Thursday, December 15, 2011

Unbroken 2.9



Note:Alam kong matagal ang update. Sorry. Hahaha! Sana sipagin akong magpost. :) I love you guys.
FR almost freaked out with the thought of Daniel knowing and actually going to his university. Napatulala si Pixel sa kinis at kagwapuhan ni Daniel. Hindi alam ni FR ang gagawin. Naisip nyang tumalikod at umarteng hindi nya nakita si Daniel pero hindi nya maigalaw ang kanyang katawan sa sobrang pagkabigla.

“Lord. Kahit sya nalang po.” mahinang usal ni Pixel habang patuloy na nakatitig kay Daniel

Sinara ni Daniel ang pinto ng kanyang sasakyan. He pressed the lock and tumunog ang kanyang kotse kasabay ang pagblink ng dalawang headlight nito.

Parang isang eksena sa telenovela, pakiramdam ni Pixel ay bumagal ang kanyang mundo. Marahang lumakad si Daniel patungo sa kanilang direksyon. Ramdam ni Pixel ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Tila ba may mabagal na romantikong kantang biglang nagplay out-of-nowhere. Sumabay ang pagbagsak ng mga bulaklak ng bougainvillea sa bawat hakbang ni Daniel. Inayos ni Pixel ang kanyang buhok, tumitig kay Daniel at ngumiti ng napakalaki.

Napatingin si FR sa kaibigan. Natawa nalang ito dahil nakita nyang parang High School student ito na kinikilig pa. Napahagikhik sya sa tawa.

“FR! FR!” bulyaw ni Pixel habang mas lumalapit ang distansya ni Daniel sa kanya

“Ano?” nagulat nitong sagot

“Oh my! Mabango ba ako? Amuyin mo ako! Amuyin mo ako!” natatarantang sabi ni Pixel

“Ang OA mo ha?”

Natameme si Pixel. Inangat ni FR ang kanyang mukha, nakita nya si Daniel na nakatayo sa kanilang harapan. Mabilis na pumunta sa likod nya si Pixel.

“FR! Ang bango naman nyan.” bulong nito sa kaibigan

“Ahhmmm. FR.” mahina at nahihiyang bati ni Daniel

Hindi sumagot si FR. Tumingin lang sya kay Daniel. Nagtama ang kanilang mga mata. Banaag sa mata ni Daniel ang matinding kalungkutan. Hindi alam ni FR kung bakit, pero parang tinamaan sya ng makita ang malungkot na mga mata ni Daniel. Si Pixel naman ay tahimik na nagmamasid sa kinikilos ng dalawa.

“FR. P-pwede ba tayong magusap?” wika ni Daniel

Nagkamot ito ng ilong.

Tumingin si FR dito. Their eyes met.

“Please?”

There's honesty in his tone. FR felt like giving in, again.

“Magusap na daw kayo, FR.” bulong ni Pixel

“Tumigil ka nga. Umeepal ka na naman.” tabla nito sa kaibigan

“FR, please?”

“D-Daniel.” nagaalangang sabi ni FR

“I won't take “No” for an answer.” dagdag pa ni Daniel

“Brat ka talaga.” sabi ni FR

Tumahimik si Daniel. Sumimangot. Inalis ni FR ang titig sa kay Daniel. Ayaw nyang makita nitong apektado sya sa t'wing nalulungkot sya.

“Fine. I'm a brat. And I want to apologize.”

Napatingin sya rito.

“Ipakilala mo na ako. Dali na FR!” singit ni Pixel na kanina pa sabik

“Uupakan kita Patricia!”

Binaling ni FR ang kanyang attention kay Daniel.

“You are?” tanong nito.

“Yep. I am really sorry.”

FR smiled. He then saw Daniel smile.

“Tara?” aya nito.

“Saan?” tanong ni FR

“Basta.”

Bago pa man nya maibuka ang kanyang bibig para magsalita, mabilis ng hinatak ni Daniel ang braso ni FR papunta sa sasakyan.

Nabigla si Pixel sa mga nangyayari.

“FR!!! FR!!! FR!!! Bumalik ka dito! Ipakilala mo ako sa kanya!”

Natawa nalang si FR sa narinig. Lumingon ito sa kinaroroonan ni Pixel at sumigaw.

“Next time nalang! May aayusin pa kami!”

“I hate you talaga! I hate you!”

Sumakay si FR sa kotse ni Daniel. Ilang segundo pa ay nakalabas na sila sa unibersidad na kanyang pinapasukan.

Napatulala si Pixel nang makitang humaharurot na ang sasakyan ni Daniel. Kinilig sya ng naamoy nya ang woody scent nito. Tila ba kinukuryente ang kanyang buong pagkatao nang magtama ang kanilang mga mata. Napasimangot lang ito nang biglang umalis si FR na hindi man lang sya napapakilala.

“My God! On the spot Jackpot si Papa! Winner! Winner!” usal ni Pixel

Napatulala nalang si Pixel sa kawalan. Daniel's woody scent lingered in her system for hours. Hindi pa rin sya makaget-over.




Wala silang imikan sa loob ng kotse. Hindi nila alam how and when to start their conversation. Kahit nagkangitian na sila at alam na nilang okay na sila, nakakaramdam pa rin ang dalawa ng ilang. FR felt new and strange. Daniel got lost for words. They seemed to be strangers again, but this time, alam nilang mayroon na silang special connection.

Daniel kept on driving. Nakayuko lang si FR at nakatitig sa kanyang Red Jansport bag na mahigit 4 na taon na sa kanya. Hindi nya alam kung bakit, pero FR has this thing na kapag binigay sa kanya ang isang bagay, kahit luma na ito at pangit na, patuloy pa rin nya itong gagamitin. He cupped his eyes with his palm, nasisilaw sya sa liwanag na pumapasok sa loob ng kotse dahil sa translucent ang bintana ng saakyan ni Daniel.

“Why FR?” Daniel asked

“Wala naman.”

“Why are you cupping your eyes? Anything wrong?” tanong nito

“Wala. Sumasakit lang mata ko. Siguro lumalabo na.” sabi nito

“Bakit di ka pa magpatingin?” tanong nito

“Nagiipon na para don. Sa sahod makakapagpatingin na ako.” mahinang sagot ni FR

“Mabuti naman. Ingatan mo yung sarili mo. I worry eh.” mahina at nahihiyang sabi ni Daniel

Nagulat sya sa narinig. Daniel sounded so sincere at the same time, shy. Hindi man nya aminin, Daniel's words hit him.

How could you be so sincere and so perfect? FR thought

Salamat.” tugon nya rito

Ahhmmm. FR, would it be okay kung isama kita sa bahay?”

Nanlaki ang mata nya sa narinig. Napatingin sa kanya si Daniel.

Don't worry. Gusto lang kitang makasama, I mean makausap don. I have some games na pwede nating laruin. Crash Bandicoot, Bust-A-Groove, Racing games etc. Laro lang tayo ng Play Station tapos magluto tayo, tapos kwentuhan. Yun lang. Promise.”

Napatulala si FR kay Daniel. Nakita nya na natetense ito sa pag-aya nito sa kanya. He stared at him. He saw how perfect his face was.

Ang kinis naman nito. Bakit parang wala syang pores? Ang puti din. Walang pimples. Nahiya siguro ang pimples sa kinis nya. FR thought

Daniel made his lips wet by running his tongue into it. FR saw that. Naseksihan sya sa pagdila ni Daniel sa kanyang labi. He then saw Daniel's perfectly red lips. Inalis nya ang tingin dito. Bumilis ang kalabog ng kanyang puso.

Gusto kong tumanggi Daniel.” mahinang sabi nito.

Bakit naman FR?” sagot nito habang nakatingin sa Pulang Ilaw ng stoplight

Nakakahiya. At isa pa, alam mo namang may trabaho ako mamaya, gusto ko sanang ipahinga nalang kaysa gumala pa.” paliwanag nito

Fine. I'll cook for you, then you can rest sa pad ko. Then I'll drive you sa work mo later.” nakangiting mungkahi nito

Nagberde na ang ilaw. Mabilis na pinaharurot ni Daniel ang sasakyan.

Daniel uuwi nalang ako. Sige na.” pagtanggi ni FR

Daniel showed a devilish grin.

At bakit ganyan ang tingin mo ha?” natarantang tanong ni FR

Daniel laughed.

I just realized bakit pa kita tinatanong, eh ako naman ang may hawak ng manibela.”

FR looked at him with disbelief.

Kidnapping yan Daniel!”

It's not Kidnapping. I tell you. Matatalo ka kahit saang korte tayo pumunta.”

It's Kidnapping! I swear to God! Kikidnapin mo ako!” natatarantang sagot ni FR

Daniel laughed at him. He then suddenly made a quick U-Turn at biglang pumasok sa isang subdivision malapit sa Gilmore LRT Station.

Kidnapper ka! Wala kaming pangransom! Mahirap lang kami!” FR's getting more hysterical

It's not Kidnapping. Kidnapping occurs when a person, without lawful authority, physically asports another person without that other person's consent, with the intent to use the abduction in connection with some other nefarious objective. Under the Model Penal Code,
kidnapping occurs when any person is unlawfully and non-consensually asported and held for certain purposes.” Paliwanag ni Daniel
Napatulala si FR sa sinabi ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

Oh? Bakit natahimik ka?” Daniel said, giggling.

Napakamot sa ulo si FR.
Hindi ko naintindihan eh.” sagot nito

Hininto na ni Daniel ang kotse ng maayos nyang naipark ito.
Wag mo ng intindihin, FR. Nandito na tayo sa pad ko.” nakangising sabi nito
Wala din naman akong nagawa, kinidnap mo na ako.” malungkot na sabi ni FR
Bakit ka ba kasi malungkot? Ayaw mo ba ako makasama?” tanong ni Daniel
FR looked up and see Daniel's expression. Nakita nya kung paano ito tumitig sa kanya. Matalim ang kanyang mga titig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin noon. He frowned.
Alam mo namang marami akong priorities. Magkaiba tayo ng mundo. I couldn't afford to do this dahil marami akong responsibilidad. Kahit gustuhin ko mang sumama sayo ng matagal, hindi pwede dahil may trabaho ako mamaya.” paliwanag nya
Wala ka na din namang magagawa kasi nandito na tayo sa loob ng condo. Kaya wala ka ng choice.”
I can run. Makakaalis ako dito.” sagot ni FR
You can, but you may not. Kayang-kaya kong tawagan ang security at sabihing magnanakaw ka.” Daniel grinned.
I hate you, Daniel.” may bahid ng pagtatampo sa tono ni FR
Daniel sighed. Nakita ni FR na nalungkot bigla ang ekspresyon nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinuha ni Daniel ang kamay ni FR. He locked his hand with his. FR looked so surprised pero kita nya ang pamumula ng mukha nito. FR kept quiet. Maybe he got lost for words, too. Mas diniinan pa ni Daniel ang pagpisil sa kamay ni FR.
FR, magagalit ka ba sakin sa ginawa ko?”
FR looked at him, hindi nya alam kung naiiyak ba ito o natutuwa o kinikilig.
I don't know, Daniel.” sagot nito.
FR, wag ka na magalit. I don't know what's going on with me. I just want to be with you. Yun lang. Mula nung nagaway tayo kagabi, di na ako mapakali, gusto kong bumawi sayo. Gusto kong makabawi, gusto kong baguhin yung sarili ko para di mo na ako sasabihan ng brat. Gusto kong maging better para di ka na magalit sakin.” mahina at mamalat-malat na sabi ni Daniel
Hindi alam ni FR kung ano ang dapat nyang maramdaman. Pero sabi ng kanyang malikot na kukote, kinikilig sya sa naririnig.
Da-daniel...”
FR, the moment I saw your eyes crying, I decided to stay with you always.”
Nagulat si FR.
Ba-bakit? Bakit Daniel?” naguguluhang tanong nito
Umiling si Daniel.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Mas naging madiin ang hawak nila sa kanilang mga kamay.
I T U T U L O Y. . . .







2 comments:

Lawfer said...

capital B-tin naman :(

PATRICKstories... said...

Hi Rovi! Galing mo rin no!!! Hehe. Kinikilig ako! Haha. Asan ang kasunod po neto?