Monday, February 28, 2011

"MRT 10-THE LAST STATION"

NOTE:I personally want to thank those people na walang sawang nagbasa nitong series na to. Sa mga nangungulit sakin sa FB eto na po. Salamat ng maraming marami. Wag po sana nating kalimutang magcomment dito. Short story lang sana to kaso inexpect nyo na novel. Ayan humaba tuloy. Salamat! Hahaha.

Love,
Unbroken

***


Nakita ko ang pagiba ng mood ni Rex sa pangalang narinig. Maging si Choi ay biglang natameme. Nakakapagtaka lang.

“Ready na kayo boys?” tanong ko.

“Sana nga ready kami.” mahinang bulong ni Rex.

“Ha? Bakit? Anything wrong? Bakit bigla kayong natahimik na dalawa?” nagtataka kong tanong.

“Wala naman. May naalala lang ako sa pangalan na yun.” sagot ni Choi.

“Ako din.” dagdag pa ni Rex.

“Oel? O sya sige. Lumakad na tayo papunta sa may swing na lagi naming tinatambayan ng ex ko. C'mon boys,Let's rock.” sabi kong masigla.

Malamig na mga ngiti ang isinukli sa akin ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit o paano o ano ba talagang nangyari,pero malamang sa alamang,may nagaganap na hindi ko alam. Binaybay namin ang kahabaan ng parke. Masigla kaming pinapanuod ng mga langaylangyang bumabagtas sa kulay pulang langit. Ramdam mo ang kapayapaang dala ng mga ito. Iba talaga ang kapangyarihan ng kalikasan.

Patuloy kami sa paglakad,ako na nageenjoy sa hangin,silang dalawa na tila tensyonado. Malapit na naming makita ang ex kong talunan. Malapit na kong makaganti,malapit na akong makaganti. Nakaramdam ako ng haplos ng kaligayahan. Alam kong this time,ako naman ang mananalo. Ako ang magwawagi at ilalampaso ko si Oel.

Ilang segundo pa ay natatanaw ko na ang swing na lagi naming tinatambayan. May kotseng nakapark,may babae. Natanaw ko na si Oel. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kaya ko to.

“Andyan sya, nakikita nyo ba yung nakawhite?” sabi ko sabay nguso kay Oel.

“Oo.” mahinang sagot ni Rex.

“Sya yun?” nanginginig na sagot ni Choi.

“Oo sya nga. Sya nga yun.” sagot ko.

Nakita kong napalunok silang dalawa. Nakakapagtaka. Di na maganda to.

Lumapit kaming tatlo sa kinaroroonan ng kotse. Natanaw kami ng babae at halatang nagulat ito sa nakita. Agad itong nagtatakbo at naghihiyaw.

“Rex? Best? Ikaw ba yan Rex?” Hiyaw ng babae,bakas na bakas sa kanya ang sobrang kaligayahan.

“Best?” nagtatakang sabi ni Rex sa babae.

Ilang segundo pa ay nakita kong nagtama ang katawan ng dalawa. Nagyakap si Rex at ang babae. Magkakilala sila. Pero paano? Sino ang babaeng ito na kasama rin ni Oel? Napaharap si Oel sa aming 4.ako,si Rex,si Choi at ang kasama nyang babae,kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nito sa amin.

“Best! Kumusta ka na?” maligalig na sabi ng babae.

“Okay naman ako. Ikaw best?” magiliw na sabi ni Rex.

“Uuyyyy! May hinahantay kami ng asawa ko eh! Ipapakilala kita sa kanya! I really just couldn't imagine na dito tayo nagkita after many years! OMG! I really couldn't believe it.” sabi nito kay Rex sabay yakap ulit dito.

“Sinong asawa mo?” tanong ni Rex.

“Ayan sya oh!” sabay turo kay Oel.

“Si Oel,” dagdag nito.

Asawa? So sya yung pinagpalit nya sakin? In fairness. Maganda.

Sa di mapaliwanag na dahilan,nakita ko ang pamumutla sa mukha ni Rex. Sinilip ko ang nananahimik na si Choi at kita ko ang luha sa nagngangalit na mga mata nito. May nangyayaring hindi ko alam. Di ko magets bakit tensyonado sila masyado,ako dapat ang tensed. Hindi sila.

Patuloy ang pagdaldal ng babaeng kasama ni Oel kay Rex. Si Rex ay natulala at tila di makapaniwala sa nangyayari. Nagtama ang aming mga paningin at tila nakita kong pumatak ang kanyang mga luha. Bumaling sya sa akin at nagwika.

“Rob,meet my best friend. Wendy.” sabi nito sa akin bilang pagpapakilala sa kanyang bestfriend.

“Sya yung nabanggit ko sayo dati na ipapakilala ko,remember?” dagdag pa nito.

“Ahh yes. I remember. Nice meeting you Wendy.” sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.

“Nice meeting you Rob,ikaw siguro ang bagong someone ng bestfriend ko?” sabi nito saking magiliw.

Ngiti lang ang sinagot ko dito.

Then there's an awkward silence.

Natahimik lahat. Walang gustong magsalita. Si Choi at Rex ay biglang natahimik habang nakatitig kay Oel. Nakita kong nakatingin si Oel kay Choi,maya-maya lumipat na sya ng tingin kay Rex. Nakita kong may mga luha sa kanilang mga mata. Ilang segundo pa,dali-dali kaming hinatak ni Wendy papalapit sa kanyang asawa. Si Oel.

Ilang hinga lang ang pagitan namin ni Oel. Ganoon din sila Rex at Choi. Walang kakibo-kibo,namumutla at lunok ng lunok ng laway. Very unusual.

“Ayyy,best,eto nga pala ang asawa ko.....”

“Kilala ko sya.” pagputol ni Rex sa bestfriend nya.

“Do you remember best? Nakwento ko sayo before,my first major heartache?” tanong ni Rex.

“Yes best. Why?”

“Nakikita mo ba tong lalaking katabi ni Rob?” sabi nito patungkol kay Choi.

“Oo best. Sino sya?” tanong ni Wendy na naguguluhan na rin.

“Sya si Choi.” mapait na sabi nito.

“Hi Choi.” sabi ni Wendy sabay abot ng kamay kay Choi.

Choi held her hand and they did a firm handshake. After the handshake,Choi exhibited a painful smile while looking at Oel.

“Si Choi ang nangagaw sa ex ko.” sabi ni Rex.

“Oh,Sorry to hear that.” sabi ni Wendy.

“Alam mo kung sino yung ex ko na yun?” matapang na sabi ni Rex.

Nakaramdam ako ng kaba. Nakukuha ko na ang nangyayari.

“Sii..Siino?” nauutal na sabi ni Wendy.

“Si Oel.”

Bomba! Parang bombang sumabog ang lahat. Narinig ko ang bagay na sa tingin ko ay di ko na dapat nalaman. naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Putanesca. Masakit.

“Ha?” naiiyak na sagot ni Wendy.

“Bakit di mo mismo tanungin sa asawa mo lahat?” sabat ni Choi sa usapanm.

Bumaling si Wendy ng tingin kay Oel na kanina pa namumutla sa kanyang kinatatayuan. Tumitig sya kay Oel na waring nanghihingi ng paliwanag. Lumapit si Oel sa kinalalagyan naming 4. Hindi ako nakapagpigil at dali-daling lumipad ang mga palad ko sa pisngi ni Oel.

“PAK!” tunog na nagecho sa park nang tumama ang palad ko sa makinis nyang mukha.

“OMG! Bakit mo sya sinampal?” natatarantang sabi ni Wendy sabay alo sa asawa.

“He deserves more.” gigil kong sabi.

“What do you mean?” naiiyak na sagot ni Wendy.

“Sabi mo may inaantay kayo?” singit ni Choi.

“Oo meron nga.” sagot ni Wendy.

“Kilala mo kung sino yun?” balik na tanong nito.

“Hindi.” nalilitong sagot ni Wendy.

“Ako yun. Ako ang hinihintay nyo.” sagot ko kay Wendy.

“Wendy bumalik ka na sa kotse. Ako na ang kakausap sa kanila.” sabi ni Oel sa asawa.

Akmang aalis na si Wendy ng biglang tawagin ito ni Rex.

“Wag kang aalis Best. I want you to hear everything.” naiiyak na sabi nito sa kaibigan.

“Please Wendy. Get inside the car.” pakikiusap ni Oel sa asawa.

“Bakit Oel Milana? Ayaw mo bang marinig ng asawa mo lahat ng kabaklaa mo?” maanghang na sabi ni Choi.

“Please Wendy. Bumalik ka na sa kotse.” naiiyak na sabi ni Choi.

“Don't,Wendy. Witness this. After nito mawawala na din naman kaming tatlo sa buhay nyong magasawa.” sagot ko.

“Fine. I'll stay.”

Wendy gave an odd look to Oel. Oel didn't know what to do.I know I'm hurting. But this has to end.

“Ano na Oel? Ngayong nandito na ako at nakita mo na ang dalawa kong boyfriend namely Rex and Choi? Convinced ka na ba na masaya ako sa kanila? Tigilan mo na ako. Wag mo na kong guluhin at wag na wag ka ng pupunta sa bahay at magmakaawa na hihiwalayan mo ang ASAWA mo para sakin.” sabi ko.

Nakita ko ang reaksyon ni Wendy. Bumuhos ang luha nito. Tumingin ito kay Oel. Nakita ko ang pagrehistro ng galit sa kanyang mga mata.

“Hayop ka din Oel no? Ang galing mo. Imagine,iniwan mo ako para kay Choi.” sabi ni Rex.

“Iniwan ka nya para sakin,pero pinagpalit din nya ako sa iba.” sabi ni Choi.

“Sorry Rex at Choi.” sabi ni Oel na nanginginig.

“Kanino mo ko pinagpalit Oel? Kanino!” sigaw ni Choi kay Oel.

“Kay Rob.” maiksing sagot ni Oel.

Napabaling si Choi sa akin. Napatingin ako sa kanya at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

“Wala akong alam dyan Choi.” sabi ko.

“Hayop ka Rob. Ikaw pala ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Oel. Hayop ka!” sigaw ni Choi sa akin.

Magsasalita na sana ako nang biglang lumipad ang palad ni Choi sa aking mukha.

“Paaaaaaakkk!”

“Kulang pa yan Rob! Kulang pa!”

Tila nanunuod ng telenovela sila Rex,Oel at Wendy. Kita ko kung paano sila umiiyak at paano sila nadadala sa eksena namin ni Choi. Maanghang na salita ang binitiwan sa akin ni Choi. I found him pathetic. Hindi ko alam na magiging ganito ang turn-out ng mga pangyayari. Napatunayan ko lang na di pa pala talaga over si Choi sa kanila ni Oel. He's still In love with Oel. Kasi kung hindi,bakit pa nya ako kailangang sampalin at sabihan ng kung anu-ano? Punyeta. Masakit ang sampal nya.

“Choi. Puta naman oh! Ang sakit ng sampal mo!” sigaw ko sa kanya.

“Tama na yan. Wag na kayo magaway.” saway ni Rex.

“Hayop kayo! Hayop kayo!” nagwawalang sabi ni Choi.

Ilang segundo pa ay ngumawa ito na parang bata. Nagulat ako sa inasal ni Choi. He threw a dirty finger sa amin lalo na kay Oel. At tumakbo ito papalabas na parang bata. Umiiyak.

“Freeeaaaaakkk ka Choi! Hindi ko alam na si Oel ang common denominator natin!” sigaw ko sa kanya habang papalayo sya.

Isang yakap ang sumalubong sa akin. Mainit na yakap ni Rex.

Lahat kami ay lumuluha. Hindi ko alam pero wala ng gustong magsalita. Naging saksi na naman ang parkeng iyon sa aking mga luha. Naging saksi ang parke sa Grand Eye Ball ng taon.

“Rex.” sabi ni Oel.

“Oel.” mahinang sagot nito.

“Patawad.”

Nakita kong tumulo na ang kanilang mga luha. Naghinang ang kanilang mga katawan. Nagyakap ang dating magkasintahan. Nanunuod pa rin ang lumuluhang esposa na si Wendy. Halatang nasaktan at patuloy pa rin na nagtataka sa mga nangyayari. Matagl na nagyakap ang dalawa. Nakaramdam ako ng closure sa kanilang part. Masaya ako para sa kanila ni Rex.

“Rob.”

Di ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Tingin ko masyado ng mabigat ang nararamdaman ko. Siguro dapat na ngang matapos to. Kailangan ko na rin syang patawarin para makausod na rin ako sa buhay ko. Sana maging madali.

“Rob.”

“Di ko alam ang sasabihin ko Oel. Pagod na pagod na ako.” sabi ko.

“Wag kang magsalita. Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat. Ngayon alam ko na na magiging okay ka kay Rex. Hahayaan na kitang maging masaya. Hindi na ako manggugulo.”

“Pinapatawad na kita.” maiksi at umiiyak kong sabi kay Oel.

“Salamat.” Lumapit ito sa akin at yumakap.

Naramdaman kong muli ang pamilyar na yakap na iyon. I haven't felt that for a long time and I must say it's better than before. Matagal kaming nagyakap ni Oel. Mainit pa rin ang kanyang katawan and he's still wearing the same perfume. Ilang segundo pa ay kumalas kami sa pagkakahinang ng aming mga katawan. Tumitig sya sa akin,mata sa mata,at naramdaman ko nalang ang pagtama ng kanyang mga labi sa aking naauhaw na mga labios. Matagal at matamis ang aming halikan. Nagtunggali ang aming mga labi. Parehong lumuluha ang aming mga mata.

Nagkalag na kami at nagtitigan. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa nga rin sya. Sa kabila ng lahat ng nangyari,mahal ko pa sya at galit lang ang nangibabaw sa akin. Tumingin ito sa akin at nagwika.

“Mahal na mahal pa rin kita Rob. Alam mo yan.” sabi nito sa akin.

“Mahal pa rin kita Oel pero di na tama. May asawa ka na.” sabi ko sa kanya.

“Alam ko.” sagot nito.

“Tama na to Oel. Pinapalaya na kita. Pinapalaya ko na ang sarili ko sayo. Tama na.” sabi kong nakangiti.

Lumayo na ako kay Oel at lumapit ako kay Rex. Tumingin si Oel kay Wendy na kanina pa umiiyak. Lumuhod si Oel at kinuha ang kamay ni Wendy.

“Sa kabila ba ng lahat ng nakita at narinig mo,matatanggap mo pa ba ako?” tanong nito kay Wendy.

“Hindi ko alam Oel. Pero susubukan ko.” umiiyak na sabi ni Wendy.

Tumayo si Oel at ginawaran si Wendy ng halik sa mga labi. Tumalikod na kami ni Rex papabalik sa sasakyan. Hindi na namin alam kung anong nangyari sa magasawa,pero umaasa kami na magiging okay sila matapos ng mga pangyayari ngayong araw.


Sumakay kami ng kotse. Walang imikan. Makikita mo ang sayang dala ng closure sa amin. Hindi kami sobrang saya pero ramdam namin na nabunutan na kami ng tinik sa lalamunan.

“Hatid na kita sa inyo?” tanong ni Rex sa akin.

“Hindi na siguro.” sabi ko.

“Bakit? Ayaw mo na ba?”

“Hindi naman sa ayaw ko. After what happened,narealize ko na small world lang talaga tayo.”

“Oo nga.”

“Imagine? Ex mo,Ex ni Choi,Ex ko rin.” sabi kong nakangiti.

“Asawa pa ng bestfriend ko.”

“Ang liit ng mundo.” sabi ko.

“Oo nga.” sagot nya.

Tahimik. Patuloy sa pagmamaneho si Rex hanggang marating namin ang labasan ng parke. Konting liko,konting ikot,narating na naman ang ilalim ng Kamuning MRT Station. Pumarada sya sa baba nito at nagusap kami.

“Rob.”

“Hmmm?”

“After lahat ng nakita at narinig mo ngayon,do I still deserve a chance?” tanong nito sa akin.

“Hindi ko alam Rex.”

“Hindi mo alam?” tanong nito.

“Oo. Hindi ko alam. Maybe hindi pa ngayon.”

“Magaantay ako Rob.”

“Rex wag na siguro?” sabi ko.

“Bakit?”

“Magkikita tayo ulit pag tayo nga talaga. I realized na di ka pa din talaga ready. Mahal mo pa din sya. Malaking kagaguhan kung magiging tayo pero mahal natin eh iisang lalaki lang.”

“Siguro nga Rob. Salamat.” sabi ni Rex sa akin.

“Ako ang dapat magpasalamat Rex. You're such an angel.”

“Salamat Rob.”

“Bababa na ako ha? MagMRT nalang ako. Salamat sa paghatid.”

“Sure ka na ba?”

“Oo.”

“Ang weird lang. Nagsimula tayo sa MRT,Matatapos sa Mrt din. Weird.”

“Oo nga Rex. Sige bababa na ako.”

Binuksan ko ang pinto ng kotse at akmang bababa na. Narealize ko may utang pala ako kay Rex. Agad kong binalik ang katawan ko sa loob ng kotse at ginawaran sya ng halik sa labi.

“Salamat sa lahat Rex.”

“Salamat Rob.”

Bumaba na ako sa kotse. Nagpaalam. Umakyat sa station at sumakay ng train. Wala masyadong tao.

W A K A S.

"A letter for the one that got away"

Dear The one that got away,


This is not the best time and probably the best place to write this pero I just couldn't help myself na hindi isulat to.

Hey,I miss you badly.

Nasaan ka na ba? Bawal ang gago dyan sa kung nasaan ka man ngayon.

Okay,paano ko ba ito sisimulan? This feels weird. Alam mo yun?
You're not with me for a long time now,mahigit isang taon na at magdadalawang taon na this May.

I told my friends that I'm okay. I tried to convince myself that I really am.
Guess what? After being romanced by the bitter Bulacan wind,I realized that I'm not.

I remember texting someone that at this point,I'm just accepting the fact that you're gone. After many months of convincing myself that I've moved on and I'm ready for another relationship,something had hit my stupid head and said "Ngayon ka palang magstart magmove-on,ambisyosa ka".

That might be true.

Alam mo namang I always have arguments with my own self so no need to think kung bakit bigla nalang nagscribble yung mga ganung kalokohan sa utak ko. Ayun na nga,going back. Di ko alam kung bakit all of a sudden naisip ko na di ako okay. Siguro naisip ko na di naman talaga ako okay and I was just playing a character. Yes,a character. I'm showing people that I'm fine,I'm okay and I'm strong. I tend to show people how easy it is to forget the wonderful memories we had. I might have succeeded with some,but there's this one person na alam kong hindi ko macoconvince about this.

I was with Pixel last time,the week before my terrible mood swings happened. The usual stuff,McDo. We were eating the same thing,Fries,Float,Chicken Burger,Sundae. There we go,stories,stories,stories. All of a sudden I asked her.

"Kumusta na kaya sya ngayon?"

She answered.

"Siguro inuuod na."

We laughed.

"Tarantado ka Pixel. Sana dalawin ka."

"Gaga. EH di dalawin nya."

Unconsciously,I sighed. A sigh which came I don't know where.

"Do you still think of him?" she asked while pouring some tomato catsup on her burger.

"I think so."

"Oo nga. Ang tanga ng tanong ko."

"Oo,tanga ka din naman."

"Wag mong antaying bumanat ako Bakla ka." she said.

"Fine."

"I think,you're left with no choice. You have to move on."

"I've moved on."

"Since when?"

"Do you need exact figures when?" I said.

"If you could give me."

"I don't know exactly. Pero magaan yung pakiramdam ko."

"Magaan? What do you mean?"

"I can easily smile every morning na eh. I mean,madali na sakin na gumising sa akin twing umaga. I don't feel lazy. I go to work na walang pumipilit sakin."

"Yun lang?"

"Ano pa ba dapat?"

"Gaga mababaw yun. You go to work dahil kanino? Sa nanay mo. Not because of you having moved on. Your actions are bounded by social norms. Napipilitan ka kasi you feel a responsibility sa family mo. Napakarobotic. Walang kapararakan."

"Saan mo napulot yan?"

"Marunong ako magbasa. Sabi mo nakakangiti ka na pag gising mo sa umaga. Sabi mo masaya ka and all that. Sabi mo ganito sabi mo ganyan. But beks,do you feel the same way?"

"Same way as what?"

"Same way as before."

"Of course not."

"See."

"Anong point mo?"
"The moment you feel the same way as before,that's the time you've moved on."

"Impossible yun."

"See? Ang isda nahuhuli sa bibig. Sayo na nanggaling na impossible. Meaning di ka pa okay. You haven't moved on. Yes,sabihin na nating you think of him now less often that you did before,but that doesn't mean di mo na sya mahal and okay ka and ready ka na for a relationship. Alam mo sa sarili mo na pag magmahal ka ngayon or pilitin mong magjowa,that poor bastard will just rank 2nd sa puso mo. Tama ba?"

"Ewan." I answered,natameme.

"Then paano mo naeexplain yung nararamdaman kong magaan? I mean I feel better now." I added.

"Best,now is different. Mas magaan ang pakiramdam mo now because natanggap mo na as in now na that he's no longer with you. After mahigit isang taon,ngayon mo lang natanggap na wala na sya. That's the reason you felt better,and it shows. "

"Okay." I said.

"Good. That's a sign na marunong ka na magmove on. It will take time,wag mong madaliin ang sarili mo. I'm happy na meron ng acceptance." she said while patting my back.

God. Tama. Realizations. She's just right.

So now baby,nagbablog ako kahit alam kong di mo nababasa to. I am happy to say that natanggap ko na unti-unti na wala ka na. How about that? Dapat maging happy ka na for me. I know naman na nagbabantay ka. Wala lang,nashare ko lang naman no.

28th pala ngayon,so happy monthsary. :)

I love you.

From the one that was left behind,
Rovi

Tuesday, February 22, 2011

Part 1 and 2 : Engkantadong Gubat

By: Jayson
Genre: Homo-erotic, Fantasy
URL: www.jaysoncnu.blogspot.com

*************************************************************

Tumakbo siya papasok ng IT Park – hindi na niya kailangan na lakasan ang pagtakbo sa pagkat ang mga taong humahabol sa kanya ay medyo malayo pa at malabo nang mahuli pa siya. Isang sampal para sa kanya ang tawaging isang pangkaraniwang magnanakaw lamang, para sa kanya mas magaling pa siya riyan. Sa totoo lang magaling naman talaga siya, kahit na sa edad na kense maiituturing na siyang isang experto.

Madali niyang napapansin ang mga ang mga taong mahilig sa luho at kadalasan tama ang kanyang mga hinuha sa kung ano ang gusto nito. Pagkatapos, isang tanong lang ang kailangan upang makapagsimula ng usapan, papaniwalain niya ang kausap na taglay na siya ang isang mahalagang bagay at ipagbibili ito sa murang halaga. Napakagaling nitong manlinlang na agad naman niyang nauuto ang kausap na bilhin ang isang bagay na wala naman talaga.

Ang pagbebenta ng mga mga bagay na hindi sa kanya o mga bagay na wala naman talaga ang siyang pangunahing dahilan kung bakit walang dereksyon ang kanyang buhay. Sa pagkakataong ito mukhang mali yata ang tantya niya at sa halip na makalabas ng Brgy. Apas na hindi nahuhuli ay heto at hinahabol pa siya ng madlang kanyang naging biktima.

Hindi naman siya namomroblema sa sitwasyon niya kasi mga tanga naman ang madlang humahabol sa kanya; ang iingay kaya madali niyang nalalaman kung nasaan ang mga ito at iwasan. Medyo napagod na siya sa kakatakbo kaya naisipan niyang magpahinga. Nang lumingon siya ay nakita niya na papalapit na ang mga humahabol sa kanya; kaya naisipan niyang magtago sa likod ng puno ng akasya na nakatanim sa likod ng rehabilitation center sa may bungad ng IT Park. Nakaupo lang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong humahabol sa kanya na papalapit sa kanyang dereksyon, pero ang nakakapagtaka ay parang di siya nakikita ng mga ito. Natawa nalang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagsisigawan, galit na galit sa paghahanap sa kanya.

Habang pinagmamasdan niya ang mga humahabol sa kanya, may narinig siyang isang sutsot sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito nagtaka siya sapagkat ang pagkakakita niya ilang minuto lang ang nakakaraan ay may iisang puno lang sa lugar na iyon, ngunit parang isang malaking gubat ang kanyang nakita. Ginala niya ang kanyang paningin at puro puno at damo ang nasa paligid hanggang sa nawala sa kanyang paningin ang nagtataasang gusali ng IT Park, wala na rin ang mga taong bayan na humahabol sa kanya. Huli na nang mahinuha niyang nasa gitna na siya ng kagubatan.

“Ngayon ay nasa kamay na siya ng kagubatan” sabi ng isang batang engkanto.
“Sa tingin ko ay kailangan muna nating maghintay,” sambat naman ng matandang engkanto na kakarating lang, “Minsan kusa silang pinapalabas ng kagubatan, parang ayaw ng gubat sa kanila.”

Tiningnan niya ang paligid at mukhang napapagod na ang kanyang mga mata sa kakatingin ngunit di niya pa rin maaninag ang naglalakihang gusali ng IT park. Di niya maipalawanag kung papaano siya napunta sa kagubatang iyon. Naisipan niyang maupo sa isang bato na nakita niya sa tabi ng isang malaking puno. Hindi siya mapakali may palagay siyang hindi siya nag iisa. Nararamdaman niya ang mga matang nagmamatyag sa kanya.

“Munting nilalang, anong meron ka ngayon para sa akin?”

“Kamahalan, isa pong mortal ang hinahabol ng taong bayan. Pinapasok ko siya at binigyan ng kaligtasan dito sa kagubatan. Naghihintay nalang po siya sa inyong hatol.”

“Oo nga, bata pa siya ngunit nasa tamang edad na upang makagawa ng bata. Ayon sa ating batas kailangang tratuhin natin siya gaya ng sa matatanda. Hmm..mukhang takot siya, pero natural lang iyan; at ang kanyang pangalan ay, ahhh Jed. Ngayon imbestigahan natin ang dahilan kung bakit siya ipinadala dito sa kagubatan. Hmmm... mukhang may kakayahan naman; ngunit mukhang di pa niya alam kung papano ito gamitin. Ang nakakalungkot lang ay isa siyang makasariling nilalang at ginagamit niya ang kanyang kakayahan upang manlinlang ng kapwa.”

“Ano ang kakayahan niya kamahalan?”

“Tingnan natin, nasa eksaktong posisyun siya, lagi niyang alam kung nasaan siya. May kakayahan din siyang maramdaman ang pakiramdam ng iba, dahil dito alam niya kung ano ang pangangailangan ng iba.”

“Sa tingin nyo po mali ako sa pagpapasok ko sa kanya, kamahalan?”

“Munting nilalang, minsan kailangan nating magbaka sakali. Hindi naman sa lahat ng oras ay sigurado tayo sa ating mga desisyon. Mas mabuti nga ang ganoon, nakakadadag ito ng kulay sa ating buhay. Kahit na sa tingin ko ay may kakayahan nga siyang makagawa ng kaguluhan sa ating mundo. Sa ngayon ay kailangan natin siyang bantayan ng maigi; di na ako magugulat pa kung makatakas siya dito sa kagubatan; naiisip ko pa lang ay mukhang kapana-panabik na, kasi wala pa namang nakakapasok sa kagubatang ito na nakakalabas ng buhay.”

“Pero kamahalan, kung baka sakali nga na makalabas siya, malaki ang mawawala sayo!”

“Totoo, tama ka munting nilalang; iyan ang nakasaad sa batas at kailangan natin iyang sundin. Buksan nating tuluyan ang ating mundo sa kanya at umpisahan na natin ang kasiyahan.”

“Masusunod po kamahalan, gaya ng iyong nais, bubuksan ko na ng tuluyan ang ating mundo para sa batang mortal.”

Part 2

Naiinip na si Jed at medyo namamanhid na rin ang kanyang pwetan sa kakaupo. Mula sa kanyang likuran may narinig siyang isang kahina-hinalang kaluskos; kaya napalingon siya sa direksyon kung saan nanggaling ang ingay at naisipan niyang siyasatin ito.

Masukal ang daan ngunit may sapat namang espasyo para makapasok siya. Hindi kalaunan ay nasa kabilang bahagi na siya ng kagubatan. Nakatayo siya at namangha sa paligid, ang akala niya ay madilim at masukal ang lugar na iyon ngunit lumantad sa kanya ang isang magandang tanawin. May nakita siyang baging na nababalot ng berdeng dahon at dilaw na bulaklak; napansin niyang parang may silid sa likod ng mga baging na iyon kaya hinawi niya ito. Tumambad sa kanyang harapang ang ibat ibang uri ng paru-paru na noon lang niya nakita, may mga makukulay na bulaklak at ang halimuyak nito ay parang dudyan sa iyo patungo sa mundo ng panaginip, maroon ding malalaking kabote na may kakabang kulay at ang mas nakapamangha sa kanya ay ang isang statwa na parang nililok ng Diyos sa ganda. Sinura niya ang statwang iyon at napangiti siya, mukhang mamahalin at maibebenta niya ito sa malaking halaga.

Tinitigan ng mabuti ni Jed ang statwang iyon na para bang na engkanto sa pagkamangha. Isa itong obra maestra, mukhang totoo at may buhay: Ang manlilikha nito ay masusing nililok pati ang pinaka maliit na ugat sa katawan ng statwa, kahit ang pilik mata ay nililok din nito. “Bakit kaya iniwan ng sino man ang isang mamahaling statwa sa gitna ng kagubatan?” tanong niya sa sarili. Ang nakakapagtataka ay parang may isang berdeng liwanag na nakapalibot sa katawan ng statwa; sa tingin niya marahil ay dahil ito sa liwanag ng mula sa berdeng paligid.

Lumapit sa Jed sa statwa na namamangha pa rin. Kung sino man ang modelo ng statwang ito marahil ay isa itong hunk. Nakasuot siya ng isang maiksing maong na shorts, rubber shoes at isang puting sando. Nakapalibot sa kanyang beywang ang isang matulis na itak at sa kanyang likod ay isang backpack na siyang pinaglalagyan ng kanyang kagamitan.

Kahit ang damit at kagamitan ng statwa ay hindi nalimutang lilokin ng manlilikha nito. Mukha talagang totoo at may buhay ang statwang ito. Upang makombense siyang gawa ito sa bato ay hinipo niya ang malaman na legs ng statwa. Ang tigas nito ang nakakombense sa kanya na statwa nga ang matipunong lalaki na ito. Sobrang namangha si Jed sa statwa, kasi naman napaka pogi nito kahit isa itong bato. Noong nakaraang taon lamang na diskobre ni Jed na mas attracted siya sa mga lalaki kesa mga babae. Malas niya lang kasi hindi pa ganap na tanggap sa lipunan ang mga bakla. Kadalasan sa kanyang karansan ay one night stand lamang; sa bagay sa klase ng kanyang pamumuhay, imposible din na magkaroon siya ng isang seryosong relasyon.

Napaisip siya, sana hindi gawa sa bato ang lalaking ito, upang mahubad niya ang soot nitong maong shorts at tingnan kung ano man ang natutulog sa loob nito. Napangisi na lamang siya at maya-maya lang ay parang nahiya sa sarili, para bang alam niyang may nagmamatyag sa kanya.

Naramdaman ni Jed ang isang pangangailan, pakiramdam niya, gusto ng statwa na mahalikan. Syempre sarili nya itong kagustohan na pinasa lang niya sa statwa. Bakit hindi? Wala namang tao sa paligid at walang makakakita sa kahibangan niya. Tumayo siya sa harap ng statwa, halos magkadikit na ang katawan nila sa lapit, dahan dahan niyang hinipo ang matipunong katawan nito, hinimas ang dib-dib hanggang sa leeg. Nilingkis niya ang dalawang kamay sa batok ng statwa at hinalikan ito sa labi. Naglapat ang kanilang mga labi nang biglang sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag.

“Ngayon munting nilalang, hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito; Nabasag niya ang isang sumpa; sa tingin ko ay talagang ka wili-wili ang batang ito!”

“Sa tingin ko po ay tama kayo panginoon.”

Parang nabulag si Jed sa silaw ng liwanag at lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit niya sa statwa. Nang manumbalik na ang kanyang paningin, namalayan na lamang niya na karga-karga siya ng dalawang malalakas na bisig. Ang mas nakakapagtaka sa kanya ay mainit ang mga bisig na ito at mukhang hindi gawa sa bato. At isang bruskong boses ang kanyang narinig, “Maari bang wag, masyadong mahigpit ang pagyakap mo sa akin? Nasasakal kasi ako.”

Sa gulat ni Jed ay agad siyang bumitaw at imbes na malaglag siya sa lupa ay dahan-dahan siyang inilapag ng maskuladong bisig. Sa pagkakataong iyon lubos nang nanumbalik ang paningin ni Jed at naaninag niya na ang statwa ay nagkaroon na ng kulay. Ang balat ay kulay kayumanggi; ang mga pilik mata at buhok ay itim; ang mata ay kulay brown; ang maong shorts ay blue at ang sando ay kulay puti; metal na rin ang itak na kanina lang ay gawa sa bato. Totoong tao ang statwa, nakatingin siya ngayon kay Jed, mapupungay ang mga mata tila nangungusap at nagpapasalamat.

“Anong nangyari?” tanong ni Jed.

“Matagal na panahon na ang nakakalipas, hinabol ako ng taong bayan. Sa di maipalawanag na dahilan, napadpad ako sa kagubatang ito. May nakita akong isang kopang ginto na nakalapag sa isang bato. Sa aking pagka tuso ay pinulot ko ito, at huli ng lahat ng malaman kong engkantado pala ang lugar na ito at ang kopa ay may sumpa! Mula noon, nakatayo na ako dito bilang statwa, naghihintay na isang araw ay may magliligtas sa akin.”

“At bakit ka naman hinabol ng taong bayan?” tanong ulit ni Jed.

“Isa akong dayo sa lugar na ito, galing akong Maynila. Nakituloy ako sa bahay ng aking kaibigan, inakit ko ang kanyang kapatid na babae at nahuli kami ng tatay niya sa loob ng silid na tinutuluyan ko. Sa sobrang kaba ay tumakbo ako at sa katunayan di ko man lang mahagilap ang aking brief sa pagmamadali ko, nagtatakbo lang ako, takot na maabotan.”

Napangisi si Jed, naisip niya ang huling sinabi ng lalaki, wala pala syang brief ngayon. Naisip din niya ang katawang hinimas himas niya kanina ay hindi na bato ngayon.

“Isinumpang kopa?” tanong ni Jed.

Sabay silang napatingin sa gintong kopa na hawak hawak pa rin ng lalaki. Hindi na rin ito bato, wala nang sumpa. Sa tingin ni Jed ay napakamahal nito at kapag nakuha niya ito ay di ni siya maghihirap pa. Agad naman itong isinilid ng lalaki sa kanyang backpack.

“Oo isang sumpa. Tinitigan ko ang kopa, namangha sa ganda nito at pinulot. Bigla nalang akong naging bato, isang statwang naghihintay sa halik ng tunay na pag-ibig. Marami na akong nakita, nakapasok sila sa gubat, natagpuan ako, hinawakan, humanga, ngunit wala sa kanila ang naglakas loob na halikan ako. Hanggang sa dumating ka.”

“At hinipo ka,” sabi ni Jed, nakangisi.

“Hindi lang naman ikaw ang naunang gumwa nun sa akin, dati hinipuan na rin ako ng nakatagpo sa akin, mga babae, pero wala ni isa sa kanila ang humalik sa akin. Teka, sa tingin ko ay di mo rin alam kung papanu ka nakapasok sa kagubatang ito, tama ba ako?”

“Eh, hindi nga. Nagbebenta ako ng mga bagay na hindi sa akin at hinabol din ako ng taong bayan, hanggang sa mapadpad ako dito. Siya nga pala, Jed ang tawag nila sa akin. Ikaw? Ano ang panglan mo?”

“Joseph,” sabi ng lalaki, “at ngayon kailangan na nating makalabas sa kagubatang ito.”

“Sa tingin ko ay may mga tao pa sa labas ng kagubatan, mas mabuti siguro kong magpapalipas muna tayo ng gabi.” Sagot ni Jed.

“Sa tingin ko ay tama ka Jed. Ngunit mag ingat ka, huwag na huwag kang pumulot o gumalaw man lang sa kung ano mang kaay-aya na makita mo.” Babala ni Joseph kay Jed.

Naglakad ang dalawa at napansin nilang lumapad ang daan at tila nasa isang parang na sila. Maginaw sa lugar na iyon; nabigla si Jed nang bigla siyang akbayan ni Joseph at kasabay nito ang pisil sa kanyang likuran. Sa loob ng mahabang panahon sa loob ng gubat, nag-iisa bilang isang statwa, malibog na malibog na ngayon si Joseph.

Sa isip naman ni Jed, gusto din naman niyang matikman ang maskulado at gwapong nilalang na iyon. Mahilig sa delekado si Jed at nasanay na siya dito, kung may pagkahayop man sa katauhan ni Joseph, gusto niyang makita at maranasan iyon. Ninamnam niya ang paglapat ng kanilang katawan at iyon ng bumuhay sa kanyang nagsusumidhing pagnanasa.


itutuloy


Note: My posts on other sites are qiete delayed. To check on the latest post, feel free to visit me at www.jaysoncnu.blogspot.com

Warning: If you dont like my story, please dont read further. Thanks!

Monday, February 21, 2011

"MRT 9"

“Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”


Ready na ba akong makita ka ulit? Ano ba Oel. Hindi ko na din alam. Sobrang saya ko sa dalawang mokong na to,bakit pa ba kita pagaaksyahan ng panahon? Teka? Bakit parang umuurong ata ako ngayon? Ano na ba talaga ang nararamdaman ko? Gusto ko pa ba ipamukha sayo na masaya ako? Ano ba Oel?


“Anong iniisip mo Rob?” tanong ni Choi sa akin.


“Iniisip ko kung anong mangyayari after nating makita ang ex ko.” sagot kong mahina


“Bakit? Hanggang ngayon ba mahal mo pa sya?” sagot nito habang tinitignan ang kanyang mukha sa salamin ng kotse.


“Hindi na.” malamig kong sagot.


Hindi na nga ba talaga? Nalilito ako minsan sa sarili ko. Bahala na nga. On the way na kaming tatlo sa parke. Para lang gago,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag bakit parang affected ako. Pero ano ba? Bakit naman ako di maapektuhan eh paghihiganti ko ang nakasalalay dito. Paghihiganting dapat noon ko pa ginawa.


“Sana after nito Rob,maging tayo na.” prankang sabi ni Rex habang nagmamaneho.


“You wish. Asa ka pa Rex. Impossible yang sinasabi mo.” pangaasar ni Choi dito.


“Kumpara naman sa'yo na bitter pa din hanggang ngayon. Ano ba? Alam naman natin na ako ang sasagutin ni Rob eh.” Pagaangas ni Rex sa isa.


“Tumigil na nga lang kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” pagsaway ko sa kanila.


Parang mga batang napagalitan ng nanay,mabilis na nanahimik ang dalawa. Nasa harap kami ni Rex samantalang malikot na nagagalaw si Choi sa likod ng driver's seat. Iniisip ko kung ano nga ba talaga ang mangyayari sa aming tatlo pagkatapos nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman,o kung sino ba dapat ang piliin ko. Bahala nalang si Batman. Basta dapat maipamukha ko kay Oel na masaya ako at di ko sya kailangan.


“Malapit na ba tayo? Saan ba banda yun?” usisa ni Choi.


“Pagikot ng circle dun na. Malapit-lapit na tayo Choi.” sagot ko.


“Handa ka na ba?” tanong ni Rex.


“Handa saan?” wala sa sarili kong tanong.


“Sa mga pwedeng mangyari?” balik nito sa akin.


“Ha?” nagitla kong usal.


“Anong ha?” sabi nito.


Natameme ako.


“Siguro nga. Siguro nga handa na ako.” sagot ko.


“Bakit parang di ka sigurado?” tanong nito sa akin.


“Di ko din alam.” maiksi kong sagot.


Natahimik si Rex. Maging si Choi ay parang naninimbang din sa mga nangyayari. Di nila alam kung anong mangyayari after nitong meet-up na to. Just to be fair,di ko din naman alam ang mangyayari pagkatapos. Wala akong idea,sana nga maganda ang mga bagay after nito. Nakakalito.


“Rob?” pagbasag ni Choi sa katahimikan.


“Uh-huh?” sagot ko.


“Wala naman. Siguro di ka pa over sa ex mo.” nasabi nito all of a sudden


“Huh?”


“Bakit parang nabibingi ka?” sabat ni Rex.


“Gago.” sagot ko.


“Sabi ko di ka pa over sa kung sinong demonyong ex mo na yan.” sabi ni Choi.


Nakita ko ang paglatag ng mata ni Rex sa salamin. Nakita ko na nagtama ang mga mata nila ni Choi mula dito. Nagtitigan,di nagtagal nakita kong umirap si Choi kay Rex na nagpangiti sa akin.


“Over na siguro ako.” sagot ko.


“I think I have to agree with Choi.” sagot ni Rex.


Tumaas ang kilay ko sa narinig. Unang beses sumang-ayon ni Rex kay Choi. Mailagay nga sa kalendaryo tong araw na to. Winner.


“Himala? Nagagree ka sakin?” pagsusungit ni Choi kay Rex.


“May point ka dun. Pero utak biya ka pa rin para sakin.” banat ni Rex.


“Tarantado ka ah!” sabi ni Choi sabay batok kay Rex na nagmamaneho.


“Aray!”


“Tama na nga yan!” saway ko sa kanila.


“Humanda ka sakin Mongoloid ka pagbaba ko dito!” gigil at namumulang sabi ni Rex kay Choi.


“Ulol. Di ako mongoloid! Ikaw nga Gorilya! Ang kapal ng buhok mo! Huuunnnggoooyy!” pangaasar pa ni Choi.


“Putangina. Manahimik nga kayo.” naiirita kong sabi sa kanila.


“Hala? Nagmura na si Rob. Galit na nga. Manahimik na nga tayo Choi.” sabi ni Rex.


Tahimik.


Napagisip ako. Mahirap mamili sa kanilang dalawa. May mga bagay sila na kayang ibigay, Parang pag pinagsama sila at gawing isang tao,parang perfect ang dating nila. Ang hirap mamili. Naisip ko na kung si Rex ang pipiliin ko,okay sya,yun nga lang laging mabilis. Kung si Choi naman,okay din naman,yung nga lang eh napakalibog at may pagkachildish. Bahala na nga.


“Nandito na tayo.” sabi ni Rex.


Nabalik ako sa sarili nang sabihin ni Rex yun. Parang nakaramdam ako ng kaba at excitement. Kaba dahil baka magwala ako dun? Excitement dahil atlast,makakaganti na ako sa kanya.


“Ready na ba kayo boys?” sabi ko.


“Opo!” sagot ng dalawa.


Bumaba kami ng kotse. Buti na nga lang at wala masyadong tao ngayon. Eto na at magsisimula na ang huli naming pagtutuos.



Malamig ang hangin sa parke. Nakakatuwang pagmasdan ang pagsayaw ng mga dahon sa twing hinihipan sila ng nangroromansang hangin. Kakaiba ang sundot na dala ng sinag ng papalubog na araw. Nakakakiliti na nakakatakot.


Malaki na rin ang pinagbago ng parke. Ang ibang bahagi na damo ay sementado na ngayon. Mas dumami ang mga swing at seesaw, mas dumami din ang mga malalaking puno na nagbibigay lilim sa lahat ng bumabagtas dito. Hindi ko alam kung ano ng itsura ng lugar na lagi naming tinatambayan noon.


“Ang weird nitong park na to.” sabi ni Choi.


“What made this park weird?” sagot ko.


“Actually,this park's okay.” sabat naman ni Rex.


“Ang sipsip mo talaga Rex no? Masyado kang paimpress eh.” sagot ni Choi.


“Di ako sipsip! Nagsasabi lang ako na nagustuhan ko ang park.” naiirita na sagot ni Rex.


“Fine. Magaway kayo ng magaway.” sagot ko.


“Basta,weird ang park na to. I just don't know why.” matigas na sabi ni Choi.


“Siguro nga.” sagot ko.


“I just don't know. Pero ramdam ko na malungkot yung park. Parang depressing yung ambiance though maganda tong park na to physically.” paliwanag ni Choi.


“Nalulungkot pala ang park?”pilosopong sabat ni Rex.


“Leche!” sabi ni Choi sabay hampas kay Rex sa braso.


“Actually oo. Malungkot tong park na to.” bigla kong nasabi.


Natahimik ang dalawa. Natigil sa kanilang pagpapaluan. Parehong tumama ang kanilang mga mata sa akin.


“See? Ang kulit mo kasi Rex.” pagyayabang ni Choi.


“I saw someone dito sa park na to,umiiyak na parang bata. He looked so sad that time,di ko alam pero nilapitan ko sya at tinanong kung bakit,namatay daw nung mga panahon na yun yung nanay nya so sobrang lungkot nya. Naging saksi tong park na to sa bawat paghagulgol nung lalaking yun,nakita ng parkeng ito kung paano sya nagluksa at humiyaw para mairelease ang sakit na nararamdaman nya.”


Nanatiling tahimik ang dalawa. Halatang nagaantay ng kasunod.


“Mula noong araw na yun,lagi na akong pumunta sa parke na to. Lagi ko syang nakikita,nung una medyo nahihiya pa sya sa akin sa twing pinapahiram ko sya ng panyo,pero latter on,nasanay na din sya. Naging magkaibigan kami,sobrang close. Di nagtagal,narealize pala namin na gusto na namin ang isa't isa. Naging saksi ang parkeng ito kung paano sumibol ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Nakita nga mga puno kung paano nya ako kinakantahan twing nalulungkot ako.” dagdag ko pa.


“Sino sya?” tanong ni Rex.


“Oo nga.” extra ni Choi.


“Lastly,this park was once a witness nung bigla syang nawala na parang bula.” may pait sa aking tono.


“What do you mean?” tanong ni Choi.


“We were supposed to meet dito dati. I waited for hours pero kahit anino nya wala. Malalaman ko nalang na umalis sya ng bansa at yun na. Wala na akong balita. This park was once a witness kung paano ako parang gagong nagantay sa kanya. Nakita ng parke kung paano ako umiyak. Kung makakapagsalita lang ang mga puno dito,malamang kinomfort na nila ako.” sabi kong mahina at unti-unting nagkacrack ang boses.


“Confirmed,mahal mo pa nga yung ex mo.” sabi ni Choi.


“Di ko na sya mahal. Gusto ko lang talaga makaganti.” sagot ko.


“Okay. Kunwari naniniwala ako sa'yo.” sagot pa nito.


“Humanda sya. Ngayong back-up ko na kayo. I'm sure na maniniwala sya. Basta galingan nyo sa pagarte ha? Cool lang. Para di halatang umaarte tayong tatlo.” sabi ko.


“Copy.” sagot ni Rex.


“Paste?” banat ni Choi.


“Gago.” sabi ko.


“Humanda ka samin Oel.” sabi ko.


“Oel?” sabi ni Rex.


“Oo. Oel.” sagot ko.


“Sino si Oel?” tanong ni Choi.


“Ex ko. Oel Milana.” sagot ko.


At nakita kong nagiba ang expression sa mukha nila Rex at Choi.


ITUTULOY...

Thursday, February 17, 2011

BOL UNTOLD STORIES NOW AVAILABLE!



Finally, the book that we have been waiting for is now available. Salamat sa lahat ng tumulong at naniwala sa proyektong ito. Worth it lahat ng pagod at sacrifice na ginugol natin dito. Sa mga nagdonate, nag edit ,tumulong,nag encourage sakin na ituloy ang project na ito, sa mga nag volunteer na maging dealer ng book sa ibat ibang location mara mas mapadali ang pag distribute ng book. Salamat sa inyo.



" Book Content"


14 New Short Stories



Ang Lihim ni Rigor by Mikejuha
Metanoia by Dhenxo Lopez
For Always by Dalisay
Faultline by Unbroken
Mahal kong Multo by Jayson
Blinded by Emil delos Reyes
Speak Now by Fences
Paghihiganti by Jeri Jones
One Night by Bx35
Bakal at Bulaklak by JoshX
A Detective's Love Story by Dalisay
Positive Forgiveness by Unbroken
Only Exception by Dalisay
Bob by JD Sanchez

and

Featuring 2 of your All-time favorites

Tol I Love You by Mike Juha

and

My All by Emil delos Reyes



The first ever book of Bioutloud is now available!
Grab your own copies now!
Let's Spread the news!


The book is not yet available on bookstores. This is a self-published book. You can purchase it online. Hopefully After having enough funds, we'll be able to make it available on bookstores nationwide.


Price: P 350.00


For orders, Call or text our distributors:


Dalisay ( SM North and Moa) - 09275656228
Enso ( Caloocan) -09052941060
Jayson (Cebu) - 09266148177



Text the distributors for meet-ups.


For other locations:


Ito po yung mga mga shipping fee
1) JRS Express
Luzon- ( 1book - 90.00 ) (2book - 135.00)
Vizayas - (1bookt - 95.00 ) (2book- 142.00 )
Mindanao- (1book- 100.00 ) (2book- 150.00 )

2) FedEx mail&more (1 or 2 book)
Luzon- 101.00
Vizayas- 112.00
Mindanao- 112.00

2) LBC (1 or 2 book)
Luzon - 150.00
Vizayas - 165.00
Mindanao - 165.00

For private orders, You can order by sending an email at bioutloud@yahoo.com

Thank you

for more details, visit :
http://bioutloud.blogspot.com/2011/02/untold-stories-book-1.html

Tuesday, February 15, 2011

"Unbroken 7"





❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
“Unbroken 7”
2.4:Faultline
“Everytime you look at me,I want something more.”
-Katharine Mcphee,Faultline


Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Pati si Carlos malamang ay nagtataka kung sino si Pixel. Halatang halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Pati ang kanyang mukha ay namumula rin. Bilang pakikipagkilala,inabot din na Carlos ang kanyang kamay kay Pixel and they did a handshake.


“Oh,hi! Nice meeting you Pixel. I'm Carlos,kaibigan ni FR.” magalang nitong sabi.


“Hi Carlos,ang cute mo. Magaling talaga pumili ng kaibigan tong Boyfriend ko.” sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko.


“Pixel anong nahithit mo? Pumasok ka na nga sa loob.” Irita kong utos.


Natawa si Carlos sa narinig. Sa halip na pumasok sa loob ay lalong lumingkis sa akin si Pixel.
Halatang nangaasar. Halik pa ito ng halik sa pisngi ko habang nakatingin kay Carlos. Nawala ako sa sarili. Wala na ako sa wisyo. Hindi ko alam na ganito pa pala ang sasalubong sa akin pagdating ko ng Mandaluyong.


Dala na rin ng sitwasyon,nakaramdam ako ng awkwardness. Pati si Carlos ay nangangapa sa kung ano ang dapat nyang gawin. Samantalang si Pixel ay patuloy sa paglingkis at paghalik sa akin. Kung tignan nya si Carlos ay kakaiba,parang gusto nyang burahin ito sa mundo at ibaon ng buhay sa lupa.


“FR,honeybunch,isakay na natin sa Cab yang Friend mo. Late na oh?” sabi nyang nangaasar.


“Ahh. Yeah. That's what I'm about to do.” sagot ni Carlos na dumistansya sa amin.


Tumalikod si Carlos sa amin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. Kasi hindi na sya nagsasalita. Ngumingiti lang ito pag nagkakatama kami ng tingin at hanggang dun nalang. Hindi kami makakilos ng husto dahil kay Pixel. Ilang minuto pa ay
may dumaan na cab. Sumakay na dito si Carlos at kumaway sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Pixel. Punong-puno ako ng pangamba sa nangyari. Paano kung isipin ni Carlos na ginago ko sya?
Paano kung isipin nya na nagsisinungaling ako? Paano kung isipin nya talaga na GF ko tong pesteng Pixel na to?


Biglang umakyat ang dugo ko ng maalala ko ang pangtitrip ng bestfriend kong si Pixel. Punyeta. Moment ko na yun eh? Gaganunin pa nya? Kabadtrip. Mula sa pagkakalingkis nya sa akin ay kumalas akong agad. Hinarap ko sya at tinitigan. Nakipagtitigan din ang lintik, Eye to eye,sa mga titig nya ay parang sinasabi nya na dapat akong magpaliwanag.


“Shit ka Best! Moment ko na yun eh. Gaganyanin mo pa?” asar kong sabi.


“Ang landi mo talaga. Haliparot ka. Sino naman yung umbao na yun?” sagot nyang sarkastiko.


“Carlos. Diba nakipagkamay pa nga sa'yo? Tanga ka?” gigil kong sabi.


“Ahh Fine. Ang landi mo. Naku. Ang galing ko talagang umacting friendship no? Pang FAMAS akis!”sabi nito sabay tawa.


Naiirita ko sa tawa nya. Akala nya ay lumalandi ako. Hindi nya alam ay yung taong pinagtripan nya ay yung taong makakatulong sa akin sa pagrerecover dahil sa break up namin ni Daniel. Kung hindi lang masama sumuntok ng babae,bugbog-sarado na to sakin malamang.


“Hindi ako malandi,at isa pa,wag kang papasok sa bahay namin.” sagot kong galit


“Ayy? Anong drama ito tehhh? Kailan ka pa naging iritado sa akin? Diba nga love na love mo ako friendship? At kailan pa ako naging bawal pumasok dyan sa bahay nyo? Eh halos dyan na ako tumira?” sagot nyang sunod sunod.


“Ngayon lang. Mula ngayon,hindi ko na makakapasok sa bahay na to. Ayoko na makita ang pagmumukha mo sa bahay na to.” Sabi ko sa kanya ng pasigaw.


Iyan ang unang beses kong masigawan si Pixel. Sa mahigit 5 taong pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang nakuhang taasan sya ng boses. Hindi naman din kasi tama yung ginawa nya,mangtrip ba naman na Girlfriend ko sya sa harap ng future boyfriend ko? Ayaw ba nya kong maging masaya?
Sabagay,wala din naman syang alam sa nangyari.At wala din syang alam sa aking nararamdaman.


“Friendship? Sinagawan mo ko? Di nga?” sagot nito,halatang nabigla,naiiyak.


“Pixel,this is not a joke. You saw me with Carlos a while ago diba? Then you're going to trip na girlfriend kita? Para ano? Ayaw mo ba kong maging masaya?” sabi ko sa kanya.


Pagkasabi ko noon ay biglang tumulo na naman ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay bumalik sa akin ang lahat ng nangyare sa amin ni Daniel. Bumalik sa gunita ko ang gabi kung kailan nya ako iniwan para sa kanyang kabit. Naalala ko bigla lahat kung gaano ako umiyak ng gabing iyon,kung paano ako naging miserable. Kung paano namatay ang isang parte ng aking pinakaiingatang sarili.


Wala na kong alam sa mga sumunod na nangyare,ang alam ko lang ay nakarating ako sa aking kwarto bitbit ang aking mga gamit. Hindi ko pinansin ang aking mga magulang at dire-direcho akong umakyat sa aking kwarto na umiiyak na parang bata. Pakiramdam ko ay pati ang bestfriend
ko ay hinahadlangan ang aking kaligayahan. Masama na ba kong maging masaya kasama ang ibang tao? Why does she have to do that? I hate her. I hate her. I hate her. Para akong batang tumalon sa aking kama. Agad na dumampot ng unan ng agad na niyakag ito. Bawat diin ng yakap ko sa unan ay kasabay na pagtulo ng aking mga maiinit na luha. Mga luhang akala kong hindi na aagos.


Nakadapa akong nakayakap sa unan ng may naramdaman akong biglang pumasok. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabango na yon. Naramdaman kong humupa ang aking pagiyak. Nakaramdam ako ng security sa mga hakbang na aking naririnig papalapit sa akin. Ilang saglit pa,naramdaman ko ang paglubog ng kama na nagpapatunay na may tao ngang umupo dito.


“Anak.”


“Ma.”


“Anak.”


“Ma.”


“Anak. What's up?” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa “What's up?” ni mama. Ganyan ang nanay ko. She knows how to make fun kahit na sobrang depressing na ang mga nangyayari. Ang nanay ko ay nasa 50 na. Medyo namilog dahil na marahil sa kakakain,pero maraming nagsasabi na parang 30 lang sya dahil sa kanyang mukha na labis naman nyang kinatutuwa.


Dali dali akong bumangon. Hinarap ang aking pinakamamahal na ina. Tumingin sya sa akin. Ngumiti. I tried to manage a fake smile. Hindi ko mawari ang reaksyon ng nanay ko,hindi ko alam kung naniniwala ba sya na masaya ako o hindi. Lumapit sya sa akin at tumitig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maipakita na okay lang ako. Bigla akong napabuntong hininga.


“Anak?”


“Po?”


“May pimple ka sa noo oh?”seryoso nyang sabi.


“Ha? Mama naman eh!” sabi ko sabay ngiti


“Joke lang to naman. Anak,alam kong hindi ka okay.”sabi nya


“Opo. Hindi talaga. Pero magiging okay din ako Ma,promise!”


“You have to make sure anak,sino yung naghatid sayo?”


“Ahh,yun ba Ma? Si Carlos po.”


“Bago?”


“Hindi po Ma.”


“Sus,iiwan na muna kita. Andyan sa labas ng kwarto mo si Pixel,magusap kayo. I'm sure na sya ang makakaintindi sa'yo. Tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng Back up. Okay?”


“Opo Ma,Salamat ng marami.” sabi ko sabay ngiti at buntong hininga.


Tumayo ang nanay ko at naglakad palabas ng pinto. Pero bago sya lumabas ay nagwika ito na.


“Nak,Infairness kay Carlos ha? Shoot sya sa banga. Palong Palo.” sabay ngiti at kembot palabas ng kwarto.


At biglang sumara ang kwarto. Halos mamatay ako sa kakatawa sa aking nanay.She has always been so supportive sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Hindi sya kunsintidora,may tiwala lang talaga sya sa akin. Nung umpisa ay sobrang nanay na nanay yan sa akin,yung tipong nanay na ubod ng bait
kagaya ng sa mga soap opera. Pero mula ng mapadpad si Pixel sa bahay,ayan naging kikay na din. Naging cool mom na,pero atleast naman ay di nya napapabayaan ang pagiging nanay nya sa akin.


Umupo ako sa edge ng kama. Inayos ko ang aking sarili. Mula sa aking pagkakaupo ay di sinasadya kong nakita ang larawan namin ni Daniel. Nakapatong ito sa computer table na nasa gilid ng higaan. Maganda ang kuha namin sa larawan na iyon,nakapolo shirt ako na maroon habang si Daniel naman
ay nakawhite na t-shirt. Nakaakbay sya sa akin sa larawan. Kinunan ito 2 years ago,birthday ni Pixel. Naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam. Bigla din bumabagal ang aking paghinga,sa bawat paghinga ay ramdam ko ang sakit na iniwan nya sa akin. It only hurts when I'm breathing. Akala ko okay na ako. Hindi pa din pala. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at muli kong binagsak ang aking katawan sa kama. Tanaw ko ang kisame. Blanko. Buti pa ang kisame
andyan lang. Hindi bumagsak,kahit na anayin ito ay nakadikit pa din sa taas. Hindi nya hinahayaan na madaig sya ng mga anay. Hindi sya nagpapatalo sa temptations para bumagsak sya. Sana naging ganun din si Daniel sa relasyon namin. Sana hindi sya nagpadala sa kung sino mang lumalandi sa kanya. Sana hindi nya pinaanayan yung utak nya para hanggang ngayon masaya pa din kami. Sana ngayon kami pa din. Naramdaman kong sumara ang talukap ng aking mga mata. Kasunod nito ay ang pag-agos ng butil ng aking mainit na luha. Kahit anong gawin ko ay di pa rin talaga ako okay.
Kahit anong gawin ko di pa din ako masaya. Kahit anong gawin ko,at kahit anong kilig ang dala sa akin ni Carlos ay babagsak pa din ako sa pagiisip na si Daniel pa rin talaga ang hinahanap ko.
Si Daniel pa din ang mahal ko.


Buntong-hininga. Isang malalim na hininga.


Nakaramdam ako ng bagong presensya na pumasok sa kwarto. Alam ko na kung sino,sa tunog palang ng takong na tumatama sa aking kwartong may tiles ay alam ko na kung sino ang pumapasok. May kalakihan ang aking kwarto para sa isang tao,isa na yun sa dahilan kung bakit
mabilis narating ng taong ito ang aking kinahihigaan. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga
at dali dali syang umupo sa aking kama.


“Best.”


“Umalis ka dito. Ayaw kita kausapin.” sabi ko.


“Paano kita maintindihan kung ayaw mo magsalita?”tanong nito halatang malungkot ang tono.


“I need time.”


“Leche.You don't need time. We need to talk. Ano ba kasi nangyari?”


“Read between the lines.”sagot ko.


“Okay. Read between the lines. Kinakaliwa mo si Daniel?”tanong nito.


Napangiti ako sa narinig. Ngiting ubod ng pait.


“Ganoon ba talaga tingin mo sa akin?”tanong kong may halo ng sarkasmo.


“Bes,I know you're faithful.”


“You know right?”


“Oo. Eh bakit nandito yung si Carlos? Susumbong kita kay Daniel.”


“Magsumbong ka. Pagbuhulin ko pa kayo.” sagot ko.


Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Pixel.


“Fine. I'll call him now.”


Sabay kuha ng phone nya,nagdial at tinapat ang cellphone sa kanyang tainga.


“Ayan. Nagriring na.” nangaasar nyang sabi.


“He left me.” mahina kong sabi


Nangilid ang aking mga luha.Nagitla sya sa narinig. Agad agad na pinutol ang tawag,ibinaba ito at initsa sa isang parte ng kama.Hindi agad sya nakapagsalita. Tumitig sya sa akin at sinuri kong totoo ba ang aking sinasabi,maging siya ay halatang di makapaniwala. Naramdaman kong nagpakawala sya ng buntong hininga. Umakyat ang panghihina sa akin at dumaloy na naman ang aking luha. Umupo ako at humikbi na parang bata. Agad lumapit si Pixel at yumakap. Alam nya kung anong nararamdaman ko. At alam nya sa aking mga mata kung nagsasabi ba ako ng totoo. Alam kong may tiwala sa akin ang Bestfriend kong ito.


“Anong nangyari best? Bakit nagkaganoon?”


“May iba na daw sya. After 3 years best. Masakit.”


“May iba? Eh halos nga hindi na natutulog yon sa mga trabaho nya. Ang dami nyang projects na designs sa bahay. Impossibleng makapagsingit sya ng 3rd party best.” sabi nyang may halong pagtataka at galit.


“I don't know how he did it. Pero wala na. At eto na ako. I'm left alone.”


At tumulo na naman ang isa pang round ng aking mga luha.


“Stop crying bestfriend. Di ko alam yung sasabihin ko. Even me,I'm shocked. I really don't know what to say to you now. You should have told me. Para di ko na pinagtripan yung prospect BF mo.
Sorry friendship. Sorry talaga.”


“Tapos na yun. Hindi ko na din lalo alam ang gagawin ko.”sabi ko


“Ano ka ba? The world hasn't stopped revolving.”sagot ni Pixel


“I know best.”


“Anong plano mo?


“Hindi ko alam. He left me and I feel so fucking wasted. For the past 3 years,he has been my life. Wala ng magtetext sakin ng “Good Morning Hon. I love you.”. Wala ng tatawag sa akin in the middle of the day para magremind na I should take my vitamins. Wala ng bibisita dito sa bahay tuwing midnight para magayang kumain ng balot sa may kanto. Wala na best. I don't know where to go from here.”



Blanko. Tahimik. Walang gustong magsalita. Alam ni Pixel kung gaano ako nasasaktan sa lahat ng mga nangyari. Hindi din madali magmove on. Alam nyo yan. Hindi ito overnight process. Hindi din ito parang Ponds Cream na magiging invisible ang dark spots in just 7 days. Pag naging broken hearted ka,you'll be bearing a lot of dark spots depende na din sa tolerance mo. Nanatili akong tulala at sobrang bigat ng pakiramdam,naramdaman ko na lamang ang init ng yakap na nagmula sa aking pinakamamahal na kaibigan.


“You'll be fine best.”


“I know. Thanks talaga Best.”


“Sorry sa ginawa ko kay Carlos. Hindi ko naman meant yun. Alam mo naman na fan ako ng love story nyo ni Daniel. Isa pa I'm just being protective. Sorry talaga.” sinsero nyang sabi


“Wala na yun. Pag magtext sya eh swerte,pag hindi eh siguro I have to fix myself alone. Pero alam mo,he really is a good catch. I'm sure you'll like him.”


“Mukha nga. Infairness,He's my MOMD.”


“Landi mo. Walang ahasan Best.”


“Ayy naman! Ganda kong to FR no? OMG. I'm so ganda kaya dami kong boys no?”sabi nito


“Madami ka ngang boys. Wala ka namang boyfriend.” pangaasar kong sabi


“Hindi porket madami kang nahuling isda sa dagat eh kakainin mo na lahat. Dapat best,may reserba ka para hindi ka maubusan bukas. Diba?” sabi nitong nangiinis.


Pansamantala kong nakalimutan ang mga sakit na dinadala. Ang kaninang sobrang lungkot kong aura ay biglang nabura. Nakatulong ang isang kaibigan. Napuno ng tawanan ang aking kwarto,bumalik kahit papano ang aking sigla. Masaya ako ngayon at ayoko muna magisa,dahil alam ko na pag naiwan ako magisa,tatargetin na naman ako ng kalungkutan. Isang kalabang napakahirap labanan.


Nasa kalagitnaan kami ng isang magandang usapan ng mag-ring ang aking phone. Dali dali kong kinuha ito mula sa aking bag.


“0916*******

Calling....”


“Hello?”


“Uy. Musta?” sagot ng lalaki sa kabilang linya.


“Hey? Oyyy Musta?” sagot ko in exaggeration


Si Carlos ang nasa kabilang linya.Biglang may nagflash na ngiti sa aking mga labi. Bigla kong naramdaman ay pamumula ng aking mukha. Napansin ito ni Pixel at humiyaw.


“Best! Sino yan? Nakikipag SOP ka na naman!” nanunuya nitong sabi.


“SOP? FR do you do that? Hahahaha.” sabat ni Carlos na narinig ang sinabi ni Pixel.


“Ha? Naku hindi ahh. Adik lang tong babaeng to. Wag ka maniwala dyan.” sagot kong defensive.


“Hay. Uy FR sorry kanina ha? Nahuli tayo ng GF mo na nagkikiss, nagaway ba kayo? Sorry. Sorry.”
sabi nyang ramdam na ramdam ang sincerity.


“Don't mind him Carlos. No worries at all. Hindi ko yun GF. Bestfriend ko lang yun,nangtrip na BF nya daw ako. Kaya okay na. Wala ng dapat ipagalala.” sabi ko


“Really? Wow. Buti nalang. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nasira kayo dahil sakin. Buti nalang talaga.”tuwang tuwa nyang sabi


“Yup. No worries. Mabait tong si Pixel. You'll like her. Pakilala kita pag nagkita tayo ulit.” sabi ko


“Sure. My pleasure,isurprise nalang kita. Tutal alam ko na din naman ang bahay mo. So paano FR? See you tomorrow?” sabi nito


“Surprise ba yun? Eh sinabi mo nang bukas?” pabiro kong sabi.


“Hindi mo naman alam kung anong oras. Hahaha.” sabay tawa nitong sagot.


“Duga.”


“Sige na,I'll see you tomorrow. Good night FR.”


“Good Night Carlos.”


Then the call ended. Woohhh. Bigla na namang sumaya ang gabi ko. Nagmadali akong tumalon sa kama at humiga. Para akong dalaga sa mga telenovela. Patuloy ako sa pagdeday dream kahit gabi na.


“Best. Sabi ko sayo wag ka hihithit ng brief eh, Ayan tuloy.” sabi ni Pixel.


“Sus,inggit ka lang best.” nangaasar kong sabi.


“Hindi din no. May pekpek naman ako.” sagot nito.


“Adik ka best,may pekpek din naman ako no.”sagot ko sabay ngisi


“Oo nga best,may pekpek ka umuutot nga lang.” sabay halakhak ng malakas.


11:45P.M.


Nakaramdam na ko ng pagod. Pagod na din marahil sa byahe at sa lahat ng nangyari. My day has been a roller coaster of emotions. Masaya. Malungkot. Down. Hyper. Atbp. Ano pa ba ang mangyayari bago matapos ang araw na ito?


Nakahiga na kami ni Pixel sa kama. Tamang kwentuhan lang kami ng mga bagay bagay. Nagpapaantok kami pareho. Nandyang pagusapan namin ang mga bagong songs,mga bagong trends sa damit. Mga bagong prospect Bf at kung anu-ano pang bago. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap about sa “Teenage Dream” ni Katy Perry nang tumunog ang aking phone.


“Best,may nagtext sayo.” sabi ni Pixel sabay abot ng phone.


“Ahh okay.” agad kong inabot ang aking cp..


1 message received:
23:47:23
Daniel


Kinabahan ako nakita.


“Inbox”


Read?


“Ahh punyetang CP. Ang daming chechebureche.”


Message:

FR. Thanks for everything. We didn't end things properly.
Sorry Sa lahat. But Thanks for the 3 years with you.
I'm going to the States to fix everything. I'll have my flight
at 3A.M. I wish you the best. Thanks Hon!


Message End:


At biglang tumulo ang aking mga maiinit na luha.


ITUTULOY....

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

Friday, February 11, 2011

RELIVE: Si Andrei

Bago po ang lahat ay nais ko po munag ipakilala ang aking sarili. Ako po si Tonton, 19 years old, college student sa isang kilalang unibersidad dito sa aming probinsya, 5'6 ang height, moreno, chubby, at ordinary looking. Hindi ako halata pero ako ay isang bisexual. Itong kwentong ito ay nangyari noong ako ay freshman pa lang sa college.

Gaya ng mga kabataang kagagraduate pa lang ng high school, hirap akong pumili ng eskwelahang papasukan sa kolehiyo. Madaming offers akong natatanggap na mga scholarships, meron sa gobyerno at meron din sa mga private individuals or organizations. Hindi naman po sa pagmamalaki eh ako ang batch valedictorian nung high school kaya hindi nakakapagtakang madaming opportunities sakin. Isa sa mga nagpadala ng scholaarship grants ay ang eskwelahang aking pinapasukan sa kasalukuyan. Pangarap ko kasi ang makapag-abroad kaya kumuha nadin ako ng pinagkakapitagang kurso na nursing.

Dumaan ako sa napakaraming tests para lang makuha ko ang pinapangarap kong full time scholarship ng unibersidad. Lahat naman iyon ay naipasa ko kaya naman laking tuwa ko ng mareceive ko ang scholarship grant na yun. Wala nang poproblemahin pa sila nanay at tatay sa gastusin ko sa tuition fee. Bukod pa sa scholarship na yun, nag-apply din ako na maging isang student aide para makatulong sa iba pang gastusin sa pag-aaral ko. Syempre pasado din ako sa inaplyan ko kaya lubos ang kaligayahan ko.

Matapos ang isang linggo, nakapagpaenrol na ako at ang section ko ay 1D. Kinakabahan ako dahil di ko pa nakikita kung sino ang mga magiging kaklase ko. Sa pasukan ko pa lang sila makikilala. hindi ako excited na bumili ng mga school supplies ko kundi mas excited ako sa maaaring mangyari ngayong college.

Lumipas pa ang mga araw at pasukan na. unang araw ay orientation namin. Lahat ng mga bagong estudyante ay required na pumunta sa auditorium para sa orientation ng rules and regulations and university. Halo-halo ang lahat ng mga estudyante doon galing sa iba't ibang department. pinaghiwahiwalay ang mga departments kumbaga sorted ang mga estudyante. Hindi nakakapagtaka na ang department ng nursing ang pinakamarami dahil sa pagiging indemand nito abroad. Maya-maya pa ay inihiwalay nadin kami sa iba pang departments. Tumingin tingin ako sa mga estudyante roon baka me kakilala ako pero wala akong kilala ni isa.

Sa paglinga-linga ko nakita ko ang grupo ng mga lalaki na puro mga gwapo. Maiingay sila at tipong mga bad boys. Nakita ako nung isa na nakatingin sa kanila. Nakita ko din na lumingon silang lahat sa direksyon ko. Agad akong umiwas ng tingin pero narinig ko pa din ang tawanan nila. Waring ako ang topic nila. Sabi ko sa sarili ko na iiwasan ko ang grupong ito hangga't maaari.

Tapos na ang orientation namin. agad naman akong umakyat sa 2nd floor para pumunta sa library dahil dun ako in-assign na student aide. Ang trabaho ko doon eh ayusin at i-sort lahat ng mga libro ayon sa codes na nakalagay sa kanila.

Mahirap ang naging adjustment ko sa buhay kolehiyo dahil na din sa scholarships. Dumaan ang mga araw na puro aral, trabaho, aral, trabaho ang ginagawa ko sa araw araw. Nakakapagod dahil sabay ang pag-aaral at pagtatrabaho. Pero no choice ako dahil gusto kong makatapos ng kolehiyo.

Isang araw, naka-duty ako sa library nun ng pumasok ang grupo nang mga kabataang maiingay nung orientation. Hindi sila basta basta pwedeng mag-ingay doon dahil sa library iyon. Dapat naka-silent din ang mga cellphones. Lumapit sa sakin iyong lalaking nakatingin sakin noon at nagtatanong ng libro. Feeling ko mabait naman tong taong to at nadala lang ng barkada niya. Hinanap ko yung sinasabi niyang libro sa may reserved section ng library at nakita ko doon yung libro. Agad ko itong ibinigay sa kanya. Hindi pwedeng ilabas yung libro kaya mapipilitan silang doon na magstay sa library kung gusto nilang mabasa iyon.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong ten minutes na lang at time ko na sa next subject ko. Nagpaalam na ako sa supervisor ko na papasok na. Ayokong malate dahil terror ang professor ko sa subject na iyon bukod pa sa katotohanang nasa kabilang building iyon at nasa 5th floor pa. Wala namang elevator sa university namin kaya maglalakad pa ako.

Dala-dala ko ang mga gamit ko nun at nagmamadali akong maglakad ng mabunggo ko ang isang lalaki. Tumilapon lahat ng gamit ko sa sahig.

"Sorry po, di ko po sinasadya. Nagmamadali lang po kasi ako." Sabi ko sa estrangherong lalaki.

"Sorry din huh. Nagmamadali din kasi ako. Sa kabilang building pa kasi ang room ko at asa 5th floor pa." sabi niya habang tinutulungan akong damputin lahat ng gamit ko.
"Naku, baka magkaklase tayo. Anatomy ba yan?" Tanong ko.
"Oo ana01 nga." Tugon niya.
"Naku classmate dalian natin at baka mahuli tayo at mapagalitan pa tayo ni sir." Sabi ko sa kanya sabay tayo.

Dali-dali na nga kaming naglakad. Hingal kabayo kami pareho nang makarating kami ng 5th floor. Pagdating namin ay wala pa ang professor namin. Laking tuwa namin at ng makapagpahinga pa kami bago magsimula ang klase. Nagtabi kami nang upuan at nagpakilala sa isa't isa. Arjay ang pangalan niya. Tsinito, petite, cute at smart-ass din kaya naman nag-click kaagad kami.

Simula nang araw na yun, lagi na kami magkasama ni Arjay. Kasama siya sa block sections at ako naman ay irregular student pero lahat ng major ko ay sa section niya para naman lagi padin kami magkasama. Nalaman ko din na gaya ko bisexual din siya at sa katunayan ay mayroon siyang boyfriend ngayon na sa US naninirahan. Sobrang click talaga kami sa lahat ng bagay.

Minsan tumambay si Arjay sa library habang on duty ako.Vacant niya noon kaya andun siya. Nag-aaral kami nang advanced topics sa anatomy nun ng pumasok ulit ang mga buwisit na maiingay na yun pero himala dahil tahimik sila ngayon. Nalaman ko na sanction pala nila iyon at ang dapat nilang gawin eh tulungan kaming mga student aide sa pag-aayos ng mga used books sa shelves. Lumapit sakin iyong guy na humiram ng book sakin before.

"Excuse me." Sabi niya.

"Yes, how may i help you sir?" Tanong ko naman na inalis ang atensyon sa binabasang libro.

"Uhm, we're here to help." Di niya masabing parusa iyon sa kanila dahil sa ginawa nilang kalokohan. Napatingin ako sa supervisor ko na nagtataka. Tumango lang ito tanda na pwede akong mag-utos sa kanya.

"Okay sir, since you're here, may i ask you to please return those books from their respective shelves." Medyo pormal ko namang utos sa kanya. Tumango lang siya at agad pumunta sa stall ng used books. Di nagtagal bumalik siya.

"I don't understand these numbers." Sabay turo sa mga codes. Natawa ako nang bahagya.

"Those are codes. They ‘re there so that you'll know which shelf this book belong. Say for an instance, this book has a code of 005671, you have to look for the shelf with a 005600 - 005699 marking on it. Then you have to put the book there." Pormal kong tugon.

"Ah okay. Thank you." Sabay talikod niya. Nang medyo malayo na siya saka kami tumawa ni arjay nang nakakagago. Nakapag-ingles kasi ako ng todo. Inglisero din kasi ang mokong eh.

Umalis na din sila nung nagbell na. nagstay pa si arjay nun sa library dahil ang susunod naming subject ay isang oras pa ang pagitan.

Quarter to 4pm na nung nagpaalam ako sa supervisor ko. Bumaba muna kami sa canteen para bumili nang makakakain dahil nagutom kami sa kakaaral. Matapos naming bumili ay agad kaming pumunta sa locker room para magpalit ng P.E. uniform.

Flawless si Arjay pero wala akong maramdamang libog sa kanya. Napansin ako ni arjay na tinititigan siya kaya tinukso niya ako. Nilabas niya yung ari niya. Malaki iyon kumpara sa height niya. Bilang ganti nilabas ko din ang akin na may kalakihan din. Sabay kaming tumawa after.

Nasa may gym na kami nun nang mapansin namin na kasama namin yung grupo nung mga naparusahan. Naisip ko hanggang ngayon pala hindi ko pa alam pangalan niya. Ang P.E. namin noon eh gymnastics kaya puro stunts ang pinagawa samin. Kagrupo ko nun yung inglisero.

Dahil sa kaming dalawa lang ang lalaki sagrupo nun kaya kami lagi ang nagbubuhat sa mga kasama naming mga girls. Pansin kong dami nagpapacute sa kanya. Noon ko lang napansin na may kagwapuhan nga siya. Matangos ang ilong, blue ang eyes, medyo blonde ang buhok, toned ang katawan at maputi. Closed to perfection ika nga pero hindi ko padin alam pangalan niya at wala akong balak alamin. Pero sa totoo lang crush ko na siya nung time na yun.

After ng P.E. class uwian na namin. Balik kami ng locker room ni Arjay pero this time may mga kasama na kami sa loob. Kasama na naman siya dun. Ewan ko ba kung pure coincidence yun o talagang sinasadya. Pero sino, alangan naman ako. Ah ewan. Wala na kaming pakialam dun at nagbihis na agad kami. Nasa kabilang area sila kaya dedmahan pa din. Naririnig namin na nagtatawanan sila at may particular na tao silang pinatutungkulan. As usual deadma padin kami.

Pagkatapos naming magbihis ni Arjay ay diretso na kami sa labas. Naglalakad na kami palayo nun ng may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako kung sino yun. pag tingin ko si ingliserong mokong pala ang tumawag sakin. pero bakit alam niya pangalan ko. may hawak hawak siyang bagay. Nang makalapit siya ay inabot niya sakin ang libro ko.

"Antonio right? I believe this is yours." Sabi niya sabay ngiti. Shit killer smile. Kinilig ako nang patago.

"Ah thanks." Nginitian ko din. Tatalikod na sana ako nang nagsalita siya ulit.

"By the way I'm Andrei. Andrei Hughes." Sabay abot ng kamay.

"Antonio lopez. Nice meeting you." Inabot ko kamay niya at nakipagshake hands. "Here is my friend Arjay Chy."

"Nice meeting you dude." Sabi ni Arjay. Nakipagkamay din ito. Tumalikod na siya at ganun din kami. Napag-usapan tuloy namin siya.

"Hey tol, ang gwapo nung Andrei na yun di ba?" Sabay kilig na sabi ni arjay.

"Oo nga tol eh, kaso nakakatakot ang ganung itsura." Tugon ko.

"Bakit naman?"

"Una, yung ganung looks eh straight. Pangalawa mukhang sasaktan lang nun ang mga kalahi natin. Pangatlo, tumigil ka na sa ilusyon mo dahil committed ka na." Sabay tawa ko.

"Aba, bakit me sinabi ba akong papaligaw ako?" Sabi naman niya sabay tawa na din.

Ganito kami lagi ng bestfriend ko. Oo bestfriend na turingan namin.

Lumipas ang mga araw, napapansin ko na lagi nang tumatambay si Andrei sa library lalo na pag andudun ako. Sinasadya kaya niya o baka nagkataon lang. Pero this time siya na lang mag-isa. Nakatutok naman siya sa binabasa niya at seryosong nagtetake down ng notes niya.

After ng bell, sabay na kaming lumabas pero sinadya kong magpahuli para kunwari hindi ko siya napansin. Dumiretso na ako sa klase namin nun. Magkatabi pa din upuan namin ni Arjay nun pero pag oras ng klase wala talaga kaming pansinan at kapag may quiz kami or exam para kaming mag-kaaway na ayaw magpakopya sa isa't isa. Pero kahit na ganun pa man ang nangyayari sa loob, hindi kami affected lalo pa't pareho naming napeperfect ang mga quizzes namin at hindi nagkakalayo ang scores namin sa exam. Usually sa result, kami lang ang nagpapalitan sa top 2 spots eh.

One saturday morning, nasa library ako nun nang makita ko si Andrei na nagbabasa ng libro. Hindi ko siya nilapitan. Dun ako sa malayong table para hindi ako makaistorbo sa kanya. Nakatutok ako nun sa binabasa kong libro nang may taong lumapit sakin. Pag-angat ko nang tingin, si Andrei pala.

Umupo siya sa tabi ko. Nag-aadvanced lesson daw siya sa College Algebra. Di daw kasi niya maintindihan eh kaya todo effort siya sa pag-aaral nun. Di na siya nakatiis kaya lumapit na siya sakin to ask for help.

"Hey Antonio." Sabi niya.

"Tonton would be fine." sabi ko.

"Oh sorry. Could you help me on this?"

"College Algebra? Let me try."

"I don't understand how this value of x here came." Tinulungan ko naman siya kung bakit naging ganun ang value nang x. Mahabang turuan pa iyon.

Para malaman ko kung natuto siya, binigyan ko siya nang simple and complicated math problems. Hinayaan ko lang siyang magcompute habang ako naman ay nag-aaral ng lessons ko. Umabot siya nang 45 minutes kasasagot sa questions na binigay ko. To my surprised, nakuha niya lahat ng complicated questions and may isang mail siya sa simple questions.

"Look Andrei, you did a very good job here. You got 90% correct answers. Are you sure that you don't understand Math?" Biro ko sa kanya.

Sa halip na sumagot eh tumawa na lang siya. Ang sarap pakinggan nang tawa niya. Lalaking lalaki.

"Tonton, are you free next Saturday?" Tanong niya. Napaisip tuloy ako at bakit niya ako tinanong na ganun. Magdedate ba kami?

"Why are you asking?"

"Let's go out and have fun. You seemed like a no-hang-out type of a person. You're very much into your studies."

"But..."

"No but's. You're coming with me and i'll be expecting you at 6pm sharp at 7 eleven." Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang.


Kinagabihan hindi ako mapakali kasi ba naman inimbitahan ako ni andrei na lumabas. Tinext q si Arjay para sabihin yun sa kanya. Nainggit naman ang loko pero nagbid siya nang concern sakin. Sinabi ko naman na walang mangayayaring masama sakin tsaka considering na hottie siya and i'm a nottie plus he's straight. Natapos ang usapan namin ng may ngiti.

Kabilis dumaan ng araw at sabado na naman. As usual nasa library na naman ako for some advanced readings. Wala this time si Andrei. Inisip ko na baka busy siya or talagang joke niya lang yung invitation niya sakin. Pinigil ko ang sarili ko na hindi umasa na tototohanin niya yung sinabi niya.

Habang papalapit ang gabi, lalo akong kinakabahan. Quarter to 6pm na pero hindi padin ako nagsashower or nagbibihis. Di talaga ako makapagdecide. Humiga na lang ako sa kama ko. Maya-maya pa nagriring yung phone ko. unknown caller ang nagregister. sinagot ko baka emergency yun eh.

'Hello?' Sabi nang caller.

'Hi! Who's this please?'

'Am i speaking to Tonton?'

'Yes, who's this?'

'It's Drei. Aren't you coming?' Napabalikwas ako nang malamang si Andrei pala ang kausap ko.

'Oh sorry dude. I thought you're joking when you asked me out.' Tumawa lang siya.

'I'll wait for you dude.' Sabay pindot ng off.

Lalong kumabog dibdib ko knowing na seryoso si Andrei sa paglabas namin ngayong gabi. Agad akong naligo. Todo paspas ang ginawa ko sa banyo kasi nakakahiya naman na pinaghihintay ko siya nang matagal. Simbilis ng kidlat ang mga kilos ko at wala pang 10minutes andun nadin ako sa 7 eleven.

Agad ko naman siyang nakita. Nag-iisa lang din siya. Tiningnan ko siya, astig ang porma niya. Pang-artista talaga. Feeling ko alalay ako nitong si Andrei sa tindi nang porma.

"Tonton, I'm over here." Sabi niya sakin na kala mo eh napakalayo ko. Lumapit nadin ako sa kanya.

"I'm sorry."

"Ano ka ba okay lang yun. I'm used to wait na nga eh. Sinanay ako nang mga friends ko na mag-intay pag may hang out kami." Walangya, nagtatagalog pala ito pinapahirapan pa ako.

"Ah nkakapagsalita ka pala nang tagalog." sabay tawa. Tumawa nadin siya.

"Nga pala, where do you want to go tonight?" tanong niya.

"Sorry wala akong alam eh. Alam mo naman na school-bahay lang ako eh."

"Tara sa SM. Bukas pa yun eh. Dun na din tayo mag-dinner." pag-aya niya. Sumunod na lang ako.

Dumiretso kami sa nakaparadang kotse. Sa kanya pala iyon. Napahanga ako sa ganda ng kotse niya.

"Like it?" tango lang ako. "You’ll like it better sa loob." sabay pasok. Totoo nga, mas maganda sa loob. May sariling tv yung kotse niya. Naglabas siya nang cd. Nakita ko sa cover na si Iyaz ang artist. Tumugtog yung favorite song ko na Solo. Sinasabayan ko nang kanta. Sumabay din siya sa may bandang chorus.

"I like that song very much" sabi niya.

"Ako din. Yung lyrics niya eh sobrang nakakarelate." sabay ngiti ko. Nakita ko siyang tumingin sakin na parang nagtatanong pero minabuti niyang tumahimik na lang. Ilang saglit pa at nasa AM na kami.

Dumiretso na kami nang foodcourt dahil trip niya daw na doon kumain. Umikot kami at namili nang makakain. Di naman ako makahirit na ang gusto kong kainin eh seafoods dahil nahihiya ako kaya hinayaan ko na lang siya.

Huminto kami sa isang food stall na puro seafoods. Sinabihan niya akong umorder na pero sabi ko sa kanya siya na ang bahala at maghahanap na ako nang uupuan namin. Inaantay ko siya nang biglang tumwag si Arjay.

'Best, nasan na kayo? Nasa room niya?' tanong niya.

'Loko ka best. Andito kami sa foodcourt ng SM. Bakit?'

'Give me an update best huh. I'm super excited.'

'Excited san?'

'Sa pwedeng mangyari.'

'Tumigil ka nga dyan. Masyado tong assuming.' sabay tawa ko. Tumawa din siya.

Kasalukuyan pa kaming nag-uusap ni Arjay nang umupo si Andrei sa tabi ko. Kinabahan ako bigla. Of all places ba naman kasi sa tabi ko pa. Pwede naman sa harap ko. Sobrang hussle talaga ni Andrei. Na-stress ako sa ginagawa niya. Nagpaalam na din agad ako kay Arjay.

"Who's that?" tanong niya.
"My bestfriend Arjay."
"Ah kala ko kung sino na. Musta naman kayo nang gf mo?" tanong niya ulit.

"Gf? Wala akong karelasyon up to now dahil ayoko masira concentration ko sa pag-aaral sayang naman scholarships ko." Sagot ko naman. Parang hindi siya convinced pero tumahimik na lang siya. "Ikaw? How's your status with gf?" ganting tanong ko.

"She sucks. Ayaw ko na sa kanya pero pinipilit pa rin niya sarili niya sakin. I'm not inlove with anybody else. Gusto ko ulit maging single. Maging free."

"Bakit? Sinasakal ka ba niya sa relationship niyo?"

"That's exactly the term. I hate that kind of relationship. Di naman kami mag-asawa para higpitan niya ako nang ganun. I'm sick of her." Tumahimik na lang ako. I don't know the feeling pero somehow I empathize with him.

"Nga pala, just wondering, how'd you get my number? Di ko kasi maalala a binigay ko sa’yo eh. Sa book ba? Pero that seems to be impossible kasi di ako naglalagay ng phone number dun eh."

"Don't think too much magkakawrinkles ka nyan and you're too young for it. " Lakas ng tama nitong taong to. "Alright, I got it from Arjay. I talked to him kahapon when we bumped onto each other kasi I had this strong feeling na wala kang balak sumipot and true enough, you made me wait." Napahiya ako sa sinabi niya.

Bigla akong napayuko. He touched my chin and lifted it up. "Don't be sad, okay lang yun. Di naman ako galit eh tsaka im not in the position. I’m happy pa nga na kasama kita eh. Promise." Sabay taas niya nang kamay. Feeling ko that time na babae ako at nanliligaw siya sakin.

Di naman maiwasan na pagtsismisan kami nang mga nakakakita samin lalo pat dalawang lalaki ang sweet in public. Bigla na lang ako natawa sa pagiging seryoso niya. Sumabay na din siya nang tawa.

Ang tagal naming kumain. Dumiretso kami nang arcade nang maubos namin yung pagkain. Pampalipas oras lang tsaka pampababa nang kinaen. Masaya siyang kasama at nag-eenjoy ako. Lalo tuloy akong nafo-fall sa gayuma niya. Everytime na titingin siya sakin at ngingiti, feeling ko na nagpapacute siya sakin.

May mga oras pa na he's so extra caring sakin. Pupunasan niya ako nang pawis or bibilhan ng drinks or aakayin papunta sa upuan. Di ko alam kung anong motibo niya at ginagawa niya yun sakin. In return, ginagawa ko din yun sa kanya. Pinupunasan ko din siya nang pawis. Feeling ko talaga na ineenjoy niya yung ginagawa ko sa kanya. Parang nag-papaalaga siya sakin.

Nang mapagod na kami sa kakalaro eh naisipan naming bumili nang Zagu. Tumambay muna kami habang nilalasap ang lamig nang Zagu.

"Did you had a great time?"

"Tinatanong mo ko? Eh obvious naman di ba. I enjoyed your company." sabi ko. Ngumiti siya.

"Good to know that you enjoyed your time with me. Siguro naman next time if I ask you out di ka na maghehesitate pa na pumunta. Besides i'll make sure na makakauwi ka nang safe sa inyo."

"Bakit? May kasunod pa ito?" birong tanong ko sabay tawa. Feeling at ease na ako sa kanya.

"Oo naman if you want."

"Ang sabihin mo, i dont have a choice."

After ng last sip namin nang Zagu, napagpasyahan na naming umuwi na dahil magko-close na din ang mall. Habang nasa car sinasabayan padin namin yung kanta ni Iyaz na Solo. Di nagtagal at nasa tapat na kami nang bahay namin. Nainis naman akong bigla kasi gusto ko kasama ko pa siya nang matagal eh.

Pero no choice ako kundi bumaba nang sasakyan niya. Bumaba din siya nang sasakyan niya para ihatid ako hanggang gate namin. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay.

"Pasensya ka na Andrei huh, maliit lang tong bahay namin and medyo magulo."

"Ano ka ba. Okay lang yun ano. Ilan kayo here?"

"Apat lang kami. Si nanay at si tatay at yung bunso naming lalaki." Nakapasok na kami sa loob. Eksakto namang kumakain sila ng dinner kaya inaya namin siyang kumain na din. Pulang itlog na may kamatis ang ulam namin.

"Nay, tay, si Andrei po. kaibigan ko. Andrei, ang nanay at tatay ko at ang kapating kong si Niko."

"Hello po tito and tito and Niko."

"Halika, dumulog ka na samin at sabay sabay na tayong kumain." paanyaya ni nanay. Feeling ko di niya naintindihan yung word na ‘dumulog’ kaya inaya ko na siyang kumain. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Anak, bigyan mo nang plato niya si Andrei at kubyertos." Ginawa ko naman at inabot sa kanya. Napansin niya atang wala akong kutsara at tinidor kaya nagtanong siya.

"Why don't you have these?"

"Kasi sanay kami ditong kumain ng nakakamay pag ganito ang ulam." Na-amazed si Andrei sa nalaman niya.

"Eh bakit mo pa ako binigyan nito if you're not gonna used them. It's unfair." sabay tawa.

Kaya ayun at hindi na nga niya gagamitin pa yung kutsara at tinidor. Nagulat pa ako na nung binaba niya kamay niya sa ilalim nang table eh hinawakan niya yung kamay ko nang mahigpit. Tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin sakin pero nakangiti siya. Naguguluhan na talaga ako sa mga ikinikilos niya.

Iniabot ko sa kanya yung rice at kumuha naman siya, sinunod kong inabot yung ulam. Nilagyan ko na din ang sarili kong plato para makakain na. Enjoy na enjoy si Andrei na kumain ng nakakamay. Natawa pa kami nang bigla siyang sinukin. Niloko pa tuloy siya nang kapatid ko na matakaw.

Dali naman akong kumuha nang tubig para ibigay sa kanya. In fairness naman sa tubig namin, distilled iniinom namin kaya hindi nakakahiya sa bisita. Masaya kaming natapos sa pagkain. Nang makapagpahinga na kami nang maayos eh nagpaalam na din si Andrei na uuwi na. Hinatid ko siya sa labas.

"Thanks for coming." sabi niya. Medyo magulo yung sinabi niya. Di ko naman siya matanong kasi kakahiya naman baka isipin niya assuming ako.

Bago siya tuluyang sumakay eh bigla na lang siyang bumalik at hinalikan ako sa pisngi sabay takbong pabalik sa kotse niya. Gulat na gulat talaga ako sa mga pangyayari. Bakit niya ako hinalikan sa pisngi? Para san yun?

Hindi ako dalawin nang antok. Iniisip ko lahat nang mga pangyayari. Buti na lang at linggo bukas. Di ko problema pag late akong nagising. Ayoko naman itext si Arjay dahil baka mag-feeling iyon. Pinilit ko talagang matulog na. Nang malapit ko nang makuha yung tulog ko eh bigla na lang nagring yung phone ko. Nakita ko number ni Andrei. Sinagot ko naman.

'Ton, I can't sleep. Did I disturb you?'

'Nope, hindi din ako makatulog eh.'

'Ganun ba? I should have stayed there for the night. Mukhang masaya dyan eh.'

'Bakit dyan hindi ba masaya?'

'Dad isn’t here. Nasa US siya and my mom’s dead. He left me here para daw matuto ako nang manners lalo na nang Filipino culture and norms. In short, im alone here.' Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya.

'Wala kang kasama? As in?'

'I have maids naman. Pero I don't have a family that I can call dito sa bahay.'

'If you're bored, you're welcome naman dito sa bahay and have my family as yours. Share tayo.'

'Para namang gamit yang family mo at magseshare tayo.'

'Nag-iinarte ka pa dyan. Ikaw na nga tinutulungan eh.' sabay tawa ko. Tumawa din siya.

'Am I welcome in your house?'

'Oo naman.'

'Always?'

'Oo sabi eh makulit ka huh.'

'Can't wait to see you again. I enjoyed the time I had with you.'

'Me too.' wala sa sarili kong tugon.

'So, let's call it a night?'

'Good night Andrei.'

'Good night Ton.' sabay putol ng line.


At nakatulog na nga ako. Maayos ang naging pagtulog ko. Actually, nanaginip pa ako na magkasama daw kami sa isang place ni Andrei. Sobrang sweet namin halos di magkamayaw ang mga langgam sa paglapit samin. Nasa moment kami na magkaholding hands at naglalakad sa beach nang may tumawag sa kanyang isang magandang babae. Hindi familiar sakin yung girl. Nung makalapit ito sa amin, bigla niyang hinablot si Andrei mula sakin at tuluyang inilayo sakin.

Mistula namang napakalakas nung babae at hindi magawang makawala ni Andrei. Kitang kita ko kung paano pilit na inaalis ni Andrei ang pagkakahawak sa kanya nang babae. Nang may kalayuan na sila, nakita kong bumunot ng .45 caliber pistol yung babae at itinutok sakin. Nagmamakaawa si Andrei na huwag niyang ituloy yung balak niya pero huli na ang lahat.

Nakalabit na niya ang gatilyo at diretso ang tama nang bala sa aking dibdib. Patuloy ang pag-agos ng dugo sa aking dibdib. Bago ako nalagutan nang hininga narinig ko pa ang malakas na tawa nung babae.

"Tonton!" sigaw ng nanay na nagpagising sakin. Nakita ko ang aking sarili na naliligo sa pawis. Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Nabasa ko sa isang psychology book na maaring mangyari ang isang panaginip sa totoong buhay dahil may koneksyon ito. Kinabahan akong bigla at nanalangin na sana hindi iyon magkatotoo.

Bumaba na ako nang hagdanan at dumiretso nang banyo para umihi. Pagkatapos ko sa banyo, agad akong tumungo sa hapag dahil nakaready na ang agahan ko. Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari sa panaginip ko dahil sa sarap ng pagkain ko. Maya-maya pa biglang dumating si Arjay. Nakita niya ako sa aktong naghuhugas ng plato.

"Wow best, marunong ka pala maghugas ng pinagkainan mo." pambubuska sakin ni Arjay pero nginitian ko lang siya.

"Huy best, samahan mo naman ako sa SM oh. May bibilhin kasi ako. Ayoko naman mag-isang pumunta dun." pagmamakaawa niya.

"At ano na naman ba ang bibilhin mo dun? Regalo sa lalaki mo?" sinadya kong hinaan ang term na lalaki kasi hindi alam sa bahay na bi si Arjay.

"Gago, hindi noh. May pinapabili si mama na gamit sa kitchen tapos nood tayo nang sine. Treat ko."

"Wow ang yaman naman niya ata ngayon."

"I'll take that as a yes huh. For the mean time, since maaga pa naman, paopen naman ako nang computer mo. Mag-uusap kasi kami nang dyowa ko eh." tumango na lang ako at tinapos agad ang ginagawa ko. Nagpaalam ako kay nanay na doon na lang kami sa kwarto ko tatambay ni Arjay.

Pagdating doon, agad kong binuksan ang laptop ko at inopen ang skype dahil dun sila mag-uusap. Di rin naman naglipat sandali at nag-uusap na sila. Walang patumanggang kamustahan at kwentuhan ang ginawa nila. Puro I LOVE YOU at I MISS YOU ang mga naririnig ko. Ang mga inlove talaga. Pero sa kabilang dako, naiinggit ako sa bestfriend ko kasi siya may lovelife ako wala.

Dahil sa nararamdaman kong sadness, muli kong naalala ang nangyari sa panaginip ko na binaril ako. Ayoko nang maalala pa yun kaya nilabas ko yung gameboy nang pinsan ko at naglaro dito. Nasa gitna na ako nang adventure ko nang bigla akong tinawag ni Arjay.

"Best, tawag ka ni Aljohn. Gusto ka daw kausapin."

"Bakit daw?" lumapit na ako sa kanya.

At ayun nga nakita ko na ang boyfriend ng bestfriend ko. Gwapo siya na hindi naman nakakapagtaka dahil cute naman itong si bestfriend yun nga lang hindi ko ito tipo dahil sa gaya ni Andrei ang gusto ko. Sinabi lang sakin ni Aljohn na bantayan ko nang maigi ang bf niya at wag na wag ko daw pababayaan.

Nakita ko kung gaano kamahal ni Aljohn si Arjay at lalo lamang akong nainggit. Nang matapos na akong magsalita ay nagpaalam na ako at ibinalik kay Arjay ang headset.

Bumaba muna ako sandali para kumuha nang makakain dahil baka nagugutom na si Arjay. Naghanda lang ako ng chicken sandwich at juice para sa kanya. Pagdating ko doon ay katatapos lang nilang dalawa mag-usap at nang makita niya ang dala ko ay agad niyang kinuha. Nagutom daw siya nang sobra sa ginawa nila. Natawa ako dahil wala naman akong narinig mula sa ibaba na may ginawa silang milagro.

Hindi rin nagtagal at naligo na ako. Matagal akong maligo kaya pinaglaro ko muna si Arjay sa computer ko para malibang siya habang naghihintay. Hindi lang kasi basta ligo ang ginagawa ko sa loob ng banyo. Inabot din siguro ako nang halos 30 minutes sa loob dahil pag-akyat ko ay nakahiga na si Arjay sa kama ko at natutulog.

Di ko na siya ginising dahil baka napuyat kagabi. Nagsuot na ako nang damit. Suot ko ang paborito kong polo shirt na white na lacoste bigay nang tita ko at isang medyo hapit na shorts ko. Bumagay naman ito. nagflip flops na lang ako para mas presko.

Nagpalipas ako nang oras sa may duyan sa likod ng bahay. Ang presko nang hangin, ang sarap damhin. Andami kong iniisip na mga bagay bagay sa oras na iyon pero ang pinakamaganda ay ang alaala namin ni Andrei kagabi. Hindi din naman nagtagal at nakita ko si Arjay na pupungas pungas pa habang naglalakad palapit sakin.

"Best, di na kita ginising pa kanina kasi feeling ko nakipagpuyatan ka na naman kagabi." pang-asar ko sa kanya. Umismid lang siya pero tumawa din.

"Tara na nga sa mall ng makalibot pa tayo." sabi niya sabay tayo at lakad palabas ng compound.

Di din naman nagtagal at nakarating kami nang mall. Agad kaming pumunta sa store na pagbibilhan namin nang bilin nang mama ni Arjay. Matapos naming makabili ay agad kaming naglibot libot sa mga stalls na andun. Tuwang tuwa kami pareho na nagsusukat ng mga damit pero di naman namin binibili dahil kapos kami sa budget.

Kasalukuyan kaming nasa may stall nang American Blvd. nun nang bigla akong kinalabit ni Arjay. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko nang tingin kung saan siya nakatingin at nakita ko si Andrei. Biglang nanikip ang dibdib ko sa tagpong nasumpungan.

Si Andrei kasama ang isang babae at nakaakbay pa siya rito habang sweet na sweet na nagsusubuan ng ice cream. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Gusto kong lumabas pero paano? Pag lumabas ako, makikita niya ako. Gulung-gulo ang isip ko nun pero nanaig ang kagustuhan kong makaalis sa lugar na iyon.

Dali-dali akong lumabas kasunod si Arjay. Dumaan ako sa harap nilang dalawa. Alam kong nagulat si Andrei nang makita niya akong lumabas sa stall pero hindi ko siya tiningnan. Nagmamadali ako kunwari at biglang labas ng cellphone na kunwari may tumatawag sakin. Ang pangit ng alibi ko pero bahala na.

Tuloy-tuloy lang kami nang lakad ni arjay hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa kanila. Labis akong nasaktan at nakita ko na lang na inabutan ako ni Arjay ng panyo dahil umiiyak na pala ako. Kinuha ko naman ito at pinunasan ang mga luha ko.

"Best, tara na sa moviehouse. Gusto kong malibang." sabi ko.

"Sige pero daan muna tayo nang McDo. Remember, di magandang manood pag walang fries and float?" sabi niya sabay ngiti.

Napangiti naman ako sa bestfriend ko. Kahit kelan talaga kaya akong patahanin ni Arjay. Minsan nga naiisip kong bakit di na lang kami ni Arjay ang magkatuluyan. Tumayo na ako at sumunod na sa kanya papuntang McDo. Napagtripan naming monster float ang bibilhin namin at large fries. Bumili pa kami nang burger para masaya. Pagkatapos noon ay umakyat na kami papuntang moviehouse. Pinili naming panoorin ang Angels and Demons.

Pagkapasok ay commercials pa lang ang nasa screen kaya nakapwesto pa kami nang mabuti sa panonod. Di nagtagal at nag-umpisa na ang palabas. Nabasa na namin pareho ang novel na ito pero iba pa rin kapag pinanood mo to sa big screen.

Sabay pa kaming nagulat ni Arjay ng pinakita ang unang cardinal na may tatak Earth. Tutok na tutok kami sa screen. Ni hindi na nga kami nag-uusap hanggang sa natapos ang palabas. Kapwa namin binigyan na 9 out of 10 rating ang palabas dahil maganda naman talaga ito.

Pumunta muna ako nang cr para magbawas ng load. Pumasok ako sa loob at umihi na. Kinilig pa ako pagkatapos kong umihi dahil hindi talaga ako nakalabas habang nanonood dahil sa sobrang ganda nang plot nung movie. Dumiretso ako sa lavatory para maghugas ng kamay. Pag-angat ko nang mukha ko, nakita ko si Andrei na kalalabas lang din sa kabilang cubicle.

Nagtama ang tingin naming dalawa pero ako na din ang unang bumawi. Tapos na akong maghugas at dumiretso na ako sa labas at nagpunas nang kamay gamit ang panyo dahil ayoko nang magtagal pa sa loob. Wala akong pakialam kahit magkasama sila nang babae niya.

Inaya ko muna si Arjay na pumunta nang arcade para magpalipas ng oras. Hindi naman urgent yung pinabili nang nanay niya kaya okay lang sa kanya. Ayun nga at nagpapalit na kami nang tokens at nagsimulang maglaro. Tuwang tuwa siya dahil ngayon na lang siya ulit nakahawak ng joystick simula nung elementary siya kaya inalalayan ko muna siya. Nang masanay na siya ay hinayaan ko na siya.

Naglakad muna ako sa loob. Napansin ko ang dalawang kapwa ko kabataan na enjoy na enjoy sa dance dance revo. Parang feeling ko na gusto ko ding maglaro nun. Nagtyaga akong maghintay hanggang sa matapos na sila. Nakalimutan ko si Arjay na naglalaro. Gusto ko kasing sumayaw din pampawala nang inis. Ginaya ko yung ginawa nung nauna sakin dahil mabagal lang yung umpisa pero habang tumatagal eh bumibilis.

Tuwang tuwa ako na pinagmamasdan ang mga lumalabas na arrows sa screen sabay tapak sa corresponding arrows sa may paanan ko. Nakakasabay naman ako at puro combo yung lumalabas. Nung medyo bumilis na, himala namang nasasabayan ko pa din. Tuloy tuloy siya. Wala na akong pakialam pa sa poise ko dahil talagang nag-eenjoy ako.

Nang matapos yung song, andaming nakapalibot sakin at tuwang tuwa din sila sa pagkakakuha ko nang magandang score sa tugtog na yun. Nakita ko din si Arjay na nakangiti. Inaya ko na din siyang umuwi nun.

Hinatid ko na muna si Arjay sa kanila bago ako tumuloy ng uwi sa bahay. Alam naman kasi nila nanay kung saan ako pupunta kaya hindi na sila nagtext pa para pauwiin ako. Habang naglalakad pauwi galing sa bahay nila Arjay, may humintong familiar na kotse sa harap ko. Hindi ako tumigil sa halip dumiretso lang ako nang lakad.

Narinig ko na lang ang pagsara nang pinto nang kotse tanda na may bumaba mula rito. Di ako lumingon para tingnan kung sino yung bumaba dahil sigurado ako na si Andrei yung sakay nun. Hindi nga ako nagkamali.

"Ton, wait naman dyan." sabi niya sabay hila sa braso ko.

"Oh Andrei kaw pala yan." Sabi ko naman sabay harap sa kanya. "Napadaan ka dito? May pupuntahan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko kasing pumunta sa inyo eh. Tambay lang." Tumango lang ako. "Tara sabay na tayo, sakay ka na sa kotse." aya niya sakin.

Medyo masakit na din paa ko nun sa kakalakad kaya napilitan na akong sumabay sa kanya. Sa loob ng sasakyan ay parang walang tao sa sobrang tahimik naming dalawa pero di siya nakatiis at nagsalita siya.

"Ton, sorry kanina huh."

"Bakit ka nagsosorry sakin at para saan?" Tanong ko naman.

"Dun sa mall kanina. Nakita kita kanina kasama si Arjay na lumabas sa American Blvd."

"Teka, bakit ka nagsosorry sakin? Wala ka namang ginawang masama di ba tsaka I am in no position para magalit sa’yo kung anuman yon."

"Mali yung nakita mo kanina."

“Anong sinasabi mo?” Pagmamaang-maangan ko.

“Alam ko Ton nasaktan kita.”

"Nasaktan? Bakit naman ako masasaktan? Wala naman akong pakialam kung anuman ang mga ginagawa mo at kung sino kasama mo. You have your own life at karapatan mong gawin lahat ng gusto mo and besides ano ba tayo?" Nagbago bigla expression ng mukha niya. Napaka-gloomy nang expression niya ngayon.

"Nakita kasi kitang umiiyak kanina. Lalapitan sana kita kaso kasama ko si Joanne at kasama mo naman si Arjay tsaka you're right. Ano nga ba naman tayo. We're just acquaintances nothing more."

"Umiiyak? Oh, yun ba? Tumawag kasi yung tita ko at sinabi saking namatay yung pinakamamahal kong aso. Masakit sakin yun dahil halos sakin na lumaki yung aso na yun kaya sobrang malapit ang loob ko dun." Ginaya ko yung alibi na napanood ko sa isang movie.

Alam ko hindi siya naniwala sa palusot ko pero mas pinili niya ang tumahimik na lang. Acquaintance? Siguro ganun nga lang talaga ang turing niya sa akin. Hindi na kami nag-usap afterwards at di nagtagal at nasa bahay na kami.

Pinapasok ko siya sa loob para makapagpahinga muna siya. Sinabi niya sa nanay ko na dito siya matutulog sa gabing iyon at dali dali namang umoo ang nanay. Wala na akong nagawa pa nang utusan ako ni nanay na kunin ang banig sa kwarto nila at iakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, agad kong inayos ang banig na paghihigaan ko. Ibinaba ko na din ang paborito kong unan at kumot na din. Naglabas na din ako nang bagong unan at kumot para sa kanya. Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay bumaba na ako para tumulong kay nanay na maghain.

Nakita ko siya sa may salas at may kausap sa phone. Hindi ko na lang siya masyadong binigyan pa nang pansin. Masyado kasi akong nag-assume sa sweetness na ipinapakita niya sakin noon kaya heto ngayon at nasasaktan. Sino nga ba naman ang magmamahal sa kagaya ko.

Nakapaghain na ako nun at tinawag ko na silang lahat para dumulog sa hapag. Masaya kaming kumain ng hapunan. May mga moment na nagtatawanan kami at may mga moment din na tahimik lang. Para kaming ewan. Masaya sila nanay dahil bukod kay Arjay ay may bago daw akong kaibigan at kasama pa naming kumakain.

Natapos na kaming kumain at nagligpit nang pinagkainan nang naisipan kong umakyat na sa kwarto ko. Humarap ako agad sa computer at in-open ang facebook account ko. Natuwa ako na andami ko na palang friend requests mula sa mga bago kong classmates. Ilang araw ko na din hindi in-open tong account ko dahil sobrang busy talaga. Sa lahat ng requests, sa isang profile lang ako halos hindi makapaniwala. In-add ako ni Andrei, pero bakit? Siguro dahil gusto lang niya. In-accept ko na lang din siya kahit papaano nakakahiya pag ni-reject ko.

Kasalukuyan kaming nagchachat ng mga classmates ko nang maramdaman kong pumasok na siya nang kwarto. Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy ako sa pakikipag-usap. Nagtanong siya na para saan daw ba yung banig na nilatag ko.

"Bakit yang higaan na nasa floor? Don't tell me na dyan ka matutulog tonight." Sabi niya

"Tama ka. Dyan nga ako matutulog, akakahiya naman kasi sa bisita na sa floor siya matulog hindi ba." Pormal kung tugon.

"Dito ka na lang sa bed ako na lang sa floor. Gusto kong masubukan eh." Ngunit umiling ako.

"Or if you want, you can stay with me on the bed. I am harmless." Sabay tawa niya.

"No, dito na lang talaga ako sa floor matutulog."

"Come on please." Pangungumbinsi niya pero umiling padin ako. "Alright, I'll go home na lang. Nakakahiya naman na agawan kita nang bed. May bahay naman kasi ako na pwedeng uwian." Bigla niyang sabi.

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Hindi pwedeng umuwi siya dahil tiyak na kagagalitan ako nina nanay at tatay pag nalaman nila na umuwi si Andrei. At ayun, pumayag na nga akong tumabi sa kanya sa bed ko.

Di na ko nagtagal pa sa account ko at nag-logout na din. Tinanong ko siya kung gusto niya gumamit ng computer habang nagsa-shower ako. Pumayag naman siya. Hindi ako natatakot na ipahiram yung laptop dahil wala naman siyang pwedeng makita dun na maaaring mag-divulge sa totoong pagkatao ko. Kaya't carefree akong nagshower na.

After kong mag-shower nakita ko siyang busy pa din sa laptop ko at nakita kong tinitingnan niya mga pictures ko na nakastore dun including mga pictures namin ni Arjay na sobrang kulit.

"Sana may moments din tayong ganito." narinig kong sabi niya habang nagsusuklay ako nang buhok ko.

"May sinasabi ka ba dyan?" Tanong ko sa kanya na nagpretend na wala akong narinig.

"Ah wala naman akong sinasabi eh." Pagsisinungaling niya.

Lingid sa kaalaman niya, ang galit ko ay unti unting natutunaw at kinikilig ako nang sobra nung oras na yun.

Nagising ako nang mga bandang 3:30am dahil sa napakabigat na nakadantay sa tiyan ko. Aba ang mokong, dinantay ang hita sa akin. Ang bigat kaya. Hinawi ko ito at ibinalik sa pwesto. Tumalikod na ako sa kanya pagkatapos. Saglit pa, naramdaman ko siyang kumilos at humarap sakin. Walang sabi sabi ay bigla niya akong niyakap.

"Mahal na mahal kita. Wag mo kong iiwan, i can't see how my days would go without you". Dinig kong sabi niya.

Natutulog ba siya at nananaginip o gising siya? Kung nananaginip man siya, ako ba ang iniisip niya o baka isa sa mga babae niya. Masyado na naman akong nag-assume na may pagtingin din siya sa akin. Masakit isipin na sa bawat pangyayari sa pagitan namin ay bunga lamang ng aking imahinasyon na nagsasabing mahal niya din ako. Bigla akong naluha sa isiping iyon. Napagpasyahan kong matulog na lang ulit. Di naman ako nabigo.

Nauna padin ako sa kanyang nagising. Bumangon ako at bumaba para magmumog at tumulong nadin sa ginagawa nang nanay. Nagluluto si nanay ng agahan namin. Dahil sa espesyal daw ang bisita namin, maghahain daw siya nang masarap. Magaling na kusinera si nanay kaya't alam na niya ang iluluto niya.

Hindi naglipas oras, bumaba na si Andrei at tumungo nang banyo. Nang mapadaan samin ay nag-good morning pa siya. Nakita ko ang ayos niya, gulo ang buhok at pupungas pungas pa pero gwapong gwapo pa din. Di ko na naman maiwasang hindi humanga sa kanya.

Naghain nadin kami agad ni nanay matapos naming magluto. Dumulog na ang lahat sa lamesa at nagsimula nang kumain. Masaya ang lahat dahil sa may bisita na naman kami. Parang pyesta ang ambiance sa bahay, sobrang saya nang feeling.

Lumabas muna ako at tumambay sa paborito kong duyan sa likod bahay at para na rin magpahangin. Naisip ko, masyadong mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay isang estranghero si Andrei na hindi ko pinapansin. Pero ngayon, parang bigla na lang siyang naging close sa pamilya ko. Minsan naiisip ko na baka may itinatago siyang dahilan.

"Bulaga!" Nakalapit pala siya nang hindi ko namamalayan. Naputol ang pagmumuni ko at biglang nabuwal. Lakas ng tawa niya.

"Aba, gago to ah." Sabi ko na lang din sabay tawa. Muli akong sumampa sa duyan ko.

"Patabi naman." Sabi niya kaya umusod naman ako para may space siya na uupuan. Naamoy ko na naman ang samyo niya. Nakakaadik ang amoy na iyon na tipong ayaw mo nang kumawala sa yo.

"Is there a problem?" Tanong niya.

"Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi I saw you kanina na you're thinking of something so deep that you don't want to be interrupted."

"Naku, don't mind me. Ganun lang ako talaga minsan. Moody kasi ako tsaka pag tumambay na ako dito sa duyan nagiging peaceful ako. Mukha lang na may iniisip akong malalim pero wala talaga." Pag-explain ko.

"Ah ganun ba? Pero you're right. Masarap nga tumambay dito sa duyan mo. The air here is so cool and so calm." Bigla siyang tumahimik at biglang nalungkot.

"Napatahimik ka diyan? May problema ba?"

"Nothing. How about mag-sleepover ka din sa bahay minsan.”

"Sige ba, payag ako. Kelan ba yan?"

"Soon." Sabay ngiti. Hayup na ngiti talaga yan lalo tuloy nadagdagan problema ko.

Bigla niyang idinantay yung ulo niya sa balikat ko. Di na ako kumibo pero nagulat ako. Kinuha niya kamay ko at naghold hands kami. Hindi ako nakatagal sa ganung sitwasyon kaya kinuha ko sa kanya ang kamay ko pero di ko tinanggal ang ulo niya sa balikat ko.

Nung inangat niya yung ulo niya, tumingin siya sakin. Mata sa mata. Unti-unting lumalapit yung mukha niya. Natetense ako. Di ko alam ang gagawin. Nag-aassume na naman ako na hahalikan niya ako pero impossible. Ngunit...

Tuluyan nang naglapat ang mga labi namin. Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging first kiss ko. Banayad siya kung humalik. Hindi ako marunong kaya hindi ko alam gagawin ko. Para akong tuod na naghihintay sa susunod niyang gagawin. Pilit niyang binubuka ng dila niya yung labi ko at pinagbiyan ko naman siya.

Di na rin ako nakatiis at gumanti na din ako sa mga halik niya. Ang tamis ng laway niya. Nilabas niya ang dila niya at ganun din ako. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko. Hindi ako nagwoworry na may makakakita samin kasi medyo tago yung duyan sa may bahay. Tuloy pa din ang halikan namin nang biglang magring yung phone niya.

Bigla siyang huminto at tiningnan kung sino yung tumatawag sa kanya. Tumayo siya at lumayo para sagutin ang tawag. Nabadtrip ako dahil nabitin ako. Ang sarap niyang kahalikan. Hindi talaga ako makapaniwal sa mga nangyayari. Parang nabibitag na ako ni Andrei sa mga pain niya sakin. Lumapit siya sa akin pagkatapos nilang mag-usap.

"Ton, alis na ako huh. Nag-aaya yung barkada na mag-basketball. Bonding time lang." pagpapaalam niya sa akin.

"Ah sige, paalam ka din kila nanay at tatay." Tugon ko. Lumakad na siya palayo.

Iniisip ko pa din yung nangyaring halikan sa pagitan namin ni Andrei. Parang napakatagal na napakabilis ng mga nangyari. Totoo, naiinlove na ako sa kanya. Pero paano ako? Ako lang ba ang may pagtingin at siya wala? Bakit niya ako hinalikan? Ibig bang sabihin nun na mahal niya din ako? Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero iisa lang ang sigurado ako. Masaya ako sa kung ano ang meron sa akin ngayon. Lumapit ulit si Andrei sakin na nakagayak na.

"Thanks Ton sa pagpapatuloy mo sakin dito sa house niyo. I'm really happy knowing you."

At muli pa ay ginawaran niya ako nang isang halik sa labi bago tuluyang umalis. Naging masaya ang maghapon ko. Napansin din nila nay at tay ang kasiglahan ko pero hindi sila nagtanong kung bakit. Basta msaya din sila sa nakikita nila sa akin at hinahayaan lang ako.

Lumipas ang ilang linggo na lagi kaming magkasama ni Andrei. Kulitan, kwentuhan, bonding time. Minsan nakakasama din namin si Arjay sa mga gimik namin. Kahit ganun, hindi ko pa din pinapabayaan ang pag-aaral ko bagkus lalo ko pang pinagbubuti.

Malapit na ang midterm exam namin nun at busy na din kami ni Arjay sa pagrereview. Hindi na din muna ako inistorbo ni Andrei dahil alam niyang seryoso ako sa pag-aaral ko. Ayos lang sakin ang ganung set-up tsaka hindi naman kami para maubos ang oras sa isa't isa.

Sa huling gabi bago nang exam, may isang unknown caller ang nag-appear sa phone ko kaya sinagot ko agad ito.

"Hello?" tanong ko.

"Si Antonio ba to? Yung sa library?"

"Oo ako nga po. Sino po ba sila?"

"Layuan mo si Andrei kung ayaw mong magulo ang buhay mo."

"Ano pong sinasabi niyo at sino ba kayo?" medyo gulat kong sagot.

"Hindi mo siya kilala at hindi mo alam kung ano ang nasa isip niya. Sa ngayon sweet siya pero bukas makalawa ganun padin kaya siya sayo? Hindi mo ba naiisip kung bakit na lang siya biglang naging malapit sayo? Wala kayang kinalaman ang barkada niya dito?" Sunud-sunod na tanong nang caller. "Kung ayaw mong tuluyang masaktan at mahulog sa bitag nila, layuan mo na siya ngayon na." at tuluyan nang pinutol ng mysterious caller ang linya.

Napanganga ako sa lahat ng mga pinagsasasabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang nangyayari pero parang feeling ko tama ang caller. Bakit bigla na lang siya naging malapit? Bakit ang sabi nang caller na may kinalaman ang barkada niya sa pagiging malapit sa akin? Totoo kaya lahat iyon?

Pansamantalanag isinantabi ko muna lahat ng mga katanungan kong iyon at tumutok sa pagrereview. Natapos akong magreview nang mga bandang alas-10 na nang gabi. Tinext ko na si Arjay na matutulog na ako at magkita na lang kami sa school bukas.

Maaga akong nagising kinabukasan. Handang handa na ako sa exam naming bagama’t patuloy pa rin ang pagsulpot-sulpot ng mga katanungan ko sa prank caller. Two days ang schedule namin ngayon kaya I expect na hindi ako iistorbohin ni Andrei. May plano akong kausapin siya after exam para magkalinawan na. Bothered ako sa sinabi nung caller pero hindi ako papatalo doon. I will have the best results for my exams.

Pumasok na ako nang school. Konting minuto na lang at exam na. Magkatabi kami nang arrangement ni Arjay pero may isang upuan ang distansya namin. Wala kaming imikan hanggang sa matapos lahat ng exams sa araw na iyon.

Honestly hindi ako nahirapan sa exam na binigay samin kaya tuwang tuwa ako. I am expecting good grades sa term na iyon. Meron pa akong isang araw na exam na paghahandaan ko pa. Actually nakareview na ako last week pa pero refresher na lang kumbaga. Maaga akong natulog kinagabihan.

Ganun na naman ang scenario naming dalawa ni Arjay. Nang matapos ang huling exam, hinintay niya ako sa labas ng pintuan matapos niyang sagutin ang paper niya. Pagkalabas ko, nagkamustahan kami at nagchikahan. Nagutom kami kaya naisipan naming tumuloy sa canteen. Umorder kami nang makakain at umupo sa isang bakanteng spot sa labas ng canteen.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng dumaan yung mga barkada ni Andrei. Kasama rin siya dun. Kinawayan ko siya pero hindi niya ako pinansin na tipong hindi ako nag-eexist. Napahiya ako pero buti na lang may kaklase akong asa may likuran niya at nakita akong kumaway kaya kumaway din siya sabay lapit samn ni Arjay. Alam ni Arjay na napahiya ako pero tumahimik na lang siya. Tuloy ang kwentuhan namin. Kinilig bigla yung kaklase namin ng tumabi sa may table namin yung grupo nila.

Parang nabadtrip ako na ewan kaya bigla akong tumayo at umalis. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Naalala ko na kasama ko si Arjay kaya bumalik ako sa table at sinabihan siyang may emergency lang. Sumabay na din sakin si Arjay samantalang yung kaklase namin eh umalis na din at may pinuntahan.

Hindi ko na tiningnan pa yun reaksyon niya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam sa kanya. Inis ang naghari sa dibdib ko nung oras na iyon.

Nang nasa malayo na kami, nakatanggap ako nang isang text mula sa kanya. Humihingi siya nang sorry sa pang-iisnab niya sa akin at nagtataka raw siya na bigla akong umalis. Hindi ko siya nireplyan. Ano sa akala niya, maysademonyo din ako no. Bahala siya sa buhay niya. Dumiretso ako sa bahay nila Arjay para maglabas ng sama nang loob.

Gaya sa bahay, meron din siyang duyan sa likod ng bahay nila kaya dun kami pumwesto. Naghanda nang maiinom at makakain si Arjay bago kami nag-umpisa. Tinanong niya ako bakit hindi ko pinansin si Andrei. Meron daw ba akong inililihim sa kanya. No choice ako at ikinuwento ko lahat sa bestfriend ko ang mga nangyari. Nakisimpatya naman siya sa nararamdaman ko at para malift up ang mood nang sitwasyon, kumanta kami ni Arjay na parang walang bukas.

Maganda boses ni Arjay kaya naman todo kanta siya. Sa katunayan nga, gumawa kami nang video ni Arjay at pinost sa youtube. Naka-ilang libo din kami nang viewers. May mga requests kami pero hindi na namin naituloy dahil busy kami pareho. Pinutol ng isang tawag ang kasiyahan namin. Sinagot ko naman ang tawag niya.

"Ton, where are you?" Napasimangot ako nang makilala ang boses.

"Bakit mo tinatanong kung asan ako? May kailangan ka ba?" inis kong sagot. Dinedma niya ang mood ko.

"Gusto kong tumambay eh. Wanna join me?"

"Hindi na, wag na. I'm already in a bliss ngayon." Narinig niyang may kasama ako. Hindi ko kasi sinaway si Arjay na kumanta eh.

"Who's that?" tanong niya na may pagbabago sa tono nito.

"Ah yun ba, uhm, someone special. Bestfriend, close friend, basta. Bakit?"

"Bakit magkasama kayo? What are you doing?" Iritad niyang tanong.

"We're drinking." Solido kong sagot.

" Andjust the two of you?"

"Oo bakit? Wala namang magagalit eh."

"Sigurado kang wala?” Napataas na ang boses nito ngunit agad din naman na binawi. “Teka, suitor mo ba yan at kayong dalawa lang ang nag-iinuman?"

"Talagang wala. I'm single naman kaya walang magagalit sakin. Suitor? Hindi pa naman kasi we’re still on the verge of getting to know each other."

"What??? So nagpapaligaw ka na pala while we’re dating." Disappointed na sagot nito.

“Dating na palang matatawag iyon.”

“Where’re you? Susunduin kita diyan!” May authority sa boses nito.

"No need. I can take care of myself and besides I know exactly where my house is kaya walang dahilan para ,aligaw ako." Malamig kong tugon.

"What's with you! Bakit ka ba nagkakaganyan? Huh?"

"Walang nagbago sa akin. Siguro, hindi pa natin talaga kilala ang isa’t isa. Sige na, may gagawin pa kami." Sabay turn-off ng line.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mga oras na iyon. Does he really cares for me? Totoo ba siya? Bakit niya nasasabi yung mga bagay na iyon? Lalo lang niya ginulo ang isip ko.

Tinuloy padin namin ni Arjay ang kasiyahan. Nang medyo lubog na ang araw, napagpasyahan ko nang umuwi na. Since malapit lang naman ang bahay namin kila Arjay, naglakad na lang ako.

Nang makarating na ako sa kanto namin, nakita ko ang sasakyan ni Andrei. Wala na ako sa mood pa na isipin ang mga katanungang bumabagabag sa pagkatao ko. Bumukas ang pinto sa driver's side at iniluwa nun ang isang naka-unipormeng student jock. Lumapit ito sakin at bigla akong hinatak sa braso palapit sa kanya.

Mukhang galit ang aura niya. Bahagya akong natakot sa nakita ko sa kanya. Dali-dali niya akong pinasakay sa kotse niya at dinala sa bahay namin. Ipinaalam niya ako kila nanay na may pupuntahan lang kami at pumayag naman ang mga ito. Wala akong magawa dahil alam kong wala na ako sa tamang huwisyo para makipagtalo.

Pinaharurot niya ang sasakyan niya. Napakalayo na nang nararating namin pero hindi pa rin kami tumitigil. Bakas pa rin ang galit sa mukha niya ngunit tuluyan ng naglaho ang takot ko sa kanya. Maya-maya pa, bigla kaming huminto sa isang park. Walang masyadong tao doon bagama’t kita mo na bangin ang nakapalibot doon. Nasa isang burol pala kami. Hindi siya bumaba nang sasakyan. Binuksan ko ang pintuan ko pero nabigo ako dahil ni-lock niya ang pinto.

"Nasaan tayo? Anong meron dito? Bakit dito?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Of all places nga naman kasi bakit sa abandoned-like-whatsoever na park na ito kami nagpunta. "What are you trying to do?" Tahimik lang siya pero mukhang seryoso. Medyo freaked out na ako dahil ibang aura ni Andrei ang nararamdaman ko sa sasakyan.

"Get me out of here! Open the door now or i'll scream!" Banta ko sa kanya pero tumingin sya bigla sakin ng galit.

"You want to get out? Go ahead!" seryoso niyang tugon.

Nabuksan ko ang door at tuluyang tumakbo palayo. Napansin kong I am in a strange place kaya hindi ko alam kung saan pupunta. I keep on running away. Ayoko nang bumalik sa kanya.

Umiiyak ako habang tumatakbo. I can't imagine na magbabago nang ganun si Andrei. Kasingdilim ng aura nya ang dilim nang paligid. Hindi ko masyadong makita ang daraanan pero wala akong pakialam. Nakalabas ako nang park pero ang problem bumatisakin ang napakaraming puno. Tuluy-tuloy pa rin ang takbo ko nang matisod ako sa isang malaking ugat. Nasugat ang tuhod ko.

Hindi ko a inalintana sa ngayon ang sugat sa tuhod ko, mas ininda ko ang takot na nasa puso ko gawa nang isang Andrei. Ikinubli ko ang sarili sa isang puno nang mapagod sa katatakbo na wari'y naging isang ina sakin na handang itago ang anak sa kapahamakan. Naging sandalan ko ang isang bagay na bagama't may buhay ay hindi naman nakakalabas ng emosyon ngunit nakakapagbigay ng tiyak na kapayapaan.

Dahil sa magkakahalong emosyon at sakit, tuluyan na akong bumigay. Isang pagtangis hindi lamang sa aking mga mata ang nag-unahan palabas kundi maging sa aking puso ay biglang kumawala. Iniyak ko nang iniyak ang lahat ng sakit na bigay niya. Nakikisimpatya ang mga ibon sa paligid sa nararamdaman ko.

Mugto na ang aking mga mata nang tumigil ako sa pag-iyak. Biglang kumirot yung sugat ko. Since nursing student ako, may alam na ako kahit papaano sa first aid dahil na din sa pagbabasa ko nang libro. Pinunit ko ang suot kong damit at itinali iyon sa aking dumudugong tuhod. Unsterile tama di ba? Pero no choice ako sa panahong iyon.

Napatingala ako sa kawalan. Mataman akong nakikiramdam sa paligid ng tuluyan na akong iginupo nang pagod. Nagising ako sa mga huni nang ibon na tila ba ay musika sa aking tenga. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 5:45 na nang umaga. Walang signal sa lugar na iyon kaya hindi ako nakarecieve nang anuman.

Tatayo na sa sana ako nang mapansin ang isang braso na nakayakap sakin. Tiningnan ko kung kanino iyon. Nabuhay muli ang takot at galit sa puso ko. Hinawi ko ang braso niya at pinilit umayo. Dumilat siya sabay biglang yakap ng mahigpit sakin. Umiyak siya pero wala akong madamang awa. Itinulak ko siya at akmang tatayo na sana ako ulit nang bigla niya akong hablutin at natumba ako sa kanya.

"Ton, I'm sorry.”

“Sorry? Pagkatapos mo akong takutin hihingi ka nang sorry? Letse!” Galit kong turan.

“Hindi ko sinasadyang takutin ka. I just want a talk with you." Patuloy pa din siya sa pag-iyak.

"Talk? You almost killed me kagabi and you’re saying now you just want a talk?"

"I'm sorry! Please listen to me." Tahimik lang ako tanda nang binibigyan ko siya nang oras para magsalita. "Inaamin ko na I was in a very bad mood kahapon after talking to you. So I decided to wait for you at your house when suddenly you appeared before me. Gusto kitang masolo kaya dinala kita sa lugar na ito and to clear things between us. Kung anong status na natin."

"Status natin? Hindi kita maintindihan."

"Kasi... kasi..."

"Kasi what? Spill it out."

"Kasi eh nahihiya akong sabihin. Huwag na lang." Binatukan ko siya nang malakas.

At tuluyan na akong tumayo at naglakad ng walang lingon-likod.

“I LIKE YOU Ton! I like you a lot." Pagbubunyag niya.

Natumba ako sa sinabi niyang yun. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Yung galit na nararamdaman ko biglang napalitan ng pagkapahiya. Nagblush ako nang todo.

"Anong sabi mo? Gusto mo ako? Tell that to marines! Hindi mo ako maloloko." Biglang nag-iba ulit mood ko nang maalala yung call.

“Hindi ako nagbibiro Ton and I have no plans na lokohin ka. Please believe me.”

“I won’t and you won’t expect me to believe what you’ve just said ng ganun ganun lang.”

“Please! I’ll do everything. Papatunayan ko sa’yo na totoo ako sa’yo.”

“Explain to me bakit ka nagkakaganyan? Bakit parang napakabilis ng mga pangyayari sa pagitan nating dalawa? Bakit ka interested sa akin? Bakit mo ako gusto? Plano niyo ba ito nang mga barkada mo?” Sunud-sunod kong tanong.

“I don’t know bakit ako nagkakaganito sa’yo. There are many beautiful girls sa school … “ napahiya ako lalo. “ … pero simula nung orientation naging interested na ako sa’yo. Hindi ko alam bakit ikaw pero sigurado ako sa nararamdaman ko sa’yo at walang kinalaman dito ang mga kaibigan ko.”

“I still can’t find the reasons para paniwalaan ka.” Kalmado na ako.

“Bakit?”

“Hindi pa natin kilala ang isa’t isa Andrei. Alam kong sa kinalakhan mong kultura normal na sa iyo yan pero sa akin hindi.”

“Then give me a chance to know you more and give yourself a chance para makilala ako.”

“Hindi ko alam. Ayokong masaktan.”

“Huwag mo naman sanang ipagkait sa sarili mo ang lumigaya. Give it a try.” Pinilit niyang ngumiti. Kahit paano na-miss ko ang ngiting iyon.

“Bahala na.” Dahil sa sagot ko ay biglang lumiwanag yung mukha niya.

"Why? There's nothing wrong with that. "

"Ewa-." Sinunggaban niya ako nang halik.

“Bakit mo ako hinalikan?” Pa-demure kong sabi.

“Dahil gusto ko and I’m missing it everyday.”

“Gago! Kala mo ba gusto ko ginawa mo? Nagkakamali ka and I’ll assure you that that will be the last time you’ll gonna kiss me!”

"Really? I don't believe you. "

“You should.”

“Kung ganun, bakit ka nagba-blush?”

“No I’m not. Mainit lang dito.” Pagtatanggi ko. Natawa naman siya.

Napatigil lang siya nang dumaing ako nang sakit at nakita niya na dumudugo yung tuhod ko. Nataranta siya at hindi niya alam kung anong gagawin sa akin. Sinigawan ko na lang siya na iuwi ako. Sumunod naman siya. Bakas sa maamo niyang mukha ang labis na pg-aalala sa kalagayan ko. Wala naman siyang ibang bukambibig sa loob ng kotse kundi ang humingi nang sorry.

Gulat na gulat sila nanay ng makita ang ayos ko na punit ang damit at may sugat sa tuhod samantalang si Andrei naman ay puno nang alikabok ang puting damit. In-explain ni Andrei na nag-trekking kami kagabi kasama nang mga kaibigan namin at nadisgrasya. Nag-alala si nanay sa kalagayan ko kaya dali-daling kumuha nang gamit na panlinis ng sugat. Si tatay naman ay kumuha nang antibiotic at agad ding pinainom sakin. Si bunso naman ay inutusan ni nanay na ikuha kami ni Andrei nang damit tsaka tuwalya na rin dahil ang baho na namin.

Sobrang tutok ako sa paggamit nang laptop ng pumasok si Andrei. Hindi naman maiwasang hindi ako mapatingin gawa nang ingay na likha nang pagbukas nang pintuan. Laglag panga ako sa nakita ko. Si Andrei, si Adonis. Hindi pa naman ganap na lumilitaw ang kanyang six pack abs pero halata mo nang may patutunguhan. Ang nipples niya na pinkish, sarap paglaruan. Ang sexy nyang tingnan. In short, yummy.

"Are you okay Ton?" Bigla akong hinigop ng kasalukuyan at natauhan. Nahiya ako. Hindi ko alam kung para san ang tanong niya na iyon.

"Ah, eh, oo medyo okay na ako."

"Dapat nagpapahinga ka na. Turn off mo na yang laptop mo." Utos niya sakin.

"May tatapusin lang ako saglit." sabi ko. Lumapit siya sakin. Naamoy ko ang sabon na ginamit niya. Ang bango, ang sarap samyuin nang amoy niya pero hindi ako nagpahalata na ginugulo niya ang katawang lupa ko.

"Ton, lika na. Tulog na tayo." sabi niya nang may halong paglalambing.

"Wait lang, kausap ko pa si Arjay." tugon ko naman.

"Bukas na kayo mag-usap sa school kasi gusto ko na talaga matulog eh."

"Aba, di matulog ka hindi ko naman hawak yang buhay mo eh." nang bigla niyang agawin sakin ang laptop. Nag-agawan kami, nakatalikod siya sakin na para bang ginagwardyahan ko siya sa isang game nila nang basketball.

Hindi ko siya kaya, nag-give up na ako. Ibinalik niya ang laptop sakin. Nagpaalam na din ako kay Arjay at tuluyan ng pinatay ito.

"Ton, here." sabay pagpag sa part ng bed gamit ang kamay niya.

"Dyan? Pwede naman ako sa lapag."

"Here we go again. Gusto kita katabi and huwag na pa-hard to get." nginusuan ko lang siya.

Nung makita niya akong hindi pa din natitinag, hinila niya ako bigla. Natumba ako sa ibabaw niya. Tapat ang mukha niya sa mukha ko. Mata sa mata. Nagtitigan kami for a while. Naramdaman ko na ni-lock niya ang kamay niya na tila nakayakap sakin.

"Drei, bitiwan mo ako. Paano ako makakatulog ng ganito." sabi ko sa kanya. Hiyang hiya na ako kasi kanina pa niya pinagmamasdan ang lahat nang anggulo nang mukha ko.

"Say it again.” Nahalata niya ang naguguluhan kong tingin sa kanya. “Anong tinawag mo sa akin?"

“D-drei?” Sagot ko.

“Again.”

"Drei please." pagsunod ko naman.

"I love it when you say my name that way. It made it so special." unti-unti nilalapit na naman niya ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako makakapalag dahil yakap yakap niya ako, hanggang sa tuluyan ng lumapat ang labi niya sakin. Ipinagkanulo ako nang sarili kong mga labi nang sumunod ito sa saliw ng musikang dulot ng kanyang mapang-utos na mga labi. Kusa itong gumagalaw na wari mo'y may sariling buhay.

Niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa akin at inihiga ako. "Drei." sabi ko sabay tingin sa direksyon ng pintuan. Naintindihan niya naman ang ibig kong iparating kaya't tumigil siya sa paghalik sakin at tumayo. Lumapit sa pintuan at ni-lock iyon maging ang bintana ay isinara. Bumalik siya sa kama. Ngayon siya na ang nakapatong at agad akong sinunggaban ng halik. Para akong nasa langit nang mga oras na iyon.

Pinagsaluhan namin ang sarap ng oras. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong ibigay sa kanya nang ganun na lang ang sarili ko. Kinapa ko ang damdamin ko at napagtanto kong Masaya ako sa nangyari sa amin.

"Ton, thanks huh."

"Nahihiya ako sa iyo Drei."

"Wag kang mahiya, I love you just the way you are tsaka naramdaman ko naman na you like me din." Tumahimik lang ako. Hinalikan niya ako sa noo. "Ton, pwede magrequest?"

"Ano yun?"

“Pwedeng pa-kiss ulit?” Ginawaran ko naman siya na labis niyan ikinatuwa.

Gabi na nang ako ay magising. Wala na si Andrei sa aking tabi. Hinanap siya nang aking mga mata pero nabigo ako. Ni anino niya ay ayaw magpakita sa akin. Akma na sana akong tatayo nang mapansin kong may suot na akong damit. Alam ko na kung sino ang nagbihis sakin. Ang saya ko nang mga oras na iyon. Oo nga't naibigay ko kay Andrei ang aking puri pero masaya naman ako sa nangyari.

Para naman akong prinsesa ng buksan ni Andrei ang pintuan ng aking kuwarto at may dala-dalang tray ng pagkain. Amoy pa lang ay alam ko nang mapapalaban ako.

"Dinner on bed!" sabi pa niya sa akin. Natawa pa ako sa kanya. Nagpapaka-sweet na ewan. Hindi naman ako buntis para ganito na lang ang treatment sakin aside from the fact na gabi na.

"Sige tumawa ka lang." Sabay ngiti naman siya.

"Ikaw nagluto?" tanong ko.

"Yup pero nanay helped me how to make this adobong gizzard and liver." amoy pa lang ulam na. Napansin kong pinapanood niya lang akong kumain kaya naman inaya ko na din siya. Ayaw niyang kumain unless subuan ko daw siya.

"Ang sosyal mo naman. Infant ka ba at kailangan pa kitang subuan?"

"Yeah, I'm your baby!"

"What?!" gulat kong sabi. "Baby ka dyan. Upak gusto mo?"

"Just kidding. Hahah." ang sarap talaga pakinggan nang tawa niya. "Kumain na ako kanina sa baba. Si nanay kasi ayaw akong pasabayin kumain sayo. "

Nang matapos na akong kumain, niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at bumaba na papuntang kusina para hugasan ito. Nakita ko sila tatay na nag-iinuman kasama ng mga barkada nito. Feeling ko may tama na si tatay kasi sobra na niyang daldal.

"Yang si Tonton, kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan." touched naman ako sa sinabi ni tatay kaya naman ng makita kong paubos na iyong pulutan nils ay pinagluto ko sila. Inihain ko naman agad ito sa lamesa nila.

"Mga pare, eto ang anak kong si Tonton. Maraming nagsasabing bakla ito pero hindi ako naniniwala. Masyado lang busy yan sa pag-aaral niya kaya wala siyang panahong magkaroon nang kasintahan. Tamo, baka paggraduate niyan magulat kayo at may apo na agad kami." natatawa ako sa mga pinagsasasabi ni tatay pero sinakyan ko na lang.

"Pare, hindi ba syota nang anak mo yang bisita niyo? Lagi ko kasi silang nakikita na magkasama." sabi nang isang kainuman niya.

"Naku hindi, bestfriend niya iyon kaya madalas silang magkasama." at tuloy ang kwentuhan ng mga lasing.

Hindi ko na itinuloy yung pakikinig sa mga usapan nila dahil baka kung ano pa ang madinig kong mali. Habang papalayo, naisip ko na sana, sana, kami ni Andrei ang magkatuluyan. Dumiretso ako nang gawi sa may tv para magpalipas ng ilang oras dahil malapit na din namang matapos sila tatay sa session nila.

Makalipas ang isang oras ay isa-isa nang nagpaalam kay tatay ang mga kabarkada nito. Tuluyan na ding umakyat si tatay para matulog. Ako naman ay lumabas para ayusin ang mga kalat nila.

Napagod ako sa dami nang mga iniwan nilang kalat kaya naman dumiretso ako sa likod ng bahay para magpahinga. Sa paborito kong duyan ako pumwesto. Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin sa langit na nagsisipagkislapan. Nagwish ako nang may dumaan na isang bulalakaw.

Pagmulat ko nang mga mata ko ay nakita kong papalapit si Andrei sa kanlungan ko.

"Sabi ko na at dito lang kita mahahanap."

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

"Bonding time."

"Ah!"

"How are you na? Sumasakit pa din ba?" pag-aalala niyang tanong. Kinapa ko naman ang sarili kung masakit pa yung tuhod ko.

"Hindi na masakit yung tuhod ko and nag-stop na din yung pagdugo niya."

"Eh yung isang sugat?" namula ako sa tanong niya. Alam ko na ang tinutukoy niya.

"I'm fine okay. Everything's fine." Depensa ko.

"Okay, just wanted to make sure." bigla siyang tumahimik. "Ton?"

"Uhm?"

"I'm dead serious when I said that I liked you at alam ko you're wondering why and hindi ko pa rin alam ang sagot. Basta one day I had this feeling na I wanted to see you everyday and I’m missing you."

"Ah kaya ka siguro palaging tumatambay sa library pag andun ako noh?" alaska kong tanong sa kanya.

"Yeah!" diretso naman niyang sagot. Tumingin siya sakin. Naguguluhan ako sa mga revelations niya.

"Una pa lang kitang nakita noon sa orientation eh I felt na magiging close tayo. I never thought of falling for you." tahimik lang ako lalo.

"Ganun."

"Makikipaghiwalay na ako kay Joanne. I wanted to be with you Ton.”

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo."

"Alam ko kung anong sinasabi ko and I firmly stand on my position. Alam ko natatakot ka lang sa sitwasyong papasukin natin pero one thing i'll assure you, I will never leave you. Let me occupy a space in your heart." sabay turo niya sa dibdib ko. At unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin at dahan-dahang hinalikan.

Napaka-sweet ng kiss niya that night. Full of passion, full of love. Yun na ang naging confirmation namin na officially kami na.

Since that night, lagi na kaming magkasama ni Andrei. Kahit saan ako pumunta ay laging siya ang kasama ko. Kapag duty ko sa library, andun din siya at tinutulungan ako. Nagtataka na yung mga kasamahan ko dun pero ang sabi ko na lang may kasalanan ulit siyang ginawa kaya't tuloy ang punishment sa kanya.

Pag asa labas naman kami, he will make sure na happy ako sa company niya. Tinatrato niya akong isang babae. Minsan nga napapangiti yung nasa cashier sa mga stalls sa mall dahil sa ipinapakita niyang sweetness sakin. Pinagsasabihan ko siya pero he doesn't mind. Ang rason niya, he's proud of me and what we have. Hinayaan ko na lang siya.

Minsan, nagdate kami sa SM. Inikot namin ang lahat ng mga stalls gaya nang dati. Nang mapagod, kumain kami sa wendy's. Burger at drinks lang inorder namin. Maya-maya, may tumawag sa kanya. Tumayo siya at lumayo gaya nang dati. Hindi naman issue sakin yun eh. Meron siyang right for privacy kaya hinayaan ko lang siya. Lumingon lingon ako sa paligid ng mapansin ko na may isang lalaking nakatitig sakin. Nakipagtitigan ako. Hindi ko namalayan na bumalik na si Andrei sa upuan niya at nakita akong nakatingin dun sa lalaki.

"Hey Ton. Sinong tinitingnan mo?" nabigla ako sa tanong niya.

"Wala naman." tumango naman ito.

"Okay."

"CR lang muna ako. Need to unload." at tumayo na ako.

Pagpasok ko nang CR sumabay din ng pasok yung lalaki. Natatakot na ako sa nangyayari. Stalker ba siya? Bakit ako? Hindi naman ako public figure or ano. Kabado akong umihi. Parang ayaw pa ga lumabas ng ihi ko pero pinilit ko. Konti lang ang lumabas at medyo nairita ako kaya lumabas na ako nang cubicle. Paglabas ko andun padin yung lalaki. Palabas na ako nang bigla niya kong harangin.

"Hindi ka dapat nakikipagmabutihan sa lalaking iyon. You barely know him." dahil sa iritable ako, iba ang naging reception ko sa sinabi niya.

"Teka nga, sino ka ba? Kilala ba kita? At bakit mo ako pinagsasalitaan ng ganyan?"

"Ako si Ryan. Hindi mo ako kilala pero ikaw kilala kita lalo na iyong kasama mo. Kung may namamagitan na sa inyong dalawa, mag-isip isip ka na ngayon pa lang."

"Mag-isip isip san? Tsaka ano ba mga pinagsasasabi mo?"

"Mali na pinatulan mo si Andrei dahil guguluhin niya lang ang tahimik mong buhay!"

"Bakit isa ka ba sa mga taong nagulo ang buhay dahil sa kanya?"

"Sabihin na nating oo at hindi ko makakayang may gawan pa siya nang ganoon." Napansin kong taliwas sa sinabi niya ang nabanaag ko sa mga mata niya.

"Teka nga, ano ba kasi ang nangyari? Naguguluhan ako." nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Andrei. Nagulat pa siya nang makita kung sino ang kausap ko.
"R-ryan?" bigla niyang tanong.

"Ako nga Drei. Kamusta na? Long time no see ah. Siya na ba ang bago mong biktima?"

"Shut up Ryan. Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Don't listen to him, everything he'll say are not true."

"Masyado ka namang defensive Drei. Wala naman akong sinasabi sa kanya eh. Just a simple hi lang. Kung maka-react ka naman ngayon kala mo naman may malaki kang sikreto na ayaw mong malaman niya." naguguluhan na ako sa mga nangyayari kaya nag-excuse na ako sa dalawa at tuluyan ng lumabas. narinig ko pang sinabi ni Andrei na 'you'll pay for the cause you made this time Ryan, you'll pay.'

Diri-diretso ako sa may labas ng mall. Walang lingon likod na naglakad palayo sa lugar na iyon. Parang sasabog ang ulo ko sa mga sinabi ni Ryan sakin. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang sabihin iyon sakin. Sino ba si Ryan? Ano ba siya ni Andrei? Sino ba talaga si Andrei?

Biglang bagsak ng ulan. Wala akong pakialam kung mabasa ako. Lakad lang ako nang lakad. Hindi alam kung saan pupunta nang mapadpad ako sa isang bakanteng lote na may bench sa ilalim nang puno. Naisipan kong umupo muna dun at magmuni-muni. Inilabas ko ang cellphone ko dahil nagvibrate. Si Andrei tumatawag pero wala akong balak na sagutin. Gaya ko nabasa din ito at biglang nag-off.

Ang lungkot naman ng araw na iyon. Kahapon masaya ako ngayon naman totally the opposite. Gusto kong itext si Arjay pero paano? Ayaw mag-on ng cp ko. Mukhang nasira na dahil nabasa nang ulan. Gusto kong uminom pero paano ulit basa ako. Hindi ako papapasukin sa bar. Kainis, wala akong magawang iba.

Di din nagtagal at tumila na ang pagtangis ng kalangitan kaya napagpasiyahan kong umuwi na. Habang naglalakad, nakita ko si Andrei kausap si Ryan at mukhang galit na galit. Nagkubli ako pero nakabukas ang tenga sa mga pinag-uusapan nilang dalawa.

"Damn you Ryan! Why are you doing this to me?" Asik nito sa binata.

"Tangina ka Drei! Nagtanong ka pa kung bakit. Alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ba? Minahal kita noon. Buong buhay ko sayo ko lang inalay pero bakit bigla kang nagbago. Nung mga unang araw natin sobrang sweet mo sakin. Pagkatapos ng 2nd monthsary natin, nakipaghiwalay ka sakin at ipinagpalit mo ako agad sa iba."

"Dahil hindi kita minahal. Pinagpustahan ka lang namin ng barkada to prove them that you are gay. It was peer pressure."

"Peer pressure? Shit, yan ang pinaka-walang kwentang rason na narinig ko galing sayo. Hindi ba’t nag-enjoy ka naman habang pinapaligaya kita sa kama? Panay pa nga ang ungol mo eh tapos ngayon sasabihin mong peer pressure? Ang sabihin mo, natatakot kang mabansagang bakla. Kagaya din naman kita Drei eh isa kang gay, bayot, bakla, bading --- "

PAAAAAAKKKK! Isang suntok ang ibinigay ni Andrei kay Ryan. Natumba ito at duguan ang nguso.

"Yan lang ba ang kaya mo huh Drei?"

"Stop it Ryan! You're crossing your line already. Baka hindi na ako makapagpigil at mapatay kita."

"Hindi ako natatakot sayo Drei. I'll do what I have to do para hindi tuluyang mahulog si Tonton sa mga kamay mo. Kawawa naman iyong tao.Napakatahimik niya para guluhin niyo ang buhay niya. At gaya ko, pinagpustahan niyo pa siya para lang mapatunayang kagaya ko rin siya. Hindi ka na ba naawa sa kanya o talagang wala ka nang natitirang awa diyan sa sarili mo."

“Hindi ko kayang lokohin si Tonton at kung magpapakabakla man ako, yun ay dahil sa kanya. Move on Ryan, get a life.” Asik nito sa binatanag nakaupo na sa daan.

Sa halip na sa sumagot ito ay tumayo itong bigla at hinalikan ng mariin si Andrei. Nagulat ito sa ginawa ni Ryan kaya naman ng makabawi ito ay akmang susuntukin na niya ito ulit ng bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko. Laking gulat nito nang makita ako. Binitiwan niya agad si Ryan at lumapit sakin.

"Ton listen to me. Lahat nang narinig mo ---" Pinutol ko na ang napaka-defensive niyang linya.

"You don't have to explain Mr. Hughes. I had enough today and I'm tired of listening to your elucidations."

"Don't tell me naniniwala ka sa mga sinabi niya." Nagmamakaawa nito sumbat sa akin.

"I don't know. Di ko na alam kung sino pa ang papaniwalaan ko. Everyone's been so selfish. Wala na kayong ibang inintindi kundi ang mga sarili niyo. " Malamig na tugon ko sa kanya.

"Hindi ganun yun Ton, mahal kita at totoo ako sa nararamdaman ko sayo. Please listen to me. I know that your heart believes me." Sabay yakap sakin ng mahigpit.

"I'm sorry hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga sinabi mo." Unti-unti namang lumayo si Ryan hanggang sa tuluyan ng mawala. "Loose your grip drei, I'm calling it off."

"You're breaking up with me?"

"I guess, just to be fair."

"That's unfair! You don't really know the situation here Ton. Please don't leave me, let's start again. I love you so much!" Pagmamakaawa ni Andrei pero hindi ko na siya pinakinggan pa at tuluyan ng umalis.

Masyadong heavy ang araw na ito. Pag-uwi ko sa bahay ay napakatahimik. Nakalimutan kong nagpunta pala silang lahat sa lola ko sa karatig bayan para magbakasyon. Ako lang nag-iisa sa bahay kaya hindi ko maiwasang hindi malungkot. Sira pa ang cp ko kaya hindi ko matawagan si Arjay. Itinulog ko na lang lahat ng mga sakit na nararamdaman ko.

Ganun na lang kadali ang naging relasyon namin ni Andrei. Ni hindi pa kami umaabot ng buwan pero siguro ganun talaga. It came really really fast. Masyado akong nasaktan sa nangyari. Ni hindi ko na nga nagawang hayaan siyang magpaliwanag dahil sa nabingi ako sa mga narinig ko sa usapan nila ni Ryan.

Sabi nga nang iba, pag may ulan tiyak na sisikat muli ang haring araw kaya ipinagpatuloy ko ang buhay. Aral at bahay muli ang routine ko pag weekdays at sa weekends naman ay sa library ako tumatambay. Kapag nasa library ako, hindi ko na naman maiwasang hindi maalala si Andrei lalo na ang table na lagi niyang ginagamit tuwing magbabasa siya nang libro.

Pero gaya nang dati, ginawa kong busy ang sarili ko. Pansin din ni Arjay na hindi na kami madalas lumabas ni Andrei. Inamin ko sa kanya ang totoo na wala na kami. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Siyempre, nasa akin ang simpatya niya. Tinutulungan niya akong mag-move on. Unti-unti ko namang naibabalik ang dating sigla ko nung wala pa sa buhay ko si Andrei. Wala na din akong balita pa sa kanya at wala na din akong balak pa na alamin kung ano na nangyayari sa buhay niya ngayon.

Isang araw, nakasalubong ko ang mga barkada ni Andrei at nag-uusap sila.

"Mga pare paano ba yan talo tayo sa pustahan."

"Oo nga, badtrip naman kasi naunahan si Andrei na i-break nung baklang yun. Ang kapal naman ng mukha nung taong yun."

"Sinabi mo pa, sa gwapong iyon ni Drei tiyak jackpot ang kahit sino mapa-babae man o mapa-bakla."

Dahil sa sinabi niyang iyon di na ako nakatiis na hindi sumabad.

"Excuse me." sabi ko. Bigla silang lumingon at tiningnan ako. Namukhaan ako nung isa nila kasama.

"Ikaw yun! Ikaw yung nang-break kay Andrei di ba."

"Oo ako nga. Paano ba yan eh di talo kayo. Buti nga sa inyo. Ang kakapal ng mga mukha niyong paglaruan ang iba sino ba kayo sa akala niyo. Sana lang hindi mangyari sa inyo ang mga pinaggagagawa niyo sa iba. Bahala na ang Diyos sa inyo." sabay talikod ko. Kumpirmado ngang pinagpustahan ako. Masakit. Sobrang sakit. Bakit niya nagawa sakin yun.

Sa halip na ipagmukmok ko ang mga kaganapan sa buhay ko, ginawa ko iyong learning experience. Nagpaganda ako nang katawan. Pinigilan ko ang sarili sa pagkain. Mga sakripisyong dapat kong harapin kapalit ng isang dahilan: ang magbago nang image. Hindi naman ako nabigo at nakuha ko din ang ninanais na korte nang katawan. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakitang ang dating matabang si Tonton ay naging fit na. Wala nang bakas ng kahapon.

Summer nuon at napagpasiyahan kong magbakasyon sa tito ko sa Laguna. Mag-isa lang akong bumiyahe dahil sa mga panahong ito, gusto ko talaga nang peace of mind. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang hindi siya isipin. Kung kamusta na ba siya? Kung asan na siya? Kung anong ginagawa niya. Hindi ko siya totally mawala sa isip ko parang he's already been tattooed on my mind.

Makalipas ang ilang oras ding byahe, muli na naman akong nakatapak sa Laguna. Pinapangarap ko na balang araw ay magtatayo ako nang sarili kong bahay sa lugar na ito kasama nang magiging katuwang ko habambuhay. Nakabili na ako nang bagong cellphone kaya tinext ko na ang pinsan ko na nasa terminal na ako.

Gutom na din ako dahil sa haba nang biyahe kaya naisipan kong kumain muna sa nakita kong turo-turo. Namimili na ako nang uulamin ko nang bigla akong natigilan. Isa sa mga ulam na tinda ni ate eh yung paborito kong ulam na minsan na ding niluto ni Andrei para sakin. Kakainis! Bakit ba lagi na lang siya ang pumapasok sa isip ko. Ibang putahe na lang ang pinili ko.

Nasa kasagsagan ako nang laban ng ilipat nang anak nung may-ari nang tindahan ang channel ng tv. Myx ang gusto nitong panuodin. Tiningnan ko ang oras. Alas dose na nang tanghali sakto sa Myx Daily Top Ten. Tuloy-tuloy lang ang kain ko nang biglang pinatugtog ang Solo ni Iyaz.

Isang napakalaking badtrip naman oh. Paano ako makakamove on kung lahat ng nangyayari sa paligid ko eh laging may koneksyon sa kanya. Dali-dali kong tinapos ang pagkain para makaalis na sa lugar na iyon. Matapos kong magbayad ay hangos akong lumabas na. Bigla akong tinawag nung ateng tindera.

"Ay sir, naiwan niyo po itong pitaka niyo sa pagmamadali niyo kanina." kinapa ko ang wallet ko sa bulsa, wala ito doon kaya naman kinuha ko ang wallet na hawak ni ate at tiningnan iyon.

Nang makumpirmang akin nga iyon, laking pasalamat ko sa kanya kaya naman inabutan ko siya nang isang daang piso. Ayaw pa sana niyang tanggapin pero ako na mismo ang nagpumilit. Maya-maya ay dumating na din ang pinsan ko.

Inaya ako nang pinsan ko sa paradahan ng tricycle papasok sa subdivision nila. Kuwento nang kuwento ang pinsan ko pero parang wala akong naririnig. Lutang ang isip ko noon. Iniisip ko pa din si Andrei. Napansin naman niya ang pananahimik ko kaya tumigil nadin siya kakasalita.

Tuwang tuwang sinalubong ako nina tito at tita pati na din ang bunso nilang anak. Ang tagal kong hindi nakita ang mga kamag-anak kong ito kaya labis ang tuwa ko nang makasama sila ulit. Habang nagkakamustahan, kinulit ako nang pinsan ko na sumama sa swimming nila mamayang gabi.

"Hoy Abby, pagpahingain mo muna si kuya Tonton mo at galing sa byahe. Mamaya ka na mangulit diyan." Saway ng nanay niya.

"Huwag mong pakinggan si nanay kuya hayaan mo siya. Kuya huh, mayang gabi sama ka samin magswimming." pangungulit niya.

"Ah, eh..." wala akong maapuhap na sagot.

"Sige na kuya please." may papikit pikit pa siya na parang nagpapacute.

"Sige payag na ako basta ba libre mo entrance fee ko. Hahah." bigla kong naalala na ngayon na lang ako ulit nakatawa nang ganun after ng break up.

Dumiretso na ako sa kuwarto nang pinsan ko at nag-unpack ng gamit. Ilang araw ba ako dito at parang andami ko atang nadalang damit? Tanong ko sa sarili ko. Nang makatapos ay inihiga ko ang katawan muna sa higaan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi pa ako magigising kung hindi ako kinilit ni Abby.

"Kuya, gising ka na dyan. Nakahanda na kaming lahat ikaw na lang ang wala." sabi ni Abby. Dali-dali akong tumayo at naghilamos. Nagpalit na din ako nang damit na gagamitin ko sa swimming. Samantalang inilagay ko sa bag ni Rich, as instructed, ang pagpapalitan kong damit mamaya. Nakagayak na ako nang humarap ako sa kanila.

Sakay ng family van nila, dumiretso kami nang Calamba. Napansin kong magkakadikit ang mga resort at para itong mga kabuteng nagsisulputan. Di nagtagal ay ipinasok na ni tito ang sasakyan sa parking lot ng resort na pupuntahan namin. Gaya nang napag-usapan, nilibre ako ni Abby ng entrance fee kapalit nun ang pagsama ko sa kanya mamayang mamasyal sa loob.

Inilatag na namin ang mga gamit namin sa napiling cottage. Parang outcasted ang grupo namin dahil napapaligiran kami nang mga bushes at dadaan ka pa sa isa nilang pool. Pang-mayaman ang cottage namin. Nalaman ko kay Abby na bestfriend pala ni tito ang may-ari nang resort na iyon kaya iyon ang ibinigay samin.

"Kuya, samahan mo nga ako sa banyo. Magpapalit lang ako nang attire." Pangungulit niya.

"Sige nang makapagshower na din ako. Naiinitan na ako eh. Ikaw ba Rich hindi ka pa magsa-shower?" tanong ko sa kuya niya.

"Sige sabay na tayo." magkaedad nga pala kami ni Rich. Close kaming tatlo dahil kami lang ang magpipinsan na magkakalapit ang mga edad.

Hindi rin kami nagtagal sa shower room at tuluyan nang nagbabad sa pool. Ang sarap damhin ng tubig. Para akong nasa hot spring ng mga oras na iyon. Nakakarelax, nakakawala nang stress. Pumikit ako sandali nagbabakasakaling marelax din ang utak ko. Bigla akong sinabuyan ni Abby nang tubig sa mukha kaya napadilat ako. Hinabol ko siya.

Para kaming mga batang nag-hahabulan sa tubig. Enjoy na enjoy ako sa moment na iyon. Nakaramdam ako nang gutom kaya umahon muna ako at tumungo sa cottage para kumain. Dahil medyo madilim ang daan patungong cottage at lutang padin ako, hindi ko napansin na may kasalubong akong lalaki. Nagkabungguan kami.

"Sorry po. Kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa daan." agad kong paghingi nang tawad.

"Sorry din, hindi ko napansin na may kasalubong ako." Sabi nito at tumuloy na nga ako sa cottage namin.

Pagdating ko sa cottage, nagmeryenda agad ako. Paminsan-minsan ay tinatanong ako ni tito ko tungkol sa nangyayari sa bahay namin. Sinasagot ko naman siya. Kinakamusta niya din ako at sinabi ko namang okay pa din ako. Nag-ring ang phone ko.

'Hey Arjay, musta? Sorry hindi kita na-update kanina pagod eh.'

'Okay lang yun noh. Nagpapahinga ka na ba?'

'Hindi pa naman. Andito nga pala kami sa resort ngayon nila tito. Nagrerelax.'

'Good for you Ton para naman ma-relax ka din. Hahah. Nga pala Ton, alam mo na ba ang latest?'

'Hindi pa. Anong meron?'

'Si Andrei umuwi na nang Amerika. Hindi ko alam kung hanggang kelan siya dun.'

'Kanino mo naman nalaman yan? Chismoso ka talaga.' Pang-aalaska ko sa kanya bagama’t nalungkot ako sa balita.

'Nagpunta siya dito sa bahay kanina nagbabakasakaling andito ka. Gusto ka niya sana makausap for the last time bago siya tuluyang lumipad. Sinabi kong wala ka ditto at ayun umalis nang malungkot. Anyway Ton, wag mo na siya muna isipin. Mag-enjoy ka lang dyan and magrelax. Okay?'

'Uhm.'

'Oh siya tol, gotta go. Bye. See yah sa pasukan.' at pinutol na niya ang linya.

Malungkot akong naglakad lakad sa may resort. Nakakita ako nang isang magandang spot. Isang bench sa ilalim ng liwanag na nanggagaling sa buwan. Kung tutuusin napakaromantic nang place na iyon pero dun ko pa din piniling mag-stay. Nakatingin ako sa kawalan nang walang pasabing tumulo ang mga luha ko.

Hinayaan ko lang itong bumagsak. Isang presensya ang naramdaman kong kasama ko sa lugar na iyon. Hindi ako nagkamali. Iyong lalaking nakabungguan ko kanina ang nasilayan ko at may inaabot siyang panyo sa akin. Nahiya ako lalo na sa tagpong nakita niya akong umiiyak. Sa halip na kunin ang panyo, pinahid ko lang ang luha ko.

"Pare, ang ganda nang buwan di ba." sabi niya.

"Oo nga."

"Alam mo, ngayon lang ako nakakita nang lalaking umiiyak. Hindi ko alam ang dahilan mo pero why spoil your night. Andito ka para mag-enjoy and magrelax di ba?" sabay bitaw ng isang mala-anghel na ngiti. Natigilan ako saglit ng mapansin kong parehas sila nang ngiti ni Andrei. "Nga pala, I'm Alvin Montez and you are?" sabay lahad ng palad niya.

"Antonio Lopez." nakipag-shake hands ako sa kanya. Noon ko lang nakita na mestiso siya. Hindi siya ganun ka-gwapo pero sobrang lakas nang arrive niya sakin. Mga 5'10 ang height, gym fit at mukhang mayaman.

"Okay lang ba na dito lang ako tambay?" tanong niya.

"Oo naman, I don't own this place kaya you too can get your ass here." Nagulat ako sa sinabi ko. Me and my big mouth. Baka na-offend siya pero hindi kasi natawa siya sa sinabi ko.

Ano ba naman yan, pati pagtawa may resemblance sa kanya. masyado na ba akong involved sa kanya at pati dito sa kausap ko eh parang siya ang nakikita ko?

"Nice one Antonio. Teka can I call you ton na lang? Masyado kasing mahaba eh. Heheh."

"Yeah sure. My friends used to call me that way din kaya no big deal." ngiti lang ang sagot niya.

"Nga pala tol, may gagawin ka pa ba aside from crying here all night?" pang-aalaska niyang tanong. Napangiti ako sa birit niya.

"Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi gusto sana kitang ayain na mag-inuman sa room ko."

"Sige call ako dyan pero paalam muna ako kila tito."

Sinamahan niya ako pabalik ng cottage habang nagkukwentuhan. Kung anu-ano na lang ang mga pinag-uusapan namin. Pumayag naman sila tito kaya dire-diretso na kami sa room niya. Nagtaka pa ako nang batiin siya nang mga staff dun at tawagin pa siyang sir. Nahalata niya siguro na nagtataka ako pero tahimik lang siya.

Pagkapasok namin sa loob, labis na pagkamangha naman ang naramdaman ko. Simple lang ang decoration ng room niya pero napaka-inviting. May mga portraits sa dingding, may state of the art entertainment set sa sala, water bed, at higit sa lahat, tagus-tagusan ang liwanag ng buwan sa bintana nang kuwarto niya.

"Hey Ton, natutulala ka na naman diyan. Come over here and let's get started." aya niya sakin. Tumalima naman ako at humarap na sa kanya.

"Bakit ka nila tinawag na sir kanina?" bungad kong tanong.

"Sabi ko na you're going to ask me that. I'm the son of the owner of this resort." napanganga ako.

"What?! Naku nakakahiya naman sa inyo sir." tumawa siya.

"Anong sir ka dyan. Magkaibigan na tayo kaya you don't have to call me sir. Tol nga lang okay na eh."

"Eh kahit na. Langit ka lupa ako. Ayan oh." sabay muwestra nang mga kamay. Tumawa siyang lalo.

"Nakakatuwa ka naman. Kani-kanina lang umiiyak ka ngayon naman nagkakaganyan ka. Ang saya mo pala kasama."

Tuloy-tuloy lang ang kuwentuhan at inuman namin. Nagpalitan na din kami nang number tanda nang pagiging official friends namin. Medyo tinamaan na ako kaya medyo nabawasan ang inhibitions ko. Ganun din siya. Dumikit siyang lalo sakin. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero parang alam ko na ang patutunguhan nun.

Kunwari aakbayan niya ako at ididikit ang mukha niya sa pisngi ko habang nagkukwento pero ang talagang pakay niya eh ang halikan ako. Nasabi ko iyon dahil hindi na siya nakatiis pa at bigla niya akong siniil ng halik. Dahil sa espirito nang alak, nagawa kong lumaban ng halikan. Magaling siyang humalik, alam mong eksperto na.

Maya-maya yung halik niya bumaba papuntang leeg ko habang ang kamay niya ay niyayapos ang dibdib ko. Nadadarang na ako sa mga ginagawa niya hanggang sa may mangyari samin.

Kapwa kami humihingal pagkatapos. Nang magkatinginan kami, sabay kaming tumawa. Nang mapagod sa kakatawa ay bigla siyang tumingin sa akin at muling binigyan nang isang mariing halik sa labi. Nagpahinga muna kami saglit. Nang makabawi na nag-ayos na din kami nang aming mga sarili. Bago ako tuluyang umalis ay nagpahabol siya ulit ng isang halik.

Pangiti-ngiti ako habang naglalakad palabas. Hindi pa ako nakakalayo nang makareceive ako nang text galing sa kanya. Thanks Ton for coming. Sana we have a longer time to know each other. I miss you tol. Ingat ka palagi. Bakit ganun, bakit may i miss you na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin at magtaka. Hindi naman ako kagwapuhan pero bakit nila ako nagugustuhan. Ang gulo naman.

Pagdating ko sa cottage ibang ngiti ang bungad sakin ni Rich. Bakit kaya? Ano kayang meron at nakangisi si pinsan? Nilapitan ko siya at agad na tinanong.

"Anong meron insan at ganyan ang itsura mo?"

"Wala naman insan. Meron kasi akong nalaman kani-kanina lang pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo."

"Aba, pasikre-sikreto ka na sakin ngayon huh."

"Basta, sikreto ko muna iyon. Kailangan ko pang ma-confirm ang mga pangyayari ngayong araw na ito." Sa pagkakasabi niyang iyon, bigla akong natilihan at kinabahan na baka alam niya na may nangyari samin ni Alvin. Dinedma ko na lang siya kunwari pero deep inside eh sobrang kabado ako.

Lumapit ako sa lamesa at kumuha nang maiinom dahil bukod sa naubos ang lakas ko sa laban kanina eh dahil sa may sikreto pa ang pinsan ko at mukhang tungkol iyon sa akin. Ano ba ang nangyayari sa gabing ito. Bakit pawang ang bibilis ng lahat. Kanina lang umiiyak ako dahil sa biglaang pag-iwan sakin ni Andrei, tapos biglang dumating si Alvin at ngayon naman dumagdag pa ang nalaman ni Rich na ewan ko ba kung tungkol sa akin pero kabado ako. Nasa ganung pagmumuni ako nang biglang magring ang phone ko. Akala ko si Arjay ang tumatawag pero ibang boses ang lumabas.

'Hello?'

'Hello, is this Tonton?'

'Yup, sino po sila?'

'Hindi na importante kung sino ako. Ang mahalaga eh tuluyan ng nawala sa buhay mo si Andrei dahil bumalik na siya nang amerika.'

'Si Ryan ba ito? Puwede ba tumigil ka na. Wala na kami.'

'Sa ngayon, hindi pa din ako tapos. Kahit wala na si Andrei sa Pilipinas, may naiwan pa din siya at babalikan ko ang taong iyon.' May diin ang pagkakasabi niya nang salitang mo.

'Teka nga, you're starting to freak me out. Sino ka ba? ' Pero tawa nang nakakademonyo ang isinagot bago niya tuluyang pinutol ang linya.

Gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao. Upang mabawasan ang hinanakit at kilabot na nararamdaman ko nang mga oras na iyon, napagpasiyahan kong makisaya kila Abby sa pool. Doon nilunod ko ang sarili sa lahat ng mga emosyong dumadaloy sa akin ng gabing iyon.

Sarap na sarap ako sa paglangoy ng bigla na lang pinulikat ang paa ko. Sobrang sakit at hindi ko maigalaw. Sakto namang ako na lang ang natitira sa pool na iyon. Sinubukan kong manlaban sa puwersa nang tubig na humihila sakin pababa pero hindi ko siya kaya. Nakita ko ang nakasulat sa may gilid nang pool, 7ft.

Walanghiya, hindi na ako mabubuhay nito. Masyado na itong malalim para sa aking amateur swimmer. hanggang sa tuluyan na akong pumaimbulog sa lalim na iyon nang pool. Waring napakatagal ng aking paglubog. Dahil sa medyo kapos na rin akong huminga, unti-unti ko nang ipinikit ang mga mata ko.

Sa ganito na lang ba matatapos ang buhay ko? Hindi ko man lang na-enjoy ang kabataan ko. Simula pagkabata hanggang ngayon, hindi ko padin naranasan ang ganap na kaligayahan. Nang dumating si Andrei sa buhay ko, laking pasalamat ko dahil nagkaroon nang kulay ang buhay ko. Bawat araw na dumaan ay sadyang napakasaya. Naalala ko pa ang first kiss namin, ang first I love you, ang first love making namin, at higit sa lahat ang first major away namin. Luha? Hindi na ako iiyak pa, ngayon pa lang tatanggapin ko na ang kapalaran ko. Kahit kailan ay hindi na ako sasaya pang muli. Patuloy lang akong magiging sawi sa pag-ibig, patuloy lang akong luluha sa bawat pagkabigo. Mas mabuting sa ganito na lang matapos ang lahat. Atleast, wala akong nadamay na iba sa kamalasan ko sa buhay.

Naramdaman kong gumalaw ang tubig na tila ba nagpapaalam sa akin. Ngumiti ako at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising ako at namulatan na umiiyak sina tita at Abby sa tabi ko. Umubo ako nang umubo at inilabas ang lahat ng tubig na nainom ko. Bigla silang yumakap sakin habang patuloy sa pagtangis.

"Okay ka lang ba hijo? Lagot kami sa nanay mo pag nagkataon. " Umiiyak na sabi ni tita.

"Tita, salamat po. Okay na po ako." Umaagos na din ang luha ko sa nadatnang tagpo pagkagising ko.

"Kuya Ton, kamusta ka na? Akala ko mawawala ka na eh." natawa akong bigla sa drama ni Abby. Nakita ko si Alvin sa likod niya at hindi nalingid sa akin na nagpahid siya nang luha. Nahiwagaan ako sa ipinapakita niya.

"Loko ka ah, gusto mo na ba akong mawala?" Ganti ko sa drama niya.

"Hindi naman kuya, natakot lang kami nila mama, kuya at papa. Buti naman at ligtas ka na."

"Huwag mo na lang ikukwento to sa bahay baka hindi na ako pabalikin dito." natatawa kong tugon.

"Oo kuya, promise."

"Hoy ikaw Rich, di mo ba ako tutulungang tumayo dito?" Pang-asar ko sa kanya. Lumapit naman ito at inalalayan ako.

"Kahit kilan ka talaga insan, wala kang ipinagbago. Nakaw eksena ka pa din."

"Aba loko to ah, kala mo ba ginusto ko ang malunod?" tumawa lang si Rich. "Nga pala, sino nagligtas sakin?"

"Yung si mamang lifeguard."

"Ah ganun ba?"

"Oo pero ang nakakita sayo na lumulutang eh yung may-ari nang resort na ito. Agad niyang itinawag sa saving unit nila."

Natigilan ako sa narinig mula kay Rich, ibig sabihin si Alvin talaga ang nagligtas sa akin? Dahil kung hindi niya ako nakita eh hindi na sana ako nailigtas. Pero sa bandang dulo nang isip ko, sana siya na lang nag-CPR sakin. Nagawa ko padin magloko sa kabila nang naging sitwasyon.

"Hoy, bakit may pangiti-ngiti ka pa diyan?" Nagulat ako sa sinabi niya at oo nga naman nakangiti ako. Dinedma ko na lang siya.

Tumuloy na kami sa cottage namin. Nagpahinga ako hanggang gusto ko. Nakakapagod pala ang malunod. Parang na-drain ang lahat ng energy ko sa katawan. Hapong-hapo ako na humiga sa isang bench at di ko namalayang nakaidlip pala ako. Ginising na lang ako ni tita para magmeryenda muna.

Tumayo ako at kumuha nang makakain sa lamesa. Nakita ko na may adobong balun-balunan. Napahinto ako at muling bumalik sakin ang lahat ng alaala ni Andrei. Tumulo muli ang mga luha ko. Akala ko naiiyak ko na ang lahat kanina. Kala ko tapos na pero hindi pa pala.

Inakbayan ako ni Rich at pinunasan ang mga luha ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero nagpasalamat din ako.

"Insan, alam ko nahihirapan ka ngayon. Alam kong kagagaling mo lang sa isang matinding break-up." Napatingin akong bigla sa pinsan ko upang tingnan kung seryoso siya sa mga pinagsasasabi niya sakin sa gabing iyon.

"Huh, break-up? Ako? Eh wala naman akong naging relasyon ah." pagsisinungaling ko.

"Hay naku insan, kahit kailan hindi ka talaga marunong magsinungaling. Magpaturo ka nga sakin ng may alam ka din kahit papano hindi lang yang puro aral." napangiti ako sa sinabi ni insan. Kilala talaga ako nang pinsan ko. "Alam mo Ton, pwede mo naman akong maging confidant eh. Pinsan mo ko tsaka naiintindihan kita. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero naniniwala ako na makakaahon ka din." dahil sa sinabi ni insan, tumulo muli ang luha ko. Hinila niya ang ulo ko at inilagay sa balikat niya.

"Ang sakit rich, ang sakit sakit. Iniwan na niya ako." pagdadrama ko sa kanya. Nagtanong siya at sinagot ko naman. Pinakuwento niya ang nangyari at kinuwento ko naman. Ngayon alam na ni Rich ang tunay kong pagkatao pero hindi ko naramdaman ang pagbabago niya sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit at sinabing, "andito lang ako insan kung kailangan mo nang kausap."

After ng drama session ko with Rich, nagswimming na kami ulit. Pero ngayon todo bantay na si Rich at Abby sakin dahil baka maulit daw ang mga pangyayari. Buti na lang at hindi na. Masaya kaming naglaro sa pool. Napagpasyahan naming umuwi kinabukasan upang sulitin ang mga oras na nasa isang resort kami.

Pagkauwi namin sa bahay, agad akong nagpahinga. Habang nakahiga sa kama, hindi ako dalawin nang antok. Naalala kong naidala ko nga pala ang laptop ko. Bakit ngayon ko lang naisip. In-open ko agad ito. Tuwang tuwa ako nang malamang wifi zone ang buong bahay nila tito. Malaya akong mag-internet kahit sa banyo pa.

Nang um-appear ang wallpaper ko, bigla akong nalungkot. Ang saya-saya ko sa picture dahil katabi ko si Andrei pero hindi na ngayon. Kaagad kong pinalitan ang wallpaper ko at ang nilagay ko ay ang picture ng family ko.

In-open ko ang facebook account ko. Nakita kong may 15 messages ako. Lahat ng iyon ay mga greetings message mula sa mga college buddies ko. Biglang may um-appear na note sa may lower left ng screen. Andrei Hughes sent you a message 5 seconds ago.

Huuuuuwwwwwaaaaattttt???? Ayaw ko na sanang buksan pero nanaig ang kagustuhan kong mabasa ang mensahe niya sa akin.
_____________________________________________________________________________________
To: Antonio Lopez
Subject: hi!

Hi Ton. Sorry if hindi na ko nakapagpaalam sa iyo nang personal. I had a very urgent appointment dito sa U.S. kaya i have to get my way as quick as possible. I went to Arjay's house and asked him kung andun ka pero to my dismay, you're not there. I also went sa bahay niyo to found out that you've gone your way to Laguna for vacation. Sobrang lungkot ko nang mga oras na iyon. I only have an hour and a half to get myself to the airport. I can't go there in Laguna kasi mahuhuli ako sa flight ko. Now I'm here can't help myself. I tried everything I can para makalimutan ka pero to no avail, I can't do that. Hanggang ngayon ikaw pa din ang laman ng puso't isipan ko. Sana when I have the chance to come back to the Philippines, I also have the chance to bring back the old times and start again. Mahal pa din kita Tonton and sana you love me pa din the way I felt before.

P.S.
Everyday I'll always love you
Everyday I'm always thinking of you
Everyday's another lonely day without you
Everyday you'll here beside me
Everyday I'm always dreaming of you
Everyday I will be right here waiting for you
Everyday



Loving you a lot,
Andrei
________________________________________________________________________________

Hindi ko na naman mapigilang mapaluha dahil sa mga nabasa ko. Mixed emotions na naman ako. Natutuwa ako dahil hanggang ngayon pala eh mahal niya padin pala ako pero malungkot dahil iniwan na niya ako. Kinapa ko ang sarili ko kung ganun din ako sa kanya. Oo, mahal na mahal! Yan ang sagot na nakuha ko. Maya-maya parang na-LSS ako sa P.S. niya.

Dahil sa overwhelming na pangyayari, kinanta ko na lang yung song habang patuloy ang pagtulo nang mga luha ko. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala nang room si Rich and Abby. Nakagawa ata ako nang ingay. Hindi ko pa malalaman na nandun na sila kung hindi sila pumalakpak after the song. Dali kong pinunasan ang mga luha ko. Hindi ako nakaligtas sa mga mata ni Rich.

"Kuya, ganda nang boses mo ah. Ni-record ko nga sa cp ko eh. Kakatuwa! Gawin ko siyang ringtone."

"Hoy Abby tumigil ka nga dyan. Anong ringtone ka diyan. Burahin mo nakakahiya." sabi ko nang pangiti-ngiti.

"Ayaw ko nga, remembrance mo to sakin. Kakainspired kasi ang lamig ng boses. Mas maganda sa original version kuya."

"Kahit kailan bolera ka talaga. Heheh." Napatawa naman silang dalawa.

"Hoy, umalis ka na dito at matutulog na kami. Pagod kami di ba." saway ni Rich sa kapatid niya. Umismid lang si Abby sa kanya sabay labas ng kuwarto. Nung lumapat na ang pinto, agad akong hinarap ni Rich.

"Insan, anong nangyari?"

"Rich, pwede bukas na lang natin to pag-usapan. Pagod na ako eh. Gusto ko na magpahinga kung okay lang." sabay higa ko sa kama.

Nakalimutan ko nang isara yung laptop ko. Alam ko nakita niya iyon. Sapat na siguro yun para malaman niya ang totoo. Tuluyan ko nang ipinikit mga mata ko, this time sa pagtulog na.

Late na ako nagising kinabukasan. Magtatanghali na pero wala pa din ako planong bumangon. Hinayaan lang ako ni Rich na matulog dahil paggising ko wala na siya sa tabi ko. Nagmuni-muni pa ako nang ilang minuto sa higaan ko. Nang mapagod, kasi kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko, tumayo nadin ako sa higaan at lumabas.

Wala akong nabungaran na tao sa labas. Hinanap ko sila sa kusina dahil baka nanananghalian na sila pero wala din. Nagtataka akong lumabas ng bahay. Wala din sila. Hay naku, iniwan nila akong mag-isa kaya pala tahimik ang bahay.

Naisipan kong pumunta sa likod-bahay dahil may malaking puno dun. Masarap ang simoy nang hangin doon at may tambayan din doon na duyan. Makakapag-moment na naman ako nito. Papunta na ako dun nang may marinig akong tawanan. At di nga ako nagkamali, andudun silang lahat at masayang nanananghalian. Nakisalo na din akong kumain sa kanila. Masaya naman ang naging lunch namin na parang walang nangyari kahapon.

Kay bilis ng mga araw at heto lulan na naman ako nang bus pauwi samin. Nakapagpaalam ako nang maayos kina tito and tita pati nadin kila Abby and Rich. Hindi na din nagparamdam pa sakin si Alvin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na din siya tinext pa na uuwi na ako dahil baka hindi din siya magreply.

Habang nasa biyahe, lagi akong tumitingin sa cellphone ko baka may nagtext pero hanggang sa nakatulugan ko na ay wala padin. Nagising ako nang biglang magvibrate ang cp ko. Si Alvin ang tumatawag.

'Ton, umalis ka na pala.'

'Ah... eh... oo Alvin eh. Namimis ko na kasi family ko.'

'Bakit di mo man lang sinabi sakin? Hindi man lang tayo nakapag-jamming ulit.' May himig ng pagtatampo sa tinig nito.

'Pasensya ka na tol ah pero babalik naman ako diyan eh. Matatagalan lang siguro.'

'Ganun? Eh saan ba ang sa inyo at nang makapasyal naman ako.'

'Papasyal ka samin? Malayo yun tsaka tatawid ka nang bundok para lang makapunta ka sa amin.'

'Ah yun lang pala. Sabihin mo na kung taga-saan ka at nang madalaw kita minsan.' ayun at napilitan akong sabihin sa kanya yung buong address ko.

'Thanks, naisulat ko na siya. Ngayon wala ka nang kawala sa akin Tonton.' sabay bitaw nang malakas na tawa. Nakitawa nadin ako iniisip na nagbibiro lang siya.

'Ah sige Ton, tawagan kita ulit later huh. May mga bwisitors na dumating eh. Namimiss na kita agad. Ingat ka palagi huh.' natawa ako sa bwisitor niya.

'Sige papahinga na muna ako. Mahaba-habang biyahe ito eh. Ingat ka din dyan Alvin huh.'
at pinutol na namin ang linya.

Naguguluhan na ako sa sarili ko. Masaya ako na nakausap ko si Alvin bago tuluyang umalis ng Laguna ang bus na sinasakyan ko ibig bang sabihin nito ay nahuhulog na ako sa kanya? Gusto ko ulit marinig yung boses niya. Hawak-hawak ko na sa aking kamay ang cp ko pero hindi ko magawang mag-dial. May isang malakas na pwersa ang pumipigil sa akin. Si Andrei?

Walang anu-ano ay biglang pinatugtog sa loob ng bus ang kantang Everyday ni Agot Isidro. Tinamaan ako. Naalala ko din bigla ang laman ng message niya sa akin sa fb. Mahal pa din kita Tonton and sana you love me pa din the way I felt before.. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit sa isipan ko. Masyadong nagiging komplikado ang mga bagay-bagay.

Makalipas ang ilang oras, nakarating na din ako sa aming probinsya. Sumakay ako nang tricycle at dumiretso na nang uwi sa bahay. Nagtext agad ako kila Abby na nakarating na ako nang bahay gaun din naman kay Alvin. Nagreply naman siya agad nang, Buti naman at ligtas kang nakauwi. Heto medyo busy pa din ako sa mga customers. Masyado silang makulit!. Natawa ako sa text niyang iyon.

Naglagi na lang ako sa bahay sa mga natitirang araw ng summer vacation or kung hindi naman ay bonding time kami ni Arjay. Masaya ang naging summer ko. Maya't maya pa din ang pagpapadala ni Alvin sa akin ng sweet nothings sa text at pag nagka-time ay tumatawag pa. Naging ganun ang routine ko sa bakasyon.

Pasukan na naman, ewan ko pero excited ako na pumasok muli. Hindi ako sigurado kung dahil ba makakapag-aral ako ulit o makakasama ko na naman ang mga kaklase ko o makakatrabaho ko ulit ang mga kapwa ko S.A. sa library o ano. Hindi ko talaga alam. Saka lang iyon nakumpirma nung regular classes na.

Uwian na namin nun para sa last subject namin sa umaga nang may isang familiar na mukha akong nakita. Oo familiar siya pero bigla na lang siyang kinuyog nang mga babaeng madla. Hindi ko hilig ang makiusyoso kaya dire-diretso ako nang canteen para mananghalian. Kasama ko nuon si Arjay. Matapos maka-order, hindi pa namin agad kinaen ang mga binili namin.

"Ton, grabe talaga ngayong araw na ito ano?"

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Hindi mo ba nakita kanina yung mga babaeng nagkandarapa dun sa isang lalaki?"

"Nakita ko. Sino ba iyon? Anong meron?" tanong ko.

"Ibig sabihin hindi mo pa nabalitaan?"

"Ang alin?"

“Na may celebrity na mag-aaral dito sa school natin.”

“Celebrity?”

“Oo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

"Basta makikita mo rin siya one of these days. Honestly hindi naman siya headturner kagaya ni Aljohn ko pero he’s so damn hot! " Sabi pa nito na may pakilig-kilig pa.

“Hindi headturner tapos so damn hot? Ano naman kaya iyon!” Pangbabara ko sa kanya.

“Basag trip ka.”

"Eh ano naman ngayon kung dito siya mag-aral. Maganda naman at sikat tong school natin huh."

"Hay naku talaga, wala ka talagang hilig sa mga ganyan ano. Palibhasa ako lang chismoso sa ating dalawa." sabay tawa namin. "Nga pala may kinukwento ka sa akin noon tungkol kay Alvin Montez di ba?"

"Oh bakit siya nasingit dito sa usapan natin?"

"Wala lang naman hindi mo man lang kasi siya pinicturan para makita ko din siya."

"Hay naku ikaw, chance encounter lang yun nangyari samin ni Alvin tsaka iniligtas niya iyong buhay ko nang minsan malunod ako sa pool nila."

"Chance encounter ka dyan, if i know type mo din yun si Alvin ano. Aminin!"

"Shhhh, tumigil ka nga. Hindi pa ako ready na ma-involve ulit sa mga ganyang bagay. Contented na ako sa pagiging single ko tsaka gusto ko nang magbagong buhay."

"Wow, total change of heart ba yan? Teka, preso ka ba para magbagong buhay?"

"Oo preso nang nakaraan... preso niya..." nalungkot akong bigla. Napansin iyon ni Arjay kaya naman bigla niyang binago ang topic at ibinalik kay Alvin. Nabwisit pa ako dahil biglang nagkaroon ng commotion sa loob ng canteen sa pagdating ng isang celebrity. Ang ingay, may tilian pang nalalaman.

Hinarap ko na lang ang pagkain ko baka hindi ko na siya makain. Sayang naman kung hindi ko man lang siya magalaw bago ako mag-walk out. Binilisan namin ni Arjay ang pagkain dahil ayaw namin sa maingay na crowd. Nang sabay kaming matapos, nilapag namin ang aming mga pinagkainan sa tamang lalagyan at tuluyan nang umalis. Bago ako makalabas ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Tonton!" hinanap ko kung saan galing iyong boses pero hindi ko siya makita kaya naman tuloy ang lakad ko palabas.

"Tonton saglit hintayin mo ako." napahinto na naman ako. Nakita ko si familiar face na hangos na lumalapit sa akin. Hindi siya masyado makakilos dahil naiipit siya nang mga kababaihan.

Para akong natuklaw ng ahas sa kinatatayuan ko hindi makakilos. Totoo ba itong nakikita k o dinadaya lang ako nang mga mata ko. Nakalapit na siya nang husto sa akin. Hindi pa ako babalik sa totoong mundo kung hindi pa ako kinalabit ni Arjay.

"Hoy Ton, magkakilala kayo ni Mr. celebrity?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot bagkus si Mr. familiar na ang nagsalita.

"Nga pala, I'm Alvin Montez and you must be the friend of Tonton." natulala si Arjay sa nalaman niya.

"Ah, eh... Ar-arjay Chy tol." utal niyang sabi.

"Tara na labas na tayo. Masyado nang madaming crowd dito sa loob ng canteen nakakahiya sa admin." at tuluyan na kaming lumabas.

"Tton, ngayon hindi na tayo maghihiwalay pa. Dito ko na tatapusin yung degree ko."

"Huh? Bakit? Sino mag-aasikaso nang resort sa Laguna?" sunud-sunod kong tanong.

"Ayaw mo ba akong makita?" sabay ngisi. "Siyempre may katiwala kami doon."

"Grabe ka talaga, gumawa ka pa nang eksena sa first day mo dito sa school namin. Ang dating tahimik ngayo'y umingay dahil sa pagdating mo ni hindi ko man lang alam na sikat ka pala SIR." natawa lang siya sa sinabi ko.

"Hindi ko naman kasalanan iyon eh, ang may kasalanan eh yung tadhana dahil ipinanganak akong ganito." sabay pose ng pogi sign. Tinawanan ko lang siya. Tumawa din siya pati si Arjay.

Kwela si Alvin kaya wala kaming dull moments. Siguro pinag-uusapan na ako ngayon dahil bakit kami magkasama. Hot siya ako hindi (fit lang). Mayaman siya ako hindi. Habulin siya ako hindi. Langit siya lupa ako. Pero wala siyang pakialam.

Magkaiba kami nang course. Nursing ako siya naman ay business management pero pag nagkapareho kami nang vacant ay talagang bonding time kami.

One time, nag-aya si Alvin na lumuwas nang manila dahil sasalubungin daw niya yung tito niya galing Amerika. Hindi daw maharap nang papa niya kaya siya ang inutusan. Hindi siya umalis hanggat hindi ako pumapayag na samahan siya. Napilitan naman akong sumama kahit ayoko. Nagmamakaawa kasi eh. Sa susunod na linggo pa naman ang alis namin. Sakto christmas vacation iyon. Kaya naman maaga pa lang ay pinag-eempake na ako ni Alvin para naman walang hassle pag umalis na kami.

Dumating na ang araw nang alis namin. Masayang masaya si Alvin.Wwala pang namamagitan na special sa pagitan namin dahil hindi siya nagpapahayag nang damdamin niya sa akin. Asa naman ako. Para sakin isang kahibangan kung ang kagaya niya ay umibig sa akin. Napakaimposible. Napakatahimik ko sa buong biyahe namin pa-Manila. Sasagot lang ako pag tinanong ako. Hindi ako makapag-open up nang isang usapan. Itinulog ko na lang ang buong biyahe.

Madaling araw nang makarating kami sa Manila. Dumiretso na kami sa bahay nila para magpahinga. Hiniling ni Alvin na sa kuwarto na niya ako tumuloy. Gaya nang nasa resort, maganda din ang kuwarto niya at hindi din pahuhuli sa mga gamit. Hindi na iyon kataka-taka dahil sa mayaman naman sila talaga.

Naglabas ako nang bihisan ko at dumiretso na nang banyo para mag-shower. Nakalimutan kong i-lock iyon dahil sa kagustuhan kong makatapos agad ng makapahinga na din. Biglang bumukas ang pintuan at dire-diretsong hinila nun ang isang presensiya. Bigla niya akong niyakap mula sa likod. Ramdam kong kapwa kami hubot' hubad. Iniharap niya ako sa kanya at siniil ng halik. Dahil sa kasabikang naghahari sa katauhan ko, gumanti din ako. For the second time ay may nangyari samin. Nagpahinga kami saglit.

Mga bandang 3pm ang dating ng tito ni Alvin kaya naman 12 noon pa lang ay naghahanda na kami sa pagsalubong sa kanya. Excited si Alvin at pati na din ako. Muli kami ay nagsalo sa sarap bago kami tuluyang gumayak papuntang airport.

Eksakto alas 3 ng hapon ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ng tito niya. Wala pang 30minutes nang biglang nag-unahan sa paglabas ang mga pasahero nito. Biglang tumakbo si Alvin para salubungin ang tito niya. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko akalain na bata pa pala ang sinasabi niyang tito at ang mas ikinagulat ko ay kilala ko ang tito niya.

"Tonton? Ikaw ba yan?" tanong niya agad ng makalapit sa akin.

"Ah... eh... oo ako nga ito." utal kong sagot sa kanya. Nagtataka si Alvin kung paano kami nagkakilala nag tito niya kaya sumabad ito agad.

"Magkakilala na kayo? Bakit hindi ko alam! Kayo ba ni Tonton, huh tito?"

"Kami?" sabay pa kaming natawa nang tito niya. "Hindi nuh!"

"Eh paano kayo nagkakilala kung hindi naman pala kayo?"

"Mahabang istorya saka ko na ikukwento sa'yo." sabay tawa ulit. Isang kalabit sa tagiliran ang nagpaigtad sa akin.

Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si Arjay. Napayakap akong bigla sa bestfriend ko. Bumitaw din ako agad dahil may nag-aantay pa sa kanya, ang boyfriend niyang si ALJOHN. Naalal ko na uuwi nga pala siya pero hindi niya nasabi sa akin kung kalian.

Matagal na nagyakapan ang dalawa at makikita mong sobrang inlove sila sa isat isa. Bigla naman akong nakaradam ng sobrang lungkot. Namimiss ko si Andrei. Di lingid kay Alvin ang reaksyon ko kaya naman lumapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang. Tila nagsasabi na, ‘I'm still here’ at di nagtagal napagpasiyahan na naming umuwi na para makapagpahinga na din kami.

Habang nasa daan ay panay ang kuwentuhan nang magnobyo samantalang kaming dalawa naman ni Alvin sa likod ay tahimik. Nakatingin lang ako sa may bintana, pinagmamasdan ang mga taong madaanan. May magkarelasyon na napakasweet, may mga barkadahan ng mga estudyanteng nagkakatuwaan, may mga office workers, vendors at kung anu-ano pa. Nang biglang may mahagip ang tingin ko sa kumpulan nang mga kalalakihang nangtitrip.

Hindi puwedeng si Andrei yung nakita ko. Wala siya dito. Nasa U.S .na siya. Hindi na siya babalik pa dito. Pilit kong winawaksi sa isip ko na kahit kailan ay hindi na kami magkikita o kaya ay magsasama pa ni Andrei.

"Tatahimik na lang ba kayong dalawa diyan sa likod? Aba, mapapanis ang mga laway niyo diyan ah. Magkuwentuhan din naman kayo para hindi kayo antukin." pero dinedma lang namin sila. Kapwa may malalim kaming iniisip nung mga sandaling iyon.

Para may magawa naman ay inilabas ko ang cellphone ko, i-plinug ang headset at ikinabit sa tainga ang earpiece. Nang pindutin ko ang play button, feeling ko ay nakahiga ako sa ulap sa ganda nang hawi ni Agot sa bawat salita na binibitawan niya.

Everyday i'll always love you
Everyday i'm always thinking of you
Everyday i will be right here waiting for you!

Kasabay noon ay ang pag-uunahan nang mga luha ko. Inihehele nang awitin ang mga luha ko para ilabas ang kinikimkim na kadilimang naghahari-harian sa dibdib ko. Isang kamay ang humawak sa kamay ko at ibinalik ako sa realidad. Nang lingunin ko si Alvin ay nakita ko din siyang umiiyak. Hindi ko na itinanong pa pero niyakap ko siya nang mahigpit. Ilang saglit pa ay nasa bahay na nila kami. Agad naming tinulungan si Aljohn na ibaba ang lahat ng mga gamit niya at ipinasok sa loob ng bahay.

Nang maipasok na namin lahat ng gamit niya ay agad naming napagpasyahan na umakyat na para magpahinga din. Wala kaming imikan ni Alvin hanggang sa makarating sa pinto. Pinauna ko siyang pumasok since kuwarto niya iyon and I respect him being the owner of the place. Nang ilalapat ko na ang pinto ay bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Alvin. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

Masaya ako na kasama siya dahil kahit papaano eh naiibsan niya ang lungkot na nararamdaman ko. Ngunit sa kabilang banda ay malungkot ako dahil imbes na si Andrei ang dapat kong kasama ay ibang tao ang kasa-kasama ko ngayon. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at pilit dinadama ang init ng katawan niya.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya. Nakita ko nang harapan ang mga pagtangis niya. Ang mga luhang bumabasa sa pisngi niya, ang mga luhang nag-uunahang tumulo mula sa mata niya. Hindi dapat siya umiiyak, hindi bagay sa mukha niya. Ipinahid ko ang palad ko sa pisngi niya.

"Shhhh Alvin, hindi bagay sa'yo ang umiyak. Tahan na please. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan." Pero parang hindi niya ako narinig at isinandal ang mukha niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya at niyakap siya.

“Pasensya ka na huh kung nadadamay ka sa nararamdaman ko.”

“Hindi ko kasi mapigilan eh. Hindi ko rin kasi alam kung paano kita mapapasaya.”

“Huwag mong sabihin iyan Alvin. Masaya akong kasama ka. Nagagalak ako na nakilala kita.”

“Masaya rin ako na pinagtagpo tayo nang pagkakataon. Alam mo ba Tonton ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Sa tingin ko… sa tingin ko…” Namula ba ang mga pisngi niya? “mahal na kita.”

Hindi ko alam kung paano magre-react. Namalayan ko na lang na hinahalikan ko na siya nang mariin.
Tumahan na siya at kumalas na din sa halikan namin. Nang muli ko siyang tingnan ay nakangiti na siya pero hindi niya pa din maitago ang kalungkutan na nakasalamin sa mga mata niya. Niyaya ko na siyang mahiga. Nang lumakad na ako patungo sa bed, sumunod siya.

Ibinagsak niya ang katawan niya at hapong hapo sa nagdaang eksena at pumikit. Tumabi ako sa kanya at matama ko siyang pinagmamasdan. Si Alvin. Bakit malungkot siya? Masusuklian ko ba ang pag-ukol niya na iyon sakin? Kung magiging kami, paano na si Andrei? Magiging unfair ako sa kanilang dalawa.

Ang gulo-gulo nang isip ko. Bigla itong sumakit kakaisip. Hindi ako agad nakatulog kaya hinanap ko ang bag ko. Naalala kong naidala ko pala ang laptop ko kaya kinuha ko ito at binuksan. As usual, pampatanggal stress ang facebook sa akin. Pag-open ko pa lang sa account ko ay halos sumabog na ang screen ko sa dami nang pop-up messages mula sa mga friends ko. Naalala ko na may usapan pala kami na ngayon kami mag-uusap usap. Hayun at imbes na magpahinga ay nakipagkwentuhan ako. Since may built-in cam ang unit ko, nakapag-chat kami na may cam sa facebook.

Napansin nila na iba ang background nang kuwarto kaya tinanong nila ako kung nasaan ako. Sinabi ko naman sa kanila ang totoo at inilibot ang camera sa loob. Nahapyaw ng camera ang natutulog na si Alvin.

Muli akong inusisa nang mga kaibigan ko at sinabi ko na naman ang totoo. Tinanong nila kung kami daw ba, ang sinabi ko ay hindi at magkaibigan lang kami. Kuwentuhan pa nang kuwentuhan hanggang sa mapatingin ako sa mga friends kong naka-online. Napatda ako. Naka-online si Andrei. Natilihan ako hindi ko alam ang gagawin ko.

Pinindot ko ang name ni Andrei at binuksan nito ang pm bar sa baba. Kinakabahan ako. Clinose ko na lang yung kay Andrei at nakipag-usap ulit sa mga friends ko. Nasa kasagsagan kami nang pag-uusap nang biglang nag-pop up ang pm niya.

Andrei: hi ton! musta ka na? Ang tagal kong tiningnan ang message niya tinatantya kung totoong minessage niya ako. Hanggang sa naisipan kong sumagot.
Ako: oh hi! eto okay naman. kaw? Andrei: :( Ako: bakit sad face? Andrei: kinalimutan mo na ba ako ton? Hindi ako agad nakasagot
Andrei: hindi mo na ba ako mahal? ako? i still love you and everyday it grows. Binago ko bigla ang topic. Hindi pa ako handa na muling pag-usapan ang bagay na iyon. Ako: musta ka na diyan sa amerika? Andrei: :'( hindi ako okay dito. i missed Philippines and i badly missed someone. i dont know if he feels the same way. Ako: ah, eh, kelan ka ba uuwi? or shall i say uuwi ka pa ba? Andrei: uuwi ako siguro kung may dapat pa akong uwian kasi if none then i'll stay here for good. Nalungkot akong bigla sa sinabi niya. Andrei: ahm ton, pwede open mo skype mo. cam 2 cam tayo. Ako: teka saglit lang. ayusin ko lang sarili ko. kagigising ko lang eh. Andrei: ok

Nag-isip muna ako kung bubuksan ko ba talaga ang skype ko o hindi. Namimiss ko siya sobra pero dapat pa bang pagbigyan ang sinisigaw ng pusot isipan ko? Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko at binuksan ang skype ko. Namalayan ko na lang na nakaopen na ang cam ko at the same time ang cam niya.

After such a long time, ngayon ko lang ulit nasilayan ang mukha ni Andrei. Lalo siyang gumwapo. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang makita kong tumatawag siya. Parang wala sa sariling kinansel ko ang tawag niya. Nagtype siya.

Andrei: why did you drop the call? still mad at me?

Ako: i'm not ready to talk and hear your voice. honestly yes, galit pa din ako sayo. hindi ko nga alam kung bakit kita kinakausap ngayon eh sa kabila nang lahat.

Andrei: im sorry kung bigla kitang iniwan. im sorry kung sinaktan kita. pero sana listen to what your heart tells you. i know you still love me and it feels that i love you more.

Ako: i dont know what to think or say. im hurt and wounded, andrei. sobrang sakit.

Andrei: what will i do just to make it go away. i'll make it up to you.

Ako: hindi ko alam.

Saktong bumangon si Alvin at tiningnan kung anong ginagawa ko. Sumilip siya sa screen. Alam kong nakita siya ni Andrei pero dedma lang ako sa reaksyon niya. Nang nakaalis na si Alvin ay nag-message ulit siya.

Andrei: kaya ba hindi mo ako masagot-sagot everytime i ask you if you still love me kasi may bago ka na pala. at kaya pala hindi mo pa ako handang patawarin dahil may kinakasama ka nang iba. shit, hindi na dapat pa ako nag-effort. i thought may babalikan pa ako. akala ko lang pala. i shouldn't had hoped for a come back. can i call it fair? sinaktan na natin ang isa't isa. sana masaya ka. sige na, baka nakakaistorbo na ako sayo. thanks for your time. bye!

Muling gumuho ang mundo ko sa huling mensahe ni Andrei lalo na sa huling salita niya. BYE! Anong ibig sabihin nun? Hindi ko maintindihan. Bakit niya kailangang gawin yun. Kung sinabi ko sanang mahal ko siya may pag-asa pa sanang magkabalikan kami. Muli na namang namatay ang kawawa kong puso.

Napatangis na lang ako. Isinubsob ang mukha sa unan. Hinayaang mabasa ang unan para lamang maisigaw nang puso ko ang sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng mga mumunting luha na dumadaloy mula sa mga mata ko.

Tama nga ang kasabihang, you'll never miss the water until it's gone. Sobrang iyak ko nang mga panahong iyon. Kulang na lang ay ilabas ko ang nagdurugo kong puso at hayaang sumigaw sa labis na sakit na nararamdaman. Nagulat si Alvin ng lumabas siya nang banyo at nakita akong umiiyak na nakahiga sa lapag. Dagli siyang tumakbo patungo sa akin at inalo ako.

Bakit ba puro na lang iyakan ang nangyayari sa araw na ito? Wala na bang kasiyahang natitira sa mundo? Bakit palagi na lang ako ang nakakadama nang sakit? Yan ang mga tanong sa isip ko habang yakap yakap ako ni alvin. Napagpasiyahan kong umuwi na kinabukasan. Nagpaalam na ako kay Alvin, Aljohn and Arjay na mauuna na akong uuwi sa probinsiya.

Pilit man na pigilan ako nina Alvin at Arjay ay wala na silang nagawa pa dahil buo na ang desisyon ko. Kaya naman kinagabihan ay nag-empake na ako nang mga gamit ko. Dinampot ko ang huling damit ko nang bigla akong matigilan. Iyon kasi yung damit ko nung unang may nangyari samin ni Andrei. Sobrang napaka-memorable nang shirt na iyon. Iniyakap ko siya sa katawan ko iniisip na kahit sa huling saglit ay madama ko ang presensiya niya na nakaap sa akin.

Maaga akong natulog kinagabihan dahil sa sobrang pagod at frustration. Wala na akong iniluha pa dahil nasaid nang lahat. Mugtong-mugto ang mga mata ko pagkagising kinaumagahan. Tiningnan ko sa salamin ang sarili at nakita ko ang kahabag-habag na itsura ko. Dumiretso na ako nang ligo para naman mabawasan ang pamamaga nito.

Kasalukuyan akong nagbibihis nang ayain ako ni Arjay na mag-agahan na. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para saluhan sila sa hapag. Magkatabi ang mag-bf at masayang kumakain pero wala si Alvin. Nasaan ka ya siya? Tinanong ko sila kung napansin ba nila si Alvin pero hindi daw nila nakita.
Nagtaka ako bakit wala siya dito. Maaaring nasaktan ko siya sa biglaang desisyon ko na pag-uwi kaya naman naisipan kong puntahan siya sa kuwarto niya at magpaalam nang maayos.

Tapos na akong kumain at patungo na ako sa kuwarto ni Alvin nang biglang nagbago ang isip ko. Mas lalong hindi ako makakaalis kung magpapakita pa ako sa kanya. Hindi niya ako papayagan kaya minabuti ko na lang na dumiretso na sa kuwarto ko para kunin ang mga gamit ko. Pagbukas ng pintuan ay nagulat ako sa nabungaran.

"Alvin? Anong ginagawa mo rito?"

"Inaantay ka." Napatingin ako sa tabi niya dahil may isang maletang nakatayo doon.

"Para saan yan?" sabay turo sa maleta.

"Ano nga ba sa tingin mo? Siyempre uuwi na din ako sa probinsya kasama ka. Hindi ako papayag na mag-isa ka lang uuwi."

"Naku, kahit hindi na Alvin. Sanay akong mag-isa kung hindi mo naitatanong."

"Huwag na kasing kumontra pa. Sabay na tayong bumiyahe tsaka anong gagawin ko dito sa bahay kung wala ka. Maiinggit lang ako sa mga kumag na iyon tsaka malungkot kaya ang mag-isa." ngumiti na lang ako.

Wala na kasi akong magagawa pa. Kaya't hayun, pareho kaming nagbababa nang mga gamit namin ng mabungaran namin ang lovebirds na nagtutukaan sa harap ng tv. Takang-tingin sila nang makitang pati si Alvin ay my dalang maleta. Tinawag siya nang tito niya at nag-usap sila saglit.

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit ako kay Aljohn at humingi nang dispensa sa maaga kong pag-uwi. Alam ko naiintindihan niya ako dahil hanggang ngayon ay bakas padin sa mukha ko ang ebidensiya nang nakaraang gabi at marahil naikuwento na rin sa kanya ni Arjay ang dahilan nun.

At nagbyahe na nga kami gamit ang sasakyan namin nung papunta pa lang kami. Gaya nang ibang byahero, may mga stop overs din kami para magpahinga o kaya naman ay kumain. Isa sa mga pinaghintuan namin ay ang lugar sa taas ng bundok. Boundary iyon ng dalawang probinsiya. Huminto muna kami saglit doon dahil may natanawan kaming isang lodge. Antok na antok daw si Alvin at kailangan niyang umidlip muna at para ligtas kaming babyahe.

Ipinasok namin ang kotse at ipinark. Dali-dali kaming kumuha nang kuwarto at nang makapahinga na. Pagdating doon ay agad ibinagsak ni Alvin ang katawan niya. Tiningnan kong maigi ang kabuuan nang kuwarto. Maayos naman ito. Maaliwalas ang loob gawa nang pinaghalong white at blue na wallpaper.

Napakagandang tingnan. Nakakarelax. Pagdako nang tingin ko kay Alvin ay nakita ko itong nakahubad at brief na lang ang tanging saplot sa katawan. Natawa ako sa itsura niya pero sa kabilang banda ay natuwa dahil binabalot ako nang matinding yakap nang pagnanasa.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang titig na titig sa maumbok niyang harapan. Nakakatakam at nang-aanyaya ang kanyang itsura parang ang sarap niyang laruin. Di ko na napigilan ang sarili kong damhin sa aking palad ang alaga niyang iyon. Sa gitna nang pagdadalamhati ay nagawa ko pa ring i-enjoy ang oras kasama siya.

"I love you Ton!" muli ko na namang narinig ang mga salitang iyon. Di kawasa'y napaluha ako. Natilihan naman siya. "Ton,may nasabi ba akong mali or nagawa?"

"Wala Alvin. Pagpasensyahan mo na ako. Masyado lang kong emotional ngayon."

"Sigurado ka ba?"

"Oo" lingid sa kanya na ang luhang iyon ay ang luha ng pananabik sa isang taong nagmamahal at minamahal.

Unti-unting umuusbong ang pagtingin ko kay Alvin sa kabila nang lahat nang mga nangyaring sexual samin. Araw-araw ay lagi niya akong pinapakitaan nang pagpapahalaga at pagmamahal hanggang sa ako na mismo ang nakahuli sa sarili na nahuhulog na sa kanya. Nang minsang tinanong niya ako kung pwede daw ba maging kami ay nag-isip muna ako saglit saka siya sinagot ng oo.

Tuwang-tuwa ang mama nang marinig ang sagot ko. Abot hanggang langit ang sumilay na ngiti sa kanyang mapupulang labi at hindi niya napigilang halikan ako in public. Dangan lamang at wala nang masyadong tao dahil sa gabi na rin iyon.

Masasaya ang mga unang araw namin ni Alvin bilang official mag-on. Hindi nawawala diyan ang away at tampuhan pero madali din namang naaayos at siyempre pa, hindi mawawala sa relasyon namin ang sex. Ang mga araw ay naging linggo hanggang sa naging buwan. Kinabukasan 2nd monthsary na namin.

Kasalukuyan akong naglalakad sa mall nang mapansin ko ang isang lalaking kahawig ni Andrei. Nakatagilid ito sa akin. Parehong-pareho sila nang features. Dahan-dahan akong lumapit pero mukhang may alam ito sa nangyayari at nakatunog. Bigla silang umalis kasama nang ilang kalalakihan. Ang nakakapagtaka lang ay same set of friends sila. Shit! Totoo ba ito? Sinundan ko sila. Para akong isang agent na sumusunod sa bawat hakbang ng mga pinaghihinalaang sindikato.

Patuloy lang ako sa pagsunod ng makita kong dumating si Ryan. Agad itong lumapit sa grupo nila. Ttumabi ito kay "Andrei" at bigla itong hinalikan sa labi. Kantyawan ang mga barkada niya dahil hindi lang halik ang nangyayari kundi laplapan talaga. Buti na lang at walang masyadong tao sa parteng iyon ng mall. Kahit hindi ko tiyak kung si Andrei iyon o hindi, labis akong nasaktan sa nasaksihan ko.

"Ryan pare. Long time no see." sabi ng isa sa kanila.

"Oo nga. Medyo busy lang eh."

"Oo nga pala pare, congrats sa pagdispatsa dun sa ex nitong gagong to." sabay turo kay ‘Andrei’.

"Ah yun ba? Well ganun talaga kailangang umakting para papaniwalain siya na may nakaraan kami nitong si Andrei."


Tama ba ang narinig ko? Si Andrei ba talaga ang lalaking iyon? Pero bakit? Bakit siya nagsinungaling sa akin? Tang-ina talaga.

"Bakit Ryan, wala ba talaga kayong nakaraan nitong gagong to?" sabay bunghalit ng tawa nang isa nila kasama.

"Actually pare, meron. Di mo naman maiiwasan na minsan sa isang all-guy group gaya natin, may hinahangaan kang isang member and a turnabout of events nagkakainlaban." tugon ni Andrei. Ano daw? nagkakainlaban?

"Oh bat anung nangyari at nagbreak kayo." tanong nung isa pa.

"Dahil nakilala niya si Antonio Lopez ba yun huh Drei?" si Ryan ang sumagot. "Bigla niya akong iniwan para ipagpalit sa geek na patabaing baboy na iyon."Shit! Ako yun ah. Hindi ko alam ang naging reaction ni Andrei dun pero iisa lang ang alam ko nang mga panahong iyon. Pinaglaruan niya lang ako.

"Ikaw pre" sabay turo ni Andrei dun sa isa nilang kaibigan. "Ikaw ba iyong mysterious caller na nagbibigay ng warning kay Tonton nun?"

"Tang-ina pare, ang hina mo naman kung ngayon mo lang nalaman ang totoo. Kasama sa plano natin yun. Pero hindi namin ipinaalam sayo para sa ikakatagumpay ng misyon natin." sabay tawa nang nakakaloko.

"Ano? Kasama iyon lahat sa plano?"

"Oo naman para mas maging natural lang ang bawat eksena niyo dude." Tumawa silang lahat maging siya.

"So ngayon napatunayan na nating isang bakla iyong geek na iyon!"

Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila dahil malinaw na sa akin ang lahat. Si Andrei, si Ryan at ang barkada nito ay mga walang kasing sama. Palibhasa hindi ako kabilang sa kanila na mga habulin ng babae at bading. Pero kahit na, hindi man lang nila inisip ang damdamin ko. Nanlumo ako sa mga narinig ko kaya't napaupo ako sa sahig. Para akong nawalan ng lakas at nawala sa tamang huwisyo.

Dumaan sila sa gilid ko na parang mga hangin. Inangat ko ang mukha ko. Nakita ko si Andrei na nakatingin sa akin at gulat na gulat habang ako galit ang isinalubong sa mga titig niya. Binawi nito ang kanyang tingin ng mapansing basang-basa ang mukha ko nang mga luha.

Para akong batang ngumunguyngoy na ang mga tuhod ay sapo ang mukha. Ang tagal ko sa ganoon eksena nang may taong humawak sa balikat ko. Pag-angat ko, nakita ko ang mukha nag taong dati kong minahal. Wala akong ibang maramdaman sa kanya kundi sobrang galit.

Tumayo ako agad, binigyan ng isang suntok sa mukha at dagli siyang iniwan. Tumakbo ako papuntang urinals ng mall pero hinabol niya ako at hinablot sa braso. Pilit niya akong iniharap sa kanya pero isang malaks na suntok ang ibinigay ko ulit sa kanya. Natumba siya at duguan ang labi.

"Putang ina mo Andrei! Niloko mo ako! Akala ko iba ka sa mga barkada mo pero nagkamali pala ako. Ang galing mo naman at napaikot mo ako sa iyong mga kamay. Napakagaling mong umarte na tipong mahal na mahal mo ako. Hayop ka! Hinding hindi ko mapapalagpas tong kagaguhan na ginawa mo sa akin. Hinding hindi kita mapapatawad hanggang mamatay ako."

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Tonton. Hindi mo alam ang buong story kaya you don’t have to act na ikaw lang ang nasasaktan!"

"Shit ka! Anong hindi ko alam. Narinig ko ang lahat nang mga pinag-usapan niyo. Kala mo kung sino kayo para manira nang buhay ng may buhay. Mga wala kayong awa!"

"That's not true! I've been true to you. I lov---" naputol siyang bigla nang may nagsalita sa likod ko.

"Babe anong nangyayari dito?" Dumating si Alvin at nakita niya kami ni Andrei sa ganoong sitwasyon. Kapwa kami nagulat at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano niya kami natunton. "Hoy ikaw, anong ginawa mo kay Tonton?" Asik nit okay Andrei.

"Dude, wala kang pakialam dito. It’s our problem."

"Anong wala. Tangina ka! Can't you see? Umiiyak boyfriend ko and ikaw ang dahilan niyan." pero parang walang narinig si Andrei at nagsalita.

"Ton, please give me a chance to explain and listen to me."

"Chance? Chance yourself Andrei. Matagal nang tapos ang lahat sa atin at dahil sa ginawa mo kanina, mas lalo mong pinadama sa akin na walang taong seryosong magmamahal sa akin. I've tried to be the best for you pero ganun ang napala ko sa iyo. All this time, pinaglalaruan mo lang pala ako." patuloy padin ako sa pag-iyak. Niyakap ni Andrei kahit andyan si Alvin.

Sa pagkabigla ko ay natameme ako at naramdaman ko na lang na may isang pwersang humawak kay Andrei at inilayo ito sa akin. Nakita ko na lamang ang eksenang nakahiga si Andrei sa floor at duguan ang mukha. Ang maamo niyang mukha sa ngayon ay puno na nang dugo. Nang paalis na kami, saka ko lamang napansin na nag-create na kami nang crowd at may dumating na ilang guards at inalalayan si Andrei.

Naisipan ko na lang umuwi. Sa totoo lang, sa kabila nang mga pangyayari ay nakaramdam ako nang awa kay Andrei nang magtama ang aming mga mata. Nakikita ko ang kanyang pagsusumamo na intindihin siya pero hindi ko ginawa. Saklot ako nang galit at paghihiganti. Inaamin ko, mahal ko pa din si Andrei.

Mabuti na rin siguro na nangyari ang bagay na iyon para tuluyan ko na siyang kalimutan at harapin ang bukas kasama si Alvin. Sa kakaisip ko sa mga bagay bagay ay bigla na lang akong nakakita nang isang maliwanag na ilaw patungo sa aming direksyon. Papalapit iyon nang papalapit. Hanggang sa makarinig ako nang biglang preno at isang BLAGGGG!!!!

Anong nangyayari? Bakit madilim? Bakit may sasakyan sa harap ko? Bakit andaming tao sa paligid? Bakit biglang lumiwanag? Ang init.

Nakita ko sa pagtingin ko sa side na inilalabas nila si Alvin at napansin kong duguan ito. Bakit nila kinuha si alvin? Bakit siya duguan? Pati ako ay hindi na aware sa nangyayari. May mga dugong dumadaloy sa mukha ko at tumatama sa mata ko. Mahapdi. Sobrang hapdi. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na pangyayari dahil di ko na mapigilan ang pumikit sa sobrang pagod. May dalawang brasong pilit akong hinihila palabas hanggang sa isang malaking pagsabog ang nadinig ko. Naghiyawan ang mga tao at tuluyan na akong nakatulog.

Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nakatulog kaya't ng pagmulat ko parang nanibago ako. May babaeng nakatayo sa tabi ko at nakangiti. Maganda ang postura niya. Eleganteng elegante.

"How are you hijo?" tanong niya.

"O-okay lang naman po ako." sagot ko.

"Would you like something to drink?" umiling lang ako.

"O sige, magrest ka muna jan huh." tango lang ang sagot ko.

Nasaan ba ako? Kaninong bahay ito? Hindi amin to. Nasaan sina nanay at tatay? Si bunso? Nakalimutan kong itanong dun sa babae kung nasaan sila at kung sino siya. Pinilit kong tumayo pero may mga kung anong bagay na nakakabit sa akin. Doon ko nalaman na nasa ospital pala ako pero parang hindi kasi parang isang kuwarto ito dahil kumpleto ang mga kagamitan.

Nilibot ko ang aking tingin nang mahagip ko ang isang lalaking natutulog. Nang mahinuha ko kung sino iyon ay biglang akyat ng galit at pagpupuyos nang damdaming ang bumalot sa akin. Isang unan ang kinuha ko at ibinalibag iyon sa kanya. Gulat siyang nagising dahil sa kung anong bagay ang dumapo sa kanya. Nang tingnan niya ako ay doon niya nakita ang nanlilisik na tingin ko sa kanya.

Hindi siya makalapit sa akin dahil alam niyang galit ako. Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Pumayat siya at ang mala-anghel niyang mukha ay nadistort nang konti gawa nang malalaking eyebags at paglubog ng pisngi.

"Bakit andito ka??? Lumayas ka dito!! Nasaan si Alvin? Saan mo siya dinala!!!" pasinghal kong sabi sa kanya.

"Ton, please calm down. You need to rest."

"Rest? Hindi ko yun magagawa hanggang sa ikaw ang nakikita ko! Kailangan ko si Alvin hindi ikaw!" nakita ko sa unang pagkakataon ang mga luha ni Andrei.

Labis siyang nasaktan pero ganoon din ako. Hanggang ngayon kasi ay sarado ang puso ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Walang sabi-sabi siyang lumabas at umalis.

Nng wala na siya ay bumuhos naman ang mga iniingatan kong luha. Hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi padin mawala-wala sa puso't isip ko ang pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila nang poot na lumukob sa aking pagkatao ay may isang maliit na tinig akong naririnig na nagsasabing mahal ko siya.

Bigla akong natuliro nang maalala si Alvin. Nasaan siya? May nakita akong machine na sa tingin ko eh pangtawag ng nurse. Pinindot ko ito. Wala pang 5min ay may dumating na nurse at inasikaso ako.

"Nurse nasaan si Alvin? Alvin Montez?" tanong ko agad.

"Ah nasa kabilang kwarto po sir. Naka-confine po kayo pareho kasi naaksidente po kayong dalawa two weeks ago pa." Whaaaattt??? Two weeks ago pa?

"Pu-puwede ko ba siyang puntahan?"

“Sandali lang po sir at itatanong ko muna sa doctor nito kung pwede ka nang ma-ambulate.” Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero tumango ako.

Habang hinihintay ang pagbalik nung nurse ay hindi ko magawang maging at ease. Iniisip ko ang kalagayan ni Alvin. Hindi ko maalala ang mga nangyari. Maya-maya ay dumating na yung nurse at sinabing pwede na raw akong maglakad-lakad yun nga lang ay kailangan may kasama raw ako.

Paglabas ng pinto ay nakita ko pa si Andrei pero agad din itong tumalikod. Ilang hakbang pa ay nasa harap na ako nang pinto nang kuwarto ni Alvin. Kinakabahan ako sa pwede kong makita sa loob. Baka hindi ko kayanin ang eksena doon. Kumatok ang nurse at pinihit ang knob.

Pagbukas ay nakita kong nakahiga si Alvin at natutulog. Puro benda ang katawan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan nito. Hindi ko namalayan ang mga tao sa paligid. Umiiyak akong naglalakad palapit sa kanya.

Hindi ko lubos maisip na dahil sa akin ay magkakaganito siya. Sobra akong nakokonsensya sa nakikita ko. May humawak sa balikat ko. Marahil ay ramdam na ramdam niya ang hinagpis ko.

"Hijo, tahan na. Your friend is alright. Okay na siya." Tiningnan ko kung sino iyong nagsalita at nakita kong siya iyong babae sa kwarto ko kanina. Hindi ako sumagot sa kanya dahil nahihiwagaan ako sa pagkatao niya.

"Nagtataka ka siguro kung sino ako tama ba? Ako si Aniceta Arce-Montez, mama ni Alvin." doon ko nakita ang resemblance nila ni Alvin.

"Pa-pasensya na po kayo kung dahil sa akin ay napahamak ang anak niyo" patuloy pa rin akong tumatangis. Umiling ito.

"Walang may gusto sa nangyari at hindi ka namin sinisisi. Nalulungkot lang kami at gaya sa nakikita mo lubha siyang naapektuhan pero nagrerecover na siya sa mga injuries niya and napagdesisyunan namin na iuwi na siya sa Australia para doon na ituloy ang recovery niya." sabi nito. Tuluyan nang ilalayo sakin si Alvin.

"Pero..."

“Don’t worry hijo, hindi ka namin papabayaan. Kami ang magbabayad ng gastusin mo rito sa ospital. Ginagawa namin ito kasi ngayon lang ulit namin nakitang masaya si Alvin after an ungrateful past. Lahat na ginawa namin para ibalik ang anak namin pero nabigo kami. Ilang taon niyang isinubsob ang sarili sa pag-aasikaso nang resort sa Laguna.

Wala na siyang time para sa sarili niya kaya naman ng malaman namin ang biglaang pagbabago niya, natuwa kami. Inalam namin kung anong nangyari at napatunayan namin ang aming hinala. In-love ang anak namin. Sobra kaming nagalak sa pangyayari at ninais naming makilala ang taong iyon.

Sa katunayan, papunta na kami sa tinutuluyan niya nang marinig namin ang balita na naaksidente siya kasama ang taong mahal niya. Nag-alala kami sa kalagayan ng anak namin kaya humangos kami dito sa ospital. Tiningnan din namin ang kalagayan ng kasama niya.”

Naramdaman niya siguro ang pagkailang ko at ang takot na hindi pumalyang rumehistro sa mukha ko.

"Alam kong ikaw iyong nagpapasaya sa anak ko. Matagal na naming alam ang totoo tungkol kay Alvin pero hindi namin ipinagkait sa kanya ang kaligayahang nais niya. Tanggap namin ang pagkatao niya. Mahal na mahal namin ang anak naming iyan kaya lahat ay gagawin namin para sa kanya. Hijo, alam kong mabait ka kaya natutuwa pa rin ako na nakaligtas kayo sa aksidenteng iyon." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabe ni Ma’am Aniceta.

"Actually, nag-usap kami kagabi. Sinabi niya sakin kung gaano ka niya kamahal. Natatakot siyang mawala ka sa kanya pero ayaw naman niyang ipagkait sa taong mahal niya ang karapatan nitong lumigaya sa taong totoong minamahal nito. Nung mapansin niyang parang nag-iiba ka na simula nang muli mong makausap yung ex mo, he asked God for a sign, a sign which is something unbelievable but intervening. And when he received that sign, he knew for sure that he had to set you free."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko na naguguluhan.

"This accident, this is the sign na hiningi ko kay God." Napatingin ako sa ngayo’y gising na si Alvin at matama akong tinitingnan. Maluha-luha pa siya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Pero Alvin, hindi ko pwedeng basta ka na lang iwan. Mahal kita alam mo yan di ba?"

"Alam ko naman yon Ton eh. Sabi nga nila di ba, if you love someone and you felt that that person isn't happy anymore, you should initiate the chance for that person to be happy. I know you still love Andrei. Hindi ko lang matanggap nung una dahil mahal kita pero dahil sa accident na ito, which is I believe a divine intervention, I have to do what is right. I’m setting you free." tuloy-tuloy na paliwanag sakin ni Alvin. Alam kong masakit na magpaalam sa minamahal mo dahil naranasan ko na iyon. Naramdaman ko ang mga palad ni Alvin na pinupunasan ang luha ko.

"Shhhh, don't cry. Hindi ko kaya na nakikita kang ganyan. I'll be fine Ton. I know nasabi na sayo ni mama na pupunta na kami nang Australia for my rehabilitation and I'll be staying there for good." hindi pa din ako umiimik. "Ahm Ton, would you promise me one thing?"

"A-ano yon Alvin? Kahit ano gagawin ko para lang sayo."

"Forgive and forget everything you and Andrei had gone through. Nagkausap na kami and I realized that napakabuti niyang tao. He explained me the whole thing and I’ve forgiven him. Go on and talk with him. He's been patiently waiting for you to wake up since we caught an accident. Siya ang nagtyagang nagbantay sa’yo. Siya din yung nag-aasikaso sa’yo and the one who pulled you out sa sasakyan bago iyon sumabog." Dahil sa mga sinabi ni Alvin ay nakaramdam ako ng habag sa tinuran ko kay Andrei. Pansamatala kong nakalimutan ang sakit na dulot niya.

"And one more thing Ton, don't forget to update me huh. I'll give you my contact details soon as we got there. Okay?" sabay hug sakin. “Tandaan mo sana palagi na mahal na mahal kita hindi iyo magbabago.”

Ang higpit nang yakap niya and sobrang mamimiss ko iyon and for the last time we kissed luckily kanina pa umalis mama niya to give us time para mag-usap nang masinsinan.

I'm a very lucky guy kung tutuusin dahil andyan si Alvin at ang mama niya. His mom even gave me a scholarship kahit na ilang beses ko na iyong tinanggihan. Sobrang blessed ako sa kanila.

After one more week sa ospital eh nakalabas na din kami. Si Alvin and family ay tumungo na sa Australia nang maayos na lahat ng kailangan nila. Malungkot na mamaalam sa kanya pero nangako ako na magiging magkaibigan padin kami and susubukan kong kausapin muli si Andrei.

Dahil sa pagkakaospital ko ay andaming lessons akong naiwanan kaya naman humiram ako nang mga lecture notes ni Arjay at binasa iyon. Gabi-gabi akong puyat para makahabol sa kanila. Dahil na din sa dala kong medical certificate ay pinagbigyan ako nang mga professors ko na magtake ng special quizzes provided na these exams are tougher.

Bahay-school-library-bahay. Yan ang daily routines ko to catch things up. Nakalimutan ko pansamantala ang pangako ko kay Alvin dahil na din sa kagustuhan kong mamaintain ang mga grades ko. Dumating ang araw ng mga special quizzes ko. Pinaghandaan ko ito nang sobra. Honestly nahirapan ako pero worth it naman ang ilang gabing pagpupuyat ko at dahil sa good performance ko ay nakahabol ako kay Arjay.

Now there's one more thing left, I have to face Andrei. Kumbaga is it now or never. Bumalik na rin si Andrei sa school namin to continue his studies. Member na din siya nang varsity nang basketball - nga pala tosser ako nang men's volleyball varsity namin - and napapansin ko na hindi na niya kasama ang mga friends niya lalo na si Ryan.

One time, practice namin nun mga bandang 6pm, nakita ko siyang pumasok sa gym. Wala namang practice ang basketball team that time kasi scheduled ang mga practices namin. Hindi ko muna siya ininda kasi seryoso ako sa laro ko. Hinati ang team namin para maglaro nang isang game, battle of 3 sets.

napunta ako sa mga baguhang members. Kumbaga, old varsity vs new varsity. In fairness naman saming mga baguhan,magagaling kami and hindi kami nagpapatalo sa kanila. In fact, kami ang nanalo sa 3rd set 32-30. Ganyan ka-close ang laban namin. Tuwang tuwang nakipag-shake hands samin ang buong team. May mga bago na raw papalit sa kanila paggraduate nila.

Matapos ang konting usapan ay dumiretso na ako nang shower sa CR. wala kasi kaming shower room dun kaya sa CR na ang tuloy namin since cubicles din iyon. Matapos kong magshower at magbihis ay dire-diretso na ako nang lakad. Gusto ko nang umuwi dahil sa pagod na ako. Nasa gate na ako nang bigla kong maalala si Andrei.

Dagli akong bumalik sa gym para puntahan siya, nagbabaka-sakaling andun pa sya. Patay na ang lahat ng mga ilaw. Patalikod na ako nun nang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Muli ko na namang nalanghap ang pamilyar na amoy na iyon. Hindi ko maiwasang hindi na naman mapaluha.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mga mata ko at hinarap siya. Madilim ang paligid pero tila ba may liwanag na umaaninag saming dalawa. Nag-uusap kami sa gitna nang katahimikan at kadiliman. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Agad ko siyang siniil nang nag-aalab na halik. Gumanti din siya sa ginawa ko. Hinapit niya ako papalapit sa kanya at hinagkan pa nang mariin. May katagalan din kami sa ganoong sitwasyon. Ako na ang humiwalay samin.

"Ton, I'm really sorry."

"Tama na andrei. I’m already fed up with that word, nakakasawa. Let bygones be bygones. Sasayangin pa ba natin ang binigay ni Alvin na second chance para mag-work out tayong dalawa?"

"Pero I owe you an explanation."

"Explanation your face. Gusto kong i-cherish nating dalawa kung anuman ang nangyayari sating dalawa ngayon. Make me feel that this night is special." Paglalambing ko sa kanya.

"As you wish your highness." Sabi niya na may kasamang tawa. Magkaakbay pa kaming lumabas ng campus at dumiretso sa isang food chain.

Habang nasa fastfood chain kami ay pinag-usapan namin ang lahat nang mga nangyari. Inamin niya sa akin na nung pinauwi siya nang daddy niya sa states ay kinausap siya nito nang mabuti tungkol sa report ng school na maganda ang performance niya academically and tinanong kung sinong inspiration niya. Walang atubiling sinabi niyang ako ang dahilan nang lahat.

May nakarating din na balita sa daddy niya tungkol sa set of friends niya. Sinabi nito na they're not good influence kaya naman pinapalayo siya nito sa mga iyon. Unti-unti niya itong ginagawa hanggang sa si Ryan na mismo ang nakapansin nang kanyang paglayo. Kinompronta siya nito at doon niya inamin na inuusig siya nang konsensya niya sa ginawa nilang pustahan sakin.

Labis daw ang pag-aalala niya sa akin lalo na nung makita niya akong kausap si Ryan sa loob ng CR sa mall. Kaya naman sinundan niya ito hanggang sa labas at doon kinumpronta. The rest is history.

"Oh anong nangyari kay Ryan?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung nasaan na siya. Ang huling balita ko, nagalit sa kanya ang daddy niyang militar sa nalamang hindi ganap na lalaki ang anak." sabay tawa.

"Eh yung ibang barkada mo?"

"Naireport silang lahat sa pulis kasi one time they had a pot session in one of the members’ boarding house. His landlady opened the door to see if he was around and found out that they were all lying on the floor and all the paraphernalias are scattered. Naka-high silang lahat. She immediately called the police and the authority drag them all of. Now cases are filed against them."

"Ah, eh ikaw, bakit ka andito? Kala ko ba you're staying in the US for good?"

"Bakit? Ayaw mo na ba talaga akong makita and makasama for the rest of your life?"

"Huh? What do you mean?"

"It's a surprise pero can't contain it anymore. I'm processing a petition for you. Gusto kang makilala ni daddy and want you to stay and be a part of the family."

"Di ko magets Andrei."

"Daddy wants you to be his son-in-law."

"Son-in-law what?"

"Hey dumbass, nagpetition kami ni daddy na kunin ka dito sa Pilipinas para makasama ka namin sa America. Wala din siyang pakialam if we decided to get marry. Ikaw na lang ang hinihintay nung papers."

"Pero..."

"Don't worry about nanay, tatay and bunso. Agree sila sa decision namin and eventually in the near future, susunod sila dun. Inuna lang namin ung sa’yo. Kasi honestly, I can no longer live my life without you in it. I'll do everything I can just to make you stay sa buhay ko. I love you so much Antonio Lopez.”

“I love you t---“ Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may kinukuha siya sa bulsa nito.

Akala ko magpo-propose siya nang ‘will you marry me’ sabay labas ng ring pero hindi pala. Locket ang iinilabas niya at binuksan iyon. Naluha pa ako nang makita ang picture naming dalawa na Masaya at naka-enclosed sa heart ang salitang FOREVER. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.

Madaming tao ang nasa loob ng McDo and wala kaming pakialam sa mga nanunuri nilang mga tingin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligayan na dulot ng pagbubuklod namin ni Andrei.

Pumayag ako sa kasunduan namin ni Andrei na after kong makagraduate and pumasa nang board exam ay susunod na ako sa kanila. Malayo pa naman iyon kung tutuusin pero excited na ako sa pwedeng mangyari. Kasado na ang lahat para sa amin. Arranged na ang mga bagay-bagay. Magkasama padin kami ni Andrei sa university at masaya sa takbo nang relasyon namin.

Engaged na kami kung tutuusin pero ayaw naming ipangalandakan iyon sa lahat dahil na rin sa may iniingatan kaming pangalan. May mga ups and downs kami na normal na sa isang relasyon pero nasesettle din naman agad iyon.

Umuwi nga si daddy nung March para dalawin kami ni Andrei and para pormal na ding makilala sila nanay at tatay kasabay nang pagpaplano nang future naming dalawa. Wala namang humadlang sa partido ko kaya lubos ang ligaya namin.

Sa ngayon ay masaya naming hinaharap ang bawat bukas. Magkasama sa lahat ng bagay. Ang mga puso namin ay itinali na sa isa't isa. Sa school, kami ay bestfriends pero sa mga malalapit samin mag-asawa na ang turing sa amin. So, hanggang dito na lang folks and maraming maraming salamat sa pagiging part niyo sa buhay ko. Let's all be HAPPY and GAY!!! heheh....



---------------------------------------------------------------------------------------------------------
(end)
Email and FB: denz_freak88@yahoo.com