Wednesday, July 30, 2014

Final Requirement 26



1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20   

21 22 23 24 25

A/N: CONGRATULATION SIR MIKE FOR THE SUCCESSSFULL BOOK LAUNCHING, FULL SUPPORT LAGI KAMI NI J KO :) MORE POWER AND GODBLESS!!!
May work na po pala ako kaya sarreh if mabagal ang Update ok sarreh :)
May nabasa lang ako comment last Chapter (25), I do appreciate your comment, and Thank you sa pagbabasa ng story ko :) I’m not rude or anything (Ask my Readers na Friend ako sa FB) yun lang If you’re not happy you can always stop reading and go on with your life. Tao lang din kami tulad mo, may problema, may ups and down sa buhay.
Ok Road map: 2 or 3 Chapters na lang po at Tapos na ang Story ko :)
Maraming Salamat sa pagbabasa :) Promise to make another Story :) Pinag-iisipan ko na gawan ng book 2 ito pero papasabikin ko muna kayo.
I love you J ko :)  lapit na mag-2nd  mot mot hohoho mwaaaah yung salitang “Mahal kita” hindi yun sapat para sa feelings ko sayo <3
Hi Regimar, Eros/Ken ,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey, Kuya Erickson Kuya Akihiko, Lester, Kuya Sai, Kuya Romeo, Kuya Prince, Jonathan , Angel Exo Tacos, Paul, Ethan, Keirlan, Ryan Hormel, John Renz, KUYA Jeys :P, Kris Deleon, Hole Shooter,Red Ian,  - - - - > To Follow yung iba gusto mamention? Add me maybe XD
Malapit na po matapos ang Final Requirement masaya po ako na nasurvive ko ito despite na nagthesis ako, nag-ospital, pabalik balik sa ospital para sa checkups. Actually hindi pa tapos ang pinagdadaanan ko pero pilit ko naman kinakaya dahil alam ko na may taong naka-alalay sa akin.
Salamat Readers at sa mga nagcocomment, I’m trying to be more mature in writing my Story.
Hi K-Fed :)
  
-  g!Yu :-)7    #05


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu (Geevee) at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
THANK YOU SA NAG PM SA AKIN NA SILENT READER KAYA NAAYOS KO ANG SECURITY NG FB KO PWEDE NIYO NA AKO I-ADD :)
Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)





Final Requirement 26

Higit namang nangingibabaw ang kasiyahan kapag kasama ko siya, pero bakit napakahirap ang magpatawad? Sabi nga nila napakadaling magtiwala sa isang tao pero subukan mong sirain ito kahit isang beses lang paniguradong mawawala ito at hindi na muling maibalik pa. Mahirap kapag tiwala ang nasira, maihahalintulad ito sa salamin na kapag nabasag mahirap na ibalik sa dati, mananatili ang marka ng pagkakabasag nito.

Mahal ko si Chard oo sapat na ang pagmamahal ko sa kanya para muli kong ibalik ang pagtatawala ko sa kanya, siguro gusto ko lang muna malaman kung karapatdapat siya sa ibibigay kong pagtitiwala. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ko agad maibigay ulit ang bagay na yon.
"Babe?"
"Babe gising na"
"Tss. Hirap mo naman gisingin Baaaaaaabe”
"Babangon o babangon ng masakit ang tyan o babangon ng masakit ang butas sa pwet?"
Unti unti kong minulat ang aking mga mata at ang mala anghel na mukha ni Chard ang bumungad sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Sobrang higpit.
Akala ko mawawala siya sa akin, at kailangan pa talagang dumating sa ganoong pagkakataon para marealize ko na hindi ko pala siya kayang mawala sa buhay ko.
“A-aray Babe hindi ako makahinga dahan dahan naman, h-hey I can’t breathe”
"Babe s-salamat at ayos ka lang h-hindi ko alam kung anung gagawin ko kung may masamang nangyari sayo"
"Saan mo ba nakuha yang linya mo? Gasgas na eh baguhin mo naman" < --- Chard
"Choosy mo! Pero totoo naman kasi yun babe, baka magpakamatay na lang din ako kung mawawala ka sa akin"
Biglang nag-iba ang muka ni Chard, ang matatamis niyang ngiti ay napalitan ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
“B-babe bakit ka naiyak?”
Niyakap niya ako, at patuloy na umiiyak.
“B-babe bakit ba?”
Tumingin siya sa ng derecho sa aking mata
"W-wala Babe I'm so happy na finally pinatawad mo na ako" < --- Chard
"Sorry Babe kung natagalan ah, kung hindi pa nangyari yung kanina hindi ko pa marerealize na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, pero eto ligtas ka at gusto sabihin sayo na mahal na mahal po kita Babe"
"Thank god were ok now, I can finally take a nice long rest" < --- Chard
"Halika dito sa tabi ko Babe tulog pa tayo"
"Ayoko matulog, gusto lang kita pagmasdan ng malapitan habang natutulog. K-kasi baka hindi ko na to magawa" < --- Chard
"H-ha? Wag ka nga ganyan babe kinikilabutan ako sa sinasabi mo eh kahit kailan hindi ko iniisip ang ganyang bagay"
Ngumiti lang siya at muli akong niyakap.
"Babe mahal na mahal po kita, kahit wala na ako gusto ko ay magpatuloy ka sa buhay mo, Grab every opportunity like there’s no other one coming. Siguro nga may taong darating lang sa buhay natin para ituro sa atin ang ilang mahahalagang bagay para mas maging tayo sa mga mas malalaking pagsubok na maari nating harapin sa hinaharap” < --- Chard
“Tumigil ka nga sa kakaganyan mo. Nakakinis ka na ah”
“Pumikit ka” < --- Chard
“Bakit?”
“Basta pumikit ka na lang ang dami namang satsat” < --- Chard
“Tss, pakasunget nito”
Pagkapapikit ko ay naramdaman ko ang labi ni Chard, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa halik na yon, kasabay nito ang mga luha na galing sa mga mata niya.
“Basta kung wala man ako lagi sa tabi mo, tatandaan mo mahal na mahal kita, ikaw na dahilan kung bakit lagi may ngiti sa labi ko kada umaga, ikaw na super matampuhin kapag may away tayo, ikaw na mabubuhay sa mundo na puro fries lang ang laman sa tiyan. Basta ikaw lang ang una at huling taong mamahalin ko” < --- Chard
Unti unting nawawala. . .
Nawawala ang pagkakalapat ng labi ni Chard kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin.
Pagmulat ko ay wala na siya.
“B-babe?”
“Baaabe nasaan ka?”
Napakatahimik sa loob ng silid, hindi ko alam kung saan nagpunta si Chard, pero napakaimposible na makapagtago siya sa sandaling panahon.
"Chard hindi nakakatuwa lumabas ka na nga"

. . .

"Babe naman eh"

. . .

Naramdaman ko muli ang malamig na ihip ng hangin na parang may nakayakap sa akin pero wala naman, naaamoy ko lang ang pabango ni Chard.

Katawan ko’y nanlamig at nangilid ang luha sa mata, hindi ko alam kung paano, kasi pagtingin ko sa salamin ng Cabinet nakita ko si Chard na nakayakap sa akin.

"H-hindi to totoo, Hindi hindi HIIINDI!"

. . .

"Anak, anak huminahon ka"
Nakita ko si Tatay, mabilis ko siyang niyakap.
"Tahan na anak panaginip lang yun" < --- Tatay
"Parang totoo po kasi Tay t-tapos a-ang s-sama po k-kasi ng panaginip ko, hindi ko kakayanin k-kapag nangyari yun sa amin ni Chard"
"Huminahon ka muna anak" < --- Tatay
Ang alam ko nasa Star city kami. Nakita ko na may dalawang bus na papunta sa direksyon ni Chard at nawalan ata ako ng malay? Panaginip lang ba? pero imposible.
"T-tay? Nasaan po si Chard?"
"Inumin mo muna ito anak" < --- Nanay
Pinainom muna ako ni Nanay ng isang basong tubig.
"Nasaan po siya nay? Tay?"
"Ah eh, Tay pinapupunta na po tayo ni Tito Sam" < --- Kuya Kian
"Ha? Bakit daw tayo pinapapunta ni Tito Sam?"
"Magbihis kana anak tara doon muna malalaman" < --- Tatay
Nasaan ba si Chard?
Baka nasa ospital?
Bakit ba ayaw nila magsalita?
Ayoko ng ganitong pakiramdam yung wala kang kaalam alam sa mga mangyayari. Yung silang lahat alam at ikaw lang ang hindi.
"Kuya? Nasaan si Chard?"
“Ang kulit mo bunso, magbihis ka na kasi” < --- Kuya Kian
Kanina pa ako kinakabahan kasi pakiramdam ko sooner or later may hindi magandang balita akong maririnig. Wala kahit isang matinong sagot ang nakuha ko sa kanila.
. . .
Sa loob ng sasakyan nanatiling tikom ang mga labi nila samantalang ako ay hindi  mapalagay sa aking kinauupuan.
Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, sinubukan kong idivert sa iba ang aking pag-iisip pero kahit anong pagliban ko laging sumasagi sa aking pag-iisip si Chard.
Nasaan ba si Chard? Ayoko isipin na may nanyaring masama sa kanya, pakiramdam ko nag-iintay lang siya kung saan man kami pupunta. nararamdaman ko na nasa maaayos siyang kalagayan.
"Malayo pa tayo bunso matulog ka muna." < --- Kuya Kian
Ipinaling ko na lang sa daan ang aking paningin, nakatitig sa mga poste ng ilaw na nadaanan namin.
Bakit ba ang lungkot ng paligid? 
"Anak kahit anung mangyari nandito kami ah" < --- Nanay
"Ano po ba ang nangyayari? Kanina ko pa kayo tinatanong eh"
"Malalaman mo din mamaya anak" < --- Nanay
"Halika nga dito bunso, wag ka nga masyado mag-isip" < --- Kuya Kian, lumapit siya sa upuan ko at pinahiga sa balikat niya.
"Magiging ayos din ang mga bagay bagay bunso wag kang susuko ah, alam ko madami ka nang pinagdaanan sa maiksing panahon" < --- Kuya Kian
"Sana nga kuya gusto ko na maging maayos ang lahat"
Sana nasa mabuti kang kalagayan Chard.
Sana . . .
Sana . . .
Sa . . .
. . .

Itinigil nila ang kotse sa harap ng bahay nila Chard, napakatahimik parang walang tao sa loob. Lumabas sa loob ng bahay sila Tito, Tita, Kuya Adam, Baby Simon kasama si Jet at Alexa.
Pagkababa ko sa sasakyan ay naramdaman namin umihip ang malamig na hangin. Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan, katulad ito ng hangin na naramdaman ko sa panaginip ko kani-kanina lang.
Ramdam ko din ang bigat at tension sa paligid
"Ah Tita nasaan po si Chard?" < --- Ako
Nakita ko kung papaano nag-iba ang mga reaksyon ng mga muka nila. Matagal silang nanahimik waring hindi alam kung saan huhugutin ang lakas ng loob para masabi sa akin ang katotohanang kanina ko pa hinihingi.
Yumakap si Tita kay Tito Sam
"I'm sorry Andrei but he didn't make it" < --- Tito
Parang tumigil ang buong paligid sa narinig ko, maging ang aking puso.
"A-ano p-pong ibig nyong s-sabihin?" < --- maluha luha kong tanong
"Naalala mo nagpunta kayo ng Star city? Pauwi na kayo when Richard has been hit by the bus and h-his body was . . ." < --- Tita
"Hindi h-hindi totoo yan, buhay siya at nandiyan lang siya sa loob para supresahin ako" < ---  sabay takbo sa loob ng bahay nila
Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang mga bulaklak.
Bulaklak ng patay.
Napatingin ako sa Receiving area kung saan may isang kabaong, nanlumo ako dahil nasa taas ng kabaong ang litrato ni Chard.
"Hindi! H-hindi to totoo sabihin niyo hindi to totoo!" < --- Ako
"Anak huminahon ka" < --- Tatay
"Tay p-panaginip lang to! Sampalin nyo ako tay! Hindi to totoo! Hindi!!!"
Lumapit ako sa may kabaong, nakita ko ang walang buhay na si Chard.
Sa puntong ito hindi ko na napigilan ibuhos ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pinipigilan, ang buong akala ko binibiro lang ako nila tita, pero ngayon na nakita ko na ang walang buhay na katawan ni Chard wala nang saysay na pigilan ito.
"Babe akala ko b-ba walang iwanan? B-bakit ang daya daya mo? Bumangon ka dyan please hindi ko kaya babe! Please! "
"Babe s-sabi mo kakantahan mo pa ako ng Thousand years sa harap ng madaming tao? Babe, mahal na mahal kita bakit sumuko ka? H-hindi ko kaya, b-bumangon ka nga diyan, ang init init kaya sa loob ng kagong hindi ka ba naiinitan? Baaabe"
"Alam mo the moment na dinala namin siya papuntang ospital puro pangalan mo ang binabanggit, mahal na mahal ka daw niya at sana mapatawad mo daw siya sa lahat ng nagawa niyang mali sayo at sorry daw kasi h-hindi ka na niya masasamahan sa mga susunod na mga araw" < --- Kuya Adam
“Papa Andrei hindi mahuhustuhan ni Chard na nagkakaganyan ka" < --- Alexa
"BAAAABE! GUMISING KA NA! H-Hindi pa kita napapatawad kaya bumangon ka d-dyan please naman oh!"
Biglang nanikip ang aking dibdib kakaiyak, nahirapan din akong huminga.
Nangatag ang mga tuhod ko at nawalan ng balance.
Mabuti na lang at nasambot ako ni Kuya Adam
"Andrei?! Dad! Ikuha nyo po ng tubig si Andrei dali! Nahahyper ventilate siya, pakalmahin mo ang sarili mo Andrei" < --- Kuya Adam
"Anak, anak magpakatatag ka, hindi yan magugustuhan ni Chard na nakikita ka ng ganyan" < --- Nanay
"Ang d-daya daya kasi nay, H-hindi niya daw ako iiwan eh, bakit ganun? iniwan niya ako, M-madami pa kaming pangarap, p-paano na yon? baaaabe parang awa mo na kung ginogood time mo lang ako bumangon ka na dyan. . ."
“Kasalanan ko, k-kasalanan ko sana ako na lang ang namatay, napakawala kong kwentang tao, ako na lang dapat ang kinuha niyo”
Hindi pa din ako makapaniwala, parang ang bilis ng lahat para sa aming dalawa, hindi pa maganda ang huling pag-uusap namin. Kung sana pinatawad ko na siya nung naandyan pa siya, kung alam ko lang na hanggang dito na lang ang love story naming dalawa sana sinulit ko na. Ngayon haharapin ko ang mga magdadaang mga araw ng walang isang Richard Alvarez sa tabi ko. Iniisip ko pa lang parang hindi ko kaya parang gusto na sumunod sa kanya kung saan man siya papunta.
Dahil sa labis na pag-iyak nahirapan akong huminga kaya pinaupo muna nila ako malapit sa kabaong ni Chard para mahimasmasan kahit papaano.
 . . .
Pumasok na muna ako sa kwarto ni Chard at sinalampak ang katawan ko sa kama. Sa loob ng apat na sulok na to buhay na buhay ang alaala niya, ang mga kulitan namin, banatan ng pick-up lines, mga kamanyakan niya. Pero isa ang nangibabaw dito namin pinangako na habang buhay kami magmamahalan.
Pero sa dahil isang masalimuot na pangyayari lahat yon ay hindi na mauulit. . .
Kahit kailan.
"Nakakainis ka Babe! Forever pala ah... T-tapos ngayon? Iiwan mo ako! B-badtrip ka! Bakit hindi ka lumaban! Nakakainis ka nakakainis ka NAKAKAINIS KA! Mahal na mahal kita p-pero bakit mo ako iniwan. . ."
Wala akong ginawa sa loob ng kwarto ni Chard kung hindi umiyak at sumigaw. Kung sana pinatawad ko lang siya ng maaga, lahat ng ito ay hindi mangyayari.
Kasalanan ko, at huli na para maitama ang aking nagawa at dadalhin ito habang ako'y nabubuhay.
Totoo nga na kapag kapag nagmahal ka, kakambal nito ang sakit. At sa kalagayan ko ngayon ito yung pinakamasakit, ang mawala ang taong mahal mo ng buong puso, wala tinira para sa sarili.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinuha ko yung kutsilyo doon sa drawer sa may gilid ng kama at itinutok ito sa aking kamay.
"Mabuhay ka para sa akin"
Narinig ko ang boses ni Chard, sinubukan kung hanapin siya sa loob ng kwarto niya pero bigo ako.
Parang hindi ko na din kayang mabuhay.
Desedido na ako, muli kong kinuha ang kutsilyo at muling tinutok sa  kamay ko.
Unti-unti kong ginigilitan ang aking pulso
Nakita ko kung paano lumabas ang dugo.

PAAAK!!!
"Aaaray naman"
"Ayan edi gising. . . Kung anu-ano nanaman ang napapanaginipan mo bunso iyak ka pa ng iyak" < --- Kuya Kian
"Nasaan tayo?"
"Dito daw sinugod si Chard" < --- Kuya Kian
"Nawalan ka daw ng malay sabi nila Jet, binalak mo daw puntahan si Chard nang malapit na siyang mabunggo ng Bus" < --- Tatay
"Binalak ko po siyang iligtas pero mukang wala din akong nagawa, napakawala ko talagang kwenta"
"Wag mo nga sabihin yan bunso, at least sinubukan mo diba? Pero sa tingin mo ba sa saglit na pangyayaring yon maliligtas mo siya? Sige sabihin nating magagawa mong iligtas siya pero maliligtas mo ba ang sarili mo?" < --- Kuya Kian
Ipinagtanong namin kaagad ang room kung saan nakaconfine si Chard, laking pasasalamat ko at panaginip lang yung kanina, may pag-asa pa para maitama ang pagkakamali maraming salamat sa pagkakataon.
Hindi ko na din sinabi sa kanila ang masalimuot kong panaginip kanina.
Pero hindi pa din nawawala ang kaba ko oo nga at nasa ospital si Chard ngunit hindi ko pa din alam ang tunay niyang kalagayan.
Madali namin naabot ang room 601 salamat sa elevator.
Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko parang gustong kumawala sa aking dibdib, hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Chard.
"Eto na yung Room" < --- Kuya Kian
May naririnig kaming pag-uusap sa loob, mukang kinakausap nila tito at tita ang doktor ni Chard. Minaganda naming patapusin muna ang pag-uusap nila bago kami pumasok.
Kamusta kaya siya?

. . .

Pagkalabas ng doctor pumasok na kami. Nanlumo ako pagkasulyap ko sa kalagayan ni Chard, May tube na nakakonekta sa ilong at bibig papunta sa oxygen tank, wires na nakakonekta sa makina para malaman kung normal ba ang pagtibok ng puso. May sugat sa may ulo na nilagyan ng benda malapit sa may Tenga. Benda sa may kaliwang balikat, nakasemento ang kaliwang kamay at mga galos sa tuhod at binti. Nawalan ako ng balanse habang papalapit kay Chard, pasalamat at nasambot ako ni Kuya Adam.
"Sorry po kasalanan ko po ang lahat ng to, kung sana h-hindi po ako nagmatigas hindi sana mangyayari yan kay Chard"
"Don't make it hard for yourself Andrei, hindi mo kasalanan, alam ko yan din ang sasabihin ni Richard sayo" < --- Tita
"Naalala ko nang ikaw Andrei iho ang nasa ospital, ganyan din ang sinabi Chard, wag niyo nga sisihin ang mga sarili nyo aksidente ang nangyari" < --- Tito Sam
"Anong lagay pala ni Chard?" < --- Kuya Kian
"Well kita nyo naman, he's really not in good condition right now, at sabi ng doctor ay 50-50 ang chances niya to live so now were hoping for the best, that he will fight for his own sake, para sa atin at para sa inyo Andrei" 
Umupo ako sa gilid ng kama ni Chard at hinawakan ang kamay niya maiparamdam ko sa kanya na nandito ako at handang sumoporta.
"Babe lalaban ka ah, marami pa tayong pangarap na magkasama nating aabutin, hindi mo pa ako nakakantahan ng Thousand years sa madaming tao napakadami pa nating gagawin. Sorry b-babe sinisisi ko talaga ang sarili ko sa nangyari sayo, kung sana hindi ako nagmatigas, h-hindi ka sana nag-aagaw buhay ngayon, napakasama ko, naiinis ako sa sarili ko"
"Shhhhh . . . Walang sumisisi sayo Andrei hindi magugustuhan yan ni Chard paggising niya" < --- Kuya Kian
Nanatili ako sa tabi ni Chard buong magdamag, Sila Nanay naman ay umuwi na muna, hindi ako pumayag na umalis sa tabi ni Chard kahit anong pilit nila. Kasama ko dito sa loob ng kwarto si Tito at Tita pati sila Jet at Alexa at ang isang private nurse na binayaran ng pamilya ni Chard. Buong magdamag nakatitig sa walang malay na katawan ni Chard habang hawak ang mga kamay nito, na sana maramdaman niya na nandito ako at hindi nawawalan ng pag-asa na magigising pa siya upang ako'y makabawi sa mga  kasalanan na aking nagawa.
"Papa Andrei magpahinga ka na, bukas na yung Ball hindi maganda yan sa boses mo" < --- Alexa
"Hindi na ako kakanta"
"Loko ka, hindi yan magugustuhan ni Chard, at lagot ka panigurado kay Sir Peps" < --- Jet
“Paano ako makakakanta kung yung nag-aagaw buhay dito sa ospital si Chard, ang gusto ko dito lang ako sa tabi niya sa lahat ng oras, hindi ko siya iiwan”
“Alam mo bang isa sa request ni Chard ay kumanta ka sa ball, sinabi niya yan bago siya mawalan ng malay” < --- Alexa
“Hindi ko kaya”
“Kayanin mo, para sa kanya” < --- Jet
“Susubukan ko”
Hating gabi na pero hindi pa din ako dalawin ng antok, pero sino nga naman ang aantukin kung nasa ganitong sitwasyon ang mahal mo, sana maging maayos na ang pakiramdam mo Chard gusto ko bumawi.
. . .
“Totoot” < --- 1 new SMS
0935*******: Hayop ka anong ginawa mo kay Chard!
Ako: Sino ka? Wala kang alam sa mga nangyari.
0935*******: Si Shane to lumabas ka ng kwarto niya wala kang karapatan tumapak diyan! Lumabas ka harapin mo ako!!!
Ang lakas din naman ng loob pumunta ng babaeng yun dito, at ipinapamuka pa niya sa akin na ako ang may kasalanan ng lahat? Kung hindi siya umeksena, kung hindi niya binalak agawin si Chard sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Siya naman talaga ang puno’t dulo ng kaguluhang ito eh.
Nagpaalam ako kila Tita na lalabas lang sandali para sumagap ng hangin.
Ito na ang oras para harapin ko siya. masyado na siyang pumapapel sa buhay namin ni Chard.
Oras na para tapusin ang kahibangan niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa paghaharap naming dalawa pero handa akong protektahan ang sarili ko.
Nakita ko si Shane sa dulo sa may Terrace ng ospital.
Malalim ang mga mata, parang lango sa alak, yan ang tumambad na itsura ni Shane sa akin, gusto ko maawa sa kalagayan niya pero maalala ko lang ang mga ginawa niya sa akin parang hindi ko na kayang kaawaan ang tulad niya.
“Anong ginagawa mo dito?”
PAAAK!
“Kasalanan mo lahat! Tingnan mo nag-aagaw buhay si Chard dahil sa kagagawan mo!” < --- Shane
“At sino ka para sampalin ako? Sayo nagsimula ang lahat ng ito ikaw Shane! Kung hindi ka nakisawsaw sa amin wala ngayon si Chard dito sa ospital na to”
“Pero kung hindi dahil diyan sa pag-iinarte mo hindi mabubungo si Chard, sana ikaw na lang ang nabunggo!” < --- Shane
“Sana nga ako na lang”
“Sinasabi ko sayo Andrei, kapag may hindi magandang nangyari kay Chard, itaga mo sa bato hindi kita patatahimikin” < ---- Shane
“Bakit sino ka ba? ako BOYFRIEND ni Chard eh ikaw? Kabit? Ay hindi nagpupumilit na kumabit, yun nga lang hindi nagpa-kabit yung kinakabitan. Kaya wala kang karapatan na pagbantaan ako dahil ikaw ang epal dito tandaan mo yan”
“Hayop ka!” < --- Shane
Sinugod ako ni Shane at sinabunutan.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.
“A-aray . . . B-bitawan mo ako!” < --- Shane
“Wala kang karapatang saktan ako, matagal na akong nagtitimpi sayo, pasalamat ka at babae ka, kung hindi baka hindi ka na nahinga ngayon. Hindi siya sayo Shane at kahit kailan hindi siya magiging sayo sinisigurado ko yan. Handa akong protektahan ang sarili ko kung kinakailangan”
“Hinding hindi ko palalagpasin ang mga ginagawa mo sa akin Andrei, akala mo basta basta na lang ako susuko?” < --- si Shane kinuha ang dalang patalim sa bag niya.
Wala na akong takot, hindi ko alam sa mga oras na to wala na akong nararamdaman na kahit ano. Ang gusto ko kang ay matapos na ang lahat ng sigalot na nangyayari.
“Yan na ang pinagmamalaki mo?”
“Yes at sapat na ito para patayin ka, siguro kapag nangyari yun mamahalin na ako ni Chard”
“Desperada”
“Farewell Andrei” < --- Shane
Sinugod ako ni Shane, winasiwas ang kutsilyo.
Nakaiwas naman ako pero nadaplisan ng kaunti ang aking braso. Masyado malayo ang nurse station para makahingi ng tulong. Muling lumapit sa akin si Shane dala pa sin ang kutsilyo, hindi na ako nagpasindak. Kinuha ko yung trash can sa tabi ko at binato sa kanya.
BLAAAG!
“Walang hiya ka papatayin talaga kita!” < --- Shane
“Sige lumapit ka, nakikita mo tong paso? Ito ang lalanding sa ulo mo sinisigurado ko sayo!”
Nagsidatingan ang mga Nurse at security guard, narinig siguro nila ang ingay na ginawa ng pag-kakabato ko sa Trash can.
“Miss, ibaba mo na yang hawak mo” < --- Security
“H-hinde hinde! Walang makakapigil sa akin! Lumayo kayo, lumayo kayo!!!” < --- Shane
“Sumuko ka na Shane”
“Malapit na kita mapatay so bakit ako susuko? I’m gonna make sure na hindi masasayang ang paghahanda ko para sa araw na ito!” < --- si Shane sumugod sa akin.
Kinuha ko yung paso at binato ko sa kanya.
Nakailag siya.
Lumapit ako sa kanya at nakipag-agawan sa kutsilyo. Wala na sa sarili si Shane marahil sa labis na alak na ininom. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano kasidhi ang pagnanais niya na mapatay ako.
“Tumigil ka na Shane, wala naman pupuntahan yang pagpupumilit mo eh”
“Wala kang pakialam!” < --- Shane
Madali kong naagaw ang patalim na hawak niya at tinulak ko papunta doon sa security guard. Nagpupumilit siyang magpumiglas pero higit na mas malakas ang security guard kaya wala siyang nagawa. Nanlilisik pa din ang mga mata ni Shane, matindi talaga ang galit sa akin ng babaeng ito.
“Oh my god Andrei are you ok? Yung braso mo may sugat” < --- Tita
“Ok lang po ako Tita, siya po ang may kagagawan nito”
“And who are you young lady? Bakit mo sinaktan si Andrei?” < --- Tita
“Ano po bang pakialam niyo at sino po ba kayo?!” < --- Shane
“I’m Chard’s mother” < --- Tita
“S-sorry po Tita ako po si Shane, mahal na mahal ko po ang anak niyo, hahayaan niyo po bang mapunta na lang sa isang baklang katulad ni Andrei ang anak niyo?” < --- Shane
PAAK!
Nabigla ako sa pagsampal ni Tita kay Shane
“How dare you, alam mo naman na bakla din ang anak ko? At anong karapatan mong “Langin” ang bakla eh mas matino pa sila kaysa sa tulad mong babae, and please tanggap ko kung ano ang anak ko, at alam ko kung gaano yan kasaya kay Andrei, at yan si Andrei ay napakagandang impluwensiya sa anak ko kaya wala akong nakikitang mali sa kanilang dalawa. Sige na ikulong niyo muna yan ng 24 oras para magtanda” < --- Tita
“HINDI PA TAYO TAPOS!” < --- sabi ni Shane sa akin
“Subukan mo ulit na saktan si Andrei I’m telling you young lady hindi mo magugustuhan ang gagawin ko” < --- Tita
Hinila na ng security si Shane, ako naman ay bumalik sa room ni Chard at doon nilagyan ng bondage ang sugat ko sa braso. Pasalamat na lang ako at hindi nagtagumpay si Shane sa plano niya laban sa akin. Tulad ng sabi ni Tita nakahold sa police station si Shane at doon siya magpapalipas ng gabi sa loob ng kulungan. Tinatanong din ako nila Tito kung gusto ko ireklamo si Shane, ngumiti na lang ako at umiling gusto ko na lang matapos ang kaguluhan.
“Babe sorry ah gumawa kasi ng eksena si Shane eh ayan tuloy usap-usapan tayo sa labas pero wag muna pansinin yun ok na nagawan na ng paraan kaya magpahinga ka lang diyan ah”
Yumuko ako sa kama ni Chard at doon natulog habang hawak ko ang isa niyang kamay.
. . .

“TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT”
“Chard? Chard!!! Nuuurse!!!” < --- Tita
“T-tita ano po ang nangyayari?!”
“S-si Chard h-hindi na tumitibok ang p-puso” < --- Tita
Nagising ang buong pagkatao ko sa sinambit ni Tita.
“B-babe? Babe! wag kang ganyan Babe ito ito, nararamdam mo yung t-tibok ng puso ko diba? Tumutibok yan para sayo, wag kang susuko Babe p-parang awa mo na . . . h-hindi ko kaya ng wala ka, hindi ko kakayanin”
Pinaalis ako ng mga nurse, mas mabuti dawn a sa ICU irevive si chard para mas matutukan iyo ng mga nurse at doctor.
Mabilis na itinakbo si Chard Pababa sa ICU, parang mawawasak ang puso ko kanina habang pinapanood kung papaano nila sinusubukang irevive si Chard habang papunta sa ICU. Pinipilit kong maging matibay para kila Tita, kay Tito, kay Kuya Adam at syempre para kay Chard.
Magiging ayos din ang lahat.
Lalaban si Chard, tama lalaban siya para sa amin.
“Tita magiging ok po si Chard, magiging maayos po siya”
Kailangan kong maging matatag, si Chard hindi sumusuko dapat kami din. Sila tita sinusubukang maging mahinahon sa lahat ng oras dapat ganoon din ang gawin ko.
. . .
Ngayon na pala ang Ball, wala akong gana pumunta gusto ko lang ay ang bantayan si Chard.
Makalipas ang 15 minuto lumabas ang doctor ni Chard.
“Stable na ang kondisyon ni Mr. Alvarez pero para mas makatiyak tayo ay dito muna siya maglalagi, maari po muna kayo mag-intay sa room ng pasyente”
“Thank god, thank god” < --- Tita
“Ah eh Kailan po kaya magigising si Chard Dok?”
“Maybe after 3 days kung mag-stabilized ang condition niya ngayon, we still need to monitor his condition” < --- Doc
“S-salamat naman kung ganon, Tita sabi ko naman sa inyo lalaaban siya para sa atin”
“I know, salamat at hindi siya sumuko” < --- Tita
Bumalik muna kami sa Room ni chard para dito na lang siya intayin, ako naman ay nagpapractice ng kakantahin ko para mamaya sa Ball, sana lang makanta ko ito ng maayos.
Pinauwi muna ako nila Tita para daw makapagprepare sa Ball, hindi sana ako papayag pero mas mainam ito para makapag-ayos at makondisyon ang aking boses para sa pagkanta mamaya.
Bago ako umuwi, naisipan kong dumaan sa Sea side.
Makulimlim na kalangitan, malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa sea side, naisipan ko magpahangin dito dahil nakakapanatag ng kalooban pagmasdan ang alon sa dagat.
“Tootoot” < --- 1 New SMS
Alexa: PAPA ANDREI NASAAN KA NA BA? NANDITO SA BAHAY NIYO SI SIR PEPS!!!
Balikwas ako sa pagkakaupo sa sea side at nagmadaling umuwi, akala siguro ni Sir Peps hindi ako kakanta sa Ball.
. . .
Pagkarating sa amin, nandoon si Jet at Alexa kasama si Sir Peps.
“Naikwenta na sa akin ng kaibigan mo ang nangyari Andrei, I hope Chard’s ok now? And I hope you can sing for the event later” < --- Sir Peps
“Pero sir baka po madisappoint ko kayo hindi ko alam kung makakakanta ako sa sitwasyon ngayon”
“Ofcourse, gamitin mo ang “Sitwasyon” nay an and I’m sure you’ll do well” < --- Sir Peps
“H-hindi ko po maintindihan ang ibig niyong sabihin sir”
“Dapat alam mo yan Andrei, It’s for you to figure that out, sige aalis na ako madami pang dapat gawin sa hall” < --- Sir Peps
“Kamusta si Chard?” < --- Jet
“Kanina dinala sa ICU pagkatapos kanina pag-alis ko merely stable na ang kalagayan niya, ayoko sana umalis eh pero may responsibilities din ako sa ball”
“Tama, magiging maayos din si Chard, par wag ka mag-alala masamang damo yun” < --- Jet
“Kayo talagang mag-pinsan”
“HOOOY!!! Aba kilos kilos! Malalate tayo sa Ball my goodness kayong dalawa kwentuhan ng kwentuhan” < --- Alexa
“Sus ok lang malate, hindi din naman ako mag-eenjoy masyado doon eh, siguro pagkatapos ko kumanta uuwi na agad ako para magbantay kay Chard”
“Hay naku Papa Andrei mag-laan ka naman ng oras para sa sarili mo, umaga hapon gabi puro siya ang inaalala mo, oo walang masama doon pero alalahanin mo din ang sarili mo, paano kung ikaw ang magkasakit?” < --- Alexa
“Alam ko naman yun Alexa pero syempre mahal ko si Chard ngayon hindi maayos ang lagay niya, gusto ko siyang alagaan sa ganitong pagkakataon”
“Ok fine wala na akong sinabi, maligo na kayo anong oras na! magsabay na kayong dalawa” < --- Alexa
“Ayoko nga baka pag-nasaan pa ako ni Andrei” < --- Jet
“Ah ganun? Halika dito at bibikwasan kita! Kapal mo oy!”
“Wahaha ako na mauuna” < --- Jet
“Bilisan mo ah para kang babae maligo” < --- Alexa
“Ikaw nga dalawang oras maligo” < --- Jet
“Syempre maganda ako no. . . It’s a part of my daily regimen”
“Arte mo” < --- Jet
“TSE!” < --- Alexa
“Ingay niyo, teka aayusin ko lang yung susuotin ko”
Iniwan ko na silang dalawa doon sa baba, at naligo sa banyo ng kwarto ko, kung iintayin ko pa matapos si Jet malamang sa malamang late na kami.
. . .
Nakarating na kami nila Jet at Alexa sa Venue ng ball si Alvin naman ay minabuting intayin na lang kami sa labas. Masasabi mong talagang pinagkagastusan ang Ball, ang paligid ay puno ng palamuting puso at mga lantern na kulay pula. Ang entrance ay naka red carpet animoy isa itong awards night kung titingnan. ang mga puno sa paligid ng hall ay nilagyan ng Christmas lights na talaga namang nagbigay ng liwanag sa loob ng campus.
Si Alexa ang naging partner ko sa pagpasok sa ball, dapat si Chard ang partner ko pero dahil nasa ospital pa at nagpapagaling si Alexa na ang nagrepresenta na maging partner ko. Maasahan talaga si Alexa kahit sobrang arte at ingay isa yang tunay na kaibigan.
Pumasok na kami.
Kung sa labas ay elegante na tingnan lalo na sa loob, ang kisame ay puno ng lobo, ang mga table naman ay may isang animoy kandila pero isa lamang de bateryang ilaw. Sa isang gilid nakalagay ang pagkain, nasa likod nito ang mga waiters na maglalagay ng pagkain sa iyong plato. Sa stage naman ay makikita mo ang dalawang maskara isang nakangiti at isang malungkot, napapalibutan din ito ng iba’t ibang kulay ng ilaw.
Pero kung anong ginanda nito ay hindi ko na naapreciate. Isa lang ang nasa isip ko at si Babe na yun wala nang iba.
Tinawagan ko si Tita.
“Hello Tita kamusta na po si Chard?”
“kanina medyo nawala uli yung heart beat niya pero ok na kalagayan niya iho so no need to worry” < --- Tita
“Salamat sa diyos sige po Tita nandito na po kami sa Ball medyo maingay po kasi eh, punta na lang po ako pagkatapos nito para naman makapag-bantay ako sige bye po tita”
- - - Call Ended
"Magiging ayos din ang lahat Papa Andrei" < --- Alexa
"Tama siya par may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay, at ang dahilan na yun ay malalaman natin paglipas ng panahon" < --- Jet
"Salamat sa inyo ah, salamat at pilit nyo akong iniintindi" < --- Ako
"Sus wala yon magkakaibigan tayo eh, kaya dadamayan ka namin sa abot ng aming makakaya at alam naman namin na special child ka kaya malawak ang pang-unawa namin sayo" < --- Alexa
“Ah Par magkano pala yung dress na binili natin noong isang araw?”
“Joke lang papa Andrei eto naman” < --- Alexa
“Hahahahaha! O ayan magsisimula na pala" < --- Jet
Nagsimula ang program sa pagkanta ng Lupang Hinirang pagkatapos isang prayer song na kinanta ng Choral group, sinundan ng acknowledgement ng mga professors, Deans at mgamatataas na taong nandoon sa event.
Nagbigay ng isang inspirational message ang aming School president pagpapasalamat sa amin na kung dahi hindi daw sa aming participation ay hindi magiging possible ang event na to, pasasalamat sa mga professors na wala daw sawang nagtuturo sa amin, at syempre ang ating panginoon na may likha ng lahat.
Matapos ang speech ng predisident lumabas na ang representative bawat course per year, pansin na wala si Shane dito, nalaman ko na walang gusto pumares sa kanya matapos ang insidente sa pagitan namin. Hindi ko pa din nakikita si Shane, marahil ito ay nandoon pa din sa kulungan naka detain o wala na siyang muka na maihaharap sa amin dahil sa ginawa niya.
“Ok now let’s hear Mr. Alvin Nikko Crisanto for his rendition of I’m all yours” < --- MC
Lumabas si Alvin sa Stage halata na kinakabahan ito pero nakanta niya ng maayos, puno ng buhay makakaramdam ka ng kasiyahan sa iyong puso sa bawat pagkanta niya ng liriko ng kanta.


I’m all yours tonight
Got a feeling that I can’t deny
Everything about you gets me high
Girl I want this for the rest of my life
I’m all yours

Isang masigabong palakpakan ang nakuha ni Alvin, kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata pagkatapos niyang kumanta, proud kami sa aming bagong kaibigan.
Matapos kumanta ni Alvin ay may isang intermission number ang School dance troupe.
Lumapit sa amin si Alvin.
“Wooow ang galing mo Alvin akalain mo may talent ka pala” < --- Alexa
“Sobra ka naman, pero kanina sobrang kaba ko kasi lahat sila nakatingin sa akin parang hinihintay ng magkamali ako at pagtawanan” < --- Alvin
“Halos lahat naman ng tao Alvin ganyan mapang-husga madalas mali ang tinitingnan at hindi yung tama, pero sa ginawa mo nakuha mi ang respeto nila, galing mo eh” < --- Jet
“Andrei oi, ang tahimik mo naman” < --- Alvin
“Ah eh wala lang”
“Naku alam mo naman kung bakit diba? oi Andrei tawag ka na sa Back Stage” < --- Alexa
“Sige maiwan ko muna kayo”
Nagtungo na ako sa back stage, nandoon si Sir Peps hinihintay ako.
"Ok Andrei, I know your emotionally disturbed right now, use that and you'll get through" < --- Sir Peps
"Ok! Now lets welcome Mr. Andrei de Dios! Let's hear what is the other side of love from him " < --- MC
"Sige hinahanap ka na nila, ipakita mo kung gaano ka kagaling" < --- Sir Peps
Tumungtong na ako sa stage, lahat sila ay naghiyawan.
"Ok Andrei what can you say about love?" < --- MC
"Magandang gabi po sa inyo uhm actually hindi ko alam na may ganito pala, ang akala ko kakanta lang ako." < --- Ako
"Ang masasabi ko lang po ang pag-ibig ay isang bagay na hindi natin ineexpect na darating sa ating buhay, may isang taong magpapatibok sa ating puso. Kaya habang nandiyan pa ay sulitin bawat oras, bawat minuto, bawat segundo. Sabihin nating may mga bagay na hindi permanente sa mundo, unexpectedly bigla na lang sila mawawala, b-basta na lang babawiin ng walang pasabi. Swerte k-kayo kung kasama nyo pa a-ang t-taong mahal niyo k-kasi yung sa akin? Nasa ospital siya ngayon at nag-aagaw buhay dahil sa akin. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ako kung m-mawawala siya. Kung kasama nyo ang taong mahal nyo y-yakapin mo siya ng mahigpit, iparamdam mo ang pagmamahal mo ng buong buo, ok lang sumobra wag lang magkulang hindi natin alam ang maaring mangyari kinabukasan" < --- Ako habang tumutulo na ang luha
"Kaya Babe lumaban ka, gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita and S-sorry gusto kong malaman mo na wala sayo ang mali, kaya magpagaling ka diyan sa ospital I know kaya mo yan at k-kahit wala ka dito ngayon, Ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko Mahal na mahal kita Richard Alvarez" < --- Ako
Lahat sila ay pumalakpak, may mga babaeng nakayakap sa mahal nila, ang iba ay pasimpleng nagpupunas ng kanilang luha at karamihan sa kanila ay umiiyak, gaya ko may mapait din silang pinagdadaanan sa buhay. Nanatili akong nakangiti kahit patuloy ang pagdaloy ng luha, hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko kaya naman hinayaan ko na lang tumulo.
"Ang sabi po niya sa bago siya dalhin sa ospital idedicate ko daw sa kanya ang kantang ito kaya Babe this is for you" < --- Ako


On the first page of our story
The future seemed so bright
Then this thing turned out so evil
I don't know why I'm still surprised
Even angels have their wicked schemes
And you take that to new extremes
But you'll always be my hero
Even though you've lost your mind

Just gonna stand there and watch me burn
But that's all right because I like the
way it hurts
Just gonna stand there and hear me
cry
But that's all right because I love the
way you lie
I love the way you lie, oh, I love the
way you lie

Now there's gravel in our voices
Glass is shattered from the fight
In this tug of war you'll always win
Even when I'm right
'Cause you feed me fables from your
hand
With violent words and empty threats
And it's sick that all these battles
Are what keeps me satisfied

Just gonna stand there and watch me
burn
But that's all right because I like the
way it hurts
Just gonna stand there and hear me
cry
Well that's all right because I love the
way you lie
I love the way you lie, oh, I love the
way you lie, oh

So maybe I'm a masochist
I try to run but I don't wanna ever
leave
'Til the walls are goin' up
In smoke with all our memories

Just gonna stand there and watch me
burn
But that's all right because I like the
way it hurts
Just gonna stand there and hear me
cry
Well that's all right because I love the
way you lie
I love the way you lie, oh, I love the
way you lie, oh

Habang kumakanta ako ay muli kong sinariwa ang mga pinagdaanan namin ni Chard
Unang pagkikita pa lang natin alam kong may kakaiba sayo, mahirap ipaliwanag. May umusbong na kung ano dito sa puso ko na nagbigay ng espasyo para sayo. Naging masaya tayo legal sa panig ko at panig mo at tanggap tayo ng ating mga kaibigan kahit hindi normal ang relasyon nating dalawa sa mata ng maraming tao, tinawanan natin ito at tinawag na 'unique'. Pero tulad ng ibang relasyon may mga pinagdaanan tayong mga unos, unos na naging sanhi ng away natin, tampuhan dahil sa maling akala at minsan nasaktan natin ang isa't isa dahil sa maling hinala.
Lahat ng yon nalagpasan natin ang saya no? Sabi nga nila ang mga unos na to ay nagsisilbing pagsubok, pagsubok kung gaano katatag ang ating samahan kung gaano kadalisay ang pag-ibig natin sa isat isa at kung ang pag-iisip natin ay handa na sa malaking hamon na maaring dumating sa ating buhay.
Bawat oras pinaparamdam kung gaano natin kamahal ang isa't isa at kung siguro kung maari kada segundo pero masyado nang OA yun. Haha makakalimutan ko ba ang pinakauna nating pagniniig, nangangatal ako ng mga oras na yun, hindi ko alam kung anung gagawin ko tinawanan mo ako ang sama ng ugali mo alam mo yon? Pagkatapos nun humirit ka pa ng isa pang round pero hindi kita pinagbigyan napagtanto ko na ibang level ang libog mo sa katawan.
Aminado ako madalas akong magtampo sayo pero alam mong fries lang ang katapat ko at minsan nga ngiti mo pa lang tunaw na lahat ng tampo ko sayo ewan ko ba kung anung meron sa mga ngiti mo.
Pero isang unos ang naging mitsa ng lahat. Unos na maaring maiwasan kung namayani ang pagpapatawad sa puso ko at hindi galit.
Ngayon huli na ang lahat, nasaktan kita ng lubusan. Pinilit mong ibalik ang dati pero nagmatigas ako, ngayon ikaw ay walang malay sa ospital nilalabanan ang kamatayan. Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras, kung pwede lang sana.
Hindi ko alam kung ano na ang aking itsura habang kumakanta basta kailangan ilabas ang lahat ng emosyon na nasa loob hindi dahil eto ang hinihingi ng kanta dahil gusto ko kahit papaano nakakagaan sa pakiramdam.
Panandalian akong tumigil sa pagkanta, nanlalabo ang aking mata dahil sa pag-iyak pero naririnig ko ang pagsinghot ng manonood na parang umiiyak na dahil sa akin.
Matapos kong kumanta ay isang nakakabinging palakpakan ang aking natanggap mula sa kanila inakay naman ako ni Jet paupo sa table namin nila Alexa at Alvin, pinuntahan nila ako sa stage, nanginginig ang buong katawan ko sa labis na pag-iyak.
"Par tingnan mo sila umiiyak, ganyan ka kagaling par congrats" < --- Jet
"Pero h-hindi naman niya ako narinig, baliwala rin" < --- Ako
"Ok lang Andrei navideohan ko naman eh, grabe nagtaasan ang balahibo ko sa galing mong kumanta" < --- Alvin
"Papa Andrei nakakainis ka, nagmuka akong zombie. Nadala ako sa kinanta mo umiyak tuloy ako. Tingnan mo ako!" < --- Alexa
"Grabe guys that was an outstanding performance! I can feel the emotion pouring out at habang kumakanta ni Mr. Andrei talaga namang maluha luha ako, pati pala kayo grabe. . . Palalakpakan natin ulit natin Mr. Andrei De Dios! " < --- MC
Isang nakakabinging palakpakan ang binigay nila sa akin.
"Ngayon naman ay maghahanap ako ng isang studyante na umiyak sa performance ni Mr. Andrei. Ikaw! Ate ikaw nga! Halika dito" < --- MC
"Hello"
"Anong pangalan ni Ate?" < --- MC
"I'm Sam"
"Ok at anong masasabi mo kay Mr. Andrei ay mali sarreh, ano masasabi mo sa performance niya?" < --- MC
"Emegerd! Akin ka na lang po kuya!!! Hihi ang galing mo po kumanta! At ramdam na ramdam namin ang emosyon mo, talaga pong naiyak ako grabe ang galing mo talaga kuya I love you po!" < --- Sam
"Emegerd! Nainlove si Sam" < --- MC
"Kuya Andrei eto po number ko 093 . . ."
"Oops bawal yan nena pasensiya na po, makakabalik ka na sa upuan mo" < --- MC
"Jet ikaw muna bahala kay Andrei ah, mag mmc na ako patahanin mo yan" < --- Alexa
"Sige sige" < --- Jet
"Uuwi na ako"
"Wag muna par" < --- Jet
"Pupuntahan ko si Chard par, hindi din naman ako mag-eenjoy dito. Gusto ko isa ako sa una niyang makita paggising niya, kailangan niya ako ngayon"
"Sige, pero magpahinga ka naman muna kahit kalahating oras lang, maupo ka muna" < --- Jet
"Hi! Kamusta kayo! Ako ang pinakamaganda at bukod na pinagpalang babae sa lahat! Ako po si Alexa at your service!" < --- Alexa
"Wooow! Nahiya ang introduction mo!" < --- MC
"I know right! But wait grabe ang performance ng Papa Andrei ko, nagmuka akong Lady gaga kakaiyak. Tama po kayo ng pagkakadinig ikakasal na po kami ni Andrei kaya wag na po kayong umasa girls, gays and bi's" < --- Alexa
"Alexa hindi masama ang mangarap wag lang ipilit sa realidad" < --- MC
"Tse! Panira ka ng moment anyways, maganda ako, magandang maganda kaya keri lang " < --- Alexa
"Hay wala na ako masabi sayo girl, magsayawan na lang tayo!" < --- MC
"wooooo!" < --- Crowd
"But wait friend may isang humabol na kakanta" < --- Alexa
"What? Wala naman sa Program ah" < --- MC
“Alvin wala naman sa program to ah ang alam ko tayong dalawa lang ang kakanta”
“Oo nga eh, hmmmm baka may biglang naisip si Sir Peps at may nahanap siyang singer” < --- Alvin
"Hindi lahat ng pangyayari planado, nakasulat sa papel. May mga pangyayari na hindi natin inaasahan tulad nito, ang tawag dito ay PANIRA ng moment CHAROT!” < --- Alexa
“Eh sino naman kaya yan?”
“Walang nakakaalam intayin na lang natin ipakilala” < --- Jet
Kakaiba ang kutob ko,
"Ok friend I give you the privilege of introducing whoever it is" < --- MC
"Yes friend we witness happiness and sadness. Now let’s welcome the one who will represent love that will last FOREVER" < --- Alexa
Dumilim ang buong paligid.
Bukod tanging stage lang ang maliwanag na unti unting binabalot ng usok.
Lumabas ang isang lalaking nakamaskara.
Lahat ay nagtatanong kung sino ang misteryosong lalaki na nasa stage, ang buhok nito ay nakaporma na parang buhok ni Edward Cullen.
"Magandang gabi po sa inyong lahat" < --- Masked guy
Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Bakit pakiramdam ko magiging malaking parte siya ng aking buhay?
Sino ka?
Sino ang lalaking nagtatago sa likod ng maskara.
Kaboses niya si . . .

Itutuloy >>>