Note: This is a new story. Matagal na to pero di ko napopost. Ito muna ang aayusin ko. Kung kaya ng schedule, pag-sasabayin ko to with Unbroken. :)
-Rovi-
P R O L O G U E
Nerd. Isa sa mga salitang bagay para idescribe si Philip. He was one of the promising students nung college. He knows every formula,mapalinear equation man yan o kung paano hanapin ang shelf life sa carbon dating. Parang kabisado nya ata ultimo atomic mass ng lahat ng elements sa periodic table. Tila isang sponge ang utak nya to easily absorb lahat ng mga detalyeng tinatapon ng mga professor nya sa kanya. He was even called as the walking encyclopedia ng mga kaklase nya since halos lahat ng bagay ay alam nya. Unfortunately,hindi sya naturuan ng tama sa pagibig,at ito ang tangi nyang kabobohan.
After graduation,agad na naabsorb si Philip ng isang higanteng kumpanya sa Makati dahil na rin sa kakayahan nitong matandaan ang galaw ng mga bagay in an instant. Naging steady lahat sa buhay ni Philip. Wala na syang mahihiling pa. Umuuwi sya sa isang masayang pamilya, halos lahat ng luho ay naibibigay ng kanyang ama, may sarili syang pera dahil maganda ang sahod sa company, sobrang supportive ng kanyang mga barkada sa kanyang booming na career. Pero kahit na ganoon, kinakantot pa rin sya ng kalungkutan dahil pakiramdam nya ay may kulang.
Philip decided to meet guys na nirereto sa kanya ng mga kaibigan nya. He called some of the guys na parang naghahanap lang sya ng business establishment sa yellow pages. He had seen some guys who are worthy of his time, he has seen those who are not.
Arvin, isang Team Leader sa isang callcenter sa Makati. Nakakatext ni Philip,nagkakilala sila sa Planetromeo. Laging ganito, laging ganyan. Sweet sa text. Lagi silang nagtatawagan. Iba ang nararamdaman ni Philip. He was really amazed with Arvin's affection. He has never felt anything like that before. After a month or two, when their schedules were finally fixed, they decided to meet.
Philip arrived first at the meeting place. Seconds after,Arvin got in with his office attire. Hindi makapagpigil si Philip sa kakatingin kay Arvin. He eyed Arvin as if there's no tomorrow. Their eyes met. Arvin acknowledged Philip,went near him, gave him a simple kiss on the cheek. Naramdaman ni Philip ang pagflush ng dugo sa kanyang mukha.
Bakit may kiss agad on the first meet? sabi nito sa sarili
Arvin and Philip did a handshake. They sat at the comfy couches of Starbucks in Greenfield District. Awkward at first,but the two managed to have a good conversation with them having Green Tea Frapuccino, Coffee Jelly and 2 slices of Blueberry Cheesecake. Their conversation went for many many hours. Ngayon lang sila nagkita pero ramdam nila na parang matagal ng niluto ng Diyos ang pagmamahalang ito. Ramdam ni Philip na magiging sila. He felt a glow. He felt it.
Naulit ang kanilang pagkikita. Lalong nahulog si Philip sa mga banat at sweetness ni Arvin.
One starry night. As Philip was heading home,he grabbed him phone and look at the messages that were sent by different people. Napabuntong hininga siya nang makitang walang text si Arvin kahit isa. Inisip nya na marahil ay busy lang ito dahil sa trabaho. He reminisced how they exhibited their devotion to each other.
Lumipas ang ilang mga araw ay wala pa ring text si Arvin. Aligaga si Philip.
The latter grabbed his phone and dialled Arvin's number.
“Hello?”
“Hey! Arvin,musta? Di ka nagtetext ah?”
“This is not Arvin. This is Arvin's boyfriend. JD.”
Hung up.
Hurt. Nakita na lang nya ang sariling lumuluha.
The next few days were history. He has never felt that miserable.
Charles. Manager sa isang Starbucks branch sa Ortigas. Gym Buff. Total Gentleman. Kinapos lang sa height. Ideal BF para kay Philip.
Laging sinusundo ni Charles si Philip sa trabaho. Sa twing magaout si Philip si trabaho ay laging nasa baba ng building si Charles na nagaantay sa kanya. Minsan may dala itong chocolates, minsan naman ay may dala itong Onion Rings na gustong-gusto ni Philip pero kadalasan ay may dala itong Coffee Jelly na kinaadikan ni Philip.
“Philip. Ang payat mo. Bakit di mo try maggym?”
“Ngek. Ayoko, masaya na ako sa katawan ko. Isa pa lagi mo naman akong dinadalhan ng kape,malamang lumobo ako nyan.”
“Ngek. Fats yun,iba pa rin talaga kung muscles. Mas okay.”
“Ngek. Alam mo naman na di ko hilig yun diba? Isa pa, di ba okay sayo tong ganito? I mean do you want me to change?”
Natahimik si Charles.
After that incident,naging cold si Charles kay Philip.
Philip analyzed what he has to do. Kailangan ba nyang baguhin ang sarili nya para kay Charles o dapat si Charles ang magadjust sa kanya? Nalilito sya. Lumipas pa ang isa't kalahating linggo at wala pa rin talagang text si Charles sa kanya.
Is this over? paulit-ulit na tanong ni Philip sa sarili.
Feeling lost. Philip decided to go sa isang bar sa Ortigas. The bar answered all of his questions.
He saw Charles kissing someone else. The guy was Charles's fit. Gym Buff. Gay high. Looks interesting.
Philip smirked. Tinaas ang kilay,tumapon ito sa kisame. Batid sa kanya ang galit dahil na rin sa matinding pagkakasara ng mga kamao nito. Kita rin ang panginginig ng kanyang panga. Then there were teardrops. He left the bar.
Jeff. Twink. Isang IT personnel sa isang company sa McKinley Hill. Mahilig sa twink. Sweet. Passionate. Sexaully Active. Sexually Satisfying.
Philip met Jeff thru his friend Edward. Tulad ni Charles, sobrang sweet ni Jeff. Parang babae ang trato nito kay Philip. Ultimo bag sa twing magkasama sila laging si Jeff ang may dala. Never ding pinagastos ni Jeff si Philip sa twing lumalabas sila.
Di mahirap mahalin si Jeff. Philip thought.
Nagdate sila ng paulit-ulit. Habang tumatagal,nahohook si Philip kay Jeff. Aminado si Philip na may pagkaboring si Jeff, pero naisasantabi na yon sa twing dumadampi ang labi ni Jeff sa kanyang balat. He must admit that Jeff has that special ability to instantly turn him on.
One day,Philip planned to give Jeff a surprise visit sa kanyang flat sa Makati. Dahil exclusive na nga sila, for some strange reasons, Jeff gave duplicate keys to Philip ng kanyang condo. Nakarating ng matiwasay si Philip sa unit, slowly opened the door without making any noise. There you go, dahan-dahan nyang binuksan ang kwarto ni Jeff just to see Jeff and Edward actually “doing” it.
Laking gulat ng dalawa ng makita si Philip sa harap nila. Agad na nagtalukbong si Edward ng kumot, agad na dinampot ni Jeff ang nagkalat na mga damit sa sahig. Nanatiling tahimik si Philip. Kita ang galit sa kanyang mga mata, teardrops fell.
“Let me explain.” Sumamo ni Jeff.
Philip stood there for a moment. He eyed Edward like a monster. There were silent screams heard.
“No need. I just came here to give you a surpise visit. Ako pa pala ang masusurprise.”
Tumalikod si Philip at agad na tinahak ang pinto.
“Next time don't ever give you're date your condo keys. Ayan tuloy. Caught in the act ka.”
Then the door slammed. There were teardrops. His heart was pounded to a hundred pieces.
Juddah. Isang aktibista. Nakikiisa sa mga rally para sa pagbabago. Nakadaupang-palad ni Philip sa isang worship center sa Robinson's Galleria. Despite the fact that Juddah was an activist, relihiyoso ito,isa sa mga dahilan kung bakit madaling nahumaling si Philip. Juddah looked a bit Jewish, balbas sarado at maputi. May love handles pero sobrang cute. The moment he laid eyes on him, he found him irresistible. Philip was surprised to know that the admiration was mutual.
They got each other's number and started communicating. Life has always been a vicious cycle, nainlove na naman si Philip. They were both vocal about what they feel towards each other. Sa lahat ng naging lalaki ni Philip,si Juddah ang hindi masyadong nakakasabay pagdating sa pera. Ayos lang naman kay Philip na gumastos dahil na rin napapaligaya sya ni Juddah. Only Juddah made him feel close to God. Si Juddah ang nakaachieve non. Pak na pak!
Kakatapos lang ng misa sa Manaoag,naging hobby nila magbyahe every Sunday para magsimba. Payapang nagliliparan ang mga Maya sa kalangitan. Malambot pa ang haring araw. Malamig at conducive ang temperature para sa pagtulog. Juddah and Philip stood there,they lit candles in front of the wooden statue of the Virgin Mary.
“Naramdaman kio na nauplift ako ng misa kanina. Grabe ang galing magmisa ni Father.” seryosong sabi ni Juddah
“Oo nga eh. Grabe.”
“Parang gusto kong maglingkod kay God.”
Philip looked at him in disbelief. He tried to say something pero bago pa man nya maibuka ang bibig nya,inunahan na sya ni Juddah.
“I want to be a priest.”
“Ha?”
“Seryoso ako.”
Napailing si Juddah sa narinig. Tahimik nilang tinahak ang kotse at nagdrive papunta ng Maynila. That's the end of the story. Ilang buwan pa,pumasok na ng seminaryo si Juddah.
Roj. Ang iyakan ni Philip. Ang bestfriend. Ang walang sawang nambabatok sa twing umiiyak si Philip sa mga lalaking walang ginawa kundi saktan sya. Si Roj ang naging sandalan sa lahat-lahat. Tanned, matangos ang ilong, gwapo, takot sa commitment. Sobrang husay magpayo pero he doesn't even practice what he preach.
Playboy, sex kung sex lang ang gusto. Nasaktan na at di na din atang marunong magmahal. Laging nandyan si Roj para kay Philip. Dati pa sila magkakilala, they were the best of friends since high school. Magkasabay sila sa lahat ng bagay.
“Roj,heartbroken na naman ako.”
“Ano bang bago? Ayusin mo kasi ang sarili mo.”
“Paanong ayusin? Maayos naman ako.”
“Ano ba? Lagi kang nakasalamin,ang nerd-nerd mo tignan. Ang payat mo. Para kang liliparin ng hangin any moment.”
“Di ko alam kung saan ako magsisimula.”
“So ano ako? Fairy Godmother mo? Ganun?”
“I need your help. Lagi nalang akong niloloko,naloloko. Ayoko na masaktan Roj.”
“Okay. Ikaw naman ang mananakit this time.”
“Paano?”
“I'll teach you.”
Then a bitter smile appeared in Philip's face.
The next month,Philip flew to America because of a new assignment. This is a beginning of something. This is it. He promised to make them all suffer.
4 comments:
isang malaking *sigh* mukang my mgccc sa huli
exciting.. haha
weeeee daming dumaan sa kanya bago maging price kokak hehehe naenjoy ako sa nabasa ko nerb but in the end amazing!
Get ready Rovi. -XOXO
Post a Comment