Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 8
(Pag-amin)
[Alex’s
POV]
Heto
ako at papunta sa usapan namin ni RD.
No choice eh, kinulit niya ako sa chat
namin. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa hindi ako pumapayag.
Sa may tapat daw ng park kami magkita. Medyo malapit na rin naman akong makarating doon eh.
Ilang minuto na lang at malapit na
ako nang magtext si Kieth sa akin.
“San
ka?” tanong niya
“Papuntang
park?”
“Anong
gagawin mo?” tanong niya
“Gagala
lang.” Sabi ko.
“Ah
okay. Sama ako.” Sabi niya
“Wag
na. Jan ka na lang sa bahay ninyo. Baka mabad trip pa ako sa kaasar mo.”
"Siguro makikipag date ka no?"
bigla naman akong nasamid. Takte tong lalaking ito. Pinapasundan ba niya ako?
"Hoy ang kapal mo namang maghinala."
"Eh ayaw mo magpasama eh."
"Nakakairita mukha mo. jan ka na lang."
"Sama na ako."
"Miss mo ako no?" biro ko.
“Sus.
Joke lang, di ako makakasama, may inaasikaso ako eh. Ingat ka panget.” Sabi
niya
“Gueh
lang kurimaw.”
"Pagwapo ko. kaurat mukha mo."
"Kanya-kanyang trip lang yan."
at ibinaba niya yung tawag. Kinakausap pa eh, napakabastos kahit kailan ng lalaking yun eh.
After
nun, nakita ko na si RD, mukhang kanina pa siyang nag hihintay.
“Sorry late
ako.” Sabi ko.
“Hindi
naman, sadyang napaaga lang ako.” Sabi niya.
"Sorry talaga... medyo may nangyari kasi eh..."
"Ano yun?"
"Ah eh wala naman...."
"Weird..."
"Sigurado ka bang okay lang to?"
"Alam mo wala naman tayong ginagawang masama eh."
"Sabagay..."
"Don't Worry."
“Saan
tayo?”
“Ako
na bahala. Sakay na.” Sabi niya sa akin.
Sumakay
ako at hinayaan lang na dalhin kung saan man. “Bakit hindi ka nagtext?” tanong
niya
“Ah
wala, nakalimutan ko nga eh.” Sabi ko.
“Kaya
pala.”
“Yup...
sorry.”
“Okay
lang.”
“Ano
pala ang naisipan mo at inilabas mo ako?”
“Gusto
ko lang kasi na makilala ka?”
“For
what?”
“Para
sa boyfriend ko.” Sabi niya
“Ah
kaya pala. So spy ka?”
“No
agent.”
“Ah
okay.”
“Joke
lang. Masyado kang seryoso, gusto lang kitang makilala. Para naman makahanap
ako ng sagot kung paano mo nabingwit si Kieth.”
“Grabe
talaga kayo. Naku.”
"Bakit?"
"Alam kong panget ako kaya wag na ninyong pagdudkdukan."
"No... hindi sa itsura natingin si Kieth..."
"Ewan din."
“Hahahah.”
Sa
may isang pasyalan kung saan pinuntahan namin dati ni Kieth kami pumunta.
“It’s
nice to be back here.” sabi ko.
“So
nadala ka na pala niya dito.”
“Yup.”
“So
did you kiss?” tanong niya
“Ha?”
“Dito
kasi nagaganap yung first kiss ng karamihan ng tao. Dito nga naganap yung first
kiss ni Kieth at ni Arjay.”
“Ah
ganun ba, kaya pala so memorable sa kanya.” Hay naku, kaya naman pala ako
dinala dito dati. Tsss.
Kunga alm ko lang na dinala niya ako dito para ipamukha yung kasweetan nang boyfriend niya at ni kurimaw di na sana ako sumama. Oh come on... ayoko na ng drama.
“Di
kaba nagseselos?” tanong niya
“Naah....
eh ikaw, kanina ka pa dada jan ng dada, di ka ba nagseslos?”
“Ewan.
Hahaha.”
“Ang
weird ng sagot mo.”
“Tell
me about your past.”
“Hay
naku wag na, madrama ung past ko.”
“Dali
na.”
“Wag
na, at isa pa ayaw kong pagusapan yun.”
“ANG
KJ!” sabi niya
"Ikaw na lang magkwento..."
"Wala naman akong past eh..."
"Wow... mabait.. akala ko chick boy ka..."
"Solid to."
"Okay..." at di siya umimik.
“Bakit
mo ba sinulot si Arjay?” tanong ko.
“Wala
lang trip lang.” Tinitigan ko ang
kanyang mga mata at nagsasabi ito ng kasinungalingan.
“Nagsisisnungaling
ka eh.” Sabi ko.
“Ha?”
“Kitang
kita ko jan sa mata mo.”
“Weh
di nga?”
“Yup.
Sa mata mo makikita ang katotohanan.”
“Wierd
mo.”
“Mas
wierd ka. Hindi kaya may galit ka kay Kieth kaya ginagantihan mo siya... o kaya
may umiipit sayo an kung anu-ano?”
“Hay
naku, wag ka nga mag-isip ng kung anu-ano.”
“Wushu,
nag dedeny ka pa.”
“Alam
mo ang wierd mo kahit kailan. Pero nakakatuwa kang kasama.” Sabi niya
“Tara
nga at umupo tayo, pagod na akong tumayo eh.” Sabi ko.
Pagkaupo
namin bigla siyang nagkwento.
“Magkababata kaming apat nila Kieth, Jake at
Arjay. Pinaka close sa lahat si Arjay at Kieth kaya hindi nakakapagtaka na si
Arjay at Kieth ang nagkatuluyan.” Sabi niya
“Ano
ba si Kieth sa inyo?”
“Mabait
yun, maalalahanin, lahat ng bgay ginagawa niya para sa isang tao, kapag
interesado siya gagawin niya ang lahat para makuha yun, hindi siya takot
masaktan, lahat kinakaya niya. Malakas din siya, talo ako sa bugbugan namin
dati. Pero ang pinaka nakakabilib sa kanya ay nagagawa niyang pasayahin ang
isang tao sa simpleng pamamaraan. Hindi kasi siyang yung tipong lantaran na
nagpapakita ng emotion, pasimple pa siya. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming
tao ang nagkakagusto sa kanya.”
Naku, sana naman ay
ganun siya sa akin. Daig pa niya ang itapon ako sa kanal kapag nagkikita kami.
Parang gusto na niya akong isuka dahil sa mga panlalait niya sa akin. Sana
naman magpakita siya ng konting kabaitan. Hahaha.
“Ah...
so mabuting tao pala siya... I wonder.”
“Sinusungitan
ka niya diba? Ganyan din sila ni Arjay dati, away bati, pero masaya silang
panoorin.”
Okay sige sila na
naman ang bida. Tsss.
“Bakit
bigla kang napasimangot jan?” sabi niya
“Ha?
Ako nakasimangot? Hindi ah.”
“Nagseselos
ka no?”
“Ako
magseselos? Never. Bakit ako magseselos? Naku, ako pa.”
“Sus.
Wag kang defensive.”
“di
ako defensive, sinasasabi ko lang yung totoo...”
“Ayan
o defensive ka.”
“He.”
“Tsss.”
Nakita
kong pumikit siya ng panadalian.
“Alam mo ba kung bakit tayo pumipikit tuwing
nanaginip tayo? Kapag umiiyak tayo? O kaya kapag nag i-imagine tayo?”
“Bakit?” tanong niya
“Kasi,
ang pinakamagandang bagay sa mundo ay hindi nakikita.”
Nakita
ko na ngumiti siya.
“Interesting.” Sabi niya
“Tama
naman diba?”
“Yeah.
Like what they say, beauty comes in and out, but true beauty comes with in...”
Nagmulat
siya at tumitig sa akin. Anong meron?
“Try nga nating tanggalin yung salamin
mo...” sabi niya
“Ah
eh... wag...”
Nahawakan
niya ang kamay ko.
“Tatanggalin lang natin...”
“Wag....”
“Try
lang naman natin eh.. please...”
His voice, parang dati ko pa siya kilala na
hindi ko maintindihan.
Nagka amnesia ba ako nung bata ako kaya ako ganito at
walang maalala?
Ipinikit
ko ang aking mga mata at hinayaan lang na tanggalin niya yung salamin ko.
Naramdaman ko na unti-unting dumudulas ang nasa bibig ko kaya isinara ko ito.
“Bakit
ka napakagat labi?” tanong niya
Nilakihan
ko lang siya ng mata.
Nakatitig siya sa akin, hinawi niya yung buhok ko at
unti-unti sa di sinasadyang pagkakataon, napaubo ako kaya nahulog yung
nakalagay sa bibig ko.
Agad akong natakip ng aking bibig.
“Teka...”
napatayo siya bigla.
Agad
kong isinuot yung salamin ko pero hindi ko na maisuot yung panlagay ko sa
gilagid ko.
“Wag mong sabihinh iyan ang tunay mong itsura?” nakita ko
pagkagulat niya
“Please...
wala sanang makakaalam....” sabi ko.
“Pero...
hindi ako makapaniwala... si Kian Santos at si Alex ay iisa....?!” tila
namalikmata siya sa itsura niya
“Magpapaliwanag
ako...” sabi ko.
Napaupo
na lang siya habang nakatingin sa malayo. Mahabang paliwanagan ang mangyayaring
ito.
[Kieth’s
POV]
Katatapos
lang ng inaasikaso ko at nagdesisyon ako na pumunta sa paboritong lugar namin
ni Arjay.
Isasama ko sana si Negaphone kaso may lakad siya.
Nasaan kaya yun?
NMiss ko din kakulitan niya eh.
Namiss?
Yung kakulitan for the correction..
Naglalakad-lakad ako ng makita ko si Kian, may kasama itong lalaki
pero parang may kaguluhan.
Lumapit agad ako at nagulat ako sa nakita ko, si RD.
“Anong
ginagawa ninyo dito?!” tanong ko.
“Kieth...”
gulat na sabi ni Kian.
Nakita
ko na hawak ni RD yung kamay ni Kian kaya tinitigan ko siya ng masama.
“Pinagtataksilan mo si Arjay?”
“ha?!”
“Kitang-kita
ko oh. Walang hiya ka!”
“Teka
nagkakamali ka...” sabi ni Kian.
“Wag
ninyo akong lokohin.” Agad kong sinugod si RD.
Sinuntok
ko siya at sinuntok niya rin ako.
Agad kaming inawat ni Kian pero sa di
sinasadyang pagkakataon ay naitulak ko siya kaya napasubsob siya.
Pupuntahan
ko siya sana pero sinugod ako ni RD at sinuntok.
Nakita kong lumapit siya kay
Kian at tinulungan siya.
Nakita ko ang gasgas sa braso ni Kian.
Lalapitan ko
siya sana pero pnigilan ako ni RD.
“Kieth
please wag kang lalapit...” sabi ni RD.
“RD...
Kieth... please...” sabi ni Kian.
“May
relasyon kayo?!” tanong ko.
“For
God sake, ano ka ba? Kami ni Arjay diba?”
“Pero
hindi ako bulag pre...”
“Wag
ka ngang OA jan sa pagseselos mo?”
“Pagseselos?”
“Alam
ko naman na pinagseselosan mo ako kay A...”
“Kanino?”
“Kay
Arjay.”
“Oo.
Kasi mangaagaw ka, pero ngayon nalaman ko na manloloko ka!” iniwan ko sila
doon.
Pero bakit ganun na lang yung sakit na naramdaman ko nung makita ko si
Kian sa ganung kalagayan.
Dumeretso
agad ako sa bahay nila Arjay.
Kailangan malaman niya lahat-lahat.
“Arjay!!!”
sigaw ko.
“Sir..
wag po kayong mag eskandalo dito.. please po...”
“Wala
akong pakialam. Ilabas ninyo si Arjay!”
“Sir...
mapapagalitan ako nito eh.. please po...” sabi ng kasambahay nila.
“ARJAY!!!
LUMABAS KA JAN! MAY KAILANGAN KANG MALAMAN!” sabi ko.
“Ano
ba naman to Kieth?!” narinig ko na sigaw ni Arjay.
“Sir,
bawal po kayong...”
“Okay
na... pasok ka na.. ako na ang bahala dito...” sagot nito.
“Arjay
makinig ka sa sasabihin ko...” sabi ko.
“Pwede
ba na tumigil ka na? Pagod na pagod na sa mga dinadala mo sa kin...”
“Pero
makinig ka...”
“Tumig....”
“NILOLOKO
KA NI RD!!!”
“Ha?”
nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.
“Kitang-kita
ko siya kanina, may kasama siya. Niloloko ka lang niya!”
“Di
yan magagawa ni RD!”
“Sa
nagawa na niya eh. Wag ka ngang maging tanga.”
“Sinisiraan
mo lang siya...”
“Alam
mong hindi ako ganun kadesperado para gawin yun...”
“Alam
ko magagawa mo yan kasi....”
“Kasi
ano?! Sige magsalita ka... kasi iniwan mo ako? Kasi ipinagpalit mo ako? Kasi
manloloko kayo at pinaikot ninyo ako?!” galit na sabi ko.
“Oo.
Yun na nga...”
“Akala
ko ba mahal mo ako? … akala ko ba tayong dalawa hanggang sa huli? Ngayon ko
lang naramdaman ang sobrang rejection na ito...”
“Umalis
ka na... please masasaktan ka lang...” nakita ko siyang lumuluha.
Lumuhod
ako sa kanya at niyakap ang mga binti niya.
“Please.... bumalik ka na sa
akin...”
“Kieth
tumayo ka...”
“Kung
ayaw mo ako nandito... kahit sabihin mo lang kung bakit ka nakipag hiwalay...”
“Kieth....
kasi.... pero.... umalis ka na...”
“Ano?
Kasi ano? Please, nahihirapan na ako...”
“Kasi
kasalanan ito ng magaling mong ama!” nakarinig kami pareho ng boses mula sa
likuran namin. Si tito pala.
“Ano
pong ibig ninyong sabihin?” napatayo ako.
“Pa...
please...” sabi ni Arjay.
“Pasok
sa loob...”
“Pa...”
“PUMASOK
KA SA LOOB!” walang nagawa si Arjay kundi ang sumunod.
Hinarap ko si tito,
naguguluhan ako sa nangyayari.
“Kasalanan
ito ng magaling mong ama. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kayo
paghihiwalayin ng anak ko. Manloloko siya at sakim. Wala siyang considerasyon
sa negosyo!” giit nito.
“Ang
lahat ng ito dahil lang sa negosyo?”
“Wag
na wag mong ma ‘la-lang’ ang negosyo, tandaan mo wala ka diyan kung wala ito.”
“ANG
SASAMA NINYO! IDINAMAY PA NINYO KAMING DALAWA! WALA KAYONG KWENTANG MAGULANG!”
bigla niya akong sinuntok.
“Umalis
ka na dito bago pa ako magpatawag ng pulis!” sabi nito.
Pumasok
ito sa loob ng bahay nila at iniwan akong nag-iisa.
Hindi ako makapaniwala na
nangyayari ang lahat ng ito.
Kailangan magkaliwanagan kami ni papa.
Agad
akong umuwi sa amin at hinagilap ko si papa.
Kailangan kong sabihin lahat ng
nalaman ko.
Hindi ako papayag na hindi matatapos ang araw na ito na walang
kaliwanagan ang lahat.
“Pa!”
sigaw ko.
Agad
akong sinalubong ni mama na nagtataka.
“Anak bakit?”
“Nasaan
po si papa? Kailangan po naming mag-usap.”
“Nasa
taas siya eh, marami siyang kailangan tapusin.”
Nagmadali
akong umakyat pero piigilan ako ni mama. Hindi ako nagpapapigil hanggang sa
magpakita sa akin si papa.
“Anong meron? Bakit kailangan ka pang sumigaw?”
“Bakit
hindi ninyo sinabi?”
“Ang
alin?”
“ANG
TUNGKOL SA AWAY NINYO NG PAPA NI ARJAY!” nakita ko ang pagkagulat sa mukha
niya. “Ano pa? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Alam ba ninyo na dahil doon
nagkahiwalay kami ni Arjay? Nang dahil doon etong puso ko wasak na wasak!”
“Anak...
away namin yun eh. Hindi ko alam na madadamay kayo at hindi ko sinasadyang
madamay kayo.”
“Pero
pa.... hindi na ba ninyo maayos yan?”
“Anak...”
“Pa...
please.. nagmamakaawa ako.... mahal ko si Arjay...”
“Anak,
kayo na ni Alex diba?”
“Pa...
kasi...”
“Pinapaasa
mo yung tao?”
“Pa
mahabang storya pero pa.... please...”
“Anong
klaseng sagot yan?!”
“Desperado
na ako!”
“Hindi
kita pinalaki ng ganyan para may gamitin kang tao! Hindi tayo manloloko anak. Hindi tayo yun.. sila lang yun!”
“Buhay
ko ito pa!”
“Pero
buhay din ni Alex ang ginagamit mo! Hindi mo ba naisisip na abka umaaasa si Alex?”
“May
kasunduan kami!”
“Pero
hindi mo ba naiisip nab aka nasasaktan siya? na baka nahihirapan din siya? Hindi mo alam ang nararamdaman niya. Hindi mo ba siyang tiananong kung okay lang ba sa kanya? hindi mo ba tinanong kung asasaktan ba siya?”
Natigilan
ako ng bahagya. Tama si papa, tama lamang siya.
“Makipaghiwalay ka kay Alex.”
Sabi nito
Di
ako sumagot.
“Anak...
kahit na magkabati kami ng papa ni Arjay, wala na ring mangyayari..”
“Bakit
pa? Pwede pa kaming magkatuluyan.”
“Anak,
ipinagkasundo ng mga papa nila RD at Arjay silang dalawa. Ikakasal sila para sa
business nila.”
Parang
pinasabugan pa ako ng bomba sa narinig ko.
Ang sakit, sobrang sakit.
Bakit
ganun?
Bakit kailangan humantong ang lahat sa ganun.
Napaluhod na lang ako sa
narinig ko at natulala sa nangyari.
[Alex’s
POV]
“Nasaktan
ka ba?” tanong ni RD.
“Ayos
lang ako..” sabi ko.
Itinayo
niya ako at nakatitig siya sa akin.
Ngayong alam na niya ang lahat, wala na
akong magagawa.
“Hindi
ako makapaniwala....” sabi niya
“Ipangako
mo sa akin na walang makakalabas nito.”
“Hindi
ko maintidnihan kung bakit? Bakit pa?”
“Mahabang
storya pero ang mahalaga ay si Kieth...”
“Sigurado
akong dederetso siya kila Arjay.”
“Anong
gagawin natin?”
“Hindi
maniniwala si Arjay...”
“Pero
sigurado akong ipagpipilitan ni Kieth lahat ng nakita niya.”
“Nag-aalala
ako kay Kieth, baka anong mangyari sa kanya.”
“Magiging
oakay ang lahat....”
“Mauuna
na ako..” ang sabi ko.
“Ihahatid
na kita...”
“Wag
na..”
“Hindi
ihahatid kita...”
Wala
na akong nagawa kundi ang sumunod.
Buong oras ng byahe ay si Kieth lang ang
nasa isip ko.
Masyado nang nasasaktan si Kieth, alam kong nahihirapan siya sa mga
nangyayari sa kanya.
“Okay
ka lang ba?” tanong sa akin ni RD pagkadating namin sa bahay.
“Sapat
lang.. sige ingat. Puntahan mo na si Arjay.” Sabi ko.
“Sige...”
Agad
kong tinawagan si Kieth pero hindi nito sinasagot ang cellphone niya.
Kinakabahan na ako sa nangyayari.
“Kieth
naman please sagutin mo na....” kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi.
“The
number you have dial is unattented or out of coverage area, please try again
later.”
Ilang
text na rin ang ginawa ko pero wala pa rin eh.
Bakit ba hindi ako mapakali?
Hindi naman totoo kami ah.
Pero bakit ganito ako maka react?
Ilang
beses kong itinanggi yung nararamdaman ko pero talagang hindi ko maiwasan ang
mag-alala.
Blake, ano ba tong nararadaman ko?
Tama pa ba tong nararamdaman ko?
Niyakap
ko yung unan ko at hinintay ko yung text ni Kieth o kaya tawag.
Pero wala.
Lumipas ang isa, dalawa, lima at anim na oras na walang tawag o text.
Buti
naisipan ko na tawagan si Jake.
Pero wala akong number, umpft, baka naman may
naka save dito sa sim number ni Arjay.
Inisa-isa
ko yung phone book sa sim card at gotcha, meron nga.
Sana eto yung number niya.
Hoping na yun na nga.
Nag
ring ang phone at ilang minuto lang din ay sinagot niya ito.
“Hello Jake...”
sabi ko.
“Arjay?”
“Alex
to... si Kieth ba?”
“Ah
eh...”
“Wag
mo nang itago.. alam ko magkasama kayo...”
“Easy
lang boy.. magkasama kami kanina... pero nauna na siya...”
“Ha?”
“Ang
alam ko papunta siya jan eh...”
“Bakit
daw?”
“Ikaw
na bahala sa kanya ha... painitin mo siya... i comfort... at dapat masarapan
siya...”
namula
ako bigla. Bakit ganun nasa isip ko.
“Hoy grabe ka...”
“Biro
lang... problemado yan...”
“Ano
bang ginawa ninyo?”
“See
for yourself...”
"Kinakabahan ako sayo eh."
"Please make him okay."
"ANo ba ginawa ninyo?"
"Basta.... hinatyin mo siya.. wag mo siyang pababayaan ha..."
“ALEX!”
narinig ko na may sumisigaw sa labas ng bahay namin.
“Anjan
na pala siya.. sige enjoy...” sabi ni Jake at ibinaba niya yung phone.
Isinuot
ko na lang yung salamin ko sa kakamadali ko.
Nasa baba na ako nang maalala ko
na wala akong suot sa aking bibig.
“Anak
si Kieth andun sa labas.. lasing ata...”
“Sige
po ma ako na ang bahala...”
Agad
akong lumabas at hinarap siya. “Kieth...” sabi ko.
“Oi...
Al-Alex... hali—halika dito.”
Lumapit ako sa kanya.
ANo ba naman tong lalaking ito. Mukha na siyang gusgusin. At nakuha pa niyang magdrive. Delikado pa man din ang panahon ngayon ah.
“Ano
bang pinag gagawa mo ha?”
“Tara
inom pa tayo!”
“Tumigil
ka na nga lasing ka na eh...”
“A-ako?
La-lashing? Sin-nong lash-lashing?”
“halika
pumasok ka sa loob.” Sabi ko.
“Hin-hindi...
i-inom pa ta-ta-tay-tayo...”
Bigla
siyang bumagsak kaya nagpatulong na ako kay Kuya.
"Kuya... Paki-ayos naman yung kotse niya..." sabi ko.
"Sige ikaw na bahala jan..."
Dinala namin siya sa may
kwarto ko at kumuha ako ng mainit na tubig at towel.
“Kahit
kailan napakapasaway mo talaga. Nako.”
Ang sabi ko habang hinuhubad ko yung
damit niya.
Tinanggal
ko yung salamin ko para mas maging maayos ang pag galaw ko.
Pero nung tignan ko
siya, nakita ko na nagtatanggal siya ng pantalon.
Tumaas
ang paningin ko sa kayang katawan.
Oh, natulala ako bigla.
Biglang nanuyo ang
labi ko at napakagat labi na lang ako. Arggsh.
Erase-erase erase.
Pinunasan
ko yung katawan niya.
Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang katawan
niya.
Yung abs niya, yung muscles, nahahawakan ko.
Ano ba naman ito?
Pinagpapawisan
na ako dito.
Pinunasan
ko yung mukha niya at kahabag-habag ang itsura niya ngayon.
Naaawa ako sa
nakikita ko.
Hindi ko maatim na makita siyang ganyan.
Kasalanan
ko ito eh, dapat hindi na lang ako pumayag na makipag kita kay RD.
Ako ang
nagpagulo ng lahat.
Nakakainis ka Alex, bakit kasi ang tanga-tanga ko.
“Bakit
ganun sila? Bakit nila ako niloko? Nakakainis sila... mga gago sila!” sabi
nito.
Nakakita
ako ng mumunting patak ng luha na lumabas sa kanyang mga matang nakapikit.
Parang
batang paslit si Kieth ngayon sa itsura niya ngayon.
Hinaplos ko ang mukha niya
at hinawi ang kanyang buhok.
“Ang
sakit nang ginawa nila. Niloko nila ako. Pinaikot nila ako. Ang sakit-sakit!”
utal nito.
“Sorry,...
isa ako sa nagpapahirap sayo..” hinawakan ko yung kamay niya.
“Alex...
ikaw lang ang nakakaintindi sa akin.. ikaw lang yung totoo... “ umiiyak pa rin
siya.
Bakit
parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.
Daig ko pa ang totoong boyfriend
niya dahil sa nangyayari.
Ayaw ko nito, hindi pwede.
Nahuhulog na ba ako sa
kanya?
Natutunan ko na ba siyang magustuhan at makalimutan si Blake.
Nakakita
ako ng pasa sa kanyang mukha kaya ginamot ko agad ito. “ah.” Sabi nito.
“Wait
lang...” ang sabi ko.
Nakita
ko na nagmulat siya ng mata.
Napatitig siya sa akin.
“Bakit nakikita ko si Kian
ngayon?” sabi niya
Kinabahan
ako.
Oo nga pala tinanggal ko ang lahat ng props ko.
“Ah eh.. lasing ka
lang...”
“Hindi
eh...”
“Sus...
ako magiging kamukha ni Kian? Parang di naman.”
Bigla
niyang hinawakan ang aking mukha.
Natameme ako sa nangyari.
Bakit ganyan siya
makatitig sa akin.
Anong nangyayayari?
“Hindi ka naman panget eh...”
“Sus...
lagi mo akong sinasabihan nan.”
“Walang
panget sa akin.... inaasar lang kita...”
“Lasing
ka lang...”
“Alam
mo ba... masaya ako kapag kasama kita.... natutuwa ako kapag nanjan ka...
nawawala lahat ng problema ko kapag katabi kita....”
Biglang
tumibok ang puso ko at pakiramdam ko ay nanginginig ag katawan ko.
“Matulog ka
na lasing ka lang..” ang sabi ko.
Nakita
ko ang mapupugay niyang mga mata at unti-unti lumapit ang kanyang mukha sa akin
at sa isang iglap, naglapat ang aming mga labi.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment