For a few minutes you made me feel as though I actually meant something to someone.
Natulala kaming dalawa ni Matt nang makita namin si Andrew at Jason. Nilingon ko si Matt upang makita reaksyon nito na muntik ko nang ikatawa. Paano kasi, nakanganga, tapos dilat na dilat ang mata. Yun bang kapag ginulat mo, siguradong dedbol kaagad.
Ibinalik ko naman ang atensyon ko sa dalawang nasa sahig at nagsalita.
"Sa susunod kasi, i-lock nyo ang pinto." pagbibiro ko para mabawasan ang tensyon.
"Ulol! Ano ba sa akala mo ang ginagawa namin ha?!" sagot naman ni Drew.
"Aba malay ko, kayo ang nagyayakapan diba?" sabay tawa.
"Gago ka talaga Brix no?" sabat naman ni Jason. "Nag-aagawan kami ng remote. Eh ayaw ibigay ni Drew, kaya sinugod ko, hanggang nagwrestling na kami dito." pagpapaliwanag pa nito.
Sa pagkakataong ito ay sumagot na si Matt. Siguro nahimasmasan na.
"Jason, EXCUSES." sabi nito sabay tawa.
"Ah ganon?" si Drew sabay tayo at sugod sa amin ni Matt, na agad namang inilapag ang mga dala at nilabanan si Drew. Ako naman ang humarap kay Jason nang makita kong pasugod na rin ito.
Syempre pa, nagpambuno kaming apat. Tawanan. Panandaliang kinalimutan na lahat kami ay 21 years old na. Nang mapago ay nagpahinga kami ng kaunti at nang magutom na ay nagdesisyong magluto. Ako at si Matt ang nagluto. Si Jason ay nagpunta ng bangko upang magwithdraw ng pera. Si Andrew naman ay naligo.
Ginigisa ko na ang sibuyas at bawang nang lumabas si Drew mula sa CR. May habit itong nakabrief lang 'pag lumalabas ng CR pagkatapos maligo. at ang tuwalya ay nakapatong lang sa ulo habang maiging pinapatuyo ang buhok.
"Anong niluluto niyo?" tanong nito.
Humarap naman ako sa kanya para sagutin pero natigilan ako nang makita ang katawan nito. Maganda ang build ng katawan. Iyong, tamang-tama lang. Kung ikukumpara ko sa katawan ni Matt, mas defined ang muscles ni Matt kahit na mas malaki ang katawan ni Drew, habang ang pangangatawan naman ni Drew yung tipo na pag kinurot mo, may makukurot ka pa dahil hindi naman ito nagwowork-out. Natural lang ang katawan.
"NO WONDER GIRLS FALL HEELS OVER HEAD FOR THIS BRUTE" naisip ko nalang
"Hoy!" sita nito sa akin. "Yung laway mo o, tumutulo, pwede mo naman ko tikman eh, sabihin mo lang." at binuntunan ng tawa.
Nakitawa naman ko saka nagsalita. "Naalibadbaran lang ako, akala ko kasi may kalabaw sa harap ko." sabay halakhak.
Napansin ko namang parang dumilim ang mukha ni Matt.
"Sabihin mo, gusto mo lang akong tikman." pang-aasar pa ni Drew.
"Alam mo, gutom lang yan eh." sagot ko naman. "'Wag ka mag-alala, tapos na naman ang fettucine eh, sandali nalang tong sauce. Makakakain ka na, para naman hindi puro hangin yang laman ng utak mo. Nililipad ako eh." sabi ko naman.
Hindi na sumagot si Drew. Tumawa lang ito at pumunta na sa kwarto upang magbihis. Napa-iling nalang ako. Napansin ko naman ang pananahimik ni Matt.
"Hoy! Ba't di ka nagsasalita dyan ha?" tanong ko sa kanya.
"Ah, wala. Naalala ko lang 'yung kagabi." sagot nito.
Alam kong nagsisinungaling lang si Matt. Kilala ko na yan eh. Hindi talaga magaling magsinungaling. Pero hindi ko nalang rin pinahaba pa ang usapan.
Nang matapos kami sa pagluluto ay nagprepare na rin kami ng lamesa. Sakto namang dumating si Jason. Pero nagulat kami nang makitang may kasama ito. Si Dianne!
"Hey guys." sabi nito.
Napatingin naman ako kay Matt. Hindi maipinta ang mukha nito. Sakto namang lumabas si Drew sa kwarto.
"Oh, Jason, nandito ka na pala." at sabay tingin kay Dianne. "O Dianne, ikaw pala. Kamusta ka na? Halika, kain tayo." nakangiting bati nito kay Dianne.
Sa tono ng pananalita nito, halatang hindi niya pa alam ang nangyari sa pagitan nito at Mark. Pero si Jason, sa tingin ko ay nasabi na ni Dianne sa kanya.
"Hindi na Drew, hindi rin naman ako magtatagal dito eh. May sasabihin lang ako kay Matt." sabi nito sabay tingin kay Matt.
Tumayo naman si Matt at nagpunta sa terrace. Sumunod naman rito si Dianne at isinara ang pinto ng terrace.
"Uhh, am I missing something here?" takang tanong ni Drew.
"They broke up." maikling sagot ko.
"Holy, when?" gulat na tanong nito.
"Last night."
"Sayang ang three years. Anong dahilan?" dagdag na tanong pa nito na sinagot naman ni Jason.
"Si Matt na siguro ang bahalang magsabi Drew. It's not ours to share." si Jason.
Nanahimik naman si Drew.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong ginagawa mo dito?" si Matt
"Please, at least let me explain." si Dianne
"What else is there to explain?! You've made it very clear last night!" di mapigilan ni Matt ang pagtaas ng boses. Dahilan upang tumulo ang mga luha ni Dianne.
"Oh god. 'Wag mo akong iiyakan Anne. Hindi ako ang may kasalanan nito." si Matt ulit.
"I'm sorry Matt. Hindi ko sinasadya."
"Hindi mo sinasadya?!" pagsigaw ni Matt. "For three years Anne, nagpakatanga ako. Hindi ito ang unang beses na niloko at sinira mo ang tiwala ko. But i let it all pass. I loved you. I still do, pero hindi ko na kayang ipagpatuloy ang kagaguhang ito." sabi nito sabay talikod.
"You know what, for a moment, you actually made me feel as though I actually meant something to someone. I guess I'm wrong." dagdag pa ni Matt.
"I'm sorry."
"I'm sorry too. For myself." sagot naman ni Matt. Dagliang pumasok sa flat. Tinungo ang kwarto, kinuha ang wallet at umalis.
Dali-dali ko namang kinuha ang wallet ko at hinabol ito.
"Kayo na ang bahala rito. He needs us now, more that ever. Baka kung ano ang gawin nun." sabi ko naman kay Jason at Drew. Tumango naman ang dalawa.
Dali-dali akong bumaba ng flat ngunit paglabas ko, nakita kong nakasakay na ng taxi si Matt. Naghintay akong may dumaang taxi ngunit wala. Kaya sinubukan kong tawagan nalang ito. Pero hindi nito sinasagot. Nang tawagan ko ulit, nakapatay na ang cellphone nito.
"Damn it Matt!" naibulalas ko nalang nang may dumaang taxi. Agad kong pinara at itinuro ang direksyon kung saan papunta ang sinakyan ni Matt.
Lahat ng naisip kong maaaring puntahan ni Matt ay pinuntahan ko, ngunit walang Matt akong nakita. I almost gave up nang maalala ko ang minsang sinabi niya sa akin.
"ONE DAY, DITO AKO TITIRA." si Matt
Agad kong sinabi sa driver kung saan pupunta. Nang marating namin ang lugar, nakita kong bukas ang gate. Nabuhayan ako ng pag-asa. Agad kong binayaran ang driver, not bothering na kunin pa ang sukli at pumasok sa bahay. I checked each room pero wala siya. kung kaya pumunta ako sa likod kung saan may ilog sa di kalayuan. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Matt sa tabing-ilog nakaupo.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Lumapit ako sa kanya ngunit hindi ito nagsalita. Minabuti kong maupo sa tabi nito. Hinayaan kong umiyak si Matt. Sabi ko nga di ba. I'm not good at comforting people. Kung kaya't hanggang haplos lang sa likod ang ginawa ko.
"Can you sing to me again?" sabi ito sa gitna ng pag-iyak.
Huminga ako ng malalim at sinunod ang gusto nito.
I can hear the truck tires coming up the gravel road
And it's not like her to drive that slow, nothing's on the radio
Footsteps on the front porch, I hear my doorbell
She usually comes right in, now I can tell
Here comes goodbye
Here comes the last time
Here comes the start of every sleepless night
The first of every tear I'm gonna cry
Here comes the pain
Here comes me wishing things had never changed
And she was right here in my arms tonight
But here comes goodbye
I can hear her say "I love you" like it was yesterday
And I can see it written on her face that she had never felt this way
One day I thought I'd see her with her daddy by her side
And violins would play Here Comes The Bride
But here comes goodbye
Here comes the last time
Here comes the start of every sleepless night
The first of every tear I'm gonna cry
Here comes the pain
Here comes me wishing things had never changed
And she was right here in my arms tonight
But here comes goodbye
Why's it have to go from good to gone?
Before the lights turn on
Yeah, and you're left alone
Oh! But here comes goodbye! Oh!
Here comes goodbye
Here comes the last time
Here comes the start of every sleepless night
The first of every tear I'm gonna cry
Here comes the pain
Here comes me wishing things had never changed
And she was right here in my arms tonight
But here comes goodbye, ooh
Nang matapos ako sa pagkanta, napansin kong hindi na humuhikbi si Matt. Iniangat ko ang mukha nito at tumingin naman siya sa akin.
"Hey, it's gonna be okay." sabi ko naman. "We're here for you. I'm here for you."
"Thanks." sagot naman niya.
At that point nagkatitigan kami. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Hindi ko na namalayan ang paglapit ng aming mga mukha. At sa isang iglap, isang halik ang pinagsaluhan namin.
Then it hit me - "WHAT AM I DOING?!!!"
ITUTULOY...
_________________________________________________________________________
kiLL_joy145@yahoo.com.ph
No comments:
Post a Comment