Thursday, September 29, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 14)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater


             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING



             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)









            Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagsasama natin hanggang sa chapter na ito. Maraming salamat po sa pagbabasa at pagsupport sa story na ito.. Hindi ko aakalain na dadami kayo ng ganito. Kaya maraming maraming salamat po talaga. Sana magsama sama tayo hanggang sa huli.

            Muli, ay nais ko pong pasalamatan sila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

             Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!!

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!

            ENJOY!!!!!! :)





          Pagdating na padating ko kaila Art ay agad akong bumaba ng tricycle at tinungo ang bahay nila Art. Pero ng makapunta ako dun ay tumambad sakin ang isang nakatayong tao sa harap ng gate nila Art at sa ichura nya tila ay parang may hinihintay din siya..


Si Jenny.

Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay sumenyas lang ito na lumapit gamit ang ulo nya. Dahan dahan ako napalapit at ng tuluyan ng makalapit ay umiling iling ito at yumakap sakin. Unti unti nanamang namuo ang luha sa mata ko. At naramdaman ko na ang pagbagsak nito.

“I was too late….”

Kahit pa nasa gitna ng kalsada ay di ko na napigilan na hindi umiyak. Sising sisi ako dahil di ko sya naabutan.

            Nilinga ko ang bahay nila Art na mas lalong nawalan ng buhay ngayon pang wala na sya dun. Humagolgol ako habang yakap yakap ako ni Jenny. Kung sana mas napaaga lang ang pagpunta ko. Taena….

 Pumara naman ng tricycle ulit si Jenny at inuwi ako samin.

            Habang nsa loob ng tricyle ay humahagulgol ako.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naiinis ako kay Art dahil bakit hindi man lang nya sinabi sa akin na aalis pala sya. Napaka unfair! Hindi ko alam ang sasabihin sa sarili upang kumalma. Hinayaan lang din ako ni Jenny na umiyak ng umiyak.

Pagpasok ng bahay at tinungo agad namin ang kwarto ko. Humiga ako sa kama at dun na nagiiyak ng tuluyan. Umupo lan si Jenny sa tabi ko at umiiyak na rin. Alam nya ang nararamdaman ko kahit di pa ako magsalita.

            Bigla ko dun naalala ang lahat, ang text ni Jenny na “make things right before its too late.” Ang pakikitungo ni Art sakin kahapon. Kaya pala balisa sya at malalim ang iniisip kahit ano pang pagpapasaya ang ginawa ko sakanya. Mas lalo akong humagulgol at nagiiyak.

            “Kung alam ko lang!! TANGINA!!! KUNG ALAM KO LANG!!”, sinisigaw ko sa utak ko habang nagiiyak pa rin. Sobrang sakit at hirap para sakin ang desisyon ni Art na yun. Hindi ko maiwasan na di magkaron ng galit para kay Art. Bigla akong bumangon at sinigawan si Jenny.

            “Bakit hindi mo sinabi sakin??!!!”, pasigaw at galit kong sinabi. Umiiyak pa rin si Jenny. Pero pilit nya kumalma at pinunasan ang sariling luha.

            “Jerry, I tried telling you.. Pero you won’t answer my txts and calls. Lahat kami gumawa ng paraan para masabi sayo, pero naging mailap ka. I’m so sorry Jerry.”, kalmadong sagot nya.

            “He wanted to tell you himself at nirespeto naming lahat yun. He blames himself for everything. I know you don’t blame him.. pero iba sakanya..”

            At dun, mas naguilty ako. Kung sana hindi ako nagpakaselfish edi sana nalaman ko ng maaga. Sana napaghanadaan ko ang araw na to. Edi sana mas bonggang preparation ang ngawa ko sa pagsurpresa kay Art. Pero I guess I was too late. Sa sobrang sakit ay niyakap ko si jenny at sakanya nagiiyak.

            “J-J-Jenny… …ang.. sakit…”

            “I know Jerry, pero be strong.”

            At nagiiayak pa din ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari. Sana isa lang tong masamang panaginip. Pero hindi ee.. Tunay ang lahat lahat ng nangyayari. Hanggang sa nagpahinga muna ako sa pagiyak at gusto muna kausapin si Jenny. Umupo ako at nagpunas ng luha. Inhale. Exhale. Isang malalim na paghinga. Kinuha ko sa bulsa ang sulat ni Art at inabot kay Jenny at pinabasa ito.

            “I knew about the first letter, kasama ko sya ng ginawa nya yan, nagaayos kami sa bahay nila nun ng mga gamit nya na dadalhin nya papuntang Amerika. Medyo late na nga kami nakauwi ee. Ako sana magbibigay sayo nyan pero sabi ko wag pa din sya mawalan ng pagasa.”

            Natahimik ako at naalala ko ang eksena sa bahay nila Art. Kaya malamang ayaw nya ko papasukin sa kwarto nya ay dahil baka makita ko ang mga gamit nya. Ang sinabi ni Albert at ang pagcut ni Tita Marissa sa anak. Dun ko napagtanto na ayaw nila pangunahan ang anak. Kaya rin pala ganun na lang din ako yakapin ni Tita bago kami umalis.

            “Jenny… may itatanong ako sayo.. Gulong gulo na kasi ako sa mga nangyayari.. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko….”

            Nagbuntong hininga si Jenny at nagbigay ng isang tingin na tila ay pagod na pagod na.

            “Jerry.. alam mo.. I’ve been helping you figure that out this entire time. At yan din ang tanong na pinakahihintay ko galing sayo.. Pero di ko sasagutin yan. Tutulungan kitang sagutin ang mga yan sa pagtatanong din sayo. Gusto ko sagutin mo ang mga tanong ko sayo.”

            Tumango lang ako.

            “Ok.. Una, bat sa tingin mo nagalit si Philip ng makita ka nya na nakayakap kay Art?”

            “Hindi ko alam…”

            “Jerry, be honest. Kahit ngayon lang.. Please. Di kita matutulungan pag di ka naging honest sa sarili mo.”

            “Jenny, how am I suppose to know? Ako ba si Philip?”

            “Oo, youre not Philip, pero youre not stupid din.”

            Napaisip ako. Alam ko naman talaga ang sagot pero ayaw ko aminin.

            “Hmmm.. baka.. nag.. nagseselos? Pero imposibl..”

            “Oo, nagseselos sya Jerry. Sa wakas! Nagets mo din!”

            Natahimik lang ako. At syempre in shock sa nalaman. Bakit sya magseselos?

            “Bakit sa tingin mo nasasaktan ka ng tuluyan sa pagaaway nyo ni Philip? At bakit ka din nasasaktan ngayon na wala na si Art?”

            “Kasi bestfriend ko sila, at wala na sila?”

            “Jerry, honest sabi.”, medyo tumaas at matigas ang pagkasabi ni Jenny.

            “Jenny…….”

            “Hmmmm??”

            “Mahal daw ako ni Art….?”

            “Alam ko. At alam namin nila Ben. Matagal na.”

            “You knew?”

            “Oo, pero tulad ng sabi ko, I wanted you to figure this out on your own. Tulad ng sabi ko sayo, pakatotoo ka.”

            Speechless ako at nagisip mabuti.

            “Jerry, ano naramdaman mo ng halikan ka ni Art o ni Philip noon? Alam ko nagulat ka sa tanong na to, pero alam ko ang ibang detalye dahil nagsasabi sila sakin.”, pero tahimik pa rin ako. Hindi ko alam ang isasagot.

            “Osige, ganto nalang. Bat sa tingin mo ganyan ang nararamdaman mo? Yung totoo jerry ha.. Yung totoo..”

            Napaisip ako ng malalim. Sinariwa ang bawat alala. Bawat kasiyahan, kalungkutan, sakit at kaginhawaan na nadama ng mga panahon na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nagisip ako ng malalim. Mas nagdikit dikit na ang lahat ng pangyayari sa utak ko. Ngayon. Sure na ako. Alam ko na kung bakit all this time, eto ang nararamdaman ko. Ito lang pala yun. Ito na pala. Tumingin ako sa mga mata ni jenny at sinabing..

            “Hindi ko alam Jenny”, at napaluha nanaman ako. Nagiiyak.

            “Jerry, if you still continue to deny everything. Hindi na kita matutulungan. Hindi ko kaya if you wont help yourself din.

            “Jenny.. mahalaga sila sakin! Ayaw ko silang mawala sakin! JENNY MAHAL KO SILA!!!!

            Tumango si Jenny sa pagsangayon. Pero nang makita nanaman akong iiyak, e biglang naramdaman ko naman ang kanyang palad na tumama sa mukha ko.

            PPPPAAAAKKKKKKKKKK!!

            “ARAY! Para saan yun?!”, medyo inis kong sinabi kay Jenny.

            “Baka kasi makatulog ka nanaman! Buti naman, narealize mo na ang totoo! Ewan ko ba naman kasi sayo! Ang lakas mo maka tanga! E kung noon ka pa sana umamin dyan sa sarili mo! Edi sana wala tayong problema pare pareho.”

            Nanahimik ako at unti unti nanamang umiyak. Sumasariwa sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang pagsurpresa ko kay Art sa bahay nila.. Ang paglabas naming dalawa.. Ang pagkanta ko sa karaoke.. Ang pagnood naming ng sine.. Ang pagiging sweet naming habang kumakain.. Ang mga nangyari dito sa bahay.. Ang mga yakap at halik.. Tangina.. Ang sakit..

            “Jenny, alam mo ba yung feeling na katatayo mo palang, e babagsak ka na uli? Jenny, Akala ko, finally, things are going well. Unti unti nang maayos ang mga bagay sa buhay ko.. Things are finally falling to its proper place. Pero I thought wrong. I didn’t see this coming.”, pagmamaktol kong sinabi kay Jenny..

            Natahimik si Jenny at hindi agad makapagsalita. Tinitingnan lang ako nito at inaamo ako. Hanggang sa nagsalita ito.

            “Jerry, sa unang pagkakataon, di ko alam ang sasabihin ko sayo….”

            “Ganto pala kasakit ang magmahal Jenny..”

            Sa wakas, natauhan na rin ako. Sa tinagal tagal ng panahon, naamin ko na rin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. After ng ilang chapter nyo na pagbabasa ay ngayon ko lang naamin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. Ang tagal ko nasa denial stage at eto ang humantong.Wala na si Philip.  Wala na si Art……. :( Sad.. pero totoo….


            Sa natirang isat kalahati pang bwan na bakasyon ay nagkulong lang ako sa bahay. I chose to go through with it alone. Masakit at mahirap. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang nangyari sakin noon sa sakit. Nawalan ako ng gana lumabas, kmain, at makipag socialize.. In short, broken hearted ako..


           



            Nagsimula na uli ang classes namin para sa 4th year. Hindi ko man sure kung paano ko pa rin haharapin ang bukas ngayong naamin ko na sa sarili kong mahal ko si Art.. Pero wala na sya. Wala ng susundo sakin sa umaga, wala ng babati sakin ng umaga ng isang napakasiglang “Good Morning!”, wala ng mangungulit sakin pagupong pag upo pa lang, wala ng mangaasar at magpapatawa sakin, wala na kong kasabay umuwi. Nakakadepress..

            Nagsimula ang unang linggo ng klase at ako’y naghihintay pa rin ako kay Art. Baka kasi mag late enrollee lan xa. Pero mukhang bigo ata ako. Di ko tuloy maiwasang maghinayang sa sinayang kong pagkakataon. Malungkot ang naging simula ng taon ko. Bigla ko tuloy namis ang unang araw ko sa klase last year. Napakaraming masayang alala ng mga araw nay un. Lahat kasi bago sakin. Bagong kaklase, bagong kaibigan, bagong pagtuklas sa sarili. At ganun din naman ngayon, kaso ibang iba. Bagong kalungkutan, kasawian, at problema.

            Pilit kong di isipin ang lahat ng kalungkutan na nadarama at nag focus na lang ako sa studies ko. Total, graduating na ko this year kaya kailangan mas pagbutihin ko. Pero alam nyo, sa kabila ng lahat ng yun, masakit at mabigat sa loob ko ang lahat. Araw araw ay namuo ang galit sa puso ko. Galit para kay Philip kasi pakiramdam ko wala syang kwentang kaibigan. At ang kay Art naman ay dahil bigla nya kong iniwan. He had the chance to tell me pero bakit hindi nya ginawa? Iiwan din pala nya ko. Parehas lang sila ni Philip.

            Nagbago ang paguugali ko nung 4th year, naging babaero ako at nagkaroon ng ilang girlfriend. Madalas man ako pagsabihan ni Jenny ay minsan ay nababalewala ko na ito.  Gumawa ako ng bagong ako. Mas matatag, mas matapang, at mas buo ang loob. Kung kani kanino ako nakikipagdate. Mapababae man o lalake. Yung iba pa nga ay inuuwi ko sa bahay. Though wala pa akong inuwing lalake sa bahay para maka sex. Ewan ko, pero ayaw ko pa rin. Hanggang flings and flirts lang ako. Unti unting tumitigas ang puso ko. Nakalimutan ko na si Philip at si Art, dahil napalitan na ng galit lahat. Nakakalungkot mang isipin, pero totoo. Naglaho na ang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanila.


Tapos ang storya.


Syempre hindi pa. Pero totoo, nawala na ang pagmamahal ko para sakanila. Pakiramdam ko naman kasi hindi ako pinahalagahan. Or kung ako man ang hindi nagpahalaga, basta ang isip ko nun, iniwan ako. Tapos.

Dumaan ang halos isang bwan at walang Art na nagpakita. Dala ko pa rin ang sakit at kirot sa puso ko. Pakiramdam ko nagiisa ako. Oo, sige, andyan ang mga kaibigan ko, pero alam nyo ang pakiramdam ng pag nagmamahal kayo diba? Hindi madali isang tabi ang lahat ng sakit.

Dumaan uli ang botohan at victory party. Naalala ko ang kaganapan last year na inlove ako at excited dahil may girlfriend ako at nagmamahal ako. Ngayon, may girlfriend ako, si Joyce, pero di ko sya maseryoso. Pangit man pakinggan, pero totoo. Puno ng pagkabitter ang utak at puso ko. Ayaw ko na masyado maging emotionally attached dahil ayaw ko ng masaktan! Masisi nyo ba ko kng ganun?! Two people at almost the same time ang nanakit sakin. How could I easily cope with that? Yes, I’m a strong person, pero remember, even strong people grow tired and weak.




Dumaan pa ang araw at panahon at ganun pa din ang sistema ko. Bitter sa mundo at sa love. Hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon. Usually ay papalit palit na ko ng girlfriend at kadate. Hindi na ata nagustuhan ni Jenny ang pinaggagawa ko, kahit sino naman yata. Pero she remained a friend to me. So gumawa sya ng way para matulungan ako.

Isang araw sa school habang nag P.E kami…..

“Jerry, samahan mo ko mamaya ha.”, sabi ni Jenny.

“Saan tayo pupunta? May date ako mamaya.”

“Pagbigyan mo naman ako?? PLEASE??”, nakangiti at pagpapacute nyang sinabi. Hindi na tuloy ako makatanggi. Sa lakas din ba naman ni Jenny sakin.

“Osige sige. Payag na ko. Pero san ba?”

“Yehey! Basta! Later!”, nakangiti nyang sinabi.

Natapos na ang klase at naglakad na kami ni Jenny. Papunta sa school gym. Ano ginagawa namin dito?! Nakita ko ang grupo ng kalalakihan at kababaihan na naka jogging pants at rubber shoes. Ano meron?

“Magttry out ka ha!”, nakangiting sabi ni Jenny.

Napanganga lang ako sa sinabi nya.

Oo nga pala! Member nga pala si Jenny ng pep squad. Kaya naman sexy at malakas ang dating din nito dahil isa sya sa mga hottest cheerleaders ng school. In fact, sya ang captain ng high school division.

“Magttry out ka ha!”. inulit nyang sinabi sakin.

“Gago ka ba? Bat ako papasok dito?”, tugon ko kay Jenny.

“Jerry, bes, pagbigyan mo na ko. Hmmm.. Namimis na din kasi kita kabonding. Eversince school started, alam natiin pareho na nagbago ka. And as ur friend, iniintindi ko yun. Pero at the same time, gusto pa din kita tulungan.”

“Pero Jenny…………. PEP SQUAD??!!”

“You trust me, right?”

“Oo naman.”, tanging tugon ko.

Hindi ko alam kung anong parte ng pagtulong ni Jenny ang pagsali ko sa pep squad. Hindi ko kasi maconnect. Ano naman kinalaman ng pep squad sa pagbabago ko? At pano yun makakatulong? Napakamot ako sa ulo at hindi ko maintindihan. Pero sa laki ng utang na loob ko kay Jenny ay napapayag na rin ako.

Pumunta na kami sa grupo at pinakilala nya ko isa isa sa mga tao dun. Yung iba ay kakilala ko dahil nakikita ko na sa school. Mga kaibigan din ang iba, kaso di masyado close. Nakilala ko rin ang mga college na iba dahil nga friendly ako DATI. Pinakilala din ako sa coach, si Gabriel or Gab for short. Bata pa sya di tulad ng inaasahan ko na coach. Isip ko kasi pag coach, matanda na. Pero ito, apat na taon lang ang tanda nya sakin. Hindi sya katangkaran, pero gwapo sya. Makapal ang kilay, matangos at maliit ang ilong, manipis ang labi, at napaka pungay ng mga mata. Una kong naging reaksyon sa isip ko nung nakita ko sya ay, “Hmm, mukha syang pusa.”

Hindi naman sa pagmamayabang, pero marunong din ako sumayaw. Dancer din kasi ako nung elementary. Active ako sa mga programs at madalas ay ako pa ang leader. Sanay din ako magturo ng sayaw dahil kami kami lang din ang bumubuo ng step. At isa pa ay mahilig na talaga ako sa musika bata pa lang ako. Kaya mabilis ako maka pick up ng steps at makasabay agad. At dahil dun, natanggap ako.

At yun na nga ang naging sistema ko. After school ay nagprapractice na ko ksama si Jenny sa pep squad. Unti unti ko ding di napansin na bumabalik na ang dati kong sigla. Nawawala na ang pagkabitter ko sa mundo. Nakahanap ako ng bagong pagibig: Ang Pagsasayaw.

Nawala na rin ang pagiging maloko at babaero ko. Mas nakafocus na rin ako sa studies ko. Hindi ko napansin na pag gising ko na lang isang araw, umayos at bumalik na uli sa normal ang buhay ko. Salamat ULI kay Jenny.

“Bes, salamat ha.”

“O anong drama yan?! Salamat saan?”

“Sa lahat. Dito. Tinulungan mo nanaman ako.”

“Nako Mr. Jerry Cruz, ewan ko nga din ba, bat kita pinagtyatyagaan. Hahaha! Siguro kasi Ive always wanted a little brother.  And mabait ka naman.”

“Ang laki ng naitulong mo sakin Jenny.”

“Bes, alam mo masaya ako kasi nakikinig ka sakin. At natutulungan kita. Kaibigan mo ko diba? BESTFRIEND! So, role ko na tulungan ka at wag ka iwan. Kung di ko gagawin yun, then I must say na failure ako sa pagiging kaibigan.”

Niyakap ko lang si Jenny sa sobrang thankful sa kanya. Hindi ko alam kung pano sya lubos pasasalamatan sa kabaitan nya sakin. Tunay syang kaibigan. (To all the readers, gusto ko lang sabihin sa inyo na jenny was a real good friend. She helped me in a lot of ways. At sya ang takbuhan ko hanggang ngayon. We are still bestfriends hanggang ngayon. :p )

“Ang drama naman! Pinaiiyak mo ko ee! Tara na nga! Stretching na!”

Naka isang bwan na kami sa school at mas humihirap at dumadami pa ang projects namin. Pero okay lang, ugali ko kasi na gawin agad ang project at ayaw ko natatambakan. Kahit pa may training ako at gabi na naatatapos ay hindi ko pinabayaan ang pag aaral. Kaya naman ginawa kong negosyo ang pag gawa ng project ng iba. Ang dami kasi saming tamad na gumawa or sadyang di daw kayang pagsabay sabayin lahat. Lalo na ang mga reaction papers, book reports, at essays. Forte ko kasi nun ang pagsusulat ng ganun. Kaya ayun, kumikita ako sa mga kaklase kaya nagkakaroon ako ng pang gimik.

Binigyan kami ng book report at illustrative Art isang araw ng teacher namin. Mukhang pagkakaperahan ko nanaman ito. At tama ako, marami kasing hirap sa pag gawa ng book report. Kaya hapon pa lang ay mga nagpareserve na agad.

Pag uwi  ko ng bahay ay sinimulan ko na agad ang akin. Nagkataon kasi na nabasa ko na ang librong pinapabasa samin ng teacher naming kaya mabilis kong natapos yun. Kaya sinimulan ko naman ang isa ko pang project, yung art. Kinuha ko sa cabinet ang materials ko sa pagddrawing at nilapag sa lamesa. Sisimulan ko n asana ng bigla kong naalala si Philip. Naalala ko kasi, dati, sya ang usually na gumagawa nun para sakin. Magaling kasi silang kambal sa pagddrawing talaga. Naalala ko ang lahat ng masayang memories namin. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko nanaman yun. Dahil ba wala na si Art at si Philip ang nakikita ko sa school? Pero di naman kami naguusap ni Philip ah.. Kahit pa nagkikita kami sa school at nagkakatinginan minsan ay never na kami ulit nagusap. Nawalan tuloy ako ng ggumawa ng project. Kaya niligpit ko na lang muna ang gamit at pumanik na sa kwarto.

Isang gabi ng matapos ang training naming ay agad akong umuwi. Medyo pagod at antok na kasi ako. Buti na lang tapos na ko sa mga book report na pinagawa sakin. Matagal pa naman ang pasahan nung sa art kaya sa susunod ko na lang gagawin. Sabay kaming umuwi ni Jenny dahil malapit lang din ang bahay nya sa amin. Pagkadating ko sa may sakayan ng tricycle sa amin ay naisipan ko maglakad. Gusto ko kasi dumaan dun sa tapsihan sa amin para dun na lang kumain ng dinner at tinatamad na ako magluto. Kaya naman naglakad na lang ako at nagtake out ng pagkain.

Naglalakad ako at natatakam sa biniling liemposilog dahil naamoy ko ito habang naglalakad. Mas binilisan ko ang paglakad dahil mas lalo akong ginugutom sa amoy. Pero di ko lubos akalain na pagdating ko sa kanto naming ay matitigilan ako sa paglalakad. Sa harap ng bahay ko mismo, ay may nakatayong lalake. Sa tikas at pagkatayo pa lang nito ay kilala ko na sya agad. Kahit pa naka side view ito ay alam ko syang yun. Hindi ako maaring magkamali. Alam ko sya talaga yun kaya kinabahan ako.

Hindi ako agad naglakad papunta sa amin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong iisipin. Ang dami kong tanong sa sarili. Bakit sya andito? Anong ginagawa nya? Bat sya naghihintay sa harap ng bahay ko? Ano to? Nalilito ako. Anong ginagawa mo dito……….

Philip??????!!!!

(Itutuloy...)

Digital ang Karma Teh!

Nakakaloka!

Alam mo ba yung feeling na nagsusulat ka para sa mga taong makakaappreciate ng mga gawa mo, tapos bigla mo nalang malalaman o makikita na sa ibang site yung story na yun? At take note, sa ibang pangalan nakacredit.

Nakakalungkot man, nangyari na sakin yun, ngayon-ngayon lang, I mean, last week ata. Hindi lang sa akin, maging sa ilan sa aking mga kaibigan sa panulat din namely Dhenxo Lopez (Ang aking kasama sa The Letters) at Ang aking Inay Michael Juha.

Hindi na ako magpapangalan ng site, pero alam na ng Admin don na sya ang tinutukoy ko. I posted sa FB wall ng grupo in a nice way, masaya naman ako at naging maayos ang pakikitungo sa akin doon at nangako naman na magbibigay credit na sa aking mga story maging sa aking mga kasama.

Nakakaloka lang na may nagcomment na hindi daw ba ako masaya dahil sumisikat ako sa pagpopost sa story ko sa site na yon?

Ineng, eto ang sagot ko.

1.Paano ako magiging masaya kung nakapost nga ang story ko sa ibang site pero iba naman ang pangalang nakalagay? Ikaw man din yun, naghirap ka sa isang story tapos nanakawan at aariin ng iba, matutuwa ka ba? Common sense is not so common talaga. Sabihin mo kung ilang kilo ng iodized salt ang kailangan mo, kahit 1-year supply ibibigay ko sayo para lang magkalaman kahit papaano ang utak mo.

2.Hindi ko ginustong sumikat. Masaya na ako na may nagbabasa ng gawa ko. Sakit sa ulo ang maging sikat, trust me, I know how it feels. (Chos!)

3.I'm not just speaking for myself, nagsasalita ako para sa aking sarili, para sa aking mga kaibigan at para sa lahat ng nobelistang naghihirap para makapagsulat ng isang interesanteng plot. Subukan mong magsulat ng malaman mo kung gaano kahirap.

So ayun, umaasa ako na gagawan ng paraan ito ni DJ. Naniniwala ako sa mga salita mong binitawan kahit di kita personal na kilala.

Hindi ko to itinype para mangaway. I typed this dahil trip ko lang. Paki mo ba? Blogelya ni atashi itey. Walang basagan ng trip! Hahaha!

I wrote this not to provoke or fuel another fight or argument,I wrote this just for the art of expressing myself and somehow, wanting to have some actions done for this matter. Alam kong di lang naman ako ang nakakaranas ng ganito. Honestly, dahil sa mga nangyaring ganyan, tinatamad na ako magsulat.

So ayun, maguupdate ako pag sinipag.

Sayo ineng, eto.


Isang paalala, digital na din ang Karma. Ingat-ingat! :)

I miss you guys. :)

Saturday, September 24, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 13)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater


             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING



             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)







             Hi po sa lahat.. :) Ahm, maaga ko natapos ang chapter na to kasi medyo nakaluwag sa time. Muli, ay nagpapasalamat po ako sa lahat lahat ng taong sumusupport sa kwentong ito.. Hindi nyo po alam kung gaano kasarap sa pakiramdam naming mga wrtiter na nababasa ang mga comments ninyo.. Sana po ay patuloy nyo po kaming suportahan :)

            Thank you pong muli kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! :) , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! ), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, Zekie!! , wastedpup, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram, alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din.. at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!), “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. :) Love lots!! :)

            For thos na gusto mag add sa fb, most especially kay emray08, dizzy18ocho@yahoo.com. yan po :) pero may konti lang po sana akong favor.. upon request po, sana mag leave po kayo ng message kung sino kayo para malaman ko po. di po kasi ako basta nag aadd pag di ko po kakilala or di nagpapakilala.. THANKS PO!!

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!

            ENJOY!!!!!!!






            “TAYO??!! What do you mean tayo…..?”, gulat at curious nyang tanong.

            Hindi ko alam ang sasabihin. Parang bigla akong na mental block, walang akong masabing rason bat nga ba yun ang sinabi ko. Parang ang awkward ata ng sinabi ko. Patay! Namula akong bigla.

            Bigla kong naaalala ang sinabi sakin ni Jenny sa taxi ng pupuntahan namin si Philip nung nagwala ito sa isang bar. “Masyado kayong duwag aminin mga nararamdaman nyo. At ano ang ending?! Edi kayo kayo ang nagkakasakitan imbis na get over your stupidty and just do what you have to do!” –parang unti unti ko na atang naiintindihan ang sinabi ni Jenny na yun. Pero sadyang palpak talaga ako.

            “Ah.. ah, ah eh.. Tayo! Ma-masaya tayyyoo! Ayun! Kasi masaya tayo at okay na ang mga problema natin.”, nakangiwi kong sinabi.

            SHIT! SHIT! SHIT! Ano bang pinagsasabi ko?! Di naman talaga yun ang gusto ko sabihin. Kakainis. Tanga mo talaga Jerry!! BWISIT!! Medyo nadismaya ako sa sarili at sa reaksyon ng mukha nya ay parang ganun din. DAMN! PALPAK!!

            “Ahh.. Oo nga.. Happy tayo.. yehey.”, medyo sarkastikong sagot ni Art.

            Nang matapos kaming kumain ay nagdesisyon na kaming umuwi. Akala ko magiging okay na si Art dahil sabi nya dahil lang sa gutom kaya medyo matamlay sya. Pero ang dami na nga naming nakain pero parang may bumabagabag pa rin sakanya. Di ko man alam, pero ramdam na ramdam ko. Medyo di ko tuloy maiwasang hindi kabahan lalo.

            Nakarating na kami sa bahay at agad dumirecho sa kwarto. Nauna akong naligo at pagkatapos ay sya naman. Hindi pa gaano kalalim ang gabi at kahit pa medyo pagod ay hindi pa din kami inaantok kaya naisipan ko magsalang ng dvd.

            Habang nanonood ay di ko maiwasang hindi mapatitig at sulyap sulyapan si Art habang nanonood. Hindi pa din kasi nawawala ang ichura nito na parang may malalim na iniisip. Nababahala na talaga ako ng sobra! As in di na ko mapakali! Maya maya pa ay napansin ko na namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. At syempre ano gusto nyong isipin ko at maramdaman ko?! Aba syempre, edi nataranta ako!!

            “Huy bes, ano ba kasi problema? Sabihin mo na kasi sakin.. Wag mo sabihin saking wala dahil di ka naman iiyak ng walang dahilan.. unless nababaliw ka nalang!, pilit kong biro pero halatang may pagaalala sa boses ko. Mali, talagang nagaalala ako. Hindi ko lang alam kung ano ba kasing gagawing approach. At ayun, mula sa pagkakatutok sa tv ay tumingin ito sakin.

            “J-Jerry.. pwede ko bang hawakan ang kamay mo?”, naluluha nyang sinabi.

            Hindi na ako sumagot pa o kahit tumungo man lang. Agad kong kinuha ang kamay nya at nilusot ang bawat daliri ko sa pagitan ng kanya. Humigpit bigla ang pagkakahawak nya. Hindi naman ako pumalag. Kinakabahan na talaga ako.

            “Jerry, bes, masayang masaya ako ngayon. Akala ko kasi di na babalik ang dating ikaw. All this time, naguiguilty ako dahil alam kong isa ko sa rason ng biglaang pagbabago mo nung nakaraan linggo. Kaya pilit kitang inintindi. Kahit pa nasasaktan na ko dahil alam ko lahat ng excuses na binibigay mo sakin ay pawang kasinungalingan lang. Pilit ko inintindi dahil ganun din ang ginawa mo para sakin nung panahong ako ang may kailangan ng pang unawa. Jerry, namis ko lahat ng ito. Namis kita at akala ko’y mamimiss ko pa rin lahat ng ito.”

            Habang pinapakinggang sya at tinitingnan sya sa kanyang pagiyak ay naguilty naman ako. Naalala ko lahat ng pangaral ni Kuya George at tama lahat ng sinabi nya. I’m starting to become like Philip was. Nakikita ko kay Art ang sitwasyon ko dati nung ako naman ang nasasaktan. Alam ko ang pakiramdam na un, kaya nalungkot ako ng lubusan. Magkahalong awa, lungkot at pagsisi ang nararamdaman ko noon kaya niyakap ko sya. Mahigpit na mahigpit. Yung tipong akala mo huling yakap na namin. Ang yakap na parang walang bukas.

            Yumakap na rin sya sa akin, di tulad ng yakap ko ng mahigpit ay sakanya ay sakto lang. Umiiyak sya sa balikat ko at ako namay sakanya. Punong puno ng emosyon ang yakapang yun. Pambihira, nakakatawang isipin dahil tama si Jenny, Gawain nga ba ng lalake ang magyakapan at mag iyakan. Pero wala na akong paki alam. Mahalaga sakin si Art. Kaya ayaw ko na rin sya saktan.

            “Bes, mamimiss kita…..”, hikbi hikbi nyang sinabi. Mas lalo tuloy akong napayakap.

            “Sorry talaga Art. Promise, babawi ako..”, umiiyak ko ring tugon.

            “Bes, mamimiss talaga kita..”, hikbi hikbi pa rin nyang sinabi.

            “Wag ka na magalala. Simula ngayon, di mo na ko mamimis. Balik na tayo sa dati. Yung masaya.”, naiiyak ko paring tugon sakanya.

            “Bes, totoo, mamimiss talaga kita………”, nahihirapan nyang sinabi malamang dahil sa pagkakaiyak. Kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap. Sobrang nagsisisi na talaga ako. Di ko alam na ganyan nap ala katindi ang nararamdaman nya.

            “Bes, ano ka ba, di mo na nga ko sabi mamimis kasi andito na ako ulit oh!! Tama na please.. Huhuhuhuhu…”, sinabi ko sakanya habang mas hinigpitan ang yakap at iyak pa rin ng iyak.

            “Bes, mamimiss talaga kita… Try mo kaya wag ako yakapin ng sobrang higpit. Di na ko makahinga ee.. Papatayin mo ba ko?”, pilit nyang sinabi. Kaya pala niya ko mamimis, di na pla sya makahinga at baka mategi sya.

            “Alam mo ikaw! Nakukuha mo pang magbiro!!”, iyak tawa kong sinabi habang nagpupunas ng luha. Pagtapos nya din mag ayos ng mukha ay nakita ko ang agarang pagliwanang ng mukha nya. Wala na ang kaninang malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha.

            “Palitan mo nga yang dvd na yan! Walang kalatoy latoy tong pinapanood natin! Magsalang ka na uli ng horror!”, ngiti nyang sinabi. Binatawan nya na ang kamay ko para mapalitan ko ang dvd ngunit hindi ako bumitaw. Ngumiti ako sakanya at hinila ko sya at sabay naming pinalitan ang dvd. Ewan ko, pero ayoko bitawan ang kamay nya. May nagsasabi sa utak ko na wag kong pakakawalan ang kamay na yun. Kaya hinawakan ko lang yun. Sa kahabaan ng pelikula ay magkahawak kamay pa rin kami. Horror ang pinapanood namin pero kinikilig ako for some reason. Weird nga ee.. Sino ba naman kasi ang kikiligin pag horror ang pinapanood.

            Nang matapos ang pelikula ay niyaya ko na syang matulog, gusto ko kasi, lumabas kami ulit bukas. Kaya niyaya ko na syang humiga sa aking kama. Nakatagilid kaming parehas at nakaharap sa isat isa habang magkahawak pa rin ang kamay. Ang tanging ilaw ay ang ilaw ng poste sa labas na medyo malayo sa amin kay medyo madilim. Pero enough lang para maaninag ang mukha ng isa’t isa. Matagal na titigan. Hindi din ako makatulog at alam kong ganun din sya. Parang ayaw ko na matulog at titigan nalang sya. Gusto ko lang sya pagmasdan ng buong gabi. For whatever reason? Wala akong paki!

            Maya maya ay hinawakan ng kamay nya ang aking mukha. Noo, kilay, mata, pisngi, patilya, bagang, lips, baba at pabalik balik. Dahan dahan at banayad ang pagkakahaplos nya. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa nagsalita sya.

            “Jerry……”

            “Hhhmmmm?”

            “Pwede ba kitang halika…. hmmppp”

            Hindi pa nya tinatapos ang sinabi ay hinalikan ko na sya. Hindi ko alam pero yung ang sinabi ng utak ko. Yun ang nararamdaman ko na gusto kong gawin. Kahit pa medyo naguguluhan din ako kung bakit ko nga ba ginawa yun ay hindi ko na inisip pa. FOR THE FIRST TIME!!! Ako naman ang nangnakaw ng halik. Nang maramdaman nya ang labi ko ay gumanti ito agad ng halik. Maalab yun, mapusok at punong puno ng damdamin. Banayad, swabe, saktong sakto. Mainit, masarap. Yan ang nararamdaman ko sa pagkakatagpo ng aming mga labi. Matagal ang halikan na yun. Ramdam ko ang bawat pag galaw ng labi nya. Ang sarap sa pakiramdam. Maya maya ay pumatong ito sakin para mas makapaghalikan kami ng maayos.

            Gumapang ang isang kamay nya sa aking tagiliran habang ang isa ay nasa aking mukha. Hindi rin ako nagpatalo. Kung saan saan na humawak ang aking kamay, sa likod nya, sa batok, sa buhok, sa pwetan, sa legs, at kung san pa ang abutin ang aking kamay. Tila ay uhaw na uhaw kami sa isat isa. Nakakaramdam ako ng matinding init at sensasyon sa aming ginagawa. Hindi na ako nakapagpigil ng pag ungol ng bigla nya akong hinalikan sa leeg, at sa likod ng tenga. Unang karanasan ko na mahalikan sa mga parteng yun ng isang kapwa lalake. Napakasarap, ang galing nyang humalik. Nararamdan ko na nagwawala na ang aking alaga at gustong gusto ng kumawala. Ganun din ang sakanya. Ramdam ko ang kanyang naninigas na alaga dahil idinidiin nya ito sa akin. Na mas lalo ko pang kinaungol. Halos masiraan ako ng bait sa ginagawa nyang yun. Shit! Ang sarap.

            Biglang bumaba sa pagkakahalik sakin at sinumula akong hubaran ng tshirt ni Art, pero iba ang naging reaksyon ko. Takot. Hindi ko pa ata kaya gawin yun. Hindi ko pa kayang makipagtalik sa kapwa ko lalake. At teka, bat nga ba ko napapayag in the first place? Naguluhan ako bigla at agad agad nawala ang init na naramdaman ko. Bigla ko syang naitulak ng konti na medyo kinagulat nya.

            “Art, sorry. Di ko ata kaya.”, Sinabi ko sakanya habang napaupo ako.

            “Naiintindihan ko….”

            Bigla kami parang nagkahiyaan dalawa. Hindi ko nanaman alam kung pano mag rereact. Hindi alam ang sasabihin. Pero ayaw ko din madisappoint si Art, kaya lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa labi.

            “For now, gusto ko ito na lang muna. May mga bagay na hindi pa rin malinaw sakin. Sana maintindihan mo.”, sinabi ko ng kumalas ako sa pagkakahalik. Hindi nagsalita si Art pero tumugon ito sa pamamagitan ng paghalik din sakin. Ihiniga nya ulit ako at hinalikan. Naramdaman ko nanaman ang banayad nyang halik. Pero mas malumanay, punong puno ng passion. Hanggang maya maya ay nalasahan ko, medyo maalat. Luha! Alam kong luha yun. Malamang yun na lang ang way nya sa pagsorry at pagsang ayon sakin. Ako man ay napaluha na rin. Naghahalikan habang umiiyak.

            Humiga na uli si Art sa tabi ko at kinuha ang ulo ko at inunan sa kanyang braso at niyakap ako ng mapakahigpit. Gumanti ako ng yakap. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng pagkakayakap. Malungkot na masaya ang aura ng kwarto. Halo halong emosyon. Pero sa isip ko, gusto ko lang sya yakapin ng mahigpit na mahigpit. Sabi ng utak ko, yakapin lang sya. At di ko din naman binigo ang sinabi ng utak ko, niyakap ko lang sya buong magdamag, Ang yakap na tila huling yakap na sa higpit.
           
Pinagsaluhan namin ang gabi ng buong damdamin. Hanggang sa nakatulog na lang ako. Alam kong may ngiti ako sa labi ng nakatulog dahil ang sarap ng pagkakayakap sakin ni Art.

            Nang magising ako ay may sikat na ng araw. Di ko alam kung anong oras na pero sigurado akong hindi pa ganun ka late. Agad akong bumangon at nagpunta sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Ngunit sa gitna ng aking pagsisipilyo ko ay naalala ko ang nangyari kagabi samin ni Art. Ang mga halik nya…. Teka! Asan nga ba si Art?!

            Agad kong binilisan ang pagsisipilyo at agad lumabas ng banyo.

            “Art? Art? Art!!!!”, palit ulit kong sinigaw sa loob ng bahay, Pinuntahan ko ang bawat kwarto, sa sala, sa banyo, sa kusina. Ngunit wala. Wala si Art!! Shit!! ART! Asan ka ba?! Where the hell are you?!

            Agad akong bumalik sa kwarto at hinanap ang cellphone ko para tawagan si Art. Pero nang tingnan ko ang cellphone ko ay may txt ako galing kay Jenny.

            “Job well done! Dito lang ako. Call me.”

            Hindi ko magets ang ibig sabihin ng txt ni Jenny na yun kaya dinedma ko nalang muna. Agad kong tinawagan ang cellphone ni Art, pero shit, out of coverage area daw. Paulit ulit kong tinawagan pero wala tlga. Hanggang nakita ko ang cellphone ni Art na nasa tabi ng unan ko. Naka off. Naguguluhan ako dahil asan nga ba si Art? Nagiisip ako kung bakit nga ba umalis si Art ng di man lang nagpapaalam. Or baka naman paranoid lang ako at baka naman may binili lang sa tindahan kaya humiga nlng muna ako sa kama. Bigla namang nabaling ang tingin ko sa lamesa sa kwarto at may napansin na may dalawang papel dun na maayos na nakatupi. Agad akong tumayo at kinuha ang papel at binulatlat ito

            Ito ang nilalaman ng sulat.



            Bes,

                        Good Morning!! Hahahaha! Imagining mo nalang kung pano ko sinasabi yan sayo araw araw. :) Pasensya ka na ha hindi na kita ginising. Sarap mo kasi.. I mean ang sarap ng pagtulog mo ee.. Hehehehe.

            Masaya ako kahapon. Sobra. Lalo na nung surpresahin mo ko sa bahay. Paggising na pagising ko at pagkababa ko ay agad kong naamoy ang paboritong adobo mo. Kaya naman nagtataka ko ng sinabi ni mommy na sya daw nagluto. E sa amoy pa lang, alam ko ikaw na! Hahahaha! Nadisappoint nga ako nung sinabi ni mommy na sya daw ang nagluto pero agad din nawala ng bigla kang lumitaw galing sa cr! Hahahaha! Sa dami ba naman ng pagtataguan mo, sa cr pa talaga ha. Hahahaha! Sobrang saya ko sa date natin kahapon. Yung bestfriend date na sinasabi mo. Pasensya ka na pala at medyo malungkot ako kahapon.

 Pero ngayon, masayang masaya na ako. Masaya kasi nagbalik ka na sa dati. Hindi na magiging mahirap pa para sakin ang mga susunod na araw dahil alam kong okay na tayo. Thank you sa lahat! Mamimiss kita…. :’(

                                                                                                                        -Art





            Pagkatapos basahin ang unang sulat ay medyo naguluhan ako sa dulong part. Ano ibig sabihin nya sa mamimiss nya ko? Kaya binasa ko pa ang isang sulat. Nakalagay ang date nito nung isang araw. Meaning, ang araw bago ako nagpunta ako kaila Art. Ang gabi na nakapagusap kami ni Kuya George, at ang araw na nagtxt sakin si Jenny. Kinabahan ako ng matindi. Hindi ako mapakali. Agad kong binasa ang isa pang sulat.



            Jerry,


                        Kamusta na? Sana ay okay ka lage. Sa totoo lang, di ko alam pano sisimulan lahat sabihin sayo. Una sa lahat, alam mo sobrang naguiguilty ako dahil kung di dahil sa akin, edi sana hindi ka nagkakaganyan. Hindi ka magbabago. Hindi masisira ang pagkakaibigan nyo ni Philip. Ang pagkakaibigan natin. Pero ayan, nasira na. Kung sana mas naging matapang lang ako at di ka niyakap nung gabing yun, edi sana, ok lahat. Kung maibabalik ko lang, itatama ko ang mali para sayo. Nahihirapan kasi akong nakikita kang nagkakaganyan. Mas masakit sakin lahat Jerry….

            Pangalawa, dalawang araw mula ngayon, ay aalis ako pabalik ng America kasama sila Kuya at Mama. Napagdesisyunan naming ito dahil nahihirapan na rin ako sa kalagayan natin.  Alam ko medyo confused ka. Pero ako, hindi. Balak ko sana sabihin sayo to ng personal kaso di naman kita mahagilap. Ibibigay ko sana ito ngayon kaso sabi mo may pupuntahan ka at di mo kayang makipagkita sakin. Gusto ko sana sabihin sayo na aalis na ko. Kaso hindi ko alam kung pano dahil hindi rin naman kita maabutan sa inyo at di ka rin nagrereply sa mga text ko. Hindi kita sinisisi, pero nanghihinayang ako dahil baka hindi pa kita makasama bago ako umalis. :(

            Panghuli……. Jerry, ngayon ko aaminin sayo ang lahat lahat. Hindi ko nrin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko, Ive been hiding this for far too long.. Jerry.. mahal kita…. Mahal na mahal.. nung una pa lang ay minahal na kita. Simula nung unang magkalapit tayo, ang paghihiwalay nyo ni Grace. Sobrang apektado ako ng hindi ka pumapasok sa school. Nung una ay confused pa din ako dahil dati, alam ko din sa sarili ko na lalake ako. Pero di ko din lam bakit. Basta nagising na lang ako isang araw at naamin ko sa sarili na mahal nga kita. Pasensya ka na ha. Pero yun kasi ang totoo. May aaminin din ako sayo… Natatandaan mo ba nung pinapunta mo ko sa inyo at tinanong ako kung bakit ka nilalayuan pag lumalapit ka kay Philip? Diba sabi ko, may kundisyon ako? Ang totoo, natatandaan ko ang lahat lahat. Ang totoong nangyari.. Ang pagkakahalik ko sayo. Lahat yun, natatandaan ko. Kaso pagkahalik ko sayo ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sayo dahil sa takot at kahihiyan na pwede idulot nun. At worst, baka layuan mo ko kaya nagkunwari ako na biglang natulog. At isa pa Jerry,nagseselos ako kay Philip. Alam ko kasi, kahit di man nya aminin, ay alam kong mahal ka din nya tulad ng pagmamahal ko sayo. Kaya nga ba pilit kong kinukuha ang atensyon mo sakanya. Pasensya ka na talaga, pero minamahal lang kita. Sana ngayon sa pag alis ko ay wag mo kong kakalimutan. Babalik ako Jerry, kailangan ko lang buoin ang sarili ko. Pero sana tandaan mo, na mahal na mahal na mahal kita…… I love you..

            I hope youre not crying right now. Wala ako dyan para punasan ang mga luha mo. Though I hope you are kasi it would mean na malungkot ka sa pag alis ko. That thought is enough for me para malaman na spesyal din ako sayo.

            I love you Jerry and I’m sorry……


                                                                                                                        “Art”

P.S

Sana mas nauna mo binasa ang isa kong sulat bago ito. Pasensya ka na kung di ko pa rin sinabi sayo ng personal na aalis ako. Hindi ko kasi kayang sirain ang mga ngiting nakita ko sayo. Pero tulad ng sabi ko sayo ng paulit ulit kagabi. Mamimis kita… Sobra sobra Jerry.. mahal na mahal kita……





            Habang binabasa ko ang kanyang sulat ay tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Ang sama sama ng loob ko. Ito na ata so far ang pinakamasakit. Balak kong surpresahin si Art pero tila ako ang nasurpresa. Napakasakit talaga. Gusto kong magwala pero ni hindi ako makatayo.

            Walang ibang nasa isip ko kundi ang lahat ng masasaya at magagandang alala ala naming ni Art ang tumatakbo sa aking imahinasyon. Simula nung magkakilala kami, ang pagbati nya sa akin sa umaga ng masigasig at anergetic na “Good Morning”, ang pangungulit nya pagkaupo ko palang, ang mga jokes nya na di pumapalyang magpatawa kahit pa kanino, ang pagkasweet nya sakin, ang mga yakap at lambing nya, ang unang halik, ang pagintindi at di nya pang iwan sakin, ang date namin, at ang nangyari samin kagabi.. Lahat. Paikot ikot at paulit ulit na bumabalik sa aking alaala.. Masarap isipin, pero masakit sa pakiramdam na ngayon wala na ang lahat ng ito.

 Pero teka! Baka hindi pa nakakaalis si Art sakanila! Baka may chance pa akong makita sya bago man lang sya umalis! Kaya dali dali kong inipon ang lakas at tumayo at nagtatakbo palabas ng bahay at sumakay agad ng tricycle papunta kaila Art.

            “Art, kailangan mo ng malaman na…..”