao. Patuloy pa din sa pagchecheck ang stewardess sa mga tao at kung nakakabit na ba ng maayos ang mga seat belt nito. Di nagtagal.lumapit ito sa akin at chineck ang aking kalagayan.
“Sir. Check lang po natin ang seatbelt.”
“Sure.”
“Ayan sir, Okay na po. Sir may kailangan po ba sila?”
“Ahh.wala naman. Salamat sa pagtatanong. But I'm fine here.”
“Okay Sir. Basta po pag may kailangan tawagin nyo lang po isa sa amin dito sa eroplano.”
“Okay. Sure. Ahh miss,wala ba akong katabi?” nagulat nalang ako ng naitanong ko iyon.
“Ahh,yung seat po ba na yan? Sige po Sir. I'll check it po.”
“Okay. Okay. Thanks.”
Muli akong naiwan sa dulo ng eroplano na nagiisa. Umalis ang stewardess to check kung reserved ba ang seat o hindi. Nagsimula na naman bumaliktad ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay namumutla na ko. Parang gusto ko nang bumaba sa eroplano. Pwede bang magbarko nalang ako?
Hindi naman ako nagmamadali umuwi eh. Promise. Grrr. Sa tuwing naririnig ko ang mga reminders na nagmumula sa piloto ay nanlalamig ako. Sana nandito si Daniel. Whew. At muling tumulo at aking luha.
Nasa kalagitnaan ako ng pageemote nang biglang bumalik ang stewardess.
“Sir. Occupied po ang seat beside you. Paparating na din po yung nakaupo dyan.”
“Ahh really? Okay. Thanks ha?” sabi kong nagtataka.
“Sir. Are you okay? Para pong namumutla kayo.”nagaalalang tanong nito.
“Ahhh okay lang ako. Maybe pagod lang.” agad kong bawi.
“Sir tawagin nyo lang po ako pag may kailangan po kayo.” sinserong sabi ng stewardess.
“Okay. Salamat ha?”
Ngumiti ito at umalis. Same scenario. Naiwan akong magisa sa dulo ng plane. Magaling ang serbisyo nila sa Airlines na to. Maging ang mga stewardess ay okay din. Napakagalang ng pagtrato sa aming mga pasahero at todo assist pa pag may kailangan. Panandalian kong nakalimutan ang sakit na naramdaman. Maganda pala ang buhay. May mga taong nandyan at aalalay sayo sa tuwing madadapa ka. Tulad ng sinabi ng stewardess,tatawagin ko o lalapitan ko yung mga taong alam kong nandyan para sa akin. Lalo na sa ganitong pagkakataon. Kahit wala na siguro sya ay makakaya ko pa din. Oo naman. Kaya ko. Kung hindi ko kaya,kakayanin ko pa rin. Napuno ng pagasa ang aking puso. Totoo din pala ang sinasabi nila na kayang kaya mong paniwalain ang sarili mo. Alam kong pinapaniwala ko ang sarili ko. Alam kong magiging mahirap ang mga susunod na araw pero makakaya ko. Isa. Dalawa. Tatlo. At ako'y nagpakawala ng aking hulin buntong-hininga. Sa paglabas ng hininga sa aking mga ilong ay isang luhang nakatulong para gumaan ang aking pakiramdam. Pumikit ako at ninanamnam ang realidad na wala na. Nasa momentum ako nang biglang may pumahid sa aking mga luha na aking lubos na kinagulat.
“Hey,don't cry.”sabi ng isang familiar na boses.
Dumilat ako at nagulat sa aking nakita. Nakita ko na naman ang maamo nyang mukha. Nakita ko ulit ang braces nya at ang pinkish nyang mga labi. Nakita ko ulit ang kanyang singkit na mga mata.
Si Carlos.
“Ohh. Hi. Same flight?” natataranta kong sabi.
“Not just the same flight,we're also seatmates.” sabay ngiti.
“What? So you're the one seated next to me?” nagtataka kong tanong.
“Yes. We can put it that way.” sabay ngiti.
At bigla syang umupo sa aking tabi. Mapapansin mo na halatang sanay na sanay na sa biyahe. Kampante agad sya at mabilis nyang inayos ang kanyang seat belt. Inayos ang buhok at ang pagkakagusot ng kanyang polo. Nagpakawala sya ng isang buntong hininga at ngumiti sa akin.
“Whew. This day's really a bummer.” sabi nya at pumikit
“Bakit naman?” sagot ko.
“Busy eh. Been loaded with a lot of work. Wala na nga din akong panahon sa sarili ko.” sinsero nyang tangan.
“Ahh I see.” sagot ko.
Patlang. Nang nabanggit nyang “Been loaded with a lot of work” eh biglaang pumasok si Daniel sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit. Hanggang ngayon kasi eh di pa din ako makapaniwala na nagawang kaliwain ako ni Daniel. Weird. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko na. Eto na naman ako. Hindi ko maiwasang hindi makapagbuntong hininga. Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi naiwasang hindi ito mapansin ni Carlos.
“Oh,anong problema?” nagtataka nitong tanong.
“Wala naman Carlos. May naalala lang.” sagot ko.
“Sino?” tanong nito at biglang tumitig sa akin.
I must admit na nalulusaw ako sa mga titig ng mokong na to. Hanep ang singkit na mata. Kung nakakahiwa yun,malamang chop-chop na ko. Pira-piraso. Literally. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nahihirapan akong humanap ng mali sa mukha nya dahil masasabi kong perpekto talaga ang hubog nito. Wala talaga akong masasabing pangit dahil wala naman talagang kapintas pintas.
“Hey,sino naman yung naalala mo?” isang tanong na nagbalik sa akin sa kamalayan
“Ha? Wala naman. Wag nalang natin pagusapan.” sabi ko.
“Hmmm. Okay. Pero wag ka na po umiyak ha?”sagot nito sa akin.
Ngumiti ako. Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “Wag ka na umiyak ah?” Hindi ko alam kung
dapat ba ako kiligin o ano ba dapat ko maramdaman. Pero ang alam ko,habang sinasabi nya yun nararamdaman ko ang 101% na concern. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero natutuwa ako dahil nandyan sya. Kahit malabo kung ano ba talagang pakay nya sakin.
“Oh,di ka na nagsalita dyan ah?” sabi nito.
“Ha? Nahihiya kasi ako. Uy,thanks sa glasses.”sagot kong sinsero.
“Hmmm. Okay lang yun. Atleast I helped. At isa pa,sabi ko nga sayo na dalawa talaga glasses ko. Kaya walang kaso yun sa akin.” sabi nya.
“Okay. Hehe. It's just weird. On the first place,bakit mo ko pinapahiram ng glasses mo eh hindi mo naman ako kakilala?”tanong ko
“Ewan ko din. Weird nga eh. Usually aloof ako sa mga di ko kilala.” sagot nya habang nagaayos ng sarili.
“Aloof talaga ha? Eh Ikaw pa nga ang kumuha ng number ko at naglend ng glasses mo. Hahaha”
nangaasar kong sabi.
“Ang yabang nito. Fine. Inaasar mo ko ha? Akin na yang glasses ko.” bawi nya
“Uyy. Wag ganun. Alam mo naman na nahihirapan ako ng walang salamin. Hays.” sagot ko at biglang nasimangot
“See? Kaya wag mo kong asarin. You better treat me right dear! “Tawa nito sabay pitik sa tenga ko.
“Awww. Bakit mo ko pinitik sa tenga?” Naiirita kong sagot.
“Wala. Gusto ko lang kitang asarin.Hehe.” sabay ngiti ng nakakaloko
Weird. Nung pinitik nya ko sa tenga pumasok na naman si Daniel sa isip ko. Tandang tanda ko na pinipitik ni Daniel ang tenga ko kapag nangaasar sya. Hindi ko na naman maalis sa isip ko ang lalaking yun. Napatulala ako at natahimik. Laging pinipitik ni Daniel ang tenga ko. Nostalgic. Whew.
“Oh,bakit natahimik ka na naman? Nagtataka na ako sayo eh. Nakakatampo ka naman.” sabi nya.
“Ha? Ah,eh.sorry,may iniisip lang.”sagot ko.
“Bakit? Sino ba kasi yun? At teka,bakit ka nga pala umiiyak kanina?”tanong nya
“Wala yun. Don't worry magiging okay din ako.”sagot ko. Isa pang buntong hininga.
“Magiging okay ka. Hindi nga lang ngayon. Siguro in time.”sagot nyang mahinahon
“Oo. Siguro lahat naman ng sakit nagiging okay in time. Magaantay na lang akong maramdaman
ko na okay ako. Hindi din naman siguro katagal yun. Kakayanin ko.” sagot ko sabay pakawala ng isang ngiti
“Oo naman. Kaya mo yan. Just remember that there are a lot of people na willing tumulong sayo.”
sagot nya at tumitig sa akin.
“Andito naman ako.” dagdag pa nito.
“Ha?Ano?” sabi ko habang ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa aking mukha.
“Sabi ko,nandito ako,if no one will listen,I will be here.”sagot nito.
Tameme. Basag. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng kanyang mga salita. Hanggang naramdaman ko nalang na super blush na ko. Natahimik kami pareho. Pakiramdam ko noon ay nasa cloud nine ako. Heaven pare. Ikaw ba naman sabihin ng ganoon ng ganito kagwapo,sure akong magmemelt ang heart mo. Lutang na lutang ako sa kilig. Hindi ko maipaliwanag. It's really weird dahil kanina lang eh si Daniel ang naiisip ko,ngayon naman eh naooverwhelm ako sa kindness at sa pagiging sweet ni Carlos. Fuck. Mula sa isang desperadong bata ay sumibol ang isang kumikirengkeng na bakla. Nagpakawala ako ng isang ngiting nakakaloko.
“You know what? You're weird.” sabi ni Carlos.
“Weird? In what way? Huh?” tanong kong nagtataka.
“Wala lang napansin ko lang kasing kanina,umiiyak ka,may mga times na nagbubuntong hininga ka,tapos ngayon naman,kung ngumiti ka eh parang wala ng bukas. Weird. Pero cute ka pa din. Haha.” sabi nya at biglang kinurot ako sa pisngi.
“Aray! Nakakarami ka na ha? Kanina pinitik mo ko,ngayon naman kinurot mo ko. Sadista ka. Eh ano namang masama kung ngumiti ako,eh sa masaya na ako eh.” sagot kong defensive
“Sus. As I know,kinikilig ka sakin. Hahaha. Wag ka magdeny. I can feel it.” pangungulit nya.
Namumula ulit ako. Kilig na ewan. Magaan ang loob ko sa kanta. Weird. Para makabawi sa pamumula,tinarayan ko sya.
“Hoy, Ang hangin grabe no? Yabang. Hahahaha. Kala mo kung sinong gwapo.” sabay tingin ko sa bintana.
“Ah,so ganun? So hindi ako gwapo pala?Ha?” tanong nitong nagbibiro
“Hindi. Mas gwapo ako sayo.” sabi kong nangaasar.
“Gwapo ka nga,naknakan ka naman ng attittude.” sabi nito sabay tawa
“Ang yabang talaga. Hmp. Hahaha.” sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy kami sa asaran. Nandung paluin ko sya ay ganun din sya sa akin. May mga pagkakataon na kakagatin nya ako sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at ang alam ko sobrang saya ko sa mga moments namin sa eroplano. Okay na sana ang lambingan at kung ano pa ng biglang nagsalita ang stewardess.
“Magandang tanghali po. Pagpaumanhin nyo po kung medyo natagalan po ang ating paglipad. Mayroon po lamang problemang teknikal na inayos ang ating mga technician. Kung maari po lamang ay pakiayos nalang natin ang mga sinturong pangkaligtasan. Kung maari rin po ay umupo tayo ng maayos habang nagtetake off ang eroplano. Aalis na po tayo sa loob ng dalawang minuto. Maraming Salamat po.”
Habang nakikinig sa mga paalala ng stewardess ay bumalik ang kanina ko pang nararamdaman. TAKOT. Naramdaman ko ang pagbabago ng mukha ko. Mula sa pula naging putla. Bigla akong
nakaramdam ng panlalamig. It's official. Namumutla na ako. Unconsciously,napalulon ako kahit wala naman ako iniinom. Akala ko ay normal pa ang inaasal ko,hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni Carlos.
“Alam mo,maputla ka. Natatakot ka ba?” tanong nito.
“Ha? Ahhh. Hindi. Okay lang ako.” nangangatal kong sagot.
“Anong hindi? Eh namumutla ka nga eh.” sagot nito,
“Ha? Wala yan. Puyat lang yan.” sagot ko,pinipilit na tinatago na takot ako pag papalipad na ang eroplano.
“Puyat? Eh kanina pa tayo naghaharutan okay naman ang kulay mo. Teka, (sabay hawak sa kamay ko) ang lamig din ng kamay mo eh. There must be something wrong.” sabi nyang nagtataka.
“Okay lang ako. Salamat sa concern.” pagsabi ko at ako'y ngumiti ng pilit.
“Maghanda nalang po tayo. At ang eroplano ay lilipad sa loob ng isang minuto” sabi ng stewardess.
This is it. Naramdaman kong pumatak ang pawis sa aking mga noo.
“Ten,nine,eight,seven,six,five,four,three,two,one....”
At nararamdaman ko na ang pagangat ng eroplano sa lupa. Sa sobrang takot ko ay pumikit ako. Nagsama sama na ang lahat. Sobrang lakas ng nerbiyos ko habang nagtetake off ang plane.
Ramdam ko na parang naiiwan yung kaluluwa ko habang umaangat. Para akong gago na sobrang kapit sa upuan. Habang ang katabi ko ay kampante lang. Todo pikit ako,ramdam na ramdam ko ang pakiramdam na lumalaki ang ulo (sa taas) habang inaabot namin ang langit. Grabe ang pressure.
Sa sobrang nerbiyos ay di ko napigilang lumuha,nang biglang...
“I told you not to cry anymore.”si Carlos.
“Wala. Natatakot lang ako kasi lumilipad na yung eroplanong sinasakyan natin.” sabi ko sa kanya at bigla na akong umiyak na parang bata.
“Hays. Yun naman pala eh. Wag ka na umiyak dyan. Andito po ako oh? Hello? Hindi naman po kita papabayaan kaya wag ka na umiyak okay?” sabi nyang nangaalo.
Muli,sa ikailanmang pagkakataon,natagpuan kong kumalma ang aking sarili. Ang aking takot na takot kong loob ay nakahanap ng kapanatagan. Isang kapayapaan dala ng isang estrangherong wala ko pang 2 oras na kakilala. Isang estrangherong nagtatakang pumasok sa buhay ko. Isang estrangherong nagpangiti sa akin.
“Salamat. Maraming maraming salamat Carlos.” sambit ko habang pinupunasan ko ang aking mga mata.
“Wala yun,basta hanggang nandito ako,no one can harm you.” sagot nyang punong puno ng sinseridad.
Tumitig ako sa kanya,ngumiti ng galing sa aking puso. Nakatitig sya sa akin,sinasabi ng kanyang mga mata na hindi nya ako iiwan. Napanatag ang aking loob. Parang isang orchestra na nagbibigay ng banayad na tunog,naramdaman ko ang pagkalma ng aking puso. Pagkatapos,natagpuan ko nalang ang aking ulo ay nasa kanyang balikat at magkakapit na ang aming mga kamay..
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment