Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 6
(Memories...)
*********************************
*********************************
“The worst part of holding the memories is not
the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared.”
― Lois Lowry, The Giver
― Lois Lowry, The Giver
[RD’s POV]
Para talagang nakita ko na si Alex somewhere.
Parang kilala ko na talaga siya eh and I don’t know kung saan ko
siya nakita. Haixt.
Stop thinking na nga. Masyado kong binibigyan yun ng deal.
Papunta ako ngayon kila Arjay, nagmumukmok kasi, paano ba naman
nag-away na naman sila ng papa niya.
Lagi-lagi na silang nag-aaway simula nung maghiwalay sila ni
Kieth.
Bakit?
Mahabang storya eh.
Ilang sandali lang din ay nakarating ako sa bahay nila. Agad kong
nakita si tito at binati ito.
“Hi tito.” Bati ko sa papa niya
“You better talk to your boyfriend. Ang tigas na ng ulo, wala ng pinakikinggan.”
Sabi nito.
“Okay po...” sagot ko.
Agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya. Kumatok ako pero walang
sumagot.
Agad naman akong pumasok, alam ko kasi na kapag ganun eh
nagmumukmopk lang siya.
Nakita ko siyang nakatalukbong sa kama at nagmumukmok.
“Hey sleepy head...” sabi ko.
Agad siyang lumapit at niyakap ako.
“Ilabas mo ako dito... ialis mo ako... Gusto kong maging
masaya...” sabi niya.
Naiintindihan ko naman siya. He was doomed. After all ang daming
bagay ang sinakripisyo niya.
“Ano ba kasi ang nangyari?”
“Ano pa ba ang bago? Yun pa rin.”
“Hanggang ngayon ba siya pa din?” tanong ko.
“Sorry.”
“Bakit ka nagsosorry? Alam naman natin kung ano lang tayo diba?
Naiipit lang tayo sa sitwasyon.”
“Pero lahat ng ito dahil sa akin.”
“Wala naman tayong magagawa, mapapaos lang tayo kakareklamo. Mas
mabuti pa ang maglook forward. Pero kung sakali man, sana may mahanap tayong
butas para makawala sa pariwarang ito.” Sabi ko.
“Your nice guy talaga. Sorry at sinira ko yung friendship ninyo ni
Kieth.”
“Stop saying sorry, nakakabinge na. Nakailang sorry ka na sa akin.
Kieth shoul deserve those sorry.”
“Thank you na lang.”
“Siya kiss ko.” Biro ko.
“Mamaya madevelop ka sa akin.” Biro niya
“Tss.” Biro ko
“Grabe ka.”
“Joke lang. Haixt. Sayang din mga chika babes ko at hunks na
naglalaway sa akin.” Sabi ko.
“Pero sayang. Ang gwapo mo pa naman tapos kaparehas ka namin.”
“Anong masama doon? Hahaha. Ikaw talaga. Ay siya tara na nga at
lumabas na tayo.”
"Saan tayo pupunta?"
"Sa paraiso."
"Ang lalim ng tagalog mo bui."
"Ganyan ang buhay, need mag explore. palibhasa english ka ng
english, di mo minamahal ang sariling wika natin."
"Ewan sayo. ang nerd mo today."
"Haixt. May nakita kasi ako."
"At ano naman? Two tiemr ka na ata eh."
"Pag ganun two timer agad?"
"Oh ano bang nakita mo?"
"Someone that I think come from my past."
"May ex ka na ba?"
"Wala pa eh."
"Hay naku gutom lang yan."
"Tara na nga. yang uhog mo natulo."
"Ang kapal mo."
"Bleh. tara na."
Hinila ko siya at umalis na kami sa bahay nila. I'm the one and
only best friend of Arjay left. I'm his mighty saviour.
He was so weird as ever. Haixt.
Kung alam lang niya ang lahat-lahat.
Bakit kasi sa sitwasyon pang ganito nangyari ang lahat?
Di sana ako ganito.
Hindi sana ako nahihirapan ng ganito.
Minsan nalilito na ako sa mga dapat mangayari.
Kung ano ba ang dapat isipin ko.
Ano ba ang dapat gawin ko?
at Kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
[Alex’s POV]
As usual wala akong panama.
Paano ba naman yung eyeglasses ko at yung nakalagay sa bibig ko
naalog at nakakatakot malaglag kaya hinay-hinay lang.
Pero nag-enjoy ako, di kami masyadong nag-away.
Medyo nagkakasunod na nga kami eh.
Mabait naman talaga siya at promising ah.
Improving.
Ang hindi ko lang maintindihan yung pagiging stubborn niya.
Di kasi maiwasan sa kanya yun eh.
Minsan gusto ko nang kutusan to sa pagiging stubborn. Hot headed
pa eh. tsss.
At the end of the day, nagiging okay din naman kami.
"Hoy salamat."
"Napaka formal ah."
"Ang arte... pwede namang may your welcome na lang."
sabi niya
"Ang daming alam."
"Pasalamat ka at kinakausap pa kita."
"Sana nga hindi an eh."
"Aba."
"Oo na. sige na. Basata pag malungkot ka pa nandito lang
ako."
"Yeah.. coz you are always funny... itsura pa lang."
"Umalis ka na at baka bombahin ko pa sasakyan mo."
"Wuuu takot ako."
"Umalis ka na... bugbugin pa kita eh."
"Kita na lang sa school."
Isinara ko na yung pinto at agad naman siyang umalis.
Dumaan ang mga araw nag patuloy kaming nagkakamabutihan.
Friendship kumbaga pero hanggang ngayon di ko pa rin nakikilala
yung ex niya.
Di ko pa nga naibibigay yung sim card niya eh.
Ano akya ang itsura niya? Haixt.
Dumaan ang ilang linggo at dumami na ang paper works.
May partner reports, groupings at kung anu-ano pa.
May research paper din kami by partner at mamimili kami ng
kapartner.
Si ako naman ay nanghihinayang, sana individual na lang kasi malay
mo ayaw sa akin ng partner ko.
Sino kaya ang magmamagandang loob na magiging partner ko? Haixt
buhay.
Lahat sila may partner na at ako na lang ang wala.
Haixt. Buhay.
Paano na yan mukhang solo kong gagawin yung paper works ko.
“Mr. Rosales, wala ka pa bang partner?” tanong ng prof ko.
“Sir wala po eh pero kung wala pong available sige po ako na lang
po mag-isa.”
“Sir yaan na ninyo yan.. wala namang gutsong magpartner jan... so
nerd at ang panget-panget.”
“Shut up Mr. Delos Santos”
“Sir... ako po wala pang kapartner.”
Nagulat ako nang may magsalita mula sa may back seat.
Marami akong bulong-buungan na narinig. Haixt.
“Sure ba siya na ipapartner niya yung sarili niya jan? di ba niya
alam kung sino yang lalaking yan?”
Ako?
Sino ako?
What the efff?
Ano ba ako sa tingin nila?
May pinatay ba ako? Kung meron man. Baka sila yung mapatay ko kung
di sila titigil sa kakasalita. Tsss.
“So Mr. Bautista, okay you and Mr. Rosales will be partners. So
class, it’s already time kaya you can go na.” Sabi ng prof namin.
Pagkalabas naman namin, we meet each other.
“Hi. Im Prince Alex Rosales....” pakilala ko.
“Im Ranz Joseph Bautista...” tugon niya
“Ah. Salamat pala at pumayag ka na maging partner mo ako”
“It’s okay. Di ko naman kaya ng walang partner. So what do you
want me to call you?”
“Alex na lang... ikaw ba Ranz na ba or may nickname ka?”
“You are the first person to call my name na Ranz kadalasan kasi
dun sa nickname ko talaga pero okay na yung Ranz. Sila papa lang naman ang
natawag sa akin nan.” Sabi niya
“Nakakahiya naman.”
“Sus.”
Pero teka, parang nakita ko na siya, somewhere down the road.
“Parang nakita na kita.” Sabi ko.
“Talaga?”
“Oo... di ko lang maalala kung saan?”
Then suddenly nag ring yung phone niya.
“Wait lang ha.” Sabi niya
“Hello... o... sige sige papunta na ako... okay... bye...” at
binaba niya yung phone niya
“Alex, better get going may pupuntahan pa ako eh. Sige bye bye.”
At umalis siya.
Suddenly nagring bigla yung phone ko.
Sino naman kaya to.
I checked it at si Charlene.
“Hello.”
“Oi best... saan ka na?”
“Pababa na ikaw ba?”
“Andito sa may fountain hinihintay ka. Bilisan mo nga. Mag change
ka na rin ng outfut mo.” Sabi niya
“Teka…”
“Ngayon na... mag date tayo.” Sabi niya
“Ewan ko sayo...” sabi ko
“Joke lang... basta bilisan mo na.” Sabi niya.
"Hinahabol ng kabayo? Nagmamadali?"
"Ang daming alam. Bilisan mo na lang."
"Opo madam."
Dahil sa mabait akong bestfriend, agad ko siyang sinunod at wala
akong nagawa.
Nagbihis agad ako at pandalas ah, as in pandalas.
Paglabas ko agad naman akong pinagtinginan ng karamihan.
"Oy." tawag ko sa kanya."
"Ayan."
"Ano bang eksena mo?"
"Wala lang. Mall tayo."
"Kailangan nakaganito pa ako?"
"Para mag laway sila. Echusera mga kakaklase ko..."
"Anong nangyare."
"yaan mo na sila. Wala silang kwenta."
"Tara na nga."
Nag mall lang kami at ginawa lang akong display ng best friend
ko.
Napaka bait niya sobra. Gamitin ba naman ako? Tsss
Paano ba naman may kaaway siya at ang ginawa niya ay ginamit niya
ako para inggitin sila. Haixt. Buhay.
Libre naman niya ako kaya go ako.
Pagkauwi ko ng bahay nagpalit ako ng damit at binuhay ko yung
computer ko.
Nagbukas ako ng facebook ko.
Status lang, post at kung anu-ano pa.
Gumawa pala ako ng sarili kong account, yung nerd ako ah, para
naman hind imaging werid di ba?
Nakita ko ang friend request, si Kieth.
Akalain mo nag fb pala siya. Sus.
Tinignan ko yung profile picture niya at nga nga ako, ano ba naman
yan, makapose lang wagas.
Di naman vain tong lalaking ito ano?
Napatitig ako ng ilang sandali doon sa profile niya hanggang may
magsalita sa likod ko.
“Siya ba bago mong bf?” tanong ni kuya.
Nagulat anman ako kaya napabalikwas ako.
“Hoy anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“So sya na ba yung ipinalit mo kay Blake?”
“Walang makakapalit kay Blake.” Sabi ko.
“Sus. Eh bakit parang kulang na lang eh halikan mo na yung
picture.”
“Kadiri ka kuya ha.”
“Sus. Balita ko kayo na daw. So ano naka first base na ba?”
“Kuya nakakadiri... pwede ba?”
“Sus... pa-virgin ka pa jan.”
“Virgin pa naman talaga ako kuya.”
“Yun na nga eh... ang bagal kasi ni Blake, di man lang niya
nabigyan ng experience ang kapatid ko bago man lang...”
“Stop it kuya...”
“Sorry.”
“Okay lang.”
“Namiss kong gumala kasama ka.” Sabi niya.
“Sus. Namiss mo lang na kulitin ako.”
“Paano ba naman yung babaeng kapatid natin, kung saan-saan na
nagsu-suot porket college na.”
“I told you na sa same university mo kami papasukin.”
“Si mama eh.”
“Sa bagay. yaan na nga.”
“Gueh.” Sabi niya at lumabas na siya ng kwarto.
Nakita ko naman yung picture frame sa may lamesa ko.
Haixt, namiss ko na naman siya.
Ibinalik ko sa profile ko yung link sa facebook hanggang sa may
mag chat sa akin.
Si Kieth?
May bagyo ba?
Magugunaw na ba ang mundo?
Akalain mo, marunong pala siyang MAGCHAT?
“Hey.”
“Yow” sagot ko.
“Ang penget mo.” Sabi niya
“Ikaw na gwapo.”
“Salamat sa accept.”
“No problem.”
“Labas tayo bukas.” Yaya niya
“San tayo punta?”
“Basta ako bahala. Samahan mo lang ako, need ko ng clown.”
“Ang sama mo.”
“Joke lang... good night babe... I love you...” sabi niya
“Wag kang feeler...” sabi ko.
“Sus kinilig ka naman.”
“Wag kang assumer.”
“What a word?”
“Night...” then nag offline ako.
Yeah bastusan nga hahaha.
Kinabukasan, as expected nasa bahay siya early in the morning.
Haixt.
Nag abot pa nga sila ni kuya kaya sobra siyang nagulat.
“Magkapatid kayo?” tanong niya
“Nao-offend na ako.” Sabi ko.
“Ganun talaga, nagkaroon ka ng kapatid na gwapo eh.” Sabi ni kuya.
“Siguro ampon ka.” Sabi ni Kieth.
“Ang sama mo. Hala umalis ka na nga!” sabi ko.
“Joke lang babe... haha.. tara na.”
“How sweet?” sabi ni kuya.
“Yuck nga eh... iww.”
“Wag kang choosy... hahaha yaan mo ipagpapaalam kita kay Blake.”
Sabat pa ni kuya
“Sino yun?” na curious naman tong isa.
“Wala... tara na nga...” palusot ko.
“Ex niya yun bro... hahaha.” Biglang sabi ni kuya
“Kuya shut up.”
“Nagka-ex ka pala?” tapos ngumiti siya
“Tara na bago pa ako mabadtrip.” At hinila ko na siya palabas.
Dinala niya ako sa isang amazing place, di ko alam kung saan yun
pero maganda siya.
Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa mga magagandang place tulad
nito mula noong nagkahiwalay kami ni Blake.
“Wow... ang ganda dito...” sabi ko
“Naman ako pa. So ngayon, sinong gwapo?”
“Anong connect?”
“Sino munang gwapo?”
“Ako...”
“Yuck...” sabi niya
Di ko na lang siya pinansin, sanay na naman ako.
Matapos namin maglibot-libot naupo kami sa isang bench.
Kami lang dalawa at as usual ay pinagtitinginan kami ng mga tao.
Marami akong naririnig na side comments na nakakapang-init lang ng
ulo.
Pero ang ikinagulat ko ay ang ginagawa ni Kieth sa akin.
Bigla niya akong inakbayan at iniyakap ako sa kanya.
“Don’t mind them. Nagda-date tayo. Pati wala silang magagawa. Ako
lang ang pwedeng lumait sayo ha.” Sabi niya
"Date?"
"Hindi month..."
"Joke?"
"Hindi drama."
Then I laugh. Hahahaha
“Wow ah, heavy ka talaga.”
“So what’s with your ex?” tanong niya bigla.
“Bakit mo naman natanong?”
“Wala lang. Nacurious lang. Siguro panget siya.” Sabi niya
“Hoy lalaki ang yabang mo talaga kahit kailan.”
“Joke lang. So bakit kayo naghiwalay?”
“Ayokong pag usapan.”
“Alam mo ang KJ mo.”
“Eh ikaw, pagtinanong ko kung bakit kayo naghiwalay ng Arjay mo
sasagutin mo?”
Napatigil siya, pero iniba niya yung usapan.
“Siya siguro nakipagbreak.”
“Nope...”
“Ikaw? Grabe. Akalain mo nakipagbreak ka pa. Itsura mong yan. Ang
malas niya at naging kayo. Siguro nagsisisi na siya.”
“WALA KANG ALAM KAYA WAG MO AKONG I-JUDGE AGAD! DI MO ALAM PINAG
DADAANAN KO KAYA WALA KANG KARAPATANG MAG SIDE COMMENT!” tumayo ako at nagmadaling
umalis sa kinauupuan namin.
Nakakainis. Badtrip.
Sa lahat ng pagususapan yun pa. Ayt.
Naglakad ako palayo habang naiwan siyang nakaupo.
Nakakabadtrip na rin kasi eh. Haixt.
Makabili nga muna ng ice cream.
Naghanap ako ng ice cream parlor at ilang minuto lang din ay
nakakita ako.
Pero sa kasamaang palad, nakita ko na naman yung mga chismosa sa
school. Haixt.
Konting pasesnsya lang Alex sa kanila.
Iniiwasan ko sila ng bigla nila akong palibutan.
“Hoy panget! Ang lakas ng loob mong makipag date kay Kieth. Itsura
mong yan?” sabi nung isa
“Ganun talaga yang mga hampas lupang yan. Gold digger. Anong
gayuma ba ang binigay mo sa kanya ha?”
Tinulak nila ako pero di ako lumaban.
Kahit anong mangyari babae yan kaya di ko sila pwedeng pisikalin
pero pwede ko naman silang sigawan. Hahaha.
Konting tiis lang.
“Hoy magsalita ka nga! Napipe ka na jan. Alam mo ang KAPAL ng
mukha mo! Akala mo kung sino kang gwapo jan, isa ka lang namang nerd, Panget at
mangkukulam!”
“Anong sinabi mo ha?!” nagtaas na ako ng boses.
“Ang sabi ko...”
“Don’t you dare say it again in front of me and my boyfriend!”
nagulat ako ng marinig kong nagsalita si Kieth sa likod namin.
“Ah eh... K...Ki...Kieth...” garalgal na sabi nung isa.
“Wag na wag ninyong uulitin yan. At isa pa, ano bang pakialam
ninyo sa aming dalawa? Kung wala kayong magawa sa buhay ninyo, wag ninyong
pakialaman ang buhay naming dalawa!” ngayon ko lang nakita siyang ganito.
“So...sorry...” at agad silang nagtatakbo na parang batang takot
na takot.
Lumapit siya sa akin at ngumiti. “Okay ba?” tapos tumawa siya
“Ewan ko sayo!”
“Sorry na!” sabi niya
“Ewan. Humanap ka ng kausap mo!”
“Kung wala ka paano ko pa pagseselosin si Arjay?”
Ouch?
Kung wala ako paano niya pagseselosin si Arjay?
Ouch ha.
Pero bakit?
Bakit ang sakit?
Sabagay yun naman talaga ang purpose ko eh.
Pero something hurt insisde. Shet!
“Tsss. Bakit ba kasi ako?”
“Ang panget mo.” At tumalikod siya.
Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa magsalita siya.
“Di ko alam kung bakit?” bigla niyang nautal
“Ha?”
“Diba tinatanong mo kung bakit kami nag hiwalay? Ang sagot ko,
hindi ko alam. Basta na lang niya ako iniwan. Naghihintay ako ng kasagutan pero
wala akong narinig mula sa kaniya.” Ang sinabi niya
Napansin ko ang muling pag-iiba ng mood niya kaya kinurot ko siya.
“Aray!” sabi niya
“Tara na nga. Di bagay sayo nag dra-drama! Libre mo akong ice
cream.” Sabi ko.
“Tara.”
Yung moment na yun, hindi ko alam kung bakit ganun yung
nararamdaman ko.
Parang may kiliti sa puso ko na hindi ko man lang alam kung
bakit.
Kinakabahan ako sa sarili ko sa mga nangyayari.
Ano ba tong nararamdaman ko?
[Kieth’s POV]
Ilang gabi na ako mapakali.
Bakit ba sa tuwing ipipikit ko yung mata ko, mukha niya yung
nakikita ko? Yung panget na yun?
Wag mong sabihin na gusto mo na siya?
Utang na loob. Grabe di pwede. Diba may Arjay ka na? Haixt.
Pero masaya ako, masaya ako kapag kasama ko siya, masaya ako kapag
inaasar ko siya at masaya ako kapag niloloko ko siya. Haixt. Ang buhay nga
naman.
Kapag kasama ko siya nawawala sa isip ko si Arjay. Tila ba isa
siyang brain washer. Pero napaisip ako dun sa Blake na yun.
Bakit nakaramdam ako ng inis nung narinig ko yun?
Bakit parang gusto ko siyang hanapin?
Ano bang meron sa kanya at tila ba hirap na hirap si Alex na maka
move on?
ex daw siya ni Alex and to think of it, ano kaya ang itsura niya?
Haixt naman. Pero on the other hand, paano kop ala pagseselosin si
Arjay?
Haixt/ Ayaw ko naming gumamit ng tao.
Parang nawawalan na nga ako ng gana kasi somehow naawa ako sa
kanya.
Pero hindi naman ako papaya na bibitawan ko lang si Arjay ng
ganoon na lamang.
Nakatulugan ko na iyon at nagising kinabukasan dahil sa ingay ng
cellphone.
Kanina pa may tumatawag. Sino kaya tong asungot na to?
“Hello...” sabi ko.
“Babe...” sabi sa kabilang linya.
“Pakyu ka pre... anong meron? Agang-aga nambubulabog ka.”
“Takte yan pre, alas onse na ng umaga. Tara samahan mo ako?”
“San naman?”
“SOGO tayo...”
“Umayos ka nga... bababa ko to.”
“Biro lang. To talaga. Birthday ko na next month diba? Kaya
samahan mo ako, magaasikaso ako sa party ko.”
“Bakit ako? Dun ka sa girlfriend mo.”
“Pre wala akong girlfriend.”
“Dun na lang sa mga kalandian mo.”
“Dali na... papunta na ako jan ha sige sige.”
Binaba niya yung tawag at nagsimula na akong gumalaw.
Push ups tapos curl ups muna. Exercise ng konti tapos naligo ako.
Kumain na rin ako sa baba. Mag aalas dose na ng dumating si Jake.
Kung saan-saan kami pumunta pero lutang pa rin ang isip ko. Mga
alas tres na ata nung magdesisyon kami na magpunta sa mall.
“Pre, mukhang malalim iniisip mo ah. Si Arjay ba?” tanong niya
“Hindi eh... si...”
“Wag mong sabihing iniisip mo ngayon si Alex? Wow pre congrats,
nakamove on ka na rin sa wakas.”
“Iww lang pre. Hindi siya, yung ex niya.”
“So ano meron dun?”
“Di ko lang maiwasang ma curious eh.”
“Sus selos lang yan.”
“Takte ka pre, ako magseselos? Iww.”
“Arte. Tara star bucks tayo.”
Niyaya niya ako dun, libre naman niya eh.
Kakaupo ko lang ng mahagilap ng aking mata si Kian.
Yun yung kapartner ko sa pagmomodel.
Nagtaka nga ako kasi isang beses iba na kapartner ko.
Sa pagkakaalam ko, nag leave muna daw si Kian.
Hindi na muna daw siya mag momodel.
May kausap siyang babae, parang seryoso yung usapan nila pero
nakakakita pa rin ako ng ngiti. Nung nakita ko yung ngiti niya, biglang
tumalbog yung puso ko.
Anong meron? Parang nakita ko na yung ngiting iyon.
“Pre... sino naman yang pinopormahan mo?” sabi bigla ni Jake
habang hawak na yung order namin.
“Tss. Tumigil ka nga, kung kani-kanino mo ako binubugaw.”
“Sino ba yung tinitignan mo?”
“Si Kian.”
“Ah... siya yung model na nakasama mo ah?”
“Oo nga eh.”
“Type mo?”
“Tss. Akin na nga yung libre mo.”
“Pre, alam mo medyo nawala na pagkasungit mo, nakakausap ka an
ulit ng medyo matino.”
“Ganito naman ako dati ah.”
“Kaya nga, bumalik ka na sa dati... dahil kay Alex.”
“Pwede ba?”
“I’m sure madedevelop ka dun. Promise.”
“Hinding-hindi mangyayari yan, itaga mo pa sa bato.”
[Alex’s POV]
Tumawag sa akin si tita, mommy ni Blake.
Magkikita kami ngayon, may sasabihin daw siya sa akin.
Nag ayos agad ako at nagmadaling bumaba.
Nagulat ako ng maabutan ko si Charlene.
“Gawa mo dito?” tanong ko.
“Hi...” sagot niya lang.
“Labo ng sagot ay.”
“Aalis ka?”
“Hindi manononood lang ako ng TV, trip kong nakapang alis ako
habang nanonood ako, para feel kong bisita ako.” Sagot ko.
“Potassium.” Meaning okay. K kasi yung atomic symbol nun. Hahaha.
“Sige alis na ako.” Sabi ko.
“San ka ba pupunta?” tanong niya habang feel na feel ang
pagkakahiga sa may salas namin.
“Magkikita kami ni Tita.” Sabi ko.
“Mommy ni Blake?”
“Yup.”
“Ah okay ingat. Nga pala, may number kaba ni Jake?” tanong niya
“Why? Landi ah. Meron ka na ah? Teka ano ba kasing ginagawa mo
dito?”
“Penge naman akong number niya dali na! Please! Nabura ko eh. KAsi
din a siya nagpaparamdam. Kainis. May lakad kami ni tita, magpapaganda kami.”
Sabi niya
“Sus. Landi, sige got to go.” Sabi ko.
“Yung number nga penge please.”
“Wala akong number, sige hihingin ko para sayo.”
At umalis na kami. Sa may star bucks kami magkikita ni tita.
Pagdating ko dun nakaupo na siya, naghihintay sa akin. Agad akong
pumunta at binati siya.
“Hi tita.” Sabi ko.
“Hello anak. Kamusta ka?”
“Okay naman po ako, kayo po ba?” pinaupo niya ako.
“Di ka na kasi bumibisita sa amin kaya nakipag kita na ako sayo.”
“Ah ganun po ba? Naku sorry po, busy lang po sa school pati po...”
“Alam ko na... hanggang ngayon di ka pa rin na kakamove on.”
“Opo... sorry po. Sinusubukan ko lang pong makalimot ng sakit.”
“Pati naman kami, hanggang ngayon hindi makapaniwala, ako bilang
nanay niya hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun.”
“Sorry po talaga.”
“Wag kang humingi ng tawad.”
“Kasalanan ko naman eh.”
“Wala kang kasalanan.”
“Pero dapat ako yun eh, hindi siya. Dapat ako na lang.” Di ko
mapigilang mapaluha.
“Ginusto din yun ng anak ko. Hindi kita sinisisi sa mga nangyari,
lalo na sa anak ko. Ang lahat ng bagay may dahilan kaya magpakatatag ka.”
“Salamat po... kayo po ba, kamusta po kayo?”
“Okay naman ako anak. Ayon, lahat kami di makapaniwala pero kahit
papaano sinasanay na namin ang sarili namin lalo na ata nawala ka.”
“Dadalaw po ako dun sa inyo minsan.”
“Ikaw ba ay mayroon ng panibagong nobyo o nobya?”
“Naku wala naman po.”
“Kung ako sayo mag hanap ka na. Pero bata ka pa naman kaya wag
kang mag madali. Wag mong ilagay ang sarili mo sa kalugmukan. Kailangan mag
move on ka din.”
“Opo... salamat po.”
“Kung sakali ipakilala mo sa amin yung magiging boyfriend mo ha.”
“Naku tita kayo talaga.”
“Pati kay Blake ipakilala mo ah.” Sabi niya
"Pupuntahan pala namin siya ngayon... gusto mong sumama sa
pagbisita?"
"Hindi na po... hindi ri naman po niya ako iniimik."
"Nagtatampo ka na ba sa kanya?"
"Medyo nga po eh."
"Kami rin naman... hanggang ngayon...."
Napatahimik ako ng bahagya. “Cheer up anak. Tara at maglibot-libot
tayo.” Sabi niya
“Sige po.”
Sumama lang ako kay tita. Habang naglalakad kami may ibinigay siya
sa akin.
“Para saan po ito?”
“Ibibigay sana yan sa iyo ni Blake kaso hindi na niya
maibigay-bigay. Alam naman natin kung ano ang kalagayan niya.”
“Para sa akin po?”
“Pambawi niya sayo yan dun sa nagawa niya dati.”
“Salamat po.” Kinuha ko yun at may nakita akong sulat na nasa loob
ng kahon.
(Itutuloy)
1 comment:
adidas yeezy
air max 95
balenciaga
adidas tubular
authentic jordans
jordan retro
jordan shoes
air jordan
supreme clothing
zx flux
Post a Comment