Thursday, January 26, 2012

Ang Mang-aagaw 3


D.A.L.A.W.A


Patuloy ang pagsiil ni Philip ng halik kay Arvin. Naramdaman ni Philip ang sabik na pagganti ni Arvin sa kanyang naglalagablab na mga labi. People from the coffee shop saw what they're doing, most people were shocked,including Roj. Philip's hand was reaching Arvin's manhood,trying to make him more aroused. Arvin responded as if he was going loco. Philip knew he got him,again.

Put a little this. Put a little that. Konting panahon pa magiging akin ka na.

Philip ended the kiss and saw Arvin's eyes still closed.

Ayy! Nasarapan si gago. Hahahaha!

Arvin looked at him. Kitang-kita nya ang libog at desire sa mga mata nito. Ngumiti si Philip,dinikit ang noo nya sa noo ni Arvin. The latter looked so aroused with what they've just done. Ramdam ni Arvin sa sarili nya na iba ang dala ng mga labing iyon sa kanya ngayon. Kung noon ay okay lang sa kanya na bitawan si Philip para kay JD,ngayon ay di na nya alam. Physically,better si Philip kumpara kay JD na ngayon ay nananaba na. Aminado si Arvin na ang laki ng pinagbago ni Philip,at masaya syang mahalikan ito muli.

Roj looked so puzzled. Di nya alam kung anong dapat nyang maging reaction sa nakita nyang pakikipaglaplapan ng kanyang kaibigan sa lalaking una nitong minahal. Binawi nya ang pagkakatingin sa eksena ng dalawa at tumalikod nalang. Di nya kayang makita ang kalandian ni Philip. For some reasons, di nya mawari kung ano ang nararamdaman nya.

I just saw Philip kissing someone else and I really didn't know what or how to feel.

Tumalikod si Roj. Pumikit. Kinuha ang yosi at nagsindi. Naghithit-buga habang nakatiklop ang kamaong handang umatake. Bigla syang nairita.

Philip stared at Arvin. Arvin looked at Philip. Hinawakan ni Arvin ang kamay ni Philip. Naramdaman ni Philip na konting kanti lang ay sasama sa kanya si Arvin.

Nagulat sya nang makita nya ako. Nakikita nya ang mga pinagbago ko. Sabihin na nating gwapo ako and all that. Ibig lang sabihin non,di sya kuntento sa partner nya. Makati talaga sya at isa syang malaking higad. Anong ginagawa sa higad? Tinitiris. Inaapakan. Pinapatay. Wait. Ayoko namang pumatay. Papatayin ko nalang ang puso nya gaya ng ginawa nya sakin.Philip thought.

“I think we need to see each other again.”

“Ha? Eh diba may boyfriend ka?”

Tumingin si Arvin sa loob ng Starbucks at nakita si JD na nakatitig sa kanilang dalawa. Bakas ang galit sa mukha nito. Malamang ay nakita nito ang pakikipaghalikan nya kay Philip. Sinundan ni Philip kung sino ang tinatanaw ni Philip sa loob at nakita ang isang lalaki na medyo chub at singkit.

Si JD kaya yun? Kanina pa nakatingin sa amin. Nakita nya? Oops! Sorry! Hahaha!

“Yun ba yung boyfriend mo?” kunwaring apologetic na sabi ni Philip.

“Oo eh.” natatarantang sagot ni Arvin.

“Ahh ganun ba? Sige. I guess hindi nalang ako makikihalo pa.” nagpapawang sabi ni Philip.

Tumalikod si Philip. Kasama ito sa plano. Tinitignan nya kung ano ang naging epekto ng pagbabalik nya kay Arvin. Ramdam ni Philip na bibigay si Arvin pero mababanaag sa mga mata nito ang pagdadalawang isip. Sabagay,sino ba naman ang magtatapon ng ilang taong relasyon para sa isang lalaking parte na ng nakaraan mo? Pero desidido si Philip, kailangan nyang maahas si Arvin.

Wala pang dalawang hakbang ay agad na hinatak ni Arvin ang kanyang kaliwang kamay.

Ohhh. Pipigilan ba nya ako at sasabihin nyang maging kami ulit? Pwede to. Pwedeng-pwede.

Dahan-dahang lumingon si Philip,parang sa telenovela. Dahan-dahang nagtama ang kanilang mga mata. He projected as if he wants Arvin so much. Arvin showed that he really wants him but he's taken. Arvin's eyes pleaded as if he wants Philip to stay and just be with him. Philip looked at him projecting the same. Eyes are really flirty.

“Bakit?”

“Wala lang Philip.”

“Sige na. Pumasok ka na sa loob. Mukhang kanina pa galit si JD.”

“Pwede ba tayong magkita ulit Philip? I mean pwede bang mag-usap pa din tayo about satin?”

“Ha? Bakit pa Arvin? May boyfriend ka na.” pagpapakipot ni Philip.

“Gusto ko sanang humingi ng tawad at magpaliwanag sa mga bagay na nangyari satin noon.”

“Okay lang lahat. Walang problema.”

“Please? Kahit over coffee tayo magusap Philip? Pagbigyan mo ako.”

Philip sensed that Arvin sounded so honest. He gave him a look. He noticed the sadness lying in his eyes. He felt happy. Kulang pa ang sadness na nararamdaman nya. Philip promised to himself that he's going to make all of their lives a living hell. 

“Please Philip?”

Philip looked at him. Natatawa nalang sya dahil nung nakita na syang gwapo ay hinabol-habol na sya. Ang mga bakla nga naman,makakita lang ng nakaumbok na chest muscles at gwapong mukha ay luluhod kaagad. Philip then grabbed his calling card and handed Arvin one. The latter looked happy. Pumasok na si Arvin sa loob ng Starbucks at bumalik si Philip sa pwesto nila ni Roj.

Philip sat next to his bestfriend. Roj's eyes were still closed. Tinignan nya ang kanyang matalik na kaibigan. Kita nya ang inis dito dahil na rin sa kunot na makikita sa noo nito. He sat beside Roj silently.

“Roj. Galit ka ba? Bakit nakakunot ang noo mo?”

“Wala lang. Siguro masama lang ang pakiramdam ko.” pagsisinungaling ni Roj

“Kanina naman masaya ka ha? Bakit ganun?”

“Hindi ko alam.”

Roj opened his eyes. Nakita nya na nakatitig sa kanya si Philip. Parang nagpapaawa at nagpapacute ang mga mata nito. Tumingin sya dito,ganun din ang isa sa kanya. Nagtama muli ang kanilang mga mata. Roj felt as if his heart was becoming so merciful nang makita nya ang pagpapacute ng kanyang pinakamatalik na kaibigan. But he's having second thoughts, naiinis sya pero di nya alam kung bakit. Ano ba talaga Roj?

Nakakainis lang. Bakit nya kailangang makipaghalikan sa harap ko? Sana man lang ginawa nilang discreet diba? Isa pa tama bang maglaplapan sa harap ng Starbucks? Ang daming tao oh! Di na namili ng lugar. Nakakairita!

Nagpakawala si Roj ng isang buntong hininga. Napatingin si Philip dito na nagtetext sa kanyang cellphone.

“Ano ba kasing problema Roj? Ano ba?”

There's a sign of exasperation sa tinig ni Philip. Napatingin si Roj,medyo natakot na magalit si Philip sa kanya.

“Wala nga Philip.” sabi nito sabay kalma

“Sabihin mo sakin Roj. Galit ka ba sakin?”

Unti-unti ng kumakalma ang naiiritang si Roj, maging si Philip. Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Roj. Nanatiling nagaantay si Philip.

“Kamusta naman kayo ni Arvin?”

“Okay naman kami. Kasama nya yung boyfriend nya.”

“Ahh ganun ba?”

“Oo. Bakit?”

“Wala. Tapos naghalikan kayo?”

“Oo.”

Natahimik si Philip. He sensed something sa sinabi na iyon ni Roj.

Ano naman kung naghalikan kami? Ano ba Roj? Masama bang makipaghalikan sa iba? Napapaisip ako sa'yo. Di ko mawari. Nagseselos ka ba? Bakit?

“Bakit Roj? Masama ba makipaghalikan?” tanong ni Philip.

“Hindi naman.” malamig na sagot nito.

Tahimik.

“Di nga lang magandang tignan kung sa harap ng maraming tao mo ginagawa at kaharap pa yung boyfriend ng nilalandi mo.”

Natahimik si Philip sa narinig. Pinipilit umangat ng kilay nito pero tama nga at may punto si Roj.

“That's part of the game plan Roj.”

“Game plan? Kailan ka pa natuto maglaro Philip?”

Natahimik si Philip. Halata sa boses ni Roj ang inis.

“Isa pa,akala ko ba okay ka na?”

“Oo nga.”

“Eh bakit may game plan ka pa? Gaganti ka ba?”

Di na makaimik si Philip. Nawiweirduhan talaga sya sa inaasal ng kaibigan nya. Nakita nyang kumuha si Roj ng yosi at agad na pinalapa ang nguso nito sa asul na apoy ng lighter. Agad na kinuha ni Philip ang yosi sa kamay ni Roj. Roj looked bewildered. Tinapon ni Philip ang yosi sa baba. Rumehistro ang pagkairita sa mukha ni Roj.

Bago pa man bumuka ang bibig ni Roj at magsalita,inunahan na sya ni Philip.

“Ayoko ng nagyoyosi.”

Napataas ang kilay ni Roj sa narinig.

“At bakit?”

Nagbuntong-hininga si Philip.

“Dahil sinabi ko. Dahil ayoko.”

Tumitig si Roj kay Philip. Seryoso ang mukha nito.

“Yosi lang yan. Ako hindi nakikipaglandian.”

Putangina. Bakit ganito ang mga sinasabi nitong lalaki na to? Nagseselos ba sya?

“Anong problema mo Roj? Nagseselos ka ba?” Napalakas na sabi ni Philip.

Tumingin si Roj kay Philip. Iritado.

“Ako magseselos? Bakit? Syota ba kita?”

Oo nga? Ako? Magseselos? Naiirita lang ako kasi ang landi landi nya. Tama ba namang makipaglaplapan sya habang kasama nya ako? Teka! Bakit ganun? Nagseselos ba ako? Puta!

Natameme si Philip. Tumayo si Roj at inayos ang gamit.

“San ka pupunta?” tanong ni Philip.

Di nagsalita si Roj.

Agad nitong kinuha ang bag at umalis sa sofa na kanina pa nila inuupuan. Pinagmasdan ni Philip ang galaw nito. Aalis nga.

“Aalis ka?”



“Uuwi na ako.”

“Sabay na tayo.”

“Wag na. May pangtaxi ako.”

“Magusap nga tayo Roj!”

“Masama pakiramdam ko.”

Mabilis na naglakad si Roj papalayo,ilang segundo pa,nakasakay na to ng cab. Naiwan si Philip magisa sa coffee shop.

Tangna naman Roj oh. Bakit ngayon ka pa naginarte? Wala tuloy akong kasama ngayon.

Tinanaw ni Philip sila Arvin sa loob ng coffee shop. Nahuli nyang nakatingin si Arvin sa kanya. He felt great. Alam nyang kaunting landi nalang ay magiging kabit na sya ni Arvin. Naramdaman nya ang tagumpay. Pinagaralan nya ang mga galaw ni JD at Arvin,napuna nyang medyo cold o kaya naman ay nagtatampo ito sa nobyo.

Nahuli nya ulit na nakatingin si Arvin sa kanya. Ngumiti sya rito,ganun din ang isa sa kanya. Tumayo na sya sa upuan at kumindat kay Arvin. Ilang segundo pa ay binukas na ng kanyang bodyguard ang pinto ng kotse. Sumakay sya at umandar ang itim na Corolla Altis.

Payapang nakasandal ang likod ni Philip sa upuan ng kotse nang magvibrate ang phone nya.

Someone sent me a message. Who's the bitch?

Napangiti sya sa mensaheng nabasa.

“Philip. It was nice seeing you again. Nakita tayo ni JD kanina na naghahalikan,galit sya. He wants to meet you daw pero di ko alam kung bakit. Let's meet secretly. I'll call you next week.”

Then there's a smile. A triumphant smile.

Let's Rock.


To be continued....











Thursday, January 12, 2012

Unbroken 2.10




NOTE:Alam ko pong medyo abala ako para sa ilalabas na libro ng MSOB this May, humihingi po ako ng paumanhin dahil alam ko pong sobrang late ang mga update ko. Sana maintindihan nyo. At sana wag kayong magsawa sa ating blog. :)


Napalunok si FR. Hindi nya maipaliwanag ang naramdaman nang kinuha ni Daniel ang kanyang kamay. Ngayong mas pinipiga ni Daniel ang kanilang mga kamay, naramdaman ni FR na parang nagwawala ang laman na nasa loob ng kanyang dibdib, sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

He took a deep breath. He closed his eyes.

“I don't know FR. Naramdaman ko lang na, na I have to take care of you.”

Those words sent shivers to FR's spine. Hindi nya iniisip na magiging ganun ang mga bagay-bagay. Napadilat sya sa narinig. Malamig ang buga ng aircon ng sasakyan ni Daniel, pero butil-butil ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

Shit. Hindi naman ako natatae bakit ako pinagpapawisan ng ganito? FR asked himself

FR, bakit di ka na sumagot?”

Tumingin sya kay Daniel. Kanina pa pala nakatitig ito sa kanya. Nakakahiwa ang mga tingin ng matatalim na mata ni Daniel but for some strange reasons, FR find those eyes honest and piercing. Sinubukang alisin ni FR ang kanyang kamay sa kamay ni Daniel pero hindi ito binitawan ni Daniel, bagkus ay mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni FR.

Mas lumaki ang confusion na kanina pa kumakain sa katinuan ni FR.

Daniel looked so eager with him and that's the reason kung bakit nauurat sya ng husto. Hindi nya din alam kung ano ang mga dahilan nito para gawin ang mga bagay-bagay na hindi nya dapat ginagawa.

Daniel, let go of my hand.” mahina nyang sabi

Nagulat si Daniel sa narinig. He instantly let go of FR's hand.

So-sorry. Nabigla lang ako.”

Daniel blushed.

Sorry if I held your hand. I just don't know how to make you believe what I feel.” dagdag pa nito

Tumagos na naman ang mga salitang iyon sa kaibuturan ng puso ni FR. Humugot syang muli ng isang malalim na hininga.

Da-Daniel, bakit? Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong nito.

You're confusing me.” dagdag pa ni FR

Ngumiti si Daniel. Inalis nito ang mga mata sa pagkakapako kay FR, tumingin ito sa harap at isinandal ang likod sa upuan. He too, took a deep breath.

Ditto.” maiksi nitong tugon

FR looked at him in disbelief.

Inayos nya ang kanyang sarili. Maging si Daniel ay umayos sa pagkakaupo. Pinatay na nito ang makina ng sasakyan. Muli, sya ay tumitig kay FR.

Tara na?” sambit nito.

FR gave him a quizzical look.

Saan?” tanong nito

Sa Pad ko. Tara!” sabi ni Daniel sabay ngiti

Napailing na lang si FR. Isang ngiti lang ni Daniel ay alam nyang bibigay na sya. Mabilis na bumaba si Daniel at malakas na isinara ang pinto ng sasakayan. Pababa na sana si FR ng kotse nang biglang ibinukas ni Daniel ang pinto sa gilid ni FR at inalalayan sya pagbaba. Nagtataka man, hindi maiwasan ni FR na hindi kiligin sa naging asta ni Daniel.

Kailan talaga pinagbubukas ng pinto?” pabirong banat ni FR

Oo naman! Amo kita eh.” sagot ni Daniel sabay pacute.

Biglang napapout si FR out of nothing.

Pout-pout ka pa dyan, halikan kita eh!” sabay banat ni Daniel

Namula si FR sa narinig. Kinindatan sya ni Daniel. Wala pang ilang segundo, nakaakbay na muli si Daniel sa kanya at naglalakad na sila patungo sa unit nito.

Ang bigat ng braso ni Daniel ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa sistema ni FR. The scent he's wearing seemed to have its effect on FR. Lumipas ang wala pang 3 minutong paglalakad at pagakyat ng hagdan, nakarating na sila sa pad ni Daniel.

0428. Yan ang number ng unit. You can go here anytime you want, tutal isang jeep lang naman from your school eh.”

Tinignan lang sya ni FR.

Marahang binukas ni Daniel ang pinto ng kanyang unit. Pumasok sya at mabilis na pinindot ang suwit ng ilaw. The orange light illuminated the place. Mabilis na initsa ni Daniel ang kanyang bag sa sofa. He got the remote and turned the airconditioner on. Binukas nya din ang Flat Screen na TV, The Notebook ang palabas sa HBO. Patuloy sya sa pagikot sa kanyang bahay nang mapuna nyang hindi pa pala pumapasok sa loob si FR.

Anong inaantay mo? Di ka ba papasok?” tanong nito kay FR

FR looked at him. Daniel saw those eyes again. He was dumbfounded.

Pumasok ka na, please?” pakiusap ni Daniel

Nagaalangan man, humakbang si FR papasok.

Get in. Close the door FR.” sabi ni Daniel sabay ngiti

FR freaked out. Hindi nya alam kung anong pinaplano nitong mokong na ito.

Bakit gusto nyang nakasara ang pinto? Hindi pwede to! He thought

Daniel stood up and went to the spot where FR was standing. Pinatong nya ang kanyang dalawang kamay sa balikat ni FR. Their eyes met. Daniel felt that FR was shaking. He smiled.

Why are you shaking?” tanong nito

Huh? Hindi ah.” sagot ni FR

You are.” Daniel firmly said

FR took a deep breath.

Fine!”

FR tried to relax himself. Daniel watched him. Daniel was analyzing his moves, his gestures, his totality. It was really obvious na gusto ni Daniel na maging mas kumportable si FR sa kanya. At hindi nya mapaliwanag kung bakit.

Daniel smiled at him. FR realized na para lang syang tangang nagpapanic sa harap ng isang anghel na mukha namang hindi sya sasaktan. He looked at him. Daniel led him to the couch na kanina pa nagaantay na maupuan.

FR felt how soft the couch was. Sa sobrang lambot nito ay halos lumubog na ang kanyang likod dito. Daniel sensed that FR already adjusted. Nakita nyang mas nagloosen na ang mga kilos nito. Hindi na rin masyadong mabilis ang kanyang paghinga di gaya kanina.

So, movie?” tanong ni Daniel kay FR

Anong movie naman?” sagot nito

Any will do. Chick Flick?”

You do flicks?” napangiting tanong ni FR

Daniel gave him a quizzical look.

Oo naman. Bakit?” tanong nito kay FR

Wala naman.”

FR smiled. Natuwa syang marinig na mahilig din si Daniel sa mga Chick Flicks. Commonly kasi, nasa isip ni FR na kapag mayaman, kadalasan eh Sci-Fi at Fantasy movies ang gusto. Napagtanto nyang dapat pa nga nyang mas makilala si Daniel.

So paano? Get a disc, then yun ang papanuorin natin.”

O-okay.” maiksing tugon ni FR

Ikaw na mamili. Gagawa lang ako ng sandwich para may kinakain tayo habang nanunuod.”

Daniel rose to his seat at mabilis na tinungo ang kusina. Nakita ni FR ang bawat kilos ni Daniel. Daniel opened the fridge at may kinuha itong mga sangkap para sa sandwich. While looking at him, FR felt that he's a very independent guy. Kaya nyang magluto at napakasinop nito sa bahay. Wala man lang bahid ng alikabok ang mga furniture. Nakakatuwa ito.

FR. Stop staring at me.” pabirong sabi ni Daniel

Naconscious si FR. Hindi nya namalayan na nakikita pala sya ni Daniel mula sa kusina. He quickly threw his eyes sa rack ng DVD's na nasa gilid ng TV.

Hindi kaya ako tumitingin sayo. Feeling ka masyado.” FR said in defense

Daniel laughed.

Ahh okay. Sige. Hindi mo na ako tinitignan.”

Che.”

Tinignan ni FR ang mga DVD. Karamihan sa mga ito ay puro Romance movies nga. Nagkakaidea na si FR na may pagkaromantiko si Daniel. Well, hindi nya sigurado. Pero kung ibabase sa mga larawan, masasabi nyang sweet ang isang to.

Patuloy si Daniel sa paggawa ng Tuna Sandwich para sa kanila ni FR. He has never done one in his entire life, ngayon ang kauna-unahang beses na gagawa sya ng sandwich. Napangiti sya ng makita si FR na abala sa paghahanap ng kanilang papanuorin. Laking pasasalamat din nya at pumunta ang naglilinis ng kanyang bahay kaninang umaga kaya malinis ang kanyang bahay.

Daniel, kung Sweet November kaya?” pagtawag ni FR sa kanya

Sad story yan. You like?” tanong nya rito

Ayos lang. Sige eto nalang.”

Sinilip nya si FR mula sa maliit na puwang na naghahati sa kusina at sala. Nakita nya ang galak sa mga mata nito. Napansin nyang mas nagiging kumportable na ito sa bahay nya. He smiled. Pinagmasdan pa nya ng husto ang bawat kilos ni FR.

He saw how careful FR was when it comes to his things. Kita nya na sobrang ingat ito at sinop sa mga gamit. Kung paano nya kinuha ang CD sa rack, ganun din nya ito ibabalik.

Minutes passed at natapos na din ni Daniel ang sandwich para sa kanila. He put it in a transparent plate. Nilapag nya ito sa table.

Oh, ayan na, Let's eat.” masiglang bati ni FR

Wow! Sandwich, pero bakit walang inumin?” tanong ni FR

Ahhh! Oo nga pala.” Daniel exclaimed.

Daniel smiled. FR giggled. Before he could say any word, Daniel gave him a quick kiss on the cheek. Nagulat si FR. Walang paglagyan ang pamumula sa kanyang pisngi. Daniel had just kissed him. Mas lalong gumulo ang isip ni FR.

Gagawa na ako ng juice.” sabi ni Daniel

Mabilis at masiglang tumayo si Daniel at parang batang tumakbo patungong kusina. He got the pitcher out of the kitchen cabinet and made them some mango juice. Hindi na makapagantay si FR. Nagugutom na din sya at gusto na nyang makakain. Isa pa ay gusto nyang ibaling sa iba ang kilig na nararamdaman nya.

Daniel, matagal pa yan?” tanong nito

Malapit na po.” sagot ng isa

Sige tulungan na kita jan.”

FR stood up and went to the kitchen to assist Daniel on what he's doing.

Mauna ka na don, FR. Susunod na ako. Dalhin mo nalang tong baso para sa atin, ako na ang magdadala ng pitsel.” sabi ni Daniel

FR nodded.

Nauna si FR sa sala. Pinakinggan nya ang paligid, nagtaka sya at biglang tumahimik ito.

Daniel? Tara na rito.”

O-okay.” sagot nito sa kanya

Daniel felt different. Hindi nya alam kung bakit pero parang bigla syang nahilo. He felt very dizzy. He sat for a while. He was palpitating. Naramdaman nya ang pagpapawis ng kanyang noo. This is not normal. He took a deep breath.

Bakit ganito? Nahihilo ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Magkakasakit kaya ako? Daniel thought

Muli, sya ay humugot ng isa pang malalim na hininga.

Dahan-dahan syang tumayo at kinuha ang pitsel ng mango juice na kanyang tinimpla. He was now heading towards FR when the shit happened. Hindi nya alam kung bakit, bigla nalang nagdilim ang kanyang paningin at bumagsak sya sa sahig. Tumapon sa kanya ang juice na kanyang ginawa.

Nagulat si FR nang marinig ang ingay na iyon. Narinig nyang parang may nabasag at may bumagsak sa sahig. His reflex started working.

Daniel?” He nervously said.

Walang sumagot sa kanya.

He stood and hurriedly went to the kitchen. Nanlaki ang kanyang mata nang makita si Daniel na nakahandusay sa sahig. Sa gilid nya ay ang basag-basag na pitsel at basang-basa sya ng juice na kanyang tinimpla.

He stood there in fear. He was completely terrified.

Daniel!”

I T U T U L O Y . . . .







Thursday, January 5, 2012

Ang Mang-aagaw 2




U.N.A


It was the morning sun that welcomed Philip as he got out of the Airport. He felt euphoria upon seeing the same traffic jam he used to witness years ago. Feeling like a renewed person, he walked passionately as he leave the establishment.

Welcome back Philip! Welcome back to the Philippines! sabi ni Philip sa sarili.

Then a bitter smile flashed to his face.

Philip kept on walking as if he was searching something. Ilang segundo pa ang nakalipas,three stocky-muscular guys approached him and bowed as a sign of respect. One held his newly purchased Louis Vuitton bag, one sincerely asked for his 2-pocket Black Suede Kenneth Cole Jacket and the last one guided him to the car.

Ngayong nakafitted shirt nalang si Philip,naramdaman na din nya ang pagkagat ng araw sa kanyang balat. Napangiti si Philip,nasa Pilipinas na nga sya. Para syang Haring may mga bodyguard pa. Binukas ng isa sa mga bantay ang pinto ng Ford Black Expedition,agad na tumama ang mata ni Philip sa nakasakay. Kitang-kita ang gulat sa mga mata nito habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Philip. He had his mouth cupped by his left hand with his eyes opened widely as if he has seen a monster.

Tumawa si Philip sa nakita. He has never seen Roj so dumbfounded.

Parang nakakita ka ng multo Roj?” nakangising sabi ni Philip.

Shiiiiiit.” napasigaw na sabi ni Roj.

Ngumiti si Philip, ilang segundo pa ay agad na yumakap si Roj sa kanya. Naramdaman nila ang init ng isa't-isa. Pahigpit ng pahigpit,damang-dama nila ang pintig ng kanilang mga puso. Sa ilang taon nilang pagkakaibigan at sa ilang taon nilang di nagkita,sigurado sila na marami silang pagkekwentuhan.

Holy Shit!” nausal ni Roj.

Philip gave him a cute quizzical look. Roj stared at him with his eyes flooded by tears. Philip raised an eyebrow.

Holy Shit mo your face.”

I can't believe it. I really can't believe it.”

Ang alin Roj?”

You've changed.”

Oo naman. Tulad ng tinuro mo sakin. Ginawa ko lahat para mabago ang sarili ko.”

There was anger in his voice. Roj felt responsible for everything. He was then,alarmed.

Philip did really change himself. Wala na yung nerd na laging nakasalamin. Wala na yung Philip na mababa ang tingin sa sarili. He's a changed person now. Physically,he's scorchingly hot. I was surprised. I mean impressed. Pwede ba both? Wala na yung patpatin na Philip. He's a buff now and his rosy cheeks complemented everything. He just looked awesome. Roj thought.

Oh bakit natameme ka?” nakangising sumakay si Philip sa kotse.

Roj blushed slightly. He smirked. Sinara ng bodyguard ang pinto ng kotse after seeing the two adjusted inside. Umandar ang kotse. Roj and Philip kept on exchanging glances but no one dared talk.

Roj.”

Yep.”

Andyan yung pasalubong ko sa'yo.”

Ha? Ano yun?”

Yung fleshlight na dati mo pa winiwish.”

Philip laughed. Roj blushed.

Asshole ka. Sineryoso mo talaga yung fleshlight na hinihingi ko?”

“Bakit joke lang ba yun? Diba hindi naman? In fact pag magkachat tayo lagi mong nireremind yan.” tumawa si Philip.

Oyy hindi ah! Ang kapal.”

Oo kaya. Kapal nito.”

“Ano ba yan.”

Then there's silence. Back to the same routine,tahimik silang dalawa.

Bakit ganito? Bakit parang ang awkward ng pagkikita namin ulit ni Roj. Ang daming dead air sa conversations namin. Di ko alam kung bakit. Bakit ba ganito? Roj looked so so sooo better now. Mas kuminis sya at mas pumuti,magkasinglaki na rin kami ng katawan. I hate to admit it but yeah,Roj looked hotter. He did. Philip said to himself.

Philip?”

Ahh. Ahh Yeah?” natarantang sagot ng isa.

I'm so happy to see you again. I really do.”

He felt the sincerity with the words of Roj. He must admit that those words sent shivers down his spine. Kinikilig ba sya or what? Di maipaliwanag ni Philip kung ano ba talaga ang nararamdaman nya.

Ditto.” maiksi at nakangiting tugon nya rito.

Philip stared at Roj while saying that word. Roj felt different. He felt hot all over kahit sobrang lakas naman ng aircon. The two of them didn't even blink. They stared at each other,exchanged smiles that seemed to be flirty,a thing that they have never done before.

Bakit ganito ang mga titig ni Philip sakin? Bakit parang iba? Iba na nga sya talaga. Iba ba talaga sya o ako ang nagiba after ko syang makita ulit? Bakit ba ganun? Bakit ba? Ang jerk ko talaga. Roj thought.

No one has seen this coming. Ilang segundo pa ang makalipas mula nang sila'y nagsimulang magtitigan,Philip's face was found drawing near Roj's. Roj on the other hand felt a bit confused with what was happening. Before he could stop Philip from what he was trying to do, huli na. Nagtama na ang kanilang mga labi.

Roj felt his shaft thickening. Philip was enjoying the taste of Roj's sweet,soft lips. They both felt great with their first kiss. The first confusing kiss they ever had. Both of them let go. Nagtitigan ulit sila,ngayon,wala na ang mga ngiti sa kanilang labi. They both looked confused with what just happened. Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Philip. Roj smiled.

I really missed you Roj. Kung alam mo lang.”

Ditto.” sagot nitong nakangiti.

Walang sali-salita,parang magnet na nagdikit ang kanilang mga kamay. May ngiti sa kanilang mga labi.






Patuloy ang masayang kwentuhan ni Roj at Philip sa Starbucks kung saan unang nagkita sila Philip at Arvin. For Roj,it was just nothing, For Philip,ang laki ng symbolism nun. Wala masyadong tao at okupado nila ang isang sofa set sa gilid ng coffee shop. Pinaikot-ikot ni Philip ang mga mata,kahit di man nya aminin,umaasa sya na makita nya si Arvin sa coffee shop na to. Who knows?

Makita lang kita ulit dito. Di ka na lalayo sakin. Philip thought.

He smiled.

Nagkakape pa kaya dito si Arvin?”

Arvin?” takang tanong ni Roj.

Yung unang nagdump sakin.”

There's bitterness in his tone.

Di ko alam. Who knows?” preskong sagot ni Roj.

He curled his eyes on Roj.

Anong problema? Don't tell me galit ka pa rin sa kanya?” tanong ni Roj kay Philip.

Galit? Hindi ah. Ang tagal na nun Roj. Kung sakaling makita ko sila o siya,baka makipagkwentuhan pa ako.”

Good. Atleast okay ka na.”

Okay? Oo naman. Okay na okay ako. Okay na lahat ng plano ko para gantihan silang lahat. Kung paano nila ako pinaiyak noon,doble pa. Yan ang tatandaan nila. ang sabi ni Philip sa sarili


Lumipas ang ilang oras ng kanilang kwentuhan. Alam nila sa kanilang mga sarili na may nagiba sa paraan ng pakikitungo nila sa isa't-isa. Alam ni Philip na iba na ang paraan ng pagtingin nya kay Roj ngayon. Dati ay parang kapatid lang,pero ngayon ay di nya mawari. He couldn't even answer why he kissed his bestfriend and he even held his hand.

Namiss ko lang ba talaga si Roj? Bakit ako ganito ngayon? Hindi kami ganito dati. It's all different. It's weird. But there's a part of me that says I'm enjoying everything. Roj is a good friend. Kaya siguro comfortable ako sa kanya. But we never kissed before? Bakit ko ba sya hinalikan? Bakit ko din hinawakan ang kamay nya?

Then there goes Philip, giving a sigh that made Roj confused.

What's wrong?”

Nothing really. I just kinda miss you.” Philip beamed a flirty smile.

Roj looked fantastically at Philip.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng ngipin ni Philip. And his lips? Holycow! Naalala ko na naman kung paano nya ako hinalikan. Iba yun! I've kissed a lot of guys and girls pero Philip electrified me. Iba yun eh! Bakit ba iba? Bakit parang weird namin ngayon? Bakit ba ganito? Hindi kami ganito dati?

Roj was then surprised to feel Philip touching his face. Nagitla si Roj nang hawakan ni Philip ang kanyang mukha. He felt that touch again. Nostalgic. Nakatitig si Philip habang dahan-dahang hinahaplos ang mukha ni Roj. The latter looked completely puzzled yet he felt damned good. Roj felt that they could be this way forever. Philip felt sincerity with his own actions. He felt that Roj is someone he has to keep.

They both smiled.

Silence.

Roj adjusted his seat. He sat beside Philip. Philip felt a sudden punch of euphoria nang lumapit sa kanya si Roj. The two of them both don't know what was happening, What they know is,they feel home whenever they're together. Something that Roj has never felt,despite the fact that he's a playboy. Something that Philip has never felt, despite the fact that he's got all the money. They felt home in each other's arms. They both gave a warm smile. Nostalgic.




Dumating ang isang grupo ng mga callcenter agents para magkape. All of them got out of the white car except for the driver. Roj and Philip were staring at the car. Humanap ng tamang lugar to park, it took him minutes before he could fit in. Philip was excited to see how the driver of the car looks. For some unknown reasons, he felt excitement. The driver then got out of the car. Philip laid his eyes on him. The guy's familiar. He pinched Roj.

Ohh bakit?”

You remember Arvin?
Yeah. The guy who first dumped you?”

Yeah.”

Why?”

Sya yung driver. Kakababa lang nya ng kotse. Roj,it's really a small world. Sabi ko sayo makikita ko sya sa coffee shop na to.”

Philip looked excited. He was thrilled to see the guy he gave his heart to for the first time. He rose from his seat, Roj looked confused with what the latter's going to do.

Anong gagawin mo?”

Nothing. He has to be reminded.” sagot ni Philip.

Reminded of what?”

Of everything.”

There was sharpness in his voice.

Tumayo sya at sinalubong si Arvin na papasok sa coffee shop. Mabilis syang lumakad papunta sa pinto at umarteng nagtetext para banggain si Arvin. He intentionally bumped Arvin to get his attention. Nagtama ang kanilang mga katawan. Arvin looked at Philip slowly. Philip acted as if he was so apologetic about what happened.

Hey. Sorry. Nagtetext kasi ako kaya di ko napansin.”

Arvin looked at him,scanning his face as if he was trying to recognize him.

Philip?”

Bingo! Natandaan nya ako. Let the games begin!

Hmmm. You know me?” pagmamaang-maangan nito.

Yeah. Philip. It's me. Arvin.” magiliw na pakilala ni Arvin kay Philip.

Arvin?”

Umarte si Philip na parang inaalala nya si Arvin. Seconds after.

Yeah! I remember you!” Philip exclaimed.

Without hesitations, without second thoughts, Arvin hugged Philip.

Tangina ka ha? Humanda ka sakin. Magagantihan kita. Payakap yakap pa? Hahaha!

Who's with you?” tanong ni Philip kay Arvin

Kasama ko ang mga barkada ko. Ibang agents at yung partner ko.”

Ahhh si JD?”

Arvin gave him a why-do-you-know-that look. Without hesitations,Philip again,talked.

Ahh kasi di ka nalang bigla nagtext non, tapos tinawagan ko number mo. May sumagot,according to him,he was your boyfriend.”

Arvin looked guilty.

Ahh.. Ahhh.. Kasi..”

You don't have to explain. Ang mahalaga nagkita na tayo ngayon ulit. Maitutuloy na natin kung ano yung naudlot sa ating dalawa.” Philip said in a flirty tone.

Arvin stood there in a moment. He was really impressed with the changes Philip had. He felt like before. He wanted to have Philip again,but too bad he's taken. He's started having second thoughts. As he was thinking,Philip kissed him quickly,in public. He was then, dumbfounded.



To Be Continued...







Tuesday, January 3, 2012

The Spanish Lullaby


“Your fingertips across my skin, the palm tress swaying in the wind, images.”

You were trying to be calm, it's noticeable with the way you fix your hair after the wind kissed it.

“You sang me Spanish lullabies, the sweetest sadness in your eyes, clever trick.”

Mas lumakas pa ang ihip ng hangin. Patuloy ka sa pagawit ng awiting ito. Kita sa iyong ekspresyon ang kalungkutan. Ramdam ko ang lamig ng iyong tinig, maging ang lamig na nagmumula sa iyong puso ay parang punyal na patuloy na tumatarak sa aking puso. Palalim ng palalim. Padiin ng padiin.

Inayos mo ang iyong sarili. You sat in seiza. Makalipas ang ilan pang sandali ay sumalampak ka sa damuhan na kanina pa sumasalo sa iyong bigat. Pinunasan mo ang marmol na nasa iyong harapan gamit ang iyong dalang pranela. You took a deep breath. Alam kong pinipigilan mong umiyak.

“Kamusta ka na?”

Kahit anong kagustuhan kong sumigaw, alam kong di mo na rin ako maririnig.

“Bakit di mo man lang sinabi sakin lahat?” May bahid ng pagtatampo sa iyong tono.

You looked above. Nakita mo ang marahang pagsayaw ng mga puno ng cacao, waring sila'y nakikiisa sa iyong pagtangis. Nakita rin ng iyong mga mata ang pagpapalit ng bughaw na langit patungo sa isang naranjong dapit-hapon.

“You could have told me.” You sighed. “Sana man lang sinabi mo sakin lahat.”

Gustuhin ko mang sabihin sa'yo, hindi maari. Mas magiging magulo lahat at iniiwasan lang kitang mapahamak. Hinding-hindi kita mabibigyan ng normal na buhay na pinapangarap mo.

Bakit kailangan kong malaman ngayong huli na ang lahat?”

That's the way it is. Alam kong mali, pero sa tingin ko, para na rin sa ikakabuti mo to.

I don't want to cry. I swear, I promised myself that I'm not gonna cry. Kaya ko to.”

Napangiti ako sa narinig.

Alam mo namang ayaw kong umiiyak ka diba? Makulit ka lang talaga.

You are trying not to cry. Alam kong pinipigil mo ang pagluha gawa na rin ng iyong manaka-nakang paghikbi.

You remember our first meeting?” pagtatanong mo. “Lagi mo nalang sinasabi sakin na ang aloof-aloof ko.”

You flashed a bittersweet smile.

Yes. Aamin ako, at first, hindi talaga ako into you. Pero nung lumaon, nung mas nakilala kita, napatunayan kong cool ka pala.” usal mo sabay nguso.

Patuloy ako sa pakikinig sa iyong mga sentimyento. Nakakatuwang marinig lahat ng hinuha mo tungkol sa akin. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Patuloy ka sa pagsasalita. Palihim akong nakinig sa bawat linggwaheng iyong tinuran. I was amazed with the way you spoke. Nanunuot sa aking kaluob-looban ang sinseridad ng iyong bawat salita.

Lagi kang naiinis sa t'wing nagtatanong ako ukol sa mga bagay na gusto kong malaman.” you smiled. “Sa t'wing naalala ko kung paano mo iniiwasan ang usapan kapag attendance mo sa mga lakad ang usapan, napapangiti ako. Nakakatuwa kapag defensive ka. Ang dami mong sinasabi eh hindi naman ako nagtatanong ng husto.” You laughed.

Nakaramdam ako ng kurot sa aking puso. I frowned.

If I were just available at hindi ako committed sa mga responsibilidad ko sa aking trabaho malamang ay lagi akong present sa mga biglaang lakad natin ng ating mga kaklase.

Para kang ilaw, patay-sindi. Minsan nasa nayon ka, minsan wala. Kapag dumadaan ako sa bahay nyo at sinisilip kung nandoon ka, napapasimangot nalang ako kapag walang ilaw sa kwarto mo.”

Nilabas mo ang iyong kulay-abong panyo. Marahan mong inilapat ito sa gilid ng iyong mata. Hindi ko napuna ang pamumuo ng luha rito.

Noon, noong hindi ko pa alam, hindi ko naiintindihan. Ngayong alam ko na lahat, naiintindihan ko na ang mga pagliban mo.” muling nagseryoso ang iyong tono

Salamat sa pang-unawa. Maraming maraming salamat.

Pero alam mo, humingi ako ng sign kay God.” wika mong parang batang nagkukwento “Sabi ko sa kanya, kapag nakita kita sa may Plaza na nakasuot ng damit na pang ROTC, ikaw na nga ang inaantay ko. Malamang nga ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay.”

Nasaksihan ko ang pagtulo ng iyong mga luha habang sinasabi mo ang mga bagay na iyon. Naramdaman ko ang marahang pagdurog ng aking puso.

I so remember that. Nagulat nga ako noon nung nakipagkita ka sa akin pagkatapos ng aming drill sa school. We were asked to wear fatigue at combat shoes. Hindi ko alam na yun pala yung hinihinigi mong sign. And I wonder why mahilig ka sa signs. It's a bit unusual.

“So ayun nga, nakita kitang nakaganung outfit. I hid my feelings. I was actually overwhelmed. Alam ko, from that moment, na ikaw na nga.”

I saw you flashing a bittersweet smile.

I wanted to hug you but I couldn't. I wanted to feel your warmth. I wanted to feel your heart beating.

“Lumipas ang ilang taon, nagkawalay tayo dahil napadpad ka na ng ibang lugar. I never knew where that place was. Namimiss kita, pero tinatago ko. Hindi ako dapat nagdedemand kasi alam kong dapat kanya-kanya pa rin tayo kahit alam kong tinatangi natin ang isa't-isa.” You took a deep breath. “I know we should value individuality. We have our own priorities. Masaya ako dahil at the end of the day, meron akong special someone na nandyan lang para sa akin.” You smiled.

That was heartfelt. Nanatili ako sa aking kinaroroonan. Nakikinig ako sa bawat salitang sinasabi mo.

“Recently, nagulat nalang ako ng may mareceive akong package sa bahay.” Napangiti ka. “I was surprised nung makita kong galing sayo. I opened it and to my surprise, nakita ko yung sapatos na gusto kong bilhin nung magkasama tayo.” Muli, ikaw ay tumitig sa kawalan. “Sa ilalim ng sapatos ay nakita ko ang isang round-trip ticket patungo sa destinasyong iyong kinaroroonan.

Maging ako ay ayaw umiyak sa aking mga naririnig.

“Inayos ko agad ang mga dapat kong ayusin. I filed a leave sa office para makasama ka. Hindi ko talaga maitago ang galak sa aking sarili. Makikita na kita ulit at mahahalikan. Makakasama na kita.”

I smiled.

“Dumating na ang araw ng flight ko. Nakarating ako sa Cebu at pumunta ako sa hotel na napagusapan natin.”

I kept on listening. Alam kong alam ko na ang nangyari.

“Lumipas ang ilang oras ng ating usapan. Walang “Ikaw” na nagparamdam.”

Nagsimula ng magcrack ang iyong boses.

“I waited for hours. Wala kahit ang anino mo.”

Bumuhos na ang mga luhang kanina mo pa iniipon.

“Natulog akong mag-isa sa hotel. Umasa ako na darating ka but you never did. Aminado akong sobrang sakit nung mga panahon na yon. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung magaalala ba ako o magagalit. Hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyari sayo. I honestly didn't know how to feel.”

Tahimik. Patuloy ang mga langay-langayan sa pagbaybay sa malawak na naranjong kalangitan.

“Umuwi na ako kinabukasan, wala kahit saglit ang anino mo. Paulit-ulit akong tumawag at nagtext sayo. Wala kahit isang sagot.”

Sorry. Di ko sinasadya ang mga nangyari.

“Makalipas ang isang linggo, hindi na ako nakatanggap ng tawag sayo. Ni text wala, siguro nahiya ka na sa panggagagong ginawa mo sa akin. Honestly, you disrespected my time.”

I tried wrapping my arms around you. Wala. Hindi maaari.

“Hindi ko alam kung anong naisipan ko, pero pumunta ako sa bahay nyo na ilang bayan lang ang layo mula sa amin.” Napahinto ka. “Nagulat ako nang makita kong sobrang daming tao. Di ko mawari kung anong nangyayari nang mga panahong yon. Pero sobrang daming tao.”

Sumasama sa hangin ang marahan mong paghikbi.

“Pumasok ako sa loob at napagalaman kong may namatay. Bakas sa mukha ng iyong pamilya ang lungkot. Tinanong ko sa kanila kung sino ang namatay.” Mas lumakas ang iyong hikbi. “Naiyak nalang ako nung sinabi nilang ikaw. Lumapit ako sa iyong kabaong, nakita ko ang mapa ng Pilipinas na nakabalot dito. Napatingin ako sa kapatid mo, inamin nya sa akin na isa kang sundalo.”

Pagkasabi mo ng salitang “sundalo” ay bigla nalang bumuhos ang luha sa iyong mga mata.

Hindi ko sinabi sayo kasi alam kong magaalala ka lagi. Ayaw kong isipin mo na lagi akong nasa panganib. Ayaw ko ng lagi kang nagaalala.

“Isa ka daw sa mga pinasabak sa bakbakan sa isang spot na pinaniniwalaang pugad ng mga NPA. Sa kasawiang-palad, hindi ka nakaligtas sa engkwentro.”

Alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinapunta kung nasaan ako noon?

“Pauwi na sana ako nang may biglang inabot sa akin ang kapatid mo. Isa itong kahon. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang singsing.” Muli kang lumuha. “Nabanggit sa akin ng kapatid mo na nakwento mo daw na aayain mo na akong magpakasal nang mga oras na yon at iyon daw ang dahilan kung bakit mo ako binigyan ng tickets para makapagkita tayo.” Nang marinig ko yon, hindi ko na napigilan, bumuhos na lahat ng bigat sa dibdib ko.” Pinahid mo ang iyong luha. “Bakit ba kasi di mo sinabi agad?”

Hindi ko kayang sabihin sayo. Hindi ko kaya.

Inilabas mo ang kahon na aking ibibigay sana sayo.

“Tignan mo, isusuot ko na yung singsing na ibibigay mo sana sakin. Pakinggan mo kung anong isasagot ko sa itatanong mo.”

Will you marry me?

“Yes. Yes, pumapayag ako na magpakasal sayo.” umiiyak mong sabi.

At tumulo ang ating mga luha. Mga luhang nanghihinayang. Mga pusong patuloy na nagaantay. Mga taong patuloy na umaasa.

At patuloy na tumugtog ang Spanish Lullaby sa ating mga isipan.

Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit.

W A K A S