Monday, January 28, 2013

Chibaba Grill


Same with the characters of Forever




Friday.

I received a text message galing sayo. Oo. Ikaw ulit. Nasabi mo nalang sa akin na hindi tuloy ang lakad nyo kaya maari mo akong sunduin mula sa iyong trabaho. After reading your message, parang hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero dahil siguro sa sobrang saya ko. Bakit ako masaya? Hindi ko alam.

I spent my day daydreaming. I realized na para lang akong tanga na nakangiti mag-isa. I didn't know why I kept thinking about you. Imagining the very first night you held me. Thinking how those gentle kisses sent shiver to my spine. Reminiscing how those soft hands made their way to my body. Remembering how warm your breath was. Feeling it run under my neck. And those tight hugs you showered me when we were sleeping.

Marcus, are you okay? Kanina ka pa nakangiti dyan? Is everything okay?

An officemate.

Yup. I'm okay. Shall we have dinner?
Tumango ang aking kaopisina.

We had dinner over nice and cool conversations. She's just like a mom to me. I opened things about you and she listened attentively.

Magiingat lang ha? Kakakilala nyo palang?

A warning. A reminder. I know. It's just too weird for me. We just met and I feel like I already trust you a lot. Para bang we have known each other for years with the stories we share. Never a dull moment.

Lumipas ang ilan pang oras at nagtext ka sakin saying na nakauwi ka na. Inaantay mo nalang ako na mag-out para masundo mo ako.

Malapit na ang uwian. Hindi ako mapakali. I went to the comfort room and washed my face. Nagsipilyo din ako at nagpabango. Hindi ako ganito. Pero dahil gusto ko na makita mo ako lagi na at my best ay ginawa ko ang mga bagay na ito. After all, I didn't want to disappoint you.

Nandito na ako. Same place.

Nagmadali akong bumaba ng building. Nagpaalam sa mga kaopisina. Namataan ko ang iyong magarang sasakyan sa tapat at nakita ko ang iyong paglabas ng kotse, minamataan ako. I kissed some close officemates and bid farewell.

Ayy ang gwapo nung bumaba dun sa sports car.

I heard some of my friends mouthed.

I felt myself blushing. I gave them a look and grinned. All of a sudden, they were all in awe.

Oh my God! Marcus! Is he your date? OMGGG!

I rushed to your car. Like what you normally do, you gave me a kiss on the forehead. Tapos nun ay binukas mo ang pinto ng kotse at inalalayan akong makasakay. I know that all eyes of my friends and officemates are on me now. You started the engine, and we drove.

I saw you looking at me. Then you reached for my hand and squeezed it with yours.

Baby, I miss you.

I missed you too, dad.

Hindi ko napigil ang sarili ko. I gave you a kiss on the cheek na iyo namang kinatuwa.

Lambing ah.

I just giggled.

You made a sudden right pagdating natin ng intersection ng Julia Vargas.

Let's grab a bottle of beer first. Would that be okay?

Sure.

I ate some cake kasi. I want beer to do the trick.

That's weird. But sure. We can try that one.

We went to Home Depot. Unluckily, walang parking. We decided to drive to Mandaluyong and find some place there.

Baby, wag ka na munang tatambay sa Galleria ha?

Confused, I gave you a quizzical look.

Bakit naman?

You squeezed my hand again.

Baka maagaw ka pa sakin eh.

I find it difficulting resisting myself blush.

Whatever dad.

We both laughed.

Dahil sa wala tayong makitang parking ay bumagsak tayo sa isang lugar na alam kong hindi bagay sayo. Pero dahil nga sa pagiging cowboy ay wala kang pakialam. All you needed was a safe parking. Then we're all settled. We went inside Chibaba Grill.

We ordered Gilbey's Premium Strength dahil wala ang favorite kong Super Dry. Fuck them. And Fish Steak. Hindi ko maiwasan na hindi ngumiti sa t'wing tumititig ka sakin. Hindi ko alam kung involuntarily ba akong nagpapacute or talagang naooverwhelm lang ako sa atensyon na binibigay mo.

Why are you staring at me? May mali ba sa mukha ko?

You pinched my nose.

Nothing. I was just appreciating you.

I was dumbfounded. So frank huh?

Nagenjoy ka ba last time?

You took a bite of the fish fillet. You took some of your poison.

Oo naman. Nagenjoy. Nageenjoy. At mageenjoy pa.

Hindi na ako nakapagsalita. Ngumiti nalang ako. Pati ang puso ko ay parang gagong tumatawa. Gusto ko nalang matunaw. Gusto ko nalang yumakap sayo. Gusto ko nalang magpaangkin.

We went out of Chibaba Grill and went to your pad. Napuna kong mas luminis ito ngayon. Napangiti ako.

Malinis ba? I cleaned. Dadating ka eh. Baka sabihin mo na madumi sa bahay ang mapapangasawa mo.

Those words took me again. Hindi na ako nakapagsalita. Naramdaman ko nalang ang iyong pagyakap. Mas mahigpit ito kumpara sa nakaraan. Mas mainit ang iyong katawan. Soothing ang bango ng iyong perfume. Perfect. Romantic. Sweet.

We went to your bed. We were already both tired. Tulad ng dati, mahigpit ang iyong mga yakap. Ayaw mo akong bitawan. Whenever I shift, I can instantly feel your arms reaching for me and pulling me closer to you. Honestly, that's how I wanted to be held. You did it just perfectly.

I heard you snore. You are already sleeping. I looked at the overlooking view of the city from your window. It was indeed so romantic. I closed my eyes. And eventually, I fell asleep.

Nagising nalang ako sa dampi ng iyong kamay sa aking katawan. I gently moved para hindi mo maramdaman na gising ako. You are now touching my face. Parang dinadama mo lahat ng gilid ng aking mukha, aking tenga, ilong at labi. Idinampi mo ang iyong labi sa akin. Nanatili akong nakapikit. Dinadama ang sincerity ng mga nangyayari.

Sa pagaakala mo siguro na tulog ako ay naging mas kampante ka sa iyong ginagawa. Patuloy ka sa paghawak sa akin. Your comfortable carress has triggered unfamiliar restlessness. Hinalikan mo ako sa noo.

I love you so much. Thanks for coming to my life, Marcus. I won't hurt you. And not even let you go. I love you so much.

Hindi ko alam kung alam mo na narinig ko iyong mga sinabi. Napangiti nalang ako at muli, naramdaman ko ang init mula sa aking puso.




Wednesday, January 23, 2013

Forever


Naniniwala ako na lahat ng ending ay ang simula ng isang mas magandang kwento.

It wasn't planned. Wala akong planong bumaba for dinner pero I suddenly remembered na dapat kong bayaran ang aking internet bill. Kung hindi ko ito babayaran ay madidisconnect ako. So I had to rush to the mall near our office and then, I paid my bill.

Dahil siguro may oras pa ako para lumakad ng kaunti, iyon nga ang aking ginawa. I went walking. I checked the latest movies and their respective schedules. None of them interest me. Nagpasya akong maglakad-lakad muli. Hanggang sa nakita kita.

You were so handsome. I tried gazing at you. Nagulat ako nang makita kong ikaw rin, ay nakatitig. Hindi ko ito binigyan ng kahulugan. Tinantya ko rin kung straight ka. Mahirap na at baka ako'y mapaaway. I tried keeping myself busy. Muli akong bumalik sa side ng Cinemaworld kung saan makikita ang schedule ng mga bagong pelikula. Nakaupo ka malapit dito. I intentionally went to that place to check on you. Pero pinipilit kong magpakadiscreet dahil ayaw kong lumabas na masyado akong pacute.

Muling nagtama ang ating mga mata. Hindi ko maipaliwanag pero para akong napako sa iyong mga titig. That look on your face. That certain look that almost made me melt. You looked so sincere, sobrang maamo, an air of sophistication's also felt within your aura. I found myself indulging in your totality. Wala ni isa man sa atin ang nagalis ng tingin. Walang gustong huminto sa pagtitig. Umaasa ako na sana ay gusto mo ako kaya mo ako tinitignan.

All of a sudden, ikaw ay ngumiti. Alam kong gusto mong tumabi ako sayo dahil na rin sa iyong mga tingin sa bakanteng upuan sa iyong tabi. Ngunit ako ay nagdalawang isip. I find it difficult trusting people. Malay ko ba kung callboy ka or criminal. Mabuti nang maging maingat.

Patuloy ang iyong mga titig. Nakikita ko ang pagsusumamo. I checked my phone at nagulat ako dahil oras na para ako ay bumalik sa opisina. I tried to think what to do pero parang nagkusa ang mga paa ko na tumabi sa iyong upuan.

Nakita ko ang iyong magandang ngiti. Mas nakita ko nang maigi ang iyong features. Lalaking-lalaki. May mga wrinkles ka na pero para sa akin ay nagdagdag lang ito sa iyong kakisigan. Walang gustong magsalita sa atin pero naririnig natin ang sigaw ng ating mga puso. Nakaramdam ako ng init. Hindi ito libog dahil hindi naman ako tinitigasan. Maybe it was the emotional warmth someone feels when he's with someone special.

Are you afraid of me?,” tanong mo sakin.

Napangiti ako. Maybe you read it due to my gestures.

Yes. A bit,” prangka kong sagot.

I heard you laugh. Tinignan kita at nakita kong nakatitig ka sakin. You are now then, giggling. You looked so cute. Biglang nagseryoso ang iyong mukha.

Why are you afraid?”

I-i don't know.”

I felt warm, again.

Would you mind if we go on a walk? I better get going. I still have work at 8.”

Nakita ko ang iyong mukha. You suddenly looked so happy.

Sure.”

I started walking and you followed. We kept exchanging glances and grins. Nakakapanibago dahil I am the usual flirt. This time, para akong nautal. My charm left me for a moment. Was I just too overwhelmed by you?

Are you still scared of me?”

A bit,”

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay mo sa aking balikat. It was warm and soft. I felt you drawing me closer to your body. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha.

Please, don't be scared. I'm a good guy. I want nothing but the best for you. Please, trust me on that.”

Mas lumakas ang tibok ng aking puso. No one has ever made me feel that way. You are a complete stranger pero sobrang lakas ng attraction ko sayo at ramdam ko na ganun ka rin sa akin. It was just different and honestly, I didn't want our momentum to end.

Please trust me. I really do like you. I swear. You are my type.”

And now. I was enveloped with that warm feeling. I was blown away. No one so frank has made it direct me. Ikaw lang.

Alright. I trust you.”

I smiled. Pagkasabi ko nito ay parang gumaan ang aking pakiramdam. Parang handa na ako kung saan man to tutungo. I saw that happiness in your eyes.

Nagpaalam na ako dahil kailangan ko ng bumalik sa office. You walked with me. And when we already said our farewells, you gave me a kiss on the forehead. Walang pakialam sa mga makakakita.

I like you a lot. I really do,” that husky voice made me feel so warm.

Yes. Kinikilig ako. Promise.

Me too.”

Susunduin kita after work. I need to see you. Please.”

I'd be glad too.”

You gave me one more kiss on the cheek. I squeezed your hand and hurriedly went out of the mall. Muli kitang nilingon and I saw you happily waving your hands like a kid.

I felt warmth. It's like home.

Lumipas ang ilan pang oras at uwian ko na. Akala ko ay nagbibiro ka lang pero hindi ko maalis ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang iyong sasakyan, at ikaw. You kissed me on the forehead at inalalayan ako pagpasok sa iyong magarang sasakyan. My officemates were all shocked. We drove to your place. And you never let me go. You held me tight. And it felt like forever.





PANYO




JULY 27, 2011


Sabi nila, masama daw ang magregalo ng panyo. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dun. Sa palagay kasi eh wala namang masama kung magbigay ng panyo ang isang tao sa kapwa. Dahil sa pagbibigay nito, sigurado namang maganda ang intensyon ng taong nagbibigay sa taong bibigyan.

Apat na taon na kaming magkakilala. 


Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong naalalang naging bonding namin. Walang usapang tumatak. Pero ngayon, heto at mag-aanim na buwan na kaming nagsasama. Isang relasyong ipinagbabawal ng aming mga magulang. Isang relasyong mali sa mata ng maraming tao.

Totoo pala yung sinasabi nila ano?


Yun bang sa umpisa lang pala ayos ang lahat. Sa simula lang madali. Sa simula lang masaya.


Kaya nga raw naimbento ang "monthsary", kasi karamihan ng relasyon sa panahon ngayon, hindi na umaabot ng taon.


Masaya naman kami. Yun ang pagkakaalam ko. Pwedeng hindi buong araw masaya. Pero may moment naman sa isang buong araw na masaya kami. Kaya araw-araw, masaya kami.


But that's what I thought. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang iniisip nya eh. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.


Pero ako, walang duda, masayang-masaya. Hamakin mo ba namang makarelasyon mo ang taong apat na taon mong minahal ng palihim 'di ba? Sinong hindi matutuwa nun?


Pero nitong mga nakaraang araw, parang umabot na sa puntong puro away-bati ang naging drama namin. Hindi ko nga rin talaga alam kung bakit eh, pero napakaseloso ko. Kahit sa mga maliliit na bagay-bagay. Siguro, praning lang talaga ako.


Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Daddy Rovi. "Kung saka-sakaling maghiwalay kayo, ikaw ang sisisihin. Sinasabi ko sa'yo", sabi niya. "Given the fact na hindi ka niya lokohin ha. Kasi JJ, iniisip mong madali kang palitan. Ilang beses ko nang sinabi sayo at sasabihin ko ulit, na walang magandang maidudulot yang insecurity mo."


At sinermonan pa ako ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Alam mo kasi, sayang. Matalino ka pa man din. You have many good qualities. Pero babagsak ka dahil sa insecurities mo.", sabi ni Kent.


Minsan nga napaisip ako eh. Kung paano ba akong nakilala agad ni Daddy Rovi. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Pero and punto ko lang naman, hindi mahirap mainsecure kung ang mukha mo eh, konti nalang, papasa ng p'wet ng kaldero, butas butas pa.


With all that's been going on, bumili ako ng tatlong pirasong panyo. Isang pink, isang blue, at isang puti. Ugali ko na kasing pinupunasan ang ilong at noo nya pag namamawis eh. Sa tatlong panyong yun, puti nalang yung natira. Pano naman kasi, yung blue, naiwan sa kanal. Yung pink, naiwan sa sasakyan.


Dumaan ang mga araw na medyo napapadalas ang mga away-bati namin hanggang humantong na sa huling linggo ng klase sa buwan ng Disyembre kung kailan naka-schedule ang field trip namin sa Maynila.


Alas tres ng umaga ang alis namin. Nang araw na iyon ay ginising niya ako. Naligo, nagtooth-brush, nagbihis at kumain ako bago mag-alas tres. Nang pumatak ng alas tres sa suot kong relo ay nagpaalam na ako sa kanya. Isang halik sa labi ang pabaon niya sa akin nun.


"Maghanap ka ng iba dun ha.", sabi niya.


"Bakit?", tanong ko.


"Ahh, so may balak ka talagang maghanap ng iba? Subukan mo lang, basag 'yang mukha mo sa 'kin.", sabi nito.


Tumawa ako. 


At least alam kong ayaw niya akong mapunta sa iba. Mahal niya ako. At yun ang pinanghahawakan ko.


Nang matapos ang field trip ay bumalik na kami sa probinsya namin. Sinorpresa niya ako. Talagang bumalik siya sa boarding house para makita at makasama ako. Isang buong magdamag na naman kaming nagkwentuhan. Nakakatuwa nga eh. Paano ba naman, sinasampal, sampal niya ako. Pero yung tipo ng sampal na kontrolado, at siguradong hindi ako masasaktan. Ganun kasi siya kapag namimiss niya ako eh.


Matapos ang araw na iyon ay medyo natagalan ulit bago kami nagkita. Magpapasko na pero hindi ko pa siya nakakasama.


Noong bisperas ng gabi ay nagpadala ang ng text message sa kanya. Isang hiling. Na sana ay magkasama kami sa araw ng Pasko.


Kinaumagahan, nagsimba ako. At pagkatapos na pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa bahay nila Tita upang makigamit ng laptop. 


Habang nag-la-log out ako sa Facebook, pag-angat ko ng tingin, nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko. I smiled. Scratch that, I almost cried. Syempre, namiss ko siya. He made my day complete. Lalo na at Pasko.


Dumating ang buwan ng Enero. Magbibirthday siya. His debut. Tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang kulay.


"Pink", sabi niya. "Ano na naman yan?"


"Wala. Secret", sabi ko.


Bumili ako ulit ng panyo. Pink. Na tumagal lang naman ng isang araw at nawala rin ulit. Syempre, na-disappoint ako.


"Ayus lang yun. Sa dami ng inaasikaso niya para sa birthday niya, sigurado  naman akong hindi niya sinasadyang mawala yun eh.", naisip ko nalang.


Dahilan kung bakit bumili ako ulit ng panyo. Pero nang binigay ko sa kanya ay tinaggihan nito.


"Bakit?", tanong ko.


"Eh kasi nga, lagi nalang nawawala. Sayang naman. At isa pa Jay, hindi mo ba alam na masamang magregalo ng panyo?", sabi niya.


"Sige nga, bakit bawal magregalo ng panyo?"


"Basta lang. Mas okay nang ako nalang ang bumili ng panyo para sa sarili ko kesa naman sa bigyan mo pa ako."


Tahimik lang ako.


Palihim kong inilagay ang panyo sa bulsa ng bag niya. Palibhasa kasi, hindi niya alam kung bakit ko siya binibigyan ng panyo.


Bakit nga ba?


Kasi, paano nalang kung wala na kami? Sinong magpupunas ng luha niya sa t'wing iiyak siya ng dahil sa pamilya, sa skwela at sa mga problema niya. Sino na magpupunas sa kanya pag namamawis siya?


Binibigyan ko siya ng panyo para sa t'wing may mangyayari na magpapaiyak sa kanya, nandyan ang panyo ko para damayan siya.


"Wag mong wawalain ang panyo ko ha. Dahil yan ang patunay na nandito lang ako lagi para sa'yo. Yan ang patunay na nadito lang ako at patuloy na magmamahal sa'yo."


JANUARY 8, 2011 ---- Naghiwalay kami.



WAKAS

Tuesday, January 22, 2013

Bullets for my Valentines- Part 57 (Wakas)



Author's Note:

BASAHIN NINYO TO (hahaha):

"We can only learn to love by loving..."

- Iris Murdoch

Hi Guys! Gulat kayo no? hahaha Ang ganda ng kanta.... Kapag hindi nagplay yung "A thousand Years" ni Christina Perri, basata humanap kayo ng way para mabasa ninyo ito ng natugtog tong A thousand years.

Last na tong Chapter na to. At this time ay totoo na siya. Haixt. This is Farewell na talaga.I will miss you guys...

Sa lahat po ng walang sawang tumangkilik ng Bullets for my Valentines, ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyo. Sa mga commentator... maraming salamat. Wag ninyong kalimutang mag comment dito.... Kundi... magtatampo ako... hahaha

Naalala ko way back there, habang isinusulat ko tong kwentong ito, iniisip ko na baka ganito ang mangyari sa akin someday. hahaha. Pero kwento lang to. ILan sa mga scene dito nangyari sa akin pero di naman lahat, yung iba Mga kalokohan or what.

Di ko akalain na hahaba tong kwentong ito. Humihingi ako ng sorry kung minsan late na ako mag update, aba naman. hahahah. Joke. Kadalasan kasi isang linggo ako mag update. Yun naman talaga eh. Parang manga lang.hahaha. Pero nakakainis dun sa manga, minsan kasi ang tagal nila mag update. hahaha.

Naka schedule pa tong post na to. Oh diba. From Chapter 51 hanggang sa last Chapter na to, tiniyaga ko na ipost. Kanina pa akong 1 dito. hahaha.. sakit na ng mata ko. haixr.


Pero ayos lang, para sa inyo naman eh. You know, dahil sa mga comments ninyo, nawawala stress ko. Minsan natatakot akng tignan ang comments ninyo, pero naisip ko lang, bakit ako natatakot eh sila yung nagbabasa at nagsusulat lang ako. Alam ninyo na nakatulong lahat nung sinabi ninyo sa akin. Paano kamo? Well, naimprove yung pagsusulat ko at nakikita ko kung paano ko kayo i-aapproach.

Alam ko minsan di nagkakaunawaan ang mga commentators ko, pero for the sake of the story, everyone united. hahaha. Welll ang haba na ng speech ko.

Bago ako magtapos ng speech, nais ko lang pong i[pabatid na NATUTUWA AKO AT NAGAGALAK at naibahagi ko ang talento ko sa pagsusulat. Itong kwentong ito ang nagsisimbulo ng mga katangian na minsan naaquire ko.

Sa mga writers out there, sana pagbutihan natin ang pagsusulat para sa readers natin...

May next nga pala akong story....

"Less Than Three..."

Hope na subaybayan ninyo.... Alam ko naman na sinusuportahan ninyo ako...

Sa mga followers ko, maraming salamat po sa inyo.. I love you guys... do follow my blog.... please.... try ko mag gawa ng twitter... hahahaha


Again, maraming salamat.... God Bless you....


Like my page pala para may connection parin tayo.... Love you guys....

I would like to thank God, for giving me this opportunity to write... and also for being there whenever I need.

-------------------------------------------------------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 57
"It's Like a thousand Years"

Always here,

Dylan Kyle Santos




 

 
Thousand Years - Christina Perri


************************************************************


[James’ POV]

Birthday ngayon ni AJ. Haixt. 

Bukas na yung operation niya. 

Nag request siya na gusto niyang bumalik sa dating bahay nila. 

Doon kami nag celebrate ng birthday niya.

Sabi ko wag na siyang mag kikilos. 

Naramdaman ko kasi na parang nanghihina na siya.

Kung ako lang talaga ang masusunod, di ko napatatagalin pa yung operation.


“Dhie... gutom na ako.” Sabi niya


“Papakainin na kita.” Sabi ko.


“Nasaan ang pagkain?”


“Nasa harapan mo.”


“Umay na ako jan.”


“Ouch ah.”


“Joke lang.”


“Sige na nga... pasalamat ka birthday mo...”


“Di mo pa ako na greet.”


“Happy Birthday Mahal ko.”


“Grabe ah kundi pa sasabihan.”


“May surprise kasi ako sayo.”


“Ano yun?”


Naglabas ako ng isang box. May singsing doon. Lumuhod ako sa harap niya. Napatakip siya ng bibig.


“Arwin Jake Montederamos... will you.. take me... James Arkin Ramos as your husband... will you marry me?” and I am hoping for a yes.


Na speechless ata siya kasi napatitig lang siya.


“Yes or no?”


“No...” sabi niya. Ouch ah


“Este Yes pala... I do.. I love you!” sinuot niya yung ring at hinalikan ako sa lips.


Our lips met and our kiss became deeper and deeper. 

Hanggang may kumatok, bumungad naman sila mama na nakangiti. 

Mukhang alam na nila ang nangyayari ah?


“Congrats.” Sabi ni mama.


“Mommy oh.... nag alok ng kasal si James.” Sabi ni AJ na sobrang saya.


“Well... it means wedding kaya dapat palakas ka para bukas.”


“Opo.” Sabi niya


 Pero bakit ganun, may halong kalungkutan sa mga mata niya. HIndi tuloy ako mapakali.


Masaya ako na makita siyang ganyan. 

Hindi niya ipinapakita na hindi siya okay pero deep inside alam kong nasasaktan siya, nahihirapan.

Habang nag prepare sila sa party ni AJ, naiwan ako sa kwarto. 

Inihabilin ko na muna si AJ kay Rizza. 

May nahalikwat kasi akong diary ni AJ.

Pinakialaman ko na ito. 

Dati pa to ah, highschool pa. 

Binasa ko ito.



Dear Diary,

Ang corny grabe, nag di-diary pa ako. Haixt. Wala lang naisip ko lang. Di ko na kasi mapigilan itong nararamdaman ko eh. Alam mo ba na si Rizza naman ay kinokontra ako lagi. Haixt. Pero may sasabihin ako sayo. Haixt. Na develop na ako dun sa mayabang na si James. Yeah. Di ko alam kung bakit pero i think... no.. I feel that mahal ko na siya. Di ko alam kung bakit pero mahal ko na siya eh.


Napangiti naman ako. Nilipat ko yung page tapos nag turn ako dun sa araw na sinagot niya ako.


Dear Diary,

            Kami na ni James... akala mo yun nahulog siya sa alindog ko... hahah.. and we had that thing called... tooot.... grabe.. ang hot ng body niya tapos ang laki nga... ng... ng muscles.... hahaha.... nahirapan ako... hahahah.. first time ko yun kaya di ako nag sisisi..... alam mo ba na masaya ako... sobrang saya.. kasi kami na.... and, his lips, ang lambot... Ang hot talaga ng body... di ko mapigilangng makaramdam ng hard.... hahaha... I love him!!


Napatawa na ako dito. Nilikdangan ko na yung ibang page at nilagay doon sa may current. Marami akong nakitang notes.


Dear Diary,


            Masaya naman ako ngayon sa piling ni James, pero prino-problema ko yung kay Chad. I think Chad likes my James. Di anman ako papayag na maagaw siya pero ang hirap din eh kasi best friend ko si Chad. Mahal naman namin ni James ang isa’t-isa.nga pala, today nagkausap kami ni papa. Tinatanong niya ako about dun sa sakit ko. Napapadalas na kasi yung sakit eh. Di ko na iniinom yung gamot ko, wala ring epekto. alam ko mawawala din tong sakit ko. Yung love kasi ni James ay okay na para sa akin. Ang swerte ko talaga sa kanya.

            Sabi ni doc kailangan daw mag pasurgery na ako. Haixt ayoko nga. Bakit ba? Natatakot ako! Pwede ba! Sabi kong ayaw ko kaya di nila ako mapipilit. Natatakot ako. Ayokong mamatay pa! Baka kasi di na ako magising. Paano na si mama, si papa, si baby, si ate, sila bunso... si rizza, marami pang iba.... lalo na ang pinakamamahal ko? Paano na si James pag namatay ako? Ayoko ngang iwan sila.... Basta di ako mag papaopera..... Mabubuhay ako alam ko yan....


Naiiyak ako sa nababasa ko. 

Mahal na mahal talaga ako ni AJ at di ko ma question yun. 

Pero, paano na ako pag nawala siya? 

Hindi ko kakayanin promise. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya.

Binasa ko pa yung ibang diary niya. 

Doon ako lalong naiyak sa nabasa ko. 

Doon ko naramdaman na napakasama kong tao at iniwan siya.


Dear Diary,

            Heto ako at nagkukulong sa kwarto. New hairstyle na nga pala ako.kakauwi ko lang din galing dun sa vacation namin na nagpa stress lang sa akin. Una, ang sakit. Heto ako at umiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ipinanganak ako na mahina? Ang tanga tanga ko kasi, pabaya ako sa sarili ko? Lagi na lang akong umiiyak. Nag dadalawang isip na rin akong mag pa-opera. Nag decide na kasi akong mag paopera, pero nung nawala si James, nawala na ulit yung willingness ko. Ayoko na.


Dapat kasi di mo na ako hinintay.


            Alam mo ba na nagpagupit ako para kay James. Para naman mapansin niya ako. Mas gwapo naman ako kay Chad, pero bakit ganun, siya pa rin ang pinili niya? Nakakainis nga eh. Haixt. Sa rest house nila Johan, sobrang nasaktan lang ako sa nangyari. Lalo na nung gamitin niya yung nangyari sa amin at sabihan ako na “Sino ang mas magaling sa amin ni Kuya?”. Daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa tanong niya. Ang alam niya kasi ay kami ng kuya niya pero pinagseslos lang namin siya. Yung halikan pa lang niya ako masaya na ako, pero yung ginawa niya, lalong nag pakasakit noon. Akala ko mamatay na ako after nun kasi inatake na naman ako noon. Haixt.



Grabe pala ang ginawa ko. Nakuyom ko ang mga kamay ko.




            Tapos yung moment na mas pinagtanggol pa niya si Chad, ang sakit sobra. Daig ko pa ang nasunugan. Sobrang sakit kasi eh. Haixt. Mas masakit yung sinabi niya sa akin na sana magkasakit ako sa puso para maramdaan ko yung nararamdaman ni Chad. Gusto kong ipamukha sa kanya noon na wag siyang mag alala kasi may sakit na ako sa puso. Na nararamdaman ko ang triple sa nararamdaman ni Chad. Gusto ko ng mamatay noong panahong yun. Pero naisip ko sila mama at papa, paano na lang sila.


            Ano bang nagawa ko at nagkaganito ako? Bakit kasi may sakit pa ako? Bakit pa ako pinaasa ni James? Bakit? kung alam ko lang na iiwan lang niya ako, sana di ko na siya binalikan. Pero mahal ko pa rin siya eh kaya kahit anong manyari di ko pa rin magawang di siya mahalin.mahal kita James kahit na nasasaktan ako.




Tumulo na ang luha ko sa nangyayari. 

Ang sakit sakit na eh. 

Ganito pala ang pasakit na ibinigay ko sa kanya. 

Masasabi ko na ako ang isa sa pinaka dakilang manhid sa mundo.

Pero naagaw ang atensyon ko sa last page. 

Ito yung entry niya 3 days ago. Matamtam kong binasa ito.


Dear Diary,

            Pwede na akong mamatay. Haixt. Kasama ko na si James ngayon. Happy na ako. Okay na rin naman kami ni Chad. Yung moment na nag kaayos kami ni James, naramdaman ko na for a moment nawala yung sakit ko. Pero kahit anong tanggi ko, feeling ko anytime mamatay na ako. Nanghihina ako, halos dinodoble ko na yung pag inom ng gamot para lang mabuhay pero wala pa rin eh. Umaasa pa rin ako na mabubuhay ako. Pero sa kalagayan kong ito, unt-unti akong nanghihina.

            Patago akong umiiyak sa gabi. Ayaw kong makita si James na nag aalala para sa akin.tinatago ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko pang umabot sa birthday ko. Ilang araw na lang at oopearahan na ako. Malapit na ang judgement day. Nag pauwi ako sa amin, bakit kamo? Gusto ko kasi kung sakali man na hindi ako umabot, gusto kong mamatay sa bahay namin. Pero mas gusto ko ang mamatay sa yakap ni James.

            Mas mapapayapa ang kaluluwa ko kung ganun. Nag jojoke ako ngayon sa sarili ko pero sa totoo lang natatakot ako. Ano nga ba ang pakiramdam ng mamatay? Yun ba yung wala ka lang maihinga? Saan ba ako pupunta pag namatay ako? Ayoko pang mamatay, kaya nga lumalaban ako, pero kahit anong laban ko, yung katawan ko sumusuko na. Ayoko na, nahihirapan na ako. Ang sakit, ang sakit-sakit na sobra. Feeling ko nga kapag nanjan si James ay okay ako. Gusto ko ng magpahinga pero paano na lang sila?

            Paano na si mama? Lalo siyang malulungkot. Paano na si Papa? Lalo siyang maghihinagpis. Mahal na mahal ko sila sobra. Paano na lang si ate, wala na siyang makakaasaran? Paano na lang si Rizza? Wala na siyang best friend na tapat. Eh si Khail, kawawa naan ang baby ko. Wala ng mag aalaga sa kanya kundi ang asawa ko. Eh si James, ayokong iwan siya. Paano siya? Kung pwede lang na makasama ko pa siya.

            Pwede kaya na makasama ko siya doon sa kabilang buhay? Siguro matatagalan pa yun. Pero kung sakaling mamatay ako, sana wag na siyang humanap ng iba. Mumultuhin ko siya kung sakali. Haixt. Kung mamatay man ako, gusto ko lumigaya si james kaya kung ang kaligayahan niya ay ang humanap ng iba, okay sige, papanoorin ko na lang siya habang nasasaktan ako. Sige ako ang selfish. Akin ka lang James. Haixt.

            Sana wag niyang mabasa to. Haixt. Nakakahiya lang. Joke lang yun, kung sakaling mawala na ako, sana humanap ka ng taong magpapasaya sayo. Haixt. Ano ba to, daig ko pa ang naghahabilin. Nga pala, lahat ng accounts ko, e-mail at kung anu-ano pa nandun sa blue na notebook. Yung binigay mo sa akin dati. Lahat yun nadun. Bakit ganun? Pinapalagay ko na si james ang nagbabasa neto?

            James ko, ayokong masaktan ka kaya lumalaban ako. Mabubuhay naman ako diba God? Gusto ko pang mabuhay kaya konting araw pa. Kahit isang taon pa... mabuhay lang ako. Di pa ako ready eh. Masasaktan lang sila. Si mama, si papa lalo na si James. Ayaw kong magdusa sila ng dahil sa akin.

            Birthday ko na nga pala.kinakabahan ako sa araw na yun, feeling ko yun na yung time para mag pahinga. Haixt. Wag naman sana. Sana sa araw na yun, buong gabi magkasama kami ni James. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong maramdaman ang mga yakap niya... kahit na sa huling sandali lang...

Napahagulgol na ako sa pag iyak. 

Wag muna AJ please. 

God, please po. 

Naniniwala naman po ako sa inyo eh. 

Please po, wag muna.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. 

“Dhie... bakit nanjan ka pa?”


“Ah eh maliligo lang ako.” Sabi ko.


“Wag na.. tara na...”


“Wait...” pinahid ko muna yung luha ko. Itinabi ko yung diary.


“Ang gwapo mo ngayon.” Sabi iya sa akin pagkabukas ko ng pinto.


“Kaya mahal na mahal kita eh, ang galing mong mambola.”


“Teka, umiyak ka ba?”


“Hindi po ah...”


“Weh?”


“Mahal na mahal kita... kapag may masakit sabihin mo agad sa akin ha? Please sabihin mo sa akin....”


“Bakit ka ba ganyan?”


“Please.... makikinig ka lang sa akin ha.. promise me...”


“Opo promise...”


“Kaya tara na bumaba na tayo..” sabi ko.


Habang nasa baba kami, isang masayahing AJ ang nakita ko. 


Hindi mo makikita sa kanya yung malungkot na AJ, yung nasasaktan ba.


We dance, party at kung anu-ano pa. 

Habang nagsasayaw kami, 

I hug him so tightly.


“Kanina pa kita napapasin na kakaiba kinikilos mo.” Sabi niya


“Gusto lang kitang yakapin ng sobra...”


“Weh... may ginawa kang kalokohan no? nambabae ka? Nanlalaki ka?”


“Etong mukhang to manlalaki?”


“Aysus...”


“I love you....”


“I love you too...”


Di ko mapigilan ang mapaluha tuwing makikita ko yung mukha niya. Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit na nararmdaman ko.


“AJ! MAHAL NA MAHAL KITA! KAYA KONG TAWIRIN ANG DAGAT PARA SAYO! KAYA KONG MAGLANGOY SA BULKAN MAHANAP KA LANG! KASING LAWAK NG KARAGATAN, KASING TIBAY NG PUNO NG NARRA, KASING TAAS NG KALAWAKAN AT KASING NINGNING NG BITUIN ANG HANGARIN KO NA MAKASAMA KA HABANG BUHAY! MAHAL NA MAHAL KITA AT WALA NG IBA PANG TAO ANG MINAHAL KO NG GANITO! AKO AY SAYO LANG AT IKAW AY AKIN LANG. HINDI KO KAYANG MAWALA KA AJ! MAHAL NA MAHAL KITA! IF YOU FEEL SAD, LEAN ON MY SOULDER. IF YOU WANT TO CRY, ETO PANYO. PERO PAG DI MO NA TALAGA KAYA, YAYAKAPIN KITA PARA MARAMDAMAN MO NA HINDI KA NAG IISA. NANDITO LANG AKO LAGI PARA SAYO. GANYAN KITA KAMAHAL!”


Nakita kong napatakip siya ng bibig at tumulo ang luha. 

Umiiyak siya. Natouch siguro sa sinabi ko. 

Niyakap ko siya ng mahigpit. 

Tinitigan nila kaming dalawa at nakita ko na nag lingid sa kanilang mga mata ang mga luha.


“Mahal na mahal kita James...” sabi niya sa akin.


Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. 

Ang tagal ng halik na yun, habang hinahalikan ko siya, nagsanib ang aming mga luha.


Di ko pa kaya. God, eto ba yung kukunin mo? Isang mabuting tao? Isang mabuting bata? Ang saya-saya niya ngayon. Birthday pa niya ngayon. Ilang beses na siyang nawala sa akin at hindi ko na kaya pang mawala ulit siya sa akin. God please nakikiusap ako sa inyo.


Isang oras lang matapos ang kaganapan, nakarinig na lang ako ng kaguluhan. 

Kumuha kasi ako ng tubig para kay AJ pero nagulat na lang ako ng marinig ang mga boses nila.


“James!!!! SI AJ!!!!” sigaw nila


Nabitawan ko yung baso ko at nagtatakbo sa kanila. 

Nakita ko si AJ na nakahandusay sa baba at walang malay.

 Lalo akong kinabahan ng sinabi nila nahindi nahinga si AJ.

Inihiga namin siya sa may kwarto niya at kinuha ko yung inhaler niya. 

Umiiyak na ako sa tabi habang pinapanood siya. 

Hinawakan ko yung kamay niya. 

“AJ PLEASE!” sigaw ko.

Lahat sila nag iyakan narin.


God, ngayon na ba yun? Ngayon ninyo na po ba kukunin ang mahal ko? Bakit ang bilis? Wag muna! Please! Birthday pa niya.


Naramdaman ko na pinisil niya yung kamay ko. 

“AJ... anong pakiramdam mo?” nakita ko ang pagsimangot niya


“Dalhin na natin siya sa ospital.” Sabi ni mama.


“Ay... ayoko.. ayoko....” sabi niya


“Mahal... mas okay ka doon.”


“Gusto ko dito....”


“Mahal ko.. please.. wag ngayon...”


Ngumiti siya. “Tubig.”


Agad naman kumuha sila ng tubig at uminom si AJ. 

“Ayoko sa ospital... bukas pa ako pupunta doon.” Sabi niya


“Bakit ka ba nahimatay?”


“Acting lang yun.. para ma prepare kayo...” pagbibiro niya


Kinurot ko ang braso niya. “Aray naman.” Sabi niya


“Di nakakatuwa yung joke mo.”


“Halika nga dito...” niyakap niya ako.

"Mahal, gusto kong mayakap sila mama." unti-unti lumapit sila. Si mama, papa, Rizza, si mama at marami pang iba.


“Pahinga na tayo.. pagod na ako eh..” sabi niya.


Nagsi-alisan na sila. 

Alam nila ang gustong mangyari ni AJ, gusto niyang maiwan kaming dalawa. 

Nagbihis na muna ako at binihisan ko siya.


“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko.


“Ayos lang?”


“Yung totoo? Anong masakit?”


“Wala na... manhid na ako mahal ko. Lahat naman kinaya ko na eh, eto pa kaya?”


Tumabi ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. “Sana pwedeng ipasa yan.. kukunin ko lahat yan.. ayaw kitang nasasaktan eh.” Sabi ko.


“Ayoko namang nahihirapan ka sa akin... kaya nga gusto kong magpahinga na eh... pero natatakot lang talaga ako...”


“Masakit eh.” Sabi ko.


“Kaya nga eh... ayaw kitang masaktan kaya nagtitiis ako... Gusto pa kitang makasama.”


“Pero... pero kung di mo kaya.... okay lang.. kakayanin ko na lang.. kaysa sa nahihirapan ka..” sabi ko.


Kahit nagsisinungaling ako, alam kong alam niya na hindi ko kaya na mawala siya. 

Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Ayaw kong nasasaktan ka. Pero paano? Darating din naman ako doon? Di ako natatakot mamatay, ang sa akin lang, natatakot akong iwanan ka kasi feeling ko di ko kayang mahiwalay sayo.”


“Gusto ko after nating mag graduate ikasal na tayo.” Sabi ko.


“Ang tagal naman nun.... baka wala na ako noon.”


"Bakit iiwan mo na ba ako?"


"DI ko alam..."


“Shhh..” sabi ko.


“Totoo naman eh. Malay ba natin.”


“Gusto ko dito ka lang sa tabi ko.” Niyakap niya lang ako ng mahigpit.


“Umamin ka sa akin, nabasa mo diary ko no?” tanong niya


“Sorry...”


“Tutulog na ako...” pag-iiba niya ng usapan.


“Mamaya na.. please... konting oras lang hinihingi ko...”


Ngumiti lang siya.


Lord, konting oras pa, ihahanda ko lang ang sarili ko. Hindi pa ako handa eh. Kahit konting oras na lang. Pag bigyan na po ninyo ako. Please.Gusto ko pang marinig yung boses niya. Gusto kong namnamin ang mga sandaling kasama ko siya.


“Kapag nawala ako... maghahanap ka pa ba ng iba?” tanong niya sa akin.


“Hindi na.. ikaw lang para sa akin. Wala nang makakapalit sayo. Ako ay sayo lamang.”


“Woah.. feeling ko di yan matutupad.”


“Lagi mo na lang akong pinagdududhan.” Sabi ko.


“Joke lang... wag mong intindihin yung sinasabi ko dun sa diary.” Sabi niya


“Bakit ganyan ka? Lagi mong binabawi lahat ng sinasabi mo? Haixt.”


“Di ka pa ba nasanay sa akin? Si Arwin Jake Montederamos to eh...”


“Sanay na nga eh. Haixt. Mahal na mahal kita...”


“Mahal na mahal din po kita... Basta kung sakali man na makahanap ka, yung mas gwapo sa akin o kaya maganda siya ha. Piliin mo yung mabait, wag kang hahanap na kamukha ko, maooffend ako kasi nag iisa lang ako sa mundo.” Sabi niya


“Hindi na ako maghahanap. Seryoso ako.” Sabi ko.


“Si Khail ingatan mo ha.. please....”


“Oo mamahalin ko siya... at magsasama tayo habang buhay...” sinasabi ko pa rin yun


Tama naman God diba, think positve. Pwede ba bukas na lang po siyang kunin sa akin? Gusto ko pa siyang makasama ng buong magdamag.


“Onting oras na lang.” Sabi niya


“Ayaw mo na ba akong makasama ng mas matagal?”


“Gusto pa... if time wll permits...”


“Be strong...” sabi ko


“Kinakaya ko naman eh. Para sayo...”


“Konting oras na lang eh.. bukas na naman operasyon mo diba? Hintayin mo na. Tatagan mo, para sa akin. Di ko ata kaya mawala ka ngayon...”


Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. 


“Tanda mo ba yung una tayong nagkakilala?” tanong niya. Alam kong nagiiwas na siya.


“Yeah... noon nga di pa tayo nag iimikan.. mag kaaway pa tayo at hindi magkasundo.”


“Di ko akalain na mahuhulog ako sayo...”


“Ako pa... kilala mo naman ako.... lahat nahuhulog sa akin..”


“Aysus... kaya pala...”


“Oo na... kaya ako nahulog sayo....” sabi ko.


“Wag ka ng magtaka.”


“Oo na... iba kasi alindog mo.. hahah” saib ko.


“Haixt. Masaya ako ngayon.” Sabi niya


“mas masaya ako...”


“Sana habang buhay kasama kita....” sabi niya


“Nasa sa iyo yun...”


“Inaantok na ako mahal.. gusto ko ng matulog...” niyakap ko siya ng mahigpit.


Shit! Damn, ngayon na ba yun? Taena ang sakit, kinakabahan ako. Feeling ko hindi ko kaya. God, ngayon na ba yun?


Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. 


Niyakap ko siya sabay halik sa noo.



“Mahal na mahal kita AJ.... kahit ilang bala pa ang kailngan kong tanggapin... di mawawala ang pagmamahal ko sayo...” napangiti siya at nakita ko ang pagtulo ng luha niya.


“I love you too... di ka mawaala sa akin... mahal na mahal kita... Inaantok na ako... good night sweet dreams. Alam ko magkakasama pa tayo...”  nakita ko ang pait sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya.


God, willing akong maging carrier. Ako na lang please. O kaya, isama mo na rin ako, gusto ko siyang makasama.

“Gusto ko wag kang iiyak ha...” sabi niya


“Di ko alam.”


“Papanget ka eh...”


"Di ko alam..."


"Mag promise ka na di ka iiyak..."


"Promise breaker ako..."


"KAsi naman eh..."


"Oo na..."


“Mahal na mahal kita....”


“Mahal na mahal din kita...”


“Tulog ka na... sweet dreams.. andito lang ako sa tabi mo...” hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit at namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.


Ikaw ang nagiisang mahal ko AJ. Ikaw lang. Alam ko, magkakasama tayo. Kung di man dito sa lupa, alam ko sa langit magkakasama tayo... A thousand Years...





......


.....


....


...


..


.


“Daddy...”


“Urgsh...”


“Daddy...”


“oh...”


“Gising na po...”


“Antok pa ako baby eh...”


“Daddy.. dadalawin pa natin si lolo... pati si daddy gusto ko siyang makita...”


“Okay na.. sige na....”


Naligo na ako. Haixt. Tong batang ito talaga. 


Sila mama kasi nauna na doon. 

Ako at si Khail ay susunod na lang.


Isang taon na rin mula nangyari yung moment na yun. Kapag naaalala ko yun, naiiyak na lang ako. 

Ang sakit din maalala yung moment na yun.

Ilang balde ng luha ang ibinuhos ko doon. 

Hinding-hindi ko makakalimutan yung pagkakataong iyon.

After 1 hour, umalis na kami. Dumaan muna kami sa may SM para bumili ng brownies at bibingka. 

Nagmadali naman kaming bumili saka dumeretso sa may sementeryo.


Tumawag si mama. “Anak nasaan na kayo?”


“Papunta na po.. sorry nakatulog po ako..”


“Sige bilisan ninyo na... nandito na kaming lahat... Baka dalawin kayo ng mga patay sige ka.”


“Opo...”


At nagmadali na akong mag drive.


“Daddy... malapit na ba tayo?” tanong sa akin ni Khail.


“Yeah... eto na tayo oh...”


“Gusto ko ng makita si Daddy... miss ko na siya eh...”


“Yeah...” ngumiti lang ako.


Kakapark ko lang sa Holy Angel Memorial Herritage. 

Magkikita kita kami nila tita dito. 

Death anniversary kasi ng isa sa pinakamamahal ko sa buhay.


“1...2...3...” pag bibilang ni Khail.


“Oh baby ano yang ginagawa mo?”


“Nagbibilang po... daddy bumili ka ba nung favorite ni daddy?”


“Oo naman anak.... baka magalit pa sa akin yun kapag di ko dinala yun.”


Binunot ko ang cellphone ko at nginitian ang wall paper. 

Ang gwapo talaga ni AJ. 

Namutawi na naman yung luha sa aking mga mata. 

Bakit ba ganito ang epekto ng picture niya sa akin?

Habang naglalakad ako, unti-unti naalala ko yung nangyari noon. 

Yung sandaling kasama ko siya sa sakit na nararamdaman niya.

Habang papalapit ako sa may puntod, di ko maiwasan ang malungkot. 

Masaya kaya si AJ ngayon? 

Eh si papa kaya?

“Oh anak nanjan na pala kayo... kanina pa namin kayo inaantay.” Sabi ni mama.


“Oo nga naman. Kayong dalawa talaga.” Sabi ni Kuya.


“Haixt.” Sabi ko na lang.


Lumapit ako sa puntod ni papa at kinausap ito. 

“Pa... kamusta na? Eto ako malungkot pa rin. Pero kahit papaano masaya. Si Khail nga po pala, apo ninyo.. anak namin ni AJ....” at tumulo na naman ang luha ko.


“Napaka iyakin mo talaga.” Sabi ni Jaysen.


“Walang pakialamanan tol.” Sagot ko


Si Jaysen at Bianca nagkatuluyan na. 

Next year mag pro-propose si Jaysen kay Bianca. 

Eto naman ang gusto ni AJ eh, sila ang magkatuluyan.

Si Rizza naman ayon may boy friend na. 

Masaya siya sa piling neto. 

Remember si Steven? Yung best friend ni Jaysen, siya yung boyfriend ni Rizza.


Si Chad naman, ayon scholar sa ibang bansa. Balita ko nga may manliligaw daw. 


Last summer binisita niya kami dito. 

Nabalitaan niya yung nangyari noong birthday ni AJ. 


Pero okay na rin naman ang lahat.

Samantalang ako, eto, masaya. 

Kasama ko ang baby ko na cute na cute at mahal na mahal ang DADDY AJ, niya. 


Masaya kami... pero mas masaya kung narito yung...









“HOY!” narinig ko na naman ang boses niya.






Namiss ko tong boses na to. Sana lang pagmulat ng mata ko nandyan lang siya. 


Namiss ko yung boses niyang nagsasabing 

“MAHAL KITA!” o kaya “NAMBABAE KA NO?” haixt.



“AJ mahal kita...” nasabi ko na lang.



“Mahal din naman kita....” namuo ang ngiti sa aking mga labi sa aking narinig.



Tumayo ako at hinanap kung saan galing ang boses na yun. 


Nakita ko ang isang lalaki na nakangiti. 


Ang amo ng kanyang mukha, tila anghel na lumilipad.


Nasa langit na ba ako? 


Bakit nakakakita ako ng isang anghel?


“Hoy lalaki, sino ba yang iniisip mo? Daig mo pa nag iimagine ng isang anghel ah?” sabi niya


“Iniimagine kasi kita.. halika nga.. namiss kita eh...”


“Aysus...” niyakap ko siya at hinalikan sa labi.


“Kamusta ka?”


“Okay naman ako... ako pa.. mas malakas pa ako sa kabayo..” sabi niya


“Pero last year lang akala mo kung sinong bibigay na...”


“Ayaw mo ba?”


“Siyempre gusto ko.. kaw talaga.. pasalamat ko nga at di ka Niya kinuha sa akin...”


Akala ko katapusan na ni AJ. Pero umabot siya. 


Sa tulong ng panalangin, naging maayos ang operasyon niya. 


Maayos na ngayon yung puso niya at wala na siyang sakit.


Kailangan lang talagang magpagaling siya ng dalawang taon. 

Sobrang saya ko noong nalaman ko na okay pa siya. 

Yung moment na akala ko mamamatay siya, kala ko magugunaw na yung mundo ko.

Pero pasalamat ako, hindi siya bumitaw. 

Mahal na mahal ko tong taong ito. 

Lahat ng bala sinalo ko para lang sa pagmamahal niya. 

Kahit pa sabihin niya na BULLETS FOR MY VALENTINES, tatanggapin ko makasama lang siya habang buhay. 

Lahat ng bala sasaluhin ko para lang sa pinakamamahal ko.



T H E  E N D



© 2012 by DylanKyleSantos

******************************************************

Maraming salamat muli sa pagtangkilik ng aking istorya... :))

******************************************************





























"Bakit ang symbol ng heart or love ay <3 (less than three) ?"

Malimit kong itanong yan sa sarili ko. Bakit nga ba? Siguro sa dulo ng istorya, malalaman ko ang sagot.



Minsan kung magmahal tayo, sobra-sobra.

Hindi natin alam kung kailan tayo iiwan ng mga tao, lalo na ng minamahal natin.

Paano na lang kung one day, ang taong pinakamamahal mo, wala na sa tabi mo?

Paano kung hindi ka na niya babalikan?

Paano kung iniasa mo na lang ang buhay mo sa kanya?

Ano ang gagawin mo?


Si Alex, isang ordinaryong tao lang na naghahanap ng tamang pagmamahal. Nahanap niya ito kay Blake pero sa di inaasahan, iniwan siya nito.


Pero paano kung sa mapaglarong tadhana, natagpuan niya ang isang lalaki? Isang lalaki na labis ang kalungkutan, kalungkutan matapos itong iwanan ng kanyang minamahal?

Yan si Kieth, gwapo, mabait, suplado pero mapagmahal. Sa di inaasahang pagkakataon, magtatagpo ang kanilang landas at magkakaron ng kasunduan.

Paano na lang kung maipit sila sa isang sitwasyon?


Paano kung ang minamahal ni Kieth, si Arjay, at si Alex ay ma ugnayan sa isa't-isa. Ano na lang ang magiging posisyon ni Kieth sa kanilang dalawa?


at si RD, ang kasintahan ni Arjay, paano kung malaman niya na si Kian at Alex ay iisa. Paano niya titimbangin ag puso niya kay Arjay at Alex?


Ngayong 2013, saksihan kung paano iikot ang kwento sa apat na tauhan. Tignan kung paano sila magbibigayan ng pagmamahalan.


Paano nga ba sila magbibigayan kung malalaman nila na magkadugo sila...


"Less Than Three"

by: Dylan Kyle Santos