“Unbroken 4”
2.1:Eyeglasses
Sadness flies away on the wings of time.
-Jean de La Fontaine
2.1:Eyeglasses
Sadness flies away on the wings of time.
-Jean de La Fontaine
(TAKEN FROM FR'S POV)
“Danieeelllllllll!!!!”.
Dali dali akong tumakbo paran habulin si Daniel. Nagmistulang runner para habulin ang isang taong
bigla nalang maging mailap pagkatapos ng tatlong taong pagsasama. Tuloy tuloy akosa pagtakbo.
Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa katatakbo at kaiiyak. Napakasakit pero gusto ko pa rin malaman kung bakit nya ako hinawalayan.
Biglang nawala si Daniel sa kawalan. Pinipilit kong hanapin pero wala talaga. Naisipan kong bumalik sa hotel para makausap sya. Nagmadali ako baka hindi ko na sya maabutan. Pagdating ko sa lobby ay dali dali akong tumakbo patungo sa elevator. Sumakay at pinindot ang 15th floor. Bumukas ang elevator. Walang sinayang na minuto para makarating sa kwarto. Tama ang aking hinala. Nandoon sya. Nageempake.
Napansin nyang dumating ako. Nakikita ko syang lumuluha. Pinahid ang mata at naramdaman kong pinapakita nya na malakas sya. Mabilis nyang inilalagay sa maleta ang kanyang mga damit. Hindi ko mapigil ang aking sarili. Tumutulo ang aking luha habang pinapanuod sya sa ginawa. Makalipas pa ang ilang sandali,umupo ako sa kama. At bigla akong nagsalita.
“Daniel,pwede bang malaman kung saan ako nagkamali?”sambit ko habang umiiyak.
Tahimik. Patuloy sya sa pagempake. Patuloy din ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pero parang hindi nya ako nakikita. Parang hindi nya ako naririnig.
“Daniel. Please. Gusto ko lang malaman lahat. Ano ba mali ko?” pagmamakaawa ko sa kanya.
Walang sagot. Blanko. Para akong hangin. Parang may ketong na iniiwasan. Dali dali akong tumayo para i-lock ang pintuan. Hindi sya makakaalis ng hindi ko nalalaman kung ano ba talaga ang nangyayari o nangyari o mangyayari. Muli,umupo ako sa kama at umiyak na parang bata.
“Kahit respeto man lang oh,pwede ba sabihin mo kung bakit nakikipaghiwalay ka? Please naman.
Maybe we can work this out. Please Daniel?”
Gaya ng kanina. Para akong tanga. Walang narinig. Walang nakita. Patuloy sya sa pagaayos ng gamit nya. Isinara ang maleta at nagbihis. Habang ako,nakaupo sa kama at ngumangawang parang bata. Natapos na syang magbihis at binitbit nya ang kanyang maleta. Akmang lalabas na sya ng pinto ng bigla akong nagsalita.
“Ganito nalang yun? Pagkatapos ng tatlong taon eto nalang yun?Wala na bigla? Wala man lang explanation?Ano ko? Manghuhula? Madame Auring ako ba to? Putang Ina. Daniel! Sabihin mo naman!”
Narindi ata sya sa narinig. Humarap ito at nagsalita.
“I'm sorry FR. I just can't be with you anymore.” sagot nito,
“You're throwing our 3-year relationship just because you can't be with me? Isa pa,bakit hindi na pwede?What have I done wrong? Nasabi ko habang umiiyak.
Nagbuntong-hininga sya. Nakita kong pumutak ang luha sa kanyang mga mata at mabilis nya itong pinahid. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko kayang mawala si Daniel. Umikot ang mundo ko sa kanya sa loob ng 3 taon. Hindi ko kayang ganun nalang. Lumuho ako at nagmakaawa. I'm trying to pull him back.
“Daniel,umikot ang mundo ko sayo ng tatlong taon. Wag mo ko iwanan. Parang awa mo na.” sabi ko habang nakaluhod sa kanya at nagmamakaawa.
“FR,I can't do this anymore. Not with you. Not now.” sabi nito.
“Not with me? So you have a new one? Daniel? Nabangit ko habang ninanamnam ang durog na durog kong puso.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Daniel.At nagwika.
“Yes. I have someone else. I'm really sorry FR.” blankong reaction nito.
Nanghina ako sa narinig. Mula sa pagkakaluhod ay tuluyan na akong napaupo sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Daniel's got another guy? Paano? Kailan pa? At sino naman? Sa pagkakaalam ko wala syang iba. Impossible. Work. Bahay. Date namin. Yun lang ang buhay nya.
Impossibleng makapagsingit pa sya ng panahon para humanap ng iba. He's a very busy person.
“FR. I have to go now.” Sabi nya na biglang nagbalik sa akin sa urat
“Di na ba kita mapipigilan?” sabi ko habang lumuluha.
“I'm really sorry FR. I really have to go.” sambit nya.
“Okay. Thanks. Ingat.” sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha na parang ayaw maubos
At biglang nagsara ang pintuan. Naiwan ako magisa. Naiwang nakaupo sa sahig. Nakatulala.
Umiiyak. Nasaktan. Trinaydor. Talunan. Kung sino man ang bago niya,sana maging masaya sila.
Sana mapaligaya nya si Daniel gaya ng ginawa ko. Sana magtagal sila. At sana hindi sya iwanan ni Daniel. Sana hindi sya pagsawaan. Sana hindi nya gawin sa taong ito ang ginawa nya sakin. At kung sino man sya. Putang ina nya. Inagaw nya sa akin si Daniel. Napakasakit kung sino man sya.
Sana mamatay na sya ngayon. Sana masagasaan sya ng truck na madaming load. Sana mapisa ang katawan nya ng pison. Sana mamatay na sya. Tamaan ng kidlat. Mahiwa ng panggupit ng damo ang ulo nya.
Tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa sahig. Tinungo ko ang kama at inilatag ang hapong-hapo kong katawan. Hiniga ang patang-pata na katawan at ang pira-pirasong puso. Nagpakawala ng isang buntong hininga at pinahid ang luha sa aking mga mata. Kaya ko pa ba? Paano na ko? Where do I go from here? Fuck. Parang mamatay na ako. Pakiramdam ko langong-lango ako sa sarili kong luha.
Lutang na lutang. Hindi pa rain talaga kasi ako makapaniwala na nakipaghiwalay sya.
Ninanamnam ko ang lambot ng kama at lamig na nagmumula sa aircon ng kwarto. Kasabay ng ginhawang nararamdaman ko dulot ng kama at aircon ay ang binubutas na puso at pagkatao ko.
Wala akong maramdaman kundi sakit. Hindi makapaniwala na kung anong meron kami ay natapos ng ganun ganun lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit at paano nya nagawa sakin iyon. Infairness,magaling syang mang two-time. Walang kabutas butas. Wala akong nakitang mga text sa phone.Wala din unfamiliar number sa call logs nya. Wala din kakaiba. Lahat eh normal kaya hindi ko maisip kung paano nya nagawa na ipagpalit ako sa iba.
Napakabagal ng oras. Hindi pa rin ako makatulog. Inaantay ko kung may bukas pa na dadating.
Pakiwari ko wala na. Wala nang dahilan pa para maging masaya. Dahil wala na mismo yung taong dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko. He held my oxygen. I can't breathe. He knows that he's my resuscitator.And he chose to kill me. Mula sa pagkakahiga naramdaman kong hinahatak ako ng katawan ko patayo. Tumayo ako at tinungo ang veranda. Dahan dahan kong binukas ang capiz na bintana. Malamig akong sinalubong ng malamig na hangin. Sinampal ako ng hangin,pinaparamdam nito na magiging mas malamig ang gabi ko dahil wala na kong katabi sa kama. At dahan-dahan na namang tumulo ang aking mga luha. Punyeta. Ayaw na naman huminto. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Lumabas ako sa veranda at umupo sa upuan sa labas nito. Kitang kita ko ang buwan na umaaninag sa aking mukha. Iniilawan nito ang aking mukha,ang aking miserableng kabuuan.
Hindi ako makapaniwala. Ako na si FR ngayon ay isang miserableng baklang umiiyak dahil iniwan ng isang lalaki pagkatapos ng tatlong taon. Fuck. I need some drink. Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref. Lumagok na tila wala ng bukas. Totoo nga ang mga sinasabi nila,kapag heart broken ka,beer ang magiging best friend mo. Yung nga lang,ang beer pag naubos pwede ka bumili ng bumili. Pag isang mahalagang tao ang nawala eh mahirap palitan. Hindi iyon nabibili. Hindi mo kayang pantayan kahit ilang case pa ang inumin. Mahirap magmove on.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagiisa. Tulala. Walang tino. Walang baet na naiwan sa sarili. Pilit ko pa din inaanalyze kung pano nagawa sakin yun. Napapaluha nalang ako ng kusa dahil hindi ko lubos maisip kung bakit o paano. I am totally clueless. Pinahid ko ang aking luha. Pinilit tumayo pero mukhang mahihirapan na ako kumuha ng balanse. Nake 8 beer na pala ako ng di ko namamalayan.
Malamig na hangin,umiiyak na hampas ng mga alon,sandamakmak na beer,isang puso nasugatan ng husto. That made my night.
UMAGA.Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa veranda katabi ang mga bote ng beer. Nagkalat ang mga mani na aking pulutan nang nakaraang gabi. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kung gaano ako kamiserable. Tinamaan ako ng awa sa sarili ko. Do I deserve this?
Tama bang maging gago ako sa isang lalaki? Sisirain ko ba ang buhay ko ng dahil sa kanya?
Teka,parang di na ako to. Madaming bagay ang pumasok sa isip ko. Pero ang bottomline eh
dapat ko tong kayanin. Narealize ko na hindi pala hihinito ang mundo sa kakangawa ko.
Magmumukha lang akong tanga kakaiyak. Bakit pa? Hindi na din naman mababalik ng luha ko ang tatlong taong nawala. Kahit mabigat sa akin,kailangan kong magmove on. He left me with no choice.
Feeling disoriented. Tumayo ako at bumalik sa kama. Humiga ako sa kama at nagpakawala ng isang mahabanbg buntong hininga. “I will be okay.” tanging tangan ko sa sarili. Nagdesisyon akong umuwi na magisa ng Maynila. Wala naman akong dahilan pa para magstay sa resort. The more I stay here,the more I'm reminded of OUR memories. Nagdesisyon akong magayos na. Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok at nagpabango. Inempake ko na ang mga gamit at tumawag na sa front desk.
“Room 145,check out na po.” sabi ko.
“Sir pakiantay nalang po yung room boy para macheck yung room kung may mga defects.”
“Okay. Sure.” sagot ko.
Wala pang 5 minutes ay dumating na ang room boy. Pumasok sa kwarto at chineck ang mga gamit.
Malamang ay nainis iyon dahil sa sobrang dumi at kalat ng inabutan nyang linisin.
“Sir. Okay na po. Cleared na po. Pwede na po kayong magbayad sa front desk.”
“Okay. Salamat.” malamig kong sagot.
Dala dala ang aking maleta,tinungo ko ang front desk. Agad akong binati ng receptionist.
“hi Sir! Good Morning!”
“There's nothing good with this morning.”sagot kong sarkastiko.
Halatang napahiya ang receptionist. Agad akong humingi ng paumanhid.
“Ah,Hey,I'm sorry.” sabi ko.
“Sir okay lang po. Bali po sir wala na kayong babayaran.”
“Huh? Bakit wala na?”
“Binayaran na po nung kasama nyo. Yung nauna pong umuwi kagabi?”
“Ah I see. Sige. Thanks!”
Nagitla ako sa narinig. Kahit pala nakipaghiwalay si Daniel ay binayaran pa rin nya ang bill namin sa kwarto. Naalala ko na naman sya. Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Dali dali na akong
gumawa ng paraan para makauwi ng Maynila. Sumakay ng bangka para marating ang pampang.
Mula sa pampang,nagbus para makarating sa airport. Hindi naman din naging mahirap dahil kaunti lang ang tao dahil di naman peak season.
Nakaupo ako at nagaantay sa Boarding area ng maramdaman kong may kulang. Medyo sumasakit na din ang mata ko. Tsaka ko lang napagtanto na wala akong suot na salamin. Hindi pwedeng wala akong salamin. Kumikirot ang mga mata ko. Fuck. Agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang eyeglasses ko pero wala. Whew. Paano na ko nito? Halatang uncomfortable na ako dahil wala akong eyeglasses. Galaw ako ng galaw na parang ewan. Iritado dahil wala akong glasses ng biglang...
“Hey,do you want me to lend you my glasses?” sabi ng isang lalaki.
Natahimik ako bigla. Sinubukan kong tignan ang mukha nya. Mukhang gwapo naman. One thing's for sure,he's wearing braces.
“Ah,that's kind of you. Thanks. Pero nakakahiya po.” sagot ko.
“Nope. That doesn't matter. I usually bring two graded glasses everytime I travel.
“Whew. Okay. I'm going to say “yes” now. But Ibabalik ko ha?” sabi ko sa kanya.
“Alright. Here you go.” at inabot nya sakin ang eyeglasses.
Dali dali kong isinuot ang salamin na pinahiram ng isang estranghero. Medyo bumuti ang pakiramdam ko dahil nakakakita na ko ng maayos. Nakakapagtaka dahil medyo mailap ako sa mga di ko kakilala. Pero naging napakabait ko sa kanya. Ngayon,nabigyan ako ng pagkakataon na makita ng mukha nya. Yung totoo eh,he looks sophisticated. Mukhang professional. Singkit ang kanyang mga mata,matangos ang ilong,manipis at pinkish ang mga labi at nakabraces. Mukhang mayaman.
Hindi ko napuna na grabe na pala ang pagtitig ko sa kanya ng bigla syang nagsalita.
“Hey,okay ka lang ba? Wag mo naman ako titigan, Nacoconscious ako.” sabi nya.
Nagulat ako dahil nakatitig na pala ako sa kanya ng sobra. Nangangatal akong sumagot.
“Ahh. Yep, I'm okay. Thanks sa glasses. Hey,how can I repay you for this?” sabi ko.
“No. You really don't have to pay me for that.”sabi nya.
“Nakakahiya naman. Anything you want,please?” giit ko.
“Hmmm,Alright. I don't usually ask anything in return but since mapilit ka,I just want to have your number.” diretsong sagot nito.
“My number? Ahh. Sure.” sagot ko naman bigla.
Ramdam kong biglang namula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. At kung sino itong lalaking to, Pero infairness,ideal sya maging bf.May face value,at kung manamit ay napakaformal. Mukha syang may-ari ng isang kumpanya sa Makati. Sya yung alam mong pwede ipangalandakan na bf mo or what.
Nasa kalagitnaan ako ng pagaanalyze sa kanya ng bigla na naman syang sumabat.
“Hey, yung number mo na?”sabi nya.sabay ngiti..
“Ahh,ahhh,wait,” natataranta kong tugon.
“Hey,chill, Okay?”pagpapakalma nya sakin. Sabay hawak sa balikat ko.
“ahh eto number ko. 0927*******.
“Alright. Guguluhin na kita. Hehehe.” pabiro nyang sabi.
“Hehehe. I shouldn't have given my number. Makikipagtextmate ka lang pala. Hehe” sagot ko.
“Hey,btw,my name is Carlos.” sabi nya.
“Yeah. Carlos. F.R here.” sabi ko.
Formal kaming nagpakilala sa isa't isa ng biglang..
“Calling all passengers of Flight MNL075863....”
“Oh.Carlos,I have to go.Nice meeting you.”sabi ko.
“Alright. I'll see you.”
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment