Saturday, April 30, 2011

KAHIT SANDALI: Chapter 2

Nasa labas ako ng bahay ni Gina. May bahid ng dugo ang kamao dala ng pagsuntok ko sa pader. Hindi ko na namalayang sinundan pala ako ni Gina.



"Hey." tawag ni Gina mula sa likod ko.



"Oh," sabi ko habang pinapahid ang luha. "Sorry about that."



Nanatiling tahimik si Gina.



"Damn it! Ayaw tumigil!" paasik ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha.



Lumapit naman si Gina at niyakap ako ng mahigpit.



"Bakit ganun Gee? Bakit basta-basta niya nalang akong iniwan sa ere?" patuloy pa rin ako sa pag-iyak.



"Shh. Just let it out. I'm here, I'll listen. 'Di ko naman pwedeng sabihin na "I know how it feels" . Kasi ikaw lang naman ang nakakaramdam niyan eh. But I'm here, I'll try to lessen the hurt. Maybe there's a reason kung bakit niya ginawa 'yon." sagot naman ni Gina na pilit pinipigil ang pagkabasag ng boses.



"Whatever the reason Gee, tatanggapin ko. Gusto kong malaman kung bakit. Hindi - , Hindi iyonng basta-basta nalang siyang mawawala. I- I, would've understood if, if he'd said he's fallen out of love or if he has another on his mind. At least iyon, kaya kong intindihin. Pero Gee, wala eh. Ang sakit." sagot kong di na mapigilan ang pag-iyak.



Nanatiling tahimik lang si Gina, na ngayo'y umiiyak na rin. Alam kong nasasaktan rin siya dahil pati siya ay iniwanan rin ni Eric nang walang pasabi. At nahihirapan rin siyang makita akong nagkakaganito.



"Naghintay ako Gee." pagpapatuloy ko. "I waited for him. Day after day, week after week, naghintay ako, umasa ako na babalik siya, at kahit walang explanation kung bakit siya nawala tatanggapin ko pa rin siya ng buong puso. I've learned to love him so much that I'd rather die than lose him."



Naramdaman kong biglang uminit ang kaliang pisngi ko mula sa sampal na nanggaling kay Gina. Natigilan ako.



"Gago ka Al." mahinahom niyang sabi sa gitna ng pag-iyak. "Gago ka. Pano nalang kaming mga nagmamahal sayo. You have your friends. Ako. Paano ako Al? ha?! Alfonz, may anak ka. Pano nalang siya ha? Naisip mo ba ang magiging kalagayan niya 'pag nawala ka? Naisip mo ba yon?"



Sa pagkakataong iyon ay humagulgol na si Gina. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Nang mga sandaling iyon, ako na siguro ang pinakawalang-kwentang ama. How could I forget my own son?!

SEVEN YEARS AGO



Nasa eskuwelahan ako nang matanggap ko ang balitang namatay sa aksidente ang mga magulang ko.I was 15 at that time, nasa 3rd year high school. At dahil nag-iisa akong anak, I was spoiled. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi rin naman biro and naipundar ng aking mga magulang. Ni hindi ko naranasan ang maghirap. Kaya nang mamatay ang mga magulang ko, parang gumuho na rin ang mundo ko.



Ipinaliwanag sa akin ni Tito Manuel, na siyang family lawyer namin and huling testamento ng mga magulang ko. They left me eveything. Their businesses, our properties, lahat. But 10 percent of it ay napunta kay Tito Manuel. Maliban kasi sa pagiging lawyer namin ay siya rin ang pinakamatalik na kaibigan nga papa ko. At dahil wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya, siya rin ang humawak nito. Lagi niya naman akong kinukunsulta sa mga bagay-bagay tungkol sa kompanya at ang tangi ko lang sinasabi ay "Do what you think is best for the company."





I had trouble keeping up with my parents' death na napabayaan ko na ang pag-aaral ko. napariwara ako. Halos gabi - gabi ay nasa club ako at dahil mayaman, ay pinapatuloy nila ako kahit underage. Nang mga panahong iyon, I was aware na gwapo naman talaga ako, I had gray steel eyes na namana ko sa aking amang may lahing amerikano, straight hair, maputi, pantay ang mga ngipin, at matangkad ako para sa isang 3rd year high school. Ilang babae rin ang nakasiping ko noon. Hanggang isang araw. May nagdoorbell sa bahay at may iniwanang bata kasama ang isang sulat na ako raw ang ama nito.



Agad ko namang tinawagan si Tito Manuel. Ipina-DNA test niya ang bata at nag-match ito sa akin. Parang binagsakan ng langit nang mag-positive ang result. Wala akong kaalam - alam sa pagpapalaki ng bata. Mabuti nalang at hindi ako pinapabayaan ng aming mga katulong. Tinulungan nila akong bumangon.



Simula noon ay binago ko na ang takbo ng buhay ko. Nagpatuloy ako sa pag-aaral at sa pagsisikap ko, naging valedictorian naman ako kahit na huli na akong gumradweyt.




Hanggang tumuntong ako ng kolehiyo.



Sa anak ko umikot ang buong mundo ko. Hanggang dumating sa buhay ko so Eric.

ITUTULOY....




_______________________________________


by JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)

Friday, April 29, 2011

Terrified 5




Nakita ko ang pagtama ng bakal sa balikat ni Victor. Kitang-kita ko kung paano sya nasaktan. Bakas sa kanyang mukha ang sakit dala na rin ng pagngiwi ng kanyang nguso. Natauhan ako. Napahinto ako pansumandali,nagtama ang aming mga mata,nakaramdam ako ng awa. Lumuluha si Victor. Alam kong mahina ako sa t'wing nakakakita ng taong umiiyak at ngayon, nanlalambot na ako to see Victor crying. Para syang batang umiiyak sa sakit,sakit sa palo ng bakal,sakit na dala ng pagiwas ko sa kanya.

Napadausdos ang aking katawan sa pader dala na rin ng emosyonal na pagkalito at panghihina. Di ko mapigilang hindi umiyak. Naiiyak ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Nalilito ako dahil kay Kath. Hinahanap ko si Raf. Iniisip ko si Mikey at ngayon ay ginugulo na naman ako ni Victor. Eto yung eksaktong panahon kung saan alam kong madali akong maging emosyonal dahil sa kung anu-anong bagay. Mabigat ang pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw at magwala.

I started crying. I unconsciously cupped my eyes and rested my heavy head to my knees. I cried.

Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari. Tahimik ang paligid. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Victor sa loob ng kwarto. Kahit malayo,amoy ko ang kanyang pabango,maging ang init nyang tila bagang nakakapaso.

Lumipas ang ilan pang minuto,naramdaman ko ang paghupa ng aking mga luha. Kahit ganoon pa,ramdam ko pa rin ang bigat ng gabi. Kailangan ko lang itulog to at kinabukasan ay magiging okay na ako. Inalis ko ang aking mga kamay na bumalot sa aking luhaang mga mata. Natanaw ko si Victor na paupong nakasandal sa pader. Kita ko na wala sya sa sarili,mukhang talunan,pariwara at malungkot. Tumayo ako at ibinukas ang pinto ng kwarto,nanatili syang nagmamasid sa aking mga galaw.

“Bukas na ang pinto. Pwede ka ng lumabas ng kwarto ko.”

Nanatili syang nakaupo at nakatitig sa akin, Nakanganga.

“Victor,lumabas ka na. Matutulog na ako. May pasok pa ako mamaya.”

Tumayo sya. Inayos ang nagusot na damit. Tumitig sa akin. Dahan-dahang lumakad. Nang malapit na nya marating ang pinto at nasa tapat ko na sya,he stopped. Nakita ko yung paano tumulo ang kanyang mga luha. Nakaramdam ako ng guilt na di ko mawari. Kung tutuusin, dapat magalit ako sa lahat lahat ng ginawa nya sa akin, pero may mga pagkakataon na ako pa ang nalulungkot kapag umiiyak sya.

“Patawarin mo ako Jared.”

“Just leave me alone Victor.”

“I will. Wag kang magalala.”

Lumapit na sya sa pinto. Pinatay nya ang ilaw.

“Jared,hindi mo na ba talaga gusto lahat ng ginagawa natin noon?”

“Ano pa bang gusto mong marinig?”

Naiirita na naman ako. Mula sa awa,parang gusto na namang sumabog ng galit ko.

“Wala akong gustong marinig. Gusto ko lang na bumalik ka na sa akin.”

May pagmamakaawa sa boses nito.

“Babalik? Bakit? Naging tayo ba?” sagot ko

“Hindi. Pero alam mo naman na noon pa man gusto na kita.”

“Halata nga. Kaya kahit sa murang edad ko na 7 eh inabuso mo ako.”

“Sorry Jared. Sana patawarin mo ako.”

Nangingilid ang luha ko sa galit.

“Alam mo? Iniisip ko kung bakit ako nagkaganito.”

“Alam mo kung anong naisip ko?” pagpapatuloy ko.

Tahimik si Victor na nakikinig sa may pinto habang ako ay malapit sa switch ng ilaw.

“Iniisip ko na siguro,kung hindi mo ako ginalaw dati,malamang hindi naapektuhan yung pagkalalaki ko. Alam mo yun? Kung hindi mo ako inabuso malamang i'm still living a normal life. Nabubuhay sana ako sa ideal na lifestyle ng isang straight na lalaki. Wala sanang complications, wala sanang mga limits, wala sanang gumugulo sa isip ko ngayon!”

Napabuntong hininga ako. Pinipigil kong ilabas ang lahat ng galit ko. Pinilit kong kumalma.

“Mula ng nagkaisip ako at lagi mo pa din akong ginagalaw,hindi ka ba natakot na pwede akong magsumbong? Hindi mo ba inisip na makakaapekto yun sa akin? Hindi mo ba naisip na pwede akong mahawa sa kabaklaan mo? Well yes! Nahawa na ako sa kabaklaa mo eventually. Lahat ng sufferings ko sa pagiging bakla ko ay isisisi ko sayo! Hinding-hindi kita papatawarin Victor! Hinding-hindi!”

Medyo napataas na ang boses ko. Nagalala sya na baka marinig ng mommy sa kabilang kwarto.

“Hinaan mo ang boses mo Jared at baka marinig ka ng mommy mo!”

Pagsaway nya sa akin. Agad agad syang bumalik sa loob ng kwarto at sinara ang pinto. Ibinukas ko ang ilaw.

“Natatakot ka na marinig ni Mommy? Natatakot nyang mabisto lahat ng kabaklaan mo?”

“Sorry Jared. Please!”

“Yan ang problema sayo! Ngayon natatakot ka na marinig ni Mommy lahat ng kabaklaan mo! On the first place,kung bakla ka talaga wag kang manloko ng tao!”

“Hindi ko niloloko ang mommy mo!”

“Niloloko mo sya!”

“Hindi Jared! Nangaliwa ba ako? Hindi ako nangangaliwa!”

“Hindi ka nga nangaliwa pero nakipagsex ka naman sa anak ng misis mo! Masahol ka pa sa baboy!”

Nakita ko na rin ang galit sa kanyang mga mata.

“Bakit Jared? Pag chinuchupa kita? Di ka ba nasasarapan? Pumayag ka din eh. Eh di sana tumanggi ka from the start. Ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo na bakla ka na talagang pinanganak!”

Naluha ako sa galit. Mabilis kong napuntahan ang lugar kung saan man sya naroon at ginawaran sya ng isang lumalagapak na suntok. Napalakas ang suntok ko kay Victor at kita ko ang pagputok ng kanyang bunganga. Di na ako nakapagtimpi. Nagngangalit pa rin hanggang ngayon ang aking kamao.

“Ang kapal ng mukha mo!”

“Ang kapal mo! Alam mo ba yung salitang “inabuso”? Yung ang ginawa mo sakin Victor! Inabuso mo ako! Inabuso mo ako nung bata ako tapos ngayon gaganyan ka? Ang kapal mo lang talaga no? Pinakasalan mo ang mommy ko para pagtakpan ang kabaklaan mo! Pinakasalan mo ang mommy ko para maging biktima mo kami ni Mikey! Ang kapal ng mukha mo! Mamatay ka!”

Para akong dragon na bumubuga ng apoy. Nakakatakot ako maging sa aking sarili. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Ang kapal nya. After nya akong abusuhin sya pa ang may lakas ng loob sabihan ang mga salitang yon? Ang kapal nya!

“Gagawin ko lahat para maging akin ka Jared. Hindi ako papayag na may ibang makikinabang sayo. Itaga mo yan sa bato. Di mo alam kung anong kaya kong gawin.”

There was sharpness in his voice. Nalito ako sa kanyang mga sinabi. I gave him an odd look. Sigh.


Agad-agad na lumabas si Victor sa kwarto. Nilock ko ang pinto. Lalong bumigat ang aking pakiramdam at ako ay muli na namang lumuha. Di ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap sa akin ni Victor matapos ng mga nangyari. Di ko din alam kung paano ko pa sya pakikitunguhan. Di ko na alam, at ako'y nilamon na ng kadiliman.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

“Raf?”

“Jared?”

“Nagkita na tayong muli.”

“Oo nga. At saya-saya ko.”

“Raf saan ka ba nanggaling?”

“May inayos akong misyon dito sa lugar nyo. Anytime ay babalik na ako kung nasaan man ako.”

“Ha? Ibig sabihin iiwanan mo na naman ako Raf? Isama mo nalang ako!”

Nakita ko ang disappointment sa kanyang mukha. Nakita kong lumuluha si Raf. Hinawakan nya ang kamay ko. Naramdaman ko ang init na dala nito. Orgasmic. Magkahawak lang kami ng kamay sa may parke. Eto lang ang lagi kong hinihiling,makasama sya at mahawakan ang kamay nya. Masaya na ako.

Naging malakas ang hangin,nakita namin ang pagsayaw ng mga puno. Maging ang malalaking mga balete ay sumasayaw rin ng naayon sa galaw ng malanding hangin. Nakakapangilabot ito. Maaliwalas ang araw kanina,pero bakit ang bilis magdilim. Bakit dumidilim ba? Bakit parang nagiiba yung kulay ng langit? Bakit gumagabi na? Bakit may mga nakikita akong mga migratory birds na nagmamadaling tinatakasan ang gabi? Bakit? Ano ang nangyayari?

“Raf. Natatakot ako. Bakit ang bilis? Kanina lang tayo magkasama ng 9am ng umaga tapos ngayon ang dilim na.”

Mas naging drastic ang paggalaw ng itim na mga ulap sa kalangitan. Tila ba papel silang hinahangin sa bilis ng kanilang pagusad. Patuloy ang pagsigaw ng hangin sa aking mga tainga. Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Naramdaman ko ang pagtayo ng kaliitliitang buhok sa aking katawan. Pumikit ako at napalunok. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagimbal ako sa aking nakita. Ang dating parke ay naging sementeryo in an instant. Kita ko ang mga asong nagtatakbuhan na parang walang bukas. Biglang kong nasilayan ang bilog na buwan. Dilaw ito ay nababalutan ng maninipis na ulap. Iba ito. Naramdaman ko ang pagpatak ng butil butil na pawis sa aking noo. Maging ang galabog ng aking dibdib ay naging irregular. Ramdam ko ang kakaibang kilabot. Hinawakan ko ang gilid kung saan nakaupo si Raf pero..

“Raf?” sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nagitla ako ng di ko sya makita. Ako nalang ang nakaupo sa mahabang bench. Saan napadpad si Raf? Bakit nawala sya? Tumingin ako sa kanan at nakita ko ang ibang mga punong nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin. Grabe ang hangin,ibang kilabot ang dala nito.

“Raaffff?”

Pumikit ako. Umaasa ng isang himala.

“Raaafff?” sigaw ko

Nakaramdam ako ng dampi ng kamay sa aking balat. Mainit ito at tila nakakapaso. Malamang si Raf na to at bumalik sya para samahan ako. Alam kong ililigtas nya ako at di nya ako papabayaang mamatay sa takot dito sa lugar na to. Alam kong ililigtas nya ako.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Nagitla ako sa nakita. Mayroong isang batang lalaking nakahawak sa akin. Nagtama ang aming mga mata at nanindig ang balahibo ko sa nakita. Isa lang ang mata ng bata at ang kanyang kanang eyeball ay nakaluwa. Nakangisi ito pero blanko ang kanyang expression. Nanginginig ang aking braso sa takot. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sakin. Napatingin ako sa kanyang kamay at napapitlag ako nang makita kong mas malaki pa ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Parang manas ang kamay ng bata at mahaba ang kanyang itim na kuko.

“Aaaaahhhhhhhh!”

Agad kong pumiglas sa bata at nagmadali akong tumakbo papalayo. Tumakbo ako na parang walang bukas. Takbo Jared. Takbo. Kita ko na ang distansya ko sa batang nakakatakot. Tumayo ito sa upuan at nakita ko nalang na nakaturo ang kanyang kamay sa akin. Kinilabutan ako. Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Narinig ko nalang ang pagngalngal ng bata. Mas lalo akong nanghilakbot. Napakalaki ng boses nya para sa isang bata. Umiyak sya ng napakalakas. Umabot ito sa kung saan man ako naroon. Tila ba naka-mikropono sa lakas. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Nabibingi ako. Ilang segundo pa ay huminto ito,at muling umihip ang nakakapangilakbot na hangin.

Nakalayo na ako sa bata at nakaramdam ako ng kaginhawaan kahit papaano. Binagsak ko ang aking mga hita sa kalsada. Nakalayo na ako sa lugar kung saan kami nakaupo ni Raf pero di ko pa rin alam kung nasaan ako. Habang namamahinga ako ay tinantya ko ang paligid. Mapuno pa rin at malakas ang hangin. Tinignan ko ang daanan but it seemed to be so endless. Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis dito. Pinikit ko ang aking pagod na mata at pinilit kong pakalmahin ang aking kanina pa kumakabog na puso.

Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na bugso ng hangin.

“Jaareed”

Nawala ako sa konsentrasyon ng marinig yon.

“Jaaaaarreeeedddddd”

Mas mahaba na ang pagbigkas nya sa aking pangalan ngayon. Lumingon ako sa aking paligid pero wala akong nakitang kahit sino. Nagsimula na namang tumayo ang aking mga balahibo.

“Jjaaaaarrreeeeeddddd”

Nanginginig at parang malat ang boses nito.

May tumatawag sa akin, Pero sino?Kakaiba ang boses nya. Hindi si Mikey yan. Hindi din si Victor. Hindi din si Raf. Hindi ito tama. Hindi ito normal. Out of this world.

“Sino ka?” sigaw ko habang nangangapa ng batong ipupukol sa kung sino mang lalapit

“Jjaaaaaaareeeeeddddddd...”

Mas naging raspy ang kanyang boses. Di ko sya kilala. Iginala ko ang aking mga mata sa kakahuyan at nakita ko ang pulang mga mata ng mga tao doon. Unti-unti silang naglabas sa dilim. Di ko makita ng husto pero alam kong pula at nanlilisik ang kanilang mga mata. Nakaupo akong umatras. Di ko alam kung anong mangyayari kapag nakalapit sila sa akin pero ang alam ko ay dapat akong tumakbo. I grabbed my ass up at mabilis na tumayo.

“Jaareeedddd.”

“Jaaaaaaaareeeeeddddddd.”

Nangilakbot ako sa nakita. Sabay-sabay na nilang binibigkas ang pangalan ko habang unti-unting silang lumalabas mula sa kakahuyan. Kilala nila ako? Pero paano? Bakit nila alam ang pangalan ko? Bakit nila ako kilala? Sino ba talaga ako? Ano ba ako? Bakit ako?

“Jaaaaaaaaaaarreeeedddddddd....”

“Sumama ka na sa amin.... Jaareeeedddd..”

Bakit nila ako sinasama? Bakit? Sino sila?

Tumakbo akong nakapikit at tinatakpan ang tainga. Pakiramdam ko sa twing tatawagin nila ako ay sasabog ang utak ko. Mabilis akong tumakbo. Wala akong pakialam kung bumunggo ako o madapa. Ang alam ko lang ay dapat akong makaalis dito. Dapat kong matakasan ang mga nilalang na to. Patuloy pa rin sila sa pagtawag sa akin. Nagiging mas malakas ang kanilang mga daing. Di ko to gusto.

“Aaahhhhhhhhh!”

“AaaaahhhhhhH!”

Patuloy ang aking pagsigaw para mairelease lahat ng takot at panghihinang nararamdaman ko.
Minulat ko ang aking mata at may nakita akong liwanag sa dulo ng daan. Binilisan ko ang pagtakbo. Para na akong kabayo. Nasaan na ang liwanag? Nasaan na ang liwanag?

“Raafffff! Antayin mo ako! Raaffff! Isama mo ako sa liwanag!”

“Raaaaaaaaaafffffff!”

Nakikita ko na ang liwanag! Nakikita ko na. Malapit na ako Raf! Antayin mo ako! Raaafff!

Mabilis akong tumakbo at agad kong narating ang liwanag. Tumapon ako sa liwanag. Wala akong makita,agad nalang akong nakaramdam ng isang mahigpit at mainit na yakap. Kasabay nito ang pagdampi ng isang mainit na halik sa aking labi.



ITUTULOY....

Thursday, April 28, 2011

The 5th Anniversary

Nakatayo ako doon sa harap ng salamin na lagi nating sabay na tinitignan.

I took a deep breath. I opened my eyes. You were there,standing.

You beamed that same hypnotic smile. Nakakahawa ang ngiti mo. We giggled.

Dahan-dahan kang lumapit sa akin. Galing ka ng meeting nyo kaya nakacorporate attire ka pa. Lumalabas ang pagkagwapo mo sa ganyang mga damit. Ilang segundo pa, naramdaman ko nalang ang pagpatong ng baba mo sa aking balikat habang dahan-dahan kong nararamdaman ang iyong yakap.

Whitney Houston started playing on the background. You stared at me. Alam mong theme song natin yan. We both smiled.

Sabay tayong umiindak sa malambot na saliw ng Nobody loves me like you do . The way you touch my hips is fantastic. Patuloy ang marahan nating paggalaw sa tugtog. Pareho tayong nakapikit at kapwa natin dinadama ang isa't-isa. Ramdam ko ang mga haplos mo sa aking katawan habang yakap mo ako mula sa likod. Parang kuryente ang paso nito sa aking sistema. The way you explore my chest sent me to heaven in just a glimpse. I never felt anyone like this in my life before.

“I love you.”

“Ditto.”

“Kaso ang taba mo na.”

I smiled. Naalala ko na lagi mo akong pinapakain ng marami pag lumalabas tayo. Aim mo talaga na patabain ako eversince. Ngayon namang mataba at may laman-laman na ako, inaasar mo naman na mataba ako. Minsan sobrang labo mong kausap pero nahohook pa rin talaga ako sayo.

“Ang labo mo din kausap.”

“Anong kinalabo ko?”

“Gusto mong tumaba ako diba? Tapos ngayon naman aasarin mo ko na mataba ako.”

“Wala lang yun. Alam mo naman na mahal kita.”

Naramdaman ko ang pagdampi ng iyong labi sa aking leeg.

Marahan tayong sumasabay sa tugtog. Ninanamnam natin ang mga linya nitong kanina pa tumatagos sa ating dalawa.

Dahan-dahan mo akong hinarap sa iyo.

Nagtama ang ating mga mata.

Hinalikan mo ako sa aking mga labi.

Tayo,muli ay nagyakap.

Piniringan mo ang aking mga mata gamit ang iyong panyo.

“Wag kang gagalaw,may sorpresa ako sayo.”

I smiled. Kinikilig ako at sobra akong excited sa anong pwedeng mangyari.

Lumakad ka papalayo at pinalitan ang CD na nakasalang sa player. Pinasukan mo ito ng Instrumental na plaka. Napakaromantic.

Muli,naramdaman ko ang iyong presenya. Amoy na amoy ko ang iyong pabango. Dahan-dahan mong inalis ang piring sa aking mga mata at nasaksihan ko ang iyong sorpresa

Nakita ko ang napakaraming tea light candles na nakapaligid sa buong kwarto. Hindi ako makapagsalita. Sa tinagal-tagal natin, alam mo pa rin talaga kung paano ako pakiligin. Ngayon mo lang ginawa to sa loob ng limang taon. You never failed to amaze me.

Pinatong mo ang aking mga kamay sa iyong balikat. Nilagay mo ang iyo sa aking tagiliran. Ngumiti tayo.

“Parang prom?”

I nodded.

Dahan-dahan nating ginalaw ang ating mga katawan. Tayo ay nagsayaw. Romantiko.

“5 years na tayo.”

“Oo nga.”

“Masaya ka ba?”

“Sobra.”

“Buti naman. Kahit papaano ay nagagawa ko ang pinangako ko sayong pasayahin ka mula noong una pa tayong nagkita.”

“Oo naman. Never kang nagkulang, never kang sumobra. You were just right. Just plain perfect.”

Dinampian mo ng halik ang aking mga labi.

Lumaban ako. Nagtunggali ang ating mga labi. Sumali ang ating mga dila. Inilapit mo pa ang aking katawan sa iyo. Dama ko ang init nito. Ramdam ko din ang bukol sa iyong pantalon. Naing mas malikot ang ating mga galaw. Mas naging sabik ang ating mga kamay.

Kita ng tea light ang ating pagmamahalan. Saksi ang madilim na kwarto.

“Mahal na mahal kita.”

“Ako rin. Mas mahal pa kita sa sobra.”

“Nasusukat ba ang pagmamahal?”

“Hindi.”

“Ako kaya kong sukatin.”

“Ha? Paano?”

“Pumikit ka. May nakikita ka ba?”

Pumikit ako.

“Wala.”

“Ganoon ang pagmamahal ko sa'yo. Malawak parang ang kadilimang nakikita mo ngayon. Walang katapusan. Parang kalawakan.”

Naramdaman ko ang iyong mainit na yapos.

“Tandaan mo, mahal ma mahal kita.”




Binuksan ko ang aking mata. Walang tea light candles. Walang madilim na kwarto. Nakita ko lang ang aking sarili sa tapat ng isang malaking salamin sa sala. Imagination lang pala.

Oo nga. Nagiimagine lang ako na nandito pa sya. Atleast,for a moment,nauto ko ang sarili ko.

Nabaling ang tingin ko sa kalendaryo. Ngayon ang ika-limang taon mula ng maging kami.

Tumulo ang aking luha.

Nasaan ka man, tandaan mong mahal na mahal kita.

“Happy 5th anniversary. Mahal na mahal kita.”


W A K A S

Wednesday, April 27, 2011

Kung Kaya Mo Ng Sabihing Mahal Mo Ako (Chapter 18 and EPILOGUE)

Photobucket

CHAPTER 18

Nakatayo lang siya sa bintana ng hospital suite na yun. Sa taas ng palapag na iyon ay nakikita niya halos ang kabuuan ng Quezon City. Halos said na ang pakiramdam niya. 

Wala ng natirang maaari pang maramdaman. Nakakalungkot na with all the wealth na nakapalibot sa kanilang pamilya ay hindi iyon naprotektahan mula sa dalawang bagay. Inggit at Paghihiganti.



Tiningnan niya ang dalawang taong natitira sa kanya ngayon. Isa sa mga ito ang salarin, ayon sa mga pulis subalit wala pa siyang balak alamin iyon. Parehas na hindi pa rin nagigising mga ito bagama't stable na ang kalagayan. Mukhang iniiwasan ng isa't-isa ang makaharap siya. Ngunit anu't anupaman ay kailangan nilang magharap-harap. May nagbabantay na pulis sa loob kung sakaling magising ang mga ito. Pinakiusapan na rin niya ang mga naging kaibigang alagad ng batas.

Naalala rin niya si Pancho. Huli niya itong nakita noong araw na may humabol sa kanila. Luckily, may nabuhay sa isa sa mga nakasagupa nila at iyon ay nasa pangangalaga na nila Rick. Mukhang nakarekober na raw ito at ngayon nga ay naghahanda ng sinumpaang salaysay sa mga pulis.

Sinulyapan niya si Elric. Nadale lang ito ng pagkakataon. Hindi para rito ang pagkawala ng brakes ng sasakyan niya. Para sa kanya dapat iyon. A strong pang on his chest came as he remembered how his brother insisted that he talk to Pancho alone and take a cab going home after they talk.

Isang swerte na buhay pa ito sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito sa isang puno sa central island. Iyon nga lang, kinailangang putulin ang isang paa nito at hindi niya pa alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalamang nailibing na ang ina sa durasyon ng pagiging coma nito. Tiyak na magiging hysterical ito. Sino ba naman ang hindi.

Nilapitan niya ang natutulog na tiyahin. Technically, ito na lang ang natitirang kamag-anak niya na kadugo talaga niya. Hindi niya alam ang iisipin kung sakaling ito ang salarin na kumitil sa buhay ng ama niya, ni Mildred at ang nagbayad ng mga tao upang patayin siya. Nakakalungkot kung magkakaganoon. Siguro napakalaki ng rason nito. Pero, mapapatawad kaya niya ito? Kung sakali man, matitiis ba niyang ilagi nito sa kulungan ang natitirang buhay nito sa mundo?

Nahahapong tumingala siya para hilutin ang nananakit na batok. Halos di na niya maaninag ang paligid sa tindi ng pagkalabo ng mata niya. Napakapit siya sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ni Mercy. Nakita siya ng pulis na nagbabantay at tinanong siya kung okay lang siya.

"Actually, No. I'm not okay. Can you take me to the sofa?" paki-suyo niya rito at agad na tumalima. Pagakaupo niya ay siyang bukas ng pintuan at pumasok ang grupo nila Rick, Rovi, Perse at yung dalawa ay di niya kilala. Basta yung isa ay may suot na salamin pero di maikakailang gwapo at may dalang laptop na agad umupo sa single seater at kinutingting na ang dalang aparato. Habang ang isa ay animo doctor na sinipat sipat ang dalawang nakahiga at nagulat pa siya ng makitang may stethoscope na inilabas sa dalang bag at maliit na flashlight at tsineck ang mga ito.

Tatayo sana siya upang pigilan at tanungin kung sino ito ng pigilan siya ni Rick. "Ah, alam niya ang ginagawa niya Gboi. Iyan si Doc Cody Unabia. Pasensiya na at inutusan ko kasi na i-tseck niya ang vital signs ng dalawa para malaman kung gising na ba ang isa or nagtutulug-tulugan na lang." mahabang paliwanag nito.

Nanghihinang bumalik siya sa pagkaka-upo at tiningnan na lamang ang doktor sa ginagawa nito. Masakit ang buong katawan niya. Halos wala pa siyang tulog. Naglamay at nagbantay pa siya dito sa ospital. Gusto niya kasing kahit anong mangyari ay naroroon siya paggising ng mga ito. Gusto niyang siya ang unang magtanong.

"Mukhang di rin maganda ang lagay mo ah. Natutulog ka pa ba?" tanong ni Rcik sa kanya.

"Oo, Colonel. Ikaw talaga. Ang taas pala ng posisyon mo inilihim mo pa sa amin." sinubukan niyang magbiro at ngumiti ng bahagya kahit batid niyang hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Hindi naman secret yun. Nataon lang na mahaba ang Lt. Col. kaya Tinyente na lang. Pero maiba tayo. Nagkita na ba kayo ni Pancho?" pag-iiba nito ng usapan saka tumabi sa kanya.

Inalok rin niyang maupo ang mga kasama nito. Nakilala na niya sina Perse at Rovi dahil sumunod ito sa kanila pagkatapos ng clean-up sa tulay. Sumama rito si Pancho para sa statements nila. Nagpaiwan na siya para asikasuhin ang kapatid at tiyahin.

"Siyanga pala. Si Doc Cody ulit at ang isang iyon na may sariling mundo ay si Jerick Salmorin. Dating sarhento ngayon gigolo." sabay taas baba ng kilay ni Rick at naki-high five pa sa mga kaharap.

Sumagot naman ang nasa single seater na di kalayuan sa kanila na mukhang naiirita na. "Feeling mo santo ka? Uy tinyente, isang demonyito na lang ang pipirma, papalit ka na kay Satanas." pang-iinsulto nito na ikinibit balikat lang ng nanunang mang-asar.

"In despair yan kaya ganyan." sabi pa ng makulit na Tinyente sabay mabilis na sapo ng ibinatong maliit na bola ng kaasaran.

"Shit ka. paano kung di ko nasalo ito?" galit na sabi ni Rick sa nambato.

"Eh nasalo mo diba? Pasensiya na, nadulas sa kamay ko." sarkastikong paghingi ng tawad ni Jerick.

"Ayos ah, kapag nadulas din ito sa kamay ko bahala ka ha." pananakot ni Rick at umayos na ng upo.

"Ang sweet n'yo naman." pang-aasar niya sa dalawa.

"Hindi ah. Iyan lang ang in-love pa rin sa akin hanggang ngayon."

"Ha-ha! I forgot how to laugh!" inis na sagot ng nasa single-seater.

"All right. Tama na iyan. Para kayong mga bata. Itigil na ninyo iyan mga lovebirds. Mamaya na. Okay?" saway ni Perse.

"Asus, naiinggit ka lang Katiyagaan eh. Halika, kiss kita dito." panunukso ni Cody na nakalapit na sa kanila.

"Hi. Cody is the name. Examining dead people is the game." nakangiting sabi nito sa kanya at naglahad ng palad.

Tatanggapin na sana iyon ng makatikim ito ng kutos sa inasar na Major. "Uhm! Umayos ka ungas. Poporma ka pa diyan eh kay Bossing na iyan." saka ito tumingin kay Rick.

"Ah ganoon ba? Pasensiya na. Kiss na lang sa cheeks? Pwede?"biro ulit nito sa kanya.

"Ha?" tanong niya. Napapantastikuhan siya sa kulit nito. Parang hindi doctor. Pero infairness, gwapo ang isang ito at malamlam ang mga mata. Nakarinig siya ng tikhim na nagpalingon sa kanya kay Rick. Nakasimangot ito at parang kakatayin ng tingin si Cody. Natawa siya sa inaasal ng mga ito.

"Ang kukulit ninyo. Para kayong mga bata." sabi niya in-between his laughter. Natigil ang tawa niya ng makitang nakatingin sa kanya ang mga ito ng may iba't-ibang reaksiyon sa mukha. Ang sa doktor ay nahihiya habang kumakamot ng ulong nabatukan. Si Perse ay parang anumang sandali ay handa siyang dalhin sa mental. Ganoon din si Rovi na kulang na lang ay tumakas sa loob ng kwartong iyon. Si Jerick ay passive at muling bumalik ang atensiyon sa laptop habang si Rick ay masama ang tingin sa kanya.

Kumalma siya at inalis ang bara sa lalamunan bago nagsalita. Huminga pa siya muna ng malalim bago sinalubong ang naiinis na tingin sa kanya ng Colonel. "Anong problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?" natatawa pa rin siya pero pinipigilan niya iyon.

Umiling ito. "Wala lang." parang sira na sabi nito saka kinuha ang folder na hawak ni Rovi. "Oh basahin mo. Kaysa tumitingin-tingin ka sa iba." saka nito paisang ibinigay sa kanya ang folder.

"Ano ba ito?"

"Reports iyan ng mga insidente involving your brother and Aunt."

Binuklat niya iyon at nakita niya ang pangalan ng kanyang tiyahing si Mercy. Ayon sa report ay nakita raw itong lumabas ng hotel na pinagtuluyan nila ng gabing matagpuang patay si Mildred sa mansiyon. Bibili yata ito ng gamot dahil ayon sa napagtanungan ay nagtanong daw ito sa gwardiya kung saan may malapit na botika. Ipinasya raw nitong maglakad ng malamang ilang kanto lang ang lapit ng nasabing establisyimento. Ilang saglit lang ay nakita na itong nakahandusay sa kalsada gawa ng pgakakabundol sa isang sasakyan.

Nagulat daw ang nagmamaneho ng sasakyan dahil itinulak lang daw ito ng kasamang lalaki na may hawak dito pagkatapat ng sasakyan nila sa mga ito. Mabilis ang takbo nila kayo ito nabundol. Nakita naman ng ilang bystanders ang lalaki kaya nahuli ito at nabugbog pa ng magtangkang manlaban. Sa kabilang papel ay nakita niya ang larawan ng isang lalaki.

"Sino ito?"

"Iyan yung lalaking tumulak sa biktima." si Perse.

"Parang familiar siya sa akin." sabi niya at nahuli niya ang pagtitinginan ng mga ito.

"Pamilyar talaga dahil iyan ay ang kalaguyo ni Mildred na minsan ay naging hardinero ninyo." si Rick.

"Oo nga. I saw him before. Pero anong pangalan niya?"

"Nandiyan sa report."

"Josefino Jurado." wala sa loob na sabi niya. Nanginig na lamang bigla ang kamay niya sa galit. Bigla ang pag-ahon ng emosyon sa dibdib niya para sa lalaking gumawa ng kalapastanganan sa tiyahin niya.

"Bakit niya raw ito ginawa?" nakatiim-bagang na sabi niya? Asking no one in particular. He just kept looking to man on the picture. As if by doing so, he would inflict the same damage to this bastard.

"Actually andito rin sa report. Pero since emotional ka na. Let me just tell it to you." si Rick at inagaw sa kanya ang folder. Hindi naman niya iyon inintindi pa. Ito na ang pagsisiwalat na hinihintay niya.

"Ayon sa imbestigasyon. Noong madaling-araw na maaksidente si Mercy ay inaabangan na talaga kayo doon ng suspek na si Josefino Jurado. Nakita siya ng ilang tauhan ng hotel at mga bystanders na matagal ng nakatayo o naghihintay sa waiting shed sa labas ng hotel. Kahit sino sa inyo ay maari niyang kantiin gawa ng ang sabi niya ay ipinaghihiganti lang niya si Mildred. Isa pa, utos ni Mildred na alisin ang babaeng ito sa buhay niya."

"Why?" shocked niyang tanong.

"Dahil sa insultong pagtanggap ng iyong ama sa biktima. Dagdag pa iyan ni Jurado."

"But it was her birthright. Hindi niya dapat iyon ikagalit. Siya nga na dating sekretarya ng Daddy ay hindi ko na kinontesa na pinamanahan ng malaki dahil sa asawa siya. Ang mansiyon ng mga Arpon ay mananatili lamang sa mga mansiyon." mariing sabi niya.

"Unfortunately ay hindi niya nakikita iyon."

"Okay. Ano pa ang nasa report? Sino ang pumatay sa D-daddy." bigla siyang naging emosyonal. Siguro ay dahil sa ilang araw na rin siyang walang tulog.

"Well. Sa paglilibot namin sa mansiyon ninyo ay nakakuha kami ng mga substancial evidences na may kaugnayan sa kamatayan ng mga namatay doon. Like yung marbles na nakita namin sa scene of the crime. Pati iyong syringe na ginamit para sa champagne ng Tita Mildred mo and iyong insecticides na nasa bodega. Gumamit pa kami ng mga canine specie para lamang duon. Malakas kasi ang kutob naming naroroon din ang mga ebidensiya, at hindi nga kami nagkamali. Iyong iba ay ibinaon ang iba ay nasa loob ng bodega na itinago kasama ng ilang kagamitan doon."

"So ibig sabihin, nasa mansiyon din ang pumatay sa Daddy ko at Tita Mildred?"

"Oo. Noong gabing namatay si Don Armando ay ang Tita Mildred mo ang tumawag sa ospital hindi ba? Parang mali naman na mauuna kang tatawag ng ambulansiya kaysa ng tulong sa paligid mo pagkatapos mong makita ang asawa mo na nakahandusay sa ibaba ng hagdan.. A scream for help would have been sufficient enough para makakuha ng tulong sa mga kasama sa mansiyon."

"What are you saying? Si Tita Mildred ba ang pumatay sa Daddy?" nasosorpresang tanong niya.

"Yes. Nagtatalo sila ng Daddy mo noong gabing iyon bago maganap ang krimen. She made it looked like an accident. Nakalagay na ang mga holen sa hagdanan at kailangan na lamang ay ang presensiya ng Don sa crime scene. Tumutugma rin ito sa isang salaysay ng katulong na nagkataong nasa itaas at may kinuhang labahan sa mga kwarto sa itaas na nakaligtaan niya. Narinig daw niyang nagtatalo ang mag-asawa at pinapalabas ng Donya ang Don sa kanilang kwarto. Nakababa na ang katulong at nagtuloy sa servant's quarter na nasa kabilang wing ng mansiyon kaya duon siya bumaba sa kabilang panig ng hagdanan. Hindi na rin niya narinig ang pagkalabog ng Don dahil sa earpiece na inilagay niya sa tenga."

"It doesn't make sense. Wala siyang mapapala kung papatayin niya ang Daddy dahil protektado ito ng pre-nuptial agreement nila. Anong ugat ng pagtatalo nila?" manghang sabi niya.

"Lucky for us. Naiwan ng Daddy mo na naka-on ang surveillance camera niya sa kwarto. Naghalughog lang kami at sinuwerte na nakita namin ang bug na nasa ibabaw ng antigong aparador at naka-konekta sa isang connecting room na mukhang sikreto sa karamihan dahil maliit lang ito at kailangan mong buksan mula sa mga naka-display na libro sa estante."

Duon lumapit sa kanya ang kaninang busy na si Jerick at inilapit sa kanya ang laptop na naglalaman ng video na sinasabi ni Rick. Nagugulat siya sa nalalaman. Hindi niya alam na mayroong ganoon ang kanyang ama, but thank god for little mercy. Mukhang makakatulong ito sa kaniya.

"Lakasan mo ng kaunti at paki-ulit mo." sabi nito sa kasama.

Nang maiharap sa kanya ang aparato ay nagsimula na ang video na ipinapakita sa kanya.
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Mildred sa paligid.

"That is unfair Armando! Utterly disgusting and unfair! Bakit kailangan mong isama sa will mo ang bastardang babaeng iyon?" sigaw nito sa ama niya.

"You don't get it Mildred. I have to. Hindi na nga siya kinilala ni Papa ng maayos. Ako pa ba na kapatid ang magkakait sa kanya ng karapatan niya sa bahay at sa pamilya na ito? It's time to build the bridges that once was burned. Matagal ng wala ang Mama, hindi na dapat pang intindihin ang galit niya kung isasama ko ang ate sa last will and testament ko."

"But it doesn't make any sense at all honey. Hindi mo na kailangan pang kilalanin ang bastarda mong kapatid. Panatilihin mo na lang na ganoon ang mga bagay. Mas makakabuti iyon." prantikong sabi nito.

"There's no way na tutulad ako sa Papa. Kung susundin ko ang sinasabi mo. Wala na ang Ate Mercy ay hindi pa niya nakukuha ang dapat na para sa kanya."

"Let her rot in hell. That old hag. Pabayaan mo na siyang ganyan. Hindi naman niya siguro mamasamain kung sakaling hindi na siya pamanahan. After-all your family has been very good to her. Hindi na siguro niya iyan hahabulin pa?" matalim ang dilang sabi ng madrasta.

"Ah Mildred! How did I marry a bitch like you? Wala kang puso. Hindi ka pa makuntento sa kung ano ang ibibigay ko sa iyo. The companies are Gboi's birthright. As well as the house. Nakasaad iyan sa testamento. Check with Benedict if you want but I won't hear any of this now. Let me sleep for the love of Christ! Will you?!" napipikong sabi ng ama.

"Well, if that is the case. Sleep outside Armando. I don't want to see your face here when I wake up." tumayo ito at iminuwestra ang pinto.

"What? I can't sleep in my own room? In my own bed? What kind of a sick joke is this?" napupunding turan ng kanyang daddy.

"This s no joke honey. It's either I'll sleep here alone or I'll go out and find myself a hotel to sleep to." banta nito.

"Fine. Go outside. If you think I didn't know that you are meeting with someone, you had another think coming. Hindi ako natutulog sa pansitan, Honey! You sleep here. I don't care. I'd rather trust a snake this time." maanghang na bulalas ng ama sa esposa.

Nakita niyang namutla ang madrasta at sinundan ng tingin ang asawa na ngayon ay palabas na ng kanilang kwarto. Saglit lang itong natilihan at matagumpay na ngumiti bago sinundan ang asawa. Nakalipas ang ilang minuto ay may mahinang kalabog siyang narinig sa paligid. Pagkatapos ay ang humahangos na itsura ng kanyang madrasta na tumatawag sa telepono.

Nakaharap ito sa camera at hindi nito itinago ang ngiti sa labi habang nakikipag-usap sa telepono at umaarte na nadisgrasya ang esposo saka malakas na tumawa pagkatapos na tapusin ang tawag. Muli itong lumabas at pagbalik ay may dala na itong bag na may lamang kung ano. Doon natapos ang video.

"Walang-hiya siya. I don't want to speak ill of the dead but she deserved to die. Whoever might've killed her." maigting na sabi niya.

Walang umimik sa mga kasama niya sa kwarto. Nanaitili lamang ang mga ito sa pananahimik nila. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bakit kailangan niyang patayin ang kanyang ama? Dahil sa pera? Heto pa, kailangan pa niyang malaman kung sino ang gustong pumatay sa kanya kung patay na si Mildred? Tuluyan ng nawala ang galang niya sa madrasta.

"I guess you want to know kung sino ang mga nakasagupa ninyo? Tama ba?" tanong ni Rick.

"Tama ka." iniabot nito ang isa pang folder sa kanya. Report iyon ng aksidente ni Elric. Binasa niya iyon at nanlaki ang mata niya ng mabasa ang kabuuan ng report. Nalaman niyang pagkatapos na basahin iyon ay pigil niya pala ang hininga. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang nasa paligid. Lumapit siya sa kapatid at halos hindi siya makapagsalita sa sobrang shock na nadarama.

"How could you, Elric?" nanghihinang sabi niya. Napaupo siya sa upuang katabi ng higaan nito. Napasabunot siya sa buhok niya. "After all this time. Alam mo kung sino ang may gawa ng lahat ng ito and yet you remained silent and tried to kill me and Pancho in the process." sabi niya habang nakayuko. Halos ang kausap ay ang sarili.

"Actually. Si Elric ang nagtatago ng missing link sa lahat ng ito. Siya ang pumatay sa kanyang foster mother na si Mildred. Salamat kay Jerick at na-trace namin ang pinagmulan nilang dalawa at nalaman namin na halos tiyahin na lamang niya ang babae. Pinatay niya ito sa konklusyon namin na nalaman nito ang pagpatay ng ina sa amain. Kinumpronta nito iyon na nauwi sa pagpa-plano nito na patayin ang ina-inahan. Nagulat din kami sa natuklasan namin at ipa-tseck pa namin sa NSO ang authenticity ng mga birth certificates na tutugma sa relasyon nilang dalawa. Buti na lang at may Archives Hacker tayo rito." sabay high-five ng tinyente kay Jerick.

"Hinid niya pala talaga ina ito kaya nagawa niyang patayin. Hindi na nakakapagtakang ako rin ay pagplanuhan niya." mapait na sabi niya. "So siya ang nabiktima ng sarili niyang kagagawan?" pangungumpirma niya sa naging dahilan ng pagkaka-aksidente ng kapatid.

"Tama. Nakuha rin sa sasakyan ang mga cellphones at sim cards na ginagamit nito para i-text si Pancho. But I think may conflict dito. Ang totoong may-ari ng mga cellphone at sims ay walang iba kung hindi si Mildred. Nakita namin ang ibang mensahe sa ibang sim cards na ginamit nito pagte-text. Kasama na ang unang text at rehistro ng tawag bandang madaling-araw sa dalawang numero. Kukumpirmahin lang namin na ang mga numerong ito ay sa inyo." Nagdial ito at nag-ring ang cellphone niya.

Naalala niya ang madaling-araw na may tumawag sa kanila ni Pancho na nagsasabing alam nito ang relasyon at kung nasaan silang dalawa. "Pero hindi lalaki iyong tumatawag? takang-tanong niya sa mga ito. Nagdial ulit si Rick at inanyayahan siyang sagutin ang tawag. May pinindot ito at naging boses babae ito. Nakuha niya agad ang ibig sabihin non. Isa iyong uri ng cellphone na kayang magbago ng boses. Maraming kagaya nun sa greenhills.

Napupuyos na sumandal siya. "So, she killed my father and then kept Pancho posted. Bakit hindi kayo gumawa ng entrapment dito? And how did you come up with Elric killing Mildred?" sunod-sunod niyang tanong sa mga ito.

"Here." ibinigay nito ulit ang report.

"He killed her by trying to poison her. Ang kaso sa nipis ng karayom ey hindi lahat nai-secret sa loob ng bote ng champagne ng i-inject niya ito through the cork. Nakatulog si Mildred at nadulas ang ulos sa pagkakasandal na naging dahilan para malunod siya. Binalikan siya ni Elric sa loob ng banyo ilang oras matapos niyang makita ang ina na pumasok sa kwarto nito. Nang makita niya siguro na nakalubog ito ay iniangat nito iyon at saka ini-ayos ng higa sa tub."

"Sa taranta niya siguro ay di sinasadyang nahawakan niya ang faucet ng tukuran niya ito para maiayos ang ina sa pagkakahiga nito. He didn't notice also the trace his shoes made on the tiles. Hindi alos maaninag iyon but nagawan ng paraan ng mga SOCO. Na-trace sa kanya ang prints at ang syringe na ibinaon niya sa garden na nakita namin using the dogs."

"Natuklasan rin niya ang mga cellphones at sim na ginamit ng ina at ipinagpatuloy ang pagtetext sa mga ito na ituloy ang plano. At sila ang mga nakasagupa ninyo. Sila rin ang nagtanggal ng brakes sa Hummer mo na hindi sinasadyang nasakyan ni Elric. He was trying to meet up with them ng maalalang iyon ang sasakyan na pinatatanggalan niya ng preno. At iyon nga. Minalas siya."

Everything is now in the open. Isa na lang. Ano ang tunay na motibo ni Josefino Jurado at itinuloy pa rin ang tangkang pagpatay sa kanyang tiyahin? Isinatinig niya iyon.

"Well, ang sabi niya ay si Mercy ang pinagbibintangan niyang pumatay kay Mildred na kalaguyo niya."

"Bakit kailangan niyang patayin ang nanay niya?" tukoy kay Elric.

"We suspected that he killed her because of one single reason."

"What reason?"

"That he won't have the control over your father now that he is dead. He blamed his mother for that and since she's not his real mother so he decided to kill him. Idinugtong lang namin ito sa mga salaysay ni Pancho na Elric was pinning for your company's presidency."

"Yes, that makes sense. And all the killings made sense now. Naalala ko. Since wala pa akong will. Kapag nawala ako ay open-contest ang lahat ng ari-arian until to the next of kin. That's it." nahahapong sabi niya.

Walang naka-imik sa mga ito. Galit na galit siya. Gusto niyang gantihan ang katabing si Elric at ihagis ito sa bintana. Gusto niyang magwala, pero what for? Para saan pa ang pagganti? Ang akal niyang nawala ng luha sa mata niya ay agad na bumukal. Ngumuyngoy siya sa kanyang palad na nakatakip sa mukha niya. Wala na siyang paki-alam. Pare-parehas lang ang mga ito. Si Mildred, Si Elric at maging si Pancho.

Lahat sila ay mapaghiganti. Lahat ay nababalot ng poot ang puso. Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang mapag-isa. Nakakalungkot lang. Kahit ganoon pa ang mga nangyari ay may pitak sa puso niya ang mga ito lao na si Pancho. Na minahal niya ng labis. Mabuti pa sigurong hindi na siya bumalik. mas maayos pa ang buhay niya siguro.

Tumayo siya. Pinahid ng palad ang luha. "Are you okay?" tanong ni Rick.

"No. But I soon will be. Can you do me a favor?" he asked bitterly.

"What is it?"

"Can you help me get away from here? I'll leave a check. Paki-ayos na muna ang lahat dito. Make sure this bastard rot in hell pagkagising niya and get my aunt out of his reach. Lalayo muna ako. Kahit saan. Tulungan mo ako, Rick. Please." nagmamaka-awang sabi niya habang bumubukal ang luha sa kanyang pisngi.

"Okay. Are you sure." medyo hesitant na pagpayag nito.

"Hell yeah!" full of conviction na sabi niya.

"Come with me." then he reached for his hand.

"Ikaw na muna ang bahala rito Perse." baling ni Rick sa kasamahan.

Tumango ito. "Wait." Pahabol na sabi niya.

"Please I don't want Pancho to know about this."

Napipilitang tumango si Rick at niyakag na siya palabas ng hospital suite.


Itutuloy...

EPILOGUE

Maganda ang panahon ng araw na iyon. May mangilan-ngilang foreigner at Pilipino ang nasa laot din tulad niya habang nakasakay sa surfboard. Kahit paano ay naaaliw siya at napapalipa ang kanyang oras ng hindi niya kailangang mag-isip. He dreaded the idea of getting home. Magiging mag-isa na naman siya at di na naman niya mapipigilang mag-isip.

Nang matapos mag-surf ay nagliwaliw pa siya ng kaunti sa isla. Tumingin-tingin siya sa mga souvenirs na nasa mga tindahan. He was in Siargao. Pero hindi siya doon nagtatago. Paiba-iba siya ng destinasyon. He can't afford to stay in one place for he didn't want Pancho to see him again. The last time he saw him ay nasaktan pa niya ito sa kakapilit na mag-usap sila.

Sa nakalipas na limang buwan ay ganoon ang sistema niya. Gamit niya ang sariling yate na binili niya sa isang kaibigng taga-Marina ng magpasya siyang lumayo dahil sa mga natuklasan. May kalakihan iyon kaya halos gawin niya ng bahay iyon. Convenient para sa kanyang naglalagalag.

Nakakatawa na para sa edad niyang iyon ay saka siya nag-istokwa. Pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Para kasing sasabog na ang pakiramdam niya kung hindi siya lalayo muna. Nahihirapan pa rin siyang tanggapin na ng dahil sa pera ay halos maubos ang kanyang pamilya. Puro may intensiyon ng paghihiganti ang nakapalibot sa kanya kaya kahit si Pancho ay hindi niya makuhang mapalapit ulit. Natatakot na siyang sumugal.

Noong araw na "inilayo" siya ni Rick ay nagtungo sila sa Cebu. Panay ang tawag noon ni Pancho na hindi naman niya sinasagot. Pati kay Rick ay humihingi pa ito ng tulong kung hindi lang niya napaki-usapan ito na ilihim kng nasaan siya. Nang sumaglit to sa Maynila para sa follow-up ng tungkol sa kaso ay tumalilis siya papuntang Olongapo by booking the last flight for that day sa Subic.

Pagdating doon ay tinawagan niya si Attorney Pangan para ipagbilin ang lahat. Ang kumpanya ay ini-lease niya for sle sa may pinakamataas na share dito kasunod sa kanya na kaagad namang binili nito in a condition that the employees would not be affected by the transition of owners.

Ipinagbili na rin niya ang mansiyon at sa villa na lang pinatira ang tiyahing si Mercy ng magkamalay ito. Sa ngayon ay nakarekober na ito bagama't naka-cast pa rin ang nadamaged na binti. As for Elric, tinakasan nito ang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng ospital ng makatulog ang bantay nito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang gagawin nito. He felt sad na hindi ito mako-convict sa mga pagkakasala nito but the other side of him is telling him that justice was served already.

He strolled the beach a little while carrying his diving board. Ilang saglit lang ay napag-pasyahan na niyang magbalik sa dock area kung saan naroon ang kanyang yate. Malapit na siya ng marinig niyang bukas ang stereo ng sasakyan. At naka-full blast iyon and it was playing an Aerosmith song. Kinabahan siya. Paborito niya iyon. Dali-dali siyang umakyat doon at galit na galit na hinanap ang paki-alamerong nagpapatugtog doon.

Pababa na siya sa cabin ng makilala niya ang boses na sumasabay sa kantang iyon ni Steve Tyler. Singing his heart out. At maganda ang boses. Nasa may bandang pantry ito. He was wearing a board shorts that fitted his masculine hips and those oh so adorable pair of butt cheeks.

That kinda lovin'
Turns a man to a slave
That kinda lovin'
Sends a man right to his grave...

Pagpapatuloy pa rin nito sa pagkanta. It was his favorite rock song. And this guys has no right singing it not because he can't sing well. He was invading his turf. And why did he have to be so damed sexy while cooking in his little kitchen?

He didn't have a shirt on. Instead, he was wearing his apron. Nakatalikos sa kanya ito exposing beautifully muscled back. Nag-flash back sa isip niya ang mga sandaling nakakapit siya sa katawan nito. That alone made him ache for this guy. Pero hindi na siya makapagtitiwala rito.

I go crazy, crazy, baby, I go crazy
You turn it on
Then you're gone
Yeah you drive me
Crazy, crazy, crazy, for you baby
What can I do, honey
I feel like the color blue...

Hinayaan niya muna itong magngangawa duon. Hindi naman masama sa pandinig ito eh. Saka nag-e-enjoy pa siyang pagmasdan ito. Sa sobrang enjoy niya siguro ay hindi na niya namalayang pinatay na nito ang stereo sa pamamagitan ng remote at ngayon ay nakaharap na ito sa kanya at kumakanta habang papalapit sa kanya. Looking at him intently.

Come Here baby
You know you drive me up a wall the way you make good on all the nasty tricks you pull
Seems like we're makin' up more than we're makin' love
And it always seems you got somn' on your mind other than me
Gboi, you got to change your crazy ways
You hear me

He smirked as heard his name on the song. Aminin man niya o hindi ay kinikilig siya. Pero hindi siya nagpahalata. Nagtaas siya ng kilay ng lumapit pa ito ng husto. He was now an inch closer to him. Tinititigan siya nito ng husto. Gusto namang matunaw ng mga buto niya sa tuhod. He felt like jell-o all over. Iba talaga kapag tinitingnan ka ng taong mahal mo. Dama niyang lahat ng pag-aalinlangan na nadarama niya ng mga nakaraang araw ay katulad na lamang ng mga nagdaang araw na iyon. Lumipas na.

"Hello Sweetheart. Did you miss me?" he said huskily. Never for a moment that his eyes left his. Napapaso siya sa maamo at masuyong pagtingin nito sa kanya pero ayaw niyang tigilan ang pakkikipag eye to eye contact dito. Masarap kasi sa pakiramdam.

"Hmm? You asked something?" he teased.

"Did you hear me? Nakapaloob lahat sa kantang iyon ang nilalaman ng damdamin ko. Kung paanong naloloko na ako sa kakaisisip sa'yo." Pancho said as he moved a litle closer. Magkadikit na magkadikit na halos ang mga katawan nila. His breath fanning his face. He smelled fresh. Di niya maiwasang titigan ang mga labi nito na tila nag-aanyaya ng ilang libong pangako ng ligaya. Napalunok siya;

"Did you say something?" he concentrated on his eyes.

"I just sang sweetie. Hindi ka talaga marunong makinig." Pancho still seriously looking at him.

"I didn't hear you." he joked.

"Sayang. Kasi nasa kantang iyon ang lahat ng nilalaman ng damdamin ko. Pero okay lang. Hindi naman ako magsasawang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko." seryoso pa ring pahayag nito.

"I told you Pancho. Its not going to work. Ayoko ng makipag-relasyon." biglang sabi niya. Obviously trying to look tough in front of him. Mukhang mahirap pero kailangan niyang pangatawanan.

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan. I told you I'm sorry Gboi. Kung nagawa kong lokohin at gamitin ka para sa sarili kong intensiyon ay may balik naman sa akin iyon."

"And what is it?"

"Hindi mo kasi ako pinakikingan eh. I'm always trying to say I love you pero lagi mo akong itinataboy. Nang tinangka kitang paibigin, It backfired. I just didn't notice it a t first." halos desperado na nitong sabi sa kanya.

A very good feeling surrounded his heart. But he had to be sure. Ayaw na niyang magkamali ulit. The last time he let his heart decide over his fate it only turned his world outside down.

"You love me? Gaano kadali para sa iyo na bitiwan ang mga salitang iyan Pancho? At gaano kadali sa tingin mo ay paniniwalaan ko ang mga sinasabi mong iyan? mapait niyang tanong.

Bumalatay ang sakit sa gwapong mukha nito. Umiling-iling muna ito bago nagsalita. "You think it was a very convenient lie for me? Ano ba sa tingin mo ang mapapala ko kung sabihan kitang mahal kita?"

"I don't know. Money perhaps?"

"Damn you Gboi. I don't need your money. I have mine to last me a lifetime. Kaya ko ring suportahan ang luhong kinasanayan mo o makipagsabayan man lang sa mga kapritso mo." nanggigigil na sabi nito.

"How on earth did that become possible?" naguguluhang tanong niya.

"Maybe its time you get rid of that Pancho name. I'm Carmencito Vergara, President and the sole owner of Vergara Motors. 32 years old. Wala naman akong anak sa pagkabinata sa pagkaka-alala ko. Certified single pero ang puso ay taken." seryosong sabi nito at inilahad pa ang kamay sa kanya.

Napatunganga siyang saglit sa nalaman. May-ari pala ito ng isa sa pinakamalalaking car manufacturers sa bansa at sa ibang panig ng mundo. Hanggang natawa siya sa ginawa nito pero di niya tinanggap ang kamay na inilahad sa kanya. "Funny you should do that Pancho. Nagawa na natin halos ang lahat ng bagay pero hindi pala kita kilala ng lubos bukod sa ang alam kong tawag sa iyo ay Pancho. So, kung nagawa mong ilihim sa akin ang lahat ng iyan, paano at bakit pa kita paniniwalaan? It only shows how little I know from you pero nagawa kong ibuhos ang damdamin ko sa'yo." pagpipilit pa rin niya.


"Hindi ka rin madaling kumbinsihin no? Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo yun noon? Ganito ba? Ah hindi totoong Pancho ang pangalan ko at ginawa ko lang iyon para makalapit ako sa iyo at magantihan ko si Elric na kapatid mo. How about that?" naiinis nang tanong nito.

He almost burst into laughing pero nagpakapigil-pigil siya. He was enjoying it. The proximity between them is intolerable. Gusto na niyang yakapin ito at kuyumusin ng halik. Pero may time pa naman. Later na. Pilyong sabi ng isip niya.

"Iyon na nga eh. Wala akong kinalaman sa inyong dalawa. Bakit ako nadamay at naging collateral damage pa." nagtatampong sabi niya kunwari.

"I know and I'm sorry for that. Hindi ko alam pero ng mahuli kitang nakatingin sa akin sa airport eh iyon na ang pumasok sa isip ko kaagad. Maybe I didn't know I was really attracted to you. Well who wouldn't? Ang cute-cute mo kaya." pinisil pa nito ang pisngi niya.

"So ganoon na lang iyon? Sorry na lang ako. Babalewalain ko na lang iyong sakit ng loob na natamo ko ng dahil sa iyo?" pagpapanggap pa rin niya kahit umaapaw na ang kilig niya.

"Hay! Nag-eenjoy ka dito eh no? Gustong-gusto mong mahirapan ako pero deep inside eh kilig na kilig ka naman." he stepped back a little that he felt something was taken from him that he couldn't fathom what.

"I'm not the one who just barged in here and took the liberty of turning my stereo on and cook something..." he looked at the cooking pan in he stove. "...toasted?" then he laughed.

With that being said, Pancho hurried back to the stove and turned it off. Agad nitong inilagay sa sink ang nasunog na niluluto nito. Halos maglupasay na siya sa kakatawa ng balikan siya nito na nakangiti rin.

"I'm glad I made you laugh." sabi nito at ikinulong ang kanyang kamay sa mga kamay nito.

Naputol ang pagtawa niya at hindi agad siya makapagsalita. He tried to pull his hands away but he wont let go. Hinayaan na lamang niya. Talo naman siya palagi sa lalaking ito.

"Thank you Gboi." he said sincerely.

"For what?"

"For this."

"This what?"

"For leting me stay here. Kahit na galit ka."

"Tama ka. Galit pa rin ako. Pero hindi sa iyo. O kahit na kanino pa man." that was true. Nawala na ang galit sa puso niya para rito. Natira na lang ay pag-aalinlangan.

"Then how come you won't keep me?" tanong nito.

"I'm just afraid Pancho or Ito or Mr. Vergara or whatever your name is. I'm just afraid." sabi niyang bahagyang nakangiti.

"Afraid of what?"

"Afraid to love again." he looked in his eyes. "To trust again." he added. "What if I indulge myself with your offer and you hurt me again? Ano lang ang mangyayari sa akin?" malungkot niyang tanong.

Pancho stared at him. Hindi niya inalis ang tingin dito. Gusto niyang makita ang sinseridad na hinahanap niya.

"Don't be afraid to love Gboi. Don't." he said as he touched the contour of his face. "For whatever we try to do. Love will always be the most fragile thing in this world. And we are not its best caretakers. Kahit gaano pa natin protektahan ang sarili natin mula rito or ito mula sa atin. We just meddle through it and do the best we can. Hoping that this fragile thing would survive, against all odds." his words felt like a warm blanket that covered his cold heart.

Tama ito. Hindi niya dapat ito iwasan. Hindi siya dapat matakot magmahal muli. Mahal naman niya ito eh. Hindi siya tumigil sa pagmamahal dito.

"But what if you hurt me again. What if I screw-up habang tayo pa?" huling hirit na niya ito.

"We're not perfect Gboi. Any of us. We make mistakes. We screw-up. But we forgive and move forward. Walang rason para mabuhay tayo sa galit. Naranasan ko iyan and I'm telling you. It didn't feel good."

He sighed. He's absolutely right. Kailangan lang niyang magtiwala rito. Hindi na siya dapat magpatumpik-tumpik pa. Siya na ang yumapos dito para tuluyang magdikit ang mga katawan nila.

"Salamat Pancho."

"No. Thank you. Thank you for coming to my life."

"Ang corny mo."

"Ganoon talaga. Hindi ko nga mabilang ang oras at araw na halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano kita makukumbinsi to take a chance on me."

"Really? I didn't know you were that persistent." he teased.

"Ah ganoon." he kissed him. Wantingly, he grabbed his nape para mas dumiin pa yun. "WHoa!" natatawang kumalas ito sa kanya. "Relax sweetie." sabi nito saka pinisil ang baba niya. Nakuntento na lang ito sa pagkakahawak nila ng kamay.

"Let's talk first. Okay?"

He rolled his eyes. "We've been doing that since thirty minutes ago." natatawang wika niya pero nagpaubaya siya.

"Paano mo pala nalaman kung nasaan ako?"

May itinaas itong isang maliit na monitor na pang GPRS at may signal na kulay pula na umiilaw. Napapantastikuhang tumingin siya rito.

"I'm bugged? But where?" takang tanong niya.

"I don't know. Rick gave this to me after I punched the hell out of him ng hindi niya sabihin kung nasaan ka." he said casually.

"Ikaw ang hilig mong manakit."

"Eh ikaw, bakit sa kanya ka pa nagpasama?"

"Nagpatulong lang ako. Kita mo nga tinakasan ko siya."

"Alam mo kasing may gusto sa iyo yung tao kaya di ka niyaya mo."

"Patawa ka. Si Rick? May gusto sa akin?"

"Nya nya, si Rick? May gusto sa akin?" he parroted in a child's voice.

He chuckled on that sweet jealous gesture. Yumakap siya rito. He just hugged him tight. Naiiyak na halos siya sa sayang nararamdaman. Namamasa na ang mata niya.

"I love you." anas niya.

"Mas mahal kita."

"Kailan pa?" tanogn niya.

"Maybe when I first saw you. Maybe when I first kissed you. I don't know. All that matters to me is, kahit ano ka pa, kahit nasaan ka pa. Hahanapin kita dahil mahal kita. Kaya nga lapit ako ng lapit sa'yo kahit galit ka na kasi Mahal kita. Mahal na Mahal. And I'm willing to move heaven and earth to make you realize that you still love me at hindi totoo ang ipinasabi mo kay Rick na hindi mo na ako mahal." madamdaming pahayag nito.

Naalala niya iyon. Natawa ulit siya."Damn you Gboi. I didn't know na ang makukuha kong reception sa pagtatapat ko ay pagtatawanan lang ako. Much worst is by the man I love." galit na sabi nito.

He cupped his adorable face. Kissed him hard. Kissed him wet until he felt his own reaction to that intense kisses. Hinihingal na kumalas siya rito.

"What was that for?" takang tanong nito.

"Ang daldal mo kasi." nakangising sabi niya.

"Ang kulit mo kasi. Tawa ka ng tawa pagkatapos kong magtapat." nagmamaktol na sabi nito.

"It doesn't matter for me kung kailan mo ako minahal. Ang mahalaga, mahal mo ako. Mahal na mahal. At mahal na mahal din kita." puno ng pag-ibig na sabi niya.

"So we're on? Officially?"

"Asus. Oo, official na tayo." tukso niya.

"Guide me through this Gboi. Bago lahat sa akin ng nararamdaman ko ngayon. Lalo na sa ganitong relasyon." sinserong pahayag nito habang nakatingin sa kanya ng puno ng pagmamahal.

"Of course. Just always listen to what your heart is saying. And I don't think I will need again my list."

"What list?"

"The list I made until you can tell me you love me too."

"Where is it?"

Itinuro niya ang sentido at puso. Nakaka-unawang inakbayan siya nito palabas sa upper deck. Hindi niya inalis ang kamay nito at inihilig pa ang ulo sa balikat nito. He kissed his forehead. Their eyes met. Nagsusumamo ang mga mata nito na bumababa taas ang tingin sa kanyang mata at labi. He initiated the kiss. A very sweet kiss that melted his heart and made it surrender to his feelings;

Nasa kalagitnaan na sila ng paghahalikan ng makarinig sila ng mga palakpakan at flash ng mga camera. Nahihiyang yumuko siya habang si Pancho ay parang balewala lang. Gusto sana niyang bmaba na ng dahil sa hiya. Those pictures will surely hit the newspaper tomorrow but Pancho wouldn't let him go. Niyakap lang siya nito ng mahigpit.

"Huwag kang matakot. Nandito lang ako. Wala tayong paki-alam sa kanila. Okay?" puno ng seguridad na sabi nito.

"Hahaha, sige. I don't have anything to lose now." natatawang wika niya. Inakbayan ulit siya nito at kumaway pa sa mga miron na nagpi-picture sa kanila.

"Are you a couple?" sabi ng foreigner.

"Yes mam." nakangiting sabi ni Pancho sa nasa kabilang yate.

"How sweet." anito saka inaya ang asawa na mukhang natulala na sa nasaksihan na halikan nila.

"Why don't we give him a show?" Pancho asked.

"Sure." pagsakay niya.

Then they kissed again. And hurried downstairs to make up for the lost time. True to his words, Their picture was on the news the next day. Tinawanan lang niya iyon. Inulan sila ng tawag na napilitan siyang magpalit ng numero. They became celebrity because of that although wala silang pinapayagan na interview. Maybe some other time. Kay Boy Abunda siguro na tinawagan din sila.

Sa ngayon ay i-eenjoy muna nila ang isa't-isa. Masyado pang bago ang relasyon nila and they want to take it one at a time. They have the world ahead of them. And he have Pancho to hold on to. Wala na siyang paki-alam sa iba. Silang dalawa lang ang importante.


WAKAS

Kung Kaya Mo Ng Sabihing Mahal Mo Ako (Chapter 16 and 17)

Photobucket
Follow my blog by clicking ME <<<CLICK


Enjoy...


CHAPTER 16

Napalunok siya ng marinig ang boses ni Pancho sa kabilang linya. Hindi siya halos makahinga. Noon niya na-realize na nami-miss na niya ito ng sobra. He ached for him. Mabuti na lang at wala ito sa harap niya kung hindi ay nakita na nito ang agad na pagiging uneasy niya. Nang maalala niya ang panloloko nito at kung paano nitong binalak na gamitin siya sa balak nitong paghihiganti ay umapaw ang sanlaksang galit sa kanyang damdamin. Mas pinili niya ang magalit. Mas safe iyon.

"What are you up to Pancho?" malamig niyang tugon.

"I don't have anything to do with these killings Gboi. Hindi ako ang may pakana nito kung iyon ang iniisip mo." diretsong tugon nito na waring nababasa ang nasa isip niya.

"Well its very convenient for you to invent one lie after another. Siyempre, sino pa ba ang pwede naming pagbintangan eh ikaw lang ang alam kong may motibo."

"Oo. May motibo ako, noon, ay ang ipaghiganti ang kapatid ko sa walang-hiyang kapatid mo. Pero nagbago ang isip ko ng mamatay ang Papa mo. Naisip ko na wala--"

"Oh! Tell that to the marines Mr. Vergara. I have nothing to do with your vengeance in the first place. Bakit kailangang idamay mo ako." putol niya sa sinasabi nito sa mapait na tono.

"Lagi kang ganyan. Hindi mo ako pinagbibigyang magsalita. You always cut me--"

"I really love to cut you, for real Pancho. Big time."

Bumugha ito ng hangin. "Listen. Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan Gboi, ang importante ay malaman mong maaring katabi mo lang ang pumapatay--"

"How dare you tell me when to talk about our issue! Sinasabi ko sa iyo. We have nothing to talk about. As a matter of fact there is no "us" to begin with kaya wala tayong dapat pag-usapan."

"God damn it! Will you listen to what Im trying to say to you? Somebody out there is trying to kill you and your whole family! Don't be unreasonable!" galit na sabi nito.

"Oh. So I'm the one whose unreasonable. Fuck you Pancho! Fuck you very very much! You think I didn't know that? Rick already told me that. And I can very well take care of myself! You bastard." bulyaw niya naman dito.

"Look, I'm trying to help you out here." nagbaba ito ng tono.

"And should I thank you for that? The last thing I need would be a help coming from you."

"That's why Rick is there. He could help you."

"I know. Hes a lot better than you." ewan niya kung bakit niya nasabi iyon.

"Oh he won't touch you sweetheart. Remember, you're mine. Only mine. Mag-uusap tayo sa tamang panahon. Sa ngayon, ay ingatan mo ang sarili mo." at nawala na ito sa linya.

Buti na lang, hindi niya kasi ito masagot ng "I was never yours." Nakakahiya iyon. Alam ng lahat ng nasa paligid na lalaki rin ang kausap niya. Namumula ang mukhang ibinalik niya ang earpiece at mic kay Rick.

He knew he shouldn't believe Pancho. For all he know, baka ito nga ang nagplano ng lahat ng iyon. Pero isang sulok ng isipan niya ang tumatanggi sa kaisipang iyon. Umaayaw sa ideya na ito ang maaaring may kagagawan ng lahat. Napabugha siya ng hangin. Ngayon lang niya na-realize na pigil-pigil niya pala ang hininga habang kausap si Pancho kanina. He still has the same effect on him.

Elric grabbed his arm and dragged him away from the police. He's still sobbing and crying. His heart went out to him. Parehas na silang ulila ngayon. Sa loob lang ng isang linggo. Napatiim ang bagang niya.

"What did he say Kuya? Sinabi ba niya ang pangalan ng salarin? Sinong pumatay sa mama? mga katanungang sunod-sunod na inilahad nito.

"He didn't. I mean, he wasn't able to tell me. I always cut what he's saying." paliwanag niya.

"Who is it Kuya? Do you have any idea?"

"I don't know Elric. I really don't know. I think I should talk to Pancho. I need to know who's texting him and giving him details of the crimes."

"Yeah do that Kuya. And when you do, please, tell me the details of his own investigations. Ha." pagmamaka-awa nito.

"Yeah. I will."

Doon dumating ang coroner at ang iba pang miyembro ng SOCO. They asked to investigate the whole mansion and not only the scene of the crime. Nagbigay siya ng permiso dahil sa tingin niya ay makakatulong iyon. Tinawag niya si Elric at si Auntie Mercy para sumabay na sa kanya sa pagpunta sa hotel na tutulugan nila sa gabing iyon. Mamaya ay tutuloy pa sila sa punerarya para sa pag-aasikaso kay Mildred. He sighed. Mukhang napapaligiran siya ng mga taong ang nais ay makapag-higanti. Naiiling na tinungo niya ang sasakyan.



"Naguguluhan ako sa scenario. Bakit pa niya iniangat ang katawan ng biktima pagkatapos lunurin para lamang pagmukhaing tulog ito. Di kow pho ma-ghetszzz!!!" pa-kwelang sabi ni Rick sa kasamahan sa loob ng autopsy room.

"Kadiri ka jejemon, tinyente ka pa naman." nakasimangot na sabi ng Pathologist na si Dr. Cody Unabia. Dating marines ito at nakasama niya sa isang special army force and somewhat disbanded na Task Force: ENIGMA.

"Ano bang nalaman mo Doc?" sabat naman ni PO3 Rovi Yuno.

"Ah, she was drowned. Iyon ang cause of death. Pero ang hindi ko malaman ay bakit mayroong substance ng Arsenic Trioxide ang champagne na nasa crime scene." nakakunot-noong sabi nito habang kaharap ang katawan ni Mildred.

"Ah... Ano yun?" si PO3 Yuno.

"Its an inorganic compound na matatagpuan sa household materials like insecticides. Very common ang ganoong murder weapon. Maaring bilhin ng kahit na sino. Ang pagkakalagay nito ay idinaan sa cork ng champagne bottle. Ini-inject through the cork. Meaning it was a premeditated crime. Naniguro ang salarin sa isang ito, Sarhento Yuno." mahabang paliwanag ni Doc Unabia.

"Tulok. Sana binuo mo na ang pangalan ko." tumatawang sabi ni PO3 Rovi Yuno.

"Mga timang. May ini-imbestigahan tayo rito. Bakit kailangan siyang lunurin? Iyon ang di ko maintindihan." tanong ni Rick pagkatapos sawayin ang mga ito.

"Good question. Ang totoo, nakatulog ang biktima habang nasa bathtub. Ang chemical compounds ng arsenic trioxide sa champagne ay kaunti lang. Tinalo iyon ng chemical composition ng inumin. She might've slipped while sleeping kaya siya nalunod. Siguro ang purpose kaya siya ini-angat ay para makita itong patay na. Iyon siguro ang purpose nito." mahabang paliwanag ng pathologist.

"Hmm.. Naisip ko na iyan. One hundred percent na akong sigurado na premeditated nga ito. Wala bang fingerprints na nakuha sa bote, sa tray ng caviar at sa iba pa?" tanong ulit niya.

"Oh, tanungin mo si Major Katiyagaan." nakakalokong sabi ni Cody.

"Nasaan na ba ang kumag na iyon?" tanong niya. May kumatok sa pintuan ng autopsy room.

"Speaking of the devil na yata iyan." nakangising sabi ng doktor.

Bumukas ang pinto at pumasok si Major Perse "Katiyagaan" Verance na may dalang mga folders at nakakunot ang noo. Isa rin itong forensics expert.

"Tarantado ka Doc. Naririnig kita sa labas. Kamusta Rick." maangas na bungad nito.

"Iyan na ba ang report Major Tiyaga?" nakangising tanong ni Rick.

"Oo. We found some sufficient evidences and prints. Nahalughog namin ang buong bahay. Basahin mo at ng malaman mo na napaka-kumplikado ng sitwasyon sa bahay na iyon. Ang mayayaman talaga. Hay! Kasama na rin dyan ang report sa isa pang murder sa mansiyon." eksaherado pa itong huminga.

Dinampot iyon ni Rick at binasa ang report. Napataas ang kilay niya sa nalaman buhat sa nabasa. Napa-isip siya. "Mukhang ang tinutumbok nito ay pera. Napakaraming pera. At may turuan portion pa. Hmm." napakamot siya ng baba sa pag-iisip.

Nakibasa na rin si PO3 Rovi at Doc Unabia. Napailing na lang ang mga ito pagkatapos.

"Tsk, tsk. Kaya nga ayokong yumaman." halos magkapanabay pa na sabi ng dalawa. natawa silang lahat at parang chorus na sabay ding tumigil ng mauwi sa iisang kongklusyon.

"Ting!!!" pakwela ni Rovi.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?" pagsakay ni Cody.

"Kung tama at walang agiw ang utak mo ngayon B2."

"Mga ungas! Hindi pa tayo sigurado." pagsaway rito ni Perse.

"Pero 95% na ng ebidensiya ang nagtuturo sa salarin." apela ni Rovi.

"We need it to be a hundred. Para walang takas. Men, I need you this time, round the clock. Babantayan natin ang natitirang tauhan sa mansiyon ng mga Arpon." sabi ni Rick sa dalawang police officers.

"Yes, Sir!" magiting na sabi ng mga ito.



He was on his way home para sa burol ng ina. Hindi pa rin siya makapaniwala na namatay na ito. She was such a good mother. Always looking for his best. Masama man ito sa paningin ng iba, she was a good mother for him after all.

Nagagalit siya sa sarili dahil hindi niya nabantayan ang ina at inatake ito sa sarili nilang bahay. Bumalik ang galit niya kay Gboi dahil ang sabi nito ay ginagantihan daw ito ng salarin ayon na rin sa pag-uusap nito at ni Pancho.

Those bastards. Elric cursed in his mind. Hindi maaring hindi niya maipaghiganti ang ina. Gaganti siya. Hindi pwedeng ng dahil sa paghihiganti sa pamilya nito ay idadamay ng salarin ang nanay niya. It was not acceptable. Nanggigigil talaga siya. Hindi niya namalayan na bumibilis na ang pagpapatakbo niya ng sasakyan sa kahabaang iyon ng kalsada. Tinapakan niya ang preno ng tangkain niyang lumiko sa isang kurba para mag-menor.

Nagulat siya sa natuklasan. Wala siyang preno! Hindi ito gumagana at ilang beses na niyang tinatapakan iyon. Natataranta na siya. Isinuot niya ang seatbelt. Bumusina siya ng sunod-sunod. Mabuti at wala masyadong sasakyan. Nakita niya ang island na mayroong puno. Inihanda niya ang sarili. Umasang gagana ang airbag ng sasakyan. Sa isang iglap ang malakas na pagbundol ng kanyang sasakyan sa punong iyon ang narinig sa katahimikan ng madaling-araw na iyon. Narinig pa niya ang pagkakagulo ng tao bago tuluyang dumilim ang paningin.



Malamig ang hangin. Napakalungkot ng paligid. Hindi siya makatulog. Nananakit na ang mata niya at inaantok na siya ng husto ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi siya makatulog.

Ipinasya ni Mercy na lumabas ng veranda ng hotel na iyon. She breathed the city air. Hindi pa rin mapakali ang pakiramdam niya. Siguro ay dahil sa bigat ng mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi siya makapaniwalang kikilalanin siya ng kanyang kapatid at pamangkin.

Marahil ay maswerte na siya para doon. Matagal din siyang nagtiis. Hindi man niya hinangad ang mga iyon ay ayun at nakahain na sa harapan niya. Nalulungkot na inalala niya ang huling usapan nila ng kapatid na si Armando.

Sinabi nito na kung mayroon siyang kailangan ay lumapit lamang siya. Hindi niya inaasahan iyon, sapagkat hindi sila naging malapit kahit kailan. Noong nangailangan kas siya ng pantustos sa kanyang ina na naratay sa sakit ay lumapit siya sa ama. Buti at tinulungan siya. Subalit ang kapalit noon ay pinagsabihan siyang huwag mag-ingay sa totoong estado nila.

Hindi na niya minasama iyon. tutulungan naman nito ang ina. At saka, sampung taon pa lang siya noon. Wala siyang ibang lalapitan kundi ang ama. Noong mga panahon na iyon ay baby pa alng si Armando. Nang namatay di kalaunan ang kanyang ina ay kinupkop siya ng ama sa mansiyon bilang kasambahay at ipinaulit ang ipinapangako nito sa kanya.

Nakapag-aral siya at nabuhay din ng maayos. Nang mamatay ang mag-asawa ay naging mayordoma siya sa mansiyon sa kagustuhan ni Armando na noong panahon na iyon ay alam na ang tungkol sa kanya. Hindi na niya pinag-ukulan ng pansin ang pagiging malamig nito sa kanya. Okay na siya sa buhay niya.

Pumasok siya sa kwarto. Nagpasya siyang lumabas at bumili ng pampatulog niya. Nasa elevator na siya ng makadama ng kakaiba. Lima sila sa loob noon. Tatlo silang babae at dalawang lalaki. Iyong isa ay pinagtitinginan dahil sa pagiging matikas nito sa kabila ng edad. Habang ang isa ay hindi halos tingnan dahil sa hindi ito kagandahang lalaki.

Pagdating sa ground floor ay dumiretso siya sa labas at nagtanong sa gwardiya ng pinakamalapit na drugstore. Nang matantong malapit lang iyon ay nagdesisyon siya na lakarin iyon. Habang naglalakad ay tsineck niya ang wallet na naglalaman ng pera niya at ID. Nang masiguro na sapat ang dala ay tumuloy siya.

Nasa isang madilim na bahagi siya ng kalsada ng bigla na lang may humatak sa kanya. Itinakip nito ang kamay sa bibig niya para hindi siya makatili. Ilang sandali ang lumipas at wala pa ring amgawa ang pagpalag niya. Napakahigpit ng hawak nito skanya. nananakit na din ang lalamunan niya sa pigil na mga tiling pinakakawalan niya. Umiiyak na siya.

May dumaang sasakyan sa bahaging iyon at sa gulat niya ay itinulak siya ng may hawak sa kanya para salubungin ang sasakyan pagkatapat sa kanila. Humagis ang katawan niya sa sementadong lupa ng kalsada at doon siya nawalan ng malay.




Katatapos lang nila mag-usap ni Pancho at galit na galit siya sa nalaman niya. Wala naman pala itong kongkretong pangalan na masasabi sa kanya ay inaksaya pa nito ang kanyang oras. Naiinis na nagpahatid na lang siya rito dahil hindi niya dala ang sasakyan na hiniram ni Elric pagkagaling nila sa punerarya.

"Ihatid mo na ako sa bahay at dadalhin na doon si Tita Mildred pagka-umaga." nakasimangot na sabi niya.

"Hayaan mong tulungan kita dito Gboi. Sige na."

"No need. I can take care of this." matatag na sabi niya.

"Sige." sumusukong sabi nito.

He felt so weak. Nasa tabi lang kasi niya ito eh. Nanlalambot pa rin ang tuhod niya. Apektado siya sa presensiya nito.

Nasa kalsada na sila ng biglang may bumangga sa likuran ng sasakyan nito. Napagibik siya.

"Tang' ina." sabi ni Pancho habang iniiwas ang kotse. "Mag-seatbelt ka dali!"

Sumunod siya. Agad nawala ang galit niya rito. "Sino ba iyon?"

"Malay ko!" sigaw nito. Pinaharurot ang sasakyan palayo sa itim na kotseng kasunod nila. "Kumapit ka, sweetheart." his voice brusque and hasty.

Nanlambot ang tuhod niya sa narinig. Napakapit din siya at napatitig sa unahan ng sasakyan. Palabas na sila ng Edsa at mag-uumaga na iyon. Nag-meet sila sa may Ortigas para mag-usap at iyon na nga ang eksena pagkatapos. Marami ng sasakyan sa daan.

"Pancho bilisan mo. Kapag inabutan nila tayo rito tayo ang headline sa mga TV maya-maya lang." malakas na sigaw niya. Pinapauputukan na sila ng kasunod. Parang timang naman na umiiwas ang mga sasakyan sa kanila. Parang nagbibigay-daan sa paghahabulan ng mga sasakyan nila.

"Ipagdasal mo na lang na walang mangyayari sa ating amsama." nakangiti pa nitong sabi.

"Aba at nag-enjoy ka pang hudyo ka!"

"Ano sa palagay mo sweetie?" malambing nasabi nito sabay yuko na makarinig ulit ng putok. Tuluyan ng nabasag ang salamin sa likuran. Kinuha nito ang baril sa dashboard. Nagpaputok din ito.

"Bakit mayroon ka niya?" tanong niya.

"Saka ka na magtanong. Iniitsa nito ang isa pang baril sa kanya. "Shoot first."

Gumanti sila ng putok. Iniakyat naman nito ang sasakyan sa flyover. Lalong bumilis ang takbo ng sasakyan kaya napanganga na naman siya sa ginawa nito. Kontrolado nito ang bawat galaw ng kamay. Nilingon niya ang kotseng kasunod . May humarang bus dito.

"Medyo malayo na." sabi niya

"Diyan ka lang!" sabi nito sa kanya sabay yuko sa kanya at tinamaan ang salamain sa harap. Bahagya pa silang bumagal ng nasa gitna na sila ng tulay.

"Bakit tayo bumagal? Anong gagawin mo?" angil niya rito.

"Magsasayaw ako saka maglalaba." sarkastikong sagot nito. Sumilip pa rin siya at naramdaman niyang huminto sila ng malapit na ang sasakyang humahabol sa kanila saka pina-arangkada ni Pancho ang sasakyan paaatras na ikinagulat ng mga ito.

"Magpaputok ka!" sabi nito sa kanya. Inumang niya ang baril at nagpaputok habang ganoon din si Pancho habang buong lakas na sinusuro paatras ang sasakyan ng mga ito. Tinamaan ang dalawang nasa loob. Bahagya silang umabante saka muling umatras ng buong lakas at nadiin sa gilid ng tulay ang sasakyan ng mga humhabol sa kanila. Napipi ang buong harap nito. Halos yuping lata. Saka sila tumakbo palayo roon.

Pagkababa ng tulay ay lumiko sila sa unang likuan na nakita nila at lumiko ng lumiko hanggang huminto sila sa isang kalmadong eskinita.

"Baba." Tumalima siya. Isinukbit ang baril sa likod niya saka isinuot ang jacket na dala niya kanina. Nang makababa sila ay saka siya nito hinila sa isa pang iskinita at mahigpit na niyakap.

"P-pancho!" saka niya nalaman na nanginginig pala siya.

Naramdaman yata iyon ni Pancho. He raised his head and then claimed his mouth hungrily....


Itutuloy...


CHAPTER 17

Who is this man, really? Iyon ang tanong na nag-uumukilkil sa isip ni Gboi. Kanina habang nakikipaghabulan sila sa daan hanggang sa tulay ay halos kalmado lang ito. He knows killer stance when he sees one. At nakita niyang lahat iyon kay Pancho. Parang natural na lamang dito ang bumaril at magpatama ng bala sa katawan ng kalaban. Hindi niya mapigilang mangilabot sa naisip. Dapat pa siyang magtiwala dito?

Napalakas yata ang bugha niya ng hangin. Nakakunot-noong tiningnan siya ni Pancho.

"Anong problema?" tanong nito.

"Wala. Naisip ko lang yung nangyari kanina."

"Alin duon?"

"Yung pakikipaghabulan natin, ano ka ba?" takang tanong niya.

"Ah, akala ko yung halikan natin pagkatapos nun." pilyong sabi nito.

Umingos siya. "Sira-ulo. Iyon pa ang naisip mo pagkatapos ng nangyari. Muntik na tayong mamatay kanina ah."

Tumawa ito. "Eh, pinapakalma lang kita. Nanginginig ka kasi. Hindi ko alam kung paano kita kakalmahin." maamo pang sabi nito.

Natigilan siya. Naalala nga niya na nanginginig pala siya sa kaba kanina. Hindi dahil sa takot kung hindi sa kaligtasan nila. Hindi pa malinaw kung bakit sila hinabol at kung bakit pinatay ang kanyang ama at madrasta. May tinawagan pa nga ito kanina. Nakilala lang niyang si Rick iyon ng banggitin nito ang pangalan ng huli. Nagtatawanan pa ang mga ito habang nag-uusap sa pagkaka-alala niya.

"Hello." ani Pancho pagkatapos ilapat ang cellphone sa tainga.

"Kailangan ko ng clean-up. Nasa flyover iyon. Malapit sa Robinson."

Tumawa ito at inalis sa tainga ang aparato saka ini-loud speaker.

"Hello. Hello! Gboi okay ka lang ba? Si Rick ito."

"Okay lang ako tinyente."

"Good. Naipadala ko na doon sina Perse at Rovi sa crime scene. Lang'ya, napuruhan ninyo yung dalawa. Ni hindi niyo man lang dinis-able para makuhaan pa namin ng statement." reklamo nito.

"Hindi rin kami bubuhayin nun. Kami ang papatayin ng mga iyon."

"Pero Pancho, pare, mahirap i-cover up itong isang ito. Sagot na ni Perse ang police. Takaw atensiyon lang sa media. Si Rovi na ang bahala sa mga katawan. May nakuha yata silang mga id duon sa kotse na tutukoy sa dalang humabol sa inyo. Si Jerick na ang bahala kapag naipadala na sa kanya."

"Salamat pare, ang haba ng sinabi mo. Pwede namang okay na lang sabihin mo." pang-aasar ni Pancho.

"Ungas ka talaga p're. Ako na nga aayos ng gusot mo. Ipina-news block out ko na nga ito. Ganyan ka pa umasta, Parang asal." pagtatampo pa ni Rick.

"Ayun, nagtampo pa si Colonel Pulpol. Huwag kang magtago sa pagiging tinyente uy. Mas mataas ka pa kay Major Tiyaga. Pero salamat p're, kahit wala na ako sa serbisyo nakuha mo pa rin akong tulungan."

"Ayos ah, dramahan na ba to? Kadiri ka Pancho. Nakikinig pa naman si Gboi. Bawas pogi points tuloy ako." anito sabay tawa.

"Ha? Bakit nadamay ako? Huwag ako, busy ako!" pakikisakay niya.

"Tang ina p're, pumoporma ka pa eh alam mong nabakuran ko na. Maghanap ka ng iba. Asikasuhin mo na lang yung gusot ko." si Pancho

Nailang siyang bigla sa sinabi nito. Di tuloy niya mapigilang sumagot. "Hoy, andito lang ako. Kung makapag-usap kayo parang bagay lang akong pwedeng ipasa kung kani-kanino ah." galit-galitan niyang sabi.

"O siya pare, ingatan mo yang kasama mo. Kapag nalingat ka, hahablutin ko sa iyo iyan." birong banta nito.

"Ulol. Subukan mo!" sabay patay nito sa aparato.

Naiinis na tumingin ito sa kanya pero di na nagsalita. Hanggang makalagpas sila sa eskinitang iyon at nakalipas na ang sapung minuto ay saka lang ito nagsalita ng bumontong-hininga siya.

"Actually Pancho, I don't know what to feel right now."

"What do you mean?"

"I don't know if I should trust you. Considering all this--"

Hindi na niya natapos ang sasabihi ng ilapat nito ang hintuturo sa kanyang labi. It sent wonders on his system. Nagsimulang rumigudon ang kanyang puso. Nagdouble-time ang lahat ng senses niya at hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin.

"Don't say that. I think its time for you to listen well." idinikit siya nito sa isang bahagi ng pader sa walang katao-taong iskinitang iyon. "Pwede ba?" at saka siya nito iginiya paupo.

"Please listen carefully, kung may tanong ka, ipapaliwanag ko pero patapusin mo muna ako. Okay?" his voice husky as he speak. Hindi siya makapagsalita. Parang ang buong sistema niya ay kinain na ng kawalang sentido-kumon. Parang naipasya na ng sariling katawan na makinig na lamang dito.

"Noong nasa resort tayo ni... ni..."

"Jim?" pagpapatuloy niya ng sinasabi nito. Ayaw yata nitong sabihin ang pangalan ng huli.

"Oo. Iyong tumawag ay nagsabi ng kung gusto ko ay magsanib pwersa kami sa pagpapabagsak sa iyo dahil alam daw niya ang motibo ng paglapit ko sa iyo. Sa pamilya mo. Narinig mo ang saogt ko na hindi ako interesado."

"Yes, at pagkatapos noon ay tumawag si Tita Mildred na nasa ospital si Daddy." sabi niya.

"Then pagkagaling ko sa hospital ay tumuloy ako sa mansiyon ninyo para tumulong sa mga pulis. Doon ko nakita ulit si Rick na dati kong kakilala. The same time ay nagtext naman sa akin ang isang unknown number na dahil sa hindi ko pagtulong ay may ginawa na siyang hakbang."

"At ang hakbang na iyon ay ang pagpatay niya kay Daddy." kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

Tumango ito. "Nagtext ulit siya na isang kamag-anak daw ang mawawala kahapon. Kaya nagpunta doon si Rick para magpanggap na driver mo sana at naiwan kami ng mùga kasama niya sa van di kalayuan sa inyo."

"Pero hindi natuloy ang pagdi-disguise niya dahil sa pagkamatay ni Tita Mildred. Napurnada ang misyon niya at kinailangan niyang umaksiyon dahil sa krimen. Naunahan kayo ng salarin." pagpapatuloy niya sa sasabihin nito.

"Ganoon na nga ang nangyari. So imposible na ako ang may gawa nito. Sa totoo lang ay maari na kitang di paki-alaman. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero ayaw ng puso ko. Maniwala ka o hindi Gboi, minahal kita kahit hindi ko sinasadya. Kaya kahit galit ka sa akin, wala akong paki-alam. Lalapit at lalapit pa rin ako sa iyo kahit ipagtabuyan mo ako. Lalo na at nasa panganib ka. Hindi pwedeng magtagumpay ang mga iyon sa balak nila." madamdaming pahayag nito.

Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito. Pero pinipigilan siya ng sariling damdamin kapag naaalala niya ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

"Niloko mo ako Pancho. Hindi na ako maaring magtiwala sa taong kayang gawin ang lahat makapaghiganti lang. Ni hindi kita kilala. Maaring iniligtas mo ang buhay ko sa kapahamakan but I never asked for that. I may sound ungrateful but that's just it. I won't tolerate myself from being hurt again ng dahil lang naniwala ako sa matatamis mong salita." galit niyang sabi.

"Hindi kita niloloko ngayon Gboi. I understand that you are upset right now--"

"Upset? What do you know about I'm feeling Pancho? Please, spare me the theatrics. Spare me your drama. I won't let you hurt me again." Naiinis na tumayo siya at umalis.

"Gboi!" habol nito. Nagulat siya ng bigla siya nitong hatakin at bumagsak sila sa isang tagong bahagi ng eskinita.

"Keep down, sweetheart." saka nito inilabas ang baril. "Nasa iyo pang isang baril diba?" tanong nito. Inilabas niya ang kwarenta y singko mula sa likuran.

"Bakit?" tanong niya.

"May bumabaril sa atin. Hindi mo ba naramdaman? Ayan o, may daplis ka." saka nito diniinan ang sugat sa balikat.

Napasigaw siya sa sakit. "Sira-ulo ka. Bakit mo diniinan?" asar na tanong niya.

"Eh para kang timang na nagtatanong pa diyan. Kung di ka ba naman masyadong madrama eh di sana wala kang sugat."

"Aba't..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil narinig nila ang mga tama ng baril mula sa di kalayuan na tumama sa pinagtataguan nila.

"Tayo, bilis. Kailangan nating matakasan itong mga ito." iyon na naman ang panganib sa boses nito.

"Ilan ba sila?"

"Mukhang tatlo." yung dalawa nasa kanan, iyong isa sa kaliwa. Napansin mo ba itong iskinita na ito?" tanong nito pagkatapos magpaliwanag.

"Ah oo. Pa-krus. Anong plano mo?"

"Magpapakita ako sa kanila na tatakbo don. Kapag may lumitaw. Barilin mo agad. Doon ka lang sa gilid. Tambangan mo iyong nag-iisa sa kaliwa." bilin nito sa kanya. Kinuha nito ang bakal na basurahan na de-gulong at saka iyon pinaandar.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Magbibilyar ako." sarcastic na sagot nito.

"Timang, eh co-coveran naman kita."

"Doon lang iyon sa isa. Eh, paano yung sa dalawa?"

Napa-isip tuloy siya. Oo nga pala, tatlo ang kalaban nila. Tinulungan niya itong itulak at ng malapit na itong lumabas ay malaks nito iyong itinulak saka sumakay doon. Mabilis siyang pumwesto at ng nakita niyang tumayo ang lalaki sa kaliwa mula sa pinagkukublihan nito ay mabilis niya itong pinaputukan. Tinamaan ito sa dibdib saka bumagsak habang nakikipagpalitan naman ng baril si pancho na nasa loob ng makapal na bakal na basurahan.

Tinulungan niya ito at ilang palitan lang ng putok ay tumumba na ang dalawang nasa kanan. Mabilis na tumalon palabas ng basurahan si Pancho at lumapit sa kanya.

"Ang galing mo." nakangiting sabi nito.

"Ang baho mo naman." nakakalokong tawa niya rito.

"Oo nga noh?" sabi nito saka tumawa. Nilapitan nito ang isang lalaking humabol sa kanila at kinuha ang wallet nito saka hinubad ang suot nito at ipinalit sa sariling damit. Inutusan din siya nito na kunin ang wallet ng napatay niya. Hindi man niya alam kung para saan iyon ay may ideya na siya. Sinabihan din siya nito na makipagpalit ng damit sa napatay niya. Umayaw siya.

"I won't wear a dead man's shirt!" matigas niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ito at hindi na siya kinulit pa. Kinuha nito ang sumbrero ng dalawang nabaril nila saka ipinasuot sa kanya.

"Para sa disguise." sabi nito ng tumanggi siya.

Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya inakay palabas ng kabilang eskinita. Kaswal silang lumabas habang ang mga tao ay nagtitinginan dahil sa kanilang magkahugpong na kamay. Hindi siya makatingin sa mga ito kaya nanatili siyang nakayuko.

"Relax. Inggit lang iyang mga iyan." bulong nito sa kanya.

"You'll be sorry for this." mariing sabi niya.

"Nah, you'll enjoy this. Hi girls!" nakangiti pang bati ng hudyo sa mga nagdaang mga babae. Kinikilig na nagtawanan ang mga ito.

"Sayang naman. Ang gu-gwapo pa naman nila." narinig pa niyang sabi ng mga pa-cute na talipandas.

Mabuti at naka-tawag na ito ng taksi at mabilis silang sumakay papunta sa kanilang mansiyon. Nang tingnan niya ang relos ay mag-aalas-syete na pala ng umaga. Nang tignan niya ang cellphone ay nakita niyang ang napakaraming missed calls from Atty. Pangan. Agad niyang tinawagan ang abogado.

"Thank god at tumawag ka Gboi." exasperated na sabi nito.

"Why? What is it Attorney?" nalilito niyang tanong rito.

"Nasaan ka ba? Naririto ako sa ospital. Naaksidente pareho sina Elric at Mercy. Pumarito ka sa St. Lukes. Pronto." nagmamadaling wika nito.

"What? How did that happen? Iniwan namin si Aunt Mercy sa Hotel habang si Elric ay dapat nasa mansiyon na sa mga oras na ito. Naroon na ang katawan ng Tita Mildred dapat." natatarantang wika niya.

"Unfortunately, Elric drove too fast at yung breaks ng sasakyan ay hindi gumana. Bumangga siya sa isang puno sa central island. Si Mercy ay nakitang itinulak sa kalsada at nabundol ng sasakyan. The culprit was nabbed by the bystanders. Bugbog-sarado nga eh. She's here na. Si Elric ay ipina-transfer ko na from Medical City." mahabang paliwanag nito.

"Okay thanks Attorney. I'll get there as soon as I can." tinapos na niya ang pakikipag-usap dito at binalingan ang nakakunot-noong si Pancho.

"What is it?"

"Elric and Aunt Mercy is on the Hospital right now. We should hurry. Mukhang gusto talaga kaming ubusin ng kung sino man ang taong ito." nakatiim-bang na sabi niya.

"Calm down. Mahuhuli rin natin siya. Let's just pray na walang mangyari sa kanila." saka nito hinawakan ang kamay niya. He felt comforted and assured sa kabila ng sitwasyon ng dahil lang sa paghawak nito sa kamay niya. Tinawagan naman nito sina Rick ulit upang gawin ang clean-up sa location nila kanina saka sinabi ang pangalan ng mga lalaking nakasagupa nila mula sa mga wallet ng mga ito.




KATRINA rushed to the hospital as soon as the plane landed on the airport. Hindi niya nakuhang makarating sa burol ng kanyang Tito Armand and now ang Tita Mildred niya ay patay na rin. Ikinabigla niyang lalo na nasa ospital si Elric at ang mayordoma dahil sa mga freak accidents ng mga ito.

What on earth is happening with Gboi's family? Are they being annihilated? But why?

She asked the information for the directions of the rooms. Hindi niya kabisado ang kabuuan ng Saint Lukes. Nakita niya ang mga pulis sa labas ng kwarto. Agad siyang pumasok sa kwarto ni Elric at hinanap si Gboi.

"Oh honey, I came as soon as I heard the news. Busy kasi sa branch namin sa Ohio." umiiak na sabi niya. "I'm sorry about Tito Armand and Tita Mildred." she kissed Gboi's lips. He responded. A cold one. She looked at him. His face devoid of any emotion.

"It's all right honey. Everything will be all right." pagpapalubog niya sa kalooban nito. She hugged him. He kept still.

"Thanks Katrina. Nailibing na rin si Tita Mildred kanina. Both of them are still in coma. And I think I have to tell you something." malamig na sabi nito sa kanya.

Kinabahan siya. She remained poised. "What is it honey?" she asked nervously.

"I'm calling the wedding off."

"O-of course. It is. For a while right?"

"I dont think you heard me right. It's off. For good." his face still passive.

"W-what do you mean its off? For good?" she parroted.

"There will be no wedding that will take place. No wedding." mariing sabi nito.

"What?!" she shrieked. "Explain this Gboi!"

"What is there to explain? I just said there will be no wedding. Matalino ka naman di ba?" di nakatiis na sikmat nito sa kanya.

"I deserve some good explanations here Gboi. Not just because you said it so!"

"I'm calling off the wedding because I don't want to merge with your company. Because if I do the merging I would become rich than I already am and you will be dead because of it!" hysterical na sabi ni Gboi sa kanya.

"I don't believe you honey. Please don't do this. Lets get on with the wedding even without the merger." she said sobbing.

"I still can't. There's another reason."

"Don't tell me... there's another party?" she hissed.

"No. That's not it."

"Then what?"

"I'm gay. And you're quite right. I'm in love with somebody. But its a man." he said casually.

Se went still. her mouth formed an O but opted not to speak further. Naiiling na umalis siya sa pagkakayakap dito. Naninikip ang dibdib niya.

"I-it can't be. We had sex right?" she said when finally her voice came back.

"I screwed women and men in the metro. Please don't forget to take that into consideration." naiiling na sabi nito.

"How dare you!" she slapped him.

"Well I guess I deserve that." hinaplos nito ang nasaktang pisngi.

"How dare you!" she tried slapping him again but he caught her hand. "No dearie, not twice. That's a No No!" then he pushed her. He turned his back and sat on the couch.

"You are so gonna pay for this!" she threatened.

"Have it your way!" he said nonchalantly.

Itutuloy...