Wednesday, July 31, 2013

Less Than Three- Part 12

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 12

(Start of Something New)




[Alex’s POV]


Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Kieth at no choice kasi hinila niya ako palabas ng bahay namin.


Di ko siya iniimikan mula pa kanina, itsura niya. 


Nakakainis kasi, di ko man lang alam na nasa loob siya ng bahay namin.


Napahiya pa ako ng wala sa oras.


Etong si mama, hindi sinabi na dumatin pala si Kieth. Argsh.


Kakuntsaba pa niya si mama. 


Nakakahiya tuloy. 


Asar talaga! 


Grabe ang sarap niyang suntukin.


Naramdaman ko na humawak siya sa kamay ko. 



Nananantsing pa tong mokong na to. 



Ano sa tingin niya sa akin? Easy to get?


Inalis ko ito pero piigilan niya. 



“Mag drive ka na lang. Nananantsing ka pa eh.”



“Babae lang?”


“Mukha mo.”


“I love you...” sabi niya


Kilig? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah


Napabilis ang tibok ng puso ko. 


O///_///O


Shit! Ano ba to? 


Namumula na ata ako.


 “Nagblush ka naman agad. Hahaha.” sabi niya


“Shut up!” sabi ko.


“Masaya ako... hahaha.” Pang aasar niya


“Well ako hindi.”


“Kinikilig ka nga eh. Hay naku babe ko.”


“Tumigil ka elephant monster. Ano bang ginagawa mo dito? Doon ka na lang sa Arjay mo!”


“Kaya nga hayaan mo akong mag explain!”


“Wala ng explain explain. Alam mo ba sa mga istorya eh naloloko ang bida dahil sa mga kalokohang explanation ng mga manlolokong tulad mo.”


“Sa istorya din, dahil sa hindi pakikinig ng bida, hindi nila nalalaman kung gaano ba kamahal nung tao yun ang bida.” 


And my mouth is shut.


Okay talo na ako.


Wew.


Ewan sa kanya.


Pero ang gwapo niya. HAHAHAH


\m/


“Ano bang problema mo? Ang init ng ulo mo.” Pagsasalita niyang muli.


“Ikaw ang problema ko. Bakit ka ba pumunta ng bahay namin ha? Nakakaasar ka. Invasion of privacy ginagawa mo!”


“Kasalanan ko bang magtatalak ka ng magtatalak dun kanina?”


“Nakakainis! Argggsh.”


“Mahal mo naman pala ako eh, bakit mo pa ako tinataboy?”


“Ayokong ulitin lahat ng sinabi ko kanina. Period!”


"Ang arte mo kahit kailan."


"Wala kang pakialam! Buhay ko to kaya manahimik ka na lang."


"Para kang babae, kainis."


"Anong alam mo sa babae eh hindi ka naman nagka-girlfriend."


"Below the belt na yan ha."


"Oh ano ngayon?"


"Taena naman yan oh."


"Nakakainis kasi yang mukha mo."


"Wow ha nahiya ako sayo."


"Manahimik ka na lang."


“Yung nangyari kahapon...”


“Wag kang magpaliwanag. Hindi tayo kaya shut up!”


“Eh bakit ka kasi ganyan mag react? Di ka naman ganyan kung di mo ako mahal eh.”


“Malay ko sa lelang mo. Nakakainis ka! Nakakainis! Chismoso!”


“Ang sungit mo. Halikan kita jan eh.”


“Wag na wag mo na akong kakausapin pa!”


“Alam mo mahal kita!” nagtaas na siya ng boses.


“Bakit ka galit?”


“Kasi ang kulit mo eh. Kaasar. Nagpapakababa na nga ako eh. Ano pa bang gagawin ko ha? Alam mo sa gwapo kong ito unang beses kong magpakababa sa isang...”


“Ano isang panget na lalaki? Ha? Yun ba?”


“Pwede na rin.. hahaha.”


“Alam mo ang problema sayo nandadamay ka pa ng iba! Magkaayos na kayo ni Arjay ah?!”


“Wala ng kami. Yung kahapon, confused lang ako. Wala yun. Pero I know na.”


“So tapos na mission ko!”


“Di pa....”


“Ano bang problema mo?”


“Ang hirap mong ligawan nakakainis ka!”


“Ligawan mo face mo.”


“Shit naman! Ano ba naman?”


“Hindi kita mahal ha. Lahat yun joke lang.”


“Kung hindi mo ako mahal, bakit ka gumanti sa mga halik ko? Bakit narinig ko mula sa iyong bibig na mahal mo ako?”


“Ah kasi...”


“Kasi ano?”


“Kasi..”


“Ano?!”


“Oh ano ngayon kung mahal kita ha? Shit naman. Kung mahal kita wala ka ng pakialam! Lahat naman ng ito ay puro pagpapanggap lang diba? Mahal mo si Arjay and thats a fact na hindi na magiging opinion pa!”


Itinigil niya yung sasakyan at hinalikan ako. 


Nagulat ako sa ginawa niya. 


Naging mapusok ang kanyang paghalik pero unti-unti naging mahinahon, passionate at masarap.


Hindi ko mapigilan ang sumagot sa kanyang mga halik. 


He is now leaning on me. 


Why am I so weak sa lalaking ito? 


Di ko mapigilang mawalan ng lakas kapag kaharap siya.


Unti-unti naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. 


Di ko maintindihan kung bakit pero napaluha na lang ako. “Oh bakit ka umiiyak?”


“Wala...”


“Hey... speak up...”


“Nasasaktan lang ako...” ang nasabi ko.


“Sorry kahapon. Sorry kung ginamit kita as equipment para pagselosin si Arjay. Nung time na nalaman ko na mahal pa pala ako ni Arjay, I bear those happiness. Pero somehow hindi ko maintindihan kung bakit nalungkot din ako. Mahal ko siya, pero mukhang hindi na tulad ng dati.”


“Pero mahal mo pa rin siya.”


“Yeah, siguro nga, pero ganun naman talaga eh. Pero hindi ba pwede na may pumunang iba?”


“Natatakot ako…”


“Nandito ako…”


“Ayokong maiwang mag-isa ulit… ayokong maiwanan na walang-wala.”


“Hindi ko gagawin yun. Kahit anong mangyari.”


“Baka naguguluhan ka lamang sa nararamdaman mo.”


“Kaya nga gusto kong bigyan ng linaw mo ang lahat.”


“Paano ko gagawin yun? Hindi ko alam.”


“Mahalin mo din ako. Iparamdam mo ulit na may nagmamahal sa akin. Yung di man perpekto tayo, still okay pa din.”


“Pero….”


“Sabi ko diba na nandito ako.. wag kang matakot sumubok ulit…”


“Sorry…”


“Don’t be sorry.”


“Basta hinay-hinay lang. wag pabigla-bigla… let’s enjoy what we have.”


“Sure babe. Para sayo I will do everything.”


“Thanks for loving me…”


“Di ko alam kung ano ang ibinigay mo sa akin para magustuhan kita, pero isa lang ang iaassure ko sayo, mahal kita.”


“Oo. Mahal kita... mahal na mahal kita...” at niyakap niya ako ng mahigpit.


Napangiti na lamang ako ng gayon na lamang. 


Nakita ko ang pagbabago sa katauhan ni Kieth, nabuhayan siya ng loob. 


Kakaiba ang saya na naramdaman ko sa mga panahong ito.


“Akin ka na mula ngayon... at wala akong pakialam kung sino mang Pontio Pilato ang umagaw sayo sa akin.. di ako papayag na mawala ka sa akin... para sa akin ikaw lang... ikaw lang talaga...” sabi niya


Niyakap ko siya ng mahigpit. 


“Di pa rin ako makapaniwala.” Ang nasambit ko.


“Kinikilig ka no?”


“Hoy ang kapal mo.. baka ikaw jan...”


Hinalikan niya ulit ako sa labi. “Bakit namumula ka?”


“Wala... tara na baka malate pa tayo.”


"Kinikilig ka eh."


"Wag kang feeler."


"Feeler ka jan. Kinikilig ka eh. isa pa?"


"Hep hep.. nakakadai ka na."


"Gusto mo naman."


"Ikaw nga jan may gusto. Nasasarapan ka na sa akin."


"Oo.. sarap na sarap."


"Hoy! Nakakatakot na yang titig mo. Mamaya ma-rape mo pa ako dito."


"Why not? At isa pa... di naman matatawag na rape pag ginusto din nung tao eh."


"I object..."


"Pakipot..."


"Shut up."


“Ditch tayo ng class.” Sabi niya


“Sus. Adik mo, magpapaka B.I ka pa.”


“Gusto lang kita makasama.”


“Naging sweet ka ngayon ah.”


“Iba na ang kalagayan natin ngayon. We are couple na kaya dapat sweet lang ako sayo.”


“Ewan sayo. Tss. Tara na nga.”


“Labas tayo mamaya.”


“Sige...” di ko maitago ang ngiti sa aking mga labi.


Pagkadating namin ng school ay di pa rin mapigilan tong kasweetan ni Kieth. 


Masaya ako, masayang masaya. 


Ayaw papigil ni Kieth. 


Shit! 


Kinikilig ako.


(sorry guys... nadadala ako... kinikilig din ang author ninyo. :3 )


“Sige na...” sabi ko.


“Mamaya ah.”


“Oo.” Tapos ngumiti ako.


“I love you..”


“Sige na..”


“Wala man lang sagot?” tapos nag pout siya ng mouth


“Less than three you too.” Ang sagot ko.


“Ha?”


Tapos tumawa na lang ako. 


Iniwan ko siyang nag-iisip.


Pumasok na ako ng room. 


Clasmate ko ngayon si Charlene at magkatabi kami. 


Napansin niya yung pagiging masaya ko kaya kung anu-ano ang tinanong sa akin.


“Oh mukhang okay ka na ah?”


“More than okay.”


“Taraaaaaay. Kwento ka naman.”


“Hahaha. Kinikilig ako.”


“ang lande ah. Bulate?”


“Hahaha. Kami na...” sabi ko.


“Anong bago dun?”


“As in kami na. Walang pagpapanggap... yung totoong kami.”


Nakita ko ang reaksyon niya at natigilan pa siya. 


“Hoy!” sigaw ko.


“You are seriously kidding me.” Sabi niya


“Mainggit ka. Hahaha”


“Grabe ka!”


“Kinikilig ako!” ang nasabi ko.


“Di bagay sayo ang panget mo.”


“Grabe ka ha.” 



Pero natigilan ako.


Panget ako. 


Yun ang minahal na side ni Kieth sa akin. 


Pero paano yung totoong ako? 


Paano yung pagpapanggap ko? 


Paano ko sasabihin sa kanya ito?


“Oh natigilan ka?”


“Wala.”


“Joke lang yung panget. Sineryoso mo ata.”


“May mali pa rin eh.”


“Ano?”


“Hindi pa niya alam kung sino ba talaga ako.”


“Hala ka. Patay tayo jan.”


“Dapat sinabi ko na dati pa eh. Paano yan ngayon?”


“Jan ka maiipit.”


“Kala ko okay na ang lahat.”


“Kung ako sayo sabihin mo na yan habang maaga pa.”


“Di ko alam kung paano.”


“Kaya mo yan. Ikaw pa.”


Napaisip ako buong period. Haixt. 


Ano na ba ang gagawin ko?


 Buong period yun lang ang iniisip ko. 


Pero naiisip ko pa rin yung nangyari kanina kaya napapangiti na lang ako.


Next class ko ay kaklase ko si Ranz este Arjay. 


Nung nagkatinginan kami, nailing ako ng bahagya. 


Di ko kasi alam kung paano ko ba siya maaapproach.


Tumabi siya sa akin at nakaramdam ako ng tensyon. 


Nanlamig ang paligid at ni isa sa amin ay walang gustong magsalita. 


Hindi ako makatingin sa direksyon na kinaroroonan niya.


Pero itong katabi ko ngayon ay ang taong kinalokohan ni Kieth. 


Ang unang taong minahal niya kaya nakaramdam ako ng insecure. 


Ang panget naman kaya kung mag feeling close pa rin ako sa kanya.


Buong period ng klase ay di kami nag iimikan. 


Natapos ang klase na walang nangyaring anumang pag-uusap. 


Vacant ko ngayon at isang klase na lang tapos magkikita na kami ni Kieth.


Di ko alam pero bakit ba sabik na sabik akong makita siya? 


Nakakapanibago lang? 


Para bang di ko siya nakasama kanina? Haixt.


“Alex...” napalingon ako nang tawagin ako ni Ranz.


Tumingin ako sa kanya pero hindi nagsalita. 


Di ko alam kung anong gagawin ko eh.


“Pwede bang... pwede bang mag-usap tayo?”


Nagulat ako sa sinabi niya. 


Napamaang ako at hindi nakasagot agad. 


“Alex?” tanong niya ulit.


“Ah eh.. sige sige.” Ang nasabi ko na lang.


“May klase ka ba ngayon? Anong oras ka ba pwede?” tanong niya


“Vacant ko ngayon. Sige ngayon na lang. Saan ba tayo mag-uusap?” tanong ko.


“Sa may fountain.” 


Yun lang ang sinabi niya saka siya nagmadling lumakad.


Sumunod lamang ako sa kanya. 


Tahimik pa rin at walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa may fountain. 


Umupo ako sa may damuhan, hinintay ang susunod na mangyayari.


“Nagkausap na kayo ni Kieth?” paumpisa niyang tanong.


“Yup. Kanina lang.”


“Kamusta naman kayo?” tanong ulit niya


“Ayos naman. Were doing okay. Kayo ba nagkausap na?” urirat ko.


“Hindi pa and I am looking forward na magkausap kami. Gusto kong ayusin yung sa amin. Siguro alam mo na nagkaayos na kami. Feeling ko kami na.” Sabi niya


Nakita ko ang genuine na ngiti mula sa mga labi niya.


Pero paano yan?


Eh kami na kaya. 


Gusto kong sabihin yun pero nakakahiya. 


Feelingero to. Aysus. 


Ang bad ko hahaha.


“Ahh. Ano pala ang pag-uusapan natin?” diretso kong tanong.


“Ang bilis mo ata masyado.” Sabi niya


“Ganun ba?” tanging sinabi ko lang.


“Mahal mo ba siya?” tanong niya


“Oo. Mahal na mahal.”


“Mahal ka ba niya?”


“Oo. Mahal niya ako.”


“Mas mahal pa kaysa sa akin?”


“Sa palagay ko oo.” Ang sabi ko.


“Gwapo mo ha.” Nagulat ako sa sinabi niya.


Ramdam ko na naiinis siya sa akin. 


Di ko naman masisisi yun. 


“Di ko akalain na ikaw pa ang makakaagaw ko sa kanya.” Ang sabi niya


“Alam kong gusto mo si Kieth... mahal mo siya to be exactly... kaso wala na kayo...”


“Wag mong ipamukha sa akin yan! At isa pa nagkaayos na kami kahapon!”


“Easy lang... masyado kang hot eh.” Ang sabi ko.


“Mahal niya ako at alam ko iyon.”


“Paano ka nakakasiguro ha?”


“Nararamdaman ko! Gusto niya akong makipagbalikan sa kanya matagal na kaya hindi na ako nagtataka. He even kissed me kahapon.”


“Matapos mo siyang iwan? Ganon na lang ha?”


“May dahilan ako at alam mo yan.”


“Kaya di ko siya masisisi.” Sabi ko.


“Oo. Dahil naghanap lang siya ng panakip butas.”


“Mag ingat ka sa sinasabi mo!”


“Bakit totoo naman ah? Panakip butas ka lang.”


“Kung naiinggit ka, sabihin mo, hindi yung nagkikimkim ka ng galit sa akin!”


“Oo nagagalit ako sayo! Dahil ang taong mahal ko inagaw mo! Pinagkatiwalaan kita at di ko pa inaasahan na ikaw pa!”


“Gusto kong itama yang baluktot mong pag-iisip. Wala akong ginagawang masama! Wala akong inaagaw o tinatapakang tao!”


“Hiwalayan mo siya!” sabi nito


“Nahihibang ka na.” Ang sagot ko.


“Para sa akin.. hiwalayan mo siya! Hinding-hindi siya mapapasa akin ng buo hangga’t nakaharang ka sa landas ko.”


“Ano ka sinuswerte? Matapos mo siyang saktan at paiyakin ganun-ganon na lang? Anong tingin mo sa kanya, bagay na basta na lang ipinamimigay? Para sa kaalamanan mo, mahal ko si Kieth at handa akong makipag patayan para sa kanya.”


“Ganyan ka eh, di ka mapakiusapan. Kung makapagsulsol ka akala mo ikaw na mabait. Mahal mo ba siya talaga dahil yan ang nararamdaman mo o mahal mo siya dahil gwapo siya?”


“Alam mo nakakasakit ka na! Di porket ganito ang mukha ko lalait-laitin mo ako. Iba ang pagkakakilala ko sayo. You are better than this! Di ko akalain na ang isang Ranz... ay mali, ang isang Arjay na kilala ko, na itinuring ko na kapatid at bestfriend ay isang nabubulok na bunga na nahulog sa lupa. Ganyan ka pala talaga!”


“Ganito ako sa mga taong ipinaglalaban ko! Nakikiusap lang ako sayo pero ayaw mong pakinggan! Ano bang gusto mo ha? Lumuhod pa ako sa harapan mo at gumapang?”


“Hindi ko bibitawan si Kieth dahil alam kong masaya siya sa akin. Binitawan mo na noon si Kieth kaya hindi ko na siya hahayaan pang kumawala sa akin.” Tumayo ako at naglakad palayo.


Di ko namalayan na nahablot pala ni Arjay ang aking braso. 


“Please...” nakita ko ang pagtulo sa kanyang mga mata ng kanyang mga luha.


“Nagmamakaawa ako... akin na lang siya ulit.. hiwalayan mo na siya... please...” umiiyak siya.


Di ko mapigilan ang malungkot. 


Pero hindi tama ito, hindi tamang hingin mo ang isang taon. 


“Sorry pero hindi... mahal ko si Kieth at ipaglalaban ko siya. Nanjan naman si RD, alam kong mamahalin ka niya ng sobra-sobra.”


“Si Kieth ang mahal ko.”


“Pero ako na ang mahal ni Kieth.”


“Nabubulag lang siya dahil nasaktan siya sa akin!”


“Pabayaan mo na kami... ako na ang nakikiusap sayo.. please...”


Agad akong naglakad palayo. 


Mabibilis ang hakbang na tinungo ang cafeteria para bumili kong maiinom. 


Doon ko nakita si Jake, nagiisa.


“Hey...” bati ko.


“Ui ikaw pala. Hahaha. Congrats.” Sabi niya


“Ha? Congrats? Para saan?”


“Sinabi sa akin ni Kieth kanina. I am happy for both of you.”


“Sus. Adik mo lang.” Sabi ko.


“Alam mo unang beses kong makita si Kieth na kiligin.”


“Siya kinilig?”


“Oo. Halata naman eh. Namumula siya tapos ngiting ngiti. Hahaha”


“Adik mo lang. Hahaha.”


“Nga pala, next Saturday birthday ko na. Pumunta kayo ni Kieth ah. Hihintayin kita.”


“Nasabi na nga sa akin ni kieth yun.”


“Mag ayos ka ha...” biro niya


“Ouch ah.. hahaha.”


“Bakit pala di kayo magkasama ni Kieth ngayon?”


“Mamaya pa. After nito ay may class pa ako.”


“Ah kaya pala. May class pa hanggang mamaya si Kieth.”


“Kaya nga. Hahaha. Gutom na gutom yun for sure.”


“Anong feeling na finally boyfriend mo na ang supladong kinaiinisan mo?”


“Masaya, masayang-masaya. Di ko maexpress yung nararamdaman ko. Looking forward na maging maayos ang lahat. Gusto ko nang makaalis sa nakaraan. Mas ayos kung matatakluban nito ang aking nakaraan dahil gusto ko nang maging maligaya.” Mahaba kong sagot.


“Bagay naman talaga kayo eh, sa totoo lang mas gusto pa kita kaysa kay Arjay.”


“Bakit naman?”


“Wala naman. Mas tingin ko kasi na mas bagay kayo. At isa pa, kung mapapansin mo ang sigla sa mga mata ni Kieth, di mo aakalain na nasaktan na siya ng sobra. Ingatan mo ang bestfriend ko ha. Resbak ka sa akin kapag sinaktan mo yun.”


“Choosy pa ba ako? Sa gwapo ng bestfriend mo at sa saksakan ng bait, di ko yun sasaktan.” Ang sabi ko.


“O sige una na ako.” Sabi niya


"Sige sige." sagot ko na lang.


Naghintay ako ng ilang oras para sa aking next class. 


Mabilis lamang lumipas ang oras at di nagtagal ay natapos din ang klase ko. 


Nagulat pa nga ako nang makita ko si Kieth na nasa tapat ng room ko at hinihintay ako.


Nakasandal lamang siya sa pader at matiyagang hinihintay ako. 


Nakangiti siya sa akin at malapad ang buka ng mga bibig. 


Napangiti ako sa nakita ko.


“Wow ang sweet sinusundo ako.” Ang sabi ko.


“Sinunsundo din naman kita dati ah. Diba?”


“Okay sabi mo eh.” Tapos tumawa ako.


Sumakay kami sa sasakyan niya at pumunta kami sa dati naming pinupuntahan. 


Medyo nalungkot ako ng bahagya dahil na rin sa alam ko kung ano itong lugar na ito. 


Agad naman siyang bumawi sa akin at nagbigay ng makahulugang salita.


“Oh wag kang magselos agad.” Sabi niya


“Di ako nagseselos.” Sabi ko
.

“Sus. Gusto ko lang magpaalam dito sa lugar na ito.” 


Maikli niyang sinabi sa akin saka bumaba ng sasakyan.


Naglakad kami sa kahabaan ng daan, magkahawak kamay. 


Ngayon ko lang naenjoy ang pagkakapit-kamay naming dalawa. 


Ang sweet niya kinikilig ako.


“Masaya ka ba ngayon?” tanong niya


“Yup. Sobrang saya.” Tugon ko.


“Masaya ako na masaya ka. Kain muna tayo, ako ay gutom na eh.” Sabi niya


“Sige tara.”


Habang nakain kami, di ko pa rin mapigilan ang mapangiti. 



Makwento pala tong si Kieth. 


Dati rati kasi ang sungit-sungit niya at sobrang suplado. 


Ang babala naman niya sa akin ay masanay na ako.


Di pa rin ako makapaniwala na ngayon ay kami na..


Ang saya-saya ko. 


Minsan nagsusungit siya pero naglalambing lang siya.


Malambing siya, medyo childish ng kaunti pero sobrang mature mag –isip. 


Madaldal siya at marami pang iba. 


Nagulat lang ako nung makita ko siyang kumain. 


Sobrang dami niyang kumain, ganito pala siya pag gutom na gutom.


Pagkatapos niyang kumain ay naglakad-lakad muli kami sa daan. 


Marami akong nalaman sa kanya. 


Para bang ibinibigay niya sa akin lahat ng impormasyon sa kanya para makilala ko siya.


Nahiya ako bigla. 


Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko na nagpapanggap. 


Gusto ko nang sabihin sa kanya pero natatakot ako. 


Paano kung magalit siya? 


Paano kung hiwalayan niya ako ng dahil dito?


Nakatayo kami ngayon sa may border ng  dalampasigan. 


Nakatanaw kami sa maaliwalas na karagatan. 


Tahimik ito at kalamado. 


Maraming tao sa aming paligid.


Nasa likuran ko siya, nakayakap siya sa akin. 


Nagkwentuhan kami nang ganun ang posisyon. 


Paminsan-minsan ay dumadampi ang kanyang labi sa aking pisngi.


“I love you.” Sabi niya


“I love you too.” Tugon ko.


“Haixt. Sana ganito tayo lagi.” Sabi nya


“Baka mamaya magsawa ka sa akin ha.”


“Never.” Sabi niya tapos yakap ng mahigpit.


“May tanong ako.” Pasimula ko.


“Ano yun?” tanong niya


“Gaano mo ako kamahal?”


Di siya nagsalita. 


Nagtaka naman ako kung ano ang nasa isip niya. 


“Di ka na sumagot jan.” Sabi ko.


“Hahaha. Astig kasi ng tanong mo.” Sabi niya


“Anong sagot mo?”


“No boundary. Di ko alam. Walang dahilan. Walang sukatan.” Sabi niya


“Si Arjay? Mahal mo pa ba siya?”


“Ano ba naman yang tanong mo? Napag-usapan na natin yan ah.” medyo inis niyang sabi.


“Natanong ko lang. Curious lang ako. Mahal mo pa ba siya?”


“Mahal ko siya at hindi mawawala yun. Pero yung pagmamahal na yun ay mananatili na lang para sa pagiging magkaibigan. Tapos na naman kami at may pinili na siyang landas. Ako, ang pinli ong landas ay ang sayo. Mahal kita, higit pa sa kanya.”


“Salamat.” 


Biglang tumulo ang luha ko sa aking mukha.


“Wag kang umiyak jan.” 


Tapos pinaghid niya yung luha sa aking mukha. 


“Alam mo, kahit na mahal mo pa rin si Blake, okay lang. Maghihintay ako hanggang sa maka move on ka. Di ko maaalis agad siya sa puso mo, parang si Arjay lang. Pero handa akong sumugal sa lahat ng posibilidad.”


Naging seryoso ang usapan namin. 


Di ko alam kung tama ba ang panahong ito para sabihin ang lahat? 


Ang aminin ang totoo?


“Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na may di ka nalalaman sa akin?” seryoso kong tanong.


“Bakit naman?”


“Wala lang. Natanong lang. Malay lang natin na may hindi ka pa pala alam sa akin.”


“Ano pa bang mga bagay ang hindi ko alam tungkol sayo?” tanong niya.


“Kasi...”


“Hay naku. Masyado na tayong seryoso. Let’s stop this. Basta walang taguan ng sikreto. Walang lihiman ah. Ayokong magkaproblema tayo. Kapag mag kaaway tayo or hindi natin naayos ang problema natin, dapat hindi tayo maghihiwalay nang hindi tayo nagkakaayos ah. Gusto ko maging organized ang relasyon natin, gusto kong maging masaya sa piling mo, dahil sa mahal kita. Mahal na mahal kita.”


Niyakap ko siya ng mahigpit. 


Napaluha ako sa sobrang saya. 


Di ko inaasahan na makaktagpo ako ng taong katulad ni Blake, hindi, mas higit pa kay Blake. 


Sa tamang panahon, alam ko magkakaalamanan din. 


Alam ko magiging maayos ang lahat.


“Yung sim card pala ni Arjay...” sabi ko.


“Ibabalik mo na ba?”


“Oo. Gusto ko na magsimula. Alisin na natin ang nakaraan. Magsimula tayo ng maayos. Mas okay yun diba?”



“Tara samahan kitang bumili ng sim card.”


(Itutuloy)



No comments: