Wednesday, July 3, 2013

Less Than Three- Part 4

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!

Sorry guys.. muntikan ko ng makalimutan. haha peace... :))

--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 4


(My own show)

 

 
Boyce Avenue - Titanium Mp3

 



[Alex’s POV]


Hay nako. Buti natiis ko ang isang linggo na kasama yung lalaking yun. Di ako papasok ngayon kasi may photoshoot ako. Kaya good bye nerd muna ako. Nag ayos ako ng sarili ko.


Stressed na talaga ako sa lalaking yun. Haixt. Walang araw ata na hindi ako nakaligtas sa mga pang-aasar niya. Ang kapal sobra ng mukha.


Walang pasok si Charlene ngayon kaya sumama siya sa akin. Nasa baba lang siya.


Nag ring ang phone ko. Si halimaw tumatawag.


“Oh?” sagot ko


“Saan ka?” tanong niya


“Sa bahay.”


“Di ka papasok?”


“Di eh. Bakit?”


“wala.. okay. Gueh.” At binaba niya yung phone


What’s with him? Agad na akong bumaba at nag paalam kay mama.


“Ma alis na kami.”


“Ingat kayo ah. Hahatid na daw kayo ng kuya mo.”


“Okay po. Si kuya po?”


“Wait lang tol” sabi nito.


“Una na kami sa garahe kuya.” sabi ko


“Sige. Inatyin ninyo lang ako. Ayan ang susi. Ilagay na ninyo yung gamit ninyo.”


“Sige. Tara na best.” Yaya ko.


Kanina ko pa nararamdaman na lagi na lang nag te-txt tong si Charlene. Anong meron?


“Oi...” sabi ko


“Oh?”


“Anong meron?”


“Ha?”


“Bakit parang nakadikit na yan sa kamay mo?”


“Wala naman.”


“Si Jake yan no?”


“Hindi ah.”


“Aysus. Ang landi ng babae.”


“So?”


“Talanding tagalay eh.”


“Sumakay ka na nga lang. Bugbugin kita jan eh.”


Ilang minuto lang eh umalis na din kami. 9 am ang photo shoot at right in time naman kami. 8:15 palang kaya tamang-tama.


Umakyat na kami at agad kaming sinalubong ni Tita Cel. “Nandito na pala kayo. Sige na bihis na ikaw.” Sabi nito.


“okay po.”


Agad akong nagpunta sa may dressing room. Iniabot sa akin yung damit. At tinignan ko ito. Shorts at brief lang. Ah okay, so half body lang ang may saplot.


May fitting room naman sa loob ng dressing room eh kaya yakang yaka lang. Paglabas ko ng room na yun, inayusan agad ako nila Charlene.


“Tumataba ka na.” Sabi nito.


“Di nga.”


“Joke lang. Gwapo ng best friend ko.”


“Be proud.”


“Sabi sa akin may kapartner ka daw.”


“Sino daw?”


“Lalaki daw eh.”


“Oh...?”


“Bilisan na nga natin. Lapit na mag simula.”


“Okay.” After 5 minutes ready na ako.


8:45 na at di pa daw dumadating yung makakapartner ko. Baguhan daw siya at pinilit lang na mag model. Nag briefing na kami kung ano ang gagawin at nakinig naman kami.


8:50 na nang dumating yung lalaki. Exactly 9 am daw mag simula na kami. Umupo lang ako dun sa gilid at nanood ng tv.


Maya maya, tinawag na kami ng photographer. Okay na daw. 


Tumayo na ako at pumunta sa may center at natawag pansin ako sa nakita ko. What is he doing here?


“Game.” Sabi ni halimaw.


Kinabahan ako bigla. Anong ginagawa niya dito? Takte yan. 


“Hey. I’m Kieth. Kaw?” pakilala niya tapos nakikipag shake hands niya.


“Ako si Al... este...” di nga pala niya ako kilala. 


Tumingin ako kay Charlene at pagkagulat di ang naramdaman niya.


“Kian pre.... Kian Santos.” Sabi ko.


“Medyo baguhan lang ako... pa assist na lang.” Sabi niya tapos ngumiti.


Wow ang baet niya. May kung sinong sanhto ata ang sumanib dito.


My heart starts to beat faster, my God, kinakabahan ako. Baka ma-distratct ako.


Nag start na yung photo shoot, mukha naman okay siya. Madaling matutuo. Nagtagal ang photo shoot at maraming shot. Pero di kuntento si photographer.


“Ang panget... di ko maramadaman....”


“Sorry po.” Sabi ko.


“Are you okay Kian?”


“Okay lang po.. may iniisip lang.”


“Work muna tayo please... close to him.. mag dikit nga kayo...”


At nagulat na lang ako nung lumapit si Kieth sa akin. Lalong kumabog ang dibdib ko. Ang lapit niya sa akin. His skin, touches mine. 


Yung katawan niya, di ko maiwasang tignan. Sinful eyes, go away.


Inalalayan niya ako. Daig ko pa ang baguhan dito. At naging comfortable ako habang tumatagal. Di na lang ako nag isip ng kung anu-ano.


“And it’s a wrap everybody... good shot... thanks Kian... thanks Kieth.” Sabi ni Mr. Lim.


“Galing mo.” Sabi ko.


“Di ah mas magaling ka.”


“Sige bro...” sabi ko


“Wait.... do we meet na ba?” tanong niya


“Ah eh hindi pa...”


“You seem so familiar....” sabi nito.


“Ui.” Sabat ni Charlene.


Nakita ko ang pag iiba ng mukha ni Kieth nung makita si Charlene. “Nandito ka din? Nasaan si Nerd?”


“Masama pakiramdam ni Alex eh.”


“Ah ganun ba. Mag kakilala ba kayo?” tanong ni Kieth


“Yup. Pinsan ko siya....”


“Ah ganun ba...”


“Sige una na kami.” Ang sabi ko tapos hinila ko siya palayo.


Grabeng kaba talaga ang naramdaman ko. Di niya dapat malaman na ako at si Alex ay iisa. 


Sa mga naguguluhan, ako si Prince Alex Rosales, at ako din si Kian Santos. Iisa lang yung dalawang yun.


Alex ang real name ko at ang screenname ko ay Kian Santos. 


Why? 


Because I can, joke, kasi para maprotektahan private life ko. Pati ayoko ng madming che che bureche. Gusto ko tahimik lang. Hahaha


Model ako matagal na. Last 3 years nung nagsimula ako. 


Si Blake ang nagsali sa akin. Dahil sa kanya kaya napasok ako dito. Magandang earnings din ito. Not bad after all.


Di ako maarteng modelo. Marami na rin akong sponsor kaya sa bahay namin, marami akong damit, pabango at kung anu-ano pang gamit.


After ng photo shoot, ibinigay na agad ni Tita Cel yung bayad. Tatawagan na lang daw ulit kami pag need ulit. Pero may apat pa na photo shoot akong gagawin sa Friday, Wednesday next week at sa next next next week.


“Sige po alis na po kami.” Sabi ko.


“Ingat kayo ah.”


“Opo...” sabi ko.


“Tara best mall tayo. 11 am palang oh.” bigla kong naisip.


“game. San ba?”


“Sa Farmers na lang tayo. Para pag sumakay tayo ng bus, malapit na doon yung sakayan.” Sabi ko.


“Leggo.” Sabi niya.


Agad agad kaming umalis. Umiiwas kay Kieth kaya pandalas kaming dalawa.


Eksaktong 11:30 ng makarating kami sa Farmers Plaza. Kumain na muna kaming dalawa. 


May favorite akong kaninin dito eh, yun yung laging kinakain ko kasi yun yung gusto no Blake. Yung chicken na honey ng Chowking.


Masarap kasi. Sobra. Sabi nga sa akin ni Charlene na baka maging manok na ako. Hahah.


“Di ko akalain na si Kieth pala yun.” Sabi ni Charlene.


“Ako din...”


“Pero ang sweet ah... bagay kayo.”


“Stop that.”


“Totoo naman eh. Bagay kayo.”


“Haixt. Ewan.”


“Di mo ba siya gusto?”


“Never.”


“Sus. Paikipot.”


“Iww. Yung lalaking yun, nakakadiri. Gwapo nga, napakasama naman ng ugali. Tapos nakakinis, nakakairita. Ang sarap lapirutin ng mukha grabe.”


“Hay naku. Anong gusto mo yung santo?”


“Yung katulad ni Blake...”


“Move on... wala na si Blake sayo... remember? Di ka na niya babalikan kasi iniwan ka na niya”


"Kailangan ipamukha na iniwan niya ako?"


"Para matauhan ka na."


“Mahal ko siya eh.”


“Ano bang gagawin ko para lang magkagusto ka sa iba? Marami akong kakilala na panget, gwapo, sakto lang at ano pa? Just state kung ano ang gusto mo.”


“Pag nahanap mo ako from this moment na gwapo, matangkad, nakakulay blue ¾ sleve na damit, pants na maong at sapatos na chuck taylor... ayon.... kailngan makikita mo ngayon.... tignan lang natin... Dagdagan pa natin ng kwintas na cross na pwedeng gawing pasipol... sige makikipag date ako sa kanya.”


“Oh...” natigilan siya. Naghanap hanap. Kung may mahahanap ba siya eh.


“Best... favorite mo blue diba?”


“Yep...”


“Anong kulay ng sapatos?”


“Black and white... basta converse”


“Oh my... kakainin mo lahat ng sinabi mo.”


“Eksena mo.” Sabi ko.


“Ayon oh.”


Lumingon ako sa tinuro niya at nakita ko si Kieth sa may di kalayuan sa kinaroroonan namin.


“3/4 na long sleeve na kulay blue since favorite mo check... maong pants check... chuck taylor na black and white check...matangkad check... at gwapo... check check check....” sabi nito.


“May nakalimutan akong isama.”


“Wag ka ng ngumal-ngal. It’s a sign. Malay mo si Kieth na yung hinahanap mo.”


“Imposible talaga.”


“Hay naku, give him a chance.”


“Ewan ko sayo.”


“Pustahan pa tayo eh... kayo din niyan sa huli.”


“Ewan... sayo.”


Tumingin ulit ako sa kinaroroonan niya. May kausap siya sa phone. Siguro si Arjay. Oh wait, yung sim card nakalimutan ko. Ibalalik ko na nga pala kay Arjay.




[Kieth’s POV]




Bakit ba hindi ko makalimutan yung mukha ng nakapartner ko sa isang photo shoot. This is killing me. Parang kilala ko siya na hindi ko maintindihan.


Tinanong ko kay ate kung saan nakatira si Kian Santos pero tinawanan lang niya ako. Anong problema ba nung babaeng yun.


Yung boses niya, yung mukha, parang may resemblance. Mukha na akong timang dito na nakatulala at kinakausap ang sarili. Hanggang sa may malignong bumulaga sa harapan ko.



“Shit. Ano ba yan? Natakot ako ah.” Sabi ko.


“Ang kapal ng budhi mo.”


“Problema mo?”


“Yung sim hindi ko pa nababalik kay Arjay.”


“Ano, ako pa pagbabalikin mo?”


“Hindi yung aso.”


“Ang panget mo.”


“Mas panget ka.”


“Tara nga.”


“Saan?”


“Sa kulungan mo?”


“Whatever.” Tumayo siya pero hinila ko ang kamay niya.


Nahawakan ko siya sa kanyang mga palad at kakaiba ang naramdaman ko. Natigilan siya, maging ako. Bakit ganito nararamdaman ko? Arggsh.


“Hey yung kamay ko.”


“Sorry.” Ang sabi ko.


“Samahan mo ako.”


“Saan nga?”


“Labas tayo...”


“Ayoko nga.”


“May usapan tayo.”


“Okay may magagawa pa ba ako? Alam mo napaka mo talaga.”


“Ang gwapo ko sobra.”


“Sobrang hangin nakow.”


“Tara na panget.”


“Kurimaw.” Sabi niya


Pumunta kami doon sa dati naming pinupuntahan ni Arjay. Wala lang, namiss ko lang yung lugar na to. Matagal na rin since nung huling pumunta ako dito.


“Ang emo mo.” Sabi niya


“Bakit ba?”


“Bakit ba ang sama ng ugali mo?”


“Masama ba ugali ko?”


“Oo... siguro sa akin... pero sa iba hindi naman.”


“Panget mo kasi.”


“May mas panget pa nga sa akin pero bakit ganun trato mo sa kanila, ibang iba kesa sa akin?”


“Nakakairita ka kasi.”


“Gwapo kasi ako.. mas gwapo pa ako sayo.”


“Sa itsura mong iyan? Sus.”


“Siguro dito kayo nagpupunta ng ex mo no?” tanong niya


“Yeah..”


“Ano bang nangyari sa inyong dalawa?”


“Nag hiwlay obvious ba?”


“Alam ko... ex nga diba? I mean bakit?”


"Alam mo naman pala nagtanong ka pa. Tsss."


"Ang ewan mo talaga. sarap mong balibagin eh."


"Bakit kaya na ng buto mo?"


"Kung di lang ikaw gwapo eh nasira ko na yang mukha mo."


"SO gwapo ako."


"Kdot na lang."


"Wag mong sabihing may gusto ka na sa akin."


"Isang malaking word na ASA. hahahahha"

"Tsss."


"Sagutin mo nga tanong ko."


"Ayoko nga."


"Isa."


"Bakit makaka-uno ba ako pagnasagot ko ang tanong mo?"


"Napaka. naku."


Nanahimik kaming dalawa. Ilang sandali lang ay nagsalita na rin siya.



“Siya nakipag hiwalay. Ewan ko. Tapos alaman ko na lang na sila na pala ng hayop na yun.”


“Siguro di na niya matiis ugali mo.” Sabi niya


Ang sarap sapakin ng lalaking ito. Makapanlait to sa akin wagas. “Ganun ba talaga kasama ugali ko?”


Natigilan siya. “Sa totoo... sa akin ka lang ganyan.. pero mabait ka naman daw... kaya di ka masamang tao”


“Naranasan mo na ba ang mag mahal?” tanong ko.


“Oo...”


“May nagmahal na rin sayo?”


“Oo.. marami nga eh.”


“Feelingero ka.”


“Joke lang... bakit mo natanong?”


“Curious lang.”


“Siguro iniisip mo na walang magmamahal sa akin kasi panget ako?”


“Hindi naman. Hindi kasi ako naniniwala na may taong panget.”


“Bakit sabi mo panget ako?”


“Tao ka ba?”


“Ang sama mo.” At sinuntok iya ako sa braso.


“Hahah. Biro lang. Bawat tao kasi hindi panget... nagkataon lang na mas angat ang itsura sa kanila.”


[Alex’s POV]


“Hahaha. Biro lang. Bawat tao kasi hindi panget... nagkataon lang na mas angat ang itsura sa kanila.” Sabi niya


He was so calm. 


Bakit ganun? 


Yung salbaheng kilala ko, nagmumukhang tupa ngayon. 


I think tama si Charlene, give him a chance. Chance to be friends ha.


“Gaano mo kamahal ang ex mo?” tanong ko.


“Mahal na mahal. Higit pa sa buhay ko. Mantakin mo na pinag laban ko siya sa mga magulang ko. Di ko akalain na ang isang katulad ko ay magiging ganito. Nagkaroon naman ako ng dalawang girlfriends nung elementary, hindi ko lang maintindihan eh nung first year highschool ako, nabihag ni Arjay ang puso ko.”


“Ang swerte naman niya.”


“Ewan din. Eh ikaw ba?”


“Nasaktan lang ako sa pagmamahal. Iniwan niya ako eh.”


“Panget mo kasi.”


“Siguro nga. Pero mahal niya ako, alam ko, mahal ko rin siya.”


“Puppy love lang yan.” Sabi niya.


Kung alam mo ang naranasan ko at naranasan ni Blake, di mo masasabing puppy love lang yun.


“Sino si RD sa buhay ninyo?” anong ko


“Best friend ko siya. Dalawa sila ni Jacob na best friend ko.”


“Sobrang sakit pala.”


“Oo.. sobra.”


“Anong ginawa mo nung nalaman mo yung sa kanila?”


“Muntikan na akong makapatay.”


“Brutal ka pala.”


“Yeah. Pero masakit... sa best friend ko pa. Sa lahat ng makakaagaw sa kanya, siya pa. Okay lang kung iba eh, pero di katanggap tanggap.”


Tama ba ang nakikita ko, nag kwento siya sa akin? 


Tapos ano tong parang tubig na namumuo sa kanyang mga mata? 


Umiiyak ba tong lalaking ito?


Tumalikod siya at lumakad palayo. “Oy panget tara na.” Sabi niya sa akin.


Nakita ko rin ang malambot na side ni Kieth Jerickson Lee. He is not bad after all.


Busy lang ako buong linggo. 


Dami na kasi agad pinapagawa. 


Sumabay pa mga photo shoots. 


Nag paalam na rin ako na titigil na muna ako after kong matapos lahat ng ito.


Sumasabay pa tong lalaking ito. 


Napaka tamad kahit kailan. 


Yung notes ako gumagawa, mga assignments ako gumagawa. 


Nakakapuno na talaga.


Napaka bi-polar, minsan okay sa akin ang trato tapos kinabukasan wala na naman, disaster ulit. Hay naku. 


Kung minsan mahinahon, tapos kung minsan masungit. 


Nagtataka na nga ako kung lalaki ba to eh, baka kako babae kasi nagkakamens kaya ganyang moody.



Dahil photoshoot free na ako, makakattend na rin ako sa Monday class ko. Whoooah. 



After 2 weeks ah, sa wakas. 


At si halimaw, ayon tahimik naman.


Pagkapasok ko ng room, expected na naman na kakaiba ang tingin sa akin ng mga tao.


 As expected naman diba? Magtataka pa ba ako?


Maya maya tumawag si halimaw. “Oh?” tanong ko.


“San ka?”


“School.”


“Yung maayos na sagot.”


“Sa room 405.” Sagot ko. Himala at mahinahon siya.


“Sunduin kita jan mamaya.” Sabi niya


“Anong meron?”


“Wala lang bakit ba?”


“Wag na...”


“Basta susunduin kita....”


“Mamaya pa tapos class ko...”


“What time?”


“Basta...”


“Basta hintayin kita... and I will kill you kapag tinakasan mo ako.” Sabi niya sabay baba.


Yung lalaking yun, nakakainis kahit kailan. Sobrang nakakainis. Haixt. 


Nag ayos muna ako ng gamit at saka natawag ang pansin ko.


Bigla na lang kasing may nagsalita mula sa harapan ko. “May nakaupo ba?”


Nagtaas ako ng mukha at nakita ko ag isang gwapong nilalang. 


Mukhang mabait naman kasya kay Kieth. Mas gwapo ba? Uhm.. parang mas gwapo pa din si Kieth.


Teka bakit ko ba hinahalintulad? Tsk. Erase erase erase.


“AH eh... wala...” teka kilala ko tong lalaking ito. Saan ko ba to nakita? Umpft.


“Hey... I’m RD pala.... so your’s Kieth current bf.” At nagsmile siya.


Lumabas yung dimples niya. What? Hahahah. 


He’s cute, handsome at approachable. Hahaha. Kaysa naman dun sa halimaw na yun.



“Ah... I remember... kaw yung bf ni Arjay...”


“Yep. Hi, nice to meet you... wow mag classmate pala tayo...”


“Yeah. Asan pala boy friend mo?” tanong ko.


“Ah. He’s into something. Si Kieth ba?”


“Ah walang klase yun ngayon.”


“Ah ganun ba?”


“Yup...” then I smile. 


Buti ito pinagtiya-tiyagaan akong kausapin, di tulad ng iba na nasa likod namin, lantaran kung pagtsimisan kami.


“Diba yun yung panget na boyfriend ni Kieth. At lumalapit naman siya ngayon kay RD... anong tingin nitong lalaking ito gwapo? Nag fefeeling babae.”


“Oo nga. Naku. Napak wierd talaga...”


“Ano kaya nagustuhan sa kanya ni Kieth?”


“Naku feeling ko mangkukulam yan.”


“Bakit naman?”


“Imagine napikot niya si Kieth.”





Oo mangkukulam ako at kapag hindi kayo tumigil kayo ang uunahin kong patayin. Grabe, susot eh.


“Don’t mind them.” Sabi sa akin ni RD.


At nagblush ako, ano ka bang panget ka, bakit ka nagbu-blush. 


Wag mong sabihing you like him.



“Salamat....” then he raised my chin.


“You’re not ugly.... yeah you remind me of someone...” then hinawakan niya yung ulo ko at ginulo.


“Try mo kayang mag ayos para di ka na nila tuksuhin...”


“Ayoko... I prefer this...” palusot ko.


“Okay. Basta don’t mind them na lang.” Sabi niya.


Nagstart na yung klase.


yung prof namin ay ikinagulat ko kung sino. 


Anong ginagawa niya dito? 


Di ko akalain na papasok siya dito. 


What the?



“Good morning guys...” sabi ni prof.




Lahat ng babae nagtilian. “Wow ang gwapo ng professor natin.”



“Oo nga eh. Naku. Ang gwapo talaga.”




“Guys. Ako nga pala si Professor Emill Hamilton Rosales.”


(Itutuloy)

No comments: