Sunday, July 28, 2013

Less Than Three- Part 11

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 11

(Give me a heart break)



[Alex’s POV]


Pagkatapos ng klase ko, nag check ako ng phone. 


Puro text ni Charlene. 


Tadtarin ba naman ako ng text ng babaeng ito.


“Best, nasa baba ako ng building hintayin kita.” Nagreply naman ako. 



"O tapos..." biro ko.


"Bilisan mo na lang bumaba."


"Ayoko nga."


"Bilisan na. nagiinarte pa eh."


“Sige na nga.”



Then nakita ko na may text si Kieth. 


“Tapos ng class ko. Punta na ako sa may cafeteria, hintayin kita.” Di naman ako nag reply. Haixt.


"Ano bang naisip niya at hinihintay niya ako sa cafeteria?" nautal ko na lang sa sarili ko.


Pagkababa ko ng building nakita ko agad si Charlene. 


“Ano ba yan ang tagal!”


“Maka reklamo ka wagas ah.” Sabi ko.


“Tara na uwi na tayo.” Yaya niya


“Wait lang, pupuntahan ko lang ang kamahalan.” Sabi ko.


“Anong update na sa inyo?”


"Wala.”


"Wala daw oh...."


"Wala nga. Wag kang mag expect."


“Share ka naman. Wag kang madamot. Did you?”


“Wag kang chismosa!”


“Oh my God! You did it?”


“Che.”


“Ayaw mong sumagot ibig sabihin may nangyari na?”


“Wala.”


“You kissed?”



Di ako sumagot. 



“Oh my God! Mahihimatay na ako!” sabi niya


"Gusto mo patain nalang kita?"


"Whatever."


“Gusto mo ng upak? Grabe makapag react.”


“Masarap ba?”


“Ewan.”


“Sumagot ka naman. Mambabalita lang ako.”


“Oo masarap!” sabi ko.


Napatigil siya at napatili. 


“Hoy loka ka!”


“Really? Di ka naman si AMALAYER diba?”


“Whatever.”


“Kwento ka pa.”


“tama na baka naghihintay na yung kamahalan.”


"Oo na nga. binibitin pa ako eh."


Papunta na kami sa cafeteria nang makita ko si RD. 


Nakangiti siya sa akin. “hello.” Sabi ko.


“Hi. Uwian mo na?”


“Yeah.”


“Sabay na tayo.”


“Papa RD!” biglang sigaw ni Charlene.


Ngumiti lang siya. 


Itong si Charlene talaga oo. 


“Naghihintay sa akin si Kieth.” Sabi ko.


“Sabay na tayo.” sagot niya


“Sure ka?”


“May sasabihin din naman ako kay Kieth eh.”


“Tungkol saan?”


“Kay Arjay.”


“Ah I see.”


Niyaya ko na siya. 


Sabi ko sa may cafeteria sila. 


Papunta na kami sa cafeteria noon nung makita ko si Kieth, hilahila si Ranz. 


Teka, bakit sila magkasama?


Magkakilala ba sila?


“Oh ayun pala si Kieth eh.” Sabi ni Charlene.


Agad naman tumakbo si RD at sinundan ko na lang siya. 


Nagulat naman ako nung makita siya na nagmamadaling tumakbo.


Ano kaya ang nangyayari? 


Parang may hindi ako alam dito ah.


Kakaiba ang expression ng mukha ni RD. 


Kinabahan ako bigla. 



Napadpad kami sa may fountain. 


Habang papalapit kami, nakarinig kami ng pag-uusap. 


Anong nangyayari dito? 


Bakit magkaaway si Ranz at si Kieth.


Nagsisigawan sila.


Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pinanggalingan ng mga boses niya.


Nang makarating na kami sa may fountain, nakita ko na magkahalikan si Ranz at si Kieth. 


Di ko maintindihan ang sakit na naramdaman ko noon. 


Bakit parang sinibat ako ng kahoy sa may dibdib ko?


Natuon ang atensyon ko sa naghahalikang si Kieth at si Ranz.


Nakita ko na nabigla si Kieth noong makita ako.


Napaluha na lang ako nang masaksihan ko yung pangyayaring iyon. 


Hinawakan ako ni Charlene sa balikat. 


Inalalayan ako.


“Arjay!” ang nasabi na lamang ni RD.


“RD?” nakita kong gulat na expression ni Ranz.


“What the hell is happening?!” nagulat ako nung sumigaw si RD.


“Alex...” narinig ko na sabi ni Kieth.


Agad sumugod si RD kay Kieth at sinuntok ito. 


Nagbuno ang dalawa hanggang sa awatin namin. 


Galit na galit si RD kay Kieth. 


Di ko maintindihan kung bakit.


“Pwede bang tumigil kayo!!!”


Napatigil sila sa lakas ng boses ko. 


“Alex magpapaliwanag ako.” Sabi ni Kieth.


“Magkakilala kayo ni Kieth, Alex?” tanong ni Ranz


“Naguguluhan ako sa nangyayari? Ranz magkakilala kayo ni Kieth? RD bakit galit na galit ka kay Kieth?” tanong ko.


Walang umimik. 


“SUMAGOT KAYO!!!” sigaw ko.


“Alex... ang Ranz na kilala mo at si Arjay ay iisa....” 


Nang sinabi niya yun, para akong nabuhusan ng malamig na tubig at may bloke pa ng yelo.


“Ikaw Ranz at si Arjay ay iisa?”


“Arjay ang tawag nila sa akin... teka... anong kaugnayan mo kay Kieth?” naguguluhan na tanong din niya.



“Siya si Alex... boyfriend ko.” Sabi ni Kieth.


Nakita ko na napaluhod si Arjay. 


“Alex? Ba-bakit? Bakit ikaw pa?”


Nakita ko ang pagkakaluhod niya.


“Ex mo si Kieth?” garalgal na ang boses ko sa nangyayari.


Lumapit si Kieth sa akin. 


Niyakap niya ako pero tinulak ko siya. 


Naiilang ako sa nangyayari. 


Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.


“Please hear me out.. makinig ka sa paliwanag ko…”


“Hindi mo kailangan magsorry.”


“Please...”


“Tumayo ka jan...”


“Alex.”


“SABI KO TUMAYO KA JAN!”


Tumayo siya at parang batang sumunod sa magulang. 


“You love each other na naman diba?” sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.


“Mali yang iniisip mo… Tek…”


 “Iwan ko na kayo.. hinihintay na pala ako ni mama.. gueh...” iniwan ko sila.


Hindi ko ata kayang makita silang magkasama.


Hindi ko kayang makita yung taong mahal ng mahal ko.


Hinila ko si Charlene palayo. 


Di ko kaya ang sakit. 


Nagmahal lang ulit ako pero nasaktan ako.


Wala akong karapatan na masaktan. 


I’m such a loser afterall.


Wala akong karapatang magalit, sa una pa lang alam ko na ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. 


Pero ang sakit, ang sakit-sakit.


Di ko namalayan na naabutan ako ni Kieth. 


Hinawakan niya ako sa kamay na siyang dahilan ng pagkahulog ng aking salamin. 


Napatulo na ang luha sa aking mga mata at napaluhod ako.


“Mali ang nakita mo, mali ang iniisip mo.” Sabi ni Kieth.


“Kieth... please... hayaan mo muna si best.” Sabi ni Charlene.


“Please give us a moment.” Sabi ni Kieth.


“Umalis ka na.” Sabi ko.


“Please...”


“Diba eto ang gusto mo? Yung magkabalikan kayo? Ayan tapos na mission ko kaya kakalas na ako. Makikipag break na ako sayo.”


“Alex please... wag...” niyakap niya ako.


“Ay mali pala... wala nga palang tayo... walang Alex at Kieth...” inilayo ko siya sa akin.


“Wag kang magsalita ng ganyan.” Nakita ko na umiiyak siya.


“Malaya ka na diba?.. pwede ng maging kayo!”


“MAHAL KITA!” narindi ako sa sinabi niya pero may nakapa naman ako sa aking puso.


“Oo mahal kita Alex, mahal na mahal kita!”


“Sinungaling!” sabi ko.


“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?”


"Kieth panget ako... nakikita mo ba ako?"


"Hindi itsura ang minahal ko sayo.. yung kalooban mo!"


"Wag an tayong maglokohan..."


"Hindi kita niloloko."


“Kaya mo ba ako pinapunta sa cafeteria para makita yun?”


“huh?”


“Nag text ka sa akin sabi mo hihintayin kita sa cafeteria.”


Napamaang siya. 



“Akala ko.... akala ko si Arjay.”


“Shit! Bakit ba kasi di pa nawala tong sim na to. Nang dahil dito nagkandaletse-leche ang buhay ko!” sabi ko.


“Sorry.. di ko naman sinasadya.”


“Please iwanan mo na ako.. wag ka ng magpakita sa akin.. naasaktan lang ako.. please...”


“Nasasaktan ka? Ibig sabihin...”


“Wala pala akong karapatang masaktan. Sorry.”


“Mahal kita... ayaw kong mawala ka sa akin...”


“Si Arjay ang mahal mo at hindi ako....”


“Ikaw ang dinidikta ng puso ko kaya makinig ka!”


“Ako na ang angsasabi sayo..di makakabuti ang lahat ng ito!”


“Mahal kita! Alam ko nakita mo kami ni Arjay na…”


“Na naghahalikan? Hindi mo ako kilala kaya hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo!”


“Wala akong pakialam kung ano ka pa.”


“Pareho tayong may nakaraan na nakasabit sa atin... kaya di pa pwede... di tayo pwede at kahit kailan hindi magiging tayo... mahal mo si Arjay at yun ang pagtuunan mo ng pansin.”


Tumayo ako at hinila si Charlene. 


Nagmadali kaming umalis at iniwan si kieth na nakaluhod sa may daaanan. 


Maraming tao ang nakakita sa nangyari. 


Di ko mawari kung ano ang dapat kong gawin, ang alam ko, dapat lamang akong tumakbo.











 Lumayo...





[Arjay’s POV]


Nakita kong hinabol ni Kieth si Alex. 


Nasaktan ang puso ko sa nangyari. 


Dalawa sa minamahal kong tao ang nawala sa akin. 


Hindi ko aakalain na si Alex ang boyfriend ni Kieth.


Nagkatitigan kami ni RD. 


Di siya umiimik kaya ako na ang nagsalita. 


“bakit di mo sinabi?”


“Ang alin?”


"Bakit di mo sinabing si Alex ang boyfriend ni Kieth?”


“Dahil hindi ka naman nagtanong.”


“Kahit na!”


“Bakit anong gagawin mo ha?”


“Babawiin ko si Kieth.”


“Nababaliw ka na.”


“Wag mo akong pakialaman!”


“Alam mong hindi pwede yang iniisip mo dahil mahal...”


“Mahal ni kieth si Alex? Yan ba gutso mong ipamukha sa akin?!”


“OO!”


“Mahal niya ako!”


“Pero bakit iniwan ka niya ngayon?”


“Babalik siya. Nagbalikan na kami ngayon!”


“Niloloko ka lang niya!”


Sinampal ko siya. 


Napatigil ako sa ginawa ko. “Sorry.” Ang tangi kong nasabi.


“Aalis na ako...”


Tumalikod siya pero niyakap ko siya.


 “Ang sakit... ang sakit-sakit...”


“Talagang ganyan, mahal mo siya eh.. kaso hindi tama eh...”


“Makikipag break na ako sayo..” 


“Paano yung kasunduan natin?”


“Sorry...”


“Paano papa mo?”


“Ipaglalaban ko ito...”


“Hindi na nga tama to!”


“Wag kang makialam dahil buhay ko ito at hindi ka kasali sa buhay ko!” 


Napatigil ako sa sinabi ko. 


Ang tanga ko talaga, haixt.


“Sabagay, wala lang naman ako sayo eh...”


“Sorry. Di ko sinasadya...”


“No.. you just tell the truth...”


“Nabigla lang ako...”


“Sa una pa lang alam kong hindi ka na magkakagusto sa akin dahil si Kieth ang gusto mo. Alam kong panakip butas lang ako at naipit ka lang sa kasunduan natin. Masydo lang talaga akong assuming kaya ganun ang nangyari.”


“Anong ibig mong sabihin?”


“Ikaw ang ikalawang lalaki na minahal ko...” sabi niya


Di ako makapag salita. 


Speechless ako sa nangyari. 


Mayamaya naramdaman ko na umalis na siya. 


Naiwan ako doon mag-isa. 


Napatulala ako ng bahagya.


Alas singko na ng mapagpasyahan kong umuwi ng bahay. 


Nagbyahe na ako. 


Wala pa rin ako sa sariling tinahak ang aming bahay mula sa kalayuan. 


Di ko pa rin maintindihan ang nangyayari.


Si Alex ay ang boyfriend ni Kieth. 


Mahal ni Kieth si Alex. 


Tapos mahal ako ni RD. 


Ako daw ang ikalawang lalaking minahal niya.


Pagkauwi ko ng bahay, agad akong sinalubong ni papa. 


Masama ang tingin sa akin. Haixt.


 Ano na naman kaya ang nangyari?


“Bakit ngayon ka lang?”


“May inasikaso lamang po?”


“Anong nangyari sa inyo ni RD?”


“Po?” siguro sinabi na niya yung nangyari. Haixt. 


Nalungkot ako bigla.


“Nakikipagkalas siya sa ksaunduan ninyo.”


Nagulat ako. 


Bakit siya pa ang nakikipagkalas? 


Ako ang dapat nagsasabi ng ganun. 


“Ano daw sabi niya?”


“Walang sinabi eh. Pero.”


“Pa ayoko na.” Sabi ko.


“Ano?”


“Mahal ko si Kieth.”


“Tigilan mo na nga yan!”


“Pa naman...”


“Itutuloy na natin itong kasunduan ninyo!”


“Pa... naiintindihan ninyo ba ang sitwasyon?! Nakulong kami ni RD sa mga pagkakasundo ninyo! Iba ang mahal ko at iba naman... iba ang mahal niya...”


“Anak naman...”


“Pa... isa na lang ang hinihingi ko sa inyo... ang pagbigyan kami ni Kieth.”


“Alam mo namang kaaway ko ang papa niya at...”


“Pa... matatanda na kayo para sa mga away-away na iyan!”


“Hindi!”


“Pa... ayoko na.. hindi ako magpapakasal!”


“Sa ayaw mo at sa hindi, itutuloy natin ang engagement ninyo!”


Agad akong tumakbo sa kwarto ko. 


Nakakainis, walang-wala akong magawa. 


Nakatali na ang buhay ko sa mga desisyon niya. 


Nasasaktan na nga ako eh. 


Sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari!


Feeling ko wala a akong kalayaan sa mga nangyayari. 


Ayoko na! 










Sawang-sawa na ako.


[Alex’s POV]


Walang sawang tumulo ang luha ko pagdating namin ng bahay. 


Si Charlene inalo lang ako. 


Ang sakit kasi ng nararamdaman ko eh. 


Napakasakit. 



Sobrang nasasaktan ako sa nangyari.


Nahulog na talaga ako sa lalaking yun. 


Blake anong gagawin ko? 



Nagmahal lang naman ako pero wala rin palang nangyari. 


Di na pala ako dapat umasa na magiging kami sa bandang huli.


Isang kasunduan lang ang nangyari. 


Pero ano yung mga pinagsasabi niya kanina? 


Mahal daw niya ako. 


Anong ibig sabihin nun? 


Totoo ba iyon o isang taktika lamang niya?


“Best tahan na.” Sabi ni Charlene.


“Masakit...”


“Di ko alam gagawin ko...”


Niyakap ko lang siya ng mahigpit at iinuhos ang lahat ng sama ng loob. 


Okay an ako na magkaroon ng taong masasandalan sa nangyayaring ito.


“Naku lagot ako nito kay Papa Blake kasi hinahayaan kitang umiyak ng umiyak.”


“Bakit kasi...”


“O tama na...”


“Kasalanan to ng sim card na to eh...”


“Naku sinisi pa ang sim card.”


“Mahal daw niya ako..” sumilay ang ngiti sa bibig ko.


“Sus.. biglang ganun. Baliw ka na talaga.”


“Hay buhay.”


“Sus. Kanina iiyak iyak tapos ngayon ngingiti.”


“Pero di ako makapaniwala na si Ranz at si arjay ay iisa.”


“Sino bang Ranz yan?”


“Siya yung partner ko sa paper... yung naging kaibigan ko... close friend to be exactly...”


“Mahirap nga yan. Kitang kita ko na gulat na gulat din siya.”


“Alam ko wala akong karapatang magalit... pero bakit ganun? Nakita ko silang naghaha...”


“Haixt. Ewan ko ba. Siguro pinilit ni Arjay si kieth.”


“Wag natin i-judge yung tao.”


“Bakit kasi sobrang  bait mo?”


“Bakit naman?”


“Mantakin mo kaagaw mo na si Arjay ay ipinagtatanggol mo pa rin siya?”


“Para kasing kapatid na ang turing ko sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya.”


“Haixt. Ang bait mo... buti best friend kita.”


“Tss... inaabuso mo na nga eh.”


“Di ah... oh okay ka na?”


“Maybe...”


“Ang arte ha... pa maybe maybe pa.”


“Sige na umalis ka na!”


“makapag taboy wagas.”


“Thank you.”


“Your very welcome.. andito lang ako for you.”


“Kaya pag may kailangan ako maghanda ka na.”


“Anything wag lang tungkol sa money.”


“Hahah. Ewan. Sige lakad na. Baka mapagalitan ka pa ng tatay mo.”


“Naku ikaw ang idadahilan ko. Sasabihin ko na hinaras mo ako.”


“Tss. Kapal mo.”


“Bet na bet ka kaya ni daddy.Kaw na lang daw gagawin niyang asawa ko.”


“Hahaha. Adik. Lakad na.”


“Gueh na. Bye...”


Naiwan naman ako na nag-iisa. 


Maya-maya tadtad na ako ng text galing kay Kieth. 


Tumatawag na rin siya pero di ko sinasagot. 


Ayoko munang kausapin siya.


Kailangan ko ng time para magsink in lahat ng nangyari. 


Gusto ko muna ng break. Hay buhay.


Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. 


Ano ba yan ang aga-aga pa? 


Si mama yung kumakatok.


“Ma masira pinto!” sigaw ko.


“Aba gising na prinsipe.”


“Tss. Oo na po.”


“Sige na at malalate ka na...”


“Opo...”


Agad akong nag-ayos ng sarili ko. 


Kahit na nilalamig pa rin hanggang ngayon ay pinilit kong maligo. 


Nakakahiya kaya na papasok ako ng hindi naliligo. 


Nagbihis ako ng presentable. 


Ayokong magmukhang kawawa. 


Tinanggal ko lahat ng nkadikit sa aking mukha. 


Itinira ko na lang ang pang nerd na salamin at konting gilagid sa bibig.


Bumaba na ako matapos ang 30 minuto na pag-aayos. 


Nakahanda na ang pagkain at amoy na amoy ko ang sarap nito.


“The best talaga kayo ma...” sabi ko.


“Wushu bola...”


“Aysus... gusto naman.” Sabi ko.


“Teka.. bakit pugto ang mata mo ha?”


“Ha? Talaga ma? Baka nakagat ng ipis?” nag arte ako na hindi ko alam at agad humarap sa salamin.


“Naku ang anak ko... pwede ka ng mag artista.”


“Ansabe?”


“Wag mo na akong lokohing bata ka. Matanda na nga ako pero hindi ako uto-uto.”


“Sinong nagsabing uto-uto ang mama ko?”


“Aysus. Bakit ka umiyak?”


“Wala po ito...”


“Huling beses kong nakita kang umiyak ng ganyan ay noong...”


“Ma.. okay lang po ako...”


“anak.. nag-away ba kayo ni Kieth?”


“Sino yun ma?” pang dedma ko.


“Ay... alam na...”


“Ma wag mo nang banggitin po pangalan ng gunggong na yun.”


“Oh ano pinag-awayan ninyo?”


“Wala naman ma...”


“Isa...”


“Napaka self-centered kasi...”


“Yun ba talaga?”


“Ayaw maniwala.”


“Di ako naniniwala. Ina mo ako kaya alam ko kung nagsisinungaling ka. Bawat utot at hininga mo alam ko...”


“Ate V ikaw ba yan?”


“Pwede na ba anak? Hahaha.”


"Oo ma."


"Perfect."


“Ma kasi... alam mo na... nakita ko kasi sila ni Ranz... este si Arjay.”


“Si Ranz at si Arjay iisa?”


“Opo.” 


Nakita ko sa mata ni mama ang kaguluhan sa kanyang pag-iisip.


“Ma... mahal pa ata nung mokong na yun si Arjay.”


“At nagselos ka?”


“Excuse me ma. Ako magseselos? Mukha niya. Sa gwapo kong ito?”


“Sus. Halatang nagseselos ka.”


“Ma alam kong hindi ako magseselos. Pakialam ko ba sa kanilang dalawa. Magsama silang dalawa!”


“Oh lumalaki butas ng ilong. Padeny-deny pa kasi eh.”


“Ma... may Blake na ako at saka...”


“Anak.. move on.. wala na sa iyo si Blake.”


“Alam ko naman ma eh.. di ko lang maiwasan... basta ma... hindi kami pwede ni Kieth.”


“So nag assume ka na maging kayo?”


“Somehow... kahit na panget itsura ko... Gwapo niya, mabait kung minsan, once in a blue moon nga eh, maalaga kahit masungit, sweet kahit palasigaw. Haixt.”


“Mahal mo ba siya?”


“Gusto ko siya... at nalilito ako kung mahal ko ba siya.”


“Hay nakong bata ka. Kung ako sayo aminin mo na. Ganyan na ganyan ka din kay Blake noon eh. Kala mo kung sinong pa-virgin na babae”


“Ma naman. Kumplikado ang lahat. At isa pa, ayoko na.”


“Ano susuko ka na agad?”


“Si kuya pala?”


“Wag mong ibahin ang usapan.”


“Ma kasi alam mo naman kung gaano ko kamahal si Blake kaya nung nawala siya ay sobrang sakit. Hindi kami pwede kasi di pa niya ako kilala, yung tunay na ako. Ayokong lokohin siya.”


“Anak kung ako sayo ay umaamin ka na sakanya.”


“Paano ma? Wala na... wala ng kami kasi...”


“Lagi ka na lang ganyan...” 


Nagulat ako ng may marinig akong boses mula sa aking likuran.


Napatayo ako at natigilan. 


Hindi ko mailingon ang sarili ko sa kanya. 


Shit! 



Narinig ba niya lahat ng sinabi ko?





“Kung mahal mo ako, ipaglaban mo.”






Di ako makapag salita. 


Nakita ko na napangiti si mama. 


Mukhang napagkaisahan ako dito ah? 


Grabe. 


Kinakabahan na ako. 


Anong gagawin ko? 



Bakit nandito si Kieth sa bahay ko?

(Itutuloy)

No comments: