“Unbroken”
-by:unbroken
1.1 “Break Even”
Beginnings are scary. Endings are usually sad, but it's the middle that counts the most.
~Sandra Bullock:Hope Floats~
-by:unbroken
1.1 “Break Even”
Beginnings are scary. Endings are usually sad, but it's the middle that counts the most.
~Sandra Bullock:Hope Floats~
Al Fresco. Isang Spanish-themed restaurant dito sa Palawan. Masasabi kong romantiko dahil sa dampi ng malamig na hangin at sa magandang tunog na nagmumula sa pianistang nakapula. Bibihira ang makikita mong pumapasok sa resto. Iilan ang costumer. Isa na marahil sa dahilan e ang presyo ng pagkain dito. Hindi masyadong affordable,ika nga nila “Pang Sosyal”.
Maganda ang lugar,nasa gitna ang pianista at nakapaikot sa kanya ang mga mesa. Ang mga mesa ay may barnis na brownish red at makikita mong antique na ang mga ito. Malamlam naman ang liwanag na nagmumula sa mga chandelier. Nakakadagdag ng ganda in ang liwanag na nagmumula sa mga scented tea light candles na natatagpuan sa bawat mesa.
Romantiko. Isa sa mga pinakaperpektong gabi. Mahangin. Maliwanag ang langit. Puno ng mga estrella ang kalangitan. Isang magandang gabi para sa isang masakit na balak.
“Masarap kaya dito?”. Nausal ko.
“Ewan. First time ko dito eh. Masarap kaya?”. Tangan nya habang pinapaikot ang kutsara sa platong wala pa ding laman.
“Inulit mo lang ehh,order na tayo.” At ako'y nagpakawala ng ngiting mapait.
Dumating ang waiter pagkatapos kong sumenyas. Formal kung formal ang drama. Tamang Tuxedo si Kuyang Waiter. Kinabog pa ang aming outfit. Naka-beret lang ako na Von Dutch,body fit na Yellow Polo Shirt at Checkered na shorts. Si F.R naman ay nakaglasses na salong salo ng kanyang matangos na ilong. Itim na sando na nagemphasize sa kanyang maputi ang maganda nyang katawan at shorts na checkered.
Walang special sa gabing ito,nanatili lang kami sa resort ngayong Pasko,treat ko na rin ito sa kanya dahil 3 years na kami kinabukasan.
3 taong punong-puno ng ala-ala. Mga ala-alang mahirap bitawan.
“Sir,eto na po ang order nyo.isang Lengua Estofada,isang chicken pastel, isang roasted turkey at vegetable mix. Okay na po?” Tanong ng waiter na nakangiti.
“Hon,ang dami mong inorder,Doom's day na ba bukas? May bitay ba? Hahaha.” Pabirong sabi ni F.R na halatang gutom na.
“Nasa public place tayo,walang “hon-hon”. Inis kong sagot.
“Ay,Sorry.” sabay yuko.
“Okay,sige okay na.” Baling ko sa waiter.
“Pakidala nalang yung wine at yung dessert. Thanks!” dagdag ko pa.
Tumango ang waiter. Nagpaalam. Umalis. Naiwan kaming dalawa,
inumpisahan ko na kumain. Nagutom ako kakahiyaw sa panunuod ng beach volleyball na dinadaos ng resort taon taon.
“Oh? FR.kumain ka na. Ano pa inaantay mo?”. Tanong ko.
“Wala po. Sige kakain na.” matabang nyang sagot.
“FR ko, wag ka na po magalit kanina okay? Gutom lang ako kaya kita nasabihan ng ganun,okay? Smila ka na please?” paglalambing ko sa kanya.
“Hmmmm,sige na nga. Pasalamat ka mahal kita. Hahaha”. Pabiro nyang sabi.
“Bakit ganun din naman ako ahh,hindi lang talaga akon showy. Pero I really do love you. Okay FR?”.
“Hmmm. Opo Bossing Daniel. I believe you po. Tara,Kain na tayo.”
sabay pakawala ng isang ngiting nakakaloko.
Eyeglasses. Pantay pantay ang ngipin. Pula ang labi. Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Perpekto kong maituturing si FR. Isang peklat lang sa may noo ang makikita mo sa kanya pero okay naman. Nagkapeklat sya mula sa isang aksidente sa motorsiklo few years ago.
“Hon,masarap pala dito. Okay yung Chicken Pastel,mas masarap pa sa gawa ni mommy.” sabi nya habang punong-puno ang bibig.
Natawa nalang ako dahil para syang bata kung kumain. Ang bilis sumubo at tuloy tuloy. Nakapabilis din nya ngumuya.
“Oo,masarap nga din,FR,try mo tong vegetable mix,okay din naman. Wag mo muna ko I-”Hon”. Mamaya nalang. Baka madami pa makarinig.” sagot ko sa kanya.
“Sorry po,naglalambing lang naman eh”. Sabi nya habang ngumunguya.
“Okay lang sana eh,kaso pareho tayong lalaki. Gets mo?”
“Oo. Alam ko. Pero bakit pag babae sa babae okay lang sa mata ng tao?”
“Hayyy. Naiintindihan kita FR. Kahit ako din ehh gusto kita lambingin in public. Kaso Dapat maging maingat pa din tayo. Hindi naman lahat ng tao tanggap ang ganito. Ayoko naman na mapaaway tayo dito pag may nagcomment sa paglalambingan natin diba? Mahal kita. Okay? Bossing? Pag-alo ko sa mukha nyang malungkot.
Tumango sya,halatang nalungkot sa sinabi ko. Ganyan kasi sya eh,gusto nyang laging pinaparamdam nya na mahal nya ko. Sobrang naapreciate ko kaso minsan eh wala na sa lugar. Pero dahil mahal na mahal ko si FR,inintindi ko. Naisip ko lahat ng sakripisyo namin para maisalba ang aming relasyon na ilang ulit ng muntikang mawala.Naaalala ko pa nga nung mga panahong halos mapatay ako ng tatay ko nang malaman nya na ang kaisa isa nyang anak na lalaki ay lalaki din pala ang gusto. Woman trapped in a man's body. Hindi ako iniwan ni FR,sinamahan nya ako sa lahat. Sinalo nya lahat ng masasakit na salita na sinabi ng tatay ko sa amin.
Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya na mawala sya. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Sadyang mapaglaro ang tadhana...
ITUTULOY...
1 comment:
jst wandering around... nwwlan nq ng gana mbsa for some reason... peo my nirecomend c dhdo na 2 stories skn para bsahn, ntpos q knina ung isa at sobrang ngus2han q naman... e2 ung isa pa so, just started reading this bt its past 2am na,bukas q nlang i22loi.. twala naman aq ky dhen kya twala aqng maibblik ng kwento m ung gana q mgbsa.. :)
Post a Comment