Saturday, July 6, 2013

Less Than Three- Part 5

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 5



 


[Alex’s POV]


Natapos ang klase na hindi pa rin ako makapaniwala. 


Bakit narito si kuya? 


Hindi naman niya sinasabi sa akin na magtuturo siya dito eh.


Panay ngiti lang sa akin si kuya eh. Haixt. Lagot sa akin yun mamaya. Nakow. Humanda talaga siya. 


Kinulbit naman ako ni RD.


“Ui.” Pagtawag niya.


“Po?”


“Anong name mo pala?”


“Alex pala...”


“Ah... good.. friends?” at inilahad niya ang kamay niya.


“Yeah...” then I smile.


“Tara na.. tapos na ang klase.”


“Sige...”


Palabas na sana ako ng biglang tinawag ako ni Kuya. 


“Aral muna...” sabay tawa.


“Lagot ka sa akin mamaya.” Binulong ko sa kanya.


At nakita ko na naman yung mga tsismosa. 


Hay naku, sigurado akong ako na naman ang pinag uusapan. 


Baka isispin nila na pati kuya ko pinipikot ko.


Palabas na kami ng makita ko si Kieth at yung tingin niya parang halimaw. 


Agad siyang lumapit at kinuha ang kamay ko.


“Magkaklase kayo?!” tanong niya


“Oo bakit?”


“Wag kang makipag usap sa kanya.”


“Pero...”


“Hey You! Stay away from my boyfriend...” at saka kami umalis. 


Hinila niya yung kamay ko pababa.


“Hoy ano bang problema mo?”


“Diba sabi ko wag kang makikipag usap sa kanya? Sa kanila?”


“Mabait naman siya ah.”


“Niloloko ka niya... akala mo kung sinong mabait mang-aagaw naman.”


“Selos ka?” tinanong ko siya and he dropped my hands.


“Hoy lalaki wag kang feelingero...”


“Nagtatanong lang.”


“Assuming ka masyado.”


“Okay... babalik na ako doon.”


“Isa!” sigaw niya.


“Okay sige na.” Sunod naman ako. 


Nageeskandalo na tong lalaking ito eh.


“Tara na.”


“San ba tayo pupunta?”


“Basta. May klase ka pa ba?”


“Wala na naman.”


“Tara na.”


“san nga kasi eh.”


“Wag ka na ngang magtanong ng magtanong.”


“Tss. Oo na.”


Sumunod lang ako sa kanya. Haixt. 


Ano pa ba ang magagawa ko? 


Daig ko pa yung naka-asa sa kanya. 


Para na tuloy akong asong sunod ng sunod sa kanya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at dumeretso sa may SM. 


Anong meron? 


“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko.


“Mag-aaral


“Ay ang corny...”


“Common sense naman kasi...”


“Mag gagala?”


“Mamimili...”


“Ng?”


“Damit mo.”


“Okay naman ang damit ko ah.”


“I want you to become presentable.”


“Okay na to. Presentable naman to ah.”


“Mukha kang ibabalot sa gift wrapper at itatapon sa basurahan.”


“Ewan sayo...”


“Tara na.”


At ano pa ba ang magagawa ko? Siya na ang pumili ng isusuot ko. 


Bakit semi formal?


 Ano bang gagawin namin?


Medyo kinabahan ako na baka mahalata niya yung pagkatao ko. 


Buti na lang at di na niya pinakialamanan yung mukha ko. 


Medyo nagmukha na nga akong tao pero yung feeling na konting ayos na lang malalaman na niya na ako at si Kian ay iisa.


“Hoy panget... may kamukha ka?”


“Oy kung pang lalait lang yan wag mo ng ituloy...” kinakabahan na ako.


“You look so.... familiar.”


“Hay naku.. tara na nga...”


“Okay.. bagay sayo....” atsaka siya tumalikod. 


Binayaran niya yung damit ko at hinila ako paalis.


“Oy ako na dapat pinagbayad mo.”


“Tss. Manahimik ka na lang jan.”


“Ano ba yan? Aixt. Kaya ko naman bayaran yun. Hindi naman ako dukha haixt.”


“Manahimik ka na nga.. naiirita ako.”


“Bakit naman?”


“Yung kanina..”


“Tsk. Di makamove on?”


“Nakakainis ka eh.”


“Oo na sige na ako na.. lagi naman ako.. kahit wala akong ginagawa... tsk.”


“Ang dami mong arte. Tsk.”


“Mas maarte ka.”


At umalis na kami. 


Next thing to know napadpad ako sa isang malaking bahay. 


And what I a doing in here? 


Anong eksena to ni Kieth?



[Kieth’s POV]


Nakakirita tong lalaking ito grabe. 


Ang sarap pukpukin ng hallow blocks eh. Tsk. 


Nung nakita ko kanina si RD, gusto ko na siyang sugurin. 


Di pa rin naghihilom yung sakit na dinala niya sa ain.


Ilang linggo na rin na wala akong communication kay Arjay. 


Oo nga pala yung sim card niya nasa panget pa ring ito. Haixt.


No choice ako kundi dalhin sya dito sa bahay. 


Para saan? 


Ipapakilala ko siya kila mama at papa. 


Wag kayong mag isip ng kung anu-ano, dinala ko dito sila papa kasi may kasunduan kami.


Sabi nila kapag daw wala pa akong dinadalang partner ko or karelasyon ko after 5 years na nag usap kami, ipapakasal niya daw ako sa iba. 


Eto na yung deadline nun kaya desperado na ako.


Tanggap na naman nila kung sino ako at wala na silang magagawa. 


Bakit ba? 


Moderno na ang panahon at ipinaglaban ko si Arjay sa kanila. 


Pero ang sakit lang, wala na siya ngayon.


Mas masaya siguro kapag siya ang kasama ko at hindi tong lalaking nakakairita na ito. Tsk. 


Ang buhay nga naman.


Nung naayusan siya, he reminded me of something. 


May kamukha kasi siya eh. 


Tanggalin lang yung salamin tapos yung ngipin niyang panget, siguro pwede nang mapag kamalang magkakambal yung dalawa.


Parang nakakita ng kung ano itong panget na ito. Tanong ng tanong eh. Tss. 


“Oi sa inyo to?” tanong niya


“Yeah...”


“Ang yaman ninyo...”


“Kila papa yan hindi sa akin.”


“Ganun na din yun... now I know...”


“Know what?” tanong ko.


“Kung bakit ang suplado mo... kung bakit ang sama ng ugali mo.”


What? Ako masama ang ugali? Baka nga siya yun eh.


“Ako pa ngayon yung masama ang ugali?”


“Hindi yung sasakyan... ang sama ng ugali.”


“Shut up!”


“Wew.”


“Ang childish mo.”


“Ang panget mo.” Sabi niya.


“Nahiya ako sa balat mo.”


“Mahiya ka kasi kung alam mo lang kung gaano ako....”


“Gaano ano?”


“Wala.” Sabi niya saka siya lumingon sa paligid.


Nakakahiya talaga tong ginagawa ko. 


Di naman ako sa nadidiri pero iniisip ko pa lang na ikakasal ako at sa taong ito pa, hindi ko masikmura.


“Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya


“Nadidiri ako.” Palusot ko.


“Ouch... ang sakit.”


“Biro lang...”


“K.” Nasabi na lang niya


Ang sarap din namang asarin nitong lalaking ito eh. Tss. 


Pag pasok namin sa loob ay inasikaso na kami. 


Sinalubong na rin kami ni ate.


“Oh. Nandito na pala kayo.” Sabi ni ate.


“Yeah...” sagot ko na nabobored.


“Kamusta na ung future bayaw ko?” tanong ni ate kay Alex.


“Ayan bayawak na.” Sabi ko.


“Hoy magtigil ka nga...”


“Tss. Tara na. Ako ay naalibadbaran na.”


“Ginusto mo yan eh.” Sabi ni Alex.


“Wag ka ngang sumabat.”


“Ano ba kasing gagawin natin?”


“Ipapakilala ka niya kila mama.” Sabi ni ate.


“What? Anong ibig sabihin nito?” tanong niya


Hinila ko siya, talagang pahamak itong lalaking ito sa akin eh. 


“Ano bang eksena mo?” tanong niya


“Sumakay ka na lang pwede?”


“Eh ano ba kasing kadramahan ito?”


“Part to ng napag usapan natin.”


“Bakit umabot pa sa ganito?” tanong niya


“Basta sumakay ka na lang.”


"Wag mong sabihing nadevelop ka na sa akin? wala sa usapan natin yan ah."


"Nakikita mo yang pader na yan?"


"Oo. Bakit?"


"Sing kapal mo yan."


"Hoy grabe ka... tandaan mo lang..."


"Just zipped your mouth..."


Wala na siyang nagawa kasi hinigit ko na siya hanggang makapunta na kami kila mama. 


Bumungad naman ng ngiti sila mama at papa.


“So you were the one.” Sabi ni mama.


“Maraming nakwento sa akin ang ate ni Kieth tungkol sayo.” Sabi ni papa.


“Ah ganon po ba? Nga po pala magandang hapon po.” Bati niya


“Ma... pa... si Alex.... boyfriend ko... Alex.. si mama.. si papa.” Sabi ko.


“Nice to meet you iho.. maupo kayo..” sabi ni papa at saka kami umupo.


“Siguro nagtataka ka kung bakit parang wala lang sa amin ang nangyayaring ito?”


“Opo. Medyo naiilang po ako na tanggap po ninyo yung anak ninyo.”


“Ilang taon din bago ko natanggap. Nabigo ako na ay magtutuloy sa apelyido ko. Pero anong magagawa ko, anak ko naman siya eh. Pati nandito pa ang ate niya, malay mo diba? Pati, baka magkaanak din si Kieth ko kaya umaasa pa rin ako.”


“Ang swerte po ng anak ninyo sa inyo.” Sabi niya


“Guess so. Muntikan ko pa ngang mapatay yan eh. Pero masamang damo talaga.” Sabi ni papa


“Pa naman.” Sabi ko


“Yaan mong malaman ng bf mo... nahiya ka pa.”


“Hindi naman sa ganun ma.”


“Buti nga at napalitan mo na si Arjay.” Sabi ni mama


“Ma... I don’t want to talk about him.”


“Pero anak, grabeng paghihirap naransan mo sa kanya.. grabeng sakit naramdaman mo.”


“Ma I said stop!” nakakainis na eh.


“Ui, easy lang.” 


"Tss."


He hold my hands.


Nakaramdam ako ng init galing sa mga kamay ni Alex.


His hands was so warm. 



Feeling ko nahawakan ko na nga ito eh. 



Paulit ulit na nga ata eh.


Pero dun sa sinabi niya napakalma ako. 



Kalma na kung saan si Arjay lang ang nakakagawa. 



Di ko alam kung bakit ganito yung narramdaman ko. Tss.


Matapos namin kumain, inutusan ako nila mama na igala ko daw siya dito sa bahay. 


Daig ko pa ngayon ang tourist guide.


"Oy magkano ang bili ninyo dito? ang mahal nito ah."


"Di ko alam."


"Diba sa Thailand lang to nabibili... ang galing naman."


"Malay ko ba."


"Alam mo may ganito sa probinsya namin... pampaswerte daw eh..."


Tanong siya ng tanong kaya nakakairita. 


“Pwede bang tumigil ka kahit 10 minutes please.”  Sabi ko.


Naramdaman ko naman na tumigil siya at nag sorry. 


“Sorry.” Then nagbaba siya ng ulo.


Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang maging guilty sa nangyari. 


Masyado akong naging harsh sa kanya kaya nag sorry ako.


“Ui panget.” Tawag ko.


Di siya tumingin. “Ui sorry na...” sabi ko.


“Okay.” Tapos ngumiti siya. Halatang pilit naman.


“Sorry na.. peace na tayo.” Di ko rin pala kayang di marinig ang ingay nitong lalaking ito.


“Masyado na ba akong maingay?” tanong niya.


“Sorry...” sabi ko. Naguguilty talaga ako.


[Alex’s POV]


Hinila niya ako sa may grand piano at pinatabi sa kanya. 



"Okay ka lang?” tanong ko.


“Basta wag ka ng maarte.” Sabi niya


“Okay.”


“Pambawi sa nagawa ko. Sorry.”


Pinag masdan ko kung paano siya mag piano. 


Mahusay, magaling at nakakahanga. 


Nawala yung pagka badside niya sa puntong ito.


Yung feeling na ganito, yung feeling noong kami pa ni Blake. 

Ang sarap balikan ng nakaraan. 


Pero masakit, katumbas ng kasiyahan ay ang sakit na mararamdaman mo.


Tumulo ang luha ko noong matapos niyang tugtugin yung piano. 


Dama ko kung ano ang himig nito.


“Bakit ka umiiyak?” nagulat na lang ako na tiannaong ako ni Kieth.


“Ah eh wala.”


“Sus. Ang panget, di bagay.”


Akala ko ba okay na? 


Bakit biglang nagbago ulit yung ugali niya? 


“Ah okay.”


“Joke lang.” Sabi niya and he smile.


“Mas okay kapag lagi kang nakangiti.” Sabi ko.


“Sorry pala.” Sabi niya


“Bakit ka nagsosorry?” tanong ko.


“Feeling ko kasi sumosobra na ako...”


“Okay lang yun.. sanayan lang yun sa mga tao...”


“Tss. Basta sorry...” sabi niya


“Oo na. Napaka bipolar mo kasi. Tsk.”


“Haixt. Tara na nga.” Yaya niya at umalis na kami.


Habang naglalakad kami, nagtanong ako sa kanya. “Kamusta kayo ni Arjay?”


Nakita ko ang pagkalungkot sa kanyang mga mata. 


“Ah eh...w ag mo na palang sagutin.” Agad kong bawi.


“Di kami okay. Iniiwasan ko na nga siya para di masakit eh pero mas masakit pala.” Sagot niya


“Sorry kung nakita mo kami ni RD na magkasama. He’s nice naman eh.” Di siya sumagot.


“Nag try ka na ba na bawiin si Arjay kay RD?” tanong ko.


“Yeah. At lagi lang akong napapahiya.”


“Kaya ka ba sumuko?”


“Hindi ako sumusuko.” Sabi niya


“Bakit parang ganun yung nakikita ko?” tanong ko.


“Di ko alam.”


“Kung mahal mo siya lumaban ka. You are a strong fighter monster kaya go lang ng go.”


Bakit ganito ang nararamdaman ko? 


Bakit nalulungkot ako kapag nakikita ang mga mata niyang mangilid-ngilid ng luha ang mga ito.


“Maglibang libang ka, pumunta ka sa ibang mga lugar.”


“Samahan mo ako? Bukas? Wala ka namang pasok diba?”


“Ah eh...”


“Sunduin kita bukas ah. San bahay mo?”


“Ah eh.. text text na lang.. sige...” sabi ko.


“Okay.... hatid na kita.”


“Wag na...”


Hinila niya ang kamay ko at nagpaalam kami sa magulang niya. 


Dinala niya ako sa sasakyan kaya no choice. 


Paano to? 


Malalaman niya bahay ko, baka may malaman pa siya. Kaya isip isip.


Nagpababa na lang ako sa kanto malapit sa bahay namin para naman di niya mahalata. 


Nag good bye ako at sabi niya kita na lang bukas.


Kinagabihan, hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. 


Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko. 


Iisa lang ang lumalabas na imahe sa utak ko, yung moment na nakita ko siyang halos umiyak.


Binabagabag ako ng isipan ko. 


Kamusta na kaya siya. 


Tulog na ba siya o umiiyak pa. Haixt. 


Pero biglang nag sink in sa utak ko, pakialam ko ba? 


Bakit ba ako mahilig mangialam. 


Pati bakit ko ba siya iniisip pa?


Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang pictures namin ni Blake. 


Nakita ko na naman yung gwapo at maamo niyang mukha. 


Nakangiti siya habang nakayakap sa akin.


Di ko maiwasang malungkot sa tuwing makikita ko ito. 


Ito yung mga panahon na masasaya pa kami. 


Yung tipong walang problemang dumadating sa buhay namin.


Nung mawala siya sa piling ko hanggang ngayon, di ko pa rin matanggap. 


Handa akong gawin ang lahat bumalik lang siya. 


Pero malabo pa sa plastic labo.


Gabi-gabi iniiyak ko na lang yun. 


Sana kasi di na lang niya ako iniwan, masaya na sana kami. 


Hindi ko naman siya binitiwan eh, siya lang talaga ang bumitiw.


Nagising ako kinabukasan sa tunog ng cellphone ko. Tsk. Agang-aga eh. 


Alas sais pa lang ng umaga oh. 


Wala namang pasok eh.


Pagkakita ko si halimaw tumatawag. 


Ano ba yan? 


Ayaw akong tantanan. 


Nakakailang tawag na siya dito. 


“Hoy!” sabi ko.


"Taena.... hinaan mo yang boses mo.. pasakan ko yan ng unan eh." sabi niya


"Eh istorbo ka eh..."


“Hoy panget. Ano? Akala ko ba magtetext tayo?”


“Text? Saan?”


“Ang panget mo talaga. Sabi mo aalis tayo?”


“Maaga pa oh.”


“Anong oras ba?”


“Mga 9...”


“Mga 8...”


“Ang aga ah. Excited?”


“Bakit ba?”


“Saan tayo magkikita?”


“Sunduin kita.”


“Ayoko....”


“Basta susunduin kita ha.... pag wala ka pa sa labas ng bahay ninyo before 8 bubulabugin kita.”


“Hindi mo naman alam bahay ko eh.”


“Well see.”


“Tsk.. okay sige na...”


Then I ended the call. 


Natulog ulit ako, ang sarap kayang matulog. Tsk. 


Istorbo yung halimaw na yun eh.


Sa sandaling pagkakatulog ko, nagring ulit yung phone ko. 


Siguro si halimwa yun. 


I checked at siya nga.


“Hoy halimaw ano na naman?”


“Andito ako sa bahay ninyo....”


“Ang adik mo.. natutulog pa ako...”


“Tsk. Bumangon ka na.. alas otso na.”


“Neknek mo kakatulog ko pa lang alas 8 na.”


At binaba ko yung phone. 


Trip talaga ako ng halimaw na ito.maya maya kumatok si mama sa pinto. 


“Anak may bisita ka.”


“sino daw ma?”


“Si Kieth daw.”


“Huh?” agad akong bumangon at tinignan ang oras. 


My God, mag 8:30 na. 


Grabe. 


Pero.. 


pero.. 


paano niyang nalaman na? Tsk.


Agad akong naghilamos ng mukha, nagmumog at nag ayos ng sarili. 


Naalala kong ilagay ang salamin ko at yung bagay sa ngipin ko saka ako nagmadaling bumaba.


“Oy anong ginagawa mo dito?” naabutan ko silang nag uusap ni mama at nagtatawanan pa sila.


“Siusundo ka.” Sabi niya


“Anak... mag bihis ka na... nakakahiya pinag hihintay mo yung boy friend mo.”


“Ma kadiri.”


“Pag pasensiyahan mo na yung anak ko ha. Ganyan talaga yan.”


Pati ba naman si mama namamalikmata dun sa lalaking yun? 


Tsk naman oh. 


Kaya umakyat ako sa taas namin at nagbihis.


Daig ko pa ang nasunugan sa nangyari kanina. 


Ano ba yan? 


Paano niya nalaman yung bahay ko? 


Later humanda siya sa akin.


Nagbihis lang ako nung simple pero sa tingin ng iba eh malakas ang dating. 


Mamaya kasi lait-laitin ako nitong lalaking ito. 


Sabihin na panget ako...


Yung lalaking yun masyadong mapili...



hala.. bakit ko ba iniisip yun? tsss



Aminin ko na kaya dito kung sino ako para di na sumasakit ang ngala ngala ko sa kakangawit sa nilalagay ko sa gilagid ng ngipin ko.


Mamaya maging permanent na to at pumangit ako hahaha. 


Pero saka na. 


Hahanap ako ng tyempo.


 Bahala na nga.


Baka sabihin niya na pinaglalaruan ko siya....


Na niloloko ko siya...


Baka mawala na yung trust niya...


“Ma, alis na po kami.” Sabi ko.


“Anak uwi ng maaga. Behave ah.” Sabi niya


“ma naman.”


“Ang galing mo talagang pumili. Hope na nag move on ka na.” At ngumiti si mama


“Tara na.” Yaya ni Kieth.


“Susot ka.” Sabi ko sa kanya


“Tita... alis na po kami...”


“Ingat kayo iho. Ingatan mo anak ko ha.”


"Ako na po ang bahala."


Umalis na kami. 


Kinaladkad ko siya palabas ng bahay at saka kami umalis. 


May dala siyang sasakyan kaya sa likod ako umupo. 


Pero pinababa niya ako.


Nagmumukha daw siyang driver. Ang arte. Habang nasa daan kami tianlakan ko siya.


“Paano mo nalaman bahay namin?” tanong ko.


“Secret.”


“Di naman ako dito nagpababa ah?”


“Sinundan kita. Tsk... ang arte ayaw pa mag pababa sa bahay nila.”


“Ang bad mo. Tsk. Nakakainis ka.”


“Buti pa ang mama mo ang bait di tulad mo.” Sabi niya


“Mabait ako, sayo lang ang exception.”


“Ang ganda ng mama mo samantalang ikaw....”


“Ano panget?”


“wala akong sinasabi.”


“Yun din yung pinupunto mo.” Sabi ko.


“Tsk. Hindi ah. Ang gwapo nga ng boyfriend ko eh.” Sabi niya


“Yuck... itigil mo nga yan nadidiri ako.”


“Nahiya ako sayo ah. Ang gwapo mo sobra.”sabi niya


“Tsk saan ba tayo pupunta?” tanong ko.


“Maglilibang.”


“Alas nueve pa lang ng umaga oh?”


“Mag aalas diyes na po.”


“Tsk. Di ah. 9:30 pa lang.”


“Tara sa mall.” Sabi niya


“aga pa.”


“Dun tayo. Laro tayo.”


“Okay.” Ang nasabi ko.


Saktong 10 am dumating kami doon at ang maganda pa noon ay bukas na siya. 


Dinala niya ako agad sa may quantum. 


At ang nilaro namin. 


Basketball.


Mahilag ako sa arcade, dito kami lagi ni Blake naglalaro eh. 


Nagpupustahan pa nag kami eh. 


Sinong may sabing di ako magaling sa basketball. Hahaha.


“Oy panget pag nanalo ako tatagal pa yung kasunduan natin.” Sabi niya


“Pag ako nanalo tapos na usapan natin.” Sabi ko.


“Sure... kung mananalo ka ba sa akin eh.”


(Itutuloy)

2 comments:

citybuoy said...

Di ko alam if it's just me pero ang hirap basahin kasi black on black!

Dylan Kyle Santos said...

aww sorry.. di ko alam.. w8 ayusin ko po. :(